Sabado, Nobyembre 28, 2015

Ang astral projeksyon at ang mga maniningning na panaginip.

Sagradong Aklat 54
Ang astral projeksyon at ang mga maniningning na panaginip. Ang paglipat ng paningin sa pananaw.
Ang unang gagawin natin ay itanong, ano ba ang astral projeksyon?
Ang tao ay binubuo ng higit pa sa isang simpleng pisikal na katawan. Matutuklasan natin na mayroon tayong iba pang mga katawan na kumilos bilang ating mga behikulo sa mas mataas na mga dimensyon. Ito ay nakakagulat sa ilang mga tao, ang katotohanang mayroon pang ibang mga dimensyon na hindi natin alam.
Sa ngayon kahit nasaan ka man naroroon ikaw ay isang multi-dimensional na tao. Ginagamit mo na ng sabay-sabay ang pagsakop sa haba, lapad at taas na siyempre ay ang klasikong tatlong dimensyon ang ikaapat na dimensyon ay ang oras na dumadaloy habang dumadaan tayo sa pisikal na mundo. Hindi ito tumitigil doon, ang dimensyon ay patuloy na tumataas sa mas mataas. Na pag aaralan natin ngayon.
Ang astral na katawan ay simpleng behikulo na ginagamit natin sa astral na kalagayan. Ang bawat dimensyon ay may katumbas na katawan o behikulo para sa mga ito. Ang isa na pinaka-pamilyar sa iyo ay ang isa na pinakamalapit sa iyo, ito ay ang iyong pisikal na katawan at ang pisikal na katawan ay simpelng behikulo na ginagamit natin upang sakupin ang tatlong mga dimensyon ngunit mayroon pa tayong ibang mga katawan na kumikilos bilang mga behikulo sa iba't-ibang mga dimensyon na hindi natin namamalayan dahil tayo ay hindi laging nakatutok sa kanila.
Ngunit sa iba't-ibang mga dimensyon maaari mong minsang maisip na ang mga ito ay iba't ibang mga suson o iba't ibang mga antas tulad ng isang hagdan, ngunit talagang ito ay iba't ibang mga dimensyon na tumatagos sa bawat isa ang mga ito ay tuloy-tuloy kaya lamang hindi mo ito maranasan ay dahil nakatuon ka lamang sa tatlong mga dimensyon na kung saan ito lamang ang iyong nakikita.
Kaperas ito ng ideya na kapag may signal ng radyo sa lahat ng dako sa hangin ang tanging signal na maririnig mo ay kung saang istasyon ng radio mo ito itinuon. Iyon lang ang tanging istasyon na makukuha mo bagaman ang lahat ng iba pang mga istasyon ay sabay-sabay na nasa iyong silid sa parehong oras kung ilipat mo lang ang iyong radyo sa isang bagong istasyon ang astral projeksyon ay maihahalintulad sa tono ng iyong sariling receiver o tagatanggap sa mga prikensiya ng mga iba't ibang mga dimensyon upang maramdaman at makipag-ugnayan sa kanila.
Ang astral projeksyon ay ganap na ligtas at natural na proseso na kung saan ang ating astral na katawan ay humihiwalay mula sa ating pisikal na katawan at napupunta sa astral na kalagayan. Bakit natin nasabi na ito ay lubos na ligtas at natural? Ito ay dahil ginagawa mo ito gabi- gabi. Sa bawat gabi kapag ikaw ay natutulog nangyayari ang astral projeksyon ang iyong pisikal na katawan ay natutulog, ang iyong kamalayan ay nalilipat mula sa pisikal na katawan sa iyong astral na behikulo at natatandaan mo ang mga karanasan ito bilang mga panaginip.
Ano ang astral projection?
Ang astral projeksyon ay nangyayari kapag ang ating kamalayan, ang ating pagkaalam kung sino tayo, ay bumubukas sa ating astral na behikulo at pagkatapos ay nagkakaroon tayo ng karanasan sa astral na dimensyon.  Ang kamalayan, ang kung sino tayo, ay higit pa sa pisikal na katawan. Ito ay isang bagay na maaaring gumalaw, lumipat sa paligid ng ibat ibang dimensyon. Ang pisikal na katawan ay nakatali sa tatlong mga dimensyon ngunit ang iyong kamalayan ang kung sino ka ay talagang kayang magpalipat lipat sa iba pang mga dimensyon. Kaya sinasabing kilala mo na ang iyong sarili bago ka pa man ipanganak ngunit nawaglit ito ng nagkaroon ka ng pisikal na katawan.
Iyon ang mangyayari kapag tayo ay nag-aastral proyek sinasama natin ang ating kamalayan palabas ng ating mga pisikal na behikulo at lumilipat sa isa pang behikulo palipat sa astral. Upang muling makita at maranasan ang bagay na hindi nakikita sa pisikal na mundo.
Ang bawat tao'y nakakaranas nito sa regular na batayan dahil ginagawa mo ito gabi-gabi kapag ikaw ay natutulog. Bahagi ng proseso ng pagtulog ay ang pagsasalin ng kamalayan mula sa pisikal papunta sa astral at iyan ay kinakailangang bahagi ng pagtulog, ang pamamahinga at pagpapagaling para sa pisikal na katawan ay ang paglipat ng kamalayan sa isang iba't ibang mga behikulo.
Ano ang astral na kalagayan?
Ang astral na kalagayan ay simpleng bahagi ng ika-limang dimensyon. Napag-usapan na natin ang tungkol sa tatlong mga dimension ang haba, lapad at ang taas. Ang ikaapat na dimensyon kung minsan ay tinatawag na isang mahalagang kalagayan o eterikong kalagayan na nakaugnay sa oras. Ang astral na mundo ay bahagi ng ika-limang dimensyon. Sa ngayon tayo ay malinaw na sumasakop sa una, ikalawa at ikatlo ngayon ang ika-apat ay ang eteriko na nakaugnay sa oras kahit na may mas mataas pang dimensyon. Mayroong pang-higit na dimension na umiiral sa labas ng astral na mundo.
Ang astral na kalagayan ay naglalaman ng limang sukat na aspeto ng mga bagay at mga bagay na ito sa tatlong dimensional na kalagayan tulad ng iyong katawan ito ay hindi humihinto sa pag-iral at ang iyong kamalayan ay hindi humihinto sa pag-iral.
Lahat ng bagay na umiiral ay umiiral sa maramihang mga antas tayo ay naka- tune in lang ngayon sa tatlong-dimensional na aspeto.

Iyon ang dahilan kung bakit kapag narinig mo ang kwento ng sinaunang kultura, sila ang mga sinaunang tao na nagkukwento sa mga taong taga siyudad at sinasabing ang mga bagay tulad ng maaari mong makita tulad ng malaking puno ngunit hindi mo talagang nakikita ang malaking puno kung ano ang tinutukoy nila ay ang ating abilidad upang mahiwatigan lamang ang tatlong mga dimensyon at hindi lumalampas at hindi nakikita maliban ang tatlong-dimensional na kalikasan na katangian ng mga bagay na nakapaligid sa atin.

2 Corinto 12: 1-21

Mga Pangitain at mga Pahayag
               1 Kailangan kong magmalaki, kahit na wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko naman ngayo'y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. 2 May kilala akong isang Cristiano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Hindi ko lang matiyak kung iyo'y isang pangitain lamang, o tunay na pangyayari; ang Diyos lamang ang nakakaalam. 3 Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari. 4 Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. 5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga kahinaan. 6 At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.

Pahayag 4: 1-11

Pananambahan sa Langit
               1 Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukas na pinto.
               At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, "Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito." 2 At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon. 3 Ang anyo niya'y maningning na parang mahahalagang batong jasper at kornalina. May isang bahagharing nagniningning na parang esmeralda sa palibot ng trono. 4 Nakapaligid naman dito ang dalawampu't apat pang trono na sa bawat isa'y may nakaupong isang pinuno na nakadamit ng puti at may koronang ginto sa ulo. 5 Mula sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ng Diyos. 6 Sa harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal.
               Sa apat na panig ng trono ay may apat na buhay na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod. 7 Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng leon; katulad naman ng baka ang pangalawa; kamukha ng tao ang pangatlo; at katulad naman ng agilang lumilipad ang pang-apat. 8 Ang bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi,
"Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
ang Diyos ng nakaraan, ng kasalukuyan, at siyang darating."

9 Tuwing umaawit ng papuri, parangal at pasasalamat ang apat na buhay na nilalang sa nakaupo sa trono, na nabubuhay magpakailanman, 10 ang dalawampu't apat na pinuno naman ay nagpapatirapa sa harap ng trono at sinasamba ang nakaupo doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabi,
11 "Aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan;
sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang mo at pinapanatili."

Ang iba't ibang mga dimensyon ay pinamamahalaan ng iba't ibang mga batas kaya dapat tayong tumingin sa astral na kalagayan, sa iba't ibang mga pag-iral, sa iba't ibang mga dimensyon sa labas ng tatlong mga dimensyon na nauugnay tayo.  

Kapag tinitingnan natin ang iba't ibang mga dimensyon at subukang paghahambingin ang mga ito, ang iba't ibang mga dimensyon ay tunay na pinamamahalaan ng iba't ibang mga batas. Isa sa mga kagiliw-giliw na mga bagay-bagay tungkol sa astral na kalagayan ay, mas kakaunti ang nais nating tawagan batas na nandito.

Ang pisikal na mundo na kung saan tayo naroroon ay karaniwang may mga pangunahing batas na namamahala rito. Habang tumataas tayo sa dimensyon mas kumukonti ang mga batas na ating na eenkwentro halimbawa sa astral na mundo dito ay walang grabidad o bigat, dito ay walang oras sa sandaling makapunta  ka sa astral umiiral ka ng labas sa oras.

Mayroong ding iba't ibang mga batas ng pisika na namamahala sa mosyon o paggalaw.
Noong ang mga sinaunang tao ay tumingin sa mas mataas na dimensyon ng magkaroon sila ng mga karanasan sa mas mataas na dimensyon napansin nila ang kawalan ng mga batas at ang iba't ibang grado ng kalayaan na nagmumula doon.

At kapag naranasan ng sinaunang tao ang mas mataas na dimensyon, sinasabi nila na ito ay isang napakagandang lugar, ito ay langit, ito ay paraiso kaya ang konsepto na mayroon tayo sa langit, sa paraiso, ng lahat ng mga iba't ibang mga relihiyon sa daigidig ay nagsasalarawan ng mga karanasan ng mga sinaunang mga tao sa mas mataas na dimensyon.

Awit 19: 1-14
Ang Paglilikha at ang Kadakilaan ng Diyos
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.1 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!
Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!
2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.
3 Wala silang tinig o salitang ginagamit,wala rin silang tunog na ating naririnig;
4 ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,
5 tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan. 6 Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran,
walang nakapagtatago sa init nitong taglay.

Genesis 1: 1-31

Ang Kasaysayan ng Paglikha
               1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa; a 2 ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos b sa ibabaw ng tubig. 3 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng liwanag!" At nagkaroon nga. 4 Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim. 5 Ang liwanag ay tinawag niyang Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang unang araw.
               6 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito'y magkahiwalay!" 7 At nangyari ito. Ginawa ng Diyos na pumagitan ang kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba. 8 Langit ang itinawag niya sa kalawakan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikalawang araw.
               9 Sinabi ng Diyos: "Magsama-sama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa." At nangyari nga ito. 10 Tinawag niyang Lupa ang tuyong bahagi at Dagat naman ang nagsama-samang tubig. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan. 11 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga." At nangyari ito. 12 Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan. 13 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikatlong araw.
               14 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. 15 Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig." At gayon nga ang nangyari. 16 Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan, upang tumanglaw kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. 17 Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig, 18 tumanglaw kung araw at gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y kanyang mamasdan. 19 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaapat na araw.
               20 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid." 21 Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. 22 Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: "Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig." 23 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikalimang araw.
               24 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa---maaamo, maiilap, malalaki at maliliit." At gayon nga ang nangyari. 25 Ginawa nga niya ang lahat ng ito, at nasiyahan siya nang ito'y kanyang mamasdan.
               26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit." 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, "Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. 29 Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon." At ito nga ang nangyari. 31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaanim na araw.

Jeremias 31:
35 Si Yahweh ang naglagay ng araw upang lumiwanag sa maghapon,
at ng buwan at mga bituin upang tumanglaw sa magdamag;
siya ang nagpapagalaw sa dagat kaya umuugong ang mga alon;
ang pangalan niya'y Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!

Roma 1:

20 Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.
Kapag ikaw ay nag astral sa mas mababang dimensyon masasagupa mo ang mas maraming mahihigpit na batas ang mga bagay ay istrikto mas siksik at mas kakaunti ang digri ng kalayaan.

Ng maranasan ng mga sinaunang tao ang dimensyon sa ibaba natin, sinasabi nilang napakaraming batas doon susunod ka kung ano ang iniuutos sa iyo, sinasabi nilang doon ay kakila-kilabot, ito ay isang lugar ng paghihirap, ng hapdi at walang taong gustong pumunta doon kaya iyan ang mas mababang dimensyon na sa bandang huli ay tinatawag ng impiyerno ng mga relihiyon sa mundo.

Pahayag 20: 1-15

Ang Sanlibong Taon
               1 Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng bangin na walang kasing-lalim. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon. 3 Ito'y inihagis ng anghel sa bangin na walang kasing-lalim, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hangga't hindi natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos nito'y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
               4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay bubuhayin din pagkaraan ng sanlibong taon. 6 Mapalad at lubos na pinagpala ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon.
Ang Pagkatalo ni Satanas
7 Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. 8 Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. 9 Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. 10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa da- gat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.
Ang Huling Paghuhukom
               11 Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng daigdig ng mga patay ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. 15 Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.


Pahayag 14: 1-20

Ang Awit ng mga Tinubos
               1 Tumingin ako, at nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang 144,000 tao. Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama. 2 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig na sinlakas ng mga alon sa dagat at dagundong ng kulog. Ang tinig na narinig ko'y parang tugtugan ng mga alpa. 3 Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at sa harap ng mga pinuno. Walang makaunawa sa awit na iyon kundi ang 144,000 na tinubos mula sa sanlibutan. 4 Ito ang mga lalaking nanatiling malinis at hindi nagkaroon ng anumang kaugnayan sa mga babae. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero. 5 Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.
Ang Tatlong Anghel
               6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa kalawakan, dala ang walang katapusang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lahi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, "Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!"
               8 Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, "Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng tao ng alak ng kanyang kahalayan!"
               9 At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw nang malakas, "Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng alak ng kanyang poot na walang halong ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. 11 Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan."
               12 Kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananampalataya kay Jesus.
               13 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, "Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!" At sinabi ng Espiritu, "Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan."
Ang Pag-aani
               14 Tumingin uli ako, at nakita ko naman ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang kamukha ng Anak ng Tao, may suot na koronang ginto at may hawak na isang matalim na karit. 15 Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, "Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang aanihin sa lupa!" 16 Ginamit nga ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapas ang dapat anihin sa lupa.
               17 At isa pang anghel ang nakita kong lumabas mula sa templo sa langit; may hawak din itong matalim na karit. 18 Lumabas naman mula sa dambana ang isa pang anghel. Siya ang namamahala sa apoy sa dambana. Sinabi niya sa anghel na may matalim na karit, "Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na ang mga ito!" 19 Kaya't ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan. Ang pisaang ito ay larawan ng matinding poot ng Diyos. 20 Pinisa sa labas ng bayan ang mga ubas at mula sa pisaan ay bumaha ng dugo. Ang lawak ng baha ay umabot hanggang 300 kilometro, at ang lalim ay sintaas ng sa nguso ng kabayo.

Kaya ang konsepto ng langit at Impiyerno ay ang pagsasalarawan ng mga sinaunang tao na nagpapaliwanag ng kanilang mga karanasan sa mas mataas at mas mababang mga dimensyon.

Kapag ang pinag-usapan natin ang tungkol sa pisika na namamahala sa mosyon o pag-galaw ang isa sa mga kagiliw-giliw na bagay ay ang mga paggalaw na ating nararanasan sa pisikal na mundo na kung manggagaling sa isang lugar at papunta sa isang lugar nagagawa natin ang paglipat maging sa astral na mundo sa pamamagitan ng ating kagustuhan o kalooban, sa halip na isang pisikal na paglalakad. Nagagawa ito sa pamamagitan ng astral na paglalakbay.

Bagaman tayo ay nakatali sa tatlong mga dimension ang taas, haba, lapad na nakatali sa oras at distansya, hindi maaaring ihiwalay sa atin kung ano ang pagkakaiba sa pagitan mo na nandidito at ikaw na nasa ibang lugar maliban sa oras na kinakailangan upang makarating mula rito papunta sa ibang lugar. Sa pamamagitan ng astral na paglalakbay.

Kapag tinanggal mo ang oras sa labas ng ekwasyon, isang bagay na interesante ang mangyayari walang konsepto ng oras lahat ng bagay ay umiiral sa parehong punto sa eksaktong parehong espasyo. Walang oras sa mundo ng astral maging sa astral na kalagayan.

Kaya sa simpling pag punta mula rito papunta roon simpling naisin kung saan mo gustong pumunta ay makakapunta ka mula sa isang lugar papunta sa ibang lugar sa pamamagitan ng kagustuhan o pag nanais napapabilis lang ito kung sanay ng mag meditate at gumamit ng makapangyarihang mga orasyon kaysa pisikal na maglakad kung saan ninanais mong makarating, ito ang astral na paglalakbay.

Maaari kang tumagos sa matitigas na bagay at maglakbay sa malalayong distansya sa isang iglap, kapag ikaw ay nasa astral na  mundo.  Kung nais mong maging biglang nasa bundok Banahaw madali mo lang itong magagawa, ipako o ipukos mo ang iyong kaisipan sa lugar na iyon at ang pagpunta doon agad agad mayroong isang sensasyon ng mabilis na paggalaw at pagkatapos ay biglang nakarating ka na sa lokasyon dahil wala tayong mga konsepto ng oras kaya maging ang konsepto ng distansya ay nababago.

Ang iba't ibang mga batas na ating nararanasan sa astral na mundo dahil natatandaan natin na galing tayo sa astral na mundo, sa bawat oras na nakakatulog tayo ang iba't ibang mga batas na naranasan natin doon ay nagsasalaysay sa mga pulutong ng mga klasikong nakakabangungot na senaryo na pamilyar sa lahat ng mga tao. Kaya kinakailangang naka shield bago matutulog o kapag maglalakbay sa astral na mundo na kasama ang mga warrior angels bilang escorts. Dapat na alam ang mga sikretong rituwals at orasyon para rito.

AWIT 91: 1-16 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, At nananatili sa kalinga niyong Makapangyarihan; Makapagsasabi sa kanyang Panginoon; “Muog ka’t tahanan, Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.” Ikaw’y ililigtas niya sa panganib, sa umang na bitag, At kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas. Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak Sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas; Iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y tapat, Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, Maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, Di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, Sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo, Di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano. Ikaw’y nagmamasid at sa panonood iyong mamamasdan, Yaong masasama ay makikita mong pinarurusahan. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, At ang pinili mong mag-ingat sa iyo’y Kataas-taasan, Di mo aabuting ikaw’y mapahamak, at walang daratal kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Susuguin niya ang maraming anghel,sila’ng susubaybay, kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan. Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, sila’ng magtataas Nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas. Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik, Di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin, At iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilalanin. Pag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan’ Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan; Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, At nakatitiyak na tatamuhin nila’y kaligtasan!”

Halimbawa kapag ikaw ay may panaginip na nahuhulog ka, halos lahat ng tao ay nakaranas ng managinip ng parang nahuhulog siya sa kawalan, isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari iyun, ay dahil ang ating mga pisikal na katawan sa ating kaisipan ay nasanay sa konsepto ng grabidad o bigat.
kapag mayroon tayong karanasan sa astral na kaharian sa ating mga panaginip walang grabidad doon kaya biglang mararamdaman natin na tayo ay parang lumulutang  o nahuhulog na parang-may mali maaarng palagi nating nararamdaman na nahuhulog tayo ng walang hangganan o walang katapusan pero maaari rin namang nating gawin ang kabaligtaran minsan nananaginip tayo alam ko naranasan nyo rin na kung saan
lumilipad ka o lumulutang sa ibabaw ng lungsod o ng iyong bahay.

 Isa pang klasikong senaryo ng bangungot ay ang sitwasyon na hindi ka makatakbo habang
nananaginip at natatakot. Lahat tayo ay nakaranas na parang may humahabol sa atin sa panaginip ngunit hindi natin maigalaw ang ating mga paa at hita. Hindi natin makuhang tumakas at makalayo.

isa sa mga bagay na nangyayari sa ganoong senaryo ay ang iyong utak ay nagsisimulang mag- panic dahil sa ikaw ay natatakot habang nasa astral na mundo sinusubukan mong itakbo ang iyong mga paa ngunit hindi mo ito maitapak at wala kang tatapakan dahil ang iyong astral na katawan ay hindi isang katawan na may laman at buto kaya hindi magkakaroon ng konekyon sa iyong utak kaya nararanasan mo ang panik tulad ng hindi ka makakilos na para kang naninigas.

Isa pang klasikong senaryo ay kung hindi mo maigalaw ang iyong mga paa hindi ka  makaalis sa lupa, hindi ka makaakyat ng hagdan dahil ang iyong mga paa ay hindi mo maigalaw o nararamdaman mong ikaw ay lumulubog iyan ay magkakaugnay na konsepto ito ay paraan ng mga bagay na makipag-ugnayan sa mundo ng astral o tumatagos ka sa matitigas na bagay, lumalagpas ang iyong kamay sa matitigas na bagay, tumatagos ka sa pader,
na lumulutang kang pababa sa sahig at tumataas sa kisame.

Isa sa mga pinaka mahalagang aspeto upang tunay na maunawaan mo ang tungkol sa astral na kalagayan ay ang astral na mundo ay tumutugon sa ating mga iniisip, ang ating iniisip ay nalilikha doon.

Ngayon iyan ay hindi nangyayari sa pisikal na mundo kahit na ano ang iyong iniisip ngayon ang iyong kuwarto ay hindi nagbabago
at palaging ganoon ang hitsura. Ang mga saloobin at pantasiya at mga imahe o
ano pa man ang iyong iniisip sila ay umiiral lamang sa tabing ng iyong kaisipan.

Isa sa tunay na mahalagang bagay na dapat maunawaan sa astral, dito nalilikha ang iyong iniisip, ang mga bagay sa mundo ng astral ang enerhiya na umaalinsunod sa pag-iisip kaya kung ano ang iniisip mo sa astral ay nagiging ang iyong mga kaisipan sa ngayon kung ano ang iniisip mo sa mundo ng astral ito ang iyong magiging realidad.

Ito ang dahilan kung bakit kapag nakatulog ka ng may iniisip sa iyong diwa at ito’y nakababahala hindi kataka takang ito rin ang iyong mapapanaginipan sa gabi, iyan ang dahilan kapag nakatulog ka sa gabi at iniisip mo ang isang tao, iniisip mo ang isang lugar hindi kataka takang managinip ka na dawit sila o mapanigipan ang lugar dahil kapag ipinasok mo ang mundo ng astral ng may iniisip sa iyong isip iyon ang senaryo na magiging iyong realidad.

Kaya kapag ang tao ay nananaginip sa astral na mundo, ito ay katulad ng ang lahat ng tao ay mayroong kani-kanilang sariling suot suot na helmet ng birtual na katotohanan na pinalilipad lamang sa kung ano ang nais nilang makita sa kanilang harapan.

Ang iyong mga panaginip ay karaniwang ang iyong sariling mga projeksyon sa astral na mundo salungat sa tunay na karanasan sa astral. Bahagi ng proseso sa astral projeksyon ay pag-aaral na tanggalin ang suot suot na helmet ng birtual ng katotohanan upang maaari nating makita ang realidad sa astral na mundo, hindi kung ano ang iniisip natin na dapat makita. Sapagkat iba ang realidad ng katotohanan sa mundo ng astral.

Kaya iyan ang isang mahalagang aspeto upang maunawaan ang tungkol sa astral na mundo, na kung ano ang iyong
iniisip, ang iyong ninanais, ang iyong mga kinatatakutan, ang iyong ginugusto, ang iyong mga pantasya, sila ang iyong mararanasang realidad doon.

Ang karaniwang inisip ng tao ay nasa 30-40,000 na mga ideya sa loob ng isang araw, kung saan ito ay isang pares sa bawat segundo. Iyan ang dahilan kung bakit ang iyong mga panaginip ay minsang magulo at nag-aagawan dahil mga 30-40,000 na ideya ang biglang lumilitaw sa iyong harapan biglang nahahayag sa iyong mga panaginip. Kung ano ang iyong iniisip halos iyun din ang iyong mapapanaginipan sa mundo ng astral.

Sa araw umiiral ang mga ito sa tabing ng iyong isip ngunit sa gabi kapag nakatulog ka na at nakarating ka na sa astral na mundo lahat ng mga bagay-bagay na iyong iniisip ay nagiging realidad na inaasahan sa harap ng iyong sarili.  Lahat ng mga iba't ibang mga nagkukumpetensyang mga iniisip ay naglalaban-laban para sa iyong atensyon. Iyan ang dahilan kung bakit minsan ang ating mga panaginip ay hindi pangkaraniwan, mapanganib at walang tiyak na layunin dahil sa magkakasalungat na mga eksena at mga kaganapan ang nasa ating kaisipan.

Kaya importanteng maunawaan na kung ano ang ipinanukala sa ating walang kamalayang kaisipan, ito ay nagiging bahagi ng ating astral na mundo. Kaya ang ating mga panaginip na naging karanasan sa astral na mundo ay ginagamit ng mga psychiatrists at psychologists, kapag sila ay makipag-usap sa isang taong magpapagamot, isa sa mga bagay na kanilang tatanungin sa iyo ay ang tungkol sa iyong mga panaginip, ikuwento mo sa akin ang iyong mga panaginip na iyong natatandaan, ano ang pinakauna mong napapanaginipan na iyong natatandaan mula ng iyong pagkabata.

Mayroon ka bang panaginip na nauulit? Ano ang pinaka-matingkad mong panaginip na iyong natatandaan?  Alam ng mga psychiatrists at psychologists na ang mga karanasan na mayroon ka sa iyong mga panaginip ay maaaring maging isang bintana sa iyong walang kamalayang kaisipan, ang iyong mga takot, ang iyong mga pangarap, lahat ng iyan ay maaaring  manipesto o talaan na dumadaan sa pamamagitan ng iyong mga panaginip.

Kaya mahalagang tandaan natin na ang ating mga iniisip ay nagiging realidad. Maraming beses ang iyong mga panaginip ay simpleng ang iyong mga iniisip na nagmamanipesto sa harapan mo sa astral na mundo.

Genesis 41:

Ipinaliwanag ni Jose ang mga Panaginip ng Faraon
               1 Pagkaraan ng dalawang taon, ang Faraon naman ang nanaginip. Napanaginipan niyang siya'y nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. 2 Walang anu-ano'y may pitong magaganda't matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain ng damo. 3-4 Umahon din mula sa ilog na iyon ang pitong pangit at payat na baka. Lumapit ang mga ito at kinain ang pitong matatabang baka. At nagising ang Faraon. 5 Nakatulog siyang muli at nanaginip na naman. May pitong uhay na tumubo sa isang puno ng trigo. Malalaki at matataba ang mga butil nito. 6 Pagkatapos, may sumibol na pitong uhay. Ang mga ito ay payat at tuyot ang mga butil dahil sa hampas ng hanging silangan. 7 Kinain ng mga payat ang matatabang uhay, at muling nagising ang Faraon. Noon niya nalamang siya pala'y nananaginip. 8 Pagsapit ng umaga, nabagabag siya, kaya't ipinatawag niyang lahat ang mga salamangkero at mga matatalinong tao sa buong Egipto. Isinalaysay niya ang kanyang mga panaginip, ngunit isa ma'y walang makapagpaliwanag ng kahulugan ng mga ito.
               9 Lumapit sa Faraon ang tagapangasiwa ng mga inumin at sinabi sa kanya, "Ako po'y may malaking pagkukulang na nagawa. 10 Nang magalit po kayo sa amin ng punong panadero at ipabilanggo ninyo kami sa tahanan ng kapitan ng mga tanod, 11 kami po'y parehong nanaginip. 12 Isa pong binatang Hebreo na alipin ng kapitan ng mga tanod ang kasama namin doon. Siya po ang nagpaliwanag ng aming panaginip. 13 Sinabi po niyang ako'y mababalik sa tungkulin at ang punong panadero'y bibitayin; nangyari pong lahat ang kanyang sinabi."
               14 Ipinatawag agad ng Faraon si Jose. Nang mailabas na sa bilangguan, siya'y nag-ahit, nagbihis at kaagad humarap sa hari. 15 Sinabi ng Faraon sa kanya, "Ako'y nanaginip ngunit walang makapagsabi sa akin ng kahulugan niyon. Nabalitaan kong mahusay kang magpaliwanag ng mga panaginip."
               16 "Hindi po ako ang makapagpapaliwanag, kamahalan," sabi ni Jose. "Ang Diyos po ang siyang magbibigay ng katugunan sa inyong katanungan."
               17 Sinabi ng Faraon, "Ako raw ay nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. 18 May pitong magaganda at matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain. 19 Walang anu-ano'y pitong mga payat na baka, pinakapangit na sa nakita ko sa buong Egipto, ang umahon din sa ilog. 20 Kinain ng mga payat ang matatabang baka, 21 ngunit parang walang anumang nangyari. Matapos kainin ang matataba, iyon pa rin ang ayos ng mga payat, napakapangit pa rin, at ako'y nagising. 22 Muli akong nakatulog at nanaginip na naman. May nakita akong pitong uhay sa isang puno ng trigo na hitik na hitik ng hinog na butil. 23 Sa puno ring ito, may sumibol na pitong uhay, ngunit lanta, napakapayat ng mga butil, at tinuyo ng hanging silangan. 24 Kinain ng mga payat na uhay ang matataba. Isinalaysay ko na ito sa mga salamangkero, ngunit walang makapagpaliwanag sa akin."
               25 "Iisa po ang kahulugan ng dalawa ninyong panaginip," sabi ni Jose. "Ipinapaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin. 26 Ang pitong matatabang baka po ay pitong taon; iyon din po ang kahulugan ng pitong uhay na matataba ang butil. 27 Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom. 28 Gaya ng sinabi ko sa inyo, iyan po ang gagawin ng Diyos. 29 Magkakaroon ng pitong taong kasaganaan sa buong Egipto. 30 Ang kasunod naman nito'y pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Egipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan. 31 Mangyayari ito dahil sa katakut-takot na hirap na daranasin sa panahon ng taggutom. 32 Dalawang ulit po ang inyong panaginip, mahal na Faraon, upang ipaalam sa inyo na itinakda na ng Diyos ang bagay na ito, at malapit na niya itong isagawa.
               33 "Ang mabuti po'y pumili kayo ng taong matalino at may kakayahan upang siyang mamahala sa Egipto. 34 Maglagay kayo sa buong bansa ng mga tagalikom ng ikalimang bahagi ng lahat ng aanihin sa loob ng pitong taong kasaganaan. 35 Lahat ng inaning butil sa panahong iyon ay dapat ipunin, ikamalig sa mga lunsod at pabantayang mabuti. Bigyan ninyo ng kapangyarihan ang mga tagalikom upang maisagawa ang lahat ng ito. 36 Ang maiipong pagkain ay ilalaan para sa pitong taon ng taggutom na tiyak na darating sa Egipto. Sa gayon, hindi mamamatay sa gutom ang mga mamamayan sa buong bansa."
Ginawang Tagapamahala sa Egipto si Jose
               37 Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang panukala ni Jose. 38 Sinabi nila, "Bakit pa tayo hahanap ng iba, samantalang nasa kanya ang Espiritu a ng Diyos?" 39 Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, "Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa. 40 Ikaw ang pamamahalain ko sa buong bansa, at susundin ka ng lahat. Ang aking trono lamang ang hindi mapapasaiyo. 41 At ngayon, inilalagay kitang gobernador ng buong Egipto!" 42 Inalis ni Faraon sa kanyang daliri ang singsing na pantatak at isinuot iyon kay Jose; binihisan niya ito ng damit na lino at sinabitan ng gintong kuwintas sa leeg. 43 Ipinagamit kay Jose ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod pandangal na nauuna sa kanya at sumisigaw, "Lumuhod kayo!" Sa gayon, ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto. 44 Sinabi ng Faraon kay Jose, "Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman." 45 Binigyan niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis. b Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.
               46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto. 47 Pitong taong nag-ani nang sagana sa buong lupain. 48 Inipon ni Jose ang lahat ng pagkain sa Egipto at ikinamalig sa mga lunsod. Sa loob ng pitong taon ng kasaganaan, inipon niya sa bawat lunsod ang mga pagkaing inani sa palibot nito. 49 Ang naipon niyang trigo ay sindami ng buhangin sa dagat, kaya't hindi na niya tinatakal dahil sa dami.
               50 Bago dumating ang taggutom, nagkaanak si Jose ng dalawang lalaki kay Asenat. 51 Tinawag niyang Manases c ang panganay, sapagkat sinabi niya, "Niloob ng Diyos na malimot ko ang aking naging hirap sa bahay ng aking ama." 52 Efraim d naman ang ipinangalan sa pangalawa, sapagkat ang sabi niya, "Pinagkalooban ako ng Diyos ng mga anak sa lupain ng aking paghihirap."
               53 Natapos ang pitong taon ng kasaganaan sa Egipto. 54 At sumunod ang pitong taong taggutom, tulad ng sinabi ni Jose. Ngunit sa buong Egipto'y may pagkain, samantalang taggutom sa ibang bansa. 55 Nang wala nang makain ang mamamayan, sila'y dumaing sa Faraon. Sinabi niya sa mga taga-Egipto, "Mag-punta kayo kay Jose, at sundin ninyo ang kanyang sasabihin." 56 Lumaganap ang taggutom sa buong bansa. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig, at pinagbilhan ng trigo ang mga taga-Egipto. Palubha nang palubha ang taggutom sa buong Egipto. 57 Lumaganap din ito sa ibang mga bansa, kaya't ang mga mamamayan nila'y pumunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose.

Genesis 37:

    5 Minsan, nanaginip si Jose at lalong namuhi ang mga kapatid niya nang ito'y ikuwento niya sa kanila. 6 Sabi ni Jose, "Napanaginipan ko, 7 na tayo ay nasa bukid at nagbibigkis ng trigo. Tumayo ang aking binigkis at yumukod sa paligid nito ang inyong mga binigkis."
               8 "Ano! Ang ibig mo bang sabihin ay maghahari ka sa amin?" tanong nila. At lalo silang nagalit kay Jose.
               9 Nanaginip muli si Jose at isinalaysay sa kanyang mga kapatid ang ganito: "Nakita ko sa aking panaginip na ang araw, ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko sa aking harapan."
               10 Sinabi rin niya ito sa kanyang ama, at ito'y nagalit din sa kanya.
               "Anong ibig mong sabihin?" tanong ng ama. "Kami ng iyong ina't mga kapatid ay yuyuko sa harapan mo?" 11 Inggit na inggit kay Jose ang kanyang mga kapatid. Inisip-isip namang mabuti ng kanyang ama ang mga bagay na ito.
Ipinagbili si Jose at Dinala sa Egipto
               12 Isang araw, nasa Shekem ang mga kapatid ni Jose at pinapastol doon ang kawan ng kanilang ama. 13 Sinabi ni Israel kay Jose, "Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid."
               "Opo," tugon ni Jose.
               14 Sinabi pa ng kanyang ama, "Tingnan mo kung sila'y nasa mabuting kalagayan. Pagkatapos, bumalik ka agad at nang malaman ko." Lumakad nga si Jose mula sa libis ng Hebron at nakarating sa Shekem. 15 Sa kanyang paglalakad, nakita siya ng isang lalaki at tinanong kung anong hinahanap niya.
               16 "Hinahanap ko po ang aking mga kapatid na nagpapastol ng aming kawan," sagot niya. "Saan ko po kaya sila makikita?"
               17 Sinabi ng lalaki, "Umalis na sila at ang dinig ko'y sa Dotan pupunta." Sumunod si Jose at natagpuan nga roon ang mga kapatid.
               18 Malayo pa'y natanaw na siya ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. 19 Sinabi nila, "Ayan na ang mahilig managinip! 20 Patayin natin siya at ihulog sa balon, at sabihing siya'y sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip."
               21 Narinig ito ni Ruben at binalak niyang iligtas si Jose. Sabi niya, "Huwag, huwag nating patayin. 22 Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon." Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid at dalhin ito sa kanyang ama. 23 Paglapit ni Jose, hinubad nila ang mahabang damit nito na may manggas, b 24 at inihulog sa isang tuyong balon.
               25 Habang sila'y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa Gilead. Ang kanilang mga kamelyo ay may kargang mga gagawing pabango na dadalhin sa Egipto. 26 Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, "Wala tayong mapapala kung papatayin natin ang ating kapatid. 27 Mabuti pa'y ipagbili na lamang natin siya sa mga Ismaelita kaysa ating saktan! Siya'y kapatid din natin, laman ng ating laman at dugo ng ating dugo." At sila'y nagkasundo. 28 Kaya't nang may dumaraang mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto.
               29 Pagbalik ni Ruben sa balon, nakita niyang wala na roon si Jose. Sa laki ng kanyang pagdaramdam, pinunit niya ang kanyang damit. 30 Lumapit siya sa kanyang mga kapatid at ang sabi, "Wala na sa balon si Jose! Ano ang gagawin ko ngayon?"
               31 Nagpatay sila ng kambing at itinubog sa dugo nito ang hinubad na damit ni Jose. 32 Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, "Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito nga ang sa mahal ninyong anak."
               33 Nakilala niya agad ang damit. "Kanya nga ito! Pinatay ng mabangis na hayop ang anak ko! Pihong nagkaluray-luray ang kanyang katawan." 34 Sinira ni Jacob ang suot niyang damit, at nagsuot ng damit-panluksa. Ipinagluksa niya nang mahabang panahon ang nangyari sa kanyang anak. 35 Inaliw siya ng lahat niyang mga anak ngunit patuloy ang kanyang pamimighati. Sinabi niya, "Mapupunta ako sa daigdig ng mga patay na nagdadalamhati dahil sa pagkawala ng aking anak." Patuloy siyang nagluksa dahil kay Jose.
               36 Samantala, pagdating sa Egipto, ipinagbili si Jose ng mga Midianita kay Potifar, isang punong kawal ng Faraon at kapitan ng mga tanod sa palasyo.

Mateo 1:

    18 Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 19 Subalit dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan a si Maria nang palihim.
               20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
               22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
               23 "Tingnan ninyo; 'Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.' " (Ang kahulugan nito'y "Kasama natin ang Diyos").

               24 Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol. 

Huwebes, Nobyembre 26, 2015

Ang sagradong aklat na ito ay ibinahagi upang marating natin ang ating mga pangarap at gisingin ang higante sa loob sa ating pagkatao.

Ang sagradong aklat na ito ay ibinahagi upang marating natin ang ating mga pangarap at gisingin ang higante sa loob sa ating pagkatao.
Bago tayo magpatuloy sa malalim na paglalakbay sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nakatagong kaalaman.
Alamin muna natin ang istorya ng sto niño sa hardin ng madamot at masungit na higante. Tungkol ito sa pagmamahalan, pagbibigayan, at sa diwa ng pagpapasalamat sa mga biyaya at pagpapala.
Tuwing hapon, pagkatapos ng eskwela, ang mga bata ay laging pumupunta at naglalaro sa hardin ng isang higanteng nilalang.
Iyon ay isang malaki at napaka gandang hardin, may malalambot na berdeng damo. Na napapaligiran ng magagandang mga bulaklak na katulad ng mga bituin sa langit, at mayroong malalaking-puno at masasarap na prutas. Ang mga ibon ay naglalaro sa mga sanga at sila ay tumutunog ng may kasiyahan na parang kumakanta kaya ang mga bata ay humihinto sa kanilang paglalaro upang makinig sa kanila. ‘Anong saya natin dito! ' sigaw nila sa isa't isa.
Isang araw umuwi na ang higanteng nilalang. At ng dumating siya, nakita niya ang mga batang naglalaro sa kanyang hardin.
'Anong ang ginagawa nyo dito?' Ang magaspang na pasigaw na boses ng higante, at ang lahat ng mga bata ay nagtakbuhan. 'Ang aking sariling hardin ay para sa akin lamang,' ang sabi ng higante. Kaya nagtayo siya ng napakataas na bakod sa paligid ng hardin at naglagay ng karatula na nag sasabing, ang pumasok ay paparusahan.
Siya ay isang maramot na higante.
Ang kawawang mga bata ay wala ng mapaglalaruan. Sinubukan nilang maglaro sa kalsada, ngunit ang kalsada ay napaka alikabok at puno ng matitigas na bato, at hindi nila ito gusto. Sila ay naglibot-libot sa paligid ng mataas na pader kapag ang kanilang mga aralin ay tapos na, at nag-uusap tungkol sa magandang halaman at puno sa loob ng hardin. Napakasaya nating maglaro doon sa loob ng hardin,' sinabi nila sa isa't isa.
Pagkatapos ang tagsibol ay dumating, at sa lahat ng dako ng bansa ay mayroong mga puno at halaman na may maliit na bulaklak at maliliit na ibon. Tanging sa hardin ng makasariling higante nananatili ang tag-ulan. Ayaw ng mga ibong maglaro at umawit sa harding maulan at wala ring mga batang nagliliwaliw sa hardin. Maging ang mga puno at halaman ay ayaw mamulaklak.
Ang tanging nalulugod ay ang mga patak ng ulan. Nakalimutan na ng tag-araw ang harding ito. Ang tubig ay tumatabon na sa mga damuhan at ang dahon ng mga puno ay sinisira na ng sobrang pag ulan.
Pagkatapos ay inimbitahan pa ng ulan ang bagyo na sumama sa kanila at sila’y dumating ng may malalakas at umaatungal na hangin at maraming tubig ang bumuhos sa hardin ng higante. 'Ito ay isang kasiya-siyang lugar,' sabi nila, 'dapat nating hilingin bumisita ang ipo-ipo. Kaya dumating ang ipo-ipo at naninira ng bubungan sa tirahan ng higante.
'Hindi ko maintindihan kung bakit ang tag-araw ay hindi pa dumarating, ang sabi ng makasariling higante, habang siya ay nakaupo sa bintana at tumingin sa kanyang putikang hardin; 'Umaasa ako na magkakaroon ng pagbabago sa lagay ng panahon.'
Ngunit ang tag-araw ay hindi dumating. Ang tagsibol na nagbibigay ng mga bulaklak at bunga ng prutas sa bawat hardin ay nasa dako ng lahat ng bahagi ng bansa, ngunit sa hardin ng higanteng sakim hindi siya nagbigay at dumalaw.
'Siya ay masyadong makasarili,' ang kanyang sinabi. Kaya sa hardin nya ay palaging tag-ulan, at may malalakas na hangin, maging ang ipo-ipo ang siya lamang sumasayaw sa paligid ng kanyang halamanan at sa mga puno.
Isang umaga habang gising na nakahiga ang higante sa kanyang kama nakarinig siya ng mga kaibig-ibig na musika. Ito ay tunog na matamis sa kanyang tainga. Ito ay ang pagkanta ng isang maliit na ibong pipit sa kanyang hardin at para sa kanya ito ang pinaka-magagandang musika sa mundo. Pagkatapos ay tumigil na ang pag-ulan, nawala na ang malalakas na hangin, at isang mabangong simoy ng hangin ang kanyang naamoy. 'Naniniwala ako na ang tag-araw ay dumating na sa wakas,' sabi ng higante; at siya ay lumukso mula sa kama at tumingin sa labas.
Ano ang kanyang nakita?
Nakita niya ang isang kahanga-hangang tanawin. Sa pamamagitan ng isang maliit na butas sa pader ang mga bata ay pumasok, at sila ay naupo sa sanga ng puno. Sa bawat puno na kanyang nakikita ay may naglalarong isang maliit na bata. At ang mga puno ay natutuwa ng magkaroon ng mga batang naglalaro sa ilalim ng kanilang mga sanga kaya kumapal ang mga dahon at sila ay namumulaklak.Ang mga ibon ay nagliliparan sa mga sanga at nagsisiawitan, at ang mga bulaklak ay namumukadkad sa kanilang kagandahan na kasama ang mga damong nagtatawanan. Iyon ay isang magandang tanawin, kaya lang, sa isang sulok ng hardin ay tag-ulan pa rin. Iyon ang pinakamalayong sulok ng hardin, at may nakatayong isang maliit na batang lalaki. Siya ay sobrang liit na hindi niya maabot ang mga sanga ng puno, at siya ay lumilibot ng pa-ikot-ikot rito, habang umiiyak. Ang kawawang puno na halos wala ng mga dahon at maraming putol putol na sanga dahil sa matagal na pag-ulan at sa malalakas na hangin. 'Umakyat ka! maliit na bata, 'ang sabi ng puno, at binaluktot nito ang kanyang mga sanga pababa hanggang sa makakaya niya ; ngunit ang maliit na batang lalaki ay masyadong maliit kaya hindi niya ito maabot.
At halos matunaw ang puso ng higante habang natatanaw ito. Anong lupit ko pala sa aking pagiging sakim! Sabi ng higante; ngayon alam ko na kung bakit ayaw dumalaw ng tag-araw sa hardin ko. Ilalagay ko ang kawawang maliit na batang lalaki sa itaas ng puno, at pagkatapos ay gigibain ko na ang mga pader, at ang aking hardin ay magiging palaruan ng mga bata magpa- kailanman kailanman. 'At siya ay talagang nagsisisi sa kanyang nagawa.
Kaya siya ay bumaba ng hagdan at binuksan ang harapang pintuan ng dahan dahan, at nagpunta sa hardin. Ngunit ng makita siya ng mga bata sila ay natakot lahat at tumakbong palayo, at ang hardin ay inulan na naman. Tanging ang maliit na batang lalaki ang hindi tumakbo, dahil ang kanyang mga mata ay puno ng luha hindi niya nakita ang pagdating ng higante. At ang higante ay dumaan sa likuran ng batang lalaki at malumanay niya itong binuhat ng kanyang kamay, at inilagay sa itaas ng puno. At ang puno ay biglang sumigla at namulaklak, ang mga ibon ay dumating at kumanta rito, at ang maliit na batang lalaki ay nag inat ng kanyang dalawang braso at iniyakap ito sa leeg ng higante at saka niya ito hinalikan. At ng nakita ito ng iba pang mga bata na ang higante ay hindi na madamot, sila ay tumakbong pabalik at kasama nila ang tag-araw sa kanilang pagbalik. 'Ito ay hardin nyo na ngayon, maliit na mga bata,' ang sabi ng higante, at kinuha niya ang isang malaking palakol at ginaba ang mga pader. At kapag ang mga tao ay nagpupunta sa palengke nakikita nila ang higanteng nakikipaglaro sa mga bata sa pinaka- magandang harding kanilang nakita.
Buong araw silang naglaro, at sa gabi ay pumupunta sila sa higante upang magpaalam. 'Ngunit nasaan ang inyong maliit na kasamahan?' tanong ng higante: 'iyong batang lalaki na inilagay ko sa puno.' Pinakamahal ng higante ang batang iyun dahil humalik ito sa kanya.
'Hindi po namin alam,' ang sagot ng mga bata; 'siya ay mula sa malayo.'
'Dapat nyong sabihin sa kanya na siguraduring pumarito siya bukas, sabi ng higante. Ngunit sinabi ng mga bata na hindi nila alam kung saan siya nakatira, at hindi pa nila ito nakikita kailanman; at ang higante ay nakadama ng matinding kalungkutan.
Tuwing hapon, pagkatapos ng aralin sa paaralan, ang mga bata ay dumarating at nakikipaglaro sa higante. Ngunit ang maliit na batang lalaki na minahal ng higante ay hindi na muling nakita.
Ang higante ay naging mabait sa lahat ng mga bata ngunit hinahanap hanap pa rin niya ang maliit na kaibigang batang lalaki, at madalas na nagsasabing. ' Gusto ko siyang makita siya!'
Dumaan ang maraming taon, at ang higante ay tumanda na. Naging mahina na rin siya kaya hindi na siya maaaring makipaglaro kaya lagi na lang siyang naka upo at pinanunuod ang mga bata sa kanilang paglalaro at hinahangaan ang kanyang magandang hardin. 'Mayroon akong maraming mga magagandang bulaklak,' ang sabi niya; 'ngunit ang mga bata ang pinaka magandang mga bulaklak sa lahat.'
Minsan pag-gising nya habang siya ay nagbibihis, dumungaw siya sa bintana nakita niyang muling umuulan. Hindi na siya napopoot sa ulan, sapagkat alam na niyang nagpapahinga ang mga bulaklak para sa susunod na pamumulaklak sa tag araw.
Kapag daka ay bigla na lang nyang kinuskos ang kaniyang mga mata at namanghang tumingin at tumitig. Ito ay kahanga-hanga sa kaniyang paningin. Sa pinakamalayong sulok ng hardin ay may isang punong may kaibig-ibig na puting mga bulaklak.
Ang mga sangay nagkukulay ginto, at kulay pilak ang kaniyang mga bunga, at sa ilalim nito ay may nakatayong maliit na batang lalaki na kanyang minamahal.' Pababang tumakbo ng ang higante ng may dakilang kagalakan, papunta sa hardin
. Nagmamadali siyang dumaan sa damuhan at lumapit sa bata. At ng siya ay malapit na namula ang kanyang mukha sa galit, at sinabi niya, 'Sino ang sumugat sa iyo?' Dahil sa dalawang palad ng bata ay mga kamay ng may bakas ng sugat ng dalawang pinagpakuan , at ang mga bakas ng dalawang pinagpakuan ay nasa maliliit na mga paa.
'Sino ang sumugat sa iyo?' sigaw ng higante; Sagot ng bata; 'ngunit ang mga ito ay mga sugat ng Pag-ibig.' umiiyak na sigaw ng Giant; 'sabihin mo sa akin, ng makuha ko ang aking malaking tabak at makitlan k sila ng buhay!
Huwag!' ang sagot ng bata; 'ang mga ito ay mga sugat ng Pag-ibig.'
'Sino po ba kayo?' tanong ng hignate Sinabi ng higante, at isang kakaibang paghanga at kapangyarihan ang dumating sa kanya, at siya ay lumuhod sa maliit na bata.
At ang bata ay ngumiti sa higante, at sinabi sa kanya, 'hinayaan mo akong minsang makapag-laro sa iyong hardin, ngayon ikaw naman ang sasama ko sa aking hardin, ito ang paraiso.
Kinabukasan, ng nagtatakbuhang pumunta ang mga bata sa hardin upang maglaro natagpuan nila ang higanteng nakahiga at patay na sa ilalim ng puno, na natatalpan ng maraming mapuputing bulaklak.
Naniniwala tayo na ang lahat ay mayroon pangarap. Naniniwala tayo na sa kailaliman ng ating kaluluwa ay mayroon tayong isang espesyal na regalo na makakapagpabago sa ating sarili at sa ating kapwa tao.
Maihahatid natin at mahihipo sa isang especial na paraan ang emosyon at damdamin ng isang tao upang mapuno ang mundo ng pagmamahalan, pagmamalasakit at pagpapala. Ito ang nilalaman ng sagradong aklat 41.
Gisingin ang higante Sa loob ng iyong pagkatao.
Ang Paghuhukom
31 "Pagdating ng Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang trono ng kaluwalhatian. 32 Titipunin naman sa harapan niya ang lahat ng tao at sila'y kanyang pagbubukud-bukurin, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. 33 Inilalagay nito sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa naman ang mga kambing. 34 Kaya't sasabihin ng hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. 35 Sapagkat ako'y inyong pinakain noong ako'y nagugutom; ako'y inyong pinainom noong ako'y nauuhaw. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. 36 Ako'y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.'
37 "Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? 38 Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y walang maisuot at aming dinamitan? 39 At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?'
40 "Sasabihin ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad ko, siya man ang pinakahamak, ako ang inyong tinulungan.'
41 "Sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, 'Lumayo kayo sa harapan ko! Isinumpa kayo sa apoy na di namamatay na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. 42 Sapagkat hindi ninyo ako pinakain noong ako'y nagugutom; hindi ninyo ako pinainom noong ako'y nauuhaw. 43 Hindi ninyo ako pinatuloy noong ako'y isang dayuhan. Hindi ninyo ako dinamitan noong ako'y walang maisuot. Hindi ninyo ako dinalaw noong ako'y may sakit at noong ako'y nasa bilangguan.'
44 "At sasagot din sila, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, walang matuluyan, walang maisuot, may sakit, o nasa bilangguan, na hindi namin kayo tinulungan?'
45 "At sasabihin sa kanila ng Hari, 'Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.' 46 Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan."
Ang buhay ay alinman sa isang walang takot na pakikipagsapalaran o takot makipagsapalaran. . Ang bawat maling pagtatangka na iniwaksi ay isang hakbang pasulong. Sa loob ng ating pagkatao nanahan ang mga nakahimlay na kapangyarihan, mga kapangyarihan na magpapamangha sa atin na hindi kailanman natin pinangarap ang pagkakaroon. Mapapalakas pa ito sa pamamagitan ng mga panalangin, ritwals at orasyon.
Mga Lakas at pwersa na magpapabago ng lubusan sa ating buhay kung ito ay ginising at ilagay sa aksyon.
Iibahagi natin ang banal na mga estratehiya at mga diskarte na positibong huhugis sa ating mga buhay kaya dapat natin mai-tuon na makagawa ng isang bagay na pinakamahusay para sa ating mga buhay.
Pangarap na kapalaran
Ang taong matatag ay naniniwala sa tadhana, ang taong salawahan ay naniniwala sa baka sakali. Lahat tayo ay may pangarap ... lahat tayo ay naniniwala na sa kailaliman ng ating kaluluwa ay mayroong isang espesyal na regalo, na maaaring makatulong upang makagawa ng pagkakaiba, na maaari nating mahawakan ang ibang tao sa isang espesyal na paraan, at maaari nating magawang magandang lugar ang mundo.
Minsan sa ating buhay, lahat tayo ay nagkaroon ng isang pangitain para sa kalidad ng buhay na gusto natin at karapat-dapat. Ngunit, para sa marami sa atin, ang mga pangarap ay nababalutan ng kabiguan at Kinabihasnang gawain sa araw-araw ng ating buhay na hindi na kailangang gumawa ng pagsisikap upang matapos ang mga ito. At dahil sa karamihan, ang pangarap ay napaparam at kasama niya ang kalooban sa paghubog ng ating kapalaran.
Marami ang nanawalan ng pakiramdam ng kasiguruhan na lumilikha ng kalamangan sa pagkapanalo. Ang ating mga layunin sa buhay ay maibalik ang pangarap at matupad ang mga ito, upang makakuha ang bawat isa sa atin na tandaan at gamitin ang walang limitasyong kapangyarihan na namamalaging natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Lahat ng ating mga nakalipas na kabiguan at pagkabagsak ay ang aktwal na paglalatag ng mga pundasyon para sa pang-unawa na nalikha natin ang bagong antas ng pamumuhay.
Alam natin na lampas sa anino ng pagdududa, mayroon tayong mga banal na impormasyon, mga diskarte, pilosopiya, at mga kasanayan na maaaring tumulong sa atin upang mabigyan ng kapangyarihan ang ating sarili para magawa ang mga pagbabago na ating ninanais.
Gumawa na tayo ng mga desisyon upang baguhin ang ating mga buhay magpakailanman. Dapat nating baguhin ang bawat maling aspeto ng ating buhay. Hindi na tayo kailanman dapat manatili sa mas mababang kalagayan kaysa sa maaari nating maabot. Dapat nating matutunan at mapakinabangan ang prinsipyo na tinatawag na kapangyarihan ng konsentrasyon at mga makapangyarihang orasyon.
Karamihan sa mga tao ay walang mga ideya sa higanteng kapasidad nila na maaaring atasan agad. Kapag ating itinuon ang lahat ng ating mga mapagkukunan sa pagdadalubhasa sa isang solong katalinuhan ng ating buhay gamit ang banal na kaalaman sa aklat na ito.
Ang kontroladong pokus ay katulad ng isang sinag ng laser na maaaring humiwa sa anumang bagay na mukhang pumipigil sa atin. Kapag tayo ay nakatuon sa pagpapabuti ng anumang bagay, nabubuo natin ang natatanging mga pagkakaiba sa kung paano gumawa ng bagay na mas mahusay.
Ang isang dahilan kaya kakaunti sa atin ang kumakamit ng kung ano ang talaga nating pinapangarap ay dahil hindi kailanman puro at direkta ang ating pagtuon; hindi natin naitutuong mabuti ang ating kapangyarihan.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.
Sa katunayan, karamihan sa mga taong nabibigo sa buhay ay inuuna ang mga bagay na hindi dapat unahin. Isa sa pangunahing aral sa ating buhay ay ang pag-aaral upang maunawaan kung bakit natin ginagawa ang ating ginagawa. Ano ang humuhugis sa pag-uugali ng isang tao?
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.
Ang ating buong buhay ay patuloy na tumutungo sa isang, napupuwersang pokus: Ano ang lumilikha ng pagkakaiba sa kalidad ng buhay ng isang tao? Paanong madalas na mangyaring ang isang taong mula sa dukhang simula at sirang karanasan ay nakakaraos at gumiginhawa. At kahit ganoon ang pinangalingan ay nakakalikha ng buhay na ating hinahangaan at pumupukaw sa ating pagkatao.
Sa kabaligtaran, bakit marami sa mga ipinanganak sa pribelihiyong lugar, may kayamanan para mag-tagumpay sa kanilang mga kamay ay nagiging matataba, masakitin, bigo at madalas gumon sa kalayawan tulad ng alak at droga?
Ano ang ginagawa ng ilang tao upang ang buhay nila ay maging halimbawa at iba ay maging babala? Ano ang lihim upang makalikha ng magiliw, masaya, at nagpapasalamat na buhay sa marami, habang para sa iba ay iwasan ang maaaring mangyari?"
"Paano natin maisagawa ang agarang kontrol sa ating buhay? Ano ang maaaring gawin ngayon na maaaring makagawa ng isang pagkakaiba-na maaaring makatulong sa atin at sa iba para mai-hugis ang ating kapalaran? Paano natin palalawakin, matutunan, mapalago, at mai-bahagi ang mga kaalaman na sa ibang tao sa isang makabuluhan at kasiya-siya paraan? "
Kailangan nating bumuo ng isang paniniwala. Tayong lahat ay dapat mag-ambag ng isang bagay na natatangi,
ang bawat isa sa atin ay may malalim at nakatagong espesyal na regalo. Lahat tayo ay may higanteng natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Ang bawat isa sa atin ay may talento, isang regalo, ang ating sariling likas na talino na naghihintay na ma-tapik. Maaaring isang talento para sa sining o musika. Maaaring isang espesyal na paraang may kaugnayan sa mahal mo sa buhay. Maaaring isang likas na kakayahan para sa pagbebenta
o pagtuklas ng bagong produkto o pakikipag-ugnayan sa iyong negosyo o sa iyong karera.
Ang ating Diyos ay hindi lumikha ng paborito, lahat tayo ay nilikhang walang katulad, ngunit may katumbas na mga oportunidad para makaranas ng buhay na sagana.
Ang pinakamahalagang paraan para magpalipas ng ating buhay ay mamuhunan sa isang bagay na nagtatagal. Kailangan nating mag-ambag ng ilang mga paraan at karunungan na magtatagal makalipas ang mahabang panahon.
Mayroon tayong hindi kapani-paniwalang pribilehiyo ng pagbabahagi ng ating lihim na kaalaman, mga ideya at mga damdamin sa mas maraming tao hangga't makakaya natin. Ngayon ay mayroon tayong mga natatangi at mabuting kapalaran ng pagbabahagi ng pinakamahusay na kaalaman galing sa sagradong aklat na ito.
Sa pamamagitan ng lahat ng ito, tayo ay magpatuloy upang makilala ang indibidwal na kapangyarihan na kailangang baguhin ang halos anumang bagay at lahat ng bagay sa ating mga buhay. Matutunan natin na may mapagkukunan tayo ng ating kailangan upang matupad ang ating mga pangarap na nasa loob ng ating pagkatao, at wala na ang paghihintay para sa mga araw ng pagpapasya upang gisingin at kunin ang nararapat para sa atin.
Isinulat ang sagradong aklat na ito para sa isang kadahilanan: upang maging instrumento ng pag-gising na hahamon sa mga taong nagpasiyang mamuhay ng masagana at maayos , lalong gumagamit sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng Dios. May mga ideya at mga diskarte sa sagradong aklat na ito na tutulong sa iyo upang makabuo ng espesipiko, nasusukat, at-pangmatagalang pagbabago sa iyong sarili at sa iba.
Ang iyong pagnanais na palawakin ang iyong kaalaman at kapangyarihan ay nagdala sa iyo upang basahin ang sagradong aklat na ito. Ito ang hindi nakikitang kamay na gumagabay sa iyo. Anuman ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay gusto mo pang mapaunlad at mapalawak ito.
Hindi mahalaga kung gaano ka ka-asenso o kahusay, sa loob ng iyong pagkatao nakahimlay ang isang paniniwala na mapapalawak mo pa ang iyong karanasan sa buhay at magiging mas mataas pa ito higit sa kasalukuyang kalagayan.
Ikaw ay naka-destino para sa iyong sariling natatanging anyo ng kadakilaan, ito man ay bilang isang katangi-tanging propesyonal, guro, negoyaste, ina o ama. Ang pinaka-mahalaga, hindi ka lamang naniniwala rito, ngunit ikaw ay nagsagawa ng pagkilos. Nagbabasa ka ng sagradong aklat na ito upang mapaganda pa ang iyong buhay. At iyun din ang aming idinadalangin.
Ito ay isang higanteng libro na maaari mong gamitin upang makabuo ng higanteng mga resulta sa iyong buhay. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakinabang sa pagbabasa ng bawat kabanata sa aklat na ito, matitiyak na ang iyong kakayahan ay maitataas sa malawak na potensyal .
Ecclesiastico 11:
1 Naitataas ng maralita ang kanyang noo kung siya'y marunong, at ibibilang siya sa hanay ng mga dakila.
11 May taong trabaho nang trabaho at lagi nang humahangos, patuloy ang kayod ngunit lalo lamang naghihikahos.
12 Mayroon namang bahagya nang makagulapay, babagal-bagal, mahina, walang kaya, at sadsad sa hirap,
ngunit nang lingapin siya ng Panginoon,
naging matiwasay ang kanyang buhay.
13 Nakabangon siya at nag-ani ng tagumpay, at namangha ang lahat sa nangyari sa kanya.
Paano ba makalilikha ng nagtatagal na pagbabago
Para maging tunay na mahalaga ang isang pagbabago, dapat itong maging pang-matagalang at hindi pabago-bago.

Santiago 1:
6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.
Kailangan nating hanapin kung ano ang itinuturing nating matatag na prinsipyo na may pangmatagalang pagbabago.
Nais naming ibahagi ang tatlong baitang ng prinsipyo ng pagbabago na maaari nating gamitin upang agad na mabago ang ating buhay. Habang ang mga prinsipyong ito ay simple, ang mga ito ay lubos na makapangyarihan kapag inilapat ng may kahusayan. Kasama na ang panalangin at tamang mga orasyon.
Ito ang mga eksakto at parehas na pagbabago na dapat gawin ng isang indibidwal upang makalikha ng personal na pagbabago, na dapat gawin ng isang kumpanya upang mapalaki at mapalakas ang kaniyang potensyal, na dapat gawin ng isang bansa upang mai-ukit niya ang magandang kalagayan sa sandaigdigan.
Sa katunayan, bilang isang komunidad sa mundo, Ito ang mga pagbabago na dapat gawin ng lahat upang mapanatili ang kalidad ng pamumuhay sa buong mundo.
Efeso 4:
Ang Bagong Buhay kay Cristo
17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25 Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. 30 At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.
Unang hakbang
Itaas ang iyong Pamantayan
Tuwing sumasaiyo ang pagnanais makagawa ng pagbabago, ang unang bagay na dapat mong gawin ay taasan ang iyong mga pamantayan.
Ang pinaka-mahalagang bagay ay baguhin kung ano ang ating hinihiling para ating sarili. Dapat nating isulat ang lahat ng mga bagay na hindi na katanggap-tanggap sa ating buhay, lahat ng mga bagay na hindi na kayang tiisin, at lahat ng mga bagay na ating hinahangad at pinapangarap.
Roma 12:
Pamumuhay Cristiano
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba a ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Orasyon upang mabago ang pag-iisip ng naaayon sa kalooban ng Dios:
DOMINUM ET ADVERSUM CHRISTUM
Isipin mo ang malaking epektong kahihinatnan ng itakdang pagkilos ng mga kalalakihan at kababaihan na nagtaas ng kanilang mga pamantayan at kumilos ng naaayon, sa pagpapasyang hindi na nila kayang tiisin ang mga mabababang kalagayan.
Kailangan nating ilagay ang maniningning at mga makapangyarihang baitang upang mapataas ang ating mga pamantayan. Ang parehong kapangyarihan na mayroon sa bawat isa, kung mayroon tayong lakas ng loob angkinin ito. Ang pagbabago sa isang organisasyon, sa isang kumpanya, sa isang bansa o sa buong mundo ay nagsisimula sa simpleng hakbang ng pagbabago sa ating sarili.
1 Corinto 9:
23 Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. 24 Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. 25 Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. 26 Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. 27 Subalit sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.
Ikalawang hakbang
Baguhin ang iyong nalilimitahang Paniniwala
Kung tinaasan mo ang iyong mga pamantayan ngunit hindi mo naman pinaniniwalaan na maaari mong matugunan ang mga ito, nakalikha ka ng pagpapahamak sa iyong sarili. Dahil hindi mo na ito susubukan; mawawalan ka ng tunay na pakiramdam na magbibigay-daan sa iyo upang katukin ang pinakamalalim na kapasidad sa loob ng iyong pagkatao.
Ang ating paniniwala ay tulad ng hindi tinatanong na kapangyarihan, na nagsasabi sa atin kung paano matutupad, ito ba ay possible at ano ang impossible, ano ang maaari nating magawa o hindi magagawa. Sila ang huhugis ng bawat pagkilos, ng bawat pag-iisip, at ng bawat pakiramdam na natin mararanasan. At ang resulta ay ang pagbabago ng ating mga pinaniniwalaang sistema na siyang pinaka-gitna sa pagsasagawa ng totoo at pangmatagalang pagbabago sa ating buhay.
Filipos 4:
13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.
Kailangan nating bumuo ng isang pakiramdam ng kasiguruhan na kaya natin at matugunan ang mga bagong pamantayan bago natin talagang gawin. Kung hindi mo kukunin ang kontrol sa sistema ng iyong paniniwala, maaari mong taasan ang iyong mga pamantayan ng hangga't gusto mo, ngunit nawawalan ka ng paniniwala na itaguyod ang mga ito.
Ang pagkakapareho ng ating paniniwala ay magbibigay sa atin ng daan sa lihim na mapagkukunan at magpapagana sa atin upang matugunan ang mga hamon na sana ay nalilihis sa isang hindi nakatuong atensyon. Pinalakas na paniniwala-ang pakiramdam ng kasiguruhan -ay ang lakas na nasa likod ng mahusay na tagumpay sa kabuuan ng kasaysayan.
IKATLONG HAKBANG
Baguhin ang iyong Diskarte
Upang mapanatili ang ating mga pangako, kailangan natin ang pinakamahusay na diskarte para sa pagkamit ng mga resulta. Isa sa ating dapat maging kaibuturang paniniwala ay ang magtakda ng isang mas mataas na pamantayan, tapos ay makakakuha tayo ng ating sariling paniniwala, saka tayo tiyak na makakaalam ng diskarte. Simple tayong makakahanap ng paraan.
Ipinapakita ng sagradong aklat na ito kung paano matatapos ang trabaho at ang pinakamahusay na diskarte sa halos anumang kaso ay maghanap ng modelo o idolo, isang taong nakakakuha ng mga resultang gusto natin, pagkatapos matuto sa kanilang mga kaalaman. Alamin kung ano ang kanilang ginagawa, kung ano ang kanilang mga paniniwala, at kung paano sila mag-isip.
Hindi lamang magagawa natin itong mas epektibo, makakatipid rin tayo ng oras dahil hindi na kailangang muling hanapin pa ang tamang kaalaman at paniniwala. Maaari nating pinuhin ang mga ito, ayusin ang hugis, at marahil makagawa pa ng mas mahusay.
Ang aklat na ito ay magbibigay sa atin ng impormasyon at puwersa upang magtuon sa tatlong prinsipyo at magpaka-dalubhasa sa pagbabago ng may kalidad: ito ay makatulong sa atin na mataasan ang ating mga pamantayan sa pamamagitan ng pagtuklas kung ano ang kanilang kasalukuyang mga napagtatanto at kung ano ang ninanais natin; ito ay makakatulong sa atin na baguhin ang mga pangunahing paniniwala na pinapanatili natin na nakakapigil mula sa kung saan natin gustong makarating at pagbutihin ang mga iyon na maghatid sa atin; at ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang serye ng mga estratehiya para sa higit pang elegante, mabilis, at mahusay na paggawa ng mga resulta na gusto natin.
Sa buhay, maraming mga tao ang nakaka- alam kung ano ang dapat nilang gawin, ngunit kakaunti sa mga tao ang aktwal na gumagawa kung ano ang alam nila. Ang kaalaman ay hindi sapat! Kailangang magsagawa ng pagkilos.
Gumugugol ng ilang taon ang tao para tumutok sa isang partikular na kadalubhasaan, at patuloy na gumagawa ng susi ng pagkakakilanlan tungkol sa kung paano makakabuo ng mga resulta nang mas mabilis. Sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga diskarte na ibabahagi natin sa sagradong aklat na ito, mabilis at kapansin-pansing ang pagbabago namagaganap sa atin.
Minsan, hindi na mga bagong bagay para sa atin ang mga nababasa rito, ngunit napapaalaala sa atin ang kung anong alam na natin, at pagkatapos ay mapipilitan na tayong gawin ang mga natutunan.
Ituturo rito ang pagkakakilanlan ng kapangyarihan sa kung paano lumikha ng pangmatagalang pagpapabuti sa kalidad ng ating buhay. Sama-sama, tayong tumutok sa pagwawagi sa limang mga bahagi ng ating buhay na nakaaapekto sa karamihan sa atin. Ang mga ito ay:
1. Emosyonal na kadalubhasahan
Maging dalubhasa lang sa araling ito ay magdadala na sa atin sa karamihan ng mga paraan patungo sa kasanayan sa iba pang kapangyarihan. Mag-isip tayo. Bakit gusto nating mangayayat? Ito ba ay sa dahilang gusto nating mabawasan ang taba sa ating katawan? O ito ay dahil sa gusto natin at sa tingin natin sa ating sarili ay naaalis natin ang sobrang timbang, na nagbibigay sa atin ng mas maraming enerhiya at sigla, na lumilikha sa atin upang maging mas kaakit-akit sa iba, at nagpapalakas ng ating pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili.
Halos lahat ng ating ginagawa ay upang baguhin ang daan ng ating damdamin- gayunman karamihan sa atin ay may kakaunti o walang pagsasanay sa kung paano ito gawin nang mabilis at mabisa. kahanga-hanga kung gaano kadalas natin ginagamit ang ating katalinuhan upang gumana sa ating mga sarili sa hindi matalinong emosyonal na estado,nalilimutan ang tungkol sa maraming mga katutubong talento na tinataglay ng bawat isa sa atin.
Marami sa atin ang inaasa ang sarili at nalalagay sa awa ng mga panlabas na kaganapan na kung saan wala na tayong kontrol, nabibigong manguna sa ating mga emosyon- kung saan mayroon tayong mga kontrol at umaasa sa halip sa panandalian at maikling mga pag-aayos.

Sa aklat na ito, matutuklasan natin kung bakit ginagawa ang kung anong ating ginagawa, at ang gumagatilyo sa mga emosyon na nararanasan nating madalas. Mabibigyan tayo ng mga nakaplanong hakbang upang makita natin kung paano makilala kung aling mga emosyon ang magbibigay ng mga kapangyarihan, at kung paano gamitin ang parehong mga uri sa ating pinakamahusay na kabutihan upang ang ating mga damdamin ay hindi maging isang hadlang, sa halip ay maging isang makapangyarihang kasangkapan na tutulong sa atin makamit ang ating pinakamataas na potensyal.