Linggo, Marso 20, 2016

"Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid.

"Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, 'Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?' 28 Sumagot siya, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Tinanong siya ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga damo?' 29 'Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,' sagot niya. 30 'Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.' "
Talinhaga Tungkol sa Buto ng Mustasa
(Marcos 4:30-32)(Lucas 13:18-19)
               31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinhaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito."
Kahulugan ng Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid." 37 Sumagot si Jesus, "Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!"

 Ang karamihan sa mga binhi ay nawala o natuyo sa pamamagitan ng araw o kinakain ng mga ibon ang karamihan ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ugat. Ang bawat tao ay isang binhi ang kabuuan ng lahi ng sangkatauhan ay isang koleksyon ng mga binhi ang bawat isa sa atin ay isang binhi na naglalayong maging isang puno. Ang puno na nais natin maging ay tinatawag na "Ang Punong kahoy ng buhay". Kung saan ay kinakatawan sa bibliya sa Genesis bilang Punong kahoy ng Buhay.

Genesis 3:

Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
               22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
               24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.

Ezekiel 47:

11 Ngunit ang mga latian ay mananatiling maalat para may makunan ng asin. 12 Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga sapagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon."

 

Pahayag 22:

1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.

Pahayag 2:

    7 "Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
               "Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos."
Ang Punong kahoy na ito ay kumakatawan sa mga tao na ginawa sa imahe ng kanyang manlilikha ang Dios Ama. Ang bawat binhi ang bawat tao ay may potensyal na maging isang mahusay na punong kahoy ng Buhay. Ang binhi na tayo kapag isinalin nang direkta ay nangangahulugan na ang embrayo ng isang pukaw na nilalang, isang embrayo ng kaluluwa, ang potensyal na maging kaluluwa.
Ang binhing ito ay ang kalikasan o potensyal ng isang buto, isang pinakaubod, isang mikrobyo, isang maliit na maliit na butil na naglalaman sa loob mismo ng isang koleksyon ng mga hilaw na mga elemento. Ang binhi na ito ay ang ating kamalayan sa sagradong kaalaman tinatawag itong pinakadiwa dahil ito ang esensya ng ating pagkaka-likha, na may kaugnayan sa punong kahoy ng buhay. Ang esensyang ito ay isang maliit na kislap o maliit na butil na may kaugnayan sa malalim na hininga, ang kaluluwa ng tao na kumikislap o maliit na butil ng kahulugan na ang mundo.
Sa ibang salita, ang binhi ng ating kamalayan ay ang pinakadiwa, isang lugar sa mundo kung saan nahuli ang ating pisikal na katawan. Ang ating pisikal na katawan ay ang lupa, ang lupa mula sa kung saan si Adan ay kinuha ngayon ay nahuli ang ating pisikal na katawan at naging sandigan na kung saan nasa loob ang binhi na kung saan ay dapat na lumaki  ang binhi at ang binhi ay ang ating kamalayan at ito ay nangangailangan ng tiyak na mga sangkap ng pagkakasunod-sunod para siya ay lumago.
Kapag tayo ay bumalik sa analohiya ng dakilang puno ang mga espasyo ng milyong-milyong mga binhi sa kapaligiran upang makalikha ng buhay. Makikita natin ang kahanga hanggang pag-ikot ng kapanganakan at kamatayan. Ang puno mismo ay mula sa isang binhi, isang binhing lumalaban upang mabuhay at nakipaglaban upang maging isang dakilang punong kahoy na nagbibigay ng mga binhi upang lumikha ng isang bagong buhay, ngunit ang karamihan sa mga binhi na kanyang nagawa ay walang sapat na lakas upang lumikha ng bagong mga puno dahil sa kakulangan ng pagkakataon para sa mga elemento upang magawa ito, kaya sa pamamagitan ng analohiya makikita natin ang parehong katotohanan sa sangkatauhan.
Ang karamihan sa mga binhi ng kamalayan ay hindi lumalago. Ang karamihan ay nananatiling binhi lamang at namamatay. Sila ay itinanim  sa lupa at sa pisikal na mga katawan at maaaring lumago sa isang tiyak na lawak, maaari rin silang gumawa ng kahit anong bagong buto pero sila ay sirang binhi, binhing hindi maaaring makabuo ng isang puno. Ang katiwalian ng mga binhi ng sangkatauhan ay ang ating sariling karma, ang resulta ng ating mga nakaraang pagkilos.
Ang katiwalian ng mga binhi ng sangkatauhan ay nasa loob ng ating mga kaisipan na gumagawa sa atin upang maging hindi dalisay, magagalitin, mapagmamataas, mainggitin, mapanibugho, mapanlilinlang, mang-mang, mapag-paimbabaw, at mapag-malaki. Itong lahat ay sakit, mga karamdaman na nakaapekto sa ating kaisipan at nagbibigay katiwalian sa ating binhi, ang binhi ng ating kamalayan. Sa kabila ng katiwalian mayroon tayong mga potensyal upang mapagtagumpayan ito, dahil mayroon tayo sa ating kalooban, ng isang puwersa sa ating pagkatao, sa ugat nito ay ang ating sariling pagkatao, ang Diyos ang banal na elemento na nagbubuo ng kislap sa ating kamalayan ang ating sariling panloob na ama at ina upang makabuo ng binhi ng kamalayan sa loob natin.
Ang dahilan kung bakit natin pinag-aaralan ang ganitong uri ng impormasyon, ang dahilan kung paano natin naunawaan ang sagradong kaalaman o nakakaranas ng mga panloob na mundo o upang maunawaan ang malalim na meditasyon o pukawin ang ating mga kamalayan ay dahil ang ating sariling panloob na dibinidad ay nagpapasigla sa ating kamalayan na kung saan ay espirituwal na pag-aalaala na may pag-asam malaman, makaranas sa kanyang sarili ay nagbibigay sa atin ng ating solong paanyaya para sa pag-asa dahil ang puwersa na tumutulak sa atin upang mapayabong ang ating sarili na nagbibigay sa atin ng mga potensyal upang mapagtagumpayan ang mga balakid na umiiral sa ating kapaligiran at umiiral sa ating kaisipan.
Para maayos ang binhi upang mabuo sa kalikasan, kailangan nito ng partikular na elemento at pareho totoo ito sa binhi ng kamalayan, ang binhi ng kamalayan ay nangangailangan ng tamang balanse sa pagkakasunod-sunod para ang kamalayan ay lumago. Maaari nating obserbahan ang sangkatauhan ma-obserbahan ang mundong ito bilang isang butas upang matukoy kung ang mga elemento ay naroroon. Kung titingnan natin ang sangkatauhan bilang isang lahi at nauunawaan natin ang proseso ng kalikasan at nauunawaan natin ang isang bagay sa relihiyon maaari nating makita ng mabilis ang mga bagay na wala sa balanse.

Kung hindi, bakit nagagawa ng mga tao gumawa ng kakila-kilabot na kabangisan laban sa isa't isa.  Bakit nagagawa ng mga tao makagawa ng kasuklam-suklam na krimen laban sa kanilang sariling ina ang mundong ito? Ito ay dahil ang mga binhi ng kamalayan ay naging masama at ngayon ang tao ay hindi magawang lumikha ng kanilang sariling puno, ang punong kahoy ng buhay, upang magising, upang maliwanagan, upang maging sa ibang salita, mga anghel o masters.
Ang binhi o embrayo ng kaluluwa ay hindi tumatanggap ng tamang sustento at sustansiya na kailangan nito para maisayos ang binhi para maging isang mahusay na puno ang ebidensiya ay nasa lahat ng dako. Ito ang dahilan kaya mayroon tayong pagnanasa upang siyasatin ng malaman kung ano ang mga elemento na nawawala? Ano ang mga elemento na kailangan natin?
At lahat tayo ay naghahanap at tumitingin, nag-aaralan, bumabasa at nagsisiyasat na makita ang pinakamahusay na sagot. Ang sagot ay makukuha natin kung alam natin kung paano tayo dapat maghahanap ngunit ang importanteng dahilan para sa atin na maunawaan ay ang mga pinamamahalaang batas ng kalikasan na masyadong napaka istrikto.
Kapag tiningnan natin at pinakikilos ang batas na magpapagana at sumasaklaw sa paglago ng anumang binhi, makikita natin na ang mga batas ay dapat na mapatupad kung hindi ang binhi ay hindi maaaring lumaki. Kung ilalagay natin ang binhi sa lupa ngunit walang araw, at walang tubig na maibibigay sa kanila sila ay mamamatay. Kung itatago mo ang binhi sa isang bato sa loob ng isa pang taon hindi sila tutubo sila ay mamamatay at pareho itong totoo sa ating mga kaluluwa ng ating mga kamalayan.

Ang ating kamalayan ay nangangailangan ng tamang pagkain, ng tamang kapaligiran para ito ay lumago at mabuo. Sa halaman, ang binhi ay kumakawala sa balat nito ang puwersa ng buhay sa loob nito na tumutulak pareho sa paraan ng isang inakay sa pamamagitan ng lakas ay kumakawala sa kanyang shell at nakikipagbaka at nakikipaglaban upang mabuhay, ito ay hindi isang madaling proseso na totoong pareho sa atin sa ating sariling pag-unlad bilang isang binhi na nasa isang pisikal na katawan.
Pinagsama ng ating mga magulang ang kanilang mga binhi sa bahay-bata ng ating ina at doon nagkaroon ng isang kemikal na proseso kung saan ang isang kapanganakan ay inihahanda at ang binhi na iyon ay pinakain at nabago at ng dumating ang sandal, dumating para sa isang  nilalang na lumabas mula sa kanyang protektadong kapaligiran ito ay isang pakikipagbaka, ito ay isang pakikipaglaban, hindi madali ito, masakit ito at kahit pagkatapos , kapag ang nilalang ay lumitaw sa bagong buhay, ito ay lumilitaw na mahina at pagod at natatakot kaya bakit natin iisipin na ang pag-unlad ng kaluluwa ay dapat maiba? Tulad ng isang binhi na galing sa halaman o sa punong kahoy.
Sino tayo para mag-isip na ang pag-unlad ng kaluluwa  ay dapat maging madali na sa katunayan, ito ang karurukan ng lahat ng pag-unlad at sa gayon ay ang pinaka-mahirap na kapanganakan sa lahat, ang pinaka-mahirap na hamon para sa ating mga kamalayan upang aktwal na sumulpot mula sa kanyang binhi, mula sa kanyang shell na nangangailangan ng isang kamangha manghang lakas ng kalooban na basagin ng makawala sa ibabaw ng shell nito, ng makalabas na kung saan ang ating kamalayan ay lilitaw  ito ay hindi malakas, hindi ito biglang isang makapangyarihang Diyos, ito ay maliit, ito ay mahina, sa karanasan kailangan nito ng pagkain mula sa kanyang ina nangangailangan ito ng proteksyon at ganoon din ang ating kaluluwa, lahat ng mga elemento ito ay dapat na maibinigay, dapat itong maibigay sa atin ngunit hindi, hindi sa mundong ito.
Sa halip tayo ay napapalibutan ng ating mga magulang, ng pamilya sa mga tradisyon, sa paaralan at mga samahan na nananatiling may kamangmangan hindi lamang sa pagkakaroon ng binhi ng kalikasan o ng binhi ng kamalayan ngunit tungkol sa agham na kinakailangan upang palaguin at upang mabuo, kaya ang ating binhi ay nabibigong lumaki at tumubo hindi tayo nakahanap ng pagkaing kinakailangan natin, walang madaling kasagutan sa dilemang ito ngunit mayroong paraan para sa mga nagnanais na mapagana ito.
Ang resulta ng mga sagradong kaalaman na nabuo ng kaluluwa ay maaaring magbigay ng sustansiya, ma-protektahan at maka-buo ng embrayo sa ganap na punong kahoy sa sarili niyang resulta ay magpapalabas ng isang anghel.  Ito ang uri ng katalinuhan, ang uri ng nilalang na kung saan ay malayo sa atin ang mga kabatiran ng isang anghel para sa ating mga ideya ng kung ano ang isang anghel o isang maestro.
Ito ang uri ng katalinuhan na ganap na gising ang kamalayan malayo sa mundong kanyang pinagmulan mula sa pisikal na katawan malayo sa embrayo na pinanggalingan, kung saan ito ay ang kamalayan sa parehong paraan tulad ng higanteng magandang puno na hindi kahawig ng binhi na lumikha nito, gayon din naman, ang mga anghel na walang pagkakahawig sa mga binhi ng kamalayan mula sa kung saan ito nagsimula, ngunit may isang kapansin-pansing pagkakaiba sa pag-unlad ng isang anghel at ang pagbuo ng anumang pisikal na puno. Ito ay ang pisikal na katangian ng paglago at pag-unlad ng isang puno. Ito ay nabibilang sa kaharian ng araw, ang kaluluwa.
Kahit na ano ang ating pinaniniwalaan, anuman ang ating ginagawa, kahit na ano ang ating iniisip kung hindi natin gagawin ng may kamalayan hindi tayo maaaring makalikha ng isang anghel at ito ay makakalikha ng mga katanungan, , ano ang ibig sabihin na gawin ang mga bagay ng may kamalayan, ito ay nangangahulugan na kahit na nabibilang tayo sa isang kagalang-galang na relihiyon at ginagawa natin ang lahat ng mga kaugalian at mga karapatan at alam natin ang lahat ng mga batas at mga panuntunan at nagdadamit ng paraang  karapatan dapat at naniniwala tayo sa mga tamang bagay na dapat nating ginagawa kung wala namang konsensiya o kamalayan, nagsasayang lang tayo ng oras.
Maaari tayong maging isang Kristiyano, isang Buddhist, isang Jew, isang Muslim o maaari tayong nabibilang sa anumang relihiyon; anumang tradisyon kahit sopistikado pa ito, gayon pa man, kung binabale wala natin ang pag-gamit ng sarili nating kamalayan, ng ating sariling kalikasan tayo ay nag-aaksaya lamang ng ating oras. Ang mga ito ay hindi maaaring bigyang-diin ng sapat dahil muli kapag bumalik tayo sa ating mga halimbawa ng pagtingin sa kabuuan ng sangkatauhan maaari nating makita na ang lahat ng mga relihiyon at mga tradisyon na umiiral sa maraming siglo, gaano karaming mga banal, mga maestro at mga anghel ang nalikha?
Napaka-kaunti, gaano karaming mga dakilang Mensahero at avatar mga gising sa malalim na pang-unawang nilikha ang lumitaw sa nakaraang libong taon ng relihiyon na mayroon tayo sa mundong ito? Napaka-kaunti, at ito ay dahil sa milyun-milyong mga binhi ng kamalayan na sumunod sa lahat ng mga tradisyon at sa mga patakaran at patnubay ng kanilang relihiyon ang nabigong ma-kuntento ang espesipikong pangangailangan at ang pag-unlad ng kaluluwa at ang unang nagigising ay ang gumagamit ng kamalayan at iyon ang pinaka-pangunahing bagay.
Kung ang relihiyon ay ma-kukuntento nang wala ang mga pangangailangang ito samakatuwid ang lahat ng sangkatauhan ay gising na mga anghel, mga dakilang Maestro, ang mundo ay magiging isang paraiso ngunit sa kasamaang palad ang sangkatauhan ay tulog, ang sangkatauhan ay nagbalewala sa kamalayan at maaaring sumusunod sa lahat ng mga panuntunan sa pisikal at sa pamamagitan ng hitsura ngunit natutulog ang kamalayan.


Mayroon isang panganib sa loob nito at iyon ay ang tinatawag nating ang batas ng sanhi at epekto. Wala sa kalikasan ang tumitigil, walang hindi kumikilos, walang nakaupo lang, walang hindi umuunlad, walang nananatili sa isang perpektong estado ng katahimikan. Lahat ng bagay ay may paggalaw at ang bawat aksyon na ginagawa natin ay nagbibigay ng isang kahihinatnan kapag kumilos tayo nang walang kamalayan gising pero tayo ay kumikilos ng tulog at ang mga puwersa na tagapamahala ng ating kamalayan o ang ating natutulog na kamalayan sa ganoong paraan ay labis sa pag-aalinlanganan tandaan na ang ating kamalayan ay ang ating koneksyon sa banal na nasa kalooban natin kung ang pag-aagusan ay hindi bukas at kung ang ating kamalayan ay tulog, ano  ang gumagana sa atin?
Pagmamataas, takot, panibugho, inggit at ang mga ito ay maaari lamang makapagbigay ng paghihirap. Ito ang dahilan kung bakit ang sangkatauhan ay na nasa ganitong estado, kaya ang sangkatauhan ay natutulog at lumilikha ng sakit sa loob. Mayroong mga taong ginagamit ang kaalaman sa maling paraan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng bibliya; at marami sa kanila ay natutulog sa abo ng lupa ay gigisingin para sa buhay na walang hanggan at ang ilan sa kahihiyan ng isang walang hanggang pag-alipusta.
Daniel 12:

2 Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan.

Ang ating kamalayan ay kinakailangang magising ngunit maaari lamang itong magising ayon sa mga magkakasalungat ng kalikasan, ito ay ang lahat ng bagay sa kalikasan na tunggalian. Kung kaya nating gisingin ang ating kamalayan ng positibo at maging isang anghel maaari rin nating gisingin ito ng negatibo at maging isang demonyo. Iyan ang dahilan kung bakit sa punong kahoy ng kaalaman ay ang punong kahoy ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama sapagkat ito ay may potensyal upang i-takda ang ating landas sa buhay o para sa landas ng kamatayan ito ang sabi ng biblia.
Jeremias 21:
    8 "Sabihin mo sa bayang ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Narito ang buhay at ang kamatayan. Mamili kayo sa dalawa.
Samakatuwid, ang trabaho ng mga relihiyon ayon sa kaugalian ay laging magkaroon ng kamalayan ng mga kaalaman na maaaring makita ang kaibhan sa pagitan ng dalawang ito upang malaman ang pagkakaiba at sa kasamaang palad, sa oras na ito ay lubhang mahirap na gawin ito, lubhang mahirap na maaaring makita ang kaibhan gayon pa man, kailangan nating pag-aralan at malaman kung paano. Ang trabaho ng relihiyon sa buong kasaysayan ay upang maglaan sa mga kaluluwa, sa embrayo ng kaluluwa ng mga elementong kailangan sa pagsasaayos para mapalago. Ang mga binhi ng ating mga kamalayan na nangangailangan ng tamang mga sangkap, Ang unang elementong kailangan ng binhi ay ang maitanim sa lupa, ang lupa ay ating pisikal na katawan, kailangan natin ang pisikal na katawan.


https://fbcdn-sphotos-c-a.akamaihd.net/hphotos-ak-frc3/1465217_725806957448207_1539556337_n.jpg


Ang lupa mismo ay ang ating daanan, ang sangkap upang mapakain natin ang ating sarili. Ang binhi na ating itinanim sa lupa ang nagdala palabas sa lupa ng mga mineral at iba pang mga bagay na kailangan nito, ang mga kemikal na kailangan nito, upang maging makakain. Gayundin sa ating mga pisikal na katawan, natanggap natin at ibahin ang anyo ng enerhiya na kailangan natin upang bumuo ng kamalayan. Ang iba pang mga bagay na kailangan natin ay ang liwanag kapag ang binhi ay nakatanim sa lupa, kapag ang ating mga kamalayan ay nakatanim sa loob ng ating pisikal na katawan, kailangan natin ang liwanag.
Ang Liwanag na ito ay may mga antas at kabuluhan, ang pisikal na binhi na itinanim sa isang pisikal na lupa ay nangangailangan ng liwanag ng araw, ang ating kamalayan ay nangangailangan rin ng sikat ng araw ngunit ang liwanag na ito ay ang liwanag ni Kristo, ang liwanag ng darma, ang malinaw na liwanag na lumilitaw mula sa walang hangganan, ang logos, ang salita ng Diyos.
Kailangan natin ang ilaw para sa ating dibinidad sa loob, para matanglawan tayo, para mabigyan tayo ng panggatong,  ng lakas, ng apoy. Ang ilaw na iyun ay ang kaalaman sa relihiyon, kaalaman tungkol sa siyensya, ang kaalaman tungkol sa ating landas. Ang landas ng binhi ng ating mga kamalayan ay hindi maaaring magising na nasa lupa lamang sa pagtanggap ng liwanag kailangan din ng tubig.
Ang tubig ay sekswal, kaya nakikita natin dito kailangan natin ang dalawang mga puno ng hardin ng Eden, kailangan natin ang punong kahoy ng buhay, ang kaalaman ng lahat ng mga batas, ito ay ang liwanag bumababa pababa sa puno, ang liwanag ng araw, ang ilaw, ang liwanag ni Cristo, na maaaring gumabay sa kaluluwa upang maging isang anghel ipaliwanag at nagpapahayag ng mga solar na batas na tagapamahala sa lahat ng antas ng paglikha sa itaas na kung saan dapat pumasok ang kaluluwa upang makuha ang kanyang lugar sa kosmikong herarkiya.  Ito ay kung paano natin makikita ang ating layunin.
Ang tubig ay sagrado, ang puno ng kaalaman, ng mabuti at masama. Ito ang tubig ng buhay isang sagrado isang literal na ibig sabihin ng kimika ng Diyos at ang agham ng mistisismo ng tubig na ang kaluluwa ay maaaring sumulpot mula sa lumikha na puwedeng lumikha.
Kaya, ang simbuyo ng binhi na lumabas na pumunta sa ilaw upang pasiglahin sa pamamagitan ng mga pwersang ito ang dahilan kung bakit tayong dapat pumasok sa sagradong kaalaman ang ating binhi ay nasa lupa at mayroon na tayong pisikal na katawan. Ang ating mga binhi ay may liwanag, sapagkat natatanggap na natin ang espirituwal na pag-aalaala na tumutulak sa atin upang alamin ang isang bagay na mayroon tayong pagkabalisa na naghahanap upang malaman at mayroon tayong tubig ngunit paano natin ginagamit ito? At ito ang ating katanungan?
Sa pagbubuo, na pag-aralan natin ang tatlong mga sanhi, upang samantalahin ang mga elementong ito na natanggap natin na nagdala sa atin sa lupa, ang pagtanggap ng liwanag at ang pagkakaroon ng tubig. Kailangan nating malaman kung paano magtrabaho sa kanila.
Mayroon tubig sa loob ng ating mga katawan, sa loob ng ating mga shell, at ang liwanag ng kaalaman, ang liwanag ng  sagradong kaalaman, ang liwanag ng ating pagkakalikha na nagniningning sa atin at mayroong tayong katawan na dapat nating samantalahin.. Ang tungkulin ng lahat ng relihiyon sa lahat ng panahon ay ang magbigay sa binhi, ng pag-unawa sa tatlong mga kadahilanan na kinakailangan upang balansehin at gamitin ang mga pwersa.
Ang tatlong mga kadahilanan ay ang kamatayan, kapanganakan, at sakripisyo. Lahat ng relihiyon ay may pananagutan upang ituro at ipaliwanag ang tatlong mga kadahilanan. Ang  kamatayan ay ang pag-alis sa luma ang pagtatapos na kung saan ito ay hindi na kinakailangan at sa kaso ng ating pagkakatulad sa maliliit na binhi at ang lupa na gustong maging isang puno sa loob ng binhi ay magiging isang mahalagang materyal na kinakailangan ng binhi upang magamit ng mabuo ang kanyang sarili.
Sa ibang salita, ang mga binhi mismo ay dapat mamatay sa pagkaka-ayos para ang buhay ay lumitaw sa pagkakasunod-sunod para sa mga usbong na sumibol mula sa lupa. Ito ay parehong totoo sa ating mga makataong binhi ng ating kamalayang pantao, tayo bilang isang diwa ay kailangang mamatay upang ang anghel ay lumabas at sa ating kaso sa mundong ito.
Ito ay kinakailangan dahil ang ating mga binhi ay naging korupt ang ating makataong kamalayan ay mayroon sa kanyang pinakaloob. Ang tunay na pag-iral ngayon ay may maraming mga elemento ng korupsyon na hindi na natin alam ang pagitan ng kung ano ang dalisay at hindi dalisay, nasanay na tayo sa pagiging magagalitin akala natin iyun ay normal.
2 Corinto 5: 1-21
               1 Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. 2 Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, 3 upang kung mabihisan a na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad. 4 Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. 5 Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.
               6 Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. 7 Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita. 8 Malakas nga ang loob nating iwanan ang katawang ito na ating tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng Panginoon. 9 Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. 10 Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
Pakikipagkaibigan sa Diyos sa Pamamagitan ni Cristo
               11 Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, sinisikap naming hikayatin ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao; at inaasahan kong kilalang-kilala rin ninyo ako. 12 Hindi dahil sa nais naming ipagmalaking muli sa inyo ang aming sarili, kundi nais naming bigyan kayo ng dahilan upang kami'y maipagmalaki ninyo, nang sa gayon ay masagot ninyo ang mga taong walang ipinagmamalaki kundi ang mga bagay na panlabas at hindi ang tunay na pagkatao. 13 Kung kami'y parang nasisiraan ng isip, iyon ay alang-alang sa Diyos. At kung matino naman kami, iyan ay para sa kapakanan ninyo. 14 Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.
               16 Kaya ngayon, ang pagtingin natin sa bawat tao ay hindi na batay sa sukatan ng tao. Noong una'y ganoon ang ating pagkakilala kay Cristo, ngunit ngayo'y hindi na. 17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.
               20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos. 21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
Nasasanay na tayo sa kasamaan tulad ng katakawan, kalibugan at iba pa na sa tingin natin ito ay natural kaya tayo ay nagkakaroon ng takot ng pagka-balisa dahil naniniwala tayo na ito ay ang paraan ng kalikasan, itong lahat ay hindi totoo, ang kalikasan sa kanyang sarili kapag malaya sa ganitong uri ng kasamaan o kalaswaan, ang kalikasan ay isang paraiso.
Ito ay inilarawan sa bibliya at sa  lahat ng mga mahusay na sinaunang kwento ng maagang yugto ng pag-unlad ng tao na ang buhay ay isang paraiso, wala ng paghihirap, walang-pag-aalala, walang galit, walang karahasan, walang kasakiman, walang pag-aagam-agam, walang sinuman ang kukulangin sa lahat ng bagay lahat ay mabibigyan at mahahanap nila ang kanilang sariling lugar sa buhay.

Isaias 25:
8 Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,
at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Isaias 35:
10 Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh
na masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.
Isaias 65:
Bagong Langit at Lupa
17 Ang sabi ni Yahweh:
"Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit;
ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.
18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.
19 Ako mismo'y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
20 Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay,
lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na,
at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa.
21 Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan,
magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.
22 Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.
Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang.
Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang,
lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.
23 Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga,
at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila;
pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa.
24 Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin,
at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.

25 Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa,
ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
At ang ahas naman na ang pagkain
ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba.
Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok.
Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama."