https://www.youtube.com/watch?v=50IiF1rTTGQ
John 1:29 “Behold, the Lamb of God, who takes away the sin of the world!
Revelation 17:14
John 1:29 “Behold, the Lamb of God, who takes away the sin of the world!
Revelation 17:14
"These will wage war against the Lamb, and the Lamb
will overcome them, because He is Lord of lords and King of kings, and those
who are with Him are the called and chosen and faithful."
MGA SIKRETO KAYA NAGTAGUMPAY SI
CRISTO-JESUS
Tuklasin mo
ang nga katangian ng Dakilang Master. Halukayin ang mga nakatagong katangian ng
pinakamagaling na Guro. Pag-aralan at gamitin sa iyong buhay, at siguradong
maaabot mo ang iyong mga pangarap. Unang sikreto ni Cristo ay ang pagbibigay
solution sa iba’t ibang uri ng problema.
Unang sikreto ni Cristo
Unang sikreto
ni Cristo ay ang pagbibigay solution sa iba’t ibang uri ng problema.
Romans 15:1-2
We who are
strong in the faith ought to help the weak to carry their burdens. We should
not please ourselves. Instead, we should all please other believers for their
own good.
Roma 15:1-2
Dapat
pagtiisan nating malalakas ang mahihina sa pananampalataya at huwag ang
sariling kasiyahan lamang ang isipin. Bigyan natin ng kasiyahan ang ating kapwa
kung ikabubuti niya.
Lahat ng tao
ay may kanya-kanyang problema na naghahanap ng solusyon. Ang pagtatagumpay mo
sa anumang larangan at ang kasiyahan mo sa buhay ay nakasalalay sa kagustuhan
mong tumulong sa tao na masolutionan ang kanilang mga problema.
Ang
matagumpay na attorney ay nagreresolba ng mga problemang legal. Ang mga doctor
ay nagreresolba ng mga problemang pisikal. Ang mekaniko ng kotse ay
nagreresolba ng mga problema sa kotse. Ganun din kayo pag-nagagamot ninyo ang
mga problema sa spiritual na tumatagos
sa pisikal. Si Jesus ay dakilang manlulutas ng anumang problema sa panahon
niya. Libo-libo ang nabibigatan sa kanilang konsensiya dahil sa iba’t ibang
kasalanan. Nag handog si Jesus ng kapatawaran.
Libo-libo
ang nagugutom sa ispiritual.Sinabi nya sa:
John 6:35
I am the
bread of life…. Those who come to me will never be hungry, those who believe in
me will never be thirsty.
Juan 6:35
Ako ang
pagkaing nagbibigay-buhay…Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang
nanalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.
Oracion
upang pagkalooban ng kapangyarihan malagpasan ang matinding pagkagutom at
pagkauhaw.
Daang-daang
katawan na may iba’t ibang sakit at karamdaman ang ginamot ni Jesus na naging
matindi nilang problema.
Acts 10:38
Jesus ….
went everywhere doing good and healing all who were under the power of the
Devil.
Gawa 10:38
Jesu-cristo…saan-man
siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng
pinahihirapan ng Diyablo.
Basahin
ninyo ang iba’t ibang Healing Books natin para malaman at magamit ninyo ang mga
sagradong oracion at panalangin upang mabigyang solusyon ang kanilang mga
problema.
Pinalaya ni
Jesus ang mga nasasaniban ng demonyo. Mayroong kaalaman si Jesus na kailangan
ng mga na biktima kaya na solusyunan ang kani-kaniyang problema. Kaya libo-libo
ang lumalapit at nakikinig sa kaniya. Ang produkto niya ay ang mga Batas ng
Diyos, buhay na walang hanggan, kaligayahan, kapayapaan, pagpapatawad,
pagpapagaling sa kalusugan pati na ang kalayaang pang-pinansial.
Tingnan mo
ang iyong sarili. Ano ang katangian mo o ang regalo sa iyo ng Tatlong Persona
upang matulungan mo ang mga taong may problema?
Saan ka
mahusay na iyong ginagawa? Masaya ka ba kung nakakagamot ka, kung nakapagpapayo
ka?
Lahat ng
ginawa ng Dios Ama ay solusyon sa isang problema. Gusto ng Panginoong Dios
matutunan ng tao at malaman kung ano ang Pag-ibig, ang magmahal. Kaya nilikha
niya si Adan. Malungkot si Adan na nag-iisa kaya nilikha ng Dios si Eva.
Ito ang
gintong tali na nagtatali sa lahat ng nilikha niya.
Isipin mo
ang dahilan kung bakit ka nilikha ng Dios Ama at alamin mo ang dapat mong
maging kontribusyon sa iba na itinakda sa iyo ng Dios upang gawin mo. Katulad
ng abogado nakatakda para sa kanya ang mga cliente niyang may mga demanda o
magdedemanda. Ang asawang babae na nalatakda para sa asawa niyang lalaki. Ang
mga magulang na nakatakda para sa kanilang mga anak. Ang mga empleyadong
nakatakda para sa kanyang amo. Ang nakatakda nating gawin ay laging para sa
ating kapwa-tao.
|
Tulad ni Moises nakatakda para sa Israelita. Si Aaron para kay Moises.
Ang pagkakatakda sa atin kung bakit tayo nilikha ay palaging sagot sa isang
problema. Ang buhay mo ay solusyon para sa ibang may mga problema. Hanapin mo
ang may kailangan sa iyo at ano ang puwede mong maitulong upang ma-resolba ang
kanyang mga problema. Diyan mo itayo ang buhay mo sa paligid nila na
nangangailangan ng iyong contribusyon upang ma-solutionan ang kanilang mga
suliranin.
Panalangin
Amang Dios,
pakitulungan po ninyo akong makatulong sa mga taong meroong problema at may mga
matitinding suliranin. Pahiram ng iyong mga mata upang Makita ko silang mga may
kailangan sa akin. Tulungan mo akong Makita kung paano ako makakatulong.
Salamat sa paglikha mo sa akin upang maging solusyon ako sa mga may problema.
Sa pangalan ng Jesus amen.
Oracion para
matupad ang hinihiling:
Pangalawang
Sikreto ni Cristo:
Matindi at
buong-buo ang paniniwala nya sa kanyang mga producto.
Proverbs 27:23
Look after
your sheep and cattle as carefully as you can.
Kawikaan 27:23
Ang iyong
hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan.
Anuman ang
iyong produkto dapat mo itong alagaan at bantayan.Nakamamatay ang
pag-aalinlangan.
Nakapasok ka
na ba sa isang kwarto at naramdaman mong may kakaibang energia ang nasa paligid
nito. Mayroong galit at mainit na pakiramdam. O kaya’y nakapaglakad ka na ba sa
isang kwarto na puno ng energia ng pag-ibig, pagmamahal, pagmamalasakit,
kasiglahan at pag-asa.
Tingnan kung
anong pintuan (Doorway), daanan o portal ang nakakainfluensiya sa taong
nakatira doon. Mahirap magtagumpay ang isang taong may dalang galit, sama ng
loob o may pag-aalinlangan.
Pagpalain
kung positivong portal ang nasa loob ng kwarto. Buhayin pa ito ng
PAMBUHAY NA DASAL
Eto ang
oracion na dapat gamitin sa pagsasarado ng portal sa tao o kwarto
Tapos ay
balutan o i-shield ng:
PANGBAKOD ( SPIRITUAL SHIELD )
Tingnan mo
ang naging buhay ni Jesus.
Pinaniwalaan
niyang kaya niyang buhayin ang isang tao. Ginamit niya ang mga sagradong
panalangin. Pinaniwalaan niya na ang kanyang mga produkto ay magpapakuntento sa
mga tao.
John 4: 13, 14
Those who
drink this water will get thirsty again, but those who drink the water that I
will give them will never be thirsty again. The water that I will give them
will become in them a spring which will provide them with life-giving water and
give them eternal life.
Juan 4:13, 14
Ang uminom
ng tubig na ito’y muling mauuhaw, ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko ay
hindi na muling mauuhaw. Ito’ magiging isang bukal sa loob niya, babalong at
magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.
Kaya buhayin
ng…
Ang lahat ng
inyong produkto, kumpanya o anuman ang pinagmumulan ng inyong pinagkakakitaan.
Ano-ano ba
ang mga dahilan at bakit ka naniniwala sa dinadala mong produkto? Dapat
kabisado mo ang produktong dinadala mo, ang mga katangian nito. Ang produktong
inaalok ni Jesus ay Buhay.
John 10:10
The thief
comes only in order to steal, kill and destroy. I have come in order that you
might have life- life in all its fullness.
Juan 10:10
Kaya lamang
pupunta rito ang magnanalaw ay upang magnakaw, pumatay at magwasak. Naparito
ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay-isang buhay na ganap at
kasiya-siya.
Dapat
magkaroon ka ng oras pag-aralan at mag-sakripisyo upang alamin ang lahat
tungkol sa iyong produkto. Ang magaling
na abogado ay dapat mag-aral ng iba’t-ibang bagong batas. Ang doctor ay
nararapat lagging nagbabasa ng mga bagong kaalaman tungkol sa katawan ng tao at
mga bagong lumalabas na sakit. Ang isang pulis ay dapat nag-aral at nag-praktis
ng lanyang mga sandata, ng mga batas sa communidad, ng kanyang mga karapatan at
maging ang kaisipan ng mga criminal. Kung hindi niya ito aalamin at
pag-aaralan, alam niya na baka isang araw siya ang mapatay sa kalye ng mga
criminal. Ang buhay niya ang nakataya.
Huwag mong
asahan na magtatagumpay ka kung hindi mo inalam at pinag-aralan ang iyong
sariling produkto.
Ikaw ba ay
nakararanas ng kalungkutan o pag-kainip sa kasalukuyan mong trabaho?
Nakararamdam
ka ba ng kawalang pag-asa?
Dapat
sigurong tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang dahilan? Ilang panahon ba
ang inuubos mo para maintindihan mong mabuti ang lahat ng pasikot-sikot ng
iyong negosyo? Pinaniniwalaan mo ba at ginagamit ang iyong mga produkto? Ilang
oras ba sa loob ng isang araw ang inuubos mo upang ma-master mo ang lahat lahat
tungkol sa iyong produkto? O baka naman sobra ang pagka-bisi mo para kumita
agad ng malaking pera kahit na talagang hindi mo pa nadedevelope ang
napakalakas na pang-unawa at lakas ng loob maging ang kaalaman sa iyong ginawa
pati sa iyong mga produkto.
Napaka-bisi
ni Jesus. Siya’y nagtuturo, nangangaral, naglalakbay, gumagawa ng iba’t ibang
kababalaghan, nanggagamot at nagtuturo sa mga hindi pa marunong. Pero lagi
siyang may oras na mapag-isa kasama ng kanyang Ama , binubuhay at inuunawang
mabuti ang papel na dapat gampanan, ang kaniyang mga plano para sa kanya at ang mga produktong
iaalok nya.
Hosea 4:6
“My people
are destroyed for lack of knowledge”
Oseas 4:6
“Nalipol ang
aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman”
Panalangin
Panginoong
Dios, salamat po at nilalagay mo sa kalooban ko ang pagtitiyaga para maiintihan
ko at malaman lahat ng detalye sa aking produkto/servicio/trabaho sa ka sagad
sagaran. Alam kong binibigay mo sa akin lahat ng paraan at kaisipan para
makatulong sa ibang tao. Turuan mo pa po ako upang ma-develop ko pa ang
makapangyarihang pang-unawa at lakas ng loob upang maipakilala ito. Sa pangalan
po ni Jesus,amen.
Oracion para
madaling matandaan ang mga detalye ng produkto/servicio/trabaho
PANALANGIN SA BANAL NA ESPIRITU
Pangatlong sikreto ni Cristo
Hindi
kailanman nagsinungaling si Cristo sa kanyang produkto. Hindi nagdagdag o nagbawas.
Romans 12:17
“If someone
has done you wrong, do not repay him with a wrong. Try to do what everyone
considers to be good. Do everything possible on your part to live in peace with
everybody. Never take revenge, my friends, but instead let God’s anger do it.
For the scripture says: “I will take revenge, I will pay back, say the Lord”.
Roma 12:17
Huwag
ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa
lahat ng panahon. Hanggat maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. Mga
minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat
nasusulat “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon”.
Malalama’t
malalaman ang nagsisinungaling.
Proverbs 28:13
It may take
weeks or even months, but the truth always surfaces. “He that covereth his sins
shall not prosper”.
Kawikaan 28:13
Maaaring
abutin ng ilang lingo o maging ilang buwan, pero ang katotohanan ay laging
lumulutang. “Siyang nagkukubli ng kanyang kasalanan ay hindi aasenso”.
Sinumang nakiki-pag
negosyo sa iyo ay nagnanais ng katotohanan-buong katotohanan. Ayaw ng mga tao
ang dagdag-bawas ng informasyon sa iyong produkto.
Si Kristo
ang may pinaka-magandang profukto sa buong mundo- Kaligtasan. Inalok niya ang
lahi ng mga tao ng oportunidad na magkaroon ng relasyon sa Diyos. Ikinikwento
niya ang langit at mga anghel.
John 14:2
There are
many rooms in my Father’s house, and I am going to prepare a place for you. I
would not tell you this if it were not so. And after I go and prepare a place
for you, I will come back and take you to myself, so that you will be where I
am.
Juan 14:2
Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid, kung
hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo.
At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at
naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan
ko.
Kahit kailan
hindi naglihim si Jesus kung ano pa ang posibleng mangyari pagtinanggap mo ang
kanyang inaalok na produkto. Pinaalalahanan niya ang kanyang mga dicipulo ng pag-uusig
dahil sa pagkuha ng kanyang produkto.
Matthew 10:17-20
Watch out,
for there will be those who will arrest you and take you to court, and they
will whip you in the synagogues. For my sake you will be brought to trial
before rulers and kings, to tell the good news to them and to the Gentiles.
When they bring you to trial, do not worry about what you are going to say or
how will you say it, when the time comes, you will be given what you will say.
For the words you will speak will not be yours, they will come from the spirit
of your father speaking through you.
Mateo 10:17-20
Mag-ingat
kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman, at hahagupitin
nila kayo saa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila
at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo,
huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo
sasabihin. Pagdating ng oras, ito’ y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo
ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan
ninyo.
Oracion
upang matanggap ninyo ang dapat ninyo sabihin pagdating ng oras ng kagipitan:
Sinabi pa ni
Jesus ang possible pang-mangyari sa pagtanggap ng kaniyang produkto.
Matthew 24:9
“Then you
will be arrested and handed over to be punished and be put to death. Everyone
will hate you because of me”
“Sa panahong
iyon, kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, at isasakdal uopang pahirapan at
patayin”.
Binanggit ni
Jesus ang mga kalungkutan sa pagsama sa kanya.
Matthew 8:20
“May mga
lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng
Tao’y wala man lang matulugan o
mapagpahingahan”.
Naniniwala
si Jesus na dapat ihanda ang taong kukuha ng kanyang produkto sa lahat ng posibleng situwasyon na
puwedeng mangyari. Siya’y tapat. Ang aral niya ay malawak at malalim pa kaysa
sa pilosopiya ng kalawakan sa langit.
Pakinggan
natin ang sinabi ni Apostol Pablo:
2 Corinthians 11:24-27
Five times I
was given the thirty-nine lashes by the Jews, three times I was whipped by the
Romans, and once I was stoned. I have been in three shipwrecks, and once I
spent twenty-four hours in the water. In my many travels I have been in danger
from floods and from robbers, in danger from my own people and from Gentiles,
there have been dangers in the cities, dangers in the wilds, dangers on the
high seas and dangers from false friends. There has been work and toil, often I
have gone without sleep; I have been hungry and thirsty; I have often been
without enough food, shelter or clothing.
2 Corinto 11:24-27
Makalima
akong tumanggap ng tatlumpu’t siyam na palo mula sa mga Judio. Tatlong ulit
kong naranasang hagupitin ng mga Romano at minsang binato. Makatlo kong
naranasang mawasak ang barkong sinasakyan kat minsa’y maghapo’t magdamag akong
lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nasuong sa iba’t ibang
panganib sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil.
Mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid.
Naranasan ko rin ang labisna hirap at pago, malimit na pagpupuyat, matinding
gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal.
Kung
maririnig mo ang isinalaysay ni Pablo, tunay na hindi magandang pakinggan pero
hindi siya nagsinungaling at kinuwento ang totoong nangyari sa pagtanggap ng
produkto ni Jesus.
Sinalaysay
ni Jesus sa maraming tao ang magandang mangyayari sa pagsama sa kanya. Pati ang
mga benepisyo sa pagtanggap ng kanyang produkto. Pero mabilis din niyang
ipinapaliwanag ang buong kwento para maging handa sila sa mga pagsubok. Kaya sa
pag-aalok mo ng iyong produkto/serbisyo sabihin mo ang magiging benepisyo.
Mag-focus ka sa bentahe ng iyong produkto o negosyo na makakamtan ng kukuha
pero tandaan mo na ang tapat na relasyon ay mas mahalaga sa isang daang benta.
Ang iyong
integridad ay mas maaalala kaysa sa iyong produkto. Si Jesus ay matapat.
Mag-alok ka at magbigay ng isang produktong hindi basta-basta nakikita kundi
balik ng balik ang customer mo upang tangkilikin ito.
Panalangin
“Ama naming
Diyos, humihingi po ako sa iyo ng tulong upang ma-develop ko at ma-maintena ang
dapat na katotohanan at integridad. Palakasin mo po ako na masundan ang yapak
ni Jesus- tapat at mapagkakatiwalaan. Salamat at itinataas mo ako. Sa ngalan po
ni Jesus. AMEN.
Oracion para
maging ma-benta ang produkto/servicio o negosyo:
Ika-apat
na sikreto ni Cristo
Pumupunta si
Jesus kung saan nandoon ang mga tao.
Galatians 5:13
As for you,
my friends, you were called to be free. But do not let this freedom become an
excuse for letting your desires control you. Instead, let love make you serve
one another.
Galacia 5:13
Mga kapatid,
tinawag kayo upang maging Malaya . Ngunit huwag
ninyon gamitin ang inyon kalayaan upang masunod ang pita ng laman, kundi
maglingkod kayo sa isa’t isa dahil sa pag-ibig.
Merong
nangangailangan ng servicio/produkto mo. Umalis ka’t hanapin mo sila. Kumilos
ka papunta sa mga kakilala mo’t kapit bahay. Dalawin mo ang kapamilya mo’t
kamag-anakn. Lakad na’t gumawa ka ng mga sulat sa mga malalapit na kaibigan.
Maaring nahihiya ka, tinatamad o nakararamdam na hindi ka pa handa, ngunit
hindi ka magtatagumpay kung wala kang koneksyon sa mga tao.
Laging
kasama ang mga tao sa isang nagtatagumpay. Ang mga taong magbibigay sa iyo ng
kasaganaan ay hindi laging pupunta sa iyo. Sa katotohanan bihirang mangyari ang
ganyan. Dapat na puntahan at hanapin mo sila.
Ang
matagumpay na tao ay mabilis kumilos papunta sa mga taong nangangailangan ng
kanyang produkto. Hindi mo maaring makuha ang isang bagay kung hindi mo ito
pagsisikapan.
Ito’y alam
ni Jesus. Hindi siya nagtayo ng kanyang trono sa gitna ng siyudad at nagsabing
“Ito ang aking palasyo. Ito lamang ang lugar na pwede mo akong makita”. Siya’y
nagpunta sa palengke kung saan maraming tao. Pumunta siya sa mga bangka ng
mangingisda. Pumunta siya sa mga simbahan. Dumalaw siya sa mga bahay ng mga
tao. Kung saan-saan siya nagpunta. Pumunta siya sa mga bayan, nagturo ng mga
aral tungkol sa kaharian ng Diyos at nagpagaling ng mga may sakit. Ganoon din
ang pinagawa niya sa kanyang mga disipulo.
Luke 9:6
The
disciples left and traveled through all the villages, preaching the Good News
and healing people everywhere.
Lucas 9:6
Kaya’t
humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon na ipinangangaral ang Mabuting
Balita at nagpapagaling ng mga may sakit sa lahat ng dako. Si Jesus ay madaling
abutin at lapitan.
Ano ang mga
dahilan bakit hindi mo maabot o mapuntahan ng mga tao? Ito ba ay dahil may
takot ka pa o ayaw mong napapahiya kung mayroon pang mas importanteng bagay
kaysa ikaw ay mapahiya o matanggihan. Ang iyong mga pangarap at gustong
marating. Ang matagumpay na tao ay madaling makita’t makausap. Ayaw nilang
mapahiya pero mas pinaniniwalaan nilang mas mahalagang marating nila ang
kanilang pangarap.
Si Jesus ay
umalis sa maginhawang kalagayan. Umalis siya sa paligid ng mga anghel na
naglilingkod sa kanya at sa kanyang Ama na nagmamahal sa kanya. Pumayag siyang
maglakbay sa lugar na hindi banal at hindi perfecto. Humakbang siyang palabas
sa magnifico at perfectong kaharian patungo sa mundo na puno ng kasalanan,
pagkalito at kamatayan. Ngunit lumakad siya patungo sa buhay ng mga taong
nangangailangan sa kanya.
Pumunta si
Jesus kung nasaan maraming tao. Ang iyong pangarap ay matutupad kung connectado
ka sa tao. Kailangan ng abogado ng cliente. Kailangan ng doctor ang pasyente.
Kailangang may makinig sa isang mang-aawit. Kailangan ng mga ahente ng mga
customers na tatangkilik sa kanilang produkto.
Pinuntahan
ni Jesus ang mga taong maraming sakit at hapding nararanasan sa buhay.
Pinuntahan niya ang mga lumpo, ang mga bulag, ang mga mahihirap at maging ang
mayayaman. Wala siyang pinipili. Kinausap niya ang mga matatalino, maging ang
walang kaalaman, ang mga gutom at ang mga nauuhaw.
Umpisahan
mong maglista ng pangalan ng iba’t ibang tao simula ngayon na pwede mong alukin
ng iyong produkto.
Dalawang
klase ng tao sa buhay mo ang pwede mong alukin:
1. Mga taong
nakakaalam na mayroon kang produktong kailangan nila
2. At mga
taong hindi nakakaalam na mayroon kang produktong kailangan nila
Ang listahan
mo ng mga pangalan ng tao ay ang iyong mga kamag-anak, kakilala, kapit-bahay,
mga tindero’t tindera, dentista, manicurista, may ari ng bahay o lupa, mga
doctor o abogado.
Ang batas ng
pagpapakilala ay namamagitan lamang sa apat na tao paikot sa buong mundo.
Sinasabi kung kakilala ni Juan si Pedro na nakakakilala kay Maria na kaibigan
ni Teresita sino ngayon ang makakapagsabing hindi mo makikilala ang taong
kukuha ng iyong produkto?
Simple
lamang ang iyong gagawin. Lumabas ka ng iyong bahay. Mag-alok ng iyong
produkto, kumatok sa mga pinto o tumawag sa telepono. Ang pagtatagumpay ay
nagsisimula sa ibang tao. Pumunta ka kung saan naroon ang mga to tulad ng
ginawa ni Jesus at mag-alok ng iyong produkto.
Panalangin
Panginoong
Diyos, purihin ka sa paglikha mo ng lalaki’t babae. Humihingi po ako ng tulong
na maabot ko, makilala ng may lakas ng loob at tiwala sa sarili ang mga tong
makakatulong sa akin. Alam kong ituturo mo sa akin ang tamang plano at ibibigay
ang opportunidad makilala ang mga taong
makakasama ko sa pagtatagumpay. Sa pangalan ni Jesus. AMEN
Oracion para
makilala ang mga taong kukuha at maniniwala sa iyong produkto.
Ika-limang
sikreto ni Cristo
Ang
panginoong Jesus ay nagtakda ng oras upang magpahinga.
Genesis 2:2
By the
seventh day God finished what he had been doing and stopped working.
Genesis 2:2
Sa loob ng
anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa
ika-7 araw.
Ang sobrang
pagkapagod ay maaring maningil ng mas mataas.
Alam ito ng
isang kinikilalang presidente ng Amerika. Talagang tumatanggi siyang magbigay
ng importanteng desisyon pagkalipas ng alas kuwatro ng hapon. Alam niyang ang
pagod na katawan at pat-iisip ay bihirang magbigay ng magandang desisyon.
Isang
masamang desisyon ay maaring makalikha ng kakila-kilabot na sakuna. Ang
pagpapahinga ay hindi kasalanan. Ito ay oras ng pagbabalik lakas at sigla.
Hindi ito kawalan kung hindi panibagong kasiglahan. Ito ang oras para tumanggap
ng payo at nakakatulong para lumabas ang iyong mga potensyal. Si Jesus ay
masipag. Nangagamot, nagtuturo sumasama sa paglalakad ng mga tao. Pero alam
niya rin ang halaga ng pagpapahinga at pagrerelax.
Mark 6:31
There were
so many people coming and going that Jesus and his disciples didn’t even have time to eat. So he said to them “Let us
go off by ourselves to some place where we will be alone and you can rest for
awhile”.
Napakaraming
taong dumating at umalis, anupa’t hindi na makuhang kumain ni Jesus at ng
kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya sa mga ito “Magtungo tayo sa isang ilang
na pook upang malayo sa karamihan at makapahpahinga kayo nang kaunti”.
Pag-isipan
mo ang ginagawa ni Jesus. Araw-araw daan-daang may mga sakit ang sumisigaw para
sa kanyang atensiyon. Maraming nasasaniban pa ng demonyo. Ang mga nanay ay
pilit siyang inaabot. Ang mga tatay ay humihingi sa kanyang ipanalangin ang
kanilang mga anak. Ang mga bata’y ayaw umalis sa kanyang kanlungan.Pero
humihiwalay pa rin si Jesus…upang makatanggap. Alam niyang mga tinanggap lang.
ang oras ng pagtatrabaho ay oras ng pagbibigay. Ang oras ng pahinga ay oras ng
pagtanggap. Dapat meron ka nitong parehas. Ang diyos Ama na lumikha ng mundo sa
loob ng anim na araw ay nagphinga sa ika-pitong araw. Gumawa siya ng ehemplo
para sa atin. Kaya ginawa rin ni Jesus ang magpahinga.
Alam ni
Jesus ang pagbalanse sa pagpapahinga at pagtatrabaho. Kaya marami siyang
natapos gawin sa kakaunting panahon. Maraming hihingin ang buhay. Maging mga
tao ay maraming hihilingin. Ang katotohanan nga niyan habang ika’y
nagtatagumpay mas maraming tao ang may hihilingin sa iyo. Kaya ang pagpapalakas
at charging ng katawan mo ay humihingi ng iyong atensiyon. Magsikap gawin ito
pero laruing may kasiglahan. Ilagay mo sa schedule mo…
Isang araw
sa loob ng isang lingo, relax at charging lang ang ipokus mo ibang-iba sa iyong
ginagawang trabaho. Ang kaisipan mo ay mas lilinaw sa pag-iisip. Mas magiging
maganda ang iyong mga decision. Makikita mo ang buhay sa iba’t ibang mata o
perspective. Mas marami kang magiging tagumpay sa mas maikling panahon. Huwag
mong itulak at madaliin ang pagtatagumpay, namnamin mo ang kasalukuyang oras.
Ang nag-aapoy na pagnanasa sa loob ng pagkatao mo ay lagging naka-sindi. Dapat
na kontrolin mo ang init nito at ipokus mo. Matutunang magpahinga at
mag-recharge. Ginawa ito ni Jesus.
Panalangin at Oracion:
Panginoong
Diyos, paki-turuan mo po ako na matutunan ang tamang pagpapahinga at charging,
ipakita mo pos a akin ang daan papunta sa iyo. Upang maging bagong tao puno ng
kasiglahan at bagong pag-asa. Alam ko na pagkulang sa pahinga ay hindi ko
magagawang marating ang aking mga pangarap at pagtatagumpay. Salamat po. Sa
ngalan ni Christo-Jesus.AMEN
Oracion: PANG MA-CHARGE AT
MAKAPAGPAHINGA NG HUSTO.
PANGBAKOD
( SPIRITUAL SHIELD )
III. CHARGING PRAYERS
A.FAXLATAM
(Charging prayer after E DEUS)
B.DEUMETUM (Charging prayer after
FAXLATAM)
Note: Each of the
Charging Prayer can be raised To the DIVINE POWERS of:
Ika-anim
na sikreto ni Cristo
Naglalaan
ang oras si Jesus upang mag-plano
Proverbs 24:3-4
Homes are
built on the Fellowship of wisdom and understanding. Where there is knowledge,
the rooms are furnished with valuable, beautiful things.
Kawikaan 24:3-4
“Sa
pamamagitan ng kaalaman, naitatayo ang isang bahay at ito’y naitatatag dahil sa
kaunawaan. Ang loob ng tahanan ay napupuna nga lahat ng magagandang bagaay sa
pamamagitan ng karunungan.
Ang
pagpaplano ay ang unang tuldok para sa isang pangarap.
Ano ba ang
pagpaplano? Ang plano
ay isang nakasulat na listahan ng mga
sunod-sunod
na actions o kilos na kailangan para marating ang isang pinapangarap.
Habakkuk 2:2
Write the
visions and make it plain upon tables, that he may run that readeth it.
Habacuc 2:2
Isulat mo
ang pangitain, isulat mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang madaling
mabasa. Planado na ni Cristo ang iyong kinabukasan.
John 14:2-3
There are
many rooms in my Father’s house, and I am going to prepare a place for you. I
would not tell you this if it were not so. And after I go and prepare a place
for you, I will come back and take you in myself, so that you will be where I
am.
Juan 14:2-3
Sa bahay ng
aking Ama ay maraming silid, kung hini gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At
paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at
naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan
ko.
Pag-isipan
mong sandali. Ang Diyos Ama ang nag-schedule sa kapanganakan, sa pag-pako at
pagkabuhay na mag-uli ng kanyang anak na si Jesu-Christo bago pa man sa
pondation ng mundo.
Revelation 13:8
All people
living on earth will worship it, except those whose names were written before
the creation of the world in the book of the living which belongs to the lamb
that was killed.
Pahayag 13:8
Sasamba sa
kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang
pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay. Magmula pa nang likhain ang
sanlibutan. Ang aklat na ito’y iingatan ng korderong pinatay.
Maiisip mo ngang
napagaling ng Diyos Ama sa pag-schedule ng isang hapunang magaganap anim na
libong taon bago pa mangyari.
Revelation 19:9
Happy are
those who have been invited to the weedding feast of the lamb.
Pahayag 19:9
Mapalad ang
inanyayahan sa piging sa kasal ng kordero.
Laging
pinararangalan ng diyos ang mga taong marunong mag-plano.
Si Noah ay
nag-plano kung paano gagawin ang napakalaking daong. Si Solomon na pinaka
matalinong taong nabuhay sa mundo ay nagplano sa pagtatayo ng mga templo. Si
Moises ang dakilang tagapagligtas ng mga israelita palabas ng Egipto ay
nagplano para magawa ang tabernakulo.
Ang iyong
biblia ay plano ng Diyos para sa iyo, sa mundo at para sa buhay na walang
hanggan. Iyan ay katibayan na ang Diyos man ay nauunang mag-isip o nagpa-plano.
Ang karamihang nakasulat sa biblia ay panghuhula, mga discripsyon kung ano ang
magiging bukas bago pa man ito mangyari.
Luke 14:28-31
If one of
you is planning to build a tower, you sit down first and figure out what it
will cost to see if you have enough money to finish the job. If you don’t, you
will not be able to finish the tower after laying the foundation, and all who
see what happened will make fun of you. You began to build but can’t finish the
job. They will say, if a king goes out with ten thousand men, he will sit down
first and decide if he is strong enough to face that other king. If he isn’t,
he will send messengers to meet the other king to ask for terms of peace while
he is still a long way off.
Lucas 14:28-31
Kung ang isa
sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatantyahin
ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos
niyon. Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos– siya’y
kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila, nagsimulang magtayo ang
taong ito pero hindi naipatapos. O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari
ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang 10,000 niyang kawal ay
maisasagupa sa kalaban na may 20,000 tauhan. At kung hindi niya kaya, malayo pa
ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kakatawan upang makipagkasundo.
Gumawa ka ng
listahan ng mga dapat mong gawin araw-araw para sa iyong buhay. Sumulat ka ng
anim na bahay na gusto mong tapusin sa araw na yaon. I-focus mo ang lahat ng
iyong atensyon sa bawat isa. Ilagay mo ang bawat isa sa bawat oras na gusto mo
siyang gawin. Kung hindi mo kayang magplano ng mga dapat mangyari sa loob ng
bente kwatron oras, paano mo pa matututpad ang iyong mag pangarap sa susunod na
bente kwatrong taon?
Mag-isip ka
tulad ng isang empleyadong may dapat matapos na trabaho sa bawat oras. Ilista
mo sa bawat oras ang dapat mong matapos na trabaho. Ano ba halimbawa ang dapat
mong matapos sa pagitan ng alas-nueve at alas-diyes ng umaga? Sinong cliente
ang dapat mong tawagan at alukan ng produkto?
Isulat mo sa
papel ang mga plano
mo. Ang tagumpay ay nakalisatang mga dapat mangyari. Ma-trabaho ang mag-plano,
meticuloso at mahirap. Hindi ito nakakatuwang gawin pero minsan dapat mong
pilitin ang sarili mo na gawin ang ayaw mo upang mabuo ang bagay na mahal mong
mangyari.
Ang sikreto
ng iyong kinabukasan ay nakatago sa araw-araw mong ginagawa. Kahit ang langgam
ay nag-iisip at kumikilos ng maaga sa kangyang pangangailangan.
Proverbs
6:6-11
Lazy people
should learn a lesson from the way ants live. They have no leader, chier or
ruler, but they store up their food during the summer, getting ready for
winter. How long is the lazy man going to lie around? I’ll just take a short
nap, he says, “I’ll fold my hands and rest a while” but while he sleeps,
poverty will attack him like an armed robber.
Kawikaan 6:6-11
Tingnan mo
yaong langgam, ikaw taong ubod ng tamad. Pamumuhay niya’y masdan mo at nang
ikawa ay mamulat. Kahit siya’y walang punong sa kanila’y nag-uutos, walang
tagapamahala o taga-masid na sinusunod. Ngunit nag-iimbak ng pagkain sa
tag-araw, kailanga’y iniipon kung
panahon ng anihan. Hanggang kailan taong tamad mananatili sa higaan? Kailan ka
babalikwas sa iyong pagkakahimlay? Sandaling tulog, kaunting idlip na lang,
sandaling paghalukipkip, pag-iinin sa higaan. At itong kahirapan sa iyo ay
daratal. Katulad ng mandarambong para bagang magnanakaw.
Panalangin
Amang Diyos,
salamat po at ako’y binibigyan mo ng pagkakataon upang magkaroon ng abilidad
mag-plano. Humihingi po ng tulong na sana’y bigyan mo ako ng katalinuhan upang
magawako ang araw-araw na trabahong makakatulong upang matupad ang aking mga
pangarap. Sa pangalan po ni Jesus, AMEN.
Oracion
upang makapagplano:
Ika-pitong
sikreto ni Cristo
Alam ni
Jesus na hindi dapat kumuha ang lahat ng kanyang produkto para siya masabing
tagumpay.
Galatians 6:9
So let us
not become tired of doing good; for if we do not give up, the time will come
when we will reap the harvest.
Galacia 6:9
Kaya’t huwag
tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y
mag-aani kung hindi tayo magsasawa.
Pag may
nasabi ng “hindi” o “ayaw” ibig sabihin ay alukin mo uli, ipaliwanag uli.
- Mag-isip
ka sandali. Naaalala mo ba ang mga nakaraan mong karanasan? Na kung saan
napapahiya ka dahil may mga taong ayaw sa iyo o maging sa produkto mo? Pero ok
ka pa rin naman di ba?
Ang
matanggihan ay hindi nakamamatay, iyon ay opinion lang ng isang tao. Si Jesus
ang nakaranas ng pinakamaraming pag-aalipusta at pagtanggi rito sa mundo.
Pinanganak siya sa kulungan ng mga kabayo. Pinanganak siyang kailangan itago.
Minura at sinumpa pa siya kahit ng mga sumunod sa kanya.
John 1:11
He came to
his own country, but, his own people did not receive him.
Juan 1:11
Naparito
siya sa kanyang bayan, ngunit, hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.
Sumuko ba
siya? Pinagkanulo siya ni Judas, pero nawalan ba siya ng pag-asa? Hindi! alam
ni Jesus talagang mayroong hindi maniniwala sa produkto niya at hindi dahilan
iyon upang hindi magtagumpay. Pumunta siya sa iba, sa mga taong nakaka-intindi
ng halaga ng kanyang produkto.
John 1:12
Some,
however, did receive him and believed in him. So he gave them the right to
become God’s children.
Juan 1:12
Ngunit, ang
lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya, ay pinagkalooban niya ng karapatang
maging anak ng Diyos.
Alam ni
Jesus ang kanyang halaga. Ikaw alam mo na ba ang iyong importancya? Alam ni
Jesus ang produkto niya. Ikaw alam mo ba ang produkto mo?
Alam ni
Jesus na ang mga critico niya ay mamamatay din, dahil ang plano niya ay eternal ang produkto ay aral ng
Diyos at buhay na walang hanggan. Nakahanda si Jesus para maranasan ang kahit
na anong sakit ng damdamin at katawan para malikha ang walang hanggang
pakinabang ng tao. May mga bagay na nagtatagal kaysa sa pagkukutya at pag-uusig
- ang iyong pangarap. Kumikilos kang
lagpas sa mga tinatamong sugat. Hindi lahat makikinig sayo. Hindi lahat ay
tatanggapin ang inaalok mo. Pero mayroong nangangailangan ng hawak mo nang
produkto mo.Ang contribution mo ay kanilang walang hanggang pangangailangan
para silang magtagumpay, unawain mo ito.Inayawan si Jesus ng mga Phariseo.
Maging ang mga Saduceo. Ang mga pinuno ng relihiyon ay sumusumpa sa kanya at
ang mga nakakilala sa kanyang halaga ay nagnais na sirain siya. Tinaya ni Jesus
lahat ng pagkukutya at paninira upang maging gintong tulay ng tao at ng Dios.
Maraming
nagtagumpay na tao sa mundo an gating kinabibiliban hindi natin nakikita ang
mga pagsubok na kanilang dinaanan. Ang natatandaan lamang ay ang kanilang
tagumpay, pero sila man ay tumaya at nagtiis upang marating ang pangarap. Lahat
ng tinitingalang ahente ay nagsasabing inspirado silang ialok sa mas maraming
tao ang kanilang produkto para marating ang iisa lamang na tatanggap.
Tinuruan ni
Jesus ang kanyang mga discipulo kung paano tanggapin ang mga kabiguan
Matthew 10:14
And if some
home or town will not welcome you or listen to you, then leave that place and
shake the dust off your feet.
Mateo 10:14
At kung ayaw
kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at
ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa.
Kaya
bumangon ka na. magtatawag ka gamit ang telepono. Gumawa ka na ng mga sulat. At
hindi magtatagal, magtatagumpay ka. Alam ni Jesus ito.
Panalangin
Panginoong
Diyos, nagpapasalamat po ako sa pananampalataya at pag-asa sa lahat ng panahon.
Salamat sa mga aral na dapat handa akong maranasan ang panahon ng pag-uusig,
pag aalipusta at kabiguan. Upang matanggap ng panahon ng kasaganaan at
tagumpay. Binasbasan mo akong gawin ang mga bagay na kahit ayaw kong gawin para
maabot ko ang aking mga pangarap, sa pangalan ni Jesus.AMEN.
Oracion para
malagpasan ang lahat ng pag-uusig at pag-aalipusta:
Ika-walong
sikreto ni Cristo
Merong
produkto si Jesus na kailangan ng ibang tao.
Luke 6:19
All the
people tried to touch him, for power was going out from him and healing them
all.
Lucas 6:19
At sinikap
ng lahat ng tao na mahipo siya, sapagkat may taglay siyang kapangyarihang
makapagpagaling ng lahat.
Kaya ka
nilikha ay upang mabago mo ang ibang tao. Lahat ng taong nakikilala mo ay may
gustong baguhin sa buhay niya.
Gusto nilang
matuto.Gusto nilang lumaya sa kagipitan. Gusto nilang gumanda ang kanilang
kalusugan. Ayaw nila ng kalungkutan. Hindi pwedeng ipadala ka sa lahat, pero
siguradong pinadala ka para tumulong sa iba’t ibang taong nakikilala. Pero
mayroong nangangailangan ng kung anong meron ka. Maaring ang iyong kabutihan,
pag-ibig, regalo o opportunidad na puwede mong ipamahagi.Nauunawaan ni Jesus
ito. Alam niyang kaya niyang baguhin ang isang tao upang maging mabuti. Mayroon
loob, kalungkutan upang maalis ang mga sama ng kanilang buhay. Magaling siyang
mag-ayos ng maraming bagay.
John 10:10
The thief
comes only in order to steal, kill and destroy. I have come to order that you
might have life – life in all its fullness.
Juan 10:10
Kaya lamang
pumupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay at magwasak. Naparito
ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay- isang buhay na ganap at
kasiya-siya.
Nauunawaan
ni Jesus ang halaga ng pagkagutom sa katalinuhan at pagpapagaling ng kanyang
sarili.
May apat na
uri ng tao sa buhay mo, iyong mga nakadaragdag, nkababawas, nakakahati at
nakaka pagdoble. Lahat ng relation mo ay nakakaafecto sa iyo, sa kabutihan o
kasamaan. Lahat ng hindi nakadaragdag sa iyo ay siguradong nakababawas sa iyo.
Proverbs 13:20
Keep company
with the wise and you will become wise. If you make friends with stupid people;
you will be ruined.
Kawikaan 13:20
Ang
nakikisama sa may unawa ay magiging matalino; ngunit ang kasama ng mangmang ay
masusuong sa gulo.
Bawat
relation o pakikipag-usap ay nagbibigay ng lakas o ng kahinaan sa loob ng
pagkatao mo. Libo-libong tao ang gustong magbago. Hindi nga lang nila alam kung
paano. Karamihan sa lasengero ay gusto umiwas ng maglasing. Maraming
naninigarilyo ang gusto ng umayaw, maraming drug addicts ang nag-iisip kung
paano makakawala sa pagka-alipin rito.Si Jesus ay naghanap ng mga taong may
problema. Kaya sinabi niya sa kanyang mga discipulo na kailangan niyang pumunta
sa Samaria, kung saan nakilala nya ang isang babaeng may limang napangasawa
ngunit lahat ay nauwi sa paghihiwalay. Nagsalita at nagkwento si Jesus, at ang
babae’y nakinig. Nabago ni Jesus ang buhay ng babae pang habang buhay,
nagkaroon ng bagong pag-asa at paniniwala.
At bumalik
ang babae sa siyudad at ipinamalita kung paano siya nainfluensiyahan at
naturuan ni Jesus, sa buhay niya. Pinag-usapan ang nakaraan pero tumingin sa
kinabukasan.
John 4:14
But those
who drink the water that I will give them will never be thirsty again. The
water that I will give them will become in them a spring which will provide
them with life-giving water and give them eternal life.
Juan 4:14
Ang uminom
ng tubig na ito’y muling mauuhaw ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko ay
hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya babalong at
magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.
Si Jesus ay
tubig sa mga nauuhaw, tinapay sa mga nagugutom, siya’y nagging mapa sa mga
nawawala at tapat na kaibigan sa mga nalulungkot. Ikaw, ano ang pinaka-dakilang
regalo o katangiang pinag-kaloob sa iyo? Ano ang pinaka-sentro ng iyong
kagalingan? Magaling ka bang taga-pakinig? Magaling ka bang taga-pagsalita? Ano
man ang regaling asa iyo, iyan ang binigay ng Diyos upang magbasbas ng ibang
tao na dumadaan sa iyo.
Si Joseph
the dreamer ay may abilidad maipaliwanag ang mensahe ng mga panaginip.
Ang regalo sa iyo ay maaring hindi
kinakailangan ng iba, pero siguradong mayroong nangangailangan niyan. Sino ang
nangangailangan ng iyong regalo? Ano ba ang regalo mo? Aling buhay ang
natulungan mo ngayon? Sino ang natulungan mong kumita? Kaninong kapayapaan ng
pag-iisip ang na-affetohan mo? Makakaya mong bigyan ng kasiglahan at pag-asa
ang iba. Posibleng makapagbigay ka ng magandang paliwanag upang mabuksan ang
iba upang malaman kung saan siya magaling. Gusto ng tao na magtagumpay. Gusto
ng taong matuto. Mayroong tao na naghihintay sa iyo sa buong panahon ng kanyang
buhay. Karangalang hanapin mo sila. Ikaw
ang gintong tali na nawawala sa buhay nila. Gusto ng tao ang pagbabago. Alam ni
Jesus ito.
Panalangin
Salamat po
Diyos Ama sapagkat binigyan mo ako ng regalo na kailangan ng ibang tao. Sa
lakas ni Jesus nagagawa kong malagpasan ang nakaraan sa pamamagitan ng pagtutok
sa regalo ko at mga posibilidad nito. Nilikha mo ako para sa isang tungkulin.
Tulungan mo po akong Makita ang mga taong nangangailangan sa akin. Sa pangalan
po ni Jesus.AMEN
Oracion para
Makita ang mga taong nangangailangan ng servicio mo:
Ika-siyam
na sikreto ni Cristo:
Inaalala rin
ni Jesus ang pangangailangan ng tao sa pera.
Philippians 4:19
And with all
his abundant wealth througn Christ Jesus, my God will supply all your needs.
Filipos 4:19
At buhat sa
kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa
pamamagitan ni Cristo-Jesus.
Ang pera ay
isang gantimpala o pabuya. Madalas ay pera ang natatanggap mo pagnatulungan mo
ang isang tao na marating ang pangarap niya. Ang araw ng sweldo ay araw ng
gantimpala. Gingantimpalahan ka dahil binigay mo ang mahalaga mong oras bawat
araw, ang iyong lakas at ang iyong kaalaman upang matulungan mo ang iyong amo
na marating ang kanyang pangarap. Binabayaran nila kayo dahil ditto.
Ang pera ay
importante, hindi ka mabubuhay sa loob ng bahay mo ng wala nito. Hindi mo
maibibigay ang pangangailangan ng pamilya mo ng wala nito. Ang pagkain at mga
pananamit ay nangangauilangan ng pambili. Sinasabi ngang mga marriage
counselors na ang pangunahing dahilan ng pag-aaway at paghihiwalay ng mag-asawa
ay dahil sa pera. Kinikilala ni Jesus ang importansya ng pera. Pero ayaw niyang
mag-alala tayo ng sobra para rito.
Matthew 6:25-26
This is why
I tell you, do not be worried about the food and drink you need in order to
stay alive, or about clothes for your body. After all, isn’t life worth more
than food? And isn’t the body worth more than clothes? Look at the birds: they
do not plant seeds, gather a harvest and put it in barns, yet your Father in
heaven takes care of them.
Mateo 6:25-26
Kaya’t
sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na
kailangan ninyo upang mabuhay o tungkol sa damit na kailangan ng inyong
katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga
kaysa
pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon, hindi sila
naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinapakain sila
ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
Alam ni
Jesus na iniibig ng Diyos na magbigay ng magagandang batay ar regalo sa mga
tao.
James 1:17
Every good
gift and every perfect present comes from heaven, it comes down from God.
Bawat kaloob
na mabuti at ganap ay buhat sa langit. Mula sa Ama.
Ang pera ay
katotohanang kailangan sa buhay, kailangan mo ito. Ang pera ay nasa diwa rin ng
Diyos. Itinuturo iyan sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanan, bente porsyento
ng aral na pagtuturo ni Jesus ay tungkol sa pera at kayamanan. Gusto ng Diyos
na maginhawa at yumaman ang kanyang mga tao.
Psalm 35:27
May those
who want to see me acquitted shout for joy and say again and again, how great
is the lord?! He is pleased with the success of his servant.
Awit 35:27
Ang
nangagsaya sa aking paglaya, bayaang palaging sumigaw sa tuwa, “Dakila si
Yahweh!” tunay na dakila, sa aking tagumpay, siya’y natutuwa.
Pinakita at
itinuro ni Jesus sa tao paano yumaman sa pamamagitan ng mga parabola o
talinghaga sa tamang pag-gamit ng kaloob at regalo, kung paano i-invest kung
ano ang pinagkaloob sa kanila.