Huwebes, Nobyembre 30, 2017

Decoding of the Secret Knowledge of the Ancient World Documentary National Geography 2017



https://www.youtube.com/watch?v=4F00VDSYN4E
Ang mga sagradong aklat ay medyo misteryoso dahil maaaring iba ang ibig sabihin ng isang bagay sa isa pang nagbabasa. Upang maunawaan sundin ang iminumungkahi ng isang dtef master;
Sa araw na ikaw ay ipinanganak may hagdan na inihanda sa iyo upang makatulong sa iyo upang makatakas mula sa mundong ito.
Ang mga sagradong aklat ay simbolo ng isang hagdan na tutulong sa iyo upang
'makabalik sa mosyon ng mga sagradong kaalaman.
Lahat tayo ay nanggaling sa isang banal na espirituwal na esensiya, hindi nakikita,
ang lahat ng bagay sa mundo na may hugis ay nagmula sa isang bagay na walang hugis mula sa ilang segundo ikaw ay nagmula sa kawalan hanggang magkaroon ng hugis at maging isang nilikha.
Ang sinusubukang ituro ng mga sagradong aklat ay upang makabalik sa lugar na kung saan ka nagmula at buhayin ang iyong buhay mula sa espirituwal na pananaw at maging isang nakilalang nilikha ng Diyos.
Huwag tayong mailigaw na maging Panginoon ang karangalan na nawawala, ang kayamanan na naubos, ang kadakilaang nalilimutan at ang pagmamataas na naibababa.
Isa pang mahusay na kaalaman mula sa isang dtef master na nagpayo na
hindi natin dapat tigilan ang pag-galugad at paghahanap sa dulo ng lahat ng ating pag-galugad at paghahanap ay makakarating tayo kung saan tayo nagmula at upang malaman ang lugar sa unang pagkakataon.
Ang ating hinihiling na gawin ng nagbabasa ng sagradong aklat na ito ay kung ano ang tila sinasabi ng Dtef master na matutong mamatay habang ikaw ay nabubuhay pa sapagkat sa huli siguradong makakabalik ka rin. Lahat tayo ay may isang pabalik na biyahe, may isang tiket na may pabalik na biyahe, nang tayo ay dumating rito sa mundo hindi ba? Mula sa kawalan nagkaroon ng katawang laman at mula sa katawang laman babalik sa kawalan. Ito ang sagradong kaalaman ng tunay na ebolusyon ng tao. Anuman materiyal na akumulasyon ay maiiwan at anumang katalinuhang natutunan ay malilimutan. Dumating tayong walang dalang bagahe, aalis din tayong walang bagaheng dadalhin kahit ang katawang panlupa.
1 Timoteo 6:
7 Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot. 9 Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.
Mga Tagubilin Para kay Timoteo
11 Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kahinahunan. 12 Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo. 13 Iniuutos ko sa iyo, sa pangalan ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa harap ni Cristo Jesus na nagbigay ng mabuting patotoo kay Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. 15 Siya'y darating sa panahong itinakda ng mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan, at nananatili sa liwanag na di matitigan. Walang taong nakakita, o makakakita sa kanya. Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang walang hanggan. Amen.
17 Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmamataas; at huwag silang umasa sa kayamanang lumilipas, kundi sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan. 18 Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. 19 Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.
20 Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan at ang baluktot na pangangatuwiran. 21 Dahil sa kanilang pagmamarunong, may mga taong nalihis sa pananampalataya.
Pagpalain nawa kayo ng Diyos.
Ngunit kung matututo tayong mamatay habang tayo ay nabubuhay matinding kapangyarihan ang ating matututunan. Mayroong isang mahusay na kuwento,
isang paraan upang maintindihan ang ideya ng pagkamatay habang tayo ay nabubuhay. Ganito iyun ang mamatay habang tayo ay nabubuhay ay magbibigay sa atin ng natatanging pagkakataon upang makuhang makalabas sa parselang ito na ating tinitirhan ng pansamantala.
Mayroong isang sinaunang parabula
na inuulit ulit sa bawat henerasyon ng mga Dtef espirituwal Masters na naglalarawan sa puntong ito.
Basahin ang magagandang kuwentong ito:
Isang buy and sell na negosyante mula sa Pasay ang nagpunta sa Palawan upang makabili ng ilang mga lokal na produkto, mga ibon o mga hayop.
At habang nasa gubat sila nakita niya ang daang daang nagsasalita at mga magagandang pinag-uusapang Blue-crowned Green Parrot.
Nagpasya siya na magpahuli ng isang blue crowned green parrot upang maiuwi at dalhin ito pabalik bilang alagang hayop sa bahay niya. Iningatan niya at tinuruang magsalita ang parrot sa isang hawla at pinakain niya ito, binigyan ng magandang binhi at honey at nag-papatugtog siya ng musika at mga salita ng tao para sa kanyang alagang ibon at sa pangkalahatan ay itinuturing niyang kaibigan at inalagaang mabuti.
Ng dumating na ang oras para sa negosyante upang bumalik sa Palawan matapos ang dalawang taon, tinanong niya ang kanyang loro kung mayroon siyang anumang mensahe na ipapasabi
sa kanyang kaibigan pagbalik niya sa gubat.
Sinabi ng loro sa kanyang master na paki-sabi na lang na siya ay masaya sa kanyang kulungan at siya ay maligaya sa bawat araw at ihatid ang kanyang pag-mamahal at pagbati.
Ngayon ng makarating ang negosyante sa Palawan sinabi niya ang mensahe sa
kaibigan ng loro na alaga niya sa parrot na nasa gubat. Bago pa man matapos ang kanyang mensahe ay lumuha ang mata ng loro na kausap niya at biglang natumba at namatay.
Ang negosyante ay na alarma at naisip niya na napakalapit ng kanyang alagang parrot sa parrot na namatay. Ito marahil ang dahilan ng matinding kalungkutan at ng kanyang biglang kamatayan.
Noong bumalik ang negosyante sa Pasay
Sinabi niya ang kanyang alagang hayop kung ano ang nangyari at habang tinatapos niya ang kanyang kuwento ang mata ng alaga niyang loro ay lumuha at siya ay napaluhod at pagkalipas ay namatay. Ang negosyante ay nabigla ngunit naisip niya na namatay ang kanyang alagang ibon mula sa kawalan ng pag-asa ng madinig ang kamatayan ng kanyang malapit na kaibigan mula sa gubat. Binuksan ng negosyante ang hawla at itinapon ang patay na ibon sa labas papunta sa basurahan.
Agad-agad ang alagang ibon ay lumipad pataas sa sanga ng isang puno sa labas ng bahay nagulat at sinabi ng negosyante sa kanya ah hindi ka pala patay pero bakit nagawa mong linlangin ako?
Ang loro ay tumutugon na may ipinadala sa aking mesahe ang kaibigan kong loro mula sa Palawan.
Ano ang mensahe? Nais ng negosyante malaman ang mensahe. Sinabi niya sa akin na kung gusto kong makatakas mula sa aking hawla dapat akong mamatay habang ako ay nabubuhay.
Sa katunayan dapat tayong mamatay habang tayo ay nabubuhay pa
upang magawang lumingon sa ating nagigising na kamalayan at tingnan ang ating sarili na nakakulong sa ating sariling hawla na sa ating kaso ay ang ating katawang panlupa at pagkatapos ay makikita natin na hindi kinakailangang manatiling nakakulong.
Roma 8: 1-39
Pamumuhay Ayon sa Espiritu
1 Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 2 Wala na ako a sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
5 Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6 Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito. 8 At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
9 Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sa katunayan, nananatili na sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. 10 Ngunit dahil nananahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buhay sapagkat itinuring na kayong matuwid ng Diyos. 11 Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
12 Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa katawang makalaman. 13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo. 14 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng "Ama, Ama ko!" 16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
Ang Kaluwalhatiang Sasaatin
18 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw. 19 Sapagkat nanabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. 20 Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag- asa 21 na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. 22 Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak. 23 At hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating mga katawan. 24 Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? 25 Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
26 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. 27 At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.
28 Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, b silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid. 30 Ang mga pinili niya noon pang una ay kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.
Ang Pag-ibig ng Diyos
31 Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? 32 Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin. 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat,
"Dahil po sa inyo'y buong araw kaming pinapatay,
turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay."
37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Isa pang mahusay na kuwento,
ngayon hinihikayat ka namin na
lumikha para sa iyong sarili ng isang banal na espasyo at sa banal na espasyong ito ilagay mo ang lahat ng bagay na may enerhiya, mga mahahalagang bagay sa iyo, guniguniin ito.
At masisimulan mong makuha ang
ideyang ito.
Mabuhay sa magandang lugar na ito
at sa ganitong magandang simbolo.
Ito ay isang sagrado at banal na espasyo.
Mabuhay at maglakad nang nakayapak sinasabi kasing kung nakasuot ka ng goma sa iyong mga paa ang buong daigdig ang pakiramdam mo’y parang goma.
Masarap maramdaman kung ano ang pakiramdam ng mundo at maramdaman ito ng natural para sa banal na espasyo, mararamdaman mo ang enerhiya.
Mararamdaman mong napakalapit mo sa Dios. Mararamdaman mong napakalapit mo sa magandang banal na espasyo at makaririnig ka ng maraming mga mahahalagang mensahe tulad sa pag aaral ng mga sagradong aklat.
At sa ating mga meditasyon upang makatulong sa atin na makalikha ng magagandang programa upang mabago ang ating kaisipan ng mabago ang ating buhay. Ang isabuhay ang katalinuhan ng mga sagradong kaalaman.
Hanapin mo sa mga susi ng iyong kaisipan na iyong naiisip na gusto mong baguhin bilang isang tao at isaalang-alang ang pagbabago habang magbabago ang iyong pagkatao ayon sa iyong mga pangarap na kinikilala ng Lumikha. Isang taong namatay pero nananatiling buhay at bumalik pagkagaling pabalik sa balikang biyahe.
Ang una sa mga kaisipan na dapat baguhin ay ang pagbabago ng ideya na dapat magtiwala sa sarili mong kalikasan.
Mayroong kang kalikasan at ang kalikasang iyan ay may kalaliman sa pang-unawa at lagi ka nitong tinatawag alam mo ito walang sinuman ang maaaring makaalam nito, walang sinuman ang maaaring mag-utos rito, walang sinuman ang maaaring magsabi sa iyo kung ano ito, sa iyong nararamdaman at alam mo ito habang nandito ka sa sandaigdigan at ano ang ginagawa mo dito.
Walang sinuman ang maaaring magpaliwanag niyan o tuklasin iyan para sa iyo hindi mo maaaring ibahagi ito ang lahat ng bagay sa uniberso ay may likas na katangian. Ang lahat ng bagay ay may dharma kabilang ka.
Ngunit ano ang ating natutunan habang tayo ay lumalaki na maniwala na hindi tayo dapat magtiwala sa ating likas na katangian. Upang malaman na tayo ay nang galing mula sa isang banal na lugar ng mabuting pagkatao at magtiwala sa loob nito.
Basahin ito ng ilang linya ng dakilang maestro: Sundin mo ang sarili mong likas
na katangian at hindi ang patibong ng buhay. Ang tunay na mabuting tao
ay hindi nakakaalam sa kanyang kabutihan at samakatuwid ay tunay na mabuti.
Isipin mo tungkol sa iyong sarili sa unang sandali ng iyong buhay sa pinakaunang sandali na maliit na butil noong nang galing ka sa kawalan at ngayon ay andito sa mundo.
Saan sa tingin mo ikaw pupunta?
Sa kawalan. Babalik sa kawalan. Sino sa mundong ito ang hindi babalik sa kawalan? Lahat tayo ay tutungo pabalik sa kawalan.
kaya sa isang kabiyak na Segundo biglang nanirahan ka na sa loob ng sinapupunan ng iyong ina at sa loob ng siyam na buwan nagtiwala ka sa iyong likas na katangian at maging ang iyong ina napakaliit ang maaari mong gawin doon dahil sa kung ano ka magiging ang pisikal na katawan na kailangang magawa doon ay mayroong ng namamahala.
At lampas sa kung ano ang kinakailangan para sa iyong pisikal na mundong ito na lumilipas na bagay na malinaw naman sa pisikal na mundo at sa mundo ito ang lahat ng bagay ay bumabalik sa pinagmulan nito.
Lahat ay na pangasiwaan na ng maayos. Lahat ng kinakailangan ay inayos na at wala ng makaka sagabal dito at dapat tumigil ng makialam ang ibang tao dito. At iyan a malaking bahagi ng pang-unawa sa pagbabago ng iyong kaisipan sa pagbabago ng iyong buhay.
Ito ay isang malaking bahagi ng ideyang ito, na mayroon tayong likas na katangian na maaaring pagkatiwalaan hindi isang bagay na katatakutan at maaaring ihinto ang pagpapaalam sa iba pang mga tao na makagambala sa mga iyon.
Kaya ano ang mangyayari ng dumaan tayo sa loob ng siyam na buwan ng walang istorbo at walang hadlang. Wala tayong mga katanungan. Lahat ay gumagana at pagkatapos ng siyam na buwan lumabas tayo at tayo na ang namahala simula noon. Mula dito, iyon ay mabuting gawa salamat Panginoong Diyos maraming salamat.
At unti unti lumalabas tayo at kasama natin ang ating sarili at nagsabi na tayo na ang mamamahala ngayon at ang pagkamakasarili ay kasama na natin.
Ang ego natin ay nagpabago sa ating mga paniniwala at ang ating paniniwala ay kung ano tayo ano ang mayroon itayo at kung ano ang ginagawa natin.
Na ako ay kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa akin. Kaya tayo ay pinalaki sa paniniwala na kung mas marami tayong pag-aari mas marami pa akong makukuha at ito ay kung sino ako mas maraming taong magugustuhan ako ito ang mga makukuha ko at patuloy sa pagkuha at akumulasyon.
Kaya ang dapat nating matutunan ay kung paano ang ego natin na bahagi natin ay naniniwala na kung sino tayo ay kung ano ang mayroon tayo at kung ano ang ginagawa natin at kung ano ang iniisip ng mga tao sa atin ngunit tandaan kung lumaki tayo sa ganoong paniniwala na ikaw ay kung ano ang iyong ginagawa at hindi mo na ito ginagawa hindi na ikaw iyon ikaw pa rin iyun.
At kung ikaw ay naniniwala na ikaw ay kung ano ang mayroong ka at pagkatapos ay pagka ito ay nawala hindi na ikaw iyon at kung naniniwala ka na ikaw ay kung ano ang iniisip ng mga tao sa iyo ang iyong reputasyon na kung saan tayo lumaki upang paniwalain ang mga tao ay parehas na dapat tayong mag-alala sa kung ano ang iniisip ng mga tao sa atin ito ang ego dapat itong turuang muli.
At isa sa mga paraan upang magawa ito ay ang turuan itong muli. Una kunin ang ideya na ang ego ay may takot, ngunit kanino ka matatakot? Ano ang katatakutan mo? Lumipat mula sa takot sa pag-uusisa maging mausisa tungkol sa kung ano ang iyong kinatatakutan.
Takot ka ba sa paglangoy sa dagat maging mausisa tungkol doon, maging interesado doon. Takot ka ba sa ahas? Takot ka bang mapahiya kung takot ka lumipat mula sa takot at sabihing ako ay magiging mas mausisa tungkol sa aking kinatatakutan, at pagkatapos kunin lahat ng gamit mo kung saan ka naka-dikit sa lahat ng iyong kasangkapan, sa lahat ng iyong damit na kung saan sila ay paborito mo, lahat ng kagamitan.
At umpisahang pakawalan ito, at kusang magkakaroon ng paglipat na nagaganap, madarama ang kalayaan na ngayon mo lang madarama sa iyong buhay, na andoon sa isang buo at bagong pakikipagsapalaran. Kunin ang
ideya na dati kang nakadikit sa mga bagay at alam mo na ikaw ay dumating na walang dala kahit ano mang bagay at ikaw ay aalis ng wala ring dala.
At maunawaan mo na ang iyong buhay ay isang panaklong sa kawalang-hanggan, maninirahan ka doon nang walang anumang nakadikit at pagkatapos dalhin ang iyong mga pangangailangan upang magkaroon ng kontrol sa iyong sarili, sa iba pang sitwasyon mula sa pagkaka-kontrol, magtiwala at simulang magkaroon ng isang paglalakbay.
At habang tumitingin ka sa
pagpapakawala at umasa ng may pananampalataya sa Diyos habang pinapahintulot ang iyong sarili upang magtiwala sa iyong mga kalikasan, ng may katangian na nagpapahintulot sa iyong sarili upang hindi na maniwala na ang lahat ng bagay ay dapat kontrolado ng iyong sarili at hindi na kailangang maging kontrolado ng ibang tao, magsimulang magtiwala tulad ng ginawa mo sa unang siyam na buwan habang nasa loob ng tiyan ng iyong ina nagtiwala ka, alam mo na lalabas ka rin sa mundong ito.

Lunes, Nobyembre 27, 2017

Change Your Perception Through Meditation



https://www.youtube.com/watch?v=ikYAHmKE7RQ
Ang ispirituwal na katotohanan ng DTEF ay magdadala sa iyo sa isang natatanging paglalakbay. Isang paglalakbay na magbabago ng iyong Ang ating buhay ay isang paglalakbay na magpapayaman at magpupuno sa iyo ng hindi pangkaraniwang kaalaman, kapayapaan at kaligayan, Ang dtef ay

ispirituwal na katotohanan ay isang programa sa pagninilay at malalim na karanasan sa pagninilay. Habang isinasagawa mo ang programang ito ay lubos kang magkakaroon ng malalim na kaalaman, saksihan lamang ito, magpadaloy at sumakay ka lang rito. At huwag subukang pag-aralan ito sa pamamagitan ng sobrang pag-iisip, lubusang magpalutang dito. Kung may anumang gumugulo sa pag-iisip ay alisin mo ito huminga ng malalim at basta bumalik sa programa. Ito ay para lamang sa iyo. Sa buong paglikha ng sangkatauhan tayo ay isa na maliit na batik o tuldok lamang, ang bawat isa sa atin ay naghahanap ng mabuting kalusugan, kapayapaan, kaalaman, kasaganaan, masarap na pagsasamahan at higit sa lahat ng isang masaya at napakaligaya buhay sa lahat ng ibinigay na oras at sitwasyon. Sinusubukan ng bawat tao makamit itong estado o kalagayang ito. Ngunit, maaari ba  ito talagang makamit? Oo, ito ay maaaring nakamit.
Ang lahat ng ito ay posible lamang sa pamamagitan ng pag-unawa sa enerhiyang kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay umiiral sa lahat ng dako sa kosmos. Ito ang nagbibigkis sa pagitan ng mga kalawakan, ng mga planeta, ng mga tao at lahat ng molecules. Ito ay ang puwang sa pagitan ng bawat isa at ng lahat. Ito ang bigkis na nagtatali sa buong kosmos sa kanyang pag-ikot ikot.
Ang enerhiyang kosmico ay may pwersang buhay. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod ng ating mga buhay at upang palawakin ang ating kamalayan. Ang enerhiyang kosmico ay naka- base sa lahat ng ating mga pagkilos at tungkulin. Natatanggap natin ang ilang enerhiyang kosmico sa malalim na pagtulog at sa malalim na katahimikan.

Gumagamit tayo ng enerhiyang ito para sa ating araw-araw na gawain ng ating pag-iisip Tulad ng nakikita, pagsasalita, pagdinig, iniisip at ang lahat ng mga pagkilos ng ating mga katawan. Itong limitadong enerhiya na nakakamit sa pamamagitan ng pagtulog ay hindi sapat para sa mga aktibidad na ito. Iyon ang dahilan kung bakit sa tingin natin tayo ay pagod, nauupos at nasisikipan. Ito ay humahantong sa mental at pisikal na pagkapagod at sa lahat ng mga uri ng sakit. Ang tanging paraan upang mapagtagumpayan ito ay ang pag kuha pa ng higit pang mas maraming enegiyang kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod ng pagkaka-ayos ng ating  buhay upang mabuhay ng malusog at magkaroon ng masayang buhay. Upang lubos na makasali sa lahat ng mga sitwasyon na ating kinalalagyan, upang makakuha ng kaalaman at sa wakas para sa pagpapalawak ng ating kamalayan at kaalaman. Ang masaganang enerhiyang kosmico ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng pagninilay o meditasyon.
Ang pagtulog is isang walang malay na pagninilay o meditasyon. Ang pagninilay o meditasyon ay may malay-tao na pagtulog. Sa pagtulog tayo ay nakakakuha ng limitadong enerhiya. Sa pagninilay tayo ay nakakakuha ng masaganang enerhiya; Ang enerhiyang ito ay nagpapahusay sa kapangyarihan ng ating isip, katawan, at talino. Ito ang  bumubukas sa  pintuan  para sa ating ikaanim na pandama at lampas pa sa kaya nating abutin.Dahil sa pinataas at pinalakas na enerhiya na nakukuha sa pamamagitan ng meditasyon tayo ay magiging relaks, malusog at masiyahin. Ito ay tumutulong din upang maabot ang mas malawak at mas mataas sa pisikal na lupain. Ang meditasyon ay isang paglalakbay ng ating kamalayan patungo sa ating sarili.  Sa meditasyon lagi tayong naglalakbay mula sa katawang lupa patungo sa isip o diwa, pag-iisip patungo sa malalim na katalinuhan, mula sa katalinuhan papunta sa ating sarili at lampas pa sa kaya nating maabot.  Upang magawa ng meditasyon, una, dapat nating ihinto ang lahat ng ginagawa ng ating katawan at isip iyun ang paggalaw, pagtingin, pagsasalita at pag-iisip.
            Ngayon, pag-aralan naman natin kung paano gawin ang meditasyon. Sa meditasyon ang unang bagay na mahalaga ay ang ayos ng buong katawan o ng pagkaka-upo.Maaari kang umupo sa anumang pustura. Ang iyung pustura ay dapat kumportable. Umupo ng kumportable, i-krus ang iyong mga binti, pagyakaping magkasalungatan ang iyong mga daliri, ngayon, ipikit ang iyong mga mata, itigil ang pag-iisip palutangin lamang ang kaisipan. Tuwing may mga maiisip, maaari tayong makakuha ng maraming mga katanungan. Kilala o hindi kilalang katanungang umiibabaw sa ating isip at sa ating talino dapat nating observahan ang ating pag-hinga. Ang obserbasyon at pagmamasid ay likas na katangian ng ating sarili. Kaya, dapat nating obserbahan ang ating pag-hinga. Huwag nating gawin ang sinasadyang paghinga, huwag lumanghap o huminga nang palabas na sinasadya. Hayaan na ang paglanghap o pagbuga na mangyari ng kusa. Obserbahan ang normal o natural na paghinga. Ito ay ang pangunahing susi o sikreto, ito ang tamang paraan. Huwag pumunta sa likod ng mga pag-iisip, huwag kumapit sa anumang mga katanungan o mga saloobin hayaan ang mga saloobin ang  bumalik sa pag-hinga, obserbahan ang normal na paghinga.




PAGKASUSPINDE
Sumama palipad sa iyung paghinga. Pagkatapos, ang kakapalan ng mga iniisip ay unti unting mababawasan at magiging manipis at maikli. Sa Panghuli, ang hininga ay magiging maliliit at titigil tulad ng patak na nasa pagitan ng iyung ng mga kilay. Sa ganitong estado, ang isang nag memeditasyon ay walang hininga at walang mga naiisip. Siya ay lubos na walang maiisip. Ang estado na ito ay tinatawag na estado ng walang-pag-iisip. Ito ang estado ng meditasyon. Sa ganitong estado nasa ilalim tayo sa paliguan ng energiya ng kosmiko. Habang nagsasagawa pa ng maraming meditasyon mas maraming enerhiyang kosmiko ang matatanggap. Itong enerhiyang kosmiko ay dadaloy sa enerhiya ng katawan. Ito ay tinatawag na katawang etheriko. Ang enerhiya ng katawan ay nabubuo ng may mahigit sa 72,000 mga tubo ng enerhiya na tumatakbo ang lahat sa buong bahagi ng katawan. Lahat ng mga tubo ng enerhiya ay pumapasok simula sa tuktok ng rehiyon ng ulo. Ang rehiyon na ito ay tinatawag na tirahang bahay ng kaluluwa ng tao. Itong mga tubo ng enerhiya ay kumakalat sa buong katawan na katulad ng mga usbong o mga ugat ng isang halaman. Ang enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pundasyon para sa disenyo ng ating mga buhay. Itong mga enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pinangagalingan para sa lahat ng ating mga pagkilos at pati sa pagkakaroon ng ating buhay. Ang enerhiya ng katawan ay tumatanggap enerhiyang kosmiko sa panahon ng ating pagtulog at panahon ng megitasyon o pagninilay. Ginagamit natin ang enerhiyang ito para sa mga gawain ng ating katawan at isip tulad ng pagtingin, pagsasalita, pagdinig, pag-iisip at ang lahat ng mga pisikal na pagkilos. Lahat ng mga gawaing ito ay lubos na nakabatay sa papasok na enerhiyang kosmiko. Ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nakabatay sa ating pag-iisip at pananaw.

 Kapag mayroon tayong mga pananaw o iniisip, ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nababaradohan. Sa ibang salita, ang ating mga pag-iisip ay ang hadlang para sa malakas na pag-agos ng enerhiyang kosmiko. Kapag ang pag-agos ng enerhiyang kosmiko ay mas mababa, ang tubo ng enerhiya ay nauubos. Ang pag-kaubos na ito ay nagiging sanhi ng mga etherikong pagkahiwalay hiwalay ng enerhiya sa katawan. Itong etherikong pagkahiwalay hiwalay ay dahan-dahang humantong sa mga sakit ng pisikal na katawan. Sa meditasyon, makukuha natin ang masaganang enerhiyang kosmiko.
Dumadaloy ito sa lahat ng ating mga tubo ng enerhiya kapag ang enerhiyang kosmiko ay dumadaloy patungo sa tubo ng enerhiya dahil sa mabigat na daloy nito, nililinis nito ang lahat ng mga etherikong pagkahiwalay hiwalay. Kapag nalilinis ang etheriko nating katawan gumagaling tayo sa lahat ng karamdaman.

            Kapag nagsimula na ang mabigat na pagdaloy ng enerhiya sa pamamagitan ng bahay ng kaluluwa, makakaramdam tayo ng bigat upang magsalita. Huwag magsalita o bumigkas ng anumang mga orasyon magpahinga lamang lubos na pagpapahinga, mapahinga i-krus ang iyong mga binti, pagyakaping ang iyong mga daliri, ibabaw ang enerhiya at magbigay ng higit pang katatagan. Ang mga mata ay pintuan ng isip kaya dapat itong nakapikit. Ang anumang pagsasalita ay mga gawain ng isip, kaya dapat itong itigil.
             
Kapag ang katawan ay nakakapag-relaxs, ang ating kamalayan ay maglalakbay sa susunod na lugar ng ating isip at talino. Ang kaisipan ay walang iba kundi isang bugkus ng mga iniisip, at maraming kaisipan ang laging dumarating sa rehiyon ng ulo o sa bigat ng buong katawan. Kapag ang enerhiya ay naglilinis ng mga tubo ng enerhiya sa isang partikular na rehiyon. Maaari tayong makaramdam ng pangangati o sakit sa isang rehiyon, minsan maaari nating maranasan ang sakit sa iba't-ibang mga lugar ng ating pisikal na katawan. Para sa ganoong sakit hindi natin kailangan uminom ng kahit anong gamot. Lahat ng sakit na ito ay mawawala sa pamamagitan ng karagdagang meditasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng higit pa at mas maraming enerhiyang kosmiko sa pamamagitan ng meditasyon mawawala ang lahat ng pisikal at mental na sakit. Kung tayo’y magmemeditasyon sa loob ng pyramid ang estado ng meditasyon ay maaaring makamit ng tatlong beses pang mas mabilis kaysa sa normal.
Upang mahanap ang permanenteng liwanag sa ating buhay ang bawat na panloob na pag-iisip ay dapat na malinis na may magandang saloobin at pag-uugali. Ang mga saloobin at pag-uugaling ito ay hindi dapat naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng anumang iba pang mga panlabas na mga kadahilanan. Ang ating isip at katawan ay dapat na nasa ilalim ng kontrol lamang kapag ang pananaw natin ay positibo, manabik nang labis para sa mahusay na mga bagay at malaman ang dahilan ng ating kapanganakan ang pagka-alam tungkol sa ating sarili at ang kahulugan kung bakit nandito tayo sa daigdig. Ang araw ay nagbibigay ng liwanag sa lahat ng nilalang para makagawa ng kabutihan para sa kanilang sarili at para sa mga nilalang sa kaniyang paligid. At dahil tayo ay bahagi ng kalikasan, dapat nating maunawaan ang bawat isa at ang lahat ng tungkol sa Kalikasan. Ang liwanag ay isang paraan ng Pag-ibig kung saan kinakailangan ito ng bawat isa upang mabuhay ng maligaya hanggang sa ating huling hininga.
Pag-aralan naman natin ang tungkol sa pyramid at ang kapangyarihan ng pyramid. Ang pyramid ay ang pinaka-matatag na istraktura na nakatanggap ng pinakamataas na enerhiyang kosmiko sa mundong ito. Ang pyramid ay naka-porma sa isang anggulong 52 degrado 51 minuto at dahil sa anggulong ito, na natatanggap nito ang pinakamataas na energhiyang kosmiko. Ang pyramid ay maaaring itinayo sa anumang materyal. Ang materyales na gagamitin ay walang pagkakaiba sa pagtanggap ng enerhiyang kosmiko.  Ang pyramid ay dapat nakahanay sa perpektong direksyong kardinal - hilaga, timog, silangan at kanluran. Ang enerhiyang kosmiko kukuha at maiipon sa 1/3 taas mula sa base ng pyramid. Ang lugar na ito ay kilala bilang silid ng hari. Ang enerhiyang kosmiko ay pinaka-mataas at pinaka-malakas sa silid ng hari. At kumakalat ito sa buong pyramid.

            Ang paglalagay ng kristal sa tuktok ng pyramid, ay nagpapalakas at namamahagi ng enerhiyang kosmiko sa buong pyramid. Ang walang iniisip na estado ay tatlong beses mas mabilis mararating ng isang tao kung ginagawa niya ang meditasyon sa loob ng pyramid. Ang pyramid ay maaaring gamitin para sa komunikasyon na may mas mataas na frequencies.  Ang Meditasyon sa pyramid ay nakakatulong sa pagpapagaling at para sa lahat ng mga karanasan sa meditasyon.
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Dahil dito dapat nating malampasan ang ating katawan at kaisipan. Sa pamamagitan ng kumportableng pustura. Ang ating katawan ay lubos na nakakapag-relaks at ito ay nakakatulong para makalakbay tayo sa kamalayan ng ating katawan. Sa pamamagitan ng pag-obserbahan sa ating normal na paghinga ating malalampasan ang ating katawan at kaisipan doon na dadaloy ang enerhiyang kosmiko.  Ang enerhiyang kosmiko ay nag-aalis at naglilinis ng lahat ng mga sakit sa ating katawan. At dahil doon tayo ay magiging malusog nang walang anumang gamot.
Kapag mas maraming enerhiyang kosmiko ang nakukuha lahat ng mga tensiyon at pagkapagod ng isip ay nababawasan. Habang laging nagsasagawa ng meditasyon, ang isip ay nagiging kalmado at nagkakaroon ng mas maraming espasyo. Ito ay humahantong sa mas mataas na kapangyarihan ng  memorya. Ang patuloy ng pagsasagawa ng meditasyon ay humahantong sa mas mataas na mga kakayahan sa pang-unawa at ito ay humahantong sa magandang personal na relasyon. Pinahuhusay ng meditasyon ang kaligayahan ng buhay ng pamilya. Ang kaisipan ay magiging panatag. Ang meditasyon ay tumutulong sa atin upang maging malusog at maligaya. Ang meditasyon ay makakatulong sa atin na makakuha ng mas maraming mga sagot sa lahat ng ating mga katanungan. Upang makamit ito ang pagsasagawa ng meditasyon ay dapat maisagawa ng araw-araw. Ang meditasyon ay maaaring gawin sa alin mang lugar. Ang meditasyon ay maaaring gawin sa anumang oras, kahit na sa panahon ng isang paglalakbay. Sa pagsasagawa ng meditasyon, dapat itong gawin sa tagal ng oras na katumbas sa iyung edad.

Halimbawa, ang isang 30 taon gulang na tao ay dapat gumawa ng meditasyon ng hindi bababa sa sa 30 minuto sa isang sesyon. Hindi mo kinakailangang iwan ang pamilya mo para makapag meditasyon sapagkat dapat din nilang gawin ito na magkakasama kayo. Ang mga bata ay magandang matutong mag meditasyon.  Maaari silang magsimula ng meditasyon sa edad na 5. Para sa meditasyon hindi mo kinakailangang maghanap ng pisikal na guru / master.  Ang Guru ang master ay nasa iyong loob. Ang iyung hininga ay ang iyung guru. Ang iyong hininga ay ang iyong maestro. Ito ay para sa lahat.

BAHAGI 2
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili.             Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko.  Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman.     Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na  pagsasanay at pagsasagawa ng  meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
            Nauunawaan natin na tayo ay isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon na dumating sa atin at ang lahat ng ating mga problema na ating nalalagpasan ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang pinaka-layunin ng ating sarili.  Ang mas mataas na kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral. Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala bilang "ikatlong mata".
            Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasagawa pa ng higit pang meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon sa oras ng aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal na mga pangitain. Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Orasyon upang makatanggap ng malalim na meditasyon:


            Nakakaramdaman tayo ng maraming mga bagay na hindi natin maaaring ipahayag sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na boses, tunog o tunog ng mga instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin ang mga Masters sa isang pisikal na kaanyuang ayon sa ating pagkakaalam. Pagkatapos ng mas maraming meditasyon, unti-unti nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag na ilaw", kahit na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag na ilaw alam nating ito ang pagkakakilanlan ng ating mga masters. Maririnig natin ang mga mensahe mula sa mga Masters. Nararamdaman natin ang pagpunta natin sa isang lagusan at sa wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.
Ang Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
               22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
Ang Ilaw ng Katawan
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
               33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."

            Sa pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata  alam natin na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga problema sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters, o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng  pakiramdam. Sa pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating pang-unawa ay magbabago. Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal na kalagayan. Ngayon, atin naming alamin ang iba pang kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
Hebreo 2: 1-4
Ang Dakilang Kaligtasan
               1 Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw. 2 Ang mensaheng ipinahayag ng mga anghel ay napatunayang totoo, at sinumang lumabag o hindi sumunod dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. 3 Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito'y totoo. 4 Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.
to awaken the sixth sense (intuition, instinct, etc)