PRINSIPYO AT PRAKTIS
NG PANGGAGAMOT SA PAMAMAGITAN NG ENGKANTO DE DIOS NA MAY PATNUBAY NG MGA HEALTH
ANGELS
3John 1:2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng
mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
Ang
panggagamot sa tulong ng engkanto de dios ay isang paraan ng paglulunas na
naglalayong alisin ang karaniwang sanhi ng karamdaman sa pamamagitan ng tamang
pagamit ng mga elementong matatagpuan sa ating kalikasan.
Ecclesiastico 38:
4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang
naigagamot,kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.
5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inumin
sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy
upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,
upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.
Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.
7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,
na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit
at pagpapanauli ng kalusugan.
Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,
na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.
9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,
dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.
10 Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;
linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.
11
Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
Hindi lamang ito isang sistema ng pangagamot,
isa rin itong paraan ng pamumuhay Kung saan nakikiayon ka sa mahahalagang
pwersa ng kalikasan o mga natural na elemento ng ating katawan. Ito ay isang kompletong rebolusyon sa sining
at siyensya.
Ang
pamamaraang sa aklat na ito ay isinasagawa ng mga sinaunang tao sa Ehipto , Greece
at Roma. Si Hippocrates, ang ama ng
medisina (460-357 B.C.) ay lubos na sumusuporta sa ganitong pamamaraan ng
pangagamot.
Ang
India
ay nangunguna sa makabagong pamamaraan ng pangagamot kumpara sa ibang bansa sa
mundo. May mga sagradong aklat sa India
na naglalaman ng malawak na kaalaman ukol sa pagamit ng iba’t ibang mahuhusay
na elemento ng pangagamot tulad ng hangin, lupa, tubig at araw.
Ang
tinatawag na “The Great Baths” sa sibilisasyon ng Indus Valley
ay nadiskubre na gumagamit sila ng tubig upang mangamot.
Ang
modernong pamamaraan ng pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios
sa Germany
noong 1822 ay naitatag ang unang establishimento ng hydropathic. Nagkaroon ng isang matagumpay na pangagamot
gamit ang tubig, ang idea sa pagamit ng natural na paraan ng pangagamot ay
kumalat sa kaalaman ng buong sibilisasyon ng mundo at madaming mangagamot mula
sa Amerika at iba pang bansa ay naging masugid nyang estudyante at
disipolo.
Ang
mga estudyanteng ito ay patuloy na dumami at gumawa ng iba’t ibang paraan ng
natural na pangagamot sa kani-kanilang pamamaraan.
Ang
pangagamot sa tulong ng engkanto de dios ay base sa realisasyon na ang tao ay
pinanganak na malusog at malakas at kaya niyang panatilihin ito sa pamamagitan
ng batas ng kalikasan.
Kahit
na ipanganak na mayroong konting depekto, kaya niya itong alisin sa pamamagitan
ng pagamit ng pinakamahusay na natural na paraan ng pangagamot. Ang sariwang hangin, sikat ng araw, tamang
pagkain, ehersisyo, pag rerelaks, maayos na pag-iisip at pagiging positibo, kasama ng pagdarasal at meditasyon ay
bahagi ng buong katawan upang mapanatili itong maayos at balanse.
"The doctor of the future will give no medicine, but
will involve the patient in the proper use of food, fresh air and
exercise." Thomas Edison
Ang
karamdaman ay pinaniniwalaan na isang abnormal na kundisyon ng katawan na
nagmula sa paglabag sa batas ng kalikasan.
Ang bawat paglabag ay may epekto sa katawang laman at nagiging mababa
ang resistensya, at gayon din naiipon ang mga toxins sa dugo at sa mga ugat.
Sa
isang maling pagdidiet hindi lang ang ating tiyan ang naapektohan, kapag ang
mga toxins ay naipon maapektohan nito ang iba pang organ sa ating katawan tulad
ng ating bituka, bato, balat at baga sila ay mapipilitang magtrabaho ng higit
sa normal upang maalis sa ating sistema ang mga toxins na maaring makasama sa
ating kalusugan.
Bukod
pa dito, nagkakaroon din ito ng epekto maging mental o emosyonal nagdudulot ito
ng hindi balanseng metabolismo sa loob ng ating mga cells. Kapag nasa maayos na kundisyon ang ating dugo
at mga cells ang mga mikrobyo ay napipigilan magparami at napupuksa ito kaagad
ng mga depensa sa ating katawan.
A man too
busy to take care of his health is like a mechanic too busy to take care of his
tools.
The only
way for a rich man to be healthy is by exercise and abstinence, to live as if
he were poor.
Luk 21:34 Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili,
baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga
pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na
yaon na gaya ng silo:
2Co 4:18 Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa
mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't
ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na
hindi nangakikita ay walang hanggan.
Jer 30:15 Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit?
ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan,
sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito
sa iyo.
Jer 30:17 Sapagka't
pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon;
MAY TATLONG PRINSIPYO
ANG PANGAGAMOT SA TULONG NG ENGKANTO DE DIOS
Una,
ang prinsipyo ng paraang ito ay nagsasabi na lahat ng karamdaman ay sanhi ng
pag-iipon ng maruruming elemento sa ating katawan na nagiging dahilan para
magloko ang ating pisikal na katawan.
Ang ating katawan ay may kakayahan na alisin ang naiipong dumi at toxins
na maaring makalason sa dugo at organs.
Ngunit
sa paglipas ng panahon ang tao ay mayroong ugali sa maling pagkain, maling
pag-aalaga ng katawan na nagsasanhi ng nerbyos, sobrang pagpapagod at lahat ng
bagay na sobra at abuso sa katawan. Ang
sinasabi ng prinsipyong ito ay nararapat na tulungan natin ang ating katawan
upang maalis ang mga toxins na naiipon sa sistema natin at gamitin ang natural
na paraan ng pangagamot.
MANGANGARAL 6:7
Nagpapagal ang tao para sa kanyang tiyan ngunit kailanma’y di siya nagkakaroon
ng kasiyahan. 8 Ano ang kahigtan ng matalino sa mangmang? Ano ang mapapala ng
isang mahirap kahit malaman niya ang pasikot-sikot ng buhay? 9 Wala ring
kabuluhan,para lamang hanging nagdaan. Kaya mabuti pa ay masiyahan sa anumang
kalagayan kaysa mangarap nang di naman makakamtan.12 Sino ang nakakaalam kung
ano ang mabuti sa taong nabubuhay sa maikling panahon at pagkatapos ay
mawawalang tulad ng anino? Sino ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari
pagkamatay niya?
Pangalawa,
sinasabing ang lahat ng karamdaman katulad ng lagnat, sipon, pamamaga, anu mang
sakit ng tiyan at hindi maayos na panunaw at mga sakit sa balat ay paraan ng
ating katawan upang mailabas ang mga naipong lason o toxins sa dugo.
Ang
sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, rayuma, hika, sakit sa bato ay resulta
ng hindi paglabas ng toxins sa katawan at nadaragdagan pa ang mga toxins na ito
dahil sa madalas na pag-inom ng iba’t ibang sintetik na gamot, bakuna,
narcotics at iba pang gamot na gawa sa hindi natural na paraan.
Pangatlo,
ang katawan ay nilikha na may sariling paran upang gamutin ang anumang disorder
sa loob nito at ibalik ang lahat sa normal na kundisyon, sa pagtulong natin sa
ating katawan sa tamang pamamaraan makakaya nitong ibalik sa tama at normal ang
lahat.
Ang
pagaling sa karamdaman ay tunay na nakasalalay sa ating sariling katawan at
hindi sa kamay ng doktor.
ANG PANGAGAMOT SA TULONG
NG ENGKANTO DE DIOS AT ANG PANGAGAMOT GAMIT ANG MODERNONG SISTEMA
Ang
modernong medisina ay gumagamot ng sintomas at pumipigil sa karamdaman ngunit
maliit lamang ang epekto nito sa tunay na sanhi ng karamdaman.
Ang
mga modernong medisina ay naglalaman ng mga sangkap na makakatulong sa pagpigil
o pagbawas ng karamdaman ngunit ang lahat ng ito ay karaniwang may masamang
side-effects sa ating katawan.
Ang
mga gamot na ito ay karaniwang pinipigilan ang katawan sa kusa at natural
niyang paraan ng paghilom o paggaling at mas pinapahirap pa nito ang pagrekober
ng katawan mula sa sakit.
Sinasabi
na kapag gumamit ng modernong gamot sa isang pasyente, siya ay napipilitang
magrekober ng dalawang beses – una siya ay magrerekober mula sa kanyang sakit
at pangalawa mula sa mga gamot na pinaiinom sa kanya.
Ang
mga modernong gamot ay hindi direktang gumagamot ng sakit; ang sakit ay nagpapatuloy;
binabago lang ng mga gamot na ito ang pattern ng karamdaman. Ang mga gamot na ito ay sumisira din sa mga
nutrients dahil ginagamit nila ito at pinipigilan ang absorption sa ating
katawan.
Bukod
pa dito, ang lason na inilalabas ng mga gamot na ito ay nangyayari lalo na sa
panahon na mahina ang depensa ng ating katawan.
Ang
kapangyarihan na maibalik ang kalusugan ng katawan ay nakasalalay sa natural na
paraan at hindi sa iba’t ibang klase ng gamot.
Ang
paraan ng modernong medisina ay naglalayong kontrahin ang sakit na nasa katawan
na samantalang ang pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay
naglalayong maiwasan at tulungan ang katawan na maka adopt sa natural na paraan
upang panatilihin ang kalusugan at ibalik ang balanse sa loob ng buong katawan.
Ang
pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay naglalayong ibalik
muli ang ating katawang laman mula sa abnormal patungo sa normal na kundisyon
at function at nag aadopt ito sa mga paraan ng pagpapagaling na kung saan ay
umaayon sa paraan na natural at galing sa tulong ng engkanto de dios.
Ang paraang ito ay nag aalis sa sistema ng
naipong toxins at lason na hindi nakakasama sa mga vital organs ng ating
katawan. Tinutulungan din nito ang ating
organs upang mailabas ang mga maruruming toxins sa ating dugo at nililinis nito
ang ating sistema upang maging maganda ang function nito.
Upang
magamot ang karamdaman, ang una at mahalagang dapat gawin ay ayusin ang tamang
pagkain at pagdidiet.
Ito
ay pinakamabisang paraan upang maalis at maiwasan ang pagdami ng naiipong dumi
at toxins sa ating katawan at pinapanatili nito ang balanse ng ating sistema,
mas magandang iwasan kumain ng mga pagkain na nakakapagprodyus ng acido sa
katawan, bawasan ang masyadong pagkonsumo ng mga pagkaing masyadong mataas ang
protina, preservatives at fats, sa isang buong linggo o mas marami pang araw,
mas makabubuting lumipat tayo sa pagkain katulad ng sariwang prutas na
makakapag linis ng ating bituka.
Kung
ang katawan ay puno ng pagkaing hindi nakakapagbigay ng magandang epekto sa
katawan, katulad sa isang taong my sakit, ang kumpletong paraan ng tamang
pagdidiet at pagkain ng tama sa loob ng isang linggo ay kailangan upang
mailabas ang toxins sa katawan.
Ang
mga prutas at juices ay lubos na makakatulong, tandaan na kapag tayo ay may
sakit, iwasan ang lubos na pagkain ng sobra, kumain lamang ng magagaan sa
panunaw tulad ng mga prutas. Hintayin
lamang ang pagbalik ng karaniwang gana sa pagkain sa ating paggaling.
Ang
pagkawala ng gana sa pagkain ay signal ng ating katawan na huwag natin pwersahin
ang ating panunaw na kumonsumo ng sobrang dami ng pagkain.
Pagkatapos
ng isang linggong pagdidiet at pagkain ng prutas lamang ay saka lang pwede
kumain ng gulay at cereals.
Ang
isa pang paraan upang gumaling ang karamdaman sa natural na paraan ay ang pag
pukaw natin sa ating katawan sa pamamagitan ng paggamit ng tubig katulad ng
pagamit ng hot o cold packs o pagligo gamit ang maligamgam na tubig.
Ang
pagpatong ng malamig na tubig o cold pack sa ating tiyan ay nakakatulong sa
maraming karamdaman gayundin ang pag upo natin sa malamig na tubig ay
nakakapagpababa ng ating temperatura at ginigising nito ang ating nervous
system o ang ating utak.
Ang
pagpupunas ng basang bimpo sa panahon ng may lagnat ay nakakatulong sa
pagpababa ng temperatura ng katawan at nakakatulong sa pagbabawas ng sakit at
pamamaga ng walang masamang side-effects.
Ang
pag aaply naman ng maligamgam na tubig ay nakakapagparelax sa pakiramdam. Ang ibang paraan tulad ng tinatawag na air
at sunbaths, ehersisyo at masahe ay lubos na nakakatulong lalo na sa muling
pagbuhay ng dead skin at panatilihin ito sa normal na kundisyon.
Ang
mga ehersisyo tulad ng yoga ay nag bibigay din ng magandang kalusugan at
nagbabawas ng tension maging ito ay physical, emotional o mental.
Ang
masahe naman ay nagpapaganda ng daloy ng dugo sa ating nervous system at
inaayos ang ating metabolismo. Ang
balanse ng padidiet at sapat na ehersisyo, ang paglanghap ng sariwang hangin,
tamang pagbibilad sa sikat na araw, paginom ng malinis na tubig, kalinisan sa
pangangatawan, sapat na pahinga at positibong pag iisip ay siguradong
makakapgbigay ng maayos na kalusugan at pag iwas sa karamdaman.
ANG PAG FAFASTING
Ang
tinatawag na pagfafasting ay tumutukoy sa hindi pagkain sa loob ng maikling
panahon o mahabang panahon para sa isang layunin.
Ang
pag fafasting ay pinakamatandang paraan at pinakamabisa at hindi kailangang
gastusan ng malaking halaga upang magamot ang karamdaman. Ang pagfafasting ay ginagawa ng
karamihan ng mga ibat ibang relihiyon
kasama na ang mga Mohammedan, mga Buddhists at mga Hindus.
Kahit
ang mga santo noong unang panahon ay
nagsasagawa rin nito. Sila Hippocrates,
Galen, Paracelsus at ibang awtoridad sa medisina ay inererekomenda din ang
paraang ito.
Kahit
sa modernong panahon ginagamit na rin ito ng mga doctor sa iba’t ibang
karamdaman.
Nakasulat
din ito sa banal na aklat:
Exo 34:28 At siya'y natira doong kasama ng Panginoon,
na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng
tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga
salita ng tipan, ang sangpung utos.
Deu 9:18 At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon,
gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng
tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong
ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi
ninyo siya sa galit;
2Sa 12:16 Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata;
at si David ay nagaayuno, at pumapasok, at humihiga buong gabi sa lupa.
2Sa 12:17 At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang
bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; nguni't siya'y
ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila.
Neh 1:4 At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang
ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at
dumalangin sa harap ng Dios ng langit.
Ezr 8:21 Nang
magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y
magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan,
sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.
Ezr 8:22 Sapagka't
ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga
mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming
sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat
na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang
pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.
Ezr 8:23 Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin
sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.
Ezr 10:6 Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa
harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at
nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng
tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
Est 4:16 Ikaw ay
yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno
ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o
araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan;
at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y
mamatay ay mamatay.
Dan 9:3 At aking itiningin ang aking mukha sa
Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng
pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
Dan 10:3 Hindi ako
kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking
bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
Joe 2:15 Hipan ninyo ang pakakak sa Sion:
magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;
Mat 4:2 At nang
siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay
nagutom siya.
Luk 4:2 Sa loob
ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman
nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya.
Mat 6:16 Bukod
dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may
mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang
makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
Act 13:3 Nang
magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga
kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.
Act 14:23 At nang makapaglagay na sa kanila ng mga
matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay
ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
2Co 6:5 Sa mga
latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat,
sa mga pagaayuno;
2Co 11:27 Sa
pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw,
mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
Ang
karaniwang sanhi ng karamihan sa mga karamdaman ay pag-iipon ng ating katawan
ng toxins at lason na dulot ng sobrang pagkain.
Karamihan ng taong kumakain ng sobra ay yung
mga taong hindi aktibo sa pag ehersisyo at kumakain pa ng sobra.
Ito
ay nakakapagpahirap sa ating panunaw o digestive system at mga organs na
magiging sanhi ng pagbabara sa mga ugat at lason sa ating dugo. Ang pagtunaw at paglabas ng mga toxins ay
nagiging mabagal at nakakapekto sa tamang pag function ng ating buong sistema.
Ang
sanhi ng karamdaman ay sumasabay sa panahong mahina ang ating depensa dahil sa
mga lasong ito, ang tanging solusyon sa bawat karamdaman ay kontrahin ang sanhi
ng karamdamang ito sa pamamagitan ng pagbabawas sa sobrang pagkain o pag
fafasting.
Sa
panahong ginugutom o binabawasan natin ang sobrang pagkain tinutulungan nito
ang ating mga organs katulad ng bituka, bato, ang ating balat at baga para
magkaroon ng pagkakataon na mailabas at mabawasan ang naipong lason o toxins sa
katawan at sistema.
Ang
pagfafasting ay isang proseso nag paglilinis ng sistema ng katawan at ito ay
mabilis at epektibong paraan.
Ang
patuloy na paglilinis at pagbabawas ng mga lason at mga toxins na na nagiging
sanhi ng sakit, ay tumutulong upang itama ang maling pagkain at pamumuhay.
Ito
ay magdudulot ng regeneration sa dugo at irerepair nito ang iba’t ibang tissues
sa ating katawan.
Ang
duration o haba ng pagfafasting ay depende sa edad ng pasyente, sa klase ng
karamdaman at sa dami ng gamot na nainom sa paggagamot ng karamdaman.
Ang
duration o haba ng pagfafasting ay mahalaga sapagkat ang sobrang tagal o haba
ng pagfafasting ay delikado. Mas
inererekomenda na sumailalim sa dalawa hanggang tatlong araw na pagfafasting
hanggang sa makadjust ang katawan at maari itong habaan sa bawat araw ngunit
hindi ito dapat sumobra sa isang buong lingo.
Ito
ay makakaktulong sa may sakit na unti unting makarecover at mailabas ang mga
toxic waste na hindi magkakaroon ng masamang epekto sa kanyang katawan. Pagkatapos ng pagfafasting, mahalaga ang
tamang pamumuhay at balanseng pagdidiet upang tuloy tuloy na bumalik ang sigla
ng katawan.
Malaking
tulong ang pagfafasting sa mga sakit sa tiyan at bituka gayon din sa iba pang
condition ng bato at atay.
Nakakatulong
din ito sa pagamot ng mga sakit sa balat tulad ng eczema. Kahit sa mga sakit sa nervous system o sa
utak lubos din nakakatulong ang paraang ito.
Ang
fasting ay hindi rin ginagamit sa lahat ng uri ng sakit, sa mga kaso ng
diabetes, tuberculosis at iba pang disorder sa utak katulad ng neurasthenia,
ang mahabang pagfafasting ay nakakasama.
Ngunit
ito ay hindi naman nakakasama basta’t sapat ang pahinga ng pasyente at may
tamang monitoring at pag-aalaga.
Dan 1:12 Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang
iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at
tubig na mainom.
Dan 1:13 Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga
mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng
hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.
Dan 1:14 Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito,
at sinubok niya sila na sangpung araw.
Dan 1:15 At sa katapusan ng sangpung araw ay
napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa
laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.
Dan 1:16 Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang
pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.
Dan 1:17 Tungkol nga sa apat na binatang ito,
pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at
karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga
panaginip.
MGA PARAAN NG PAGFAFASTING
Ang
pinakamabisang paraan, pinakaligtas at epektibong paraan ng pag fafasting ay
tinatawag na “juice fasting”.
Kung
dati ay tubig lamang ang ginagamit upang magfasting napag alaman na mas maganda
ang epekto ng juice kaysa sa tubig lamang.
Sa
oras na tayo ay nagfafasting ang ating katawan ay naglalabas ng malalaking
bahagi ng naipong dumi at lason sa katawan.
Matutulungan natin ang katawan sa prosesong ito sa pamamagitan ng
paginom ng juices kaysa a tubig. Ang pag
eliminate ng uric acid at iba pang inorganic acids ay mas mapapabilis.
Ang
asukal na nangagaling sa mga juices ay nagpapaplakas ng puso, ito ay
pinakamagandang paraan upang mag fasting.
Ang
mga bitamina, minerals at iba pang elemento ay matatagpuan sa sariwang gulay at
fruit juices, malaki ang naitutulong nito sa pagbabalik sa normal na proseso ng
ating katawan.
Nagsusuplay
sila ng kinakailangang elemento para sa paggaling ng sariling katawan at sa
pagbabago ng cell ng sa ganun ay mapabilis ang paggaling. Lahat ng juice o katas ay dapat ihanda galing
sa sariwang prutas bago inumin. Ang mga
de lata o mga preparadong juices ay hindi dapat gamitin o inumin.
Ang
pag-iingat ay kailangang isagawa sa lahat ng uri ng pagfafasting o hindi
pagkain. Ang kumpletong pag-aalis ng
laman o dumi ng bituka sa simula ng pagfafasting gamit ang paglalabatiba ay
makakatulong upang ang pasyente ay hindi
maabala ng kabag o anumang dumi na hindi nailalabas ng katawan.
Ang
paglalabatiba ay kailangang isagawa o gamitin tuwing makalawang araw habang nag
fafasting.
Ang pasyente ay nararapat na makalanghap ng
sariwang hangin hanggat maari at uminom ng maligamgam na tubig sa tuwing
nauuhaw.
Ang
sariwang juice ay maaring ihalo sa malinis na tubig. Ang pangkalahatang tubig na iinumin ay dapat
umabot sa 6 hanggang 8 baso sa loob ng isang araw.
Madaming
enerhiya ang nauubos habang nagfafasting sa paraan ng paglalabas ng naipong
lason o toxins.
Samakatuwid,
napakahalaga na magkaroon ng sapat na pahinga ang katawan at isipan habang
nagfafasting.
Sa
mga kaso ng pagfafasting kung saan ginagamit lamang ang fruit juices lalo na
ang katas ng ubas at oranges, ang lason ay mabilis na pumapasok sa ating
sirkulasyon at nagreresulta ng sobrang pagdami ng toxins na makakapekto sa
normal na pag function ng katawan.
Ito
ay karaniwang nag reresulta sa pagkahilo, na sinusundan ng pagtatae at
pagsusuka.
Kung
ang mga sintomas ay nag papatuloy mas makakainam na itigil ang pagfafasting at
kumain ng gulay na fiber tulad ng spinach at iba pang madadahong gulay hanggang
ang pag function ng katawan ay bumalik sa normal.
Ang
mga taong sobra sa timbang ay mas madaling maka adjust kahit walang
kinakain.
Ang
pagbaba ng timbang ay hindi nila pinag aalala at ikinatutuwa pa nila ang
pagfafasting.
Ang
unang araw ng pagkagutom ay pinakahirap na parte na pagdadaanan. Ang pagkasabik sa pagkain ay unti-unting
mababawasan habang pinagpapatuloy ang pag fafasting.
Ang
mga taong may malubhang karamdaman ay walang gana sa pagkain at ang
pagfafasting ay nagiging natural na sa kanila.
Ang
simpleng paraan ay itigil ang pagkain hanggang ang gana ay bumalik o hanggang
gumanda ang pakiramdam.
Tanging
ang mga simpleng ehersisyo lamang tulad ng maikling paglalakad ay maaring
isagawa habang nag fafasting.
Ang maligamgam na tubig ay pwedeng ipaligo sa
panahong ito. Ang ang malamig na tubig
sa paliligo ay hindi nararapat.
Ang
paglabas o pagpaparaw at pagpapahangin ay dapat gawin araw-araw. Minsan ang paraan ng pagfafasting ay nag
reresulta ng hindi agad pagkatulog na masusulusyonan naman ng pagligo ng
maligamgam na tubig, paglalagay ng mainit na tubig sa bote at ipatong sa paa at
ang pag-inom ng 1 hanggang 2 baso ng mainit na tubig.
MGA PAKINABANG
Madaming
pakinabang ang pagfafasting. Sa panahong ng mahabang pagfafasting kinukunsumo
ng katawan ang reserbang enerhiya nito.
Habang
nagkukulang ang katawan sa kinakailangang sustansya, lalo na ang protina at
fats, ang katawan ay tutunawin ang sariling tissues sa paraan ng autolysis o
self-digestion subalit hindi naman ito lubhang nakakasama.
Unang
tutunawin at gagamitin ng katawan ang cells at tissues na sira na, mahina na o
hindi na kinakailangan ng katawan. Ito
ang sikreto ng pagiging epektibo ng fasting bilang solusyon sa paraan ng
panggagamot at pagrejuvenate.
Habang
nagfafasting, ang pagbubuo ng bago at malusog na cells ay napapabilis sa
pamamagitan ng amino acids na nilalabas ng cells na sira.
Ang
kapasidad na maglabas ng dumi ng mga organs gaya ng baga, atay, bato at ng balat ay
lubhang bumibilis sapagkat sila ay natutulungan sa pagtunaw ng pagkain at
maglabas ng sobrang toxins. Samakatuwid,
mabilis na nailalabas ang mga namuong dumi o toxins sa loob ng katawan.
Tinutulungan
ng pagfafasting ang ating internal organs sa pagtunaw, pag absorb at
pagprotekta.
Bilang
resulta, ang pagtunaw ng pagkain at paggamit ng sustansya ay napag iibayo
pagkatapos ng pagfafasting.
Ito rin ay nakakatulong sa pagpapanormal,
pagpapatibay at pag rejuvenate ng lahat ng importanteng physiological, nervous
and mental functions.
PAGHINTO SA PAGFAFASTING
Ang
magandang resulta ng pagfafasting ay depende kung paano ito ititigil. Ito ang pinakamahalagang parte.
Ang
tamang paraan ng pagtigil ng pagfafasting ay ang mga susunod: Iwasan ang labis
o sobrang pagkain, nguyain ng mabuti ang pagkain bago lunukin.
Maglaan ng ilang araw kung magbabago sa
nakasanyanng uri ng pagkain. Kung
pagpaplanuhan ng mabuti ang paglipat sa matitigas na pagkain ay hindi ito
magdudulot ng discomfort o pinsala.
Nararapat
din na magkaroon ng sapat na pahinga o agwat sa panahon ng pagpapalit ng
pagkain. Ang pagpili ng angkop na uri ng
pagkain ay mahalaga sa magiging bunga ng pagfafasting.