Martes, Marso 19, 2019

Sopistikadong estratehiya sa pakikipag-Combatis.


Sopistikadong estratehiya sa pakikipag-Combatis.
Job 7:1The life of man upon earth is a warfare. Ang buhay ng isang tao sa mundo ay isang digmaan.
Si vis pacem, para bellum is a Latin adage translated as, “If you want peaceprepare for war” (usually interpreted as meaning peace through strength—a strong society being less likely to be attacked by enemies)

Ang digmaang ito ay umiiral sa maraming antas. Malinaw, na mayroon tayong mga kalaban sa kabilang panig. Ang mundo ay naging lalong mapagkumpitensya at masama. Sa pulitika, sa negosyo, sa pamilya, sa mga kaibigan o kakilala, kahit na sa mga relihiyon, nakakaharap natin ang mga kalaban na gagawin ang halos lahat ng bagay upang makakuha ng kalamangan at tayo’y bigyan ng mga sakit at kahirapan.

Gayunpaman, ang mas nakakabahala at masalimuot ay ang mga kalaban na kinakaharap natin ay mga taong kasama pa natin at nagpapanggap na ating kakampi. May mga nakakasama tayo na magaling magpanggap, na kumikilos na napakabaet at hindi tayo kinakalaban, ngunit sinasabotahe tayo sa likod ng mga eksena, ginagamit ang ating grupo o pamilya upang itaguyod ang kanilang sariling agenda.

Ang sagradong aklat na ito tungkol sa sopistikadong estratehiya sa pakikipag-combatis. Ito ay isang destilasyon ng walang hanggang karunungan na nasa ating mga aralin at nasa mga prinsipyo ng pakikidigma. Ang programang ito ay idinisenyo upang bigyan ka ng praktikal na kaalaman na makapagbigay sa iyo ng walang katapusang mga opsyon at mga pakinabang sa pagharap sa mga madudulas at magagaling na kalaban na umaatake sa iyo sa araw-araw na labanan.

Maging ito man ay isang mangkukulam, mambabarang, diaboliko, mga engkanto diaboliko, mga masasamang elemento maging kamag-anak o kaibigan o kakilala na nagbabayad upang mabaunan o mabira tayo ng mga sakit at negative energies na magpapahina sa atin.
 
Kung ang inaakala mong pisikal Na sakit ay Hindi ma “diagnose” ng mga doktor sapagkat ito pala’y hindi natural kung hindi likha ng mangkukulam o anomang uri ng masasamang elemento?
Exo 22:18  Any woman using unnatural powers or secret arts is to be put to death.
Exo 22:18  Death is the punishment for witchcraft.

Exo 22:18  "Never let a witch live.
Exo 22:18  Thou shalt not suffer a witch to live.
(TAB)  Exo 22:18  Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.

Eze 13:13  Now this is what the Sovereign LORD says: "In my anger I will send a strong wind, pouring rain, and hailstones to destroy the wall.
Eze 13:14  I intend to break down the wall they whitewashed, to shatter it, and to leave the foundation stones bare. It will collapse and kill you all. Then everyone will know that I am the LORD.
Eze 13:15  "The wall and those who covered it with whitewash will feel the force of my anger. Then I will tell you that the wall is gone and so are those who whitewashed it---
Eze 13:16  those prophets who assured Jerusalem that all was well, when all was not well!" The Sovereign LORD has spoken.
Eze 13:17  The LORD said, "Now, mortal man, look at the women among your people who make up predictions. Denounce them
Eze 13:18  and tell them what the Sovereign LORD is saying to them: "You women are doomed! You sew magic wristbands for everyone and make magic scarves for everyone to wear on their heads, so that they can have power over other people's lives. You want to possess the power of life and death over my people and to use it for your own benefit.
Eze 13:19  You dishonor me in front of my people in order to get a few handfuls of barley and a few pieces of bread. You kill people who don't deserve to die, and you keep people alive who don't deserve to live. So you tell lies to my people, and they believe you."
Eze 13:20  Now this is what the Sovereign LORD says: "I hate the wristbands that you use in your attempt to control life and death. I will rip them off your arms and set free the people that you were controlling.
Eze 13:21  I will rip off your scarves and let my people escape from your power once and for all. Then you will know that I am the LORD.
Eze 13:22  "By your lies you discourage good people, whom I do not wish to hurt. You prevent evil people from giving up evil and saving their lives.
Eze 13:23  So now your false visions and misleading predictions are over. I am rescuing my people from your power, so that you will know that I am the LORD."
Eze 13:13  Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Akin ngang titibagin ng unos na hangin sa aking kapusukan; at magkakaroon ng bugso ng ulan sa aking pagkagalit, at malalaking mga granizo sa kapusukan upang tunawin.
Eze 13:14  Gayon ko ibabagsak ang kuta na inyong tinapalan ng masamang argamasa, at aking ilalagpak sa lupa, na anopa't ang pinagsasaligan niyaon ay malilitaw: at mababagsak, at kayo'y malilipol sa gitna niyaon; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Eze 13:15  Ganito ko wawakasan ang aking kapusukan sa kuta, at sa nangagtapal ng masamang argamasa; at sasabihin ko sa iyo, Ang kuta ay wala na, o ang nangagtatapal man;
Eze 13:16  Sa makatuwid baga'y ang mga propeta ng Israel, na nanganghuhula tungkol sa Jerusalem, at nangakakakita ng pangitaing kapayapaan para sa bayan, at walang kapayapaan, sabi ng Panginoong Dios.
Eze 13:17  At ikaw, anak ng tao, itingin mo ang iyong mukha laban sa mga anak na babae ng iyong bayan, na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso; at manghula ka laban sa kanila,
Eze 13:18  At iyong sabihin, ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sa aba ng mga babae na nangananahi ng mga unan sa lahat ng siko, at nagsisigawa ng mga lambong na ukol sa ulo ng iba't ibang sukat upang manghuli ng mga kaluluwa! Hahanapin baga ninyo ang mga kaluluwa ng aking bayan, at mangagliligtas na buhay ng mga kaluluwa sa ganang inyong sarili?
Eze 13:19  At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.
Eze 13:20  Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.
Eze 13:21  Ang inyo namang mga lambong ay aking lalabnutin, at ililigtas ko ang aking bayan sa inyong kamay, at hindi na sila mangapapasa inyong kamay na mahanap; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.
Eze 13:22  Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;
Eze 13:23  Kaya't hindi na kayo mangakakakita ng walang kabuluhang pangitain o manganghuhula man ng mga panghuhula: at aking ililigtas ang aking bayan mula sa inyong kamay; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

Kinukulam ka ba? Importanteng basahin mo iyo ng malaman mo.
 

Tumataas ang nag aaral ng Pangkukulam at maging ang mga biktima ng kulam. Noong makalipas na mga taon maraming reseach ang ginawa sa Stony Brook Medical College sa New York, USA at naging conclusyon nila na ang pangkukulam ay totoong nakakamatay ito man ay pinatunayan sa biblia.

Ang mga nakukulam ay nasa panganib at maaaring sirain nito ang kalusugan at
kalagayan ng kabuuan ng isang tao, maaari din itong mapatay o gawin ng mga indibidwal na magpakamatay sa labis-labis na paghihirap na nararamdaman. Nagiging suicidal mahina ang shield ng aura o proteksyon.

Ang mga walang-salang kaluluwa ng tao ay bihirang malaman na siya pala ay
kinukulam na. Ito ay ginagawa nila upang makasakit at makapatay ng isang tao. At bawat taong mapapatay nila tumatataas ang kanilang kapangyarihan at ranggo.

Ang mga personal na gamit ng isang bibiktimahin tulad ng baro, picture, kuko
minsan pangalan at date of birth lang ay ginagamit para gumawa ng manika na
malalagyan ng koneksyon sa isang tao.

Ang pinaka dibdib ng manika ay iniiwang bukas para sa pinakahuling rituals. Ang ritual ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng puso ng isang hayop na buhay at ito ang inilalagay para maging puso ng manika at sa puntong ito'y magsisindi ng
kandila para ma infused ang buhay ng bibiktimahin papunta sa manika na ginamitan ng invisible psychic chord. Upang mabuhay ang koneksyon ng biktima at manikang
gagamitin.

Kapag ang lifeforce ng manika at ng taong kukulamin ay konektado na, gumagamit na ang mangkukulam ng karayom tinutulak ito sa isang specific acupuncture points para ma break ang energy system ng biktima. Habang tinutusok ang karayom mararamdaman ng bitima ang bawat pag baon ng karayom sa loob ng kanyang katawan.

Ang biktima na kahit ilang libong milya ang layo ay makakaranas ng sunod sunod na atake.

Lalo na kung ang biktima ay napakain, napainom ng pagkain o inuming nahaluan ng abo ng isang patay na tao na nakakapag infused ng negatively charged na energies. Nakakapagbigay ito ng unlimited control sa mangkukulam sa pag-iisip at katawan ng bibiktimahin. Ang pinaka-focus ng mangkukulam ay sirain ang immune system ng biktima.

Eze 13:19 At inyong nilapastangan ako sa gitna ng aking bayan dahil sa mga
dakot na cebada, at dahil sa mga putol ng tinapay, upang ipahamak ang mga
kaluluwa na hindi marapat mamatay, at upang iligtas na buhay ang mga kaluluwa na hindi marapat mabuhay, sa pamamagitan ng inyong pagbubulaan sa aking bayan na nakikinig sa mga kasinungalingan.

Eze 13:20 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, ako'y laban sa
inyong mga unan, na inyong ipinanghahanap ng mga kaluluwa, na paliparin sila, at aking mga lalabnutin sa inyong mga kamay; at aking pawawalan ang mga kaluluwa, sa makatuwid baga'y ang mga kaluluwa na inyong hinahanap upang paliparin.

Kung sa tingin mo na ikaw ay binibiktima na ng masamang
salamangka/pangkukulam eto ang mga indikasyon na tutulong sa iyo upang
maintindihan mo ang inyong kalagayan.

Mga palatandaan o signs kung ikaw ay kinukulam na o may ibang masamang ispiritu ang nakikielam sa iyo.

• Ang iyong pagtulog ay balisa, laging na iistorbo. Hindi ka mapagkatulog at laging nagigising ng alanganing oras.
• Madaling mapagod at kinukulangan ang lakas upang mabuhay ng maayos sa araw-araw na gawain.
• Mayroon kang kinatakutan na hindi maintindihin kung sino o ano.
• Nawaawalan ng interes sa buhay.
• Nawawalan ng pag –asa.
• Ikaw ay madaling mapagalit kahit walang dahilan
•Nakakaramdam ng sakit sa puso o parang inaatake pero
 pag napa- consulta sa mga medical doctors ay walang makumpirmang karamdaman.
• Nakakaramdam ng matinding depression.
• Pagkatuyo ng labi o bibig sa gabi na parang nauuhaw parati.
• Madaling tumaba minsan naman madaling pumayat.
• Bigla-biglang nagkakaroon ng panginginig at pangingilabot sa buong katawan.
• Parang humihigpit o sumisikip ang mga ilang bahagi ng katawan at kalamnan.
• Nagiging lutang ang pag-iisip biglang naging malilimutin at nararanasan ang paghina ng memorya.
• Ang mga payo at pangitain na dapat dumaan sa iyong panaginip ay hinaharang, Kaya wala kang maala-alang panaginip tuwing gumigising.
• Ang iyong mga propesyonal na karera o trabaho ay na- aapektuhan laging wala sa kondisyon o gana.
• Hindi makatwiran para sa iyo ang pag-uugali ng mga tao kaya laging may nakakaaway.
• Minamalas, mahirap kumita ng pera nawawalan ng paraan mag- isip kumita.
Maraming mga sintomas ang maaaring makita sa taong kinukulam ang lahat ng ito ay depende sa estado ng conciousness ng isang biktima at ang mga uri ng masamang Espiritu na umi- impluwensiya sa kanya na nakaka-apekto sa biktima.

Mga sumusunod na palatandaang may aktibidad ng kulam o may masamang ispiritung nakikielam sa isang tao.

• Nanaginip ka ng patay na taong hindi mo kakilala at nananaginip ka ng kakila-kilabot na mga hitsura ng tao na gusto kang patayin habang ikaw ay natutulog at nananaginip kaya para kang hindi makahinga at binabangungot.
• Madalas kang managinip ng mga ahas at ng mga maruruming lugar na may kasamang umaalingasaw na mabahong amoy.
• Biglang magigising sa takot mula sa malalim na pagkakatulog na hinahabol ang paghinga.
• Nananaginip na bumabagsak mula sa isang napakataas na pinanggalingan.
• Nananaginip ng mga ahas, alakdan at malalaking maitim na gagamba.
• Nakakakita ng maiitim na parang tuldok o usok na lumulutang sa iyung kapaligiran lalo na pag matutulog
pa lamang o pag kagising.
• Lumalaki ang iyong tiyan tulad ng isang buntis na babae ang itaas ng iyung pusod ay parang sumisikip at kung
ito'y hihipuin para bang may bolang matigas na nasa loob ng tiyan.
• Paninikip at mabigat na pakiramdam lalo na sa may balikat at dibdib.
• Matinding kagutuman sa mga biktima lalo na kung nasasaniban o nabaunan na ang iyong katawan.
• Palaging sumasakit ang ulo.
• Minsan ay nangingitim ang kulay ng iyung balat.
• Pangangati, parang may pumapaso at tumutusok sa iba't- ibang bahagi ng katawan.
• Sa mga malubhang kaso ng salamangka o pangkukulam na meron talagang gustong pumatay sa iyo, makakakita ka ng masasamang pangitain.

Mga aksidenteng karumal-dumal, mga patayan sa iyung harapan maging hayop o tao ito. Nasa gitna ka na ng cross over ng pagkabuhay at malapit nang mahigup sa kamatayan.

Huling yugto ng biktimang kinukulam at sinasaniban ng masamang ispiritu na
mahirap ng iligtas at kakaunti na lang ang oras para mabuhay o mananatili sa
mahirap na kalagayan.

• Kanser sa ibat –ibang parte ng katawan lalo sa dugo pag ito'y contaminated na.
• Pag-urong, pag liit o hindi na pag gana ng atay at pantog.
• Sobrang hindi maipaliwanag na panghihina.

• Gumagamit na ng ibat ibang droga.
• Inaatake na sa puso.

• Mga gamot na nirereseta ay hindi na gumagana na pinagtatakhan ng mga medical practitioner: na nagreresulta sa mga doktor na gumamit ng mas malakas na gamot .
• Nagtataka ng magpakamatay o laging nag iisip ng kanyang ikakamamatay.

Karagdagang mga sintomas ng nakukulam o may nakikielam na masamang ispiritu na
nauukol sa mga babae lamang.

Gasgas marka sa paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan.
• Madalas managinip na may gumagahasa sa kanyang mga masasamang ispiritu at ito'y parang totoong totoo.
• Pangangati sa maseselang bahagi ng katawan.
• Paghinto ng buwanang menstruation, nagiging irregular ang menstruation minsan ay napakasakit at minsan may napakaitim na dugong lumalabas.

• Hindi mabuntis buntis dahil may ibinira o ibinaong kulam sa kanyang fallopian tubes kaya ma buntis man nagreresulta lang ito ng pagkalaglag ng sanggol. Kaya nananatiling baog habang buhay.

• Hindi matagalan ang pagbubuntis na nagreresulta sa pagkamatay niya o ng sanggol.

• Hindi maipaliwanag na convulsions.


Karagdagang mga sintomas nauukol sa Espirituwal na mga tao


• Ang iyong interes sa ispiritual ay bumabagsak, ayaw mo ng manalangin, wala ka ng pananampalataya sa Dios Ama, Dios Anak at Dios Ispiritu Santo maging kay Mama Mary at sa ibat ibang angel na pinadadala sa iyo upang tulungan ka.

• Biglang nag iiba ang pakiramdam sumasama kapag sinusubukang manalangin.

• Madaling matuksong gumawa ng malalaswa at masasamang bagay at mga bisyo.


Sa mga malubhang kaso kung saan na ang demonyo na ang sumasanib , ang biktima ay maaaring biglang magpakamatay o maging mamamatay tao.

Ang pagiging marahas na pag-uugali ay lubos na makikita sa mga ganitong tao.

Solusyon:

Mag pacheck up sa mga magagaling (authorities) laban sa kulam at exorcism.
Magpagamot, mag aral ng mga Sagradong Aklat matutong maglagay ng Divine Shield at proteksyon maging spiritual warrior pag aralan ang combatis spiritual upang huwag ma biktima at katakutan ng mga mangku
kulam at masasamang ispiritu.
Ang bawat bahagi ng programang ito ay isang estratehiya na naglalayong maglutas ng isang partikular na suliranin na kadalasan nating nasasagupa. Ang mga estratehiya ay mula sa mga nakatagong kasulatan at mga kasanayan ng mga pinakadakilang mga mandirigma sa kasaysayan at pati na rin ang pinakadakilang mga istrategist na sumasaklaw  mula sa mga pangunahing estratehiya ng klasikal na digmaan, maging sa maruming hindi kinaugaliang  mga estratehiya sa modernong panahon. 
 
Ang programa ay nahahati sa mga bahagi tulad ng ituturo natin sa ating sarili kung paano ihanda ang ating isip at diwa,ang organisasyon ng digmaan, paano gumawa ng istraktura at maudyukan ang ating hukbong lumaban sa digmaan. Ituturo rito hindi lamang tungkol sa digmaan, pati na rin ang istratehiya sa politika, kultura at sa sosyal na pamumuhay, sa sports at maging sa negosyo na magpapakita ng malapit na koneksyon sa pagitan ng militar at sa sosyal na pamumuhay. Ang mga estratehiyang ito ay maaaring magamit sa mga pakikibaka sa bawat antas ng inorganisang warfare, sa labanang pulitika at maging sa personal na relasyon.

Sa huli ang estratehiya ay isang sining na nangangailangan ng hindi lamang ng iba't ibang paraan ng pag-iisip ngunit ng magkakaibang diskarte sa buhay. Madalas may banggaan sa pagitan ng ating mga ideya at kaalaman. Sa kabilang banda ang ating aktwal na karanasan ay nakakakuha ng mga bagay na walang kabuluhan at impormasyon na nananatili sa espasyo ng ating kaisipan na nagdadala sa atin sa kawalan at nagdidivert sa atin sa mga bagay na walang halaga sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.Mayroon tayong matataas na ideya na hindi natin nagagamit, marami tayong saganang karanasan na hindi natin sinusuri nang sapat kaya hindi ito nakapagbibigay ng inspirasyon. Mga ideya na may leksyon na hindi natin pinapansin o pinahahalagahan.

Ang istratehiya ay nangangailangan ng patuloy na pakikipag-ugnay sa pagitan ng dalawang kaharian, ito ay praktikal na kaalaman sa pinakamataas na porma ng dakilang pangyayari sa ating buhay. At ang buhay ay walang halaga kung hindi natin sasalaminin ang mga ito sa isang malalim na paraan sapagkat ang mga ideya mula sa mga sagradong aklat ay walang kahulugan kung hindi mo ito gagamitin.Kung mabubuhay sa istratehiya, ang buhay ay isang laro na mataas ang tiyansang manalo ngunit nangangailangan din ng malalim at seryosong atensyon kaya kailangang isalin ito sa aksyon at pagkilos.  Dapat din na isalin ang kaalaman sa ganitong paraan ng istratehiya upang maging panghabambuhay na hamon at mapagtagumpayan ang mga mahihirap na situwasyon at malutas ang ating mga problema.

Ang digmaang tayo ang nag-umpisa o anumang uri ng labanan kapag tayo ay dumedepensa ay naitataguyod at napapalanunan sa pamamagitan ng istratehiya sa serye ng mga linya at mga pana na nakatuon sa goal na isang pagkuha sa isang tiyak na punto sa mundo at makakatulong sa atin na ma-atake ang isang problema na nasa ang ating landas habang pinag-aaralan natin kung paano palibutan at sirain ang ating mga kaaway. Bago itutok ang mga arrows sa iyong mga kaaway dapat mo munang idirekta ang mga ito sa iyong sarili, sapagkat ang iyong kaisipan ay ang panimulang punto ng lahat ng digmaan at ng lahat ng istratehiya. Ang kaisipan na madaling lamunin ng mga emosyon na naka-ugat sa nakaraan sa halip na sa kasalukuyang panahon na hindi makita ang mundo ng may kaliwanagan at pangangailangan ng madaliang pagkilos ay lilikha ng mga estratehiya na palaging makaligtaan ang marka upang maging isang tunay na strategist.  Dapat muna nating gawin ang tatlong hakbang: Una dapat nating malaman ang ating kahinaan at karamdaman na maaaring humawak na humayakap sa ating kaisipan. Ano ang ating estratehikong kapangyarihan?  Pangalawa, magdeklara ng isang uri ng digmaan sa ating sarili upang itulak ating sariling sumulong.

Pangatlo: Magtaguyod ng walang awa at patuloy na labanan sa mga kaaway na nasa loob mo sa pamamagitan ng paglalapat ng mga estratehiya. Ang mga sumusunod na apat na seksyon ay dinisenyo upang ipaalam sa atin ang mga kaguluhan na marahil ay yumayabong sa ating kaisipan at upang maarmasan tayo ng mga tiyak na mga diskarte para  maalis ang mga kalituhan sa ating kaisipan. Ang seksyon na ito ay mga arrows upang maitutok sa ating sarili sapagkat sa sandaling hinihigop ang mga ito sa pamamagitan ng pag-iisip at pagsasanay, sila ay maglilingkod bilang isang self-corrective na aparato sa lahat ng ating mga hinaharap na laban na magpapakawala ng makapangyarihang tatak ng istratehiya na nasa loob natin.

Nabubuhay tayo sa isang kultura na nagtataguyod ng demokratikong pamumuhay, ng pagiging patas sa isa’t isa at ang kahalagahan ng pagsali sa isang grupo at pag-alam kung paano makikipagtulungan sa ibang mga tao.  Itinuro ng maaga sa ating buhay na ang mga pakikipagaway at pagiging agresibo ay magbabayad ng isang panlipunang presyo. Mawawalan siya ng kaibigan, kamag anak, o kakilala at mahihiwalay siya sa pinahahalagahang pagkakaisa at kooperasyon. Itinuturo sa atin na upang maging matagumpay sa buhay sa pamamagitan ng panlabas na katahimikan na yaong maagang nangunguna sa mundo ay nagpapakita sa publiko sa pamamagitan ng mga ideya ng kawastuhan na pinakikita sa pampublikong espasyo. Ang problema para sa atin ay sinanay tayo at pinaghanda para sa kapayapaan at hindi tayo handa para harapin ang totoong digmaang pandaigdig.

Ang digmaang ito ay umiiral sa maraming mga antas at lalong maliwanag na mayroon tayong mga karibal sa kabilang panig. Ang mundo ay lalong nagiging mapagkumpitensya at naging napakarumi, na kahit sa negosyo, sa pulitika, sa trabaho, sa lipunan, sa pamilya, kahit na sa sining may kinakaharap tayong mga kalaban, na gagawin ang halos lahat ng bagay upang makalamang. Mas magulo at kumplikado, gayunpaman ang mga laban na ating nakakaharap mula sa mga taong inaakala nating kakampi o kaibigan na nagkukunawaring kakampi natin sa laro ng koponan na kumikilos ng napaka-friendly at kaaya-aya ngunit sinasabotahe tayo sa likod ng mga eksena. Na ginagamit ang ating mismong grupo upang itaguyod ang kanilang sariling agenda. Ang iba ay mas mahirap  makita o makilala dahil naglalaro ng walang tutol at hindi kumokontra ngunit tumutulong sa pagsalakay o gumamit ng lihim na pag atake habang nag aabot ng pagtulong. At hindi niya ito nakikitang kasalanan laban sa atin, isang lihim na sandatang nasa panlabas na anyo na tila mapayapa ngunit sa likod nito ay ang bawat lalaki at babae para sa kanya ay dinamikong hinahawa upang makasira sa ating mga relasyon.  

Maaaring magkaila ang ating kultura sa katotohanang ito at itaguyod ang isang banayad na larawan ngunit alam natin at nararamdaman natin ito sa mga sugat na galing sa labanan. Hindi dahil tayo at ang ating mga kasamahan ay mga walang dangal na nilalang na nabigong mabuhay sa mithiin ng kapayapaan at sa pagiging makasarili ngunit hindi natin maiiwasan kung sino tayo. Tayo ay may simbuyo ng pagiging agresibo na imposibleng ipagsawalang bahala o pigilin. Noon, ang isang indibidwal ay maaaring umasa sa isang grupo, sa estado, sa pinalawak na pamilya, sa isang kumpanya upang pangalagaan sila ngunit hindi na ito ang nangyayari. Sa isang mundo na hindi na nagmamalasakit dapat nating isipin na una at ang pinakamahalaga ay ang ating sarili at ang ating mga interes. Ang kailangan natin ay hindi imposible at hindi makataong mga ideyal ng kapayapaan at kooperasyon upang mabuhay. At ang kalituhan na nagdadala sa atin ngunit ang praktikal na kaalaman kung paano haharapin ang sagupaan at ang pang-araw-araw na mga labanan na ating kinakaharap.

At ang kaalamang ito ay hindi tungkol sa kung paano maging mas malakas sa pagkuha ng kung ano ang gusto natin o ang pagtatanggol sa ating sarili ngunit sa halip ay kung paano maging mas makatwiran at madiskarte pagdating sa labanan. Ichachanel ang ating agresibong simbuyo sa halip na itanggi o pigilin ang mga ito. kapag may isang perpektong ideal na pinupuntirya. Dapat ang madiskarteng mandirigmang lalaki o babae ay may kakayanang pamahalaan ang mahirap na sitwasyon at ang mga taong pinangangasiwaan sa pamamagitan ng mabilis at intelihenteng maniobra. Ang ating mga tagumpay at pagkabigo sa buhay ay maaaring aninagin sa kung gaano kahusay o kung paano kapangit tayong humarap sa mga hindi maiiwasang labanan na ating hinaharap sa lipunan. Ang karaniwang paraan ng pakikitungo ng mga tao sa kanila na nagsisikap umiwas sa  lahat ng mga labanan kaya nagiging emosyonal at umaatake na pumipihit ng patago at tumatakbo ay kontra-produktibo sa katagalan sapagkat hindi sila sumasailalim sa kamalayan at makatuwirang kontrol at kadalasan ay nagiging mas malala ang kanilang sitwasyon.

Ang mga istratehikong mandirigma ay nag-ooperate ng may kaibahan, sila ay nauunang nag-iisip at nagpaplano patungo sa kanilang mga pangmatagalang goals. Nagpapasiya kung aling laban ang pwedeng iwasan at ang labang hindi maiiwasan. Nalalaman kung paano kontrolin at i-channel ang kanilang mga emosyon kapag napupwersang lumaban, ginagawa nila ito sa loob ng direksyon at banayad na maniobra na gumagawa sa kanilang mga manipulasyon na mahirap maaninag. Sa ganitong paraan maaari nilang mapanatili ang mapayapang panlabas na itinatangi sa mga panahong pampulitika. Ang ideal na pakikipaglaban ay nagmumula sa atin mula sa organisadong digmaan na kung saan ang sining ng estratehiya ay naimbento at nalilinang sa umpisa pa lamang.

 Sa isang digmaan na kung saan maaaring ipakita ng isang indibidwal ang kaniyang kabayanihan maaari pang mapalawak at mag-evolve sa isang matatag na estado. At maliwanag na ang digmaan ay may napakaraming nakatagong mga gastos at ang paglulunsad nito nang walang taros o walang tamang pagpaplano ay madalas na humahantong sa pagkahapo at pagkawasak ng sarili kahit na para sa mga nagwawagi kahit paano ang digmaan ay dapat na ipinaglalaban ng may katwiran.

Literal na nangangahulugang ang pinuno ng estratehiyang hukbo sa ganitong diwa ay ang sining ng heneral ng pangkalahatan na nag-uutos o nagdidirect sa kabuuang pagpupunyagi sa digmaan, na nagpapasiya kung anong mga pormasyon magdedeploy at kung saang lugar makikipaglaban, upang lumaban sa kung anong gagamiting maniobra para makakuha ng kalamangan at dahil ang kaalamang ito ay sumusulong, ang mga lider ng militar na nakatuklas nito ay mas nag-iisip at mas nagpaplano nang mas maaga na nagreresulta ng mas mataas na posibilidad ng kanilang tagumpay.

Ang estratehiyang nag-iiba ay maaaring magbigay sa atin ng kapangyarihang matalo ang mas malaki pang-hukbo at ang pagharap sa matatalinong kalaban na gumagamit din ng kakaibang istratehiya ng may pataas na presyon upang makakuha ng kalamangan ay tatalunin ng isang heneral na mas madiskarte, mas hindi dumidirekta at mas matalino kaysa sa kalaban. Habang tumatagal ang sining ng pagiging istratikong heneral ay nananatiling matatag at mas sopistikado habang ang  higit pang mga diskarte at istratehiya ay na pipick-up kasama ang solidong prisipyo at konsepto kung paano maiiwasan ang mga aksidente sa digmaan.

Paano ba gumawa ng ultimate na plano, ng pinakamahusay na malakas na hukbo? Sa kabuuan ang mga prinsipyo at mga estratehiya ay magpapahiwatig ng isang uri ng unibersal na karunungan sa pandigma, isang hanay ng adaptable na pattern na magtatatas sa posibilidad para manalo. Kailangan ng isang bakas ng mga estratehikong pattern at prinsipyo na binubuo sa sining ng digmaan.

Ang perpektong panalo sa digmaan ay ang  walang pagdanak ng dugo, sa pamamagitan ng pag-lalaro sa sikolohikal na kahinaan ng kalaban, sa pamamagitan ng pagmamanyobra sa kanila sa walang katiyakan posisyon, sa pamamagitan ng pagbubuyo sa damdamin ng pagkabigo at pagkalito. Ang isang strategist na heneral ay maaaring makatalo ng kalaban kapag nasisira niya ang pag-iisip at isusunod ang pisikal na pagsuko. Sa ganitong paraan ang pagkapanalo ay maaaring magresulta sa isang mas mababang gastos at ang estado ay nanalo. Ang digmaang kakaunti ang nabuwis na buhay at gastos ay ang lumalagong estado na nagiging dakila sa mas mahabang panahon.

Sigurado ang karamihan sa mga digmaan ay hindi naitalaga nang may katwiran ngunit ang mga kampanyang iyon ayon sa kasaysayan ay lumilitaw na kakaiba sapagkat  ang perpektong digmaan ay hindi isang kahariang maihihiwalay, na diborsyado mula sa natitirang bahagi ng sosyedad. Ito ay isang tunay na arena ng tao na puno ng pinakamamagaling at ng pinakamasasama sa ating likas na digmaan na sumasalamin din sa mga kalakaran sa lipunan. Ang ebolusyon patungo sa higit pang hindi kinaugaliang madayang estratehiko. Gerilyang digmaan o terorismo ay sumasalamin ng isang katulad na ebolusyon sa lipunan na kung saan ang anumang bagay ay pwedeng mangyari. Ang estratehiya na nagtatagumpay sa digmaan maging ito ay may konsiderasyon o walang konsiderasyon ay batay sa walang hanggang sikolohiya. Ang ideyal na estratehikong digmaan ay nabubuhay sa kataas taasang talino at may balanseng emosyonal na pagsisikap upang manalo ng may pinakamaliit na pagdanak ng dugo at pagkawala ng kayamanan. Ito ay may walang hangganang aplikasyon at naka-ugnay sa ating mga pang-araw-araw na laban na nakatanim sa mga pakinabang sa ating panahon.
Marami ang makikipag-diskusyun na ang organisadong digmaan ay likas na barbariko, isang relikiya ng marahas na nakaraan ng tao at isang bagay na dapat mapagtagumpayan para sa kabutihan. Para maitaguyod ang sining ng digmaan sa isang sosyal na kalagayan kanilang sasabihing tumayo tayo sa daan ng progreso at hikayatin ang labanan at pagaaway. Hindi pa ba sapat ang argumento sa mundo.  Ang argumentong ito ay napaka-kaakit-akit ngunit hindi lahat ay makatwiran. Laging mayroon sa lipunan at sa mundo ng mas agresibong tao na ang mga paraan upang makuha kung ano ang gusto nila ay sa pamamagitan ng panloloko o pandadaya.

Dapat tayong maging mapagbantay at dapat nating malaman kung paano ipagtanggol ang ating sarili laban sa ganyang uring mga tao. Ang sibilisadong kabutihan ay hindi mapapalakas kung tayo ay sapilitang pinasusuko ng mga taong tuso at malalakas. Sa katunayan ang pagiging pasipista sa harap ng mga wolves ay ang pinagmumulan ng walang katapusang trahedya. Ang iba ay makikipagtalo na ang digmaan at istratehiya ay tunay na mahalaga. Ang mga taong hindi mapalagay lalo na ang mga taong agresibo o kabilang sa mga elite, ang kapangyarihan, ang pag-aaral ng digmaan at diskarte ay magpapalakas sa iyo, ang nauuna at mapanupil na pagtugis ng kapangyarihan upang ipagpatuloy ang sarili tulad ng isang argumento ay mapanganib na bagay na walang kapararakan.

Sa katunayan, sa simula ang istratehiya ay pag-aari ng ilang piling Heneral o ng Hari at ang mga sundalo ay hindi tinuturuan ng istratehiya na makakatulong sa kanila sa larangan ng digmaan bukod sa hindi katalinuhan na armasan ang isang sundalo ng ganitong uri ng mga praktikal na kaalaman na maaaring makatulong din sa kanila upang makabuo ng pag-aalsa o rebelyon. Para mapanatili ang estratehiya at ang sining ng digmaan sapagkat ito ay isang espesyal na kaalaman ay maglaro sa mga kamay ng mga elite o mga mayayamang piling tao at sa kabilang mapanupil na kapangyarihan na gustong humati at malupig.

Kung ang istratehiya ay isang sining para makakuha ng resulta, ang paglalagay ng mga ideya at ipractice ito dapat din itong ikalat ng malayo at malawak lalo na sa mga tradisyonal na ang mga taong pinananatiling ignorante tungkol dito, kasama na ang mga kababaihan sa halip na labanan ang pag-alam sa istratehiya at ang mga kabutihang naibibigay nito sa makatwirang digmaan o ipagpalagay na bale wala ito, mas mabuting kumprontahin ang pangangailangan nito. Ang pagpakadalubhasa sa sining na ito ay magreresulta ng buhay na mas tahimik at produktibo. Sa katagalan malalaman natin kung paano gamitin ito ng manalo nang walang karahasan at ang pagbabale-wala rito ay maghahantong sa buhay ng may walang katapusang pagkalito at pagkatalo.

Ang mga sumusunod ay mga pangunahing ideals na dapat nating puntiryahin para ma-transform natin ang ating sarili na maging isang madiskarteng mandirigma sa pang-araw-araw nating buhay. Na tingnan natin ang bagay bagay na kung ano talaga ang mga ito hindi sa kung paano kulayan ito ng ating emosyon.  Sa istratehiya dapat nating makita kung paano tumugon ang ating emosyon sa mga nangyayari tulad ng isang sakit na dapat magkaroon ng lunas. Ang pagkatakot ay magbibigay sa atin ng maling pagtatantiya sa ating kaaway at kikilos ng sobrang pagdedepensa. Ang pagkakaroon ng galit at pagkainip o kabalisahan ay magdadala sa atin sa walang ingat at padalos-dalos na mga pagkilos na puputol sa ating mga opsyon. Ang sobrang pagtitiwala s ating sarili dahil tayo ay malakas at mayaman ay maaaring mag-resulta ng maling kapalaran. Ang  pag-ibig at pagmamahal ay bubulag sa atin sa mga mapalinlang na manyobra ng mga inaakala nating kakampi.

Kahit na ang pinakapinong pagbabago ng ating mga emosyon ay maaaring kumulay sa paraan ng ating pagtingin sa mga pangyayari. Ang tanging remedyo ay mabuksan ang ating kamalayan na humihila sa ating desisyon. Ang ating emosyon ay hindi maiiwasan, dapat nating mapansin kapag ito ay nangyayari at upang matumbasan ang tamang gagawin.  Kapag tayo ay nananalo at nagtatagumpay dagdagan pa natin ang ating pag-iingat. Kapag tayo ay nagagalit at wala tayong ginagawang aksyon, kapag tayo ay natatakot at pinalalaki ang panganib na kakaharapin. Ang digmaan o combatis ay humihingi ng pinakamataas na katotohanan, ang pagtingin sa mga bagay bagay kung ano talaga ang mga ito. Habang lalo nating nililimitahan o tinutumbasan ang ating pagtugon sa mga emosyon, mas nalalapit tayo sa ideyang ito.

Husgahan ang tao sa pamamagitan ng kanilang mga aksyon o kinikilos.
Ang katalinuhan sa pakikipagdigma ay nagpapatotoo na walang halaga ang mahusay na pananalita o talumpati na maaaring magpaliwanag sa pagkatalo sa larangan ng digmaan. Huhusgahan ng kasaysayan ang isang heneral na nanguna sa kanyang mga hukbo sa kanilang pagkatalo, na nagresulta sa pagkasawi ng mga buhay. Dapat nating sikaping mai-apply ang walang awang pamantayan sa ating pang-araw-araw na buhay na husgahan ang isang tao sa pamamagitan ng mga resulta ng kanilang mga pagkilos, ng kanilang mga ginagawa na ating nakikita, at sukatin ang mga maniobra na kanilang ginagamit upang makakuha ng kapangyarihan.  Tingnan kung ano ang sinasabi ng isang tao tungkol sa ang kanilang sarili, ito ay hindi mahalaga, sapagkat sasabihin ng isang tao ang maraming bagay sa kung ano ang kanilang nagawa, pero ang resulta ng kanilang mga ginawa ay hindi maaaring magsinungaling.

Dapat rin nating ilapat ang lohikang ito sa ating sarili, ang tumingin sa isang pagkatalo upang malaman ang mga naiibang bagay na dapat ginawa. Ang ating maling istratehiya, hindi ang madayang kalaban ang dapat sisihin sa ating kabiguan. Tayo ang may responsibilidad sa mabuti at masamang nangyayari sa ating buhay kasunod nito ay tumingin sa ibang tao at gumawa ng istratehikong maneobra at subukang makuha ang pagka-panalo. May mga taong mag-aakusa sa atin ng hindi pagiging patas.

Halimbawa may mga taong nagsusumikap na tayo ay konsensiyahin, mga taong nagsasalita tungkol sa katarungan at moralidad. Sila ay sumusubok makakuha ng kalamangan sa posisyon. Depensahan natin ang ating sariling armas. Maaaring makuha ang lahat ng bagay sa ating buhay at may ilang pagkakataon sa pangkalahatan na ang ating mga pag-aari ay mawawala. Ang pinakabagong armas kamakailan lang ay nagiging lipas na, iniwan tayo ng ating mga kaalyado ngunit kung ang ating kaisipan ay armado sa sining ng digmaan, walang kapangyarihan ang maaaring mag-alis ng mga ito. Maging sa gitna ng isang krisis ang ating kaisipan ay makakahanap ng paraan, ng tamang solusyon sa pagkakaroon ng mga mahuhusay na estratehiya na nasa ating mga kamay at magbibigay sa atin ng maniobra, ng superyor na puwersa at istratehiya para hindi tayo masakop sapagkat ito ay nasa loob na ng ating sarili.

Isama ang karunungan ng kalaban sa ating mga proseso, linlangin at puksain ang mga kalaban. Lamunin ang kanilang pag-asa, pagpalain ang ating mga kawal, maging malikhain at magkaroon ng mentalidad ng mandirigma. Maging mabagsik na leader sa istrategik na warfare, direkta, tuso at brutal.
Laging makipaglaban sa pinakamataas na intelihensiya at maging interesado tayo sa digmaan.  Hindi sa karahasan o sa brutalidad at hindi sa pag-aaksaya ng mga buhay o sa kayamanan kung hindi sa katwiran at pragmatismo na pinipilit sa atin. Ang perpektong pagkapanalo ang dapat targetin nang walang pagdanak ng dugo. Huwag maging istupido, hangal na madaling maloko. Gamitin ang mataas na karunungan at istratehiya na ang goal ay ang magamit ang brutalidad at agresyon laban sa mga kalaban na gumagamit ng mga ito. Dapat laging nauuna sa kanilang iniisip habang kumikilos sa hindi direktang pag-galaw upang ma-timpla ang pilosopiya at ang karunungan sa digmaan. Lumaban sa walang pagkatalong digmaan habang itinataas natin ang ating sarili sa itaas ng battlefield.

Ang istratehiya ng digmaan ay ang sining ng pag-uutos sa buong taktika, sa buong operasyon ng military at sa kabilang banda ay ang kakayahan ng pagbubuo ng hukbo para sa mismong labanan. Ang pakikitungo sa mga agarang pangangailangan sa larangan ng digmaan. Sa buhay na ito ang karamihan sa atin at taktisyan at hindi stratehista. Tayo ay natatali sa hinaharap nating labanan. Kaya minsan iniisip na lang natin kung paano natin makukuha ang gusto nating resulta sa digmaan. Naiisip nating mahirap ang diskarteng istrategikali at mas gusto nating mag-isip taktikali. Upang magkaroon ng istratehiyang kapangyarihang kailangan nating dalhin ang ating sarili sa itaas ng battle field.

Mag-pokus tayo sa pangmatagalang objectives, gumawa ng matinding kampanya at lumabas sa reaktibong kalakaran.Ikandado natin ang ating sarili sa pangkalahatang gol na nasa ating kaisipan. Para mas madaling magpasya kung kailan dapat lumaban at kalian dapat munang umiwas. Yan ang gagawa para ang pantaktikang desisyon sa araw-araw nating buhay ay maging mas simple at mas may katuwiran. Ang mga taong taktikal ay mabigat at natitigil sa lupa. Ang isang strategists ay may magaang paa at nakikita ang malayo at malawak.

Ispirituwalisahin natin ang ating warfare. Araw-araw humaharap tayo sa digmaan, ito ay isang realidad sa lahat ng nilalang at sa ating pakikibaka upang mabuhay, ngunit ang pinakamalaking labanan sa lahat ay nasa loob ng ating pagkatao, ang ating mga kahinaan, ang ating emosyon, ang ating kakulangan sa resolusyon upang makita ang mga bagay-bagay hanggang sa katapusan. Dapat nating ideklara ang tuloy-tuloy na digmaan sa ating sarili bilang isang mandirigma sa buhay na ito. Salubungin ang labanan at sagupaan bilang mga paraan upang mapatunayan ang ating sarili upang mas pahusahin ang ating mga kakayahan, upang makakuha ng lakas ng loob, kumpiyansa at karanasan. Imbes na pigilin ang ating mga pagdududa at takot, kailangan nating harapin at labanan ang mga ito. Kailangan natin ang maraming challenges at imbitahin ang digmaan upang mapanday at magkaroon ng espiritu ng pagiging warrior at tanging ang walang tigil na pagsasanay ang maghahantong sa atin sa kalagayang iyun.

Mag-deklara ng giyera sa ating mga kaaway, ang istratehiya ng polariseysyon sa buhay ay walang katapusang labanan at kontrahan.  Hindi tayo maaaring epektibong makikipaglaban kung hindi natin makikilala ang ating tunay na mga kaaway. May mga taong mapaglinlang at magaling magtago ng kanilang tunay na intensyon, nagpapanggap na ating kakampi, kailangan natin ng kaliwanagan. Matuto tayong magpa-usok ng lumabas ang ating mga kaaway, upang makita sila sa pamamagitan ng mga palatandaan at kanilang mga pattern na maghahayag ng kanilang poot.

Sa sandaling nakikita at nakikilala na natin kung sino ang tunay na kalaban, magdeklara na tayo ng giyera tulad sa kabilang pole ng isang magneto na lumilikha ng mosyon, ang ating mga kaaway ang ating mga kabaligtaran ang magpupuno sa atin ng hangarin at direksyon. Ang mga taong humaharang sa ating daraanan, na kumakatawan sa ating kinapopootan ng makatugon laban sa mga ito. Sila ang pagmumulan ng enerhiya. Huwag maging musmos sa ilang mga kaaway, dapat walang kompromiso, walang gitnang usapan sila ang panloob na kaaway.

Ang buhay ay isang digmaan at pakikibaka. Lagi tayong mahaharap sa masasamang sitwasyon, tulad ng mapaminsalang relasyon, at mapanganib na sagupaan, kung paano natin haharapin ang mga problema ang siyang magtutukoy ng ating kapalaran. Hindi ang ilog o bundok o iba pang mga tao ang mga balakid, ang tunay na nakakahadlang ay ang ating sarili. Kapag tayo ay nawawala at nalilito, kapag tayo ay nawawala sa tamang direksyon, kung hindi natin mabatid ang pagkakaiba sa pagitan ng kaibigan at kaaway sarili lang natin ang pwedeng sisihin.

Isipin natin palagi na ang ating sarili ay posibleng mapalaban. Lahat ng bagay ay naka-depende sa balangkas ng ating kaisipan at kung paano natin tinitingnan ang kasuklam suklam na nasa mundo, ang perspektibo natin ay maaaring mabago mula sa walang kibo at nalilitong sundalo para maging matalino at malikhaing mandirigma. Mag-pokus sa kaaway maaari itong isang taong humaharang sa ating landas o sumasabotahe sa ating tagumpay. Kahit mabaet  o hindi nagpapahalatang kaaway, malinaw na maaari itong manakit sa atin o isang hindi makatarungang tao na atin ng nakalaban. Maaari itong isang ideya na ating kinamumuhian na nakikita sa isang indibidwal o pangkat, maaaring isang abstraksyon ng katangahan, ng kawalang kabuluhan, ng palalo at pagiging materyalismo.

Huwag makinig sa mga taong nagsasabing hindi magiging kalaban ang tunay na kaibigan, tinatago lamang nila ang kanilang takot na magkaroon ng awayan sa likod ng maling paniniwala. Sinusubukan lang nilang itulak tayo sa kurso ng kalabuan na nakaka-apekto sa kanila. Kapag naramdaman mo na ang kalinawan ng pag-iisip at ma-motivate. Tayo ay magkakaroon ng espasyo para sa tunay na pakikipagkaibigan at tunay na kompromiso. Ang ating kaaway ay nasa kabilang panig na magbibigay direksyon sa atin. Kapag nakuha na natin ang tamang direksyon maaari na tayong pumasok sa susi ng labanan sa digmaan. Nabubuhay tayo sa panahon na kung saan ang mga tao ay bihirang direktang makikipag-away. Ang mga modernong sagupaan sa sosyal na buhay, sa pampulitikang pamumuhay maging sa militar ay nagbago na. Kaya dapat nating baguhin ang ating paniniwala sa mga kalaban, bihira na sa ngayon ang nagpapakilalang kaaway at ito ay isang pagpapala.

Hindi na umaatake ang mga tao ng lantaran na nagpapakita ng kanilang mga intensyon ng kanilang pagnanais na sirain tayo. Sa halip sila ay politikal at hindi direkta. Bagaman ang mundo ngayon ay mas mapagkumpitensya. Ang nakikitang pagsalakay ay sinisikap na hindi makikita kaya natututo ang mga taong ilihim ang kanilang pag-atake ng hindi natin mahuhulaan at may kagalingan. Marami ang makikipag-kaibigan bilang isang paraan upang maging maskara ang mga agresibong hangarin, lalapit sila sa atin upang mas makapinsala. Ang ating kaibigan ang may pinakamahusay na kaalaman ng kung paano tayo masasaktan o kahit hindi natin maging kaibigan mag-aalok sila tulong at alyansa. Tila tunay ang kanilang suporta ngunit sa huli isinusulong nila ang kani- kanilang sariling mga interes na tayo ang nakataya.

Tapos may mga taong maestro sa moral na digmaan nilalaro ang biktima, pinalalabas na tayo ang may kasalanan sa isang bagay na hindi matukoy kung ano ang ating pagkakamali. Puno ng mga mandirigmang madulas, magaling umiwas at matalino ang larangan ng digmaan. Unawain natin ang salitang kaaway, isang taong hindi kaibigan. Sila ay masama ngunit na politika at nakakatago, ang unang dapat nating gawin bilang isang istrategist ay palawakin ang ating konsepto ng kaaway at isama ang mga grupo na yaong mga nagtatrabaho laban sa atin.

Sa mahiwagang paraan ang pagpapakita ng kawalan ng interes at kapabayaan ay mahusay na mga armas kaysa sa sumalakay, dahil hindi natin maaaring makita agad ang poot na itinatago. Huwag maging paranoyd kailangan nating maintindihan na may mga taong nagnanais at nag-iisip ng masama laban sa atin. Sila ay nag-ooperate ng hindi nagpapahalata, kilalanin sila. At bigla tayong magkakaroon ng espasyo upang magmanyobra, maaaring umatras at mag-abang o kaya gumawa na ng aksyon. Kailangan ang agresibong aksyon o ang pag-iwas upang maiwasan ang pagkatalo maaari tayong dumiskarte na gawing kaibigan muna ang kalaban, anuman ang gagawin nating diskarte ang mahalaga ay huwag tayong maging walang muwang na biktima.

Huwag nating makita sa ating sarili na laging umaatras, na naaapektuhan tayo sa manyobra ng ating kaaway. Armasan ang ating  sarili ng mabuting pagpapasiya at kailanman huwag lubusang ibababa ang ating mga armas kahit na sa mga nagpapakilalang mga kaibigan. Maaari tayong umupo habang nag-oobserba at basahin ang mga palatandaan o maaari tayong maging aktibong kumikilos upang alisan ng takip ang ating mga kaaway. Hatawin nating ang damuhan upang magulat at lumabas ang mga ahas. madalas na sinasabi ng mga matatalinong dtef na mandirigma, na ang pinakamahusay na paraan upang mabunyag ang tunay na lihim ng isang tao ay ang galitin o gisingin ang tensyon at lumikha ng mga argumento.

Gamitin ang istratehiyang ito upang mapalabas ang tunay na mga posisyon ng mga tao. Kapag itinatago at hindi pinapakita kung kanino sila kumakampi,   biglang umatake o kumuha ng matinding posisyon kahit na sa isang nakakasakit na argumento, pukawin sila ng maibaba nila ang kanilang karaniwan pag-iingat at mapalabas ang kanilang tunay na paniniwala. Unawain na ang mga tao ay may posibilidad ng pagiging walang katiyakan at madulas kaya siguraduhin natin ang ating kaligtasan kahit ginagaya o sinasangayunan nila ang ating mga ideyas.