Sabado, Setyembre 14, 2013

Kapag ikaw ay nagpatawad, hindi ka maninisi.



Kapag ikaw ay nagpatawad, hindi ka maninisi. Kapag walang masisisi, hindi ka magiging biktima o mararamdamang isa kang biktima.  Kapag hindi ka naninisi, magiging mahirap para sa iyo ang makaramdam ng galit. Ang isang bagay na hindi ka nakakaramdam ng galit ay isang bagay rin na hindi mo kakatakutan. Kapag wala kang kinatatakutan, walang dahilan para magalit ka at walang dahilan para manisi ka. Ang buhay ay isang himala, at ang pamumuhay ay isang proseso upang palaguin pa ang mahimalang karanasan.
Ang bawat aksyon o iniisip ay magkakaibang natutunan.  Kapag tinanggap mo ang responsibilidad para sa lahat ng bagay sa iyong mundo, magkakaroon ka ng kapangyarihang gumawa ng pagbabago. Ang tunay na pagbabago ay ginagawa sa sarili mo at karanasan mo sa buhay at ang lahat ay agad na magkakaroon ng halaga.
Ikaw ang may hawak sa pangloob mong kapaligiran, ang iyong paniniwala, kaugalian, at emosyon na mahalaga sa iyo.  Ang iyong kalusugan, kasiyahan sa buhay, ang iyong abilidad na maging ikaw ay nakasalalay lahat sa abilidad mong magpatawad at magpalaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento