Sabado, Enero 31, 2015

Sagradong kaalaman sa mas mataas na relasyon ng nagmamahalang lalaki at babae.



Sagradong kaalaman sa mas mataas na relasyon ng nagmamahalang lalaki at babae.
Ang sagradong aklat na ito ay magpapaliwanag ng may kalaliman sa sikretong karunungan upang maiwasan ang hiwalayan at panlalamig ng pagmamahalan ng mag-asawa at magkasintahan ayon sa biblia.

Genesis 2: 1-25

               1 Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon. 2 Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw. 3 Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat. 4 Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa.
Ang Halamanan ng Eden
               Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit, 5 wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka. 6 Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa kapatagan sa lupa. a
               7 Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
               8 Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. 9 Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
               15 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan. 16 Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka."
               18 Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong." 19 Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito. 20 Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.
               21 Kaya't pinatulog ng Panginoong Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. 22 Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki. 23 Sinabi ng lalaki,
"Sa wakas, narito ang isang tulad ko,
laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha."

24 Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.
Genesis 1:
26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit." 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, "Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. 29 Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon." At ito nga ang nangyari. 31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaanim na araw.
7 Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.
               21 Kaya't pinatulog ng Panginoong Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. 22 Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki
Kaya ang lalaki ay nilikha galing sa alikabok
At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Kritikal itong maunawaan upang maging maganda ang samahan ng magkasintahan at mag asawa.
Nagkaroon kasi ng matinding pagbabago sa samahan ng mag asawa ng magkasala ang tao.

Genesis 3: 1-24

Nagkasala ang Tao
               1 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, "Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?"
               2 Sumagot ang babae, "Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami."
               4 Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!" 5 "Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama."
               6 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito. 7 Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang panakip sa katawan.
               8 Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno. 9 Ngunit tinawag niya ang lalaki at tinanong, "Saan ka naroon?"
               10 "Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad," sagot ng lalaki.
               11 Nagtanong muli ang Diyos, "Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?"
               12 "Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin," tugon ng lalaki.
               13 "Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?" tanong ng Panginoong Yahweh sa babae.
               "Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain," sagot naman nito.
Inihayag ng Diyos ang Kaparusahan
16 Sa babae nama'y ito ang sinabi:
"Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin."

17 Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:
"Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.

18 Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin;  

19 sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling
maghihirap ka hanggang sa malibing.
Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,
sa lupang alabok ay babalik ka rin."

               20 Eva a ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan. 21 Ang mag-asawa'y iginawa niya ng mga damit na yari sa balat ng hayop.
Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
               22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
               24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Ang lalaki ay nilikha galing sa alikabok
At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Magsa-larawan tayo ng isang lalaki na lumaki sa manila at isang babaeng lumaki sa isang probinsiya. Isang araw nag-bakasyon ang lalaki sa probinsiya, at doon niya nakilala at natuklasan ang isang babaeng probinsiyana. Isang sulyap niya lang sa babaeng probinsiyana napukaw agad ang kanilang damdamin na hindi pa kailanman nila nararamdaman. Sila ay nahulog sa pag-ibig at mabilis na nagpakasal at tumira muna sa lupain ng babae.
Tinatanggap ng probinsiyana ang taga manila ng may bukas na pagmamahal. Alam nila na mangyayari ito sa kanila at darating ito sa kanilang buhay bilang nakatakda. Ang kanilang puso ay binuksan ng malawak para sa isang pag-ibig, isang pakiramdam na kailanman ay hindi pa nila naramdaman. Ang pag-ibig sa pagitan ng taga manila at ng probinsiyana ay kabigha-bighani.
Sila ay nag-uumapaw sa kaligayahan sa pagiging magkasama, at sa pag-gawa ng mga bagay-bagay na magkasama. Kahit na nagmula sa iba't ibang mga pagkakaiba, sila ay masaya sa kanilang mga pagkakaiba. Sila ay gumugol ng maraming buwan upang makilala at matuto sa bawat isa, sa pag-tuklas at pagpapahalaga sa kanila-kanilang iba't-ibang mga pangangailangan, mga kagustuhan, at mga disenyo ng kani-kanilang pag-uugali. Ilang taon silang magkasama sa pag-ibig at pagkakasundo.
Pagkatapos ay nagpasya na silang kumuha at tumira sa sarili nilang bahay.  Sa simula, ang lahat ng bagay ay kahanga-hanga at maganda. Ngunit ang mga epekto ng kapaligiran at katotohanan ay unti unti ng nagpapakilala sa kanila.
 Isang umaga nagising sila ng may isang katangi-tangi uri ng amnesya isang uri ng amnesya! Parehong ang taga manila at taga probinsiya ay nakalimot na sila ay mula sa magkaibang mga lugar at maging ang pagkaka-likha bilang lalaki at babae ay magkaiba ang pinag-kunan. Ang lalaki ay nilikha galing sa alikabok, at ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Isang umaga lahat ng natutunan nila tungkol sa kanilang mga pagkakaiba ay nabura sa kanilang memorya. At simula ng araw na iyon ang lalaki at babae ay laging may salungatan at laging mayroong hindi pinagkakasunduan.  
Ang ating pagkilala sa ating kaibahan ng wala sa kamalayan, na tayo ay dapat na may kaibahan sa pagkakalikha, ang mga lalaki at mga babae ay laging may pagtatalo sa bawat isa.
Karaniwan tayong nakikipagtalo at nabibigo sa ating kasalungat na kasarian dahil nakalimutan natin ang mahalagang katotohanan ito. Inaasahan natin na ang ating opposite sex ay dapat maging tulad ng ating sarili. Nais nating na gustuhin nila kung ano ang gusto natin at maramdaman nila ang ang nararamdaman natin.
Nagkakamali tayong ipagpalagay na kung ang ating asawa o kasintahan ay umiibig sa atin, sila ay dapat na mag-react at kumilos tulad ng paraan na ginagawa natin pag-tayo ay nagmamahal sa isang tao. Ang pagtingin na ito ang naglalagay sa atin sa pagka-dismaya at kabiguan ng paulit-ulit at pumipigil sa atin upang makipag-usap nang may buong pagmamahal tungkol sa ating mga pagkakaiba.
Ang mga lalakihan ay nagkakamali kapag inaasahan nila na ang mga kababaihan ay nag-iisip, nakikipag-usap at nag rereact tulad sa gawi ng kalalakihan; at ang mga kababaihan ay nagkakamali kapag inasahan nila na ang mga kalalakihan ay nag-iisip, nakikipag-usap, at tumutugon sa gawi ng kababaihan. Nakalimutan natin na ang mga kalalakihan at kababaihan ay dapat na maging magkaiba.
Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:
"Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.

18 Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin;  

19 sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing.
Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,
sa lupang alabok ay babalik ka rin."

16 Sa babae nama'y ito ang sinabi:
"Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin."

Bilang resulta, ang ating relasyon ay puno ng mga hindi kinakailangang mga alitan at salungatan.
Kung malinaw na kikilalanin at gagalangin ang mga pagkakaiba magiging kapansin-pansin ang magiging kabawasan sa kalituhan kapag nagsasama ang magkasing-irog.  . Kapag kinilala mo na ang lalaki ay nilikha galing sa alikabok At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Ang mahulog sa pag-ibig ay laging kahali-halina. Makakaramdam ng eternal at kawalang hangganan, na parang ang pag-ibig ay magtatagal magpakailanman. Walang muwang tayong naniniwala na kahit papaano tayo ay hindi saklaw sa mga naging problema ng ating mga magulang, na malaya tayo mula sa mga problema, na ang pag-ibig ay hindi mamamatay, panatag na ito ay sadyang naka-takda at tayo ay naka-ukol upang mabuhay sa kaligayahan magpa-kailanman.

Ngunit habang nawawala ang madyik at ang araw-araw na problema sa buhay ay higit na nangingibabaw, lumilitaw na ang lalaki ay patuloy na umaasa sa mga babae na mag-isip at mag react tulad ng isang lalaki, at ang babae naman ay umaasa na ang lalaki ay dapat makaramdam at mag-ugali tulad ng isang babae.
Ngunit kung walang isang malinaw na kamalayan sa ating mga pagkakaiba, hindi tayo magbibigay ng panahon upang maunawaan at respetuhin ang bawat isa. Nagiging demanding, mapaghinanakit, judgmental, at hindi na tayo mapagparaya. Sa patuloy na pinakamahusay at mapagmahal na intensyon ang pag-ibig ay patuloy na namamatay. At sa ano mang situwasyon ang mga problema ay patuloy na lumalago. Ang mga sama ng loob at hinanakit ay patuloy na nabubuo.
 Ang komunikasyon ay lalong nasisira. Ang kawalan ng tiwala ay tumataas. Ang rejeksyon at pagsusupil ang nagiging resulta. Pagtanggi at pagsugpo ang naging resulta. Ang magik ng pag-ibig ay nawala na ng tuluyan.
Tinatanong natin ang ating mga sarili: Paano ito nangyayari? Bakit ito nangyayari? Bakit nangyayari ito sa atin? Upang masagot ang mga katanungang ito ang ating mga dakilang mga kaisipan ay nakapag-buo ng mga makikinang at kumplikadong pilosopiko at sikolohikal na mga modelo. Ngunit bumalik pa rin sa lumang pattern. Ang pag-ibig ay namatay. Ito ay nangyayari kahit kaninuman. .
Araw- araw milyon-milyong mga indibidwal ang naghahanap para sa isang partner upang makaranas ng isang espesyal na pakiramdam ng pagmamahal. Bawat taon, milyon-milyong mga mag-asawa ang nagsama para sa pag-ibig at pagkatapos ay masakit na maghihiwalay dahil nawala na ang pakiramdam ng pagmamahal. Para sa mga taong nagagawang suportahan ang pag-ibig ng may sapat na katagalan upang makakuha ng pagpapakasal, 50 porsiyento lamang ang nananatiling mag-asawa.
Mula sa mga taong nanatiling magkasama, posibleng isa pang 50 porsyento ang hindi masaya. Nanatili silang magkasama kahit wala na ang katapatan at obligasyon o mula sa takot na magsimula uli sa umpisa.
Napakakaunting mga tao, sa katunayan, ang nakakagawang palaguin ang pag-ibig. Ngunit, ito ay nangyayari. Kapag ang mga kalalakihan at kababaihan ay magagawang igalang at tanggapin ang kanilang mga pagkakaiba ang pag-ibig ay magkakaroon ng pagkakataon mamukadkad.
Sa pamamagitan ng pag-unawa ng mga nakatagong mga pagkakaiba ng lalaki at babae matagumpay tayong makakapagbigay at makakatanggap ng pag-ibig na nasa ating mga puso. Sa pamamagitan ng pagpapatunay at pagtanggap sa ating mga pagkakaiba, makakalikha tayo ng mga solusyon na maaaring matuklasan kung saan maaari nating magpagtagumpayan ang pagkuha ng kung ano ang ninanais natin.
At, ang mas mahalaga, maaari nating malaman kung paano ang pinakamahusay na pag-ibig at sumuporta sa mga taong mahalaga sa atin. Ang Pag-ibig ay mahiwaga, at maaari itong magtagal, kung tandaan natin ang ating mga pagkakaiba.
Ang madalas i-reklamo ng mga kababaihan ay ang tungkol sa hindi pakikinig ng mga kalalakihan.. Alinman sa ganap na pagbabalewala ng isang lalaki kapag kinakausap siya ng babae, o nakikinig siya para sa ilang mga salita, sinusuri kung ano ang nakaka-istorbo sa babae, at pagkatapos ay buong pagmamalaking magsasabing ako na ang bahala at mag-aalok ng kanyang solusyon upang gumanda ang pakiramdam ng babae.  
Ang lalaki ay nalilito kapag hindi pinasasalamatan ang kanyang kilos bilang isang uri ng pag-ibig. Kahit gaano karaming beses sinasabi ng babae sa kanya hindi siya nakikinig, hindi niya nakukuha ito at pinapanatili ang ginagawa sa parehong bagay. Ang totoong kailangan ng babae ay pakikiramay, ngunit ang akala ng lalaki naghahanap ng solusyon ang babae. Ang pinaka-madalas na ipinahayag na reklamo ng kalalakihan ay tungkol sa mga kababaihan na palaging sinusubukang baguhin sila.
Kapag nagmamahal ang isang babae, ang palagay niya responsable niya ang pag asisti sa pagtulong sa paglago ng lalaki at sinusubukang makatulong sa kanya upang mapabuti ang paraan ng kanyang mga ginagawa.  Siya ay bumubuo ng isang kaisipan upang maayos ang bahay, at ang lalaki ang pangunahing natutuunan ng babae na dapat maisaayos.
Kahit tumututol ang lalaki sa tulong ng babae, ang babae ay nagpapatuloy- naghihintay ng anumang pagkakataon upang makatulong sa kanya o sabihin sa kanya kung ano ang dapat gawin. Iniisip ng babae na inaalagaan niya ang lalaki, habang ang pakiramdam ng lalaki ay kino-kontrol siya. Sa halip, ang nais ng lalaki ay tanggapin siya kung ano siya.  . Ang dalawang problema ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung bakit ang lalaki ay nag-aalok ng mga solusyon at kung bakit ang babae ay naghahanap upang sila ay mapabuti.
Bumalik muna tayo sa nakaraan, sa panahon ng ating unang mga ninuno. Kung saan maoobserbahan ang buhay noong nasa makalumang panahon.  At maaaring tayo makakuha ng ilang mga pananaw at kaalaman sa sinaunang mga kalalakihan at kababaihan.
Ang mga lalaki ay nagpapahalaga sa kapangyarihan, kagalingan, kahusayan, at kakayahan.
Sila ay laging gumagawa ng mga bagay upang patunayan ang kanilang mga sarili at bumuo ng kanilang kapangyarihan at kasanayan. Ang kahulugan ng kanilang sarili ay naipakikilala sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan upang makamit ang mga resulta. Nakakaranas sila ng katuparan lalo na sa pamamagitan ng tagumpay at katuparan sa kanilang ginagawa. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay sumasalamin sa kanilang kahalagahan. Kahit ang kanilang mga sinusuot ay dinisenyo upang ipakita ang kanilang mga kasanayan at kagalingan.
Tulad ng mga opisyal ng pulisya, sundalo, negosyante, siyentipiko, taksi driver, technicians, at chef ang lahat ay nagsusuot ng mga uniporme upang maipakita ang kanilang kakayahan at kapangyarihan. Hindi sila nagbabasa ng mga magazine tulad ng pagpapaganda ng pag-aayos ng bahay, o ng sarili, o tungkol sa buhay ng ibang tao. Sila ay mas nag aalala tungkol sa mga panlabas na aktibidad pangangaso, pangingisda, at karera ng kotse nila. Sila ay interesado sa mga balita, taya ng panahon, at sports at hindi mahalaga sa kanila ang mga romantikong nobela at libro para matulungan ang kanilang sarili.
Sila ay mas interesado sa mga bagay at gamit kaysa sa mga tao at mga damdamin. Habang ang mga kababaihan ay nagpa-pantasya tungkol sa romansa at pag-iibigan, ang mga lalaki ay nagpa-pantasya tungkol sa makapangyarihang mga kotse, mas mabilis na mga computer, mga gadget, sandata, at bagong mas malakas na teknolohiya. Ang mga lalaki ay abalang-abala sa "bagay" na maaaring makatulong sa kanila upang ma-ipahayag ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng paglikha ng mga resulta at pagkamit ng kanilang mga layunin. .
Ang pagkamit ng mga layunin at pangarap ay napakahalaga sa isang lalaki dahil ito ay isang paraan para sa kanya upang patunayan ang kanyang kakayahan at gumaganda ang kaniyang pakiramdam sa sarili.  At para sa kanya upang maging-maganda ang kanyang pakiramdam dapat makamit niya ang mga layuning ito sa pamamagitan ng kanyang sarili. Walang ibang tao ang maaaring makamit ng mga ito para sa kanya. Ang mga lalaki ay nagmamataas ng sarili kapag nagagawa ang mga bagay  sa pamamagitan ng kanilang mga sarili. Ang pagsasarili ay isang simbolo ng kahusayan, kapangyarihan, at kagalingan.
Ang pag-unawa sa katangian ito ng kalalakihan ay maaaring makatulong sa mga kababaihan na maunawaan kung bakit hindi sumusunod ang mga lalaki kapag ini-wawasto o sinasabihan kung ano ang dapat gawin. Upang mag-alok sa isang lalaki ng hindi hinihinging mga payo ay nagpapalagay sa kanya na hindi niya alam ang dapat niyang gawin o hindi magagawa ito ng kaniyang sarili lang.
Ang mga kalalakihan ay masyadong maramdamin tungkol dito, dahil ang isyu ng kagalingan ay napakahalaga sa kanila. Dahil gusto niyang siya ang umayos ng sarili niyang problema. Ang isang lalaki ay bihirang pag-uusap ang kanilang problema maliban kung nangangailangan siya ekspertong payo. Mangangatwiran siya na: "Bakit ako hihingi ng tulong sa ibang tao kapag maaari ko naming ayusin ito ng mag-isa?" Tinatago niya ang kanyang mga problema sa kanyang sarili maliban lamang kung siya ay nangangailangan ng tulong mula sa iba upang makahanap ng solusyon. Ang paghingi ng tulong kapag maaari mong ayusin ito ng mag-isa ay pahiwatig bilang isang tanda ng kahinaan.

Biyernes, Enero 30, 2015

Ang pagpili sa daan ng banal na pakikipagsapalaran ay nangangahulugan na iyong natututunang umasa sa bagong realidad.



Ang pagpili sa daan ng banal na pakikipagsapalaran ay nangangahulugan na iyong natututunang umasa sa bagong realidad. Bumalik sa pagiging idealista na may panloob na sapantaha tungkol sa mundo ng espiritu. Ang idealista sa loob mo ay masayang gagawin ang sumusunod ayon sa Dtef Masters: umaasa sa mensahe ng guro hindi sa kanyang personalidad. Umaasa sa mga kahulugan hindi sa mga salita. Umasa sa tunay na kahulugan hindi sa ipinahihiwatig. Umaasa sa karunungan ng iyong kaisipan hindi sa iyong ordinaryong mapanghusgang kaisipan.
Ang pagkilala sa Master na nasa loob
"Higit pang mahalaga kaysa sa paghahanap ng guro ay ang paghahanap at pagsunod sa katotohanang itinuturo, dahil sa pamamagitan ng pag-gawa ng koneksyon sa katotohanan na itinuturo matutuklasan mo ang iyong koneksyon sa isang buhay na maestro."
Itinataguyod ang relasyon sa isang guro, guru, o master ito ay isang mahalagang bahagi ng maraming mga espirituwal na mga tradisyon. Ang isang espirituwal na master ay nag-pakadalubhasa sa mga paraan. Tayo ay hindi sunod-sunuran sa master sa paraang tulad ng isang alipin ay sunod-sunuran. Nag-aalok tayo ng ating serbisyo sa master dahil nakikita natin sa kanila ang isang paghahayag ng tunay at mabuti. Natagpuan natin sa kanila ang pagpapatunay ng ating mga panloob na pag-alam at isang hamon sa ating mga delusyon.
Sa teknolohikal na panahong ito, may telekommunikasyon at mabilis na paglalakbay, tayo ay maaaring malantad sa anumang bilang ng mga indibidwal na lumilitaw na naaangkop bilang espirituwal na gabay. Ngunit ito ay mahirap malaman kung alin ang tunay na master at kung alin ang ang nagmamarunongrunungan lamang.
Maaari tayong gumawa ng iba't ibang mga pagsusuri sa mga guro batay sa kanilang pagtuturo at sa kaliwanagan, kadalisayan ng kanilang pag-uugali, ngunit sa paglaon dapat tayong umaasa sa ating matalinong kaisipan, karunungan at sa katunugan sa ating puso para makagawa ng ating mga pagpipilian.
Ang tunay na espirituwal na master ay magdidirekta sa atin pabalik sa ating tunay na likas na katangian. Ilalagay nila tayo para makipag-ugnay sa ating taglay na karunungan at pagkahabag. Papayagan nila tayong maglaan sa emosyonal na sarili at maranasan ang ating mahahalagang pagkatao. Ang master ang maghahati sa ating pagkalito at maling akala at ipapakita sa atin ang ating tunay na sarili.
Upang makilala ang ating guru, kailangang mayroon na tayong daanan sa guru sa loob natin. Ang guru ay sumasalamin pabalik sa atin ng isang katotohanan na  umiiral na sa atin. Ang mga sumusunod na visualisasyon ay inilaan upang matulungan kang maranasan ang iyong panloob na pinagmulan ng karunungan at kahabagan.  Mas mahusay na alam mo ang iyong panloob na liwanag para maging mas madali upang makilala ang bisa ng isang tunay na maydala ng espirituwal na liwanag.
Mag-relaks. Umupo o humiga sa isang kumportableng posisyon at payagan ang kahinahunang dumaloy sa bawat selula, sa bawat hibla ng iyong pagkatao. Payagan ang iyong paghinga na dumating ng natural, ng walang pagsisikip. Habang ikaw ay nagrerelaks at humihinga, maaari mong mapansin ang iyong hininga na mas lumalalim at mas bumabagal.
Maaari mong mapansin ang pagkilos ng iyong tiyan, sa halip na  iyong dibdib. Ituon ang iyong pansin sa iyong paghinga nang walang pagpilit . Hayaang lumabas ang mga hangin ng mapayapa at mahinahon. Habang  ipinagpa patuloy mo itong paghinga, bitawan ang anumang hindi kinakailangang mga tensyon sa kalamnan. Payagan ang iyong mga kalamnan upang maalis ang kanilang katigasan. Hayaan ang iyong mga kalamnan na alisin ang paninigas.
Kapag nagsimula ka ng magingkalmado at relaks, isiping nabigyan ang iyong sarili ng isang kagandahang-loob. Ano ang naramdaman mo?
Isipin mo na ang iyong sarili kapag nakagawa ka ng kagandahang-loob. Ano ang pakiramdam? Isipin ang mga damdamin na kasama sa pagbibigay at pagtanggap ng kabutihan, isipin na nararamdaman mo ito ngayon.
Isipin mo na ang iyong sarili kapag iyong naunawaan ang katotohanan o malutas ang isang problema. Gunitain ang mga pakiramdam na kasama sa tamang pang-unawa.
Isipin mo na ang iyong sarili kapag nakaramdam ka kagalakan. Isipin ang mga pakiramdam na kasama ang kaligayahan.
Pagsamahin ang mga damdamin. Pakiramdaman kung ano ang pakiramdam kung ikaw ay mabait, matalino at masiyahin. Kumuha ng ilang oras upang masiyahan sa mga sensasyon na natatandaan mo na parang sila ay nangyayari ngayon. Ano ang nararamdaman mo?  Nararanasan mo ba ang kasiglahan o kagaanan? Saang   bahagi ng iyong katawan naramdaman? Ang mundo ba ay tila mas lumiwanag?
Obserbahan ang mga damdamin na nararanasan mo. Kung tila negatibo, kung tila hinaharang ang katotohanan, hayaan ang liwanag ng kabutihan, kabaitan at karunungan ang pumawi sa mga ito tulad ng araw na pumapawi sa  hamog na ulap.
Hayaan ang liwanag ng araw na sumikat sa lugar ng iyong puso. Isipin ang isang maliwanag na ilaw doon. Ang liwanag na ito ay kumikinang mula sa iyong puso patungo sa iyong buong katawan, sa iyong buong ispiritu. Sa liwanag na ito ikaw ay magpapatuloy hawakan ang mga damdamin ng kabutihan, pag-unawa, at kagalakan.
Isipin na sa gitna ng liwanag na ito at sa mga mabubuting mga damdamin doon ay lumilitaw ang imahe ng isang dakilang espirituwal na nilikha. Maaaring ito ay iyong kilala, o maaaring ito ay bago sa iyo.
Ito ay isang nilikhang may dakilang pag-ibig at pagkahabag, dakilang karunungan, at dakilang kagalakan. Magsagawa ng koneksyon sa ganitong nilikha. Batiin ang mga ito at tanggapin ng malugod ang kanilang pagdating sa iyong puso. Buksan ang iyong sarili sa pakikinig sa anumang bagay na maaaring nilang sabihin sa iyo.
Pasalamatan ang espirituwal na nilikha para sa pagbubunyag ng kanilang sarili sa iyo. Imbitahin silang manatili sa iyo hangga't tinataglay mo sila sa iyong kamalayan. Kumuha ng maraming oras hangga't gusto mo upang makipagniig sa ganitong espiritu ng kabutihan. Sila ang iyong dakilang taga payo na hindi ma kokorupt ni malalagyan. Ang ninanais nila ay ang mabuti mong kapalaran habang ikaw ay nabubuhay.
Imbitahin mo silang manatili sa iyong kamalayan at pakawalan ang kanilang imahe. Payagan ang kanilang karunungan at kabutihan upang gabayan ang iyong buhay. Payagan ang kanilang kapayapaan at kagalakan na umapaw sa iyong mga damdamin sa bawat sandali at sa bawat araw ng iyong buhay.
Pansinin na ang imaheng ito ay mga naunang espiritu ay nasa sa iyo. Hindi ito nanggaling mula sa ibang lugar. Ito ay nagmula sa iyong isip at sa iyong puso. Ang kapayapaan ay kalmado, ang karunungan at pag-ibig ng isang dakilang espirituwal na master ay namamalagi sa iyo.
Maaari mong makita ang espirituwal na master sa pisikal na mundo, at makikilala mo sila dahil sinasalamin nila ang katotohanan at ang kabutihang nasa iyo na. Hanggang sa matagpuan mo ang guru sa pisikal na mundo, kumuha ng ginhawa na mayroon kang sariling karunungan sa iyong kaisipan, ang iyong sariling mahabaging puso. Hayaang gumabay ito sa iyo. Hayaang magpaginhawa ito sa iyo.
Narito ang ilang mga mungkahi para sa pagpapalabas ng realismo at tanggapin ng malugod ang idealismo. Pagkatiwalaan ang iyong intuwisyon. Malilinawan ka sa iyong sariling realidad mula ngayon. At ang iyong kahulugan ay ibabatay sa iyong panloob na karunungan. Walang mga limitasyon sa loob at sa loob ay kung nasaan ka pupunta mula ngayon para sa iyong mga direksyon.
Gumawa ng listahan ng lahat ng dating pinaniniwalaan mo na sinasabing imposible. Ang pagsulat at pag-guhit ng tungkol sa mga maagang paniniwala ay makakatulong ma- energize ang mga ito.
Magsanay sa pag-eksperimento sa iyong bagong realidad. Panatilihin ang mga pangitain ng kung ano ang ninanais mong naganap o isang tao na nais kang tawagan.
Anumang bagay na mahalaga sa iyo. Mag-meditate na matupad ang mga ito sa iyong sariling buhay. Subaybayan ang lahat ng mga maliit na bagay na hahantong hanggang sa madala ito sa iyo.
Pagkatapos mapapansin mo na ang iyong realidad ay naging kaisa na kung saan maaari kang pumapel at gumanap bilang isa sa kapwa taga-likha.
Noong ikaw ay isang bata pa mayroon kang kamalayan sa ikalawang aspeto ng iyong pagkatao. Ikaw ay nasa pagtawag sa iyong double o sa iyong ethereal o makalangit na katawan.
Habang ikaw ay nagkaka-edad nawala ang pagkadaiti sa ethereal na katawan ng enerhiya. Hindi mo na siya kinakausap. Hindi ito nangangahulugan na ito ay hindi mo na magagamit.

Ang iyong pisikal na katawan ay kung ano ang iyong pinaniniwalaan kung ano ka gayunpaman ang katawang ito  ay neutral ang iyong katawan sa isa pang sarili ay maaaring magdala sa iyo ng alinman sa kapayapaan o sa kaguluhan.
Halos imposibleng makagawa ng contact sa iyong mas mataas na sarili kapag naniniwala ka lamang sa iyong hindi totoong sarili sa material na mundo.
Sa isang dako na nasa iyo, nalalaman mo na ang lahat ng materyal sa mundo ay enerhiya. Ang enerhiyang ito ay lumilitaw na matigas mula sa perspektibo ng iyong mga mata. Ang iyong nakakakitang kasangkapan.
Ang malapitang pagtingin sa pisikal na mundo ay naghahayag ng isang siksikang mga particle isang walang katapusang paglalayag sa walang lamang espasyo. Sa mas malapitang pagtingin ng mga particle ay nagpapakita na sila ay kasangkot sa isa pang mas maliliit pang siksikang ng mas maraming particle sa patlang ng kawalang laman at walang hangganang aytem hanggang sa magkaroon lamang ng enerhiya at walang particle.

Ito ang ating
realidad. Pero tayo ay nahimok na kung ano ang nakikita natin sa mga limitasyon ng ating mga mata ay ang tanging realidad na andoon.
Ang iyong katawan ay bahagi ng sistema na nakikita at ikaw ay na kondisyon na tanggapin ito. Ang iyong dapat gawin ay ang tunawin ang hadlang na naghihiwalay sa dalawang mga aspeto ng iyong pagkatao. Kapag ginawa mo ito makaha- hakbang ka sa hindi maisalarawan ng iyong kaisipan.
Narito ang ilang mga mungkahi para mailabas ang iyong mga paniniwala sa pisikal na pagiging eksklusibo:
Buksan ang iyong sarili sa posibilidad ng iba pang dimensyon ng realidad na magagamit mo. Manindigan sa iyong sarili na itong lahat ay posibilidad.
Kakaunting mga tao ang naniniwala sa pagkakaroon ng mga maliliit na nilalang na naninirahan sa kanilang maliit na lawa ng realidad independiyente mula sa opinyon ng sinuman tungkol sa kanila sila ay buhay ng may hindi nakikitang aktibidad.
Gamitin ang kamalayang ito sa iyong pang-unawa. Hindi mo sila maaaring makita ngunit ikaw ay isang enerhiyang katawan at isang pisikal na katawan. Ang iyong ka-doble ay nagnanais magpakilala ng kanyang sarili sa iyo.
Ang ating edukasyon ay nagbibigay diin sa paniniwala sa karanasan ng pandama ang ganitong karanasan ay tila nagsasabi sa atin na tayo ay hiwalay, natatangi, espesyal at hindi konektado sa isa't isa.
Kakaunti sa atin ang nakaalam na mayroong ilang uri ng pagkakaisa. Ang katotohanan ay ang lahat ng bagay ay magkaka-ugnay kabilang ka sa lahat ng iba pang mga nilikha.
Ang ganitong uri ng paniniwala na ikaw ay hiwalay sa ibang nilikha doon makakuha ka ng isang pag-galang para sa lahat na magpapasara sa pag-ibig. Kapag niluwagan natin ang pakiramdam mula sa pagkakahiwalay sa kanila at malalaman na tayo ay ang lahat pagkatapos ay magkakaroon tayo ng panalong kaugnayan sa buhay.
Magsanay sa pagpapaalam sa iyong ego o sa pagka makasarili na kailangang maging hiwalay ka sa iba. Simulan ang pagtingin sa sarili bilang isang miyembro ng pamilya ng tao na tinatawag nating tayo.
Ibahagi ang iyong mga laruan sa iba lalo na sa mga kapitbahay at kahit sa mga estranghero isipin na parang sila man ay bahagi ng iyong pamilya.
Tulad ng sinasabi sa Kawikaan ang kamay na nagbibigay ay nakakaipon. Tratuhin ang lahat ng tao bilang bahagi ng tribo na kinabibilangan at minamahal mo. Huwag ilagay sa isip ang kanilang kaibahan, magdala ng panloob na determinasyon na makita ang ibang tao bilang  iyong bahagi sa isang espiritwal na lebel gaya ng iyong anak o asawa.

Kawikaan 11: 1-31

1 Kasuklam-suklam kay Yahweh ang timbangang may daya,
ngunit kasiyahan naman ang timbangang tama.

2 Kahihiyan ang laging dulot ng kapalaluan,
ngunit pagpapakumbaba'y nagbubunga ng karunungan.

3 Ang tuntunin ng matuwid ay katapatan,
ngunit ang masama'y wawasakin ng kanyang kataksilan.

4 Walang halaga ang yaman sa araw ng kamatayan,
ngunit ang katuwiran ay naglalayo sa kapahamakan.

5 Mas panatag ang landas ng tapat ang pamumuhay,
ngunit nabubuwal ang masama sa sariling kabuktutan.

6 Ang katuwiran ng mga matuwid ang nagliligtas sa kanya,
ngunit ang masama ay bilanggo ng kanyang masamang nasa.

7 Ang pag-asa ng masama ay kasama niyang pumapanaw,
ang umasa sa kayamanan ay mawawalang kabuluhan.

8 Ang matuwid ay inilalayo sa bagabag,
ngunit ang masama ay doon bumabagsak.

9 Ang labi ng walang Diyos, sa iba ay mapanira,
ngunit ang dunong ng matuwid ay nagliligtas ng kapwa.

10 Kapag ang matuwid ay pinagpapala, ang bayan ay nagagalak,
ngunit higit ang katuwaan kapag ang masama'y napapahamak.

11 Dahil sa salita ng matuwid ang bayan ay tumatatag,
ngunit sa kasinungalingan ng masama ang lunsod ay nawawasak.

12 Ang kapos sa kaalaman ay humahamak sa kapwa,
ngunit laging tahimik ang taong may unawa.

13 Walang maitatago sa bibig ng madaldal,
ngunit ang tunay na kaibigan, iyong mapagkakatiwalaan.

14 Sa kakulangan ng tuntunin, ang bansa ay bumabagsak,
ngunit sa payo ng nakararami, tagumpay ay tiyak.

15 Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak,
ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag.

16 Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan,
ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan.
Lagi sa kahirapan ang taong tamad, a
ngunit masagana ang buhay ng isang masipag.

17 Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan,
ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.

18 Anuman ang anihin ng masama ay walang kabuluhan,
ngunit ang gawang mabuti ay may pagpapalang taglay.

19 Ang taong nasa matuwid ay makasusumpong ng buhay,
ngunit ang landas ng masama ay patungo sa kamatayan.

20 Ang kaisipang masama kay Yahweh ay kasuklam-suklam,
ngunit ang lakad ng matuwid, kay Yahweh ay kasiyahan.

21 Ang taong masama'y di makakaligtas sa kaparusahan,
ngunit hindi maaano ang nabubuhay sa katuwiran.

22 Ang magandang babae ngunit mangmang naman,
ay tila gintong singsing sa nguso ng baboy.

23 Anumang nais ng matuwid ay nagbubunga ng kabutihan,
ngunit ang mahihintay lang ng masama ay kaparusahan.

24 Ang taong mapagbigay ay lalong yumayaman,
ngunit naghihirap ang tikom na mga kamay.

25 Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay,
at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

26 Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil,
ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain.

27 Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang,
kapag humanap ng gulo, iyon ay masusumpungan.

28 Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman,
ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman.

29 Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan,
mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay.
Ang taong mangmang at walang nalalaman,
ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay.

30 Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay,
at kamatayan naman ang hatid ng karahasan. b

31 Ang matuwid ay ginagantimpalaan dito sa lupa,
ngunit paparusahan naman ang mga makasalanan at masasama!

Kawikaan 26: 1-28

               1 Ang papuri'y di angkop sa taong mangmang, parang ulan ng yelo sa tag-araw o panahon ng anihan.
               2 Ang sumpang di nararapat ay hindi tatalab, tulad lang ito ng ibong di dumadapo at lilipad-lipad.
               3 Ang latigo'y para sa kabayo, ang bokado'y para sa asno, ang pamalo naman ay sa mangmang na tao.
               4 Huwag mong papatulan ang isang mangmang at baka lumabas na higit ka pang mangmang.
               5 Sagutin mo ang mangmang ayon sa kanyang kahangalan, upang hindi niya isipin na siya'y may katuwiran.
               6 Ang magpadala ng balita sa mangmang ay napakadelikado, para mo na ring tinaga ang mga paa mo.
               7 Kung ang paang pilay ay walang kabuluhan, ganoon din ang kawikaan sa bibig ng mangmang.
               8 Ang isang papuring sa mangmang iniukol ay parang batong nakatali sa balat ng tirador.
               9 Ang isang kawikaan sa bibig ng mangmang, ay tulad ng tinik sa kamay ng lasing.
               10 Tulad ng isang namamana ng kahit na sino ang isang taong umupa ng mangmang o lasenggo.
               11 Ang taong nananatili sa kanyang kahangalan ay tulad ng aso, ang sariling suka ay binabalikan nito.
               12 Nakakita na ba kayo ng taong nag-aakalang siya ang pinakamatalino? Mas may pag-asa pa ang mangmang kaysa taong ito.
               13 Ano ang idinadahilan ng taong batugan? "May leon sa daan, may leon sa lansangan."
               14 Kung paano lumalapat ang pinto sa hamba, ang batugan naman ay sa kanyang kama.
               15 Ang kamay ng tamad ay nadidikit sa pinggan, ni hindi mailapit sa bibig dahil sa katamaran.
               16 Ang palagay ng tamad, siya ay mas marunong kaysa pitong taong wasto kung tumugon.
               17 Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso.
               18-19 Ang taong nandaraya saka sasabihing nagbibiro lang ay tulad ng baliw na naglalaro ng sandatang nakamamatay.
               20 Namamatay ang apoy kung ubos na ang kahoy; nahihinto ang away kapag walang nanunulsol.
               21 Kung ang baga'y nagdidikit dahil sa pag- ihip, at nagliliyab ang apoy kung maraming gatong, patuloy ang labu-labo kung maraming mapanggulo.
               22 Ang tsismis ay tulad ng masarap na pagkain; masarap pakinggan, masarap namnamin.
               23 Ang matamis ngunit pakunwaring salita ay parang pintura ng mumurahing banga.
               24 Ang tunay na damdamin ng mapagkunwari ay maitatago sa salitang mainam. 25 Matamis pakinggan ngunit huwag paniwalaan sapagkat iyon ay bunga ng kanyang pagkasuklam. 26 Maaaring ang galit niya'y maitago sa magandang paraan ngunit nalalantad din sa mata ng lahat.
               27 Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.
               28 Ang taong sinungaling ay galit sa kapwa. Ang madayang salita ay nagpapahamak sa iba.
Lumikha ng isang patunay na nagpapahayag ng ideya na ikaw ay aking kapatid na lalaki o ng aking kapatid na babae ikaw ay isang bahagi ng bawat isa. Wala nang salitang (sila) sa aking buhay.
Ikaw ay tinuruan na mayroong ilang mga masamang tao sa mundo at mabuting huwag mo na lang sila pansinin.  Tayo ay nagmumungkahi ng salungat. Sinuman ang dumating sa iyong buhay sa anumang kapasidad ay mahalaga. Ang makitid sa kaisipan at malulupit sa iyong buhay ay tulad ng isang banal na nagbibigay sa iyo ng lakas, pag-asa, karunungan at suporta.
Sinabi ng isang Dtef master na: Ang buong kurso ng mga bagay ay napupunta sa pagtuturo sa atin ng pananampalataya. Ang ibig sabihin nito ang lahat ng bagay na dumarating sa iyong buhay.
Minsan ang makikitid sa kaisipan at malulupit sa iyong buhay ay magdadala sa iyo sa isang mas malawak na transpormasyon. Matutong mag- patawad. Itapon ang kapootan at kasaklapan na dinadala mo.

Mateo 5

Lucas 6

27Datapuwa't sinasabi ko sa inyong nangakikinig, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo,
28Pagpalain ninyo ang sa inyo'y sumusumpa at ipanalangin ninyo ang sa inyo'y lumalait.
29Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila; at ang sa iyo'y magalis ng iyong balabal, huwag mong itanggi pati ng iyong tunika.
30Bigyan mo ang bawa't sa iyo'y humihingi; at sa kumuha ng pag-aari mo, ay huwag mong hinging muli.
31At kung ano ang ibig ninyong sa inyo'y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.
32At kung kayo'y magsiibig sa mga nagsisiibig sa inyo, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ang mga makasalanan man ay nagsisiibig sa nagsisiibig sa kanila.
33At kung magsigawa kayo ng mabuti sa nagsisigawa sa inyo ng mabuti, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? sapagka't ganito rin ang ginagawa ng mga makasalanan.
34At kung kayo'y mangagpahiram doon sa mga inaasahan ninyong may tatanggapin, anong pasasalamat ang inyong kakamtin? ang mga makasalanan man ay nangagpapahiram sa mga makasalanan, upang muling magsitanggap ng gayon din.
35Datapuwa't ibigin ninyo ang inyong mga kaaway at gawan ninyo sila ng mabuti, at mangagpahiram kayo, na kailan man ay huwag mawawalan ng pagasa; at malaki ang sa inyo'y magiging ganti, at kayo'y magiging mga anak ng Kataastaasan: sapagka't siya'y magandang-loob sa mga walang turing at sa masasama.
36Magmaawain kayo, gaya naman ng inyong Ama na maawain.
37At huwag kayong mangagsihatol, at hindi kayo hahatulan: at huwag kayong mangagparusa, at hindi kayo parurusahan: mangagpalaya kayo, at kayo'y palalayain:
38Mangagbigay kayo, at kayo'y bibigyan; takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka't sa panukat na inyong isukat ay doon kayo muling susukatin.
39At sinabi naman niya sa kanila ang isang talinghaga: Mangyayari bagang umakay ang bulag sa bulag? di baga sila mangabubulid kapuwa sa hukay?
40Hindi higit ang alagad sa kaniyang guro: datapuwa't ang bawa't isa, pagka naging sakdal, ay nagiging katulad ng kaniyang guro.
41At bakit mo tinitingnan ang puwing na nasa mata ng iyong kapatid, datapuwa't hindi mo pinupuna ang tahilan na nasa iyong sariling mata?
42O paanong masasabi mo sa iyong kapatid, Kapatid, pabayaan mong alisin ko ang puwing na nasa iyong mata, kundi mo nakikita ang tahilan na nasa iyong sariling mata? Ikaw na mapagpaimbabaw, alisin mo muna ang tahilan na nasa iyong sariling mata, kung magkagayo'y makikita mong malinaw ang pagaalis ng puwing na nasa mata ng iyong kapatid.
43Sapagka't walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.
44Sapagka't bawa't punong kahoy ay nakikilala sa kaniyang sariling bunga. Sapagka't ang mga tao ay di nangakapuputi ng mga igos sa mga dawag, at di nangakapuputi ng ubas sa mga tinikan.
45Ang mabuting tao ay kumukuha ng kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig.
46At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?
47Ang bawa't lumalapit sa akin, at pinakikinggan ang aking mga salita, at ginagawa, ituturo ko sa inyo kung sino ang katulad:
48Siya'y tulad sa isang taong nagtatayo ng bahay, na humukay at pinakalalim, at inilagay ang patibayan sa bato: at nang dumating ang isang baha, ay hinampas ng agos ang bahay na yaon, at hindi nakilos; sapagka't natitirik na mabuti.
49Datapuwa't ang dumirinig, at hindi ginagawa, ay tulad sa isang tao na nagtayo ng bahay sa lupa, na walang patibayan; laban sa yaon ay hinampas ng agos, at pagdaka'y nagiba; at malaki ang naging kasiraan ng bahay na yaon.