Ang kaluluwa ay kusang umaakit sa kung ano ang lihim niyang kinukupkop; kung alin ang kanyang minamahal, at saka kung saan ito natatakot; umabot ito sa taas ng kanyang itinatanging aspirasyon; ito ay bumaba sa antas ng kanyang napaparusahang pagnanais, at ang kalagayan ay ang paraan kung saan ang kaluluwa ay makatatanggap ng para sa sarili nito.
Ang bawat binhi ng kaisipang
itinatanim o pinapayagang mahulog sa kaisipan, at nagkaroon ng ugat doon, ay
magdudulot ng para sa sarili niya, mamumulaklak ng maaga o huli sa kaniyang
ginagawa, at nadadala ng sarili nitong prutas ng pagkakataon at kalagayan. Ang
mabuting kaisipan ay mabuti ang ibinubunga, ang masamang kaisipan ay masama ang
ibinubunga.
Ang mga
panlabas na mundo ng kalagayan ay humuhugis sa
kanyang sarili sa panloob na
mundo ng kaisipan, at
parehong ang kaaya-aya at hindi kasiya-siyang mga panlabas na kundisyon ang mga
kadahilanan, na gumawa para sa tunay na mabuti para sa isang indibidwal. Habang ang mang-aani
ng kanyang sariling pag-aani, ang tao ay natututo sa parehong paghihirap at sa lubos
na kaligayahan.Ang pagsunod sa kaibuturan ng pagnanais, aspirasyon, mga pananaw, sa pamamagitan ng kung saan siya ay nagbibigay-daan sa kanyang sarili na ma-dominado, (gawin ang kalooban-o'-katiting na ng maduming guni-guni o matatag na maglakad sa highway ng malakas at may mataas na pagpupunyagi), ang isang tao sa wakas ay nakarating sa kaniyang pamumunga at katuparan sa panlabas na mga kalagayan sa kanyang buhay. Ang batas ng pag-unlad at pag-aayos sa lahat ng dako ay makukuha.
Ang isang tao ay hindi dumating sa
bahay na limusan o sa bilangguan sa pamamagitan ng paniniil ng kapalaran o ng
kalagayan, ngunit sa pamamagitan ng ang daanan ng hinuhukay na saloobin at
batayang kanyang ginugusto. At hindi maaaring ang isang wagas na pag-iisip ng
tao ay biglang mahuhulog sa krimen sa pamamagitan ng istress ng anumang
panlabas na puwersa; ang kriminal na pag-iisip ay matagal ng lihim na
kinakandili sa puso, at ang oras ng pagkakataon ay masisiwalat ang naipong
kapangyarihan.
Ang kalagayan ay hindi gumagawa ng tao; ito ay nagpapakita sa kanya
para sa
kanyang sarili. Walang ganitong kondisyon
ang
maaaring umiral bilang pababa sa masamang pinagkabihasnan at ang nag-aalaga
ay nagpapakahirap bukod sa
may
pagkahilig sa bisyo, o pataas sa kabutihan
at dalisay
nitong kaligayahan kung wala sa
patuloy na paglilinang ng walang bahid na dungis
sa aspirasyon; at ang tao,
samakatuwid,
ay ang panginoon
at maestero
ng
kanyang pag-iisip,
ay ang tagagawa ng kanyang sarili ang humuhugis
at may-akda
ng kanyang kapaligiran.Kahit sa kapanganakan ang kaluluwa ay pumupunta sa kanyang sarili at sa pamamagitan ng bawat hakbang sa lupa ng peregrinasyon ito ay aakit ng mga kumbinasyon ng mga kondisyon na magbubunyag ng sarili nito, na kung saan ay ang mga repleksyon ng sarili nitong kadalisayan at, karumihan, ang kanyang lakas at kahinaan.
Ang tao ay hindi nakakaakit ng kung ano ang gusto nila, ngunit ng kung ano sila. Ang kanilang kapritso, ang kinahuhumalingan, at ambisyon ay nahahadlangan sa bawat hakbang, ngunit ang kanilang kaloob-loobang kaisipan at kagustuhan ay mapakain ang kanilang sariling mga pagkain, maging ito napakarumi o malinis. Ang "pagka-divino na humuhugis ng ating mga sarili; ito ay ang ating pinaka-sarili.
Tanging ang kanyang sarili ang tanikala ng isang tao: pag-iisip at pagkilos ay ang mga tagapiit ng kapalaran nila-sila ay napiit, ang pagiging hindi makawala; sila rin ang mga anghel ng kalayaan-sila’y nagpapakawala, at nagiging marangal. Hindi kung ano ang kanyang kagustuhan at ipinanalangin nakakakuha ang isang tao, ngunit kung ano ang tamang pinaghirapan. Ang kanyang kagustuhan at panalangin ay tanging makalulugod at sinasagot kapag sila ay nailagay sa armonya kasama ang kanyang mga saloobin at mga pagkilos.
Sa kaliwanagan ng katotohanang ito, ano ang kahulugan ng "paglaban kontra sa kalagayan?" Ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay patuloy na naghihimagsik laban sa epekto, habang ang lahat ng oras siya ay nagpapalusog at iniingatan ng mga dahilan ng kanyang puso. Ang mga dahilan ay maaaring nasa porma ng kamalayan o ng walang kamalayan; ngunit anuman ito ay mahigpit na magpapatagal sa pagsisikap ng nag-iingat, at sa gayon ay humihingi ng malakas na tawag para sa lunas.
Ang tao ay sabik upang mapabuti ang kanilang mga kalagayan, ngunit hindi gustong pagbutihin ang kanilang mga sarili; sila samakatuwid ay mananatiling nakatali. Ang mga taong hindi umuurong mula sa sariling-pagkakapako sa krus ay hindi kailanman maaaring mabigo upang makamit ang mga bagay na kung saan ang kanyang puso ay nakatakda. Ito ay tunay sa mundo maging sa makalangit na mga bagay-bagay. Kahit na ang mga tao na ang tanging layunin ay upang makakuha ng mga kayamanan ay dapat na maging handa upang gumawa ng dakilang mga personal na sakripisyo bago makamit niya ang kanyang mga ninanais; at kung gaano ang higit pa kaya kung sino ang nakapagtanto ng isang malakas at matatag na buhay?
Narito ang isang taong ubod ng hirap. Siya ay lubhang nababahala sa kanyang kapaligiran at tahanan ang kaginhawahan ay dapat na mapabuti, gayon pa man sa lahat ng oras siya ay pabaya sa kanyang trabaho, at ipinapalagay niya na siya ay may karapatang linlangin ang kanyang employer sa dahilang kulang ang kanyang sinusuweldo. Ang ganitong tao ay hindi nakakaunawa ng pinakasimpleng simulain ng mga prinsipyo na kung saan ay ang batayan ng tunay na kasaganaan, at hindi lamang talagang hindi karapatan dapat tumaas mula sa kanyang pagkahamak, ngunit siya ay talagang nag-aakit sa kanyang sarili ng isang mas malalim pa rin pagkahamak sa pamamagitan ng pagtira sa ganoong kaisipan, at kumikilos ng may katigasan, mapanlinlang, at parang hindi makatao ang saloobin.
Narito ang isang mayamang tao na
biktima ng isang masakit at paulit-ulit na sakit bilang resulta ng katakawan sa
pagkain. Siya ay handang magbigay ng malaking halaga ng pera upang makakuha ng
makakapagpaalis nito, ngunit hindi niya isakripisyo ang kanyang katakawan sa
kanyang ninanais. Gusto niyang bigyang-kasiyahan ang kanyang panlasa para sa
mayaman at masasarap na pagkain at magkaroon din ng mabuting kalusugan. Ang
ganoong tao ay lubos na walang kakayahan upang magkaroon ng mabuting kalusugan,
dahil hindi niya pa natutunan ang unang prinsipyo ng isang malusog na buhay.
Heto ang isang tagapag-empleyo ng
mga manggagawa na nag-aangkin ng baluktot na mga hakbang upang maiwasan ang
pagbabayad ng mga pasahod ayon sa tamang regulasyon, at, sa pag-asa ng ng mas
malaking kita, binabawasan ang sahod ng kanyang mga manggagawa. Ang ganoong tao
ay hindi na-aangkop para sa kasaganaan, at kapag nakita niya ang kaniyang
sarili sa pagkalugi, sa kanyang reputasyon at kayamanan, sinisisi niya ang
pangyayari, hindi niya alam na siya ang nag-iisang may-akda ng kanyang
kalagayan.
Ipinakilala natin ang tatlong kaso para maipakita ang mga katotohanan na ang tao ay ang dahilan (bagaman halos palaging wala sa kamalayan) ng kanyang kalagayan, at habang ang pinupuntirya ay ang magandang kapalaran, patuloy na siya ay nabibigo sa katuparan nito sa pamamagitan ng paghikayat sa mga saloobin at kagustuhan na hindi maaaring posibleng ilagay sa armonya. Ang ganitong mga kaso ay dumadami at iba-iba halos pero walang katapusan. Kaya kung lulunasan, sundan ang ikinikilos ng mga batas ng pag-iisip sa kanyang sariling isip at buhay, at hanggang ito ay hindi ginagawa, ang mga panlabas na katotohanan ay hindi maaaring magsilbi bilang isang batayan ng pagdadahilan.
Ang isang tao ay maaaring maging tapat sa ilang mga direksyon, pero nagdurusa sa pa rin sa kagipitan sa mga pangangailangan; ang isang tao ay maaaring maging hindi tapat sa ilang mga direksyon, pero nakukuhang yumaman;ngunit ang konklusyon na karaniwang nabubuo na ang isang tao ay nabibigo dahil sa kanyang partikular na katapatan, at ang iba pa ay yumayaman dahil sa kanyang partikular na panlilinlang, ay ang resulta ng isang mababaw na paghuhusga, na kung saan ipinagpapalagay na ang mga hindi tapat na tao ay halos ganap na korupt, at ang matapat na tao halos ay ganap na mabuti.
Sa liwanag ng isang mas malalim na kaalaman at mas malawak na karanasan ang ganoong paghuhusga ay nakitang mali. Ang hindi tapat na tao ay maaaring magkaroon ng ilang mga kahanga-hangang katangian, na hindi tinataglay ng iba; at ang matapat na tao ay may nakakapoot na masamang hilig na kung saan ay wala sa iba. Ang matapat na tao ay umaani ng magandang resulta ng kanyang matapat na mga saloobin at mga gawa; siya rin ay nagdudulot sa kanyang sarili ng paghihirap, na nabubuo galing sa masasamang hilig. Ang hindi tapat na tao gayon din naman ay nagtatamo ng kanyang sariling paghihirap at kaligayahan.
Ito ay kasiya-siya sa pantaong kapalaluan upang maniwala na ang isa ay naghihirap dahil sa kanyang kabutihan; ngunit hanggang hindi nalilipol ng isang tao ang bawat masasakit, mapait, at hindi malinis na pag-iisip mula sa kanyang kaisipan, at hugasan ang bawat kasalanan na naka- mantsa mula sa kanyang kaluluwa, maaari ba siyang maka- posisyon upang malaman at ipahayag na ang kanyang paghihirap ay ang mga resulta ng kanyang kabutihan, at hindi ng kanyang masamang katangian; at sa mga paraan upang, matagal pa bago niya maabot, ang kataas-taasang pagiging perpekto, siya ay makatuklas, na magtrabaho sa kanyang kaisipan at buhay, ang dakilang batas na kung saan ay ganap na may katarungan, at na hindi maaaring, samakatuwid, magbigay ng kabutihan para sa kasamaan, at kasamaan para sa kabutihan.
Ang pagkakaroon ng nasabing kaalaman, siya pagkatapos ay makakaalam na, paglingon niya sa kanyang nakaraan ang kamangmangan at pagkabulag, sa kanyang buhay ay, at palaging , may makatarungang nakaaayos, na ang lahat ng kanyang nakaraang mga karanasan, mabuti at masama, ay patas na nagtatrabaho sa kanyang pag-unlad, ngunit hindi pa nag eevolve ang kanyang sarili..
Ang magandang pag-iisip at pagkilos ay hindi kailanman maaaring magdulot ng masamang resulta; ang masamang saloobin at mga aksyon ay hindi kailanman maaaring magdulot ng mabuting resulta. Parang sinasabi nating alang pang-gagalingan ang mais kung hindi sa mais, walang mula sa kamatis kung hindi mula sa kamatis. Nauunawaan ng mga tao ito mula sa batas ng likas na mundo, at nagtatrabaho kasama niya; ngunit kakaunti ang nakakaintindi nito na sa mental at moral na mundo (bagaman ang operasyon ay simple at hindi lumilihis), at sila, samakatuwid, ay hindi nakikipagtulungan sa mga ito.
Ang paghihirap ay palaging epekto ng maling pag-iisip sa ilang mga direksyon. Ito ay isang pahiwatig na ang mga indibidwal na wala sa pagkakaisa, sa armonya, sa kanyang sarili, sa Batas ng kanyang pagkatao. Ang nag-iisa at kataas-taasang pag-gamit ng mga paghihirap ay upang maging dalisay, upang masunog ang lahat ng walang silbi at hindi malinis. Ang paghihirap ay humihinto para sa kanya na naging dalisay. Walang dahilan para sunugin ang ginto kung naalis na ang mga dumi nito, at naging isang perpekto, dalisay at ang na liwanagang pagkatao ay hindi na magdurusa.
Ang mga pangyayari, na natatagpuan ng isang tao ng may paghihirap, ay ang mga resulta ng kanyang sariling kaisipan sa armonya. Ang mga pangyayari, na ang isang tao ay nakatatagpo ng may kaligayahan, ay ang resulta ng kanyang sariling kaisipan sa armonya. Ang kaligayahan, hindi ang materyal na ari-arian, ay ang sukatan ng tamang kaisipan; ang pagkapahamak, hindi ang kakulangan sa ari-ariang materyal, ay ang sukatan ng maling kaisipan.
Ang isang tao ay maaaring isinumpa at yumaman; maaaring siya ay pinagpala at naghihirap. Ang kaligayahan at kayamanan ay nagkakasama sama kapag ang mga kayamanan ay makatarungan at matalinong ginagamit; at ang mahirap na tao lamang ang bumababa sa pagkahamak kapag siya ay nagpalagay ng kanyang kapalaran bilang isang pasaning hindi makatarungang nakapataw.
Ang karukhaan at pagpapakalabis ay ang dalawang sukdulan ng pagka-pahamak. Sila ay parehong mga hindi likas at resulta ng mental na kaguluhan. Ang isang tao ay hindi tama ang kondisyon hanggang sa siya ay maging masaya, malusog, at mayamang tao; at ang kaligayahan, kalusugan, at kasaganaan ay ang mga resulta ng isang maayos na pag-sasaayos ng panloob kasama ang panlabas, ng tao sa kanyang paligid.
Ang isang tao ay nagsisimulang maging isang tao kapag siya ay tumigil sa kanyang pag-angal at pang-lalait, at mag-umpisang maghanap sa mga nakatagong katarungan na mag-aayos sa kanyang buhay. At habang inaangkop niya ang kanyang kaisipan sa ipinaguutos na kadahilanan, siya ay tumitigil sa pag-aakusa sa iba na sila ang sanhi ng kanyang kondisyon, at binubuo ang kanyang sarili hanggang sa lumakas at magkaroon ng marangal na saloobin; tinitigilan ang pagsipa sa nga pangyayari, kung hindi nagsisimulang gamitin ang mga ito bilang mga pantulong sa kanyang mas mabilis na pag-unlad, at bilang isang paraan ng pagtuklas ng mga nakatagong mga kapangyarihan at mga posibilidad sa loob ng kanyang sarili.
Batas, hindi pagkalito, ay ang nangingibabaw na prinsipyo sa uniberso; katarungan, hindi kawalan ng katarungan, ay ang kaluluwa at diwa ng buhay; ang katuwiran, hindi katiwalian, ang humuhubog at ang gumagalaw na puwersa sa espirituwal na pamahalaan ng mundo. Ang pagiging gayon, ang tao ay dapat magtama sa kanyang sarili upang makita na ang uniberso ay tama; at sa panahon ng proseso ng paglalagay ng kanyang sarili sa tama makikita niya na habang binabago niya ang kanyang mga saloobin sa mga bagay at sa iba pang mga tao, ang mga bagay at ang ibang mga tao ay magbabago sa paligid niya.
Ang patunay ng katotohanang ito ay nasa bawat tao, at ito samakatuwid ay kumikilala ng madaling pagsisiyasat sa pamamagitan ng sistematikong pagsisiyasat ng sarili at sa sariling analisis. Hayaan ang tao sa isang radikal na pagbabago ng kanyang mga saloobin, at siya ay mamamangha sa mabilis na pagbabagong-anyo nito epekto sa materyal na kundisyon ng kanyang buhay. Iniisip ng tao na ang pag-iisip ay maaaring pinananatiling lihim, ngunit hindi ito maaari; ito ay mabilis na nagpapalinaw sa ugali, at ang ugali ang nagbubuo sa kalagayan.
Ang mga makahayop na saloobin ay nagpapalinaw sa mga gawi ng paglalasing at sa hilig ng laman, na nagbubuo sa kalagayan ng paghihikahos at sakit: ang maruming saloobin ng bawat uri ay lumilinaw sa mahina at nakakalitong mga ugali, na nagbubuo ng pagka-istorbo at salungat sa pangyayari: ang kaisipan ng takot, pag-aalinlangan, pag-aatubili ay lumilinaw sa mahina , parang hindi lalaki, at walang matibay na pasya at ugali, na nagbubuo sa pagkakataon ng pagkabigo, pagdaralita, at inaarugang alipin: ang tamad na saloobin ay lumilinaw sa mga ugali ng kadumihan at panlilinlang, na nagpbubuo sa pagkakataon ng pagka-madumi at kadukhaan: ang poot at pagtuligsang saloobin ay lumilinaw sa mga ugali ng akusasyon at karahasan , na nagbubuo sa pagkakataon ng pinsala at pag-uusig: ang makasariling saloobin ng lahat ng uri ay lumilinaw sa mga ugali ng pagkamakasarili, na nagbubuo sa kalagayan nang higit pa o mas mababang pagkakabalisa.
Sa kabilang banda, ang magandang saloobin ang lahat ng uri ay lumilinaw sa ugali ng biyaya at kabaitan, na tumitigas sa magiliw at maaliwalas na pangyayari: ang purong saloobin ay lumilinaw sa ugali ng pagtitimpi at pagpipigil sa sarili, na nagbubuo sa kalagayan ng pagpapahinga at kapayapaan: ang saloobin sa tapang , pag-asa sa sarili, at desisyon ay lumilinaw sa tunay na ugali, na nagbubuo sa pagkakataon ng tagumpay, kasaganahan, at kalayaan: ang masigasig na saloobin ay lumilinaw sa ugali ng kalinisan at kasipagan, na nagbubuo sa kalagayan ng pagkawili: pagkamaamo ang pagpapatawad ay nagpapalinaw sa mga ugali ng pagka-magiliw , na nagbubuo sa proteksiyon at pang-preserba sa mga pangyayari: ang pagmamahal at mabait na saloobin ay nagpapalinaw sa ugali ng pagiging malilimutin para sa ibang tao at bagay, na nagbubuo sa pagkakataon ng kasiguruhan, katibayan, kasaganaan at sa tunay na kayamanan.
Isang partikular na pagsasanay sa kaisipan ay naninindigan, maging ito ay mabuti o masama, at hindi maaaring mabigo upang makabuo ng mga resulta sa karacter at pangyayari. Ang tao ay hindi maaaring direktang pumili ng kanyang kalagayan, ngunit maaari niyang piliing ang kanyang mga saloobin at iniisip, sigurado, huhugis sa kanyang kalagayan.
Ang kalikasan ay tumutulong sa bawat tao para sa kaluguran ng mga saloobin, na siya niyang pinaka-hihikayat, at ang mga pagkakataon ay ipapakita na kung saan ay mabilis na darating pareho sa mabuti at masamang saloobin.
Hayaan ang tao na tigilan ang kanyang makasalanang pag-iisip, at ang mundo ay lalambot sa kanya, at magiging handa upang makatulong sa kanya; hayaan siyang isaisantabi ang kanyang mahina at masakiting pananaw, at pagmasdan, ang mga pagkakataon ay sumisibol sa bawat kamay upang tulungan ang kanyang malakas at matatag na paninindigan; hayaan siyang humikayat ng magagandang pananaw, at walang mahirap na kapalaran ang dapat sumailalim sa kanya pababa sa pagkapahamak at kahihiyan. Ang mundo ay ang iyong kaleydoskopo, at ang iba't ibang mga kumbinasyon ng kulay, na sa bawat sumusunod na sandali ito ay nagpapakita sa iyo ng mga katangi tanging naisasaayos na mga larawan ng iyong palaging gumagalaw na mga kaisipan.
"Kaya Ikaw ay magiging kung ano ang iyong naisin;
Hayaan ang pagkabigo na maghanap sa kanyang maling nilalaman
Sa mahihirap na salitang, 'kapaligiran,'
Subalit ang espiritu ay tumatanggi rito, at ito ay malaya.
Hayaan ang pagkabigo na maghanap sa kanyang maling nilalaman
Sa mahihirap na salitang, 'kapaligiran,'
Subalit ang espiritu ay tumatanggi rito, at ito ay malaya.
"Ito ang maestro ng oras, ito ay sumasakop sa mga
espasyo;
Ito ay nananakot sa mayayabang, manloloko, at sa pagkakataon,
At nagpaparusa sa malupit na pangyayari. Nagtatanggal ng korona, at nagpupuno sa lugar ng tagapaglingkod.
Ito ay nananakot sa mayayabang, manloloko, at sa pagkakataon,
At nagpaparusa sa malupit na pangyayari. Nagtatanggal ng korona, at nagpupuno sa lugar ng tagapaglingkod.
"Ang kalooban ng tao,
ang
puwersang hindi nakikita,
ang
supling ng isang walang kamatayang kaluluwa,
ay
kayang pumutol ng paraan sa anumang
layunin,
Kahit na harangan ng mga pader ng granayt.
Kahit na harangan ng mga pader ng granayt.
"Huwag
maiinip sa mga
pagkaantala Matutong maghintay tulad
ng isang nakakaunawa; Kapag
ang espiritu ay pumailang-ilang at nag-utos
kahit ang mga anghel ay handang sumunod.”
kahit ang mga anghel ay handang sumunod.”
Ang epekto ng
kaisipan sa kalusugan at sa
katawan.
Ang katawan
ay
ang lingkod ng kaisipan. Ito ay sumusunod sa operasyon
ng kaisipan, maski ito ay sadyang pinili o awtomatikong ipinahayag.
Sa pagpapahayag ng labag sa batas na mga
saloobin ang katawan ay mabilis na lumulubog sa sakit at pagkabulok;
at sa utos ng kaligayahan at
magandang saloobin ito ay nadadamitan ng kasariwaan at kagandahan. Ang sakit at kalusugan, tulad ng kalagayan, ay nag-uugat sa pag-iisip. Ang masasakit na saloobin ay nagpapahayag ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng isang masakiting katawan.Ang saloobin ng pagka-takot ay nai-pakilalang nakakapatay ng isang tao ng mas mabilis pa sa bala, at patuloy na pumapatay ng libu-libong mga tao sa tiyak bagaman hindi gaanong mabilis. Ang mga taong nakatira sa takot ng pagkakaroon ng sakit ay ang mga taong nakakakuha nito. Ang pagkabalisa ay mabilis na nakapagpapahina ng buong katawan, at naitatag ito bukas sa pagpasok ng mga sakit; habang ang maruming saloobin, kahit na hindi ginagawang pisikal, ay madaling nakababasag ng nervous sistem.
Ang malakas, dalisay, at masayang saloobin ay nagtatayo ng katawan sa kalakasan at pagpapala. Ang katawan ay maselan, na tumugon kaagad sa mga iniisip sa pamamagitan ng kung saan ito ay naitanim, at ang mga ugali ng pag-iisip ay makakapagdulot ng kanilang sariling mga epekto, mabuti o masama, doon.
Ang mga tao ay patuloy na magkaroon ng hindi malinis at na lalasong dugo, hangga't pinalalaganap nila ang maruming saloobin. Mula sa malinis na puso ay isang malinis na buhay at malinis na katawan. Mula sa marungis na kaisipan lumalabas ang marungis na buhay at isang korupt na katawan. Amg kaisipan ay ang benditahan ng aksyon, buhay, at paghahayag; gawing dalisay ang balon, at ang lahat ay magiging dalisay.
Ang pagbabago ng diyeta ay hindi makatulong sa isang tao na hindi magbabago ng kanyang mga saloobin. Kapag ginagawang dalisay ng isang tao ang kanyang saloobin, siya ay hindi na maghahangad ng matatabang pagkain.
Ang malinis na saloobin ay lumilikha ng malinis na ugali. Ang mga tinaguriang santo na hindi naghuhugas ng kanilang katawan ay hindi isang santo. Siya na may matatag at malinis na mga saloobin ay hindi kinakailangang isaalang-alang ang maghangad ng masama sa kanyang kapwa.
Kung nais mong protektahan ang iyong katawan, bantayan ang iyong kaisipan. Kung nais mong baguhin ang iyong katawan, pagandahin ang iyong kaisipan. Ang saloobin na may masamang hangarin, inggit, kabiguan, at ang kawalan ng pag-asa, ay nagnanakaw sa kanyang katawan ng kalusugan at biyaya. Ang isang maasim na mukha ay hindi nagmumula sa pamamagitan ng pagkakataon; ito ay ginagawa sa pamamagitan ng maasim na saloobin.
Ang kulubot na sumisira ay naiguguhit sa pamamagitan ng kahangalan, simbuyo ng damdamin, at pagmamataas.
May isang babaeng 96 ang edad ngunit may maliwanag, inosenteng mukha ng isang batang babae. May isang lalaki na nasa ilalim ng gitnang edad na ang mukha ay nasisira sa walang armonyang tabas. Ang isa ay ang resulta ng isang matamis at maliwanag na disposisyon; ang isa ay resulta ng mga simbuyo ng damdamin at diskontento.
Dahil hindi ka maaaring magkaroon ng kalugod-lugod at kapaki-pakinabang na tirahan maliban kung papapasukin mo ang hangin at sikat ng araw ng malaya sa iyong kuwarto, kaya ang isang malakas na katawan at isang maliwanag, masaya, o matahimik na bukas ng mukha ay maaari lamang magresulta mula sa malayang pagpasok sa kaisipan ng mga pag-iisip sa kagalakan at tapat na kalooban at kahinahunan.
Sa mga mukha ng mga may edad may mga kulubot na nagawa ang pakikiramay, ang iba sa pamamagitan ng malakas at dalisay na pag-iisip, at sa iba ay naukit sa pamamagitan ng silakbo ng damdamin: sino ang hindi maaaring makilala sa mga ito? Sa mga taong nabuhay ng may katarungan, ang edad ay kalmado, tahimik, at napaka- suwabe, tulad ng paglubog ng araw. Mayroong isang albularyo na nakahiga sa kanyang banig ng kamatayan. Siya ay hindi matanda maliban sa edad. Siya ay namatay na mapayapa at tiwasay tulad noong nabubuhay pa siya.
Walang
manggagamot ang umaayaw sa kaaya-ayang pag-iisip na
papawi sa mga karamdaman ng katawan; walang taga-aliw na ikukumpara sa may mabuting hangarin para sa pagpawi sa anino ng
pighati at kalungkutan. Upang patuloy na mabuhay
sa saloobin ng
masamang kalooban, pangungutya, hinala, at
inggit, ay para makulong
sa isang sariling gawang bilangguan. Ngunit sa
pag-iisip ng mabuti para sa lahat,
para maging kaaya-aya
sa lahat, para sa matiyagang matutunan hanapin
ang mabuti sa lahat-ang hindi makasariling saloobin ay ang mga portal ng langit; at upang
tumira araw-araw sa
pag-iisip ng kapayapaan
patungo sa bawat nilalang
ay magdadala ng saganang kapayapaan
sa may-ari.
Ang Kaisipan at layunin
Hanggang sa ang pag-iisip ay mai-ugnay sa layunin
walang intellihenteng katuparan ang magaganap. Sa karamihan ng
mga sumisigaw na kaisipan
na pinapayagang "sumama sa agos" sa karagatan ng buhay.
Ang
kawalan ng layunin ay isang masamang bisyo, at sa ganoong
pag-anod ay hindi dapat magpatuloy para sa kanya na
gustong makaiwas sa mga malalaking kapahamakan at pagkawasak.Sila na walang sentral na layunin sa kanilang buhay ay mahuhulog, isang madaling biktima sa makitid na pag- aalala, takot, kaguluhan, at awa sa sarili, ang lahat ay indikasyon ng kahinaan, na humantong, tulad ng tiyak na sadyang binalak na kasalanan (bagaman sa pamamagitan ng isang iba't ibang mga ruta), sa kabiguan, kalungkutan, at kawalan, dahil ang kahinaan ay hindi maaaring magpumilit sa isang ma-kapangyarihang umuunlad na uniberso.
Ang isang tao ay dapat mag-isip ng isang lehitimong layunin sa kanyang puso, at magtakdang makamit ito. Dapat gawin niyang itong pangunahing punto ng kanyang saloobin. Maaaring itong maging porma ng isang espirituwal na ideal, o maaari itong isang makamundong bagay, ayon sa kanyang likas na katangian sa ngayong panahon; ngunit kung anuman ito, dapat patuloy niyang ituon ang kanyang pwersa ng pag-iisip sa mga bagay, na kung saan siya ang nagtakda. Dapat niyang gawin itong layunin ang kanyang kataas-taasang tungkulin, at dapat ilaan ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan, hindi nagpapahintulot sa kanyang pag-iisip upang malihis ng pansandali sa guni-guni, pag-asam, at pag-aakala.
Ito ang hari o reyna ng kalsada sa pagpipigil sa sarili at tunay na konsentrasyon ng pag-iisip. Kahit na siya ay mabibigo muli’t muli isasagawa niya ang kanyang mga layunin (na kinakailangan hanggang ang kahinaan ay pagtagumpayan), ang lakas ng karacter na nakukuha ang magiging sukatan ng kanyang tunay na tagumpay, at ito ay nagbubuo ng bagong panimulang-puntos para sa hinaharap na kapangyarihan at pagtatagumpay.
Yaong hindi naghahanda para sa pagkaunawa ng isang mahusay na layunin ay dapat mag-ayos ng pag-iisip ng walang pagkakamali sa pag-ganap ng kanilang tungkulin, kahit na paanong hindi mahalaga ang kanilang mga gawain kung ito ay titingnan. Tanging sa paraang ito maaaring ang mga saloobin ay maipon at maituon, at mapagpasyahan at ang enerhiya ay mabuo, na tinatapos, walang anuman ang hindi maaaring matupad.
Ang pinakamahinang kaluluwa, na nakaka-alam ng sarili nitong kahinaan, at naniniwala sa katotohanan ito na ang lakas ay maaari lamang na mabuo sa pamamagitan ng pagsisikap at kasanayan, kagustuhan, kaya naniniwala, sa oras na inumpisahan para magsimulang magsikap, at, dagdagan ng pagsusumikap ng pagsisikap, ng tiyaga ng pagtatiyaga, ng lakas sa lakas, at hindi kailanman titigilan upang mabuo, at sa wakas lumago ng malakas.
Gaya ng mahinang katawan ng isang tao na maaaring palakasin sa pamamagitan ng maingat at matiyagang pagsasanay, kaya ang taong mahina ang pag-iisip ay maaaring magpalakas sa pamamagitan ng ehersisyo ng kanyang sarili sa tamang pag-iisip.
Para maalis ang kawalan ng direksyon at kahinaan, at upang magsimulang mag-isip ng may layunin, ay ang makapasok sa hanay ng mga malalakas na nakakakilala sa kabiguan bilang isa sa mga daanan sa kakayahan; na gumawa ng lahat ng mga kondisyon na magsilbi sa kanila, at ang nag-iisip ng kalakasan, nagtatangka ng walang takot, at nagtutupad ng perpekto.
Ang nakakaunawa sa pag-iisip ng kanyang layunin, ang isang tao ay nararapat mag-isip ng dapat imarka sa tuwid na daanan ng kanyang tagumpay, tumitingin sa kanan o kaliwa. Ang pag-aalinlangan at takot ay dapat mahigpit na mapaalis; sila ay nakabubuwag na mga elemento, na naninira sa tuwid na linya ng pagsusumikap, na nagbibigay ng hindi tuwid, walang saysay, at walang silbi.
Ang saloobin ng pagdududa at takot ay hindi kailanman makakatapos ng anumang bagay, at hindi kailanman makakaya. Sila ay palaging humantong sa pagkabigo. Hangarin, enerhiya, kapangyarihan upang gawin, at ang lahat ng malakas na pag-iisip kapag napapatigil ng pag-aalinlangan at takot dahil gumagapang ang mga ito papasok sa kaisipan.
Ang kalooban ng pag-gawa ay sumisibol mula sa kaalaman na maaari nating magawa. Ang pag-aalinlangan at takot ay ang mga mahusay na kaaway ng kaalaman, at siya na humihikayat sa kanila, na hindi pumapatay sa mga ito, ay nahahadlang ng kanyang sarili sa bawat hakbang.
Siya na nakalupig sa duda at takot ay nakatalo sa pagkabigo. Ang kanyang pag-iisip ay kaalyado ng kapangyarihan, at ang lahat ng mga paghihirap ay buong tapang na hinaharap at matalinong pinagtatagumpayan. Ang kanyang layunin ay nakatanim sa angkop na panahon, at sila ay sariwang-sariwa at nagbibigay ng mga prutas, na hindi nahuhulog ng wala sa panahon sa lupa.
Ang kaisipan na nakaugnay sa matapang na layunin ay nagiging puwersang malikhain: siya na may alam nito ay nakahanda para sa mas mataas at mas malakas kaysa sa isang bigkis ng mga mabuway na saloobin at pabago-bagong pakiramdam; siya na gumagawa nito ay naging taong may kamalayan at matalinong tagapamahala ng kanyang makapangyarihang kaisipan.
Lahat ng nakakamit ng isang tao at ang lahat ng hindi niya nakakamit ay ang direktang resulta ng kanyang sariling mga saloobin. Sa isang maayos na uniberso, kung saan ang pagkawala ng lahat ng nakatayo ng hindi maayos ay nanganga-hulugan ng kabuuang pagkasira, ang indibidwal na responsibilidad ay dapat na lubusan.
Ang isang kahinaan ng tao at lakas, kadalisayan at karumihan, ay ang kanyang sarili, at hindi ng ibang tao; siya ay dinala sa pamamagitan ng kanyang sarili, at hindi ng iba; at maaari lamang silang mabago sa pamamagitan ng kanyang sarili, hindi sa pamamagitan ng iba. Ang kanyang kundisyon ay kanya din, at hindi para sa ibang tao. Ang kanyang paghihirap at ang kanyang kaligayahan ay nagbabago mula sa loob. Bilang Iniisip niya, kaya siya iyon; habang patuloy siya sa pag-iisip, kaya siya ay nananatili.
Ang isang malakas na tao ay hindi maaaring makatulong sa isang mahinang tao maliban na ang mahina ay handing magpatulong, at kahit ganoon ang mahinang tao ay dapat maging malakas sa kanyang sarili; dapat, sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap, bumuo ng lakas na hinahangaan niya sa iba. Wala, maliban sa kanyang sarili ang makapagpapabago sa kanyang kalagayan.
Ito ay karaniwan para sa mga tao na isipin at sabihin, "Maraming mga tao ay mga alipin dahil ang isang tao ay mapang-api; mapoot tayo sa mga taong mapang-api." Ngayon, gayunpaman, may nabubukod tanging tumataas na inklinasyon upang baliktarin ang paghuhusga, at sabihing, “Ang isang tao ay nagiging mapang-api dahil maraming mga alipin; hamakin natin ang mga alipin."
Ang katotohanan ay, ang taong mapang-api at alipin ay magkatulong sa kamangmangan, at, habang tila gustong magpahirap sa bawat isa, ay sa katotohanan nagpapahirap sa kanilang mga sarili. Isang perpektong Kaalaman na mahiwatigan ang aksyon ng batas sa kahinaan ng mga inaapi at ang maling gamit ng kapangyarihan ng mga taong mapang-api; isang perpektong Pag-ibig, nakikita ang mga paghihirap, sa parehong estado ay nailalagay, sa kaparusahan pareho; isang perpektong pakikiramay na yumayakap sa parehong mga taong mapang-api at inaapi.
Siya na nakatalo sa kahinaan, at naisantabi ang lahat ng makasariling pananaw, pag-aari alin man sa taong mapang-api o inaapi. Siya ay malaya.
Ang isang tao ay maaari lamang tumaas, makalupig, at makagawa sa pamamagitan ng pag-aangat paitaas ng kanyang mga saloobin. Maaari siyang mananatiling mahina, kasuklam-suklam, at kahabag-habag sa pamamagitan ng pagtanggi upang maiangat ang kanyang mga saloobin.
Bago makamit ng isang tao ang anumang bagay, kahit na sa makamundong mga bagay, dapat iangat niya ang kanyang saloobin ng mas mataas sa aliping maka-hayop. Hindi siya maaaring, magtagumpay, isuko ang lahat ng pagka-mahayop at pagka-makasarili, sa pamamagitan ng anumang mga pamamaraan; ngunit ang isang bahagi ng mga ito ay dapat, kahit paano, ay ma-isakripisyo.
Ang isang tao na ang unang pag-iisip ay makahayop na pagmamalabis ay maaaring hindi makapag-isip ng malinaw at makapagplano ng may sistema; hindi siya makahanap at makabuo ng kanyang nakatagong mga mapagkukunan, at mabibigo sa anumang gawain at pamamahala. Ang hindi pagkakaroon ng kontrol sa kanyang mga saloobin, siya ay wala sa posisyon upang kontrolin ang kapakanan at mag-ampon ng seryosong responsibilidad. Hindi siya angkop upang makakilos nang malaya at tumayo nang mag-isa. Subalit siya ay limitado lamang sa pamamagitan ng mga saloobin, na pinili niya.
Maaaring walang pag-unlad, walang tagumpay na walang sakripisyo, at ang maka-mundong tagumpay ng isang tao ay nasusukat ng kanyang sakripisyo ang kanyang nalilitong makahayop na saloobin, at kumpunihin ang kanyang isip sa pagpapaunlad ng kanyang mga plano, at sa pagpapalakas ng kanyang resolusyon at pag-asa sa sarili . At pag-mas mataas na itaas ang kanyang saloobin, tuwid, at lalong naging matapat, mas malaki ang kanyang magiging mga tagumpay, mas pinagpala at walang maliw ang kanyang magiging tagumpay.
Ang uniberso ay hindi papabor sa sakim, sa hindi tapat, sa may bisyo, bagaman sa manipis na pagkakataon ay maaaring minsang lumitaw na gawin ito; tumutulong ito sa mga tapat, tumutulong sa may magandang kalooban, sa mga walang bahid-dungis. Ang lahat ng mga mahusay na guro ay nagpapahayag nito sa iba't ibang mga porma, at upang patunayan at alam natin ito ang isang tao ay magpupumilit sa paggawa ng kanyang sarili ng higit pa at marami pang walang bahid-dungis sa pamamagitan ng pag-aangat ng kanyang mga saloobin.
Ang intelektwal na pagtatagumpay ay ang mga resulta ng konsagrang pag-iisip para sa paghahanap ng kaalaman, o para sa totoong magaganda, sa totoong buhay at kalikasan. Ang nasabing mga tagumpay ay maaaring minsang konektado sa kayabangan at ambisyon, ngunit hindi sila ang kinahinatnan ng mga katangian; lahat sila ay natural na pagtubo sa mahaba at mahirap na pagsisikap, at ng dalisay at hindi makasariling saloobin.
Ang espirituwal na tagumpay ay ang katuparan ng mga banal aspirasyon. Siya na nakatira sa patuloy na pag-intindi ng mga marangal at matayog na pananaw, na nanahan sa lahat ng dalisay at hindi makasarili, ay tiyak na tulad ng araw na umaabot sa kaitaasan at ng buwan sa kanyang singkad, ay magiging matalino at marangal sa karakter, at tumaas sa isang posisyon ng impluwensiya at pagpapala.
Ang tagumpay, anumang uri, ay ang korona ng pagsisikap, ang putong ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng tulong sa pag-kontrol sa sarili, resolusyon, kadalisayan, ang pagiging matuwid, at mahusay na nakadirektang pag-iisip ang isang tao ay tumataas; sa pamamagitan ng tulong ng pagiging maka-hayop, katamaran, kalaswaan, kasamaan, korupsyon at pagkalito ng isipan ng tao, siya ay bumababa.
Ang isang tao ay maaaring tumaas sa mataas na tagumpay sa mundo, at kahit na sa matayog na kabundukan ng espirituwal na realidad, at bumaba muli sa kahinaan at pagkapahamak sa pamamagitan ng pagpayag sa pagiging abusado, makasarili, at korupt na pag-iisip upang maging pag-aari siya.
Ang pagtatagumpay na tinamo sa tamang pag-iisip ay maaari lamang mapanatili sa pamamagitan ng maingat na pagbabantay. Maraming magbibigay daan kapag ang tagumpay ay panatag, at mabilis na mahulog pabalik sa pagkabigo.
Ang lahat ng mga tagumpay, maging sa negosyo, intelektuwal, o espirituwal na mundo, ay mga resulta ng siguradong naka-direkta pag-iisip, na pinamamahalaan ng parehong batas at ng parehong pamamaraan; ang pagkakaiba lamang ay namamalagi sa bagay na mula sa kakayahan.
Siya na
nais magkamit ng kaunti
ay dapat mag-sakripisyo ng kaunti; siya na gustong magkamit ng marami ay dapat mag-sakripisyo
ng marami; siya na gustong magkamit ng
mataas ay dapat mag-sakripisyo ng
matindi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento