Huwebes, Hunyo 18, 2015

trumpeta ng Panginoong Yahweh

https://www.youtube.com/watch?v=et2dadkwM34 trumpeta ng Panginoong Yahweh
Zacarias 9: 14 Si Yahweh ay magpapakita sa kanyang bayan,
at ang palaso niya'y parang kidlat na sisibat;
trumpeta ng Panginoong Yahweh, kanyang hihipan
at sila'y parang ipu-ipong sasalakay sa katimugan.

15 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat, sa kanila'y mag-iingat;
sa pagdumog sa kaaway sila'y di maaawat.
Dugo ng mga ito'y kanilang paaagusin,
gaya ng mga handog na sa altar inihain.

16 Sa araw na iyon, ililigtas sila ni Yahweh na kanilang Diyos
pagkat sila'y kanyang kawan, iniibig na lubos.
Sa buong lupain ay magniningning sila,
parang batong hiyas ng isang korona.

17 Mararanasan nila'y kagandaha't kasaganaan;
pagkain at alak, may taglay na kalakasan,
para sa kabinataan at mga kadalagahan.
Ang sinumang naghahanap ay nararapat magpatuloy sa paghahanap hanggang sa kanyang makita. At kapag nakita niya, siya ay maguguluhan sa pagmumuni-muni ng katotohanan, ngunit kapag siya ay lumampas sa panahon ng kaguluhan.
Siya ay mamamangha sa kaliwanagan ng ilaw, dahil ang daan ng katotohanan ay ang landas sa walang hanggang Diyos, at ang kahalagahan ng magandang pangitain ay ang pagpiga ng kaluluwa.
Ang taong nagnanais na pumailanglang sa lahat ng mga bagay ay dapat bumaba sa ibaba ng lahat ng mga bagay, dahil ang landas sa kaitaasan ay dumadaan sa kailaliman ng dalamhati, na lumilikha ng mga apoy ng buhay. Ang taong nagdusa at nakatatagpo ng buhay na pinagpala. "
"Kung sinasabi mo na ang tinitirahan ng Diyos ay nasa langit, ang mga ibon ay dumating doon bago ka. Kung sinasabi mo na ang tinitirahan ng Diyos ay nasa dagat, ang mga isda ay dumating doon bago ka.
Maunawaan mo na ang kaharian ng langit ay parehong nasa loob mo at sa labas mo, at malalaman mo na kung alinman ang nasa labas ay iyon din ang nasa loob.
Kapag iyong nakita ang ilaw sa loob ng iyong sarili, malalaman mo na ikaw ay kilala na. Sa panahong iyun malalaman mo na ikaw ay anak ng buhay na magulang at ang iyong tadhana ay maging katulad nila. Ang taong hindi nakakakilala sa kanyang sarili, ay dukha sa ispiritu, dahil siya ay ang sarili nyang kahirapan. "
Maliban na ikaw ay maging tulad ng isang maliit na bata, hindi mo maaaring malaman ang kahulugan ng buhay, dahil ang iyong kaisipan ay dapat na maliwanagan mula sa kaharian ng kasinungalingan kung ikaw ay tuturuan ng eternal na katotohanan. "
Nakita ni Jesus ang mga sanggol na pinapasuso. Sinabi niya sa kanyang mga disipulo, "ang mga sanggol na pinapasuso ay tulad ng mga taong pumasok sa Kaharian." Sila ay nagtanong sa kanya, "kung gayon dapat ba kaming pumasok sa kaharian bilang sanggol?" Sinabi ni Jesus sa kanila, "Kapag nagawa mong dalawa ang isa, at kapag nagawa mong ang nasa loob na tulad ng nasa labas at ang nasa labas na tulad ng nasa loob, at kung ano ang nasa itaas tulad ng nasa ibaba, kapag nagawa mo ang lalaki at ang babae na iisa at parehong bagay, para ang lalaki ay hindi na lalaki, at ang babae ay hindi na babae, at kapag nagawa mo na ang mata ay palitan ng mata, at ang kamay ay palitan ng kamay, at isang paa upang palitan ang isang paa, at isang larawan upang palitan ang isang larawan, sa oras na iyon makakapasok ka sa Kaharian. "
Ang ispirituwal na intuwisyon ng katotohanan ay isang kosmikong pagtuturo na naghahangad ibalik sa loob ng bawat isa sa atin ang kapasidad upang manirahan sa isang kamalayan at sa intelihenteng pamamaraan.
Ezekiel 1: 4 Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. 5 Sa sentro ng bagyong ito, may apat na nilalang na buhay na anyong tao. 6 Sila'y may tig-aapat na mukha at pakpak. 7 Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. 8 Nasa ilalim ng kanilang mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. 9 Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila kahit saan. 10 Sa harap, mukha silang tao. Sa kanang tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang toro at mukhang agila sa likuran. 11 Ang tig-dalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at magkaabot ang dulo. Ang tig-dalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan. 12 Hindi na nga sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila sa lahat ng dako. 13 Sa gitna nila ay may naglalagablab na apoy na parang sulo, at nagpapalipat-lipat sa apat na nilalang na buhay. Maningning ang liwanag niyon at pinagmumulan ng kidlat. 14 Ang apat na nilalang ay nagpaparoo't paritong simbilis ng kidlat.
15 Nang tingnan kong muli ang apat na nilalang, may nakita akong tig-isang gulong sa tabi nila. 16 Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa. 17 Ang mga ito'y hindi na kailangang ipihit saanman ito gustong pagulungin pagkat nakaharap kahit saan. 18 Ang bawat gulong ay puno ng mga mata sa palibot. 19 Paglakad ng apat na nilalang, kasunod ang mga gulong. Kapag sila'y tumaas, tumataas din ang mga gulong. 20 Saanman gumawi ang apat na nilalang ay kasunod ang apat na gulong pagkat ang apat na nilalang ang nagpapagalaw sa apat na gulong. 21 Kaya paglakad ng apat na nilalang, lakad din ang mga gulong. Pagtigil naman, tigil din sila. Pagtaas, taas din sila. Anuman ang gawin ng apat na nilalang ay ginagawa ng apat na gulong.
22 Sa ulunan ng apat na nilalang, naroon ang isang bubungang tila kristal. 23 Sa ilalim nito'y magkakaabot na nakabuka ang tigalawang pakpak ng apat na nilalang, at ang tigalawa'y nakatakip sa kanilang katawan. 24 Nang sila'y lumipad, parang lagaslas ng malaking baha ang dinig ko sa pagaspas ng kanilang mga pakpak; parang ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan, parang ragasa ng isang malaking hukbo. Nang sila'y tumigil, ibinaba nila ang kanilang mga pakpak. 25 At mula sa ibabaw ng bubungan, narinig ang isang malakas na tinig. Nang tumigil nga ng paglipad ang apat na nilalang, binayaan nilang nakalaylay ang kanilang mga pakpak.
26 Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may nakaupong parang isang tao. 27 Mula sa baywang nito pataas ay may nagniningning na tila makinis na tanso. Sa ibaba naman ay may nakapalibot na apoy na nakakasilaw, 28 na ang kulay ay parang bahaghari.
Ganyan ang katulad ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, ako'y nagpatirapa, at may narinig akong tinig.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento