Lunes, Setyembre 28, 2015

Ang buhay ng isang tao ay parang libro na may maraming kabanata.

Ang buhay ng isang tao ay parang libro na may maraming kabanata. Marami na ang nangyari sa buhay natin ang hindi natin inaakalang mangyayari. Mula sa kawalan ay may biglang kaligayahan ngunit pag-minsan ay kalungkutan. Maging ang iyong mga panaginip ay konektado sa iyong kinabukasan..

    Ito ang isa sa ,mga susi upang malaman mo ang maraming bagay tungkol sa iyong buhay. Ang combinasyon ng iyong pangalan, apilyedo at ang araw ng iyong kapanganakan ay maghihiwalay sa iyo upang makilala mula sa ibang tao. Ang nakatagong kapangyarihan at mga solution sa mga problema ay maiaayos kung makukuha ang tamang kasagutan.

    Ang pangalan mo ay binigay ng iyong mga magulang. Ngunit sino ang nagbigay sa kanila? Ano ang naka-inpluensiya sa kanila upang ito ang idikit sa katawang lupa mo? Ang aspelyido mo ay pinamana ng iyong Ama sa Laman. Ang kaarawan ng iyong kapanganakan ay itinakda ng Great Mathematician sa lahat ang Dios Ama.

    Diyan nakadikit ang iba’t ibang nangyayaring kapangyarihan sa bawat kabanata ng iyong buhay. Importante ang mga numero sa araw ng iyong kapanganakan maging ang kombinasyon ng bawat letra sa iyong pangalan at apelyido.

    Ang sinasabing “Know Thyself” na mula sa matatalinong tao ay dapat sundan sa pamamagitan ng pagbukas ng susi sa pangalan mo at sa araw ng iyong kapanganakan. Daan ito para sa mas matatag na pagmamahalan, kulusugan, kaligayahn at maging sa material na kalayaan pati na rin sa katalinuhan.

    Sa Sagradong Aklat na ito bibigyan tayo ng kaunting kaalaman kung bakit at paano nakaka-apecto ang bawat letra ng iyong pangalan pati na ang araw ng iyong kapanganakan sa iyong karakter, personalidad at kapalaran. Pag-aralan ang masuwerteng araw sa bawat numero na prominente sa iyong buhay. Alamin ang numerong magbibigay ng magandang kaginhawaan sa iyo.

    Matutong mag-analyze ng mga pangalan. Tilad-tilarin ang bawat letra. At matutuklasan mo kung saan itinuturo ang tamang daan para maging matagumpay.

Swerte at mga hindi swerteng araw ayon sa matatandang guro ng makalumang panahon. Ihalo ang formulas ng metragrammatism, ang sining ng pag-compute ng swerteng kapalaran sa araw at oras ng iyong pag-silang at ang bilang ng bawat letra at kahulugan ng iyong pangalan.

    Manalanging ng taimtim. Alaming mabuti kung ikaw ay pinapayagan ng Tatlong Persona, ni Mama Mary at ng lahat ng mga Angel na sumali sa ganitong operasyon. Humingi at humiling ng Divine Permission.

    Bago sumali, sumama at pumasok sa ganitong pagsusugal ay ipinapayong nasunod na at nagawa na lahat ang iba’t ibang kaalaman at paraan na ginagawa ng miyembro ng DTEF (Divino Third Eye Fellowship) upang siguradong maiwasan ang anumang mis-interpretation o pagkalulong at magkaroon ng ispiritwal na bira na magiging sanhi ng kahirapan.

Paalaala at Tagubilin: Nararapat na nabasa at naka-Panalangin gamit ang Divino Third Eye Fellowship Prayer HandBook bago sumali sa ganitong Operation.
Babala: Ang hindi pag-sunod sa Divinong paalaala ay nangangahulugang walang pananagutan ang DTEF sa anomang kahihinatnan ng sasama saganitong gawain.



Palakasin ang aura at pananampalataya pati ang katawang Lupa bago gumalaw sa mundo ng Gambling o pagsusugal sa pamamagitan ng pag-gamit ng Biblia, Divino Third Eye Fellowship Prayer Handbook, Mga Makapangyarihang Dasal, DTEF Capsules, Kabal, Atardar, Mga Efod (Mahal na Panturo, Mahal na Kwintas, Third Eye, Third Ear,  Second Mind, Mahal na Baston, at  mga bahagi ng kamay) sa mga Pagtatanong, paggamot, at sa pagtupad ng Divinong Hustisya. Gamitin ang iba’t ibang paraan, kagamitan at iba’t ibang sandata upang magamit ng tama ang lahat ng Regalong ipinagkaloob ng Tatlong Persona, Mga Divinos at ni Mama Mary.

     Sundin ang lahat ng Do’s and Don’t ng inyong regalo upang maiwasan ang anuman pagkalulong at maging matagumpay sa gagawing operasyon.


    Gamitin ang iba’t ibang regalo at iba’t ibang gamit upang malaman at matanggap ang kanilang pagsang-ayon. Huwag tangkaing baguhin ang kanilang kasagutan. Isang palatandaan ng kahit maliit na hindi pagsang-ayon ay nangangahulugang hindi ka nila pinapayagan. Tandaang nauuna nilang nakikita ang susunod na kabanata ng iyong buhay na maaaring mag-resulta sa hindi kanais-nais na pangyayari sa oras na ikaw ay sumuway sa kanilang kagustuhan. Mag-shield at mag-charge.

   Bago pumasok sa ganitong mundo o dimensyon sapagkat ang buhay naman ng tao ay para na ring sugal ipinapayong kilalanin munang mabuti ang sarili. At magkaroon ng kahit konting kaalaman sa mystico ng mga susi ng numerology. Bago mo kasi madesisyonan kung saan ka tutungo alamin mo muna kung nasaan ka sa ngayon.

    May kapangyarihan at magic sa pangalan ng isang tao. May katalinuhang nakatago sa bawat pangalan. Halos nakatakda ang inpluensiya ng kapalaran, sa suwerte o malas para maging destinasyon ang pangalan at araw ng iyong kapanganakan.

    Ang pagtatagumpay at ang kaligayahan ay mapapasa iyo kung alam mo sa buhay mo ang mga kaibigang kapangyarihan na naka-harmonize sa iyong pinagmulan o pinanggalingan at least 100 years bago ka isilang sa lupa. Maalis ka sa pagkakakulong at lalawak pa ang capabilidad.

Swerte at mga hindi swerteng araw ayon sa matatandang guro ng makalumang panahon. Ihalo ang formulas ng metragrammatism, ang sining ng pag-compute ng swerteng kapalaran sa araw at oras ng iyong pag-silang at ang bilang ng bawat letra at kahulugan ng iyong pangalan.

Isang artistikong paraan ng mga bumabasa sa pamamagitan ng paikot-ikot na enerhiya at vibrations sa letra ng mga pangalan ng tao.

  Pinatutunayan at nalalaman ng mga sinaunang sangkatauhan na ang pangalang ibinibigay sa isang bata matapos siyang isilang at idinugtong sa kanilang apelyido ay siya ring pangalan niya hanggang kamatayan maaari lamang itong madadagan kung ang bata ay isang babae.

 Sa ibinigay na pangalan ng kanyang magulang magkakaroon ng nakatakdang destinasyon, pangyayari at kapalaran ang isang tao. Maaaring napasuwerte niya sa anumang bagay na kanyang pasukin o napakamalas niya sa anuman niyang pasukin dito dapat na marunong siya sa pagbabasa ng oras, araw na mababago ng kanyang kapalaran vis a vis sa kanyang pangalan.

   Kaya ipinapayong pag-aralang mabuti ang ibibigay na pangalan sa isang bata. Maglaan ng mahabang pagsasaliksik sa kahulugan nito. Pag-aralan ang astrological divination upang maiwasan ang hindi magandang kapalaran

Dapat mapili nila ang pangalang ma-swerte ang diskripsyon lalo na pagka-idinugtong ito sa kanilang apilyedo.

  Nararapat pag-aralan ang sikretong inpluwensiya ng mga bituin, maging ang mga kometang darating na kumikinang sa panahon ng kanyang kapanganakan at ang lakas ng enerhiya maging ang vibrations ng pangalang ibibigay para makita agad ang magiging takbo ng kanyang buhay.

   Sa pangalang ibinigay makikita agad kung siya’y magiging matalino o magiging isang dakilang tao. Ito’y pinatutunayan ng mga astrologers at maging ng mga sinaunang manunulat.

  Mahalaga ang mistikong kahulugan ng isang pangalan. Ang iyong pangalan ay may koneksiyon sa iyong magiging kapalaran. Tuklasin ang kahulugan nito.

    Pag-aralan ang pag-gamit ng ibat-ibang kombinasyon ng bawat araw sa iyong pangalan at sa iyong kapanganakan upang matuklasan kung suwerte ka sa araw na ito magnegosyo o ma-involve sa Treasure hunting. At kung ito naman ay may kamalasan para sa itinakda sa iyong pangalan paano mo ito makokontra.


    Ayon sa matatandang astrologers :

Ang isang batang ipinanganak sa araw ng Linggo ay magkakaroon ng mahabang buhay at madali para sa kanya ang yumaman.

    Ang isang batang ipinanganak ng Lunes ay magiging mahina at kulang sa lakas. Kaya dapat niya itong makontra sa pamamagitan ng ehersisyo at pagkain ng masustansiyang mga pagkain.

    Kung siya naman ay ipinanganak ng Martes masasabing hindi siya ganoon ka-swerte ngunit sa pamamagitan ng hindi ordinaryong pagtitiyaga ay mapagtatagumpayan niya ang kanyang mga pagnanasa na kung saan siya susubukan. Subalit kung hindi siya magiging maingat may panganib na mamatay siya sa isang bayolenteng insidente.

    Ang batang ipinanganak ng Miyerkoles ay tinakdaan na maging pala-aral sa pamumuhay at aani siya ng magandang buhay kung gagawin ito. At posibleng maghirap siya kung hindi magkokoncentrate sa kanyang pag-aaral.

    Ang isang batang ipinanganak ng Huwebes ay mag-aani ng dakilang karangalan at dignidad.

    Ang bata namang ipinanganak ng Biyernes ay may malakas at matibay na pagkatao ngunit siya masyadong magmahal at matinding umibig.

    Pag-isinilang ka sa araw ng Sabado, ikaw ay may mabigat, nakakainip at napakabagal na disposition.

    Nasusulat din sa mga matatandang record ng kasaysayan na maaari mong ma-inpluwensiyahan kung ang araw ay malas para sa iyo at gawin itong swerte. Magagawa mong suwerte ang iyong araw kung tataya ka sa numerong nasa gitna ng iyong kaarawan at kasalukuyang panahon ngunit dapat bilog ang buwan sa gabi.


    Maging sa ikakasal magandang date ang 7th, 9th, at 12th ngunit dapat nakatapat sa araw ng lunes, miyerkoles, huwebes at biyernes. At sa panahong ito dapat papalinaw ang sinag ng buwan.

    Marso ang swerteng buwan sa pagpapatayo ng bagong bahay ngunit hindi  magandang magpa-blessing nito kasabay ng kaarawan ng may-ari nito.

    Huwag na huwag mong ikukwento ang numerong ilang beses mong napapanaginipan bago ka pa mag-almusal nakokontra ang dala-dala nitong swerte kahit na sa pinakamatalik mong kaibigan.

    Kung may ipinakikitang numero sa iyo at napapanaginipan mo ito ng tatlong beses sa gitna ng alas dos at alas kuwatro ng madaling araw napakagandang payo ito mula sa isang matinding malasakit kaya dapat mong ilista ito at tayaan na.

    Marami na ang nagtagumpay sa sugal sa pamamagitan ng pag-gamit ng kaalamang Engkanto De Dios sila ang matinding nakinig, nag-aral, nagcompute upang marating ang kanilang sikretong pagtatagumpay.


Ang Aklat  Espirituwal ng pagtatagumpay sa buhay gamit ang makapangyarihang orasyon, ritwals, panalangin at mga sikretong kaalaman, ang bubuo sa tunay na pag aaral na ating ituturo sa aklat na ito.
Kapag ang kaalamang ito ay isinama sa iyong kamalayan, ito ay magbibigay sa iyo ng kakayahan upang lumikha ng walang limitasyong kayamanang ispiritual, kayamanang panlupa, kapayapaang ng pag-iisip, kaligayan ng pamilya, matagumpay na kalagayan sa buhay at marami pang iba. Magagawa mo ito ng hindi ganoon kahirap, at upang makaranas ng tagumpay sa bawat pagpupunyagi.

Ang Ispiritual na Tagumpay sa buhay ay maaaring maipaliwanag bilang patuloy na pagpapalawak ng kaligayahan at ang progresibong pagsasakatuparan ng mga karapat-dapat na mga layunin. Ang ispiritual naTagumpay ay ang kakayahan nating matupad ang mga kagustuhan, ang mga pangarap at ang mga inaasahan.

Gayunman, ang espirituwal na Tagumpay, kabilang ang paglikha ng kayamanang panlupa, ay palaging itinuturing na isang proseso na nangangailangan ng matinding pagsusumikap. Kailangan natin ang isang
mas malawak na espirituwal na diskarte upang mag-tagumpay at maging masagana, ang masaganang pag-daloy ng lahat ng mabuting bagay sa ating buhay. Gamit ang kaalaman at kasanayan ng espirituwal na batas, inilalagay natin ang ating sarili sa pagkakatugma sa kalikasan at lumikha ng may pag-iingat, kasiyahan at pag-ibig.

Maraming mga aspeto sa tagumpay; ang kayamanan sa materyal ay isang bahagi lamang.

Bukod dito, ang pagtatagumpay ay isang paglalakbay, at hindi isang destinasyon. Ang materyal na kasaganaan ay isa lamang sa mga bagay na nagpapaligaya sa ating paglalakbay.
Ngunit ang tagumpay Kasama rin dito ang magandang kalusugan, magandang enerhiya at sigasig para sa buhay, pagtupad sa tamang relasyon, malikhaing kalayaan, pandamdamin at
sikolohikal na katatagan, isang pakiramdam ng kagalingan, at kapayapaan ng pag-isip.

Kahit na may karanasan tayo sa lahat ng mga bagay na ito, tayo ay mananatiling hindi kumpleto maliban kung ating aalagaan at papalakihin ang binhi ng dibinidad na nasa loob ng ating pagkatao. Sa katotohanan,tayo ay may nakakubling dibinidad, at ang embrayo ng ating pagiging imahe ng Diyos na nasa ating pagkatao ay naghahangad ng ganap na pag-litaw at matupad ang tunay na kapangyarihan at kaganapan.

Ang totoong  ispirituwal na tagumpay ay ang pagkakaroon ng karanasan sa mga himala. Ito ang pagkakaalis ng tiklop ng dibinidad sa loob ng ating pagkatao. Ito ang pagkaunawa ng ating dibinidad kahit saan tayo mapunta, sa anumang pang-unawa. Sa mga mata man ng isang bata, sa kagandahan ng isang bulaklak, o sa paglipad at paglalakbay ng isang ibon. Kapag nasimulan nating maranasan sa ating buhay ang pagpapahayag ng mapaghimalang dibinidad, hindi paminsan-minsan lamang , ngunit sa lahat ng oras. Sa panahong iyon ay ating malalaman ang totoong kahulugan ng ispirituwal na tagumpay.

Bago natin pag-aralan ang mga batas sa ispirituwal dapat nating maunawaan ang konsepto ng ispituwal na batas.

Ang ispituwal na batas ay isang proseso na kung saan ang hindi nakikita ay makikita, na kung saan ang hindi mapatunayan ay napapatunayan; ito ang proseso na kung saan ang nagmamatyag ang siyang minamatyagan; na kung saan ang tumatanaw ang magiging tanawin; ito ang proseso na kung saan ang taong nangangarap ay matutupad ang kaniyang pinangarap.

Para matupad ang mga pinapangarap kinakailangan ang matindi at napalakas na panalangin at pag gamit ng ibat ibang orasyon.

Paano ba napapagana ang mga makapangyarihang orasyon? Unang una dapat kilalanin mo ang tunay mong pagka-tao, sino ka ba? Ikaw ba ang tunay mong pangalan? Ano ka ba? Ang mga kaalaman mo ba at paniniwala ay galing sa iyung mga ninuno, sa mga magulang, mga kamag-anak sa mga kaibigan. Nagkaroon ba ng impluensiya sa pagkatao mo ang iyung pinanggalingan, ang iyung kapaligiran at ang iyung pinag-aralan?

Upang mapagana mo ang mga kapangyarihan ng mga orasyon kailangan munang makilala mo kung sino ka at ano ang bumubuo para maging ganyan ang iyung paniniwala at principyo.
Alam mo ba paano ang tamang panalangin, ang tamang meditasyon, meron ka bang tamang ritwals na ginagawa, may pinakamataas na pokus ka na ba? (Sagradong Aklat 30) Kung saan pumupunta ang pukos, ang enerhiya ay dumadaloy.

 Ng pinaka mataas na konsentrayon? Ng pinaka-mataas na meditasyon? (Sagradong Aklat 27) ) Alam mo ba ang tunay na original name ng guardian angel mo? (Sagradong Aklat 9 with efod and pendant). Ano ang ibig sabihin ng buhay mo? Ano ang magiging kontribusyon mo sa sandaigdigan? Ilan lamang iyan sa mga sikretong kaalaman na dapat mong masagot upang mapagana ang makapangyarihang orasyon.

Ang lahat ng paglikha sa sangkatauhan at kalawakan, lahat ng nakikita sa pisikal na mundo, ay resulta ng mga bagay na hindi nakikita at nagbabagong anyo para makita.
Lahat   ng ating nakikita ay galing sa kawalan at hindi dating nakikita Ang ating pisikal na katawan, ang pisikal na sandaigdigan at lahat ng mga bagay na maaari nating mawatasan sa pamamagitan ng ating mga pandama ay ang pagbabagong anyong transpormasyon mula sa hindi nakikita, mula sa lihim, mula sa hindi maipahayag patungo sa nakikita, sa pagkakilala at sa pagiging hayag.

Ang pisikal na sandaigdigan ay walang iba kung hindi ang sariling pagkurba pabalik sa kanyang sarili para maranasan sa sarili nito ang pagiging espiritu, isipan, at pisikal na kalagayan. Sa ibang salita, ang lahat ng mga proseso ng paglikha ay proseso na kung saan ang Sarili o pagka- dibinidad ay naipapahayag.

Ang kumikilos na kamalayan ay nagpapahayag ng sarili nito bilang
mga bagay ng sandaigdigan sa walang hanggang paggalaw ng buhay.
Ang pinagmulan ng lahat ng paglikha ay ang dibinidad (o ang espiritu), ang proseso ng paglikha ay ang paggalaw ng dibinidad (o ang isip), at ang mga bagay ng paglikha ay ang pisikal na sandaigdigan (kasama ang
pisikal na katawan).

Tapang, pagkamalikhain, simbuyo ng damdamin at ang lubos na kaligayahan.

Ano ba ang konseptong ng kamalayan o ng diwa?  Ano ang ibig sabihin kapag lahat tayo ay biglang may malay-tao? Alamin natin ito sa isang bagong antas ang ibig sabihin ba nito ay tayong lahat ay naliwanagan. O ito lamang ang simula ng pagkalabit ng gatilyo upang masimulan ang ating pinanggalingan.

Ano ang ibig sabihin ng kamalayan? Isang tanong na kailangang masagot sa dalawa at maraming iba't ibang paraan dahil ang implikasyon ng kung ano ito ay nangangahulugang mauunawaan natin kung ano ang kamalayan at dahil dito  maaari mo na itong direktang maranasan.  Ito ang malalim na espirituwal sa gitna ng implikasyon ng ebolusyon para sa ating lahat. Ito ang lugar para mag-simula at mapagtanto na ang kamalayan ay ang saligan ng lahat ng pagkatao na nangangahulugagn ito  ang saligan ng lahat ng ating karanasan sa bawat sandali, kahit alam natin ang katotohanang ito o hindi. Kapag walang kamalayan andoon ang kamatayan.

kaya  ang lahat ng ating nararanasan  ay nagaganap sa loob ng isang batawan o isang lugar.. kung tayo ay magtutuon sa likas na katangian ng batawan kaysa  sa mga bagay na talagang lumilitaw  dito at simulan nating  pakiramdaman na  ng  may higit pang atensyon sa mga ito ay magsisimula nating mapansin  na ang batawan ay sandigan  ng ating karanasan sa bawat sandali hindi mahalaga kung ano ang lumilitaw na nangyayari at kung bibigyan natin ng higit pang pansin ang likas na katangian ng batawan dito natin mapapagtanto na ang batawan ay ang pinaka-matalik na karanasan  ng kung ano ang ibig sabihin ng pangingibabaw ng kung ano ang ating sarili  sa bawat  sandali kaya ang kamalayan ay ang sandigan ng lahat ng pagkatao ito ang sandigan ng lahat ng ating mga karanasan sa bawat solong sandali at ito ang tunay nating pagka-tao.

Isa sa mga bagay na  kawili-wiling  mapansin at maunawaan tungkol sa kamalayan ay maraming mga tao sa kanyang buong buhay ay hindi pumansin sa sarili niyang kamalayan  dahil ang kanyang atensyon  ay palaging  nasa mga bagay ang pagtaas ng kamalayan at hindi kailanman sa saligan na nasa batawan  na kung saan siya  ay lumabas dahil maaari tayong mabuhay at hindi natin Makita at malaman ang tunay nating pagkatao  kaya ito ay  dapat maging isang pangunahing kahulugan kung ano ang ating kamalayan  ito  ang dapat maging sandigan  ng lahat ng tao pero may isa pang elemento ang kamalayan ito ay tinatawag nating malikhaing inspirasyon ang  rebolusyon ng malikhaing inspirasyon sa ebolusyon na  nagpapatawat gumigiit na dapat tayong maging kalmado kapag may
 dumating mula sa kawalan kagaya ng nilikha ng Diyos ang sanlibutan.

Kung maaari nating tawagin na ang Diyos ang enerhiya at  ang katalinuhan na pinag-simulan ng malikhaing proseso, ito   na ang mga palaso upang matulak  ang lakas ng loob at magkaroon ng malikhaing inspirasyon ito ang pinakamaganda at ang pinakamahusay na bahagi ng  bawat  isa  sa bawat  sandali  at ang isa pang aspeto ng kamalayan ay ang malikhaing aspeto ang bahagi na nasa atin upang lumikha ng isang mas mahusay na mundo at ito ang pinaka ulirang  mapusok na espiritwal na damdamin na lumalakas at  lahat tayo  sa ating  pinakamahusay na kaisipan na may kagustuhang Makita natin ang mas mahusay na paraan na likas sa ating pagiging malikhain.

Ang kamalayan ay isang kosmikong karanasan. Tayo ang mga mata at ang mga tainga ng sansinukob. Tayo ang tinig ng uniberso at kapag tayo ay tumitingin sa pamamagitan ng  ating mga mata ang uniberso ay tumitingin sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga mata kung  talagang maranasan natin  ng lubos  ang ating kamalayan ang ibang pagdama, persepsyon, ibang katalusan ang iba't ibang pakiramdam ang ibang kalooban ang ibang pag-uugali ang ibang mga sosyal na pakikipag-ugnayan sa ibang personal na relasyon ng ibang Paraan ng kahayagan ng kapaligiran ng iba't ibang pwersa ng kalikasan dahil ang ating kamalayan ay ang saligan  ng pagkatao  na magpapakita ng pagkakaiba sa lahat ng bagay na tinatawag nating katotohanan.

Kung ating malilikha itong kritikal na pagkilos na ito para makatulong sa mga tao. Makagawa ng serbisyo para sa lipunan at tayo ay magsama-sama para maabot ang punto sa mundo maaari nating mapahinto ang pangunahing sakuna na mangyayari sa ating sangkatauhan.

 Anumang nangyayari sa ating isip ay nangyayari sa ating utakAnumang  nangyayari sa ating utak ay nangyayari sa ating  katawan. At ang ating katawan ay magkasala-salabid. ang ating mga isip ay magkasa-salabid. At ngayon dumating na tayo sa mas malalim na antas, higit pa sa isip at katawan,  ang mahusay na espirituwal na mga tradisyon na tinatawag na ang kaluluwa o ang kaibuturan ng ating kamalayan, na lampas an sa ating isip at katawan.

Ang kaibuturan ng kamalayan ay ang pagkabatid at pagka-alam. Andoon  na siya, ng  ikaw ay isang sanggol, ng ikaw ay isang bata, ng ikaw ay lumaki na hanggang ngayon andoon siya sa iyo.At hindi ito nako-kondisyon ng mga karakter, ng mga pagsusuri, na,, kung gaano karaming pera mayroon ka. At ito ang tinatawag sa espirituwal na mga tradisyon bilang kaluluwa. At ang kamalayang ito dahil sa hindi ma kondisyon, ay isang lugar ng pagiging malikhain, may pananaw, may mabuting pasiya, imahinasyon, may tamang pagpili, kalayaan, mga posibilidad, at kawalan ng katiyakan.

Dahil sa paglaganap ng kawalan ng katiyakan, mayroong isang patuloy na proseso ng pagiging malikhain.
At ang mga mahusay na tradisyon ng karunungan ang nagsabi, na kung panghahawakan mo ito, makikita mo na ito - ang iyong tiket sa kalayaan.

Ang kamalayan ay batawan ng ating buhay,na iiba sa lahat ng bagay na tinatawag nating katotohanan, maging ito man ay sa personal na relasyon o panlipunan pakikipag-ugnayan o pagdama o katalusan o kapaligiran o kalagayan ng kaisipan at emosyon. At Kung makuha natin ang isang ideya ng lugar na ito ng kalayaan, tayo ay sabay-sabay na eepekto sa lahat ng bagay.

May tatlong bahagi ng tunay na buhay. Ang espiritu, kaisipan, at katawan, o ang tagamasid, ang proseso ng pagmamasid at ang minamasid. Lahat sila ay pareho pareho lamang. Lahat sila ay may isa lamang na pinagmulan: ang batawan ng dalisay na posibilidad na busilak ang hindi nya pa pagpapahayag.

Ang mga pisikal na batas ng sandaigdigan ay ang aktwal na kabuuang proseso ng dibinidad na paggalaw, o
ang kamalayan sa paggalaw. Kapag naiintindihan natin ang mga batas na ito at ilapat ang mga ito sa ating buhay, ang anumang gustohin natin ay maaaring malikha, dahil ang parehong mga batas na ginamit ng kalikasan upang lumikha ng isang gubat, o ng isang kalawakan,
o ng isang bituin, o  ng katawan ng isang tao ay maaari magdala sa atin na matupad pagtupad ang ating mga pinakamalalim na kagustuhan at mga pangarap.

Ngayon pag-aralan naman natin ang mga espiritwal na batas ng pagtatagumpay at Makita natin kung paano, ilalapat ito sa ating mga buhay.
Ang batas ng nakatagong lakas.


Ang pinagmulan ng lahat ng paglikha ay purong kamalayan, dalisay na posibilidad na naghahanap ng pagpapahayag mula sa
ang hindi nakikita patungo sa mga nakikita..
At kapag Napagtanto natin na ang ating tunay na sarili ay isang dalisay na posibilidad na may nakatagong lakas at kapangyarihan, tayo ay hahanay sa kapangyarihan na maghahayag ng lahat ng mga bagay sa sandaigdigan.

Ng pasimula, walang pagkakaroon
o ng di-pagkakaroon, ang sandaigidigan ay walang maipahayag o maipakitang enerhiya…ang isang hininga o kawalan ng hininga, sa pamamagitan ng sarili nitong kapangyarihan walang sinuman ang andoon.
Awit ng pagkakalikha…..

Ang batas ng espirituwal na tagumpay ay ang Batas ng Purong posibilidad. Ang batas na ito ay batay sa katotohanan na ang tunay nating estado ay ang purong kamalayan. Ang purong kamalayan ay ang purong posibilidad., ito ay ang patlang ng lahat ng posibilidad at walang katapusang pagkamalikhain.Ang purong kamalayan ay ang ating mga espirituwal na pinakadiwa. Ang pagiging walang katapusan at walang hanggan, ito rin ay purong kagalakan.

Ang iba pang mga katangian ng kamalayan ay ang purong kaalaman, walang katapusang  katahimikan, perpektong balanse, ang kakayahan upang hindi magapi, ang pagiging payak, at ang lubos na pagiging masayahin. Ito ang ating mahalagang kalikasan. Ang ating mahalagang kalikasan ay ang dalisay posibilidad at ang nakatagong lakas.

Kapag natuklasan mo ang iyong mahalagang kalikasan at alam mo ang tunay mong pagkatao, sa pagkakaalam mo lamang at sa tunay na pagkakakilala mo sa iyong sarili ay ang abilidad na matupad mo  ang anumang pangarap na mayroon ka, dahil ikaw ay  may walang hanggan posibilidad, ang
napakadakilang  potensyal na ikaw ang dati, ang ngayon at ang iyung ninanais.

Ang Batas ng Purong posibilidad ay maaari ring tawaging  batas ng kaisahan, dahil ang pinagbabatayan ng walang katapusang pagkakaiba-iba ng buhay ay ang pagkakaisa ng isang malaganap na espiritu. Walang paghihiwalay sa pagitan mo at patlang sa batawan ng enerhiya. Ang batawan  ng dalisay na posibilidad ay ang iyong Sarili. At habang nararanasan mo ang tunay mong kalikasan, lalo kang napapalapit sa batawan ng purong posibilidad.

Ang karanasan ng Sarili, o ang pagsangguni sa sarili,. ay nangangahulugan na ang ating panloob na punto ng reperensiya ay ang ating sariling espiritu, at hindi ang mga bagay ng ating karanasan.

Ang kabaligtaran ng pagsasangguni sa sarili ay ang pagsasagguni sa bagay.
Sa pagsasagguni sa bagay tayo ay naiimpluwensyahan sa pamamagitan ng mga bagay sa labas ng ating Sarili, ito ay kinabibilangan ng mga sitwasyon, ng mga pangyayari, ng mga tao, at ng mga bagay. Sa pagsasagguni sa bagay tayo lagi nating hinihingi ang pag-apruba ngiba. Ang ating pag-iisip at ang ating pag-uugali ay palaging sa umaasa sa kanilang tugon. Samakatuwid ito ay naka batay sa takot.

Sa pagsasagguni sa bagay nakakaramdam tayo ng matinding pangangailangan upang kontrolin ang mga bagay. Dama natin ang isang matinding pangangailangan para sa
panlabas na pagsang-ayon.. Ang pangangailangan para sa pagsang-ayon, ang pangangailangan upang kontrolin ang mga bagay, at ang pangangailangan para sa mga panlabas na kapangyarihan ang mga pangangailangang ito ay na naka-base sa takot. Ang ganitong uri ng kapangyarihan ay hindi ang kapangyarihang dalisay ng purong posibilidad,o ang kapangyarihan ng Sarili, o tunay na kapangyarihan.

Kapag narararanasan natin ang kapangyarihan ng Sarili, tayo ay walang takot, walang pamimilit upang makontrol, at walang pakikibaka para sa pagsang-ayon o panlabas na kapangyarihan.
Sa pagsasagguni sa bagay, ang iyong sinasangunian ay ang iyong pagkamakaako (ego). Ang Pagkamakaako, gayunpaman, ay hindi ang totoo mong sarili.

Ang Pagkamakaako ay ang iyong sariling-imahe, ito ay ang iyong maskarang sosyal, ito ang papel na iyung ginagampanan.
Ang iyong maskarang sosyal ay tumutubo sa pamamagitan ng kapangyarihan, dahil
nakatira ito sa takot.

Ang iyong tunay na sarili, na ang iyong espiritu, ang iyong kaluluwa, ay ganap na Malaya sa ng mga bagay na ito. ito ay hindi
tinatablan ng  mga pintas, ito ay walang takot sa  anumang hamon, at ito ay hindi nagpapailalim kaninuman.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento