DTEFs way of life is a guided way of life that seeks to maximize the benefits & blessings of the DIVINE HOLY TRINITY.Welcome brothers and sisters to the secret doors of the Divino third eye fellowship!!
Lunes, Oktubre 19, 2015
Sa sagradong Aklat na ito ang pag aaralan naman natin ay tungkol sa meditasyon, astral projection at premonisyon.
Sa sagradong Aklat na ito ang pag aaralan naman natin ay tungkol sa meditasyon, astral projection at premonisyon.
2 Corinto 12:
Mga Pangitain at mga Pahayag
1 Kailangan kong magmalaki, kahit na wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko naman ngayo'y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. 2 May kilala akong isang Cristiano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Hindi ko lang matiyak kung iyo'y isang pangitain lamang, o tunay na pangyayari; ang Diyos lamang ang nakakaalam. 3 Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari. 4 Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. 5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga kahinaan. 6 At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.
Ang meditasyon ay instrumento na nagbibigay-daan sa atin upang tumagos sa mga mas mataas na dimensyon at maka- punta sa superiyor na mundo. . Kaya ating dadalhin ang prosesong pang-kaisipan na iyon sa isang sandali ng pagtigil kapag sa wakas ay nakuha nating mapatigil ang pag-iisip iyon na ang punto kung saan ang esensiya ay makakawala at makakalaya.
Kapag ito ay nakawala at nakalaya iyon na ang estado na kilala bilang banal na nasa lubos na kaligayahan, ang mistical na estado, ang sagradong kupita ng meditasyon. Iyon ang lugar na kung saan ang esensiya ay lubhang tumatagos ng mataas sa superiyor na dimensyon upang mapuntahan natin lampas ang mundo ng astral, lampas sa mundo ng kaisipan at makapunta sa talagang mataas na estado ng pag-iral.
2 Corinto 4:
18 Kaya't ang paningin namin ay nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita. Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan ang mga bagay na di-nakikita.
Alam natin na maraming mga mas mataas na dimensyon na umiiral sa itaas natin. Ang kaisipan ay isang bilangguan ng esensiya at ng kamalayan. Ito ay isang bilangguan na nilikha ng ating mga sarili. Sa pamamagitan ng pag-kontrol sa kaisipan ng intelektwal na proseso at sa pamamagitan ng meditasyon ay maaari mong mabuwag ang bilangguan, maaaring maputol ang pagkakatali, alisin ang mga tanikala, putulin ang mga pabigat na nagpapanatili sa atin pababa sa pisikal na dimensyon at hanapin ang ating mga sarili na tumatagos sa mas mataas na mga dimensyon.
Sa pamamagitan ng meditasyon idagdag pa ang pag-gising sa esensiya matututo kang kontrolin ang iyong kaisipan. Kaya ang meditasyon ay isang paraan para sa atin upang gisingin ang esensiya o diwa, iyun ang dahilan kung bakit ang meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng matatalino. Ang araw-araw na meditasyon o ang regular na meditasyon ay nagbibigay-daan sa atin upang lumago at mabuo ang esensiya.
Iyon ang susi ng karanasan na sinusubukang makamit ng mga tao talaga lang na kakaiba itong deskribihin ngunit tulad ito ng isang maliit na patak ng tubig na inilagay pabalik sa dakilang karagatan. Ito ay tulad ng pagbubuklod pabalik sa dakilang karagatan at maging bahagi muli ng puwersang iyon.
O kaya nakita naman natin ang ating sarili tulad ng maliit na butil ng buhangin na inilagay pabalik sa dakilang dalampasigan. Kaya maaari na nating maramdaman ang lahat ng bagay sa ating paligid. Maaari tayong maging isa na pinag-sama sama sa buong sansinukob. Ito ay isang kakaibang karanasan; ito ay parang tulad ng kaisa ang lahat ng bagay, at tulad ng ang Diyos ay nasa lahat ng dako.
At sa pamamagitan ng lubos na kaligayahan sa pananampalataya maaari nating maranasan ang tulad nito. Ang buhay na pinagsasamasamang pabalik sa pinagmulan ng lahat ng bagay. Maaari nating gamitin ang meditasyon bilang isang pinto para tuklasin ang mas mataas na mga dimensyon tulad ng astral projeksyon ngunit maaari rin tayong pumunta sa banal na kopita ng meditasyon kung saan ito ang directang karanasan sa katotohanan.
Sila ay simpleng tumatagos sa talagang mataas patungo sa mas mataas na mga dimensyon na tinatawag na lampas sa astral lampas sa kaisipan lampas sa kaustikong kalagayan ganap na tumatagos ng malalim sa mas mataas na mga dimensyon.
Tanging kapag ang prodyektor, sa ibang salita ang "ako" ay ganap na wala saka mangyayari ang katahimikan na hindi isang produkto ng kaisipan. Ang katahimikan ay walang pagkaubos, hindi ito oras, ito ay hindi masusukat. Saka lamang darating ang karapat-dapat.
Ang prodjector ay ang ego na responsable para sa mga walang katapusang kadena ng pag-iisip, ng mga imahe at ng mga bagay na sumisiklab sa pamamagitan ng ating walang tigil na kaisipan.
Sa karamihan ng mga pag-aaral na kaugnay ng "ako" sa ego. Kapag ang ego ay maaaring lumiban saka lamang sasapitin ang ibang estado ng kamalayan, ang katahimikan na hindi produkto ng kaisipan.
Ang katahimikan ay walang pagkaubos, ito ay hindi oras, ito ay hindi masusukat. Tanging pagkatapos noon saka darating ang karapat dapat.
Na maaari natin tawaging persepsyon ng katotohanan o maaari natin tawaging realidad.
Ang ating kaisipan ay tulad ng isang kuwarto na puno ng mga taong sumisigaw para sa ating atensyon merong ilang libong mga tao sa silid at sa isang sulok ng kuwarto ay mayroong isang maliit na bata.
Iyong maliit na bata ay kumakatawan sa kamalayan at normal na hindi natin naririnig ang maliit na bata dahil ang mga tao ay sumisigaw. Gamit ang proseso ng meditasyon maaari nating isarado ang bawat isang tao sa kuwarto at maaari tayong tumuon sa kung ano ang gustong sabihin ng maliit na bata. Iyang Katahimikan ang magiging tinig ng mas mataas na sarili.
Ano ang layunin ng meditasyon? Ang meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng matalino. Tulad ng Panalangin ng Panginoon maaari nating makita ito bilang isang bagay na simple ngunit ito ay talagang mahirap unawaing panalangin. Bigyan kami sa araw na ito ng aming mga pang-araw-araw na tinapay.
Isa pang paraan ng pagtingin sa ating pang-araw-araw na tinapay sa sagradong kaalaman ay tumitingin tayo na ang meditasyon ay tulad ng pisikal na pagpapakain upang panatilihin ang lakas ng katawan kailangan natin ang iba't ibang mga uri ng pagpapakain upang panatilihing kumakain ang esensiya ng kamalayan. At ang pagpapakain ng pagkain sa esensiya at sa kamalayan ay ang meditasyon.
Ang meditasyon ay may lahat ng uri ng mga layunin at mga benepisyo mula sa isang pisikal na punto, ito ay kapaki-pakinabang sa pisikal at mental na pagpapahinga.
Makikita rin natin na ang meditasyon ay ginagamit bilang isang pinto upang galugarin ang mas mataas na mga dimensyon na kung saan maaari nating ma-puntahan ang iba't ibang mga estado ng kamalayan at makamit ang mas mataas na dimensyon.
Ito ay napaka-interesante dahil ngayon maraming ng sikologo at ang ilang mga medikal na propesyonal ang halos nag-rereseta ng meditasyon para sa iba't ibang mga sakit tulad ng stress at mataas na presyon ng dugo.
Pinapayagan tayo ng meditasyon na makakuha ng mas malawak na kamalayan para sa ating mga sarili at pag-aralan ang ating mga sarili ng higit pang matindi, na nagbibigay-daan sa atin upang pag-aralan pati na rin ang ating mga ego.
Sa proseso ng meditasyon pinapayagan tayong isara ang ego at makipag-komunikasyon ng higit pang mas mataas sa ating sarili. Pinapayagan tayong makarating sa isang iba't ibang mga pananaw na nasa loob ng ating sarili.
Maaari rin nating gamitin ang meditasyon upang makarating sa mas malalim na pag-unawa sa mga aral sa pamamagitan ng pagdadala ng kaalaman mula sa diwa sa kamalayan na kung saan maiintindihan natin ang totoong kahulugan.
Kapag binabasa mo ang bibliya at iba pang dakilang mga libro sa mundo hindi sila isinulat para sa isang tiyak na ayos, hindi sila sinadyang literal na maintindihan.
Maraming mga problema sa daigdig dahil may mga taong nagtatakang kunin ang dakilang mga aral sa bibliya at pagkatapos ay magbibigay sila ng pansariling literal na interpretasyon. Kukumbinsihin ang mga nakikinig na ang paliwanag niya kasama ang paglipat lipat sa mga kabanata ang pinaka-tama.
Ang paraan ng pagkakasulat ng mga dakilang aklat na ito ay para sadyang lagpasan ang intelektwal at makipag-usap ng direkta sa kamalayan.
Sa pamamagitan ng pag-meditate sa iba't-ibang berso o mga kabanata o seksyon ng mga dakilang aklat sa mundo makakayang sipsipin ng ating kamalayan sa paraan ng pagkakasulat ng mga impormasyon sa libro at marating ang iba't ibang mga kahulugan ng makarating sa mas malalim na pang-unawa.
Karamihan ng mga pinakadakilang aklat sa mundo ay simpleng hindi ginawa upang mabasa ng tulad ng nobela, sila ay nakalaan lamang upang imeditasyon.
Sila ay nakalaan lamang para basahin, ang mga berso o ang mga kabanata sa isang pagkakataon at pagkatapos ay magpapalipas ng oras ng pagmumuni-muni, imemeditasyon upang makarating sa totoong kahulugan at kukunin ang kaalaman at isasama ito sa ating kamalayan sa pamamagitan ng paglagos sa intelek at magbibigay-daan sa aklat upang direktang makipag-usap sa ating kamalayan .
Habang ang ating ego ay aktibo ang mangyayari kapag binabasa natin ang isang aklat tulad ng bibliya. Itong ego ang nagbibigay-kahulugan kaya ang resulta ay ang sariling isip natin ang nagbibigay ng kahulugan.
Ang gusto nating mangyari ay lampasan ang mga intelek at dalhin ang kaalaman direkta sa kamalayan. Ang kaalaman ay maging bahagi ng iba't ibang mga antas. Ang meditasyon ay isang kapaki-pakinabang na kasangkapan para doon.
Isa sa mahalagang bagay na sinusubukan ng mga tao na makamit sa pamamagitan ng meditasyon ay maranasan ang relihiyosong kaligayahan, o ang karanasan ng katotohanan.
Maaari nating gamitin ang meditasyon bilang isang pinto para tuklasin ang mas mataas na mga dimensyon tulad ng astral projeksyon ngunit maaari rin tayong pumunta sa banal na kupita ng meditasyon kung saan ito ang direct karanasan ng katotohanan. Sila ay simpleng tumatagos ng mataas sa mas mataas na mga dimensyon na tinatawag na lagpas sa astral, lagpas sa kaisipan, lagpas sa kaustik na antas tumatagos ng malalim sa mas mataas na mga dimensyon.
Ezekiel 1: 1-28
Ang Pangitain Tungkol sa Kaluwalhatian ng Diyos
1 Akong si Ezekiel ay isa sa mga dinalang-bihag sa baybay ng Ilog Kebar. Noong ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, nabuksan ang langit at isang pangitain mula sa Diyos ang aking nakita. 2 Ikalimang araw noon ng ikaapat na buwan ng ikalimang taon ng pagkatapon kay Haring Jehoiakin. 3 Ako na isang pari at anak ni Buzi ay nasa Babilonia sa baybayin ng Ilog Kebar nang magpahayag sa akin si Yahweh.
4 Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. 5 Sa sentro ng bagyong ito, may apat na nilalang na buhay na anyong tao. 6 Sila'y may tig-aapat na mukha at pakpak. 7 Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. 8 Nasa ilalim ng kanilang mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. 9 Magkakadikit ang kanilang mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila kahit saan. 10 Sa harap, mukha silang tao. Sa kanang tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang toro at mukhang agila sa likuran. 11 Ang tig-dalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at magkaabot ang dulo. Ang tig-dalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan. 12 Hindi na nga sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap sila sa lahat ng dako. 13 Sa gitna nila ay may naglalagablab na apoy na parang sulo, at nagpapalipat-lipat sa apat na nilalang na buhay. Maningning ang liwanag niyon at pinagmumulan ng kidlat. 14 Ang apat na nilalang ay nagpaparoo't paritong simbilis ng kidlat.
15 Nang tingnan kong muli ang apat na nilalang, may nakita akong tig-isang gulong sa tabi nila. 16 Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa. 17 Ang mga ito'y hindi na kailangang ipihit saanman ito gustong pagulungin pagkat nakaharap kahit saan. 18 Ang bawat gulong ay puno ng mga mata sa palibot. 19 Paglakad ng apat na nilalang, kasunod ang mga gulong. Kapag sila'y tumaas, tumataas din ang mga gulong. 20 Saanman gumawi ang apat na nilalang ay kasunod ang apat na gulong pagkat ang apat na nilalang ang nagpapagalaw sa apat na gulong. 21 Kaya paglakad ng apat na nilalang, lakad din ang mga gulong. Pagtigil naman, tigil din sila. Pagtaas, taas din sila. Anuman ang gawin ng apat na nilalang ay ginagawa ng apat na gulong.
22 Sa ulunan ng apat na nilalang, naroon ang isang bubungang tila kristal. 23 Sa ilalim nito'y magkakaabot na nakabuka ang tigalawang pakpak ng apat na nilalang, at ang tigalawa'y nakatakip sa kanilang katawan. 24 Nang sila'y lumipad, parang lagaslas ng malaking baha ang dinig ko sa pagaspas ng kanilang mga pakpak; parang ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan, parang ragasa ng isang malaking hukbo. Nang sila'y tumigil, ibinaba nila ang kanilang mga pakpak. 25 At mula sa ibabaw ng bubungan, narinig ang isang malakas na tinig. Nang tumigil nga ng paglipad ang apat na nilalang, binayaan nilang nakalaylay ang kanilang mga pakpak.
26 Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may nakaupong parang isang tao. 27 Mula sa baywang nito pataas ay may nagniningning na tila makinis na tanso. Sa ibaba naman ay may nakapalibot na apoy na nakakasilaw, 28 na ang kulay ay parang bahaghari.
Ganyan ang katulad ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, ako'y nagpatirapa, at may narinig akong tinig.
Iyan ang susi ng karanasan na tinatangka ng mga tao na makamit. Ito ay kakaibang bagay upang ilarawan ngunit ito ay tulad ng isang maliit na patak nainilagay sa dakilang karagatan. Ito ay tulad pagbubuklod pabalik sa napakalawak na karagatan at maging bahagi muli ng puwersang iyon. O kaya naman nakita natin ang ating sarili na katulad ng maliit na butil ng buhangin na idedepositong pabalik sa isang kahanga hangang dalampasigan. Kaya maaaring maramdaman ang lahat ng bagay sa paligid natin. Maaari tayong maging isang isinama sa buong uniberso.
Ito ay isang kakaibang karanasan, ito ay maaaring itulad na ang isa ay nasa lahat ng bagay tulad ng Diyos ay nasa lahat ng dako at nasa lahat ng bagay. At sa pamamagitan ng relihiyon sa lubos na pagkalugod maaari nating maranasan ng kung ano ang katulad. Ang buhay na isinama pabalik sa pinagmulan ng lahat ng bagay.
Ezekiel 8: 1-18
Ang Pangitain Tungkol sa Kasuklam-suklam na Gawain ng Israel
1 Ikalimang araw ng ikaanim na buwan ng ikaanim na taon. Kaharap ko noon sa aming bahay ang pinuno ng Juda nang ako'y lukuban ng kapangyarihan ng Panginoong Yahweh. 2 Nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong parang tao. Ang ibaba ng kanyang baywang ay parang apoy at sa itaas ay maningning na parang makinis na tanso. 3 Nakita kong iniunat ang tila kamay. Hinawakan ako nito sa buhok at itinaas sa kalagitnaan ng langit at ng lupa. Dinala ako sa Jerusalem, sa pagpasok sa patyo, sa gawing hilaga, sa may kinalalagyan ng rebulto na naging dahilan ng paninibugho ni Yahweh. 4 At naroon ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, tulad ng nakita ko sa pangitain sa kapatagan.
5 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, tumingin ka sa gawing hilaga." Tumingin nga ako at sa pagpasok sa altar ay nakita ko ang diyus-diyosang sanhi ng kanyang paninibugho. 6 Sinabi niya sa akin, "Nakita mo na ang kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng bayang Israel upang ako'y palayasin sa aking santuwaryo? Higit pa riyan ang ipapakita ko sa iyo."
7 At dinala niya ako sa may pinto ng patyo. Ang nakita ko'y isang butas sa pader. 8 Sinabi niya sa akin, "Lakihan mo ang butas ng pader." Gayon nga ang ginawa ko at may nakita akong pinto. 9 Sinabi niya sa akin, "Pumasok ka at tingnan mo ang kasuklam-suklam nilang gawain." 10 Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakakapandiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyosan ng Israel. 11 Sa harap ng mga ito, nakatayo ang pitumpung matatanda ng Israel sa pangunguna ni Jaazanias na anak ni Safan. Bawat isa'y nagsusunog ng insenso. 12 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon sapagkat wala ako roon. 13 Masahol pa riyan ang makikita mo."
14 Dinala niya ako sa pintuan sa hilaga ng pagpasok sa Templo, at doo'y may mga babaing nananangis para kay Tamuz. 15 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Masahol pa riyan ang makikita mo."
16 Dinala niya ako sa patyo sa loob ng Templo. Sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may nakita akong mga dalawampu't limang tao. Nakatalikod sila sa Templo, nakaharap sa silangan at sumasamba sa araw. 17 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Maliit na bagay ba ang ginagawa ng sambahayan ng Juda na punuin ng karahasan ang buong lupain? Lalo lang nila akong ginagalit sa ginagawa nilang iyan. 18 Kaya nga, paparusahan ko sila. Wala akong patatawarin ni isa man sa kanila. Dumaing man sila sa akin, hindi ko sila diringgin."
Ano ang layunin ng meditasyon?
Ang meditasyon sa isang pangunahing antas ay nagsisilbing magpatahimik ng panloob na pakikipagdaldalan na sanhi ng ego at iyon ang iyong pinakamalaking hamon. Ang meditasyon ay simpleng pagpapatahimik ng kaisipan. Hindi mo maaaring mapatahimik ang iyong kaisipan hanggang sa hindi mo aktwal na subukang gawin ito.
At gamit ang mga diskarte sa meditasyon, ito ay talagang isang instrumento para lamang sa konsentrasyon. Ang buong layunin ng konsentrasyon ay gumawa ng kontrol sa intelektwal na proseso. Upang mapatahimik ang walang katapusang tren ng mga pag-iisip na dumadating sa isang iba't ibang mga estado ng diwa, at ng ibang mga estado ng kamalayan.
Kapag pinatahimik natin ang ating kalooban parehas iyan sa hindi pagkilala sa mga pag-iisip ng ego magagawa nating hindi manatili sa na-aantok na estado. Tinalakay natin ang 3 mga proseso ng estado ang pagkakakilanlan, pagkahalina at pagkatapos ay ang pagtulog.
Ang ego ay nagpapasok ng mga iisipin o ng mga imahe sa ating kaisipan at nakikilala natin sila na nagiging isang distraksyon pagkatapos magsisimula tayong mahalina kaya nag-iisip tayo tungkol dito, magpapantasya tayo, mangangarap tayo, magpaplano tayo ng buong oras ang proseso ay nangyayari ang kamalayan ay mahihimbing na at nakakatulog.
Ang pagkilala, pagkahalina, at ang pagtulog. Ang lahat ng mga pag-iisip ang mga imahe na nakikita ay hindi pinipili ng iyong kaisipan sila ay kumikilos bilang isang distraksyon.
Nakipagkilala ka sa kanila na magdudulot sa iyong mahalina sa kanila. Kapag nahalina ka sa kanila ikaw ay tinanggal mula sa kasalukuyan sandali. Ikaw ay tinanggal palabas mula sa walang hanggang sandali. Makikita mo ang iyong sarili pabalik sa nakaraan, binubuhay ang iyong memorya at nakalipas na karanasan o nakita mo ang iyong sarili nalubak sa hinaharap.
Tumatanggi, nangangarap, nagpaplano at nagmumuni-muni sa parehong bagay na maaaring mangyari. Ang buong panahon na nagaganap iyon ang iyong kamalayan ay mahimbing na natutulog.
At ang buong landas patungo sa pag-gising ng kamalayan ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung paano i-sarado ang ego.
Ang hindi pagtulog ay katumbas ng estado ng gising na kamalayan at iyon ang sinusubukan nating makamit. Upang gisingin ang kamalayan kailangan nating alisin ang tinatawag nating walang pagtulog na estado ang ego ang hindi totoong sarili. Ang kamalayan ay kumakatawan sa tunay na sarili, ang mas mataas na sarili. Kailangan nating isara ang ego upang direktang gumana sa ating kamalayan.
Kaya sa kabalintunaan ang meditasyon kahit na ito ay payapa at nakakarelaks sa pisikal na katawan minsan sa ilang sandali tayo ay bumababa sa estado ng pagtulog. Tayo ay talagang gumigising ng kamalayan sa pamamagitan ng meditasyon.
Ang tatlong hakbang na proseso, pagkilala, pagkahalina at pagtulog. Ang karapat-dapat sa panahon ng meditasyon ay hindi tayo dapat makipagkilala sa ating naiisip at sa mga imahe na inilalabas ng ating iniisip.
Gusto nating makita ang mga iniisip at mga imahe tulad ng mga sasakyan sa kalye, sila ay simpleng lumalampas sa atin hindi tayo nakikipagkilala sa kanila. Tulad ng ulap na naaanod ng kalangitan.
Karaniwan ang nangyayari habang nakikita nating dumadaan ang mga kotse sa isang normal na estado ng pag-iisip ay upang kilalanin ang isa sa mga kotse buksan ito sumakay sa loob at pumayag tayong isama sa biyahe. Hayaan ang ego ang magdala sa atin sa isang lugar sa nakaraan o sa hinaharap ngunit aalisin tayo mula sa kasalukuyan sandali.
Ang gusto nating gawin ay simpleng pabayaang dumaan ang kotse ng walang pagkilala sa kanila. Sa pamamagitan ng pagpapanatili ng ating konsentrasyon sa pamamagitan ng pagpapanatili sa ating pocus sa anumang mga kasanayan ito ay kusang mangyayari at makukuha nating makarating sa mataas nating pagkakalikha.
Sinabi ng isang Dtef master na ang pinaka-mataas na paraan ng pag-iisip ay ang hindi pag-iisip. Ang pinaka-mataas na porma ng pag-iisip ay ang walang iniisip. At ito ay tunay na isang kakaibang bagay upang ilarawan dahil marami tayong iniisip na pumupunta sa ating kaisipan. Maaaring ipagpalagay natin ang mga emosyon at mga imahe na lumilipad sa ating mga isip sa isang ibinigay na oras na talagang mahirap na isipin kung ano itong walang iniisip.
Mateo 6:
31 "Kaya't huwag kayong mag-isip baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Pahayag 19:
9 At sinabi sa akin ng anghel, "Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero." Idinugtong pa niya, "Ito ay tunay na mga salita ng Diyos."
10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!"
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
11 Pagkaraan nito'y nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y tinawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata, at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon. 13 Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag sa kanya ay "Salita ng Diyos." 14 Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15 May matalim na tabak na lumabas sa kanyang bibig upang gamitin niyang panlupig sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: "Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon."
17 Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya ang mga ibon sa himpapawid, "Halikayo, at magkatipon sa malaking handaan ng Diyos! 18 Kainin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!"
19 At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo nito. 20 Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buhay sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre. 21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.
Nakatatawa kung ating iisipin ang isang estado ng walang iniisip. Parang nakakainip doon. Parang walang mangyayari doon. Pero sa totoo ito ay eksaktong kabaligtaran, kapag nagagawa nating isara ang proseso ng pag-iisip maaari nating matuklasan ang ibang bagay na matagal ng nandoon sa likuran na hindi natin napapansin.
Ito ay isang higit na mas mataas na estado ng pag-iral o pagkakalikha. Ito ay higit na mas mataas na estado ng kamalayan. Ang pinaka-mataas na estado ng bagay ay nangyayari kapag sinarado natin ang intelektwal na sentro.
Kapag sinarado natin ang ego na patuloy na nagpapadala ng lahat ng mga iniisip at mga imahe sa tabing ng ating mga kaisipan. Kapag maaari nating isara ang mga ito maaari nating maranasan ang mas mataas na estado ng ating pagkatao, ang mas mataas na porma ng kamalayan.
Mayroong koneksyon sa pagitan ng meditasyon at ng ego na ating galugarin. Kapag nakamit natin ang hindi pag-iisip at katahimikan ng kaisipan doon ang ego ay nagiging wala. Kapag pinatahimik natin ang kaisipan talagang ang sinasabi ay isarado ang pang-labas ng ego, patahimikin ang ego o payagan ang kamalayan na kumuha ng kontrol sa intelektwal na sentro.
Karaniwan ang kaisipan ang intelektwal na sentro ay isang kasangkapan ng ego na lumilikha ng halos sa 30-40,000 na mga pag-iisip ng isang karaniwang tao na nararanasan sa loob ng isang araw.
Ang gusto nating gawin ay maibalik ang kontrol sa intelektwal na sentro at ibigay ito sa kamalayan upang makamit ang iba't ibang mga estado ng kamalayan.
Kapag makamit natin ang hindi pag-galaw at katahimikan ng kaisipan na ang ibig sabihin kapag hininto natin ang pagkilala sa ego at ating isa-aktibo ang kamalayan doon makakamit natin ang iba't ibang mga estado na kung ano ang sinusubukan nating gawin sa meditasyon.
Tanging sa kawalan ng ego makakayang makaranas ng lubos na kaligayahan at ng tunay na kapayapaan. Tanging sa kawalan ng ego lamang maaaring nating maranasan ang tunay at totoo. Tanging sa kawalan ng ego lamang maaaring nating maranasan ang katotohanan. Iyon ang isang bagay na dapat nating marating sa loob ng ating sariling kamalayan.
Iyon ang dahilan kung bakit hindi natin makokontrol kung ano ang katotohanan, iyon ang dahilan kung bakit hindi natin maaaring makita kung paano makarating sa katotohanan ito ay isang bagay na kailangan nating gawin sa ating sarili dahil ang ego ay kailangang maging wala.
Kailangan mong matutunang isarado ang iyong ego para direktang gumana sa iyong kamalayan. Dahil sa kamalayan lamang tayo pwedeng makarating at maranasan ang tunay na kapayapaan. Mararamdam mo ang pakiramdam ng katiwasayan ng pag-ibig at lubos na kaligayahan.
Sa kawalan lamang ng ego o pagpapahalaga sa sarili maaari nating maunawaan ang realidad, maaari nating maintindihan ang katotohanan.
Kapag ang ego ay wala ang esensiya natin ay maaaring makawala at pasukin ang superior o mas mataas na mundo.
Kapag ang isip ay nasa isang walang kibong estado at nasa estado ng pagtanggap, ganap na hindi kumikibo at nasa katahimikan ang esensiya ay nakakalaya mula sa kaisipan at saka dumarating ang lubos na kaligayahan.
Naalala mo ba ang kuwento ni Aladdin at ang lampara. Noong makita ni Aladdin ang lampara at hagurin niya ito ang mahiwagang nilikha ang genie sumiklab palabas.
Tandaan na ito ay analohiya lamang ang relasyon sa pagitan ng mga mas mataas na sarili, ang kaluluwa, ang kamalayan. Ang mga ito talaga ay nangangahulugan ng parehong mga bagay at ang ego.
Ang lahat ng mga iba't-ibang ego na nabitag natin sa ating kamalayan ay nakabitag din sa banal na kislap na nasa loob natin. Ang ginagawa natin sa pamamagitan ng meditasyon ay ang isarado ang mga ego para payagan natin ang esensiya na makalaya. Iyon ay tulad ni Aladdin ng hinahagod ang lampara.
Ang paghagod ni Aladdin sa lampara ay analohiya para sa meditasyon ang nangyayari ay ang mahiwagang nilikha ay lumalabas sa lampara, ang lampara ay kumakatawan sa presensiya ng ego ang mahiwagang nilikha ang genie ay kumakatawan sa esensiya para sa kamalayan.
Ang ego ay katulad ng isang bigat, o isang kadena o isang angkla na nagpapanatili sa esensiya na nakatali sa pisikal na kalagayan kapag natutunan nating mapatahimik ang isip kapag natuto tayong i-sarado ang ego, ang esensiya ay maaari palayain ang kanyang sarili at ang una ang esensiya ay nagagawang sumanib sa kanyang sarili pabalik sa mas mataas na mga dimensyon.
At ito ay isang proseso na tayo ay ganap na may kaalaman. Alam natin kapag ito ay nangyayari, alam natin kapag iniwanan natin ang ating katawan at tumagos sa iba't ibang estado ng kamalayan. Kapag pumunta tayo sa mas mataas na dimensyon matututunan natin ang mga bagay, maaari tayong makatanggap ng mga mensahe na maaari nating magawa doon pagkatapos tayo ay bumabalik pabalik sa pisikal na katawan pinapanatili natin ang memorya ng lahat ng bagay na nakita natin, natutunan, at ginawa, matapos tayong makalabas doon.
Kaya kapag sinarado natin ang ego, pinapayagan natin ang esensiya na makalaya mismo at pumunta sa isang iba't ibang mga estado, patataasin ang ating sarili sa ibang antas ng kamalayan.
Kapag ang kaisipan ay tahimik at nasa estado ng pag-tanggap, alam natin na nangangahulugan ito na hindi reaktibo ang ego. Ang normal na estado ng kamalayan ay napaka-reaktibo sa pamamagitan ng pagpapatahimik ng kaisipan para makapagtrabaho kasama ang kamalayan ay dapat na tahimik at tumatanggap, hindi ito reaktibo tulad ng nakikita sa ego ganap na hindi kumikilos at nasa katahimikan ang esensiya ay nakakalaya mula sa isip at ang lubos na kaligayahan ay lumabas. Ang lubos na kaligayahan ay ang karanasan ang esensiya na sumasanib mismo sa mas mataas na mga dimensyon.
Ang meditasyon ay isang estado ng walang iniisip. Ito ang tanging paraan upang gisingin ang esensiya, ito ang tanging paraan upang palayain ang esensiya. Ito ay tulad ng isang pag-eehersisyo para sa esensiya, ang esensiya ay kapareho ng kamalayan, ang parehong bagay ng mas mataas sa sarili, parehong bagay ng banal na kislap, parehong bagay sa kaluluwa kaya maraming mga salita upang ilarawan ang parehong karanasan.
Kaya ang meditasyon ay isang paraan para sa atin upang gisingin ang esensiya, ito ang dahilan kung bakit ang meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng matalino. Ang meditasyon araw-araw o ang regular na meditasyon ay nagbibigay-daan sa atin upang mapalago at mapaunlad pati ang ating esensiya.
Ang esensiya ay kilala rin bilang kamalayan. Kaya ang kamalayan, esensiya, mas mataas sa sarili, banal na kislap, kaluluwa, tanging ang ibig sabihin nito ay ang parehong bagay. Mayroong iba't ibang mga kultura sa buong mundo kung saan inilarawan ang prinsipyo na makikita sa loob natin sa iba’t ibang paraan. Maaari mong isipin na ito bilang puwersa ng buhay sa likod ng lahat ng bagay . Maaari mong isipin na ito bilang karikatura ng punong-guro. Ito ay nangangahulugan ng parehong mga bagay.
Para tayo ay mamalagi kinakailangan nating humugot ng enerhiya mula sa isang mas mataas na lugar, ang enerhiya mula sa isang mas mataas na lugar ay ang esensiya. Ito ang koneksyon na mayroon tayo sa mga banal. Ito ay ang koneksyon na mayroon tayo ng kahit anupaman ang lumikha ng uniberso. Ang pinagmulang punto ng lahat ng bagay.
Sa pamamagitan ng meditasyon idagdag pa ang pag-gising ng esensiya matututo kang i-kontrol pati na rin ang iyong kaisipan. At iyon ang problema na mayroon tayo sa ating kaisipan sa ngayon kapag ito ay nagiging kasangkapan ng ego, ito ay isang bagay na wala tayong kontrol. Natatagpuan nating mahirap na kontrolin ang intelektwal na proseso.
Ito ay talagang mahirap pahintuin ang walang katapusang prosesyon ng mga pag-iisip. Kung ikaw ay halimbawa isang mapag-alala tao talaga mahirap na pahintuin ang pagbigyan ang meditasyon dapat tayong matutong kontrolin ang ating pag-iisip at simulan mangibabaw dito.
Ang pagkakaroon ng kontrol sa ating kaisipan, ang mental na kumokontrol ay nagpapahintulot sa atin ikadena ito na nililikha ng isip.
Ang isipan ay isang bilangguan sa esensiya at ng kamalayan. Ito ay isang bilangguan na nilikha ng ating mga sarili. Sa pamamagitan ng mental na kontrol sa intelektwal na proseso sa pamamagitan ng paggamit ng meditasyon maaari mong sirain ang bilangguan, maaari nating putulin ang matinding mga relasyon, alisin ang mga kadena, putulin ang bigat na nagpapanatili sa atin pababa sa pisikal na dimensyon at makita ang ating mga sariling tumagos sa mas mataas na mga dimensyon.
Upang makakuha ng kaalaman at karanasan na naghihintay sa atin doon sa itaas.
Kapag ang pag-iisip ay nasa ilalim ng control, ang iluminasyon ay kusang loob na dumarating. Ito ay isang simpleng pangungusap ngunit mayroong mahalagang bagay na dapat maunawaan dito.
Kapag inisip natin ang meditasyon iniisip nating subukang mailagay ang ating mga sarili sa mas mataas na mga dimensyon, ang meditasyon ay simpleng kontrolin ang intelektwal na sentro.
Ang ating trabaho, ang ating gawain ay mapatahimik ang pag-iisip, sa sandaling ang pag-iisip ay lubos na tahimik doon ang iba't ibang mga estado ng kamalayan ay awtomatikong dumarating dahil palagi itong andoon hindi mo lang magawang pansinin ito dahil sa lahat ingay na nasa likuran.
Tulad ng isang bata sa loob ng isang kuwarto na may isang daang tao na nakikipag-usap sa iyo ang maliit na bata ay nagsasalita ng buong oras hindi mo lamang marinig, kung patatahimikin natin ang lahat ng tao sa kuwarto saka maaari na nating marinig ang bata.
Hindi natin magagawang magsalita ng malakas ang bata kailangan nating patahimikin ang lahat ng mga tao sa kuwarto para tumutok sa kung ano ang laging naroon.
Ang meditasyon ay parehong uri ng isang bagay kung lalapitan natin ito sa parehong paraan na ito. Trabaho natin ang makakuha ng kontrol sa intelektwal na proseso, trabaho natin ang patahimikin ang isip.
Sa sandaling ang isip ay nasa walang kibong tumatanggap na estado saka ang pag-aalis at ang esensiya ay makakalabas ng kusa. Wala na tayong dapat gawin kung hindi pakawalan ang esensiya. Wala na tayong dapat gawin upang maranasan ang pag-aalis, ito ay sa sarili nitong pagkukusa basta patahimikin natin ang ating pag-iisip.
Kaya hindi natin dapat ilagay ang ating sarili sa mas mataas na mga dimensyon wala na tayong aktwal na dapat gawin. Ang dapat nating gawin ay matutong patahimikin ang isip iyan ang unang hakbang patahimikin ang isip sa pamamagitan ng konsentrasyon.
Kailangan nating palakasin ang ating konsentrasyon dahil sa pamamagitan ng konsentrasyon makukuha nating ikontrol ang intelektwal na proseso sa sandaling dalhin natin ang ating mga sarili sa antas na kung saan maaari tayong mag-pokus at manatilihing konsentrated para sa pinalawig na tagal ng panahon saka kusang aalis para makipagkaisa.
Ang ating kaisipan ay isang bilanggo- kailangan tayong mangibabaw sa ating isip kung gusto nating maging independiente rito. Sa kasamaang-palad tayo ay nahuhulog sa ganitong uri ng bitag kapag iniisip natin na ang ating kaisipan ang kumokontrol sa atin, ang mga naiisip, ang mga damdamin sa mga bagay na nalikha ang lahat ay tila mula sa labas natin at iyon ay isang bagay na mukhang wala tayong control.
Iyon ang dahilan kung bakit minsan tayo ay mayroon kondisyong nagbabago. Kailangang tingnan natin ito sa ganitong paraan ang isip ay nasa bilangguan wari bang nais na makawala kailangan natin matutunang dominahin ito at ang susi para dominahin ang isip ay simpling pwersa ng kalooban o will power, ang lakas at will power ay nangangailangan ng pagsasanay upang matutong ma- kontrol ang ating isip.
Katulad ito ng kung nais mong matutong tumugtog ng piano kailangan mo ng willpower para aktuwal na matutunan at pagkatapos ay mag-uumpisa sa kasanayan. Anuman ang kadalubhasahan na gusto mong makuha ito ay isang bagay ng willpower at tiyaga upang makarating sa iyong layunin.
Kontrolin ang isip ay pareho niyan. Ito ay isang bagay na maaaring gawin ninuman na nagnanais na magsakripisyo ng oras upang matuto nang ilang mga diskarte at magtiyaga sa mga pagpraktis upang umunlad sa mga diskarte.
Ito ang simbolismo sa likod ni Jesus ng nakasakay siya papuntang Jerusalem sa isang donkey sa Linggo ng Palaspas. Kung titingnan ang kuwento sa bibliya na si Jesus ay nakasakay sa donkey papuntang Jerusalem noong Linggo ng palaspas at makikita natin ang ilang mahahalagang simbolismo dito. Ang donkey ay palaging isang sinaunang simbolo para sa kaisipan dahil ang donkey ay palaging maling kumikilos at hindi ginagawa kung ano ang iniuutos sa kanya, iyon ay ang parehong bagay sa pag-iisip.
Juan 12:
Ang Matagumpay na Pagpasok sa Jerusalem
(Mateo 21:1-11) (Marcos 11:1-11)(Lucas 19:28-40)
12 Kinabukasan, nabalitaan ng maraming taong dumalo sa pista na si Jesus ay papunta sa Jerusalem. 13 Kumuha sila ng mga palapa ng palmera, at lumabas sila sa lunsod upang siya'y salubungin. Sila'y sumisigaw, Purihin ang Diyos. a Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon! Purihin ang Hari ng Israel!
14 Nakakita si Jesus ng isang batang asno at sinakyan niya ito, gaya ng nasusulat,
15 Huwag kang matakot, lunsod ng Zion!
Masdan mo, dumarating na ang iyong hari,
nakasakay sa isang batang asno!
16 Hindi ito naunawaan noon ng kanyang mga alagad. Ngunit matapos na si Jesus ay muling mabuhay at maluwalhati, naalala nilang ganoon nga ang sinasabi sa kasulatan tungkol sa kanya, kaya't gayon nga ang nangyari.
17 Ipinamamalita naman ng mga taong kasama ni Jesus ang ginawa niyang muling pagbuhay kay Lazaro. 18 At iyon ang dahilan kaya siya sinalubong ng napakaraming tao, nabalitaan nila ang himalang ginawa niya.
19 Kaya't nasabi ng mga Pariseo, Walang nangyayari sa pagsisikap natin. Tingnan ninyo, sumusunod pa rin sa kanya ang lahat!
Si Jesus na nakasakay sa asno o donkey ay isang representasyon ng pag-kontrol sa kapangyarihan ng kalooban o will power. Ang Jerusalem ay kumakatawan sa superior na mundo ang mas mataas na dimensyon.
Kaya kailangan nating sundin ang halimbawa ni Jesus. Siya ay ang maestro sa kasong iyon ang kamalayan na nakasakay sa asno papunta sa mas mataas na dimensyon iyan ang gusto nating gawin sa meditasyon kontrolin ang asno at sumakay ito sa ating sariling Jerusalem ang superior na mundo.
Sa kasamaang palad ang karamihan sa mga oras ang ating asno ang sumasakay sa atin hindi tayo nahahatid sa tamang pupuntahan, palaging tumatakbo sa paligid ng paikot ikot lamang. Ito ay isang bagay na dapat nating isipin kung titingnan mo ito mula sa perspektibong ito ang ating nakikita ay si Jesus sa paglalarawan ng kahalagahan ng isip, ang pag-kontrol sa intelektwal na sentro kung kinokontrol mo ang intelektwal na sentro saka maaari mong idiretcho ang iyong sarili tungo sa superior na mundo, ang mas mataas na dimensyon.
At sa kasamaang-palad karamihan sa atin normal na ang ating asno ay tumatakbo sa paligid tumatawa nakasakay sa atin maraming mababang mga asno sa lahat ng dako. Ang asno ang kumakatawan sa intelektwal na sentro at kinokontrol nila ang ego ang huwad na sarili, ang ako.
Meditasyon at ego
Sa pamamagitan ng meditasyon maaari nating maalis ang ating ego. Ang meditasyon ay nagiging isang malakas na kasangkapan sa pag-aalis ng ego.
Maaari tayong magmeditate sa isang tiyak na sikolohikal na depekto matutuklasan natin sa pamamagitan ng pansariling-pagmamasid upang lubos na maintindihan ang depekto.
Sabihin nating nakita mo ang iyong sarili sa isang sitwasyon na kung saan ikaw ay nagtatrabaho sa iyong sariling pagmamasid at tinutuklas mo ang ego ng galit sa isang sitwasyon. At ano ang maaari mong gawin sa ilang mga punto ay nangyayari sa isang estado ng meditasyon at pag-aralan ang ego ng galit, pag-aralan ang manipestasyon nito sa iyo.
Dalhin ang kaalaman ng galit sa ibang lebel tulad ng sa pag-aaral ng mga dakilang aklat sa mundo at hindi tayo simpleng nagbabasa ng mga ito ngunit menimeditate natin sila upang matutuhan ng ganap ang kaalamang iyon.
Pinag-uusapan natin ang isang bagay na katulad nito sa paghahanap ng isang sitwasyon na kung saan marahil ay isang bagay na hindi kaaya-aya na kung saan tayo ay talagang nagalit nawala at naka-likha ng problema at natapos ang isang relasyon maaari tayong pumunta sa meditasyon at pag-aralan ang ego. Pag-aralan kung bakit natin nagawa ang mga bagay na ginawa natin o sinabi ang mga bagay na sinabi.
At talagang dalhin ang kaalaman ang ego sa isang mas malalim na lebel dahil madalas sa isang tiyak na sitwasyon kapag tinitingnan natin ang mga ito at tila ito ay may kaugnayan sa isang ego o isa pa ngunit habang sinasalamin natin ito habang tinitingnan natin ang sitwasyon saka natin matutuklasan na mayroon iba pang mga ego na aktibo.
Kaya maaari nating gamitin ang meditasyon bilang isang kasangkapan upang pasukin ang nakatagong bahagi ng ating sikolohiya. Ang pagpasok sa madilim na bahagi ng ating sikolohiya at pagpasok sa ating kamalayan magagamit natin ang ego bilang isang kasangkapan upang alisin ang mga iyon dahil sa pamamagitan ng meditasyon ang kamalayan ay nagsisimulang lumago at talagang nagsisimulang yumabong at talagang nagsimulang kum
inang nang maliwanag at maaari nating gamitin ang dagdag na kapangyarihan ng kamalayan kung tayo ay mag-iisip sa ganoong paraan upang suriin ang kahit ano sa mas malalim nating kamalayan.
Maaari mong gamitin ang liwanag ng kamalayan upang gawin itong kuminang ng mas maliwanag upang alisin ng mas marami ang mga madidilim na sulok ng kaisipan.
Alalahanin na nakuha na natin ang proseso nakuha na natin ang pagmamasid sa sarili na magbibigay-daan sa atin upang kilalanin ang isang ego pagkatapos ng pagkilala naiintindihan na natin at napag-aralan ang ego sa pamamagitan ng meditasyon at pagkatapos ay ang huling hakbang ang pag-aalis kailangan natin ang pansariling obserbasyon upang matukoy ang iba't ibang mga ego pagkatapos ay sa pamamagitan ng meditasyon at kontemplasyon kailangan nating buong intindihin ang ego pag-nagawa na natin iyan maaari na tayong makapunta sa estado kung saan aalisin natin ang ego ng permanente alisin ito mula sa ating sikolohiya. Kailangan nating harapin at ganap na iintindihin ang ego sa lahat ng lebel ng kaisipan bago natin ito maalis.
Ang meditasyon ay ang kasangkapan na ginamit natin upang tumagos sa mas malalim at sa iba't ibang mga lebel ng pag-iisip. Ang iyong kaisipan ay medyo tulad ng isang sibuyas ito'y matigas sa ibabaw ngunit pagbinalatan maaari mong makita ang higit pa at higit pang mga patong. Isipin na ang iyong kaisipan bilang isang sibuyas na may maraming mga patong.
Ginagamit natin ang meditasyon sa pagbalat ng mga patong upang pumunta ng mas malalim at palalim upang mahanap ang ugat na sanhi ng lahat ng ating mga ego. Tumagos pabalik sa pinagmulan at kapag nakarating ka sa puntong iyun maaari mo ng ganap na alisin ang ego. At meditasyony ay mahalagang bahagi ng prosesong iyon.
Ano ang mangyayari sa panahon ng meditasyon?
Kaya tingnan natin kung ano ang nangyayari sa panahon ng meditasyon? Basagin natin ang buong proseso ng meditasyon pababa ng simple lamang.
Sa panahon ng meditasyon tulad ng nabanggit natin maaaring pansamantala nating mabuksan ang ating esensiya mula sa bilangguan ng ego. Makikita mo ang isang estado kung saan maaari mong pansamantalang isarado ang ego isarado ang kaisipan at payagan ang esensiya upang makatakas at tumagos sa mas mataas na mga dimensyon.
Natandaan mo ang buong istorya ng Aladdin at ang genie ito ay talagang mahalagang kuwento kahit na ito ay kuwento ng isang simpleng pambata ngunit mayroong maraming sagradong karunungan sa loob ng aral. Ang ego ay tulad ng isang lampara, ang genie ay ang esensiya, ang kamalayan sa pamamagitan ng meditasyon ay magpapalaya sa esensiya, nais mong palayain ang kamalayan.
Tandaan na palayain ang ating esensiya o ang ating mas mataas na sarili ng makapasok sa superiyor na mundo maaari mong tawagin itong mas mataas na mga dimensyon na tinatawag ding langit ang lahat ng ito ay nangangahulugan ng parehong mga bagay.
Alam natin na maraming mga mas mataas na mga dimensyon na umiiral sa natin. Sa ngayon habang nagbabasa ka ng sagradong aklat na ito ang unang tatlong mga dimension na mas mataas sa antas ng mental tapos sa antas ng ethereal tapos sa antas ng astral at mas mataas pa lampas lampasan pa.
Ang mga mas mataas na Antas
Ang mas mataas na antas): Ang mga karaniwang tinatanggap na mga pangalan para sa pitong mga kilalang mga antas ng pag-iral, mula sa pinakamababa sa pinakamataas n ay ang mga: Pisikal, Astral, mental, Buddhic, Atmic, Anupadaka at Adi. Ang mga mas mataas na antas ay katulad sa istraktura ng mga astral na dimensyon ngunit sa mas mataas na antas ng kamalayan at ganap na nakahiwalay mula dito.
Mayroong pitong yugto, ng mga antas ng kamalayan, o antas ng pag-iral. Unang estado ay ang antas ng mundo. Ika-lawang estado ay tinatawag na "antas ng intermediya"." Ika- tatlong ay isang dimensyon kung saan ang mga bagay ay maaaring ihugis sa pamamagitan ng pag-iisip at imahinasyon, (ang astral). Ika- apat ay ang antas ng kulay [Pisikal, mas mababang astral, astral, pag-Kulay- sa isip]
"Kung ano ang nasa itaas, iyun din ang nasa ibaba; anumang nasa ibaba, ay siya ring nasa itaas."
Ang dakilang Ikalawang Hermetic na prinsipyo ay may kalangkap na katotohanan ng may pagkakatugma, kasunduan, at pag-uusap sa pagitan ng ilang mga antas ng paghahayag, buhay at pagkakalikha.Ang Katotohanang Ito ay isang katotohanan dahil ang lahat ay kasama sa Uniberso nagmumula sa parehong pinagmulan, at ng parehong mga batas, mga prinsipyo, at mga katangian maipatupad sa bawat yunit, o kumbinasyon ng mga yunit ng aktibidad, tulad ng bawat paghayag sa sarili nitong kababalaghan sa sarili nitong antas .
Para sa layunin ng kaginhawahan ng pag-iisip at pag-aaral, isinasaalang-alang ng Hermetic na Pilosopiya na ang Uniberso ay maaaring nahahati sa tatlong mga dakilang klase ng kababalaghan, na kilala bilang ang Tatlong dakilang antas na tinatawag na:
I. Ang dakilang Pisikal na antas. II. Ang dakilang Mental na antas. III. Ang dakilang Espirituwal na antas.
Ang meditasyon ay isang kasangkapan na nagbibigay-daan sa atin upang tumagos sa mga mas mataas na mga dimensyon hindi ka maaaring pumunta doon kung mayroon kang ego.
Ang ego ay tulad ng isang angkla hinahawakan tayo nito pabalik para maka-abot sa kahit saan nang lampas sa mas mababang mga bersyon ng astral ang pinakamataas na maaari nating mapuntahan kasama ang ego ay kung saan nakita natin ang ating sarili sa ika-limang dimensyon ng astral at sa mental hindi tayo maaaring makakuha ng anumang mas mataas hanggang sa hindi natin maputol ang tali na mayroon tayo sa ego kailangan mong isarado na nagbibigay-daan sa esensiya upang makalaya ito.
Sa meditasyon magagawa nating dahan-dahang dalhin ang proseso ng kaisipan na tumigil sandali ito ay isang bagay na sinusubukan nating gawin ang isang bagay na kailangang-ehersisyo dahil ito ay hindi mangyayari agad sa pamamagitan ng meditasyon sa mga unang yugto ng meditasyon dinadala natin ang intelektwal na proseso sa isang sandaling pagtigil.
Pinababagal natin ang walang katapusang tren ng pag-iisip. Hindi natin agad mapapahinto sila kailangan nating magtrabaho para sandaling mapatigil ng mapabagal ang mga bagay pababa.
Sa pagsasanay ng sandaling pagtigil sa pag-iisip magiging mas mababa at mas mahaba magpapahintulot sa atin upang pumasok sa isang tahimik na katahimikan na walang iniisip walang mga salita o mga larawan na naka-dikit.
Walang mga salita sa kaisipan o mga imahe. Hindi mo maaaring kahit na isipin kung ano estado ng pag-iisip iyan. Ito ay mahirap isalarawan at ipaliwanag sa isang tao.
Kapag sinasabi ng mga tao kung ano ang pakiramdam kapag mayroong estado ng hindi nag-iisip kung ano bang mararanasan kapag nasa langit ang pinakamahusay na analohiya na maaari nating maipaliwanag ay kung paano maaari mong isalarawan ang mga kulay sa isang taong pinanganak na bulag. Ang bawat salitang ginagamit mo ay walang paraan upang ipahayag at ipaliwanag ang kulay dahil maaari tayong makipag-usap sa parehong bokabularyo ngunit dahil hindi niya pa ito nakita kailanman hindi niya maiintidihan ang paliwanag mo.
Ang pagsasalarawan ng estado ng kaisipan ay walang mental na salita o mga larawang naka-dikit. Ito ay tulad ng lahat ng bagay ngunit wala, ito ay tulad ng pagiging nasa lahat ng dako pero wala, kung saan mapupunta ka lamang sa lahat ng mga pasalungat na pahayag dahil tulad ng alam natin walang bokabularyo upang ilarawan ang isang bagay na walang mga salita o mental na mga imahe na iuugnay.
Ito ay isang bagay na kailangan mong pagsikapan upang maranasan ng iyong sarili ngunit talagang ito ay nauugnay sa payapa, tahimik at nakakarelax na estado hindi payapa at nagrerelaks sa sofa hindi payapa na nagkakaroon ng mabuting pagkakataon ngunit isang ganap na ibang uri ng kapayapaan halos tulad ng isang relaksasyon ng pag-iisip.
Rerelaks mo ang iyong pisikal na katawan medyo madali ngunit ito ay tulad ng pinarerelaks ang isipan sa ibang- estado ng pagkakalikha
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento