Klasikong
karunungan
Para sa karagdagang
inspirasyon ng mga lumalaking komunidad ng mga
naghahanap ng kaliwanagan.
Ito ang resulta ng pag-iisip nang malalim at meditasyon upang pasiglahin tayo sa pagtuklas at pang-unawa ng mga katotohanan na- tayo rin ang gumagawa ng
sarili nating kinabukasan.
Ang tao rin ang gumagawa ng sarili
niyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng
kabutihan ng ating mga kalooban, na tayo
rin ang pumili at nanghikayat;
na ang ating pag-iisip ay ang maestrong-naghahabi,
ng parehong panloob na damit ng karakter at ng
panlabas na damit ng mga pangyayari, ay nagtatakpi
ng kawalan ng kaalaman at hapdi ay maaaring itahi
sa liwanag at
kaligayahan.
Juan 15: 1-17
Ang Tunay na Puno ng Ubas
1 Ako ang tunay na puno ng
ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2
Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at
nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang
sinabi ko sa inyo. 4
Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang
sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung
hindi kayo mananatili sa akin.
5 Ako nga ang puno ng ubas
at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang
nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa
akin. 6 Ang hindi nananatili sa
akin ay matutuyo at itinatapon, gaya ng sanga. Ang ganoong mga sanga ay
tinitipon, inihahagis sa apoy at sinusunog. 7
Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin
ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo. 8
Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga bilang aking mga
alagad. 9
Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo
sa aking pag-ibig. 10 Kung
tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad
ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang
pag-ibig.
11 Sinabi ko sa inyo ang
mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos
ang inyong kagalakan. 12 Ito
ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng
isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. 14 Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang
aking mga utos. 15 Hindi ko na kayo
itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng
kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi
ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. 16
Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili. Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga
at manatili ang inyong bunga upang ang anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking
pangalan, ay ibibigay sa inyo. 17 Ito
nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.
Ang
kaisipan at karakter.
Ang talinghagang "Kung ano
ang iniisip ng isang tao na nasa kanyang puso ay kung ano siya," hindi
lamang yumayakap sa kabuuan ng kanyang pagkatao, ngunit ito ay komprehensibo
upang maabot ang bawat kondisyon at kalagayan ng kanyang buhay. Ang isang tao
ay literal na kung ano ang kanyang iniisip, ang kanyang karakter ang pagiging
kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga saloobin.
Kung paanong
ang isang halaman ay
sumisibol, at hindi maaaring
maging wala, ang binhi, kung
gayon ang bawat aksyon
ng isang tao ay mula
sa nakatagong binhi ng
kanyang kaisipan, at hindi lilitaw kung
wala ito. Nalalapat ito nang
pantay-pantay sa mga pagkilos na
tinatawag na "kusang-loob" at "hindi
inihanda" kontra doon sa sadyang sinasadya
at ginagawa.
Ang pag-aksyon ay
ang pamumulaklak ng
kaisipan, kagalakan at
paghihirap ay ang bunga nito; kaya ang isang tao ay
umaani sa matamis at mapait ng prutas ng kanyang
sariling pagsasaka.
"Ang
pag-iisip sa ating kaisipan ang gumawa sa atin, kung ano tayo, Sa pamamagitan ng pag-iisip
ay napapanday
at naitatayo.
Kung ang isip ng tao ay masasamang kaisipan, ang hapdi ay
pumupunta.
Ang gulong ng baka sa
kanyang likuran ....
Kung .. ang
isa ay nagtitiis
Sa kadalisayan ng
pag-iisip, kagalakan ay sumusunod sa
kanya.
Tulad ng kanyang sariling anino-ito ay
beripikado. "
Ang tao ay
isang pag-unlad sa
pamamagitan ng batas, at
hindi isang paglikha ng pakana,
o sanhi at epekto ay hindi
mapag-aalinlanganan at hindi maililihis sa nakatagong
kaharian ng pag-iisip sa
mundo ng nakikita at materyal
na bagay. Ang isang
marangal at tulad ng divinong karacter
ay
hindi isang bagay ng pagtatangi o pagkakataon, ngunit ito ay ang natural
na resulta ng patuloy na
pagsisikap sa tamang pag-iisip,
ang
epekto ng pang-tangi na may kaugnayan
tulad
ng divinong saloobin. Isang walang puri at makahayop na karacter, sa
pamamagitan ng parehong proseso, ay ang resulta ng patuloy na
pag-iipon ng magaspang na saloobin.
Ang Tao ay
nabubuo o hindi nabubuo sa
pamamagitan ng kanyang sarili; sa taguan
ng mga armas ng kaisipan niya ay napapanday ang mga armas na kung saan maaaring
makasira ng kanyang sarili; siya rin ang humuhugis ng mga
kagamitan na kung saan siya ay nagbubuo sa kanyang
sarili ng mala-paraisong
tahanan ng kagalakan, lakas at kapayapaan. Sa pamamagitan ng tamang pagpipilian at tunay na
applikasyon ng pag-iisip, ang tao ay
umaakyat sa pagiging pagka-perpekto ng pagka-divino; sa pamamagitan ng pag-aabuso at maling applikasyon ng
pag-iisip, siya bumababa sa ilalim ng antas ng mga hayop. Sa pagitan ng mga dalawang kasukdulan
ang
lahat ng mga grado ng mga karakter, ang tao ang gumawa at maestro.
Ang lahat ng
mga magagandang katotohanan tungkol sa kaluluwa na naibabalik at dinadala
sa liwanag sa panahong
ito, wala ng mas nakakatuwa o nagbubunga ng banal
na pangako at pagtitiwala kaysa rito-na ang tao ay
ang panginoon ng kanyang kaisipan, ang tagapagmolde ng
kanyang mga karakter, at ang gumagawa at humuhugis ng kanyang kondisyon, kapaligiran, at kapalaran.
Efeso 1:
Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan
ni Cristo
3 Purihin ang Diyos at Ama
ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng
pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya
tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang
tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng
Diyos, 5 tayo'y kanyang pinili
upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin
at kalooban. 6 Purihin natin siya dahil
sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang
minamahal na Anak! 7 Tinubos
tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang
ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8 na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang
karunungan at kaalaman, 9
ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa
pamamagitan ni Cristo 10 pagdating
ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa
lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
11 Dahil kay Cristo, tayo
rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa
layunin ng kanyang kalooban. 12 Tayong
mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang
kaluwalhatian.
13 Kayo man ay naging bayan
ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang
Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't
ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng
pagkahirang sa inyo. 14 Ang
Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa
atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang
kanyang kaluwalhatian!
Ang Panalangin ni Pablo
15 Kaya nga, mula nang
mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong
pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, 16
walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo tuwing ipinapanalangin ko
kayo. 17 Hinihiling ko sa Diyos
ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa
inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos
upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y
liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong
inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang
inilaan niya para sa kanyang mga banal, 19
at kung ano ang di-masukat na kapangyarihang kaloob niya sa atin na mga
nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon 20
ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa
kalangitan. 21 Kaya't nasa ilalim ng
kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at
pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat,
hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22
Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo
ng lahat ng bagay para sa iglesya. 23 Ang
iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat
ng bagay.
Bilang isang nilikha sa kapangyarihan, sa
katalinuhan, at sa pag-ibig, at ang panginoon ng kanyang sariling mga saloobin,
ang tao ay humahawak ng susi sa bawat sitwasyon, at naglalaman sa loob ng
kanyang sarili ng pagbabago at nagbabagong-buhay sa pamamagitan ng ahensiya na maaaring
siya ang gumawa sa kanyang sarili kung ano ang kanyang ninanais.
Ang tao ay palaging ang maestro,
kahit sa kanyang kahinaan at pinaka abandunang estado; ngunit sa kanyang
kahinaan at kawalang
dangal na kalagayan siya ay ang hangal na panginoon na namamala sa maling
paraan ng kanyang
"sambahayan."
Kapag siya ay nagsisimulang
makaaninag sa kanyang kalagayan, at hanaping masigasig ang Batas na kung saan
ang kanyang pagkatao ay itinatag, siya pagkatapos ay magiging matalinong maestro ng kanyang
kapalaran, nagdidirekta ng kanyang enerhiya ng may katalinuhan, at hugisin
ang kanyang mga saloobin sa mga mabungang isyu. Tulad ng maestrong may kamalayan, at ang tao ay maaari
lamang maging ayon sa kanyang ninanais sa pamamagitan ng pagtuklas sa loob ng
kanyang sarili ang mga batas ng pag-iisip; na ang pagtuklas ay talagang isang
bagay ng aplikasyon, sariling pagsusuri, at karanasan.
Tanging sa pamamagitan ng
paghahanap at pagmimina, ang ginto at diamante ay nakukuha, at ang tao ay
makakahanap ng katotohanan na konektado sa kanyang pagkalikha, kung siya ay
huhukay ng malalim sa mga minahan ng kanyang kaluluwa; at siya
ang gumagawa ng kanyang katangian, ang tagapagmolde ng kanyang buhay,
at ang taga-buo ng kanyang kapalaran, maaaring siyang magpatunay na hindi
siya nagkakamali, kung siya ay mag-oobserba, magkokontrol, at babaguhin ang
kanyang mga saloobin, inaaninag
ang mga epekto sa kanyang sarili, at sa iba, sa kanyang buhay at sa mga
nangyayari, inu-ugnay ang sanhi at epekto ng may matiyagang mga kasanayan ng
pagsisiyasat, at pag-gamit sa kanyang bawat karanasan, kahit sa pinaka-walang
kuwentang araw-araw na pangyayari, bilang isang paraan ng pagkuha ng kaalaman
para sa kanyang sarili ito ay ang unawa, katalinuhan, at kapangyarihan.
Sa ganitong direksyon, tulad ng sa walang iba
pang mga batas ay ang ganap na "Siya na naghahanap at makakatagpo; at sa
kanya na kumakatok at pinag-bubuksan;" dahil sa pamamagitan ng pasensya,
kasanayan, at walang humpay na pagsisikap maaaring makapasok ang isang tao sa
Pintuan ng Templo ng Kaalaman.
Mateo 7:
7 "Humingi kayo at
kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y
pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat
humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat
kumakatok ay pagbubuksan. 9
Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y
humihingi ng isda? 11 Kung
kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak,
gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay
ang sinumang humihingi sa kanya!
12 "Gawin ninyo sa
inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at
ng mga isinulat ng mga propeta."
Ang epekto ng kaisipan sa
pagkakataon.
Ang kaisipan ng tao ay
maaaring itulad sa isang hardin, na maaaring linangin ng may katalinuhan o
payagang mapatakbo ng may kaguluhan; ngunit kung nilinang o napapabayaan, ito
ay tiyak, na magdadala ng resulta. Kung walang kapaki-pakinabang na binhi ang
inilagay rito, magkagayon ay isang kasagsagan ng walang halagang mga damo ang
mahuhulog rito, at patuloy na magbibigay ng kanilang mga kauri.
Tulad ng isang hardinero na nagsasaka
sa kanyang lupa, pinanatili itong ligtas mula sa mga damo, at nagpapalaki ng
mga bulaklak at prutas na kung saan siya ay mangangailangan, kaya maaari din sa
isang tao na mag-alaga sa hardin ng kanyang kaisipan, ang lahat ng mga mali ay
inaalis, ang mga walang silbi, at marumi saloobin, at paglinang patungo sa
pagiging perpekto ng mga bulaklak at prutas ng karapatan, kapaki-pakinabang, at
purong saloobin.
Sa pamamagitan ng pagsisikap sa
prosesong ito, ang tao ay mas maagang makakatuklas na siya ay ang maestrong-hardinero
ng kanyang kaluluwa, ang director ng kanyang buhay. Siya rin ang makakatuklas,
sa loob ng kanyang sarili, ng mga batas ng pag-iisip, at mauunawaan, ng may
tumataas na ganap na kawastuan, kung paanong ang pwersa ng pag-iisip at ang
element ng kaisipan ay nagpapatakbo ng mga humuhugis sa kanyang karakter,
pangyayari, at kapalaran.
Ang pag-iisip at karacter ay iisa,
at dahil ang karacter ay maaari lamang mahayag at tumuklas sa kanyang sarili sa
pamamagitan ng kapaligiran at kalagayan, ang mga panlabas na mga kalagayan sa
buhay ng isang tao ay palaging matatagpuan na magkatugma na may kaugnayan sa
kanyang mga panloob na estado.
Hindi ito nangangahulugan na ang
kalagayan ng tao sa anumang naibigay na oras ay isang pahiwatig ng kanyang
buong pagkatao, ngunit ang mga kalagayan ay magkasundong konektado sa ilang mga
mahahalagang elemento ng pag-iisip sa loob ng kanyang sarili na, pansamantala,
ang mga ito ay lubhang kailangan para sa kanyang pag-unlad.
Ang bawat tao ay nasa kanyang
kalagayan dahil sa batas ng kanyang pagkatao; ang mga kaisipan na kanyang
itinayo sa kanyang karakter ang nagdala sa kanya doon, at sa pag-aayos ng
kanyang buhay ay walang elemento ng kapalaran, ngunit ang lahat ay resulta ng
isang batas na hindi maaaring magkamali. Ito ay sadyang tunay sa mga taong ang
pakiramdam ay "labas sa pagkakatugma” sa kanilang paligid kumpara sa mga
taong nasisiyahan sa kanilang paligid.
Bilang isang umuunlad
at nag-eebolusyon na nilikha, ang tao ay
kung
saan siya andoon para malaman niya na siya ay maaaring lumago;
at habang natututohan ang espirituwal na aralin
alinman sa pangyayari na kung saan ay
naglalaman ng para sa kanya, ito ay lumilipas at nagbibigay ng lugar sa iba pang mga pangyayari.
Ang Tao ay nasasampal sa pamamagitan ng kanyang
kalagayan kaya hangga't
siya
ay naniniwala na ang kanyang sarili ay
isang nilalang sa labas ng mga kondisyon, ngunit kapag napagtanto niya na siya ay isang
may malikhaing kapangyarihan, at maaaring
siyang mag-utos sa nakatagong lupa at binhi ng kanyang pagkatao
mula
doon lumalabas ang paglago ng mga kalagayan, pagkatapos siya ay nagiging nararapat
na maestro ng
kanyang sarili.
Ang mga kalagayan ay lumalago mula sa pag-iisip, ang bawat tao ay nakakaalam kung sino ang may
mahabang oras ay nag-eensayo sa pagpipigil sa sarili at sa pagdalisay
ng sarili, dahil mapapansin niya ang pag-iiba sa kanyang
kalagayan ay naging
eksakto
sa proporsyon ng kanyang mga pagbabagong kondisyong
pangkaisipan. Tunay na kapag
ang
isang tao’y seriyosong
naglalapat ng kanyang sarili upang malunasan
ang mga depekto sa
kanyang karakter, at gumawa ng madali at markadong
pag-unlad, siya ay makakapasa ng
mabilis sa pamamagitan ng isang pagkakasunud-sunod ng may malaking
pagbabago.
Ang kaluluwa
ay kusang umaakit sa kung ano ang lihim
niyang kinukupkop; kung
alin ang kanyang minamahal, at saka kung saan ito natatakot; umabot ito sa taas ng kanyang
itinatanging aspirasyon;
ito ay bumaba
sa antas ng kanyang napaparusahang pagnanais, at ang kalagayan ay ang paraan kung saan ang kaluluwa
ay makatatanggap
ng para sa sarili nito.
Ang bawat binhi ng kaisipang
itinatanim o pinapayagang mahulog sa kaisipan, at nagkaroon ng ugat doon, ay
magdudulot ng para sa sarili niya, mamumulaklak ng maaga o huli sa kaniyang
ginagawa, at nadadala ng sarili nitong prutas ng pagkakataon at kalagayan. Ang
mabuting kaisipan ay mabuti ang ibinubunga, ang masamang kaisipan ay masama ang
ibinubunga.
Ang mga
panlabas na mundo ng kalagayan ay humuhugis sa
kanyang sarili sa panloob na
mundo ng kaisipan, at
parehong ang kaaya-aya at hindi kasiya-siyang mga panlabas na kundisyon ang mga
kadahilanan, na gumawa para sa tunay na mabuti para sa isang indibidwal. Habang ang mang-aani
ng kanyang sariling pag-aani, ang tao ay natututo sa parehong paghihirap at sa lubos
na kaligayahan.
Ang pagsunod sa kaibuturan ng
pagnanais, aspirasyon, mga pananaw, sa
pamamagitan ng kung saan siya ay
nagbibigay-daan
sa kanyang sarili na ma-dominado, (gawin ang kalooban-o'-katiting na ng maduming guni-guni o matatag na maglakad sa highway ng malakas at may mataas na pagpupunyagi), ang isang
tao sa wakas ay nakarating sa kaniyang
pamumunga at katuparan sa panlabas na mga
kalagayan sa kanyang buhay. Ang batas ng pag-unlad
at pag-aayos
sa
lahat ng dako ay
makukuha.
Ang isang tao ay hindi dumating sa
bahay na limusan o sa bilangguan sa pamamagitan ng paniniil ng kapalaran o ng
kalagayan, ngunit sa pamamagitan ng ang daanan ng hinuhukay na saloobin at
batayang kanyang ginugusto. At hindi maaaring ang isang wagas na pag-iisip ng
tao ay biglang mahuhulog sa krimen sa pamamagitan ng istress ng anumang
panlabas na puwersa; ang kriminal na pag-iisip ay matagal ng lihim na
kinakandili sa puso, at ang oras ng pagkakataon ay masisiwalat ang naipong
kapangyarihan.
Ang kalagayan ay hindi gumagawa ng tao; ito ay nagpapakita sa kanya
para sa
kanyang sarili. Walang ganitong kondisyon
ang
maaaring umiral bilang pababa sa masamang pinagkabihasnan at ang nag-aalaga
ay nagpapakahirap bukod sa
may
pagkahilig sa bisyo, o pataas sa kabutihan
at dalisay
nitong kaligayahan kung wala sa
patuloy na paglilinang ng walang bahid na dungis
sa aspirasyon; at ang tao,
samakatuwid,
ay ang panginoon
at maestero
ng
kanyang pag-iisip,
ay ang tagagawa ng kanyang sarili ang humuhugis
at may-akda
ng kanyang kapaligiran.
Kahit sa kapanganakan ang kaluluwa ay pumupunta sa kanyang sarili at sa pamamagitan ng bawat hakbang sa lupa ng peregrinasyon ito ay aakit ng mga kumbinasyon ng mga kondisyon na magbubunyag ng sarili
nito, na kung saan ay ang mga repleksyon
ng sarili nitong kadalisayan at, karumihan, ang kanyang lakas at kahinaan.
Ang tao ay hindi nakakaakit ng kung ano ang gusto nila, ngunit ng kung ano sila. Ang kanilang kapritso,
ang
kinahuhumalingan, at ambisyon
ay nahahadlangan sa bawat hakbang, ngunit
ang kanilang kaloob-loobang kaisipan at kagustuhan ay mapakain ang kanilang sariling
mga pagkain, maging ito
napakarumi o malinis. Ang "pagka-divino na humuhugis ng ating
mga
sarili; ito ay ang ating pinaka-sarili.
Tanging ang kanyang sarili ang
tanikala ng isang tao: pag-iisip
at pagkilos
ay
ang mga tagapiit ng kapalaran nila-sila ay napiit, ang pagiging hindi makawala; sila rin ang mga anghel ng kalayaan-sila’y nagpapakawala, at nagiging marangal.
Hindi kung ano ang kanyang kagustuhan at ipinanalangin
nakakakuha ang isang tao, ngunit kung
ano ang tamang
pinaghirapan. Ang
kanyang kagustuhan at panalangin ay tanging
makalulugod at sinasagot kapag sila ay nailagay
sa armonya kasama ang kanyang mga saloobin at
mga pagkilos.
Sa kaliwanagan ng katotohanang ito,
ano ang kahulugan ng "paglaban kontra sa kalagayan?" Ito ay
nangangahulugan na ang isang tao ay patuloy na naghihimagsik laban sa epekto,
habang ang lahat ng oras siya ay nagpapalusog at iniingatan ng mga dahilan ng
kanyang puso. Ang mga dahilan ay maaaring nasa porma ng kamalayan o ng walang
kamalayan; ngunit anuman ito ay mahigpit na magpapatagal sa pagsisikap ng
nag-iingat, at sa gayon ay humihingi ng malakas na tawag para sa lunas.
Ang tao ay sabik upang mapabuti ang kanilang mga kalagayan, ngunit hindi gustong pagbutihin ang kanilang mga sarili; sila samakatuwid ay mananatiling nakatali.
Ang
mga taong hindi umuurong
mula
sa sariling-pagkakapako sa krus ay hindi kailanman maaaring
mabigo upang makamit ang
mga bagay na kung saan ang
kanyang puso ay nakatakda. Ito
ay tunay sa mundo maging sa makalangit na mga bagay-bagay. Kahit na ang mga
tao na ang tanging layunin ay upang
makakuha
ng mga kayamanan ay dapat na maging handa upang gumawa ng dakilang mga personal na sakripisyo bago makamit niya ang
kanyang
mga ninanais; at kung gaano ang higit pa
kaya kung sino
ang
nakapagtanto ng isang malakas at matatag na
buhay?
Narito ang isang taong ubod ng hirap. Siya ay lubhang nababahala
sa
kanyang kapaligiran at tahanan ang kaginhawahan ay dapat na
mapabuti, gayon pa man sa lahat ng oras siya ay pabaya sa kanyang trabaho, at ipinapalagay niya na siya ay may karapatang linlangin ang kanyang employer
sa
dahilang kulang ang kanyang sinusuweldo. Ang
ganitong tao ay hindi nakakaunawa ng
pinakasimpleng simulain ng mga prinsipyo
na
kung saan ay ang batayan ng tunay na
kasaganaan, at hindi
lamang talagang
hindi
karapatan dapat tumaas mula sa kanyang pagkahamak, ngunit
siya ay
talagang nag-aakit sa kanyang sarili ng
isang mas malalim pa rin pagkahamak sa pamamagitan ng pagtira
sa ganoong kaisipan, at kumikilos
ng may katigasan, mapanlinlang, at parang hindi makatao ang saloobin.
Narito ang isang mayamang tao na
biktima ng isang masakit at paulit-ulit na sakit bilang resulta ng katakawan sa
pagkain. Siya ay handang magbigay ng malaking halaga ng pera upang makakuha ng
makakapagpaalis nito, ngunit hindi niya isakripisyo ang kanyang katakawan sa
kanyang ninanais. Gusto niyang bigyang-kasiyahan ang kanyang panlasa para sa
mayaman at masasarap na pagkain at magkaroon din ng mabuting kalusugan. Ang
ganoong tao ay lubos na walang kakayahan upang magkaroon ng mabuting kalusugan,
dahil hindi niya pa natutunan ang unang prinsipyo ng isang malusog na buhay.
Heto ang isang tagapag-empleyo ng
mga manggagawa na nag-aangkin ng baluktot na mga hakbang upang maiwasan ang
pagbabayad ng mga pasahod ayon sa tamang regulasyon, at, sa pag-asa ng ng mas
malaking kita, binabawasan ang sahod ng kanyang mga manggagawa. Ang ganoong tao
ay hindi na-aangkop para sa kasaganaan, at kapag nakita niya ang kaniyang
sarili sa pagkalugi, sa kanyang reputasyon at kayamanan, sinisisi niya ang
pangyayari, hindi niya alam na siya ang nag-iisang may-akda ng kanyang
kalagayan.
Ipinakilala natin ang tatlong kaso para maipakita ang mga katotohanan
na ang tao ay ang dahilan (bagaman halos palaging wala sa kamalayan) ng kanyang
kalagayan, at habang ang pinupuntirya ay ang magandang kapalaran, patuloy na
siya ay nabibigo sa katuparan nito sa pamamagitan ng paghikayat sa mga saloobin
at kagustuhan na hindi maaaring posibleng ilagay sa armonya. Ang ganitong mga
kaso ay dumadami at iba-iba halos pero walang katapusan. Kaya kung lulunasan,
sundan ang ikinikilos ng mga batas ng pag-iisip sa kanyang sariling isip at
buhay, at hanggang ito ay hindi ginagawa, ang mga panlabas na katotohanan ay
hindi maaaring magsilbi bilang isang batayan ng pagdadahilan.
Ang kalagayan, gayunpaman, ay kumplikado, ang kaisipan ay malalim
na
naka-ugat, at ang mga kondisyon ng
kaligayahan ay magkakaiba sa bawat indibiduwal, na ang buong pagkokondisyon sa kaluluwa ng isang tao (bagaman maaari itong kilala ng kanyang sarili) ay hindi maaaring hinuhusgahan ng iba mula sa panlabas na aspeto ng
kanyang
buhay nang nag-iisa.
Ang isang tao ay maaaring maging tapat sa
ilang mga direksyon, pero nagdurusa sa pa rin sa kagipitan sa mga pangangailangan; ang isang tao ay maaaring maging hindi tapat sa ilang mga direksyon, pero nakukuhang yumaman;ngunit ang konklusyon na karaniwang nabubuo na ang isang tao ay nabibigo
dahil
sa kanyang partikular na katapatan,
at
ang iba pa ay yumayaman dahil sa kanyang partikular
na panlilinlang, ay ang resulta ng isang mababaw
na
paghuhusga, na kung
saan ipinagpapalagay na ang mga
hindi
tapat na tao ay halos ganap na korupt,
at ang matapat na tao halos ay ganap na mabuti.
Sa liwanag ng
isang mas malalim na kaalaman at mas malawak na karanasan ang ganoong paghuhusga ay nakitang
mali. Ang hindi tapat na tao ay maaaring magkaroon
ng ilang mga kahanga-hangang katangian, na hindi tinataglay ng iba; at ang matapat na tao ay may nakakapoot na masamang hilig na kung saan ay wala sa iba. Ang matapat na tao ay umaani ng magandang resulta
ng
kanyang matapat na mga saloobin at mga gawa;
siya rin ay nagdudulot sa kanyang sarili ng paghihirap, na nabubuo galing sa masasamang hilig. Ang hindi tapat na tao gayon din naman ay nagtatamo ng kanyang sariling paghihirap
at kaligayahan.
Ito ay kasiya-siya sa pantaong
kapalaluan upang maniwala na
ang isa ay naghihirap dahil sa
kanyang kabutihan;
ngunit
hanggang hindi nalilipol ng isang tao ang
bawat masasakit, mapait, at hindi malinis na pag-iisip mula
sa kanyang kaisipan, at hugasan ang bawat
kasalanan na naka- mantsa mula sa kanyang kaluluwa,
maaari
ba siyang maka- posisyon
upang malaman at ipahayag na ang
kanyang paghihirap ay ang mga
resulta
ng kanyang kabutihan,
at hindi ng kanyang masamang
katangian; at sa mga paraan upang, matagal pa bago niya maabot, ang kataas-taasang pagiging perpekto, siya
ay makatuklas, na magtrabaho sa kanyang kaisipan at buhay, ang dakilang batas na kung saan ay
ganap na may katarungan, at na hindi maaaring, samakatuwid, magbigay ng kabutihan
para
sa kasamaan, at kasamaan para sa
kabutihan.
Ang pagkakaroon ng nasabing kaalaman, siya pagkatapos ay makakaalam na, paglingon
niya sa kanyang nakaraan ang kamangmangan at pagkabulag, sa kanyang
buhay ay, at palaging , may makatarungang nakaaayos, na ang lahat ng kanyang nakaraang
mga
karanasan, mabuti at masama,
ay
patas na nagtatrabaho sa kanyang
pag-unlad, ngunit hindi pa nag eevolve ang kanyang sarili..
Ang magandang pag-iisip
at pagkilos
ay
hindi kailanman maaaring magdulot ng masamang
resulta; ang masamang saloobin
at mga aksyon
ay
hindi kailanman maaaring magdulot ng mabuting
resulta. Parang sinasabi nating
alang pang-gagalingan ang mais kung hindi sa mais, walang mula sa kamatis kung hindi mula sa kamatis. Nauunawaan ng mga tao ito mula sa batas ng likas na
mundo, at nagtatrabaho kasama
niya; ngunit kakaunti ang nakakaintindi nito na sa mental at moral na
mundo (bagaman
ang operasyon
ay simple at hindi
lumilihis), at sila,
samakatuwid, ay
hindi
nakikipagtulungan sa
mga ito.
Ang paghihirap ay palaging epekto
ng maling pag-iisip
sa
ilang mga direksyon. Ito ay isang pahiwatig
na ang mga indibidwal na wala
sa pagkakaisa, sa armonya,
sa kanyang sarili, sa Batas ng kanyang
pagkatao. Ang nag-iisa at kataas-taasang pag-gamit ng mga paghihirap ay upang
maging
dalisay, upang masunog ang lahat ng walang
silbi at hindi malinis. Ang paghihirap ay humihinto para
sa kanya na naging dalisay.
Walang
dahilan para sunugin ang ginto kung naalis na ang mga dumi nito, at naging isang perpekto, dalisay
at ang na liwanagang pagkatao
ay
hindi na magdurusa.
Ang mga pangyayari,
na natatagpuan ng
isang tao ng may paghihirap,
ay ang
mga resulta ng kanyang sariling kaisipan sa armonya. Ang mga
pangyayari, na ang isang tao ay nakatatagpo ng may kaligayahan, ay ang resulta ng kanyang sariling kaisipan sa armonya. Ang kaligayahan, hindi ang
materyal
na ari-arian, ay ang sukatan ng tamang kaisipan; ang pagkapahamak, hindi ang
kakulangan
sa ari-ariang materyal,
ay ang sukatan
ng maling kaisipan.
Ang isang tao ay maaaring isinumpa
at
yumaman; maaaring siya ay
pinagpala at naghihirap. Ang kaligayahan at kayamanan ay nagkakasama sama kapag
ang mga kayamanan ay makatarungan at matalinong ginagamit;
at ang mahirap na tao lamang ang bumababa sa pagkahamak kapag siya ay nagpalagay ng kanyang kapalaran bilang isang pasaning
hindi makatarungang
nakapataw.
Ang karukhaan at pagpapakalabis ay ang dalawang sukdulan
ng pagka-pahamak. Sila ay parehong mga hindi
likas at resulta ng mental na kaguluhan. Ang isang
tao ay hindi
tama ang kondisyon hanggang sa siya ay maging
masaya, malusog,
at mayamang
tao; at ang kaligayahan, kalusugan,
at kasaganaan
ay
ang mga resulta ng isang maayos na
pag-sasaayos ng panloob kasama ang
panlabas, ng tao sa kanyang paligid.
Ang isang tao ay nagsisimulang maging isang tao kapag siya ay tumigil sa kanyang pag-angal at pang-lalait, at mag-umpisang maghanap sa
mga nakatagong katarungan
na mag-aayos sa kanyang
buhay. At habang inaangkop niya ang kanyang kaisipan sa ipinaguutos na kadahilanan, siya ay tumitigil sa
pag-aakusa sa iba na sila ang sanhi ng kanyang kondisyon,
at binubuo ang kanyang
sarili hanggang sa lumakas at magkaroon ng marangal na saloobin; tinitigilan ang pagsipa sa nga pangyayari, kung hindi nagsisimulang gamitin ang mga
ito bilang mga pantulong sa kanyang
mas mabilis
na pag-unlad, at bilang isang paraan ng pagtuklas ng mga nakatagong mga kapangyarihan at mga posibilidad sa
loob ng kanyang sarili.
Batas, hindi pagkalito, ay ang nangingibabaw na prinsipyo
sa
uniberso; katarungan, hindi kawalan ng katarungan, ay ang kaluluwa at diwa ng buhay;
ang
katuwiran, hindi katiwalian,
ang humuhubog at ang gumagalaw na puwersa sa espirituwal na pamahalaan
ng
mundo. Ang pagiging
gayon, ang tao ay dapat magtama sa kanyang sarili upang makita na ang uniberso ay
tama; at sa panahon ng proseso ng paglalagay ng kanyang
sarili sa tama makikita niya na habang
binabago
niya ang kanyang mga saloobin sa
mga bagay at sa iba pang mga tao,
ang mga bagay at ang ibang mga
tao ay magbabago
sa
paligid niya.
Ang patunay ng
katotohanang ito ay nasa bawat tao, at ito samakatuwid ay
kumikilala ng madaling
pagsisiyasat sa pamamagitan ng sistematikong pagsisiyasat ng sarili at sa sariling analisis. Hayaan ang tao sa isang
radikal
na pagbabago ng kanyang mga saloobin, at siya
ay mamamangha sa mabilis na pagbabagong-anyo nito epekto sa materyal na kundisyon ng kanyang buhay. Iniisip
ng tao na ang pag-iisip ay maaaring pinananatiling lihim,
ngunit hindi ito maaari; ito ay mabilis na nagpapalinaw sa ugali, at ang ugali ang nagbubuo sa kalagayan.
Ang mga makahayop na saloobin ay nagpapalinaw sa mga gawi
ng paglalasing at sa hilig ng laman, na nagbubuo sa kalagayan ng paghihikahos at sakit: ang maruming saloobin
ng bawat uri
ay
lumilinaw sa mahina at
nakakalitong mga ugali,
na nagbubuo
ng pagka-istorbo at salungat sa pangyayari: ang kaisipan ng
takot, pag-aalinlangan, pag-aatubili ay lumilinaw
sa mahina , parang hindi lalaki, at walang matibay na pasya at
ugali, na nagbubuo sa pagkakataon ng
pagkabigo, pagdaralita, at inaarugang alipin: ang tamad na saloobin ay lumilinaw sa mga ugali
ng kadumihan
at panlilinlang, na nagpbubuo
sa pagkakataon ng pagka-madumi at kadukhaan: ang poot
at pagtuligsang saloobin ay lumilinaw sa mga ugali ng akusasyon at karahasan , na nagbubuo sa pagkakataon ng pinsala at pag-uusig: ang makasariling saloobin
ng
lahat ng uri ay lumilinaw sa mga ugali ng pagkamakasarili, na nagbubuo sa kalagayan nang higit pa o
mas mababang pagkakabalisa.
Sa kabilang banda, ang magandang saloobin
ang
lahat ng uri ay lumilinaw sa ugali ng biyaya at kabaitan,
na tumitigas
sa magiliw at maaliwalas na pangyayari: ang purong saloobin
ay
lumilinaw sa ugali ng pagtitimpi
at pagpipigil sa sarili, na nagbubuo sa kalagayan ng pagpapahinga at kapayapaan: ang saloobin sa tapang , pag-asa sa sarili, at desisyon ay lumilinaw sa tunay na ugali, na nagbubuo sa pagkakataon ng tagumpay, kasaganahan, at kalayaan:
ang
masigasig na saloobin ay lumilinaw sa ugali ng kalinisan
at
kasipagan, na nagbubuo
sa kalagayan
ng pagkawili:
pagkamaamo ang pagpapatawad ay nagpapalinaw sa mga ugali ng pagka-magiliw ,
na nagbubuo sa proteksiyon at pang-preserba sa mga pangyayari: ang pagmamahal at mabait na
saloobin ay nagpapalinaw sa ugali ng pagiging malilimutin para
sa ibang tao at bagay, na nagbubuo sa pagkakataon ng
kasiguruhan, katibayan, kasaganaan at sa tunay na kayamanan.
Isang partikular na pagsasanay sa kaisipan ay naninindigan, maging ito
ay mabuti
o masama, at hindi maaaring mabigo upang makabuo ng mga
resulta sa karacter at pangyayari. Ang
tao ay hindi maaaring direktang
pumili ng kanyang
kalagayan, ngunit maaari niyang
piliing ang kanyang mga saloobin at iniisip, sigurado, huhugis
sa kanyang kalagayan.
Ang kalikasan ay tumutulong sa bawat tao
para sa kaluguran
ng mga saloobin, na siya niyang pinaka-hihikayat, at ang mga pagkakataon ay ipapakita na kung saan ay mabilis
na darating pareho sa mabuti at masamang saloobin.
Hayaan ang tao na tigilan ang kanyang makasalanang pag-iisip,
at
ang mundo ay lalambot
sa kanya, at
magiging
handa upang makatulong sa kanya; hayaan siyang isaisantabi ang
kanyang mahina at masakiting pananaw,
at pagmasdan,
ang mga
pagkakataon ay sumisibol
sa bawat kamay upang tulungan ang
kanyang malakas at matatag na
paninindigan; hayaan siyang humikayat ng magagandang pananaw,
at
walang mahirap na kapalaran
ang
dapat sumailalim sa kanya
pababa
sa pagkapahamak at kahihiyan. Ang
mundo ay ang iyong kaleydoskopo, at ang iba't ibang mga kumbinasyon ng kulay,
na sa bawat sumusunod na sandali
ito ay nagpapakita sa
iyo ng mga katangi tanging naisasaayos
na mga larawan ng iyong palaging
gumagalaw
na mga kaisipan.
"Kaya Ikaw ay magiging kung ano ang iyong naisin;
Hayaan
ang pagkabigo na maghanap sa kanyang
maling nilalaman
Sa mahihirap
na salitang,
'kapaligiran,'
Subalit
ang espiritu ay tumatanggi rito, at
ito ay malaya.
"Ito ang maestro ng oras, ito ay sumasakop sa mga
espasyo;
Ito ay nananakot sa mayayabang, manloloko, at sa pagkakataon,
At nagpaparusa sa malupit na pangyayari. Nagtatanggal ng korona, at
nagpupuno sa lugar ng tagapaglingkod.
"Ang kalooban ng tao,
ang
puwersang hindi nakikita,
ang
supling ng isang walang kamatayang kaluluwa,
ay
kayang pumutol ng paraan sa anumang
layunin,
Kahit
na harangan ng mga pader ng granayt.
"Huwag
maiinip sa mga
pagkaantala Matutong maghintay tulad
ng isang nakakaunawa; Kapag
ang espiritu ay pumailang-ilang at nag-utos
kahit ang mga anghel ay handang sumunod.”
Ang epekto ng
kaisipan sa kalusugan at sa
katawan.
Ang katawan
ay
ang lingkod ng kaisipan. Ito ay sumusunod sa operasyon
ng kaisipan, maski ito ay sadyang pinili o awtomatikong ipinahayag.
Sa pagpapahayag ng labag sa batas na mga
saloobin ang katawan ay mabilis na lumulubog sa sakit at pagkabulok;
at sa utos ng kaligayahan at
magandang saloobin ito ay nadadamitan ng kasariwaan at kagandahan.
Ang sakit at kalusugan, tulad ng
kalagayan, ay nag-uugat sa pag-iisip. Ang masasakit na saloobin
ay nagpapahayag ng kanilang
mga sarili sa pamamagitan ng isang masakiting katawan.Ang saloobin ng pagka-takot ay nai-pakilalang
nakakapatay ng isang tao ng mas mabilis pa
sa bala, at patuloy
na
pumapatay ng libu-libong mga tao
sa tiyak bagaman hindi
gaanong mabilis. Ang mga taong nakatira sa takot ng
pagkakaroon ng sakit ay ang mga
taong
nakakakuha nito. Ang pagkabalisa ay mabilis na nakapagpapahina ng
buong katawan, at naitatag ito bukas sa pagpasok
ng mga sakit; habang
ang maruming saloobin,
kahit na hindi ginagawang pisikal,
ay madaling
nakababasag ng nervous sistem.
Ang malakas, dalisay,
at masayang
saloobin ay nagtatayo ng katawan sa kalakasan at pagpapala. Ang katawan ay maselan,
na tumugon kaagad sa mga iniisip sa
pamamagitan ng kung saan ito ay naitanim, at ang mga ugali ng pag-iisip ay
makakapagdulot ng kanilang sariling mga epekto,
mabuti
o masama, doon.
Ang mga tao ay patuloy na magkaroon
ng hindi malinis at na lalasong dugo, hangga't pinalalaganap nila ang maruming saloobin.
Mula sa malinis na puso ay isang malinis na buhay at malinis na
katawan. Mula sa marungis na kaisipan lumalabas ang marungis na buhay at isang korupt na katawan.
Amg kaisipan ay
ang benditahan ng aksyon,
buhay, at paghahayag; gawing dalisay ang balon, at ang lahat ay magiging dalisay.
Ang pagbabago ng diyeta ay hindi makatulong sa isang tao
na hindi magbabago ng kanyang
mga
saloobin. Kapag ginagawang
dalisay ng isang tao ang kanyang saloobin, siya ay hindi na
maghahangad
ng matatabang pagkain.
Ang malinis na saloobin
ay
lumilikha ng malinis na ugali. Ang mga tinaguriang santo na hindi
naghuhugas ng kanilang katawan ay hindi isang santo. Siya na
may matatag
at malinis na
mga
saloobin ay hindi kinakailangang isaalang-alang ang maghangad ng masama sa kanyang kapwa.
Kung nais mong protektahan ang iyong katawan, bantayan
ang
iyong kaisipan. Kung nais mong baguhin ang iyong
katawan, pagandahin ang iyong kaisipan. Ang saloobin na may masamang hangarin, inggit, kabiguan,
at ang kawalan
ng pag-asa, ay nagnanakaw sa kanyang katawan ng kalusugan at biyaya. Ang isang maasim na mukha ay hindi nagmumula sa pamamagitan ng pagkakataon; ito ay ginagawa sa pamamagitan ng maasim na saloobin.
Ang kulubot na sumisira ay naiguguhit sa pamamagitan ng kahangalan, simbuyo ng damdamin, at pagmamataas.
May isang babaeng 96 ang
edad ngunit may maliwanag,
inosenteng mukha ng isang batang babae. May isang lalaki na nasa ilalim ng gitnang
edad na ang mukha ay nasisira sa walang armonyang tabas. Ang isa ay ang resulta ng isang matamis
at maliwanag na disposisyon; ang
isa ay resulta ng mga simbuyo ng damdamin at diskontento.
Dahil hindi ka maaaring magkaroon ng kalugod-lugod at kapaki-pakinabang na tirahan
maliban
kung papapasukin mo ang hangin at
sikat
ng araw ng malaya sa iyong
kuwarto, kaya ang isang malakas na katawan
at isang maliwanag, masaya,
o matahimik
na bukas
ng mukha ay maaari lamang magresulta mula sa
malayang pagpasok sa kaisipan ng mga pag-iisip sa kagalakan
at tapat na kalooban at kahinahunan.
Sa mga mukha ng mga may edad may mga kulubot na nagawa ang pakikiramay, ang iba sa pamamagitan ng malakas at
dalisay
na pag-iisip, at sa iba ay naukit sa pamamagitan ng silakbo ng damdamin: sino ang hindi maaaring makilala
sa mga ito? Sa mga taong nabuhay
ng may katarungan, ang
edad ay kalmado, tahimik,
at napaka-
suwabe, tulad ng
paglubog
ng araw. Mayroong isang albularyo na nakahiga sa kanyang
banig
ng kamatayan. Siya ay hindi matanda maliban
sa
edad. Siya ay namatay
na
mapayapa at tiwasay
tulad
noong nabubuhay pa siya.
Walang
manggagamot ang umaayaw sa kaaya-ayang pag-iisip na
papawi sa mga karamdaman ng katawan; walang taga-aliw na ikukumpara sa may mabuting hangarin para sa pagpawi sa anino ng
pighati at kalungkutan. Upang patuloy na mabuhay
sa saloobin ng
masamang kalooban, pangungutya, hinala, at
inggit, ay para makulong
sa isang sariling gawang bilangguan. Ngunit sa
pag-iisip ng mabuti para sa lahat,
para maging kaaya-aya
sa lahat, para sa matiyagang matutunan hanapin
ang mabuti sa lahat-ang hindi makasariling saloobin ay ang mga portal ng langit; at upang
tumira araw-araw sa
pag-iisip ng kapayapaan
patungo sa bawat nilalang
ay magdadala ng saganang kapayapaan
sa may-ari.
Ang Kaisipan at layunin
Hanggang sa ang pag-iisip ay mai-ugnay sa layunin
walang intellihenteng katuparan ang magaganap. Sa karamihan ng
mga sumisigaw na kaisipan
na pinapayagang "sumama sa agos" sa karagatan ng buhay.
Ang
kawalan ng layunin ay isang masamang bisyo, at sa ganoong
pag-anod ay hindi dapat magpatuloy para sa kanya na
gustong makaiwas sa mga malalaking kapahamakan at pagkawasak.
Sila na walang sentral na
layunin sa kanilang buhay
ay mahuhulog, isang madaling biktima sa makitid na pag- aalala, takot, kaguluhan,
at awa sa sarili, ang lahat ay indikasyon
ng kahinaan,
na humantong, tulad ng
tiyak
na sadyang binalak
na kasalanan (bagaman
sa
pamamagitan ng isang iba't ibang mga ruta), sa kabiguan, kalungkutan, at kawalan,
dahil
ang kahinaan ay hindi maaaring magpumilit sa isang ma-kapangyarihang umuunlad na uniberso.
Ang isang tao ay dapat mag-isip
ng
isang lehitimong layunin sa kanyang puso, at magtakdang makamit ito. Dapat gawin niyang itong pangunahing punto ng kanyang
saloobin. Maaaring itong maging porma ng isang espirituwal na ideal, o maaari itong isang makamundong bagay, ayon sa
kanyang likas na katangian sa
ngayong panahon; ngunit kung anuman ito, dapat patuloy niyang ituon ang kanyang
pwersa ng pag-iisip sa mga bagay, na kung saan siya ang nagtakda. Dapat niyang gawin itong layunin ang
kanyang kataas-taasang tungkulin,
at
dapat ilaan ang kanyang sarili sa
kanyang kakayahan, hindi nagpapahintulot sa kanyang pag-iisip
upang malihis
ng
pansandali sa guni-guni, pag-asam, at pag-aakala.
Ito ang hari o reyna ng
kalsada sa pagpipigil sa sarili at tunay na
konsentrasyon ng pag-iisip. Kahit
na siya ay mabibigo
muli’t muli isasagawa niya ang
kanyang mga layunin (na kinakailangan hanggang ang kahinaan ay pagtagumpayan), ang lakas ng karacter na nakukuha
ang
magiging sukatan ng kanyang
tunay
na tagumpay, at ito ay nagbubuo ng bagong panimulang-puntos
para
sa hinaharap na kapangyarihan at pagtatagumpay.
Yaong hindi naghahanda para sa pagkaunawa ng isang mahusay na layunin
ay
dapat mag-ayos ng pag-iisip ng walang pagkakamali sa pag-ganap ng kanilang tungkulin, kahit na paanong hindi mahalaga ang kanilang mga gawain kung ito ay titingnan. Tanging
sa
paraang ito maaaring ang mga saloobin ay maipon
at maituon,
at mapagpasyahan at
ang enerhiya ay mabuo,
na tinatapos, walang anuman ang hindi maaaring
matupad.
Ang pinakamahinang kaluluwa, na nakaka-alam ng sarili
nitong kahinaan, at naniniwala sa katotohanan ito na ang lakas ay maaari lamang na
mabuo sa pamamagitan ng pagsisikap at kasanayan, kagustuhan,
kaya naniniwala, sa
oras na inumpisahan para
magsimulang magsikap,
at, dagdagan ng pagsusumikap
ng pagsisikap, ng tiyaga ng pagtatiyaga, ng lakas sa lakas,
at hindi
kailanman titigilan upang mabuo, at sa wakas lumago
ng malakas.
Gaya ng mahinang katawan ng isang
tao na maaaring palakasin
sa
pamamagitan ng maingat at matiyagang pagsasanay,
kaya ang taong
mahina
ang pag-iisip ay maaaring magpalakas sa pamamagitan ng ehersisyo
ng
kanyang sarili sa tamang pag-iisip.
Para maalis ang kawalan ng direksyon at kahinaan, at upang magsimulang mag-isip
ng
may layunin, ay ang makapasok sa
hanay ng mga malalakas na nakakakilala sa kabiguan bilang isa sa mga daanan sa kakayahan; na gumawa ng lahat
ng mga kondisyon na magsilbi sa kanila, at
ang nag-iisip ng kalakasan, nagtatangka ng walang takot, at nagtutupad ng perpekto.
Ang nakakaunawa sa pag-iisip
ng
kanyang layunin, ang isang tao ay nararapat mag-isip
ng dapat imarka sa tuwid na daanan ng
kanyang tagumpay, tumitingin
sa
kanan o kaliwa.
Ang pag-aalinlangan at takot ay dapat
mahigpit
na mapaalis; sila ay nakabubuwag na mga elemento, na naninira sa tuwid na linya ng pagsusumikap, na nagbibigay ng hindi
tuwid, walang saysay, at walang silbi.
Ang saloobin ng pagdududa at takot ay hindi kailanman makakatapos
ng anumang bagay, at hindi kailanman makakaya.
Sila
ay palaging humantong sa pagkabigo. Hangarin,
enerhiya, kapangyarihan upang gawin, at ang lahat ng malakas na
pag-iisip kapag napapatigil ng pag-aalinlangan at takot dahil gumagapang ang
mga ito papasok sa kaisipan.
Ang kalooban ng pag-gawa ay
sumisibol mula sa kaalaman na maaari
nating magawa. Ang pag-aalinlangan at takot ay ang mga
mahusay
na kaaway ng kaalaman, at siya na
humihikayat sa kanila,
na
hindi pumapatay sa mga ito,
ay
nahahadlang ng kanyang sarili sa bawat hakbang.
Siya na nakalupig sa duda at takot ay nakatalo sa pagkabigo.
Ang
kanyang pag-iisip ay kaalyado ng kapangyarihan, at
ang lahat ng mga paghihirap ay buong tapang na
hinaharap at matalinong
pinagtatagumpayan. Ang kanyang layunin ay nakatanim sa angkop na panahon, at sila ay
sariwang-sariwa at nagbibigay ng mga
prutas, na hindi nahuhulog ng wala sa
panahon sa lupa.
Ang kaisipan na nakaugnay sa matapang na layunin
ay nagiging puwersang malikhain: siya na may alam nito ay nakahanda para sa mas
mataas at mas malakas kaysa
sa isang bigkis ng mga mabuway na saloobin at pabago-bagong
pakiramdam; siya na gumagawa nito ay
naging taong may kamalayan at matalinong tagapamahala ng
kanyang makapangyarihang kaisipan.
Ang kaisipan-ang dahilan ng tagumpay
Lahat ng nakakamit ng isang tao at ang lahat
ng
hindi niya nakakamit ay ang direktang resulta ng kanyang sariling mga
saloobin. Sa
isang maayos na uniberso,
kung saan ang pagkawala
ng lahat ng nakatayo ng
hindi maayos ay nanganga-hulugan ng kabuuang
pagkasira, ang indibidwal na responsibilidad ay dapat na lubusan.
Ang isang kahinaan
ng
tao at lakas, kadalisayan at karumihan, ay ang kanyang sarili, at
hindi ng ibang
tao; siya ay
dinala sa pamamagitan ng kanyang
sarili, at hindi ng iba; at maaari lamang silang mabago sa pamamagitan ng kanyang
sarili, hindi sa pamamagitan ng iba.
Ang
kanyang kundisyon ay kanya din, at hindi para sa ibang tao. Ang kanyang paghihirap
at
ang kanyang kaligayahan ay nagbabago mula sa loob. Bilang Iniisip
niya, kaya siya iyon; habang patuloy siya sa pag-iisip, kaya siya ay nananatili.
Ang isang malakas na tao ay hindi maaaring makatulong sa isang mahinang
tao maliban na ang mahina
ay handing magpatulong, at
kahit ganoon ang mahinang tao ay dapat maging malakas sa kanyang sarili; dapat, sa pamamagitan ng kanyang
sariling pagsisikap, bumuo ng lakas na hinahangaan niya sa iba. Wala,
maliban sa kanyang
sarili ang
makapagpapabago sa
kanyang kalagayan.
Ito ay karaniwan
para
sa mga tao na isipin
at sabihin,
"Maraming mga tao ay
mga alipin dahil ang isang tao
ay mapang-api; mapoot tayo sa mga taong
mapang-api." Ngayon, gayunpaman, may nabubukod tanging
tumataas na inklinasyon upang baliktarin ang paghuhusga,
at sabihing,
“Ang
isang tao ay nagiging
mapang-api dahil maraming mga alipin; hamakin natin ang mga alipin."