Ang
meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili.
Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin
ang ating sarili. Saka
natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon
ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain
kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay
magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang
iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan
ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na
enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas
na enerhiya ang
mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa
bawat aspeto ng ating buhay na
humahantong sa mas mataas na kaalaman.
Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas
na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan
natin na hindi
lamang tayo nabubuo ng katawan at
kaisipan.
Nauunawaan natin na tayo ay isang
mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon
na dumating sa
atin at ang lahat ng ating
mga problema na ating nalalagpasan
ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at
ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan.
Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang
pinaka-layunin ng ating sarili. Ang mas mataas na kaalaman ay
nakukuha lamang sa
pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral.
Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng
mas mataas na prikwensiya ng mga
realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan
ng kaluluwa ay kilala
bilang "ikatlong mata".
Sa pamamagitan ng pagsasanay
at pagsasagawa pa ng higit pang
meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang
dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay
isang napaka-gandang karanasan sa
panahon ng meditasyon sa oras ng
aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng
pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo.
Unti-unti tayong makakakita ng iba't
ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid.
Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng
paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa
isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang
eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas
madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain.
Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas
malinaw pa sa pisikal na mga pangitain.
Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi
makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Matutunan ang paggamit ng “Kapangyarihan ng mas mataas na
antas ng sarili, at ang mas mataas na antas ng kamalayan, na mayroon sa bawat
nabubuhay na nilalang kung saan binibigyang daan sila upang mamuhay ng
perpekto.”
Sa
pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagsasagawa ng mga disiplinang ito,
makakabuo tayo ng isang kapansin pansing walang hanggang kapangyarihan.
Isang
kapangyarihang higit pa sa ating kamalayan at katawan, maging ang kakayahang at
kapangyarihan mas mataas upang mapasunod ang ibang tao para sa kanyang
ikabubuti. Gamit ang kapangyarihang ito mailalagay natin ang ating sarili at
ang ibang tao sa estado kung saan magkakaroon tayo ng perpektong husay,
kalusugan, pagkakasunduan, kaligayahan at kapayapaan sa ibang at alagaan ang
mga katangiang ito na sa panahon ngayon ay tinatawag nating “tagumpay.”
Layunin,
Plano, Prayoridad
Sinabi ng mga DTEF Masters na ang
layunin ay katulad ng isang mangingingisda na nagpaplano sa pamamagitan ng
pag-aaral sa kundisyon ng mga isda at tubig, at nagbibigay prayoridad sa
pagkukumpuni ng kanyang bangka at lambat.
Layunin
Ang ating layunin ay ang dahilan
natin kung bakit tayo nabubuhay. Ito ay ang ating Dharma(enlightenment) o ang
batas ng kalikasan, isang salitang patuloy pa ring ginagamit sa panahon ngayon
na nakapaloob sa sinaunang salita ng mga Indiano, ang Sanskrit. Ang ibig
sabihin nito ay “kalinisang-puri”, responsibilidad, o “ang tamang aksyon” na
kung saan ito ay ang tamang pagsisikap sa tamang direksyon. Ito ay ang pag-gawa
nang alinsunod sa ating tungkulin. Ito ay sumusunod sa ating paghatol o
pagpapasya kung sa paanong paraan nating pipiliing mabuhay, ang ating
paghahayag, konsensya at ang tuntunin ng ating pag-uugali. Ang tatlong poste na sumusuporta sa Dharma ay
ang nararapat na pinakamataas na pamamaraan na ating gawin habang sinusunod
natin ang kagyat na pangangailangan ng ating kaluluwa, at isaalang-alang ang pangangailangan
nito upang pahusayin pa ito sa susunod na pinakamataas nitong pagbabago.
Hanapin at sundan ang iyong
layunin. Sundin kung saan ka tunay na tinatawag ng iyong buhay, ito ay isang
uri ng espirituwal na pagpupunyagi. Ito ang iyong kapalaran, ang iyong Dharma –
ang pundasyon na sumusuporta, nagpapatibay, at nagbibigay sustansya sa buhay.
Ang bawat isa sa atin, ano man
ang ating posisyon o trabaho sa buhay, ay mayroong Dharma. Ang atin ay maaring iba o kabaliktaran
kumpara sa iba. Ang isang manggagamot na
nagbabalik ng buhay ay kabaliktaran sa isang sundalong pinagkakatiwalaang
idepensa ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pagbubuwis ng kanyang sariling
buhay.
Sa pamamagitan ng pagtukoy sa
ating Dharma, ang ating kapangyarihan ay mas lumalakas. Tayo ay nagtatagumpay
kapag tayo ay nakatuon, may dedikasyon, totoo, may sinseridad at tapat sa ating
tungkulin kung saan tayo tinawag upang gumanap, kahit na ang tungkuling iyon ay
hindi kaaya-aya, importante o makahulugan sa isang partikular na bahagi ng
ating buhay. Ang mismong pagtanggap o pag-ganap dito sa pinakamahusay nating
abilidad, sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng lahat ng ating makakaya para sa
isang tungkulin, ay isang mabuting Dharma.
Gaya ng isang mangingisda, na
sumusuko sa natural na pwersa na nakapaligid sa atin at tinuturuan tayo mula sa
maraming aral ng buhay. Ang pinakamagandang kaluguran at kasiyahan na
matatanggap natin mula sa ating pagiging masikap at hindi makasariling
pagpapagod ang magpapaunlad sa ating buong buhay, at kapalit nito ay ang
paghahanda sa atin na tanggapin ang higit na tagumpay at pagkamit ng mga
hangarin.
Ang natural na kapaligiran ng
Dharma, ay ang espirituwal na ebolusyon na gumagamit ng buong pwersa. Ang bawat kaluluwa ay nabubuo sa pamamagitan
ng mga karanasan mula sa kahapon habang naglalatag ng isang pundasyon para sa
kinabukasan. At kung ikaw ay maniniwala sa muling pagkabuhay, maari kang
sumang-ayon kay Yogi Ramacharaka na ang buhay ay hindi lamang ang pananatili
nang ilang taon sa pisikal na katawan, kundi ang kaluluwa ay mayroong hindi
mabilang na kahapon ng pamumuhay at kasama nito ang kabuuan ng walang hanggan,
ang kaluluwa ay nasa patuloy na paglalakbay sa walang katapusang pataas at
paikot-ikot na daan.
Ang ating Dharma ang tumutukoy
kung nasaang bahagi na tayo ng ating ebolusyon. Binibigyan tayo nito ng bagay
na ating magagamit para sa isang ulirang paraan ng pag-uugali habang tayo ay
dumaraan sa landas ng ating buhay, upang tulungan tayo makapunta sa daan
patungo sa pinakamataas na bahagi ng ating pag-unlad at pagsulong.
Ang ating layunin, ang ating
Dharma, ay ang ilaw ng ating landas. Ito ang nagiging lakas upang tulungan
tayong manatili sa ating dinaraanan at matamo ang ating nilalayon.
Pagpaplano
Kung sa gayon ang mangingisda ay
nagpaplano sa pamamagitan ng pag-aaral sa kundisyon ng tubig at isda.
Makikita natin sa ating paligid
ang kakulangan sa direksyon. Ang isang
indibiduwal, matanda man at bata, ay nakakaranas nito, gayon din ang ilang mga
negosyo, gobyerno at iba pang organisasyon.
Sa masusing pagsisiyasat, nadiskubre naming na ang pagpaplano ay laging
nawawala. Isiping mabuti na ang pag-unlad ay hindi magagawa, maging ang
tagumpay ay hindi matatamo, kung hindi ka maglalaan ng oras sa pagdidisenyo ng
iyong landas. Upang magkaroon ng mataas na pagtalon, magtakda ng mahihirap na
layunin at aksyonan ito kaagad; ang pagtatakda ng mahihirap na layunin ay
hahatak sa iyo sa mga makabagong paraan ng pag-iisip at pagawa, at hihikayat
patungo sa tugatog nang mahusay na paganap.
Mag-isip ng malalim tungkol sa
iyong plano, idokumento ang mga hakbang na dapat gawin, sa pinaka-tamang
pagkakasunod-sunod. Siyasating mabuti at muling suriin ang iyong plano hanapin
ang mga kamalian, asahan na ang mga problemang maaring lumitaw, at isama na rin
ang mga bagong ideya na makakatulong upang pagandahin pa ang plano. Ang mga
sumusunod ay ang labing tatlong hakbang na dapat isaalang-alang kapag
nagsusulat ng plano:
1.
Magtakda at
tukuyin ang isang malinaw na layunin.
2.
Hatiin ito sa
sunod-sunod at maliliit na hakbangin na maaring makamit.
3.
Idokumento at
inbestigahan ang mga pamamaraan o aksyon na kailangan upang makuha ang bawat
hakbang.
4.
Alamin na ang mga
maaring maging kalalabasan nito.
5.
Piliin ang
pinakamagandang ruta.
6.
Magpokus lamang
sa mga positibo; baliwalain o pigilin ang mga negatibong aksyon.
7.
Maglaan ng dapat
magawa sa bawat petsa ng buwan, oras at hangganan, sa bawat hakbang.
8.
Tulugan ito. Importanteng itabi muna ang iyong plano,
upang bigyan ang iyong sarili ng oras para pag-aralan itong mabuti at maisaisip
ang plano bago ito isagawa.
9.
Sa pagsasagawa
nito hayaang maghari ang iyong mga enerhiya.
10. Bantayan ang
pagsulong nito. Busisiin ang bawat
metodohiya o aksyon at gumawa pa ng kinakailangang pagpapa-igi rito.
11. Manindigan.
Upang makuha mo ang pinili mong pupuntahan, ikaw ay dapat ang mismong maging
plano, upang ang buong pokus mo ay nakalaan upang maging matagumpay ang iyong
plano.
12. Tanggapin ang
maaring kahinatnan. Ang pagsisisi ay para lamang sa mangmang.
13. Pag-aralang muli ang kinahinatnan.
Upang makuha ang pinakamagandang
benepisyo sa paggamit ng kapangyarihan ng intensyonal na pagpopokus sa
pagpaplano, maging ang pakay mo man ay ang pataasin ang iyong kasanayan sa
araw-araw na pamumuhay o ang pagkakamit ng iyong mga pang-matagalang layunin,
kailangan mong gawing parte ng iyong buhay ang pagpaplano. Kailangan mong
isabuhay ito sa bawat sandali.
Maglaan ng tahimik
na oras sa pagpaplano nang maaga para maihanda ang iyong sarili ng buong-buo.
Idetalye maigi ang iyong plano at programa sa pamamagitan ng pag-gamit ng
enerhiya gaya ng pag-iisip, imahinasyon, pakiramdam at kakayahang malaman ang
mga maaring mangyari. Pagsamahin ang iyong mga layunin doon sa mga taong
maapektuhan ng maaring kalabasan nito.
Itugma ang iyong mga plano sa mga plano nila. Minsang sinabi ni Abraham
Lincoln na kung mayroon siyang anim na oras upang putulin ang isang puno,
gagamitin niya ang unang apat na oras upang patalimin ang palakol. Ang mga
sinaunang Intsik na mga maestro ng martial arts ay alam na kapag sila ay nasa
matandang edad na, ang mas pinahusay na paghatol at matalim na isipan ay
kinakailangan upang mapanatili ang lebel ng kanilang kasanayan.
Alam din nila na
ang emosyonal na kakalmahan kaysa sa husay pangpisikal at lakas, ang kanilang
magiging tagapagligtas sa situwasyon ng buhay o kamatayan.
Magkaroon ng
malinaw na mapa ng daang tatahakin. Suriin ang iyong kasalukuyang posisyon
kasunod ng iyong mga layunin. Tingnan ang mga magiging pagsubok na maaring nasa
iyong daraanan at intindihin ang pagsisikap at sakripisyo na kakailanganin
gawin upang makuha ang bawat ambisyon o layunin. Panatilihing maikli at risonable ang oras na
ilalaan rito, sapagkat ang pangmatagalang ambisyon o layunin ay maaring hind
imaging makatotohanan at nakakababa ng inspirasyon o motibasyon.
Ang pag-alam sa
mga maaring mangyari sa plano ay tumutulong sa isang tao na mas makapagplano ng
mas maaga sa kanyang pinopokus. Kung alam mo na ang iyong gagawin at kung
bakit, kailan at paano at mayroon kang magagandang ideya kung ano ang dapat
asahan sa iyo, sa gayon masisigurado mo na magagawa mo ito sa paraang makakapag
bigay inspirasyon ka sa tamang reaksyon at inaasahan ng ibang tao mula sa iyo.
Kung ang reaksyon at ang inaasahan sa iyo ng iba ay hindi malinaw, ang isang
taong pokus ay inaalam na kung ano ang maaring reaksyon at aasahan sa kanya
kapag dumating ang oras at siya ay handang handa para rito. Ang pagiging pokus
ay ang pag-alam rin kung ano ang reaksyon na inaasahan mo mula sa iyong sarili.
Prayoridad
Gaya ng isang
mangingisda na nagbibigay prayoridad sa pagkukumpuni ng kanilang bangka at
lambat, dapat mong gawin at unahin ang pinakamahalagang bagay.
Hatiin ang iyong
mga layunin sa maliliit na bahagi, sa pirasong mapapangasiwaan at matatamo.
Magbigay prayoridad dito sa pamamagitan ng pag-aayos sa kanila nang may lohikal
na pagkakasunod-sunod. Magbigay ng tamang ayos o pagkakasunod-sunod sa bawat
yugto ng iyong plano at ito ang iyong magiging struktura. Kalkulahin ang iyong
kakailanganin upang magawa ang bawat yugto, at alamin kung paano mo gagawin ang
bawat tungkulin. Ang isang hakbang sa
bawat isa ang iyong tuntunin, at ipokus ang bawat isang hakbang.
Gamitin ang iyong
mga enerhiya upang ito ay gumalaw.
Hayaang ang aksyon ng iyong pisikal na organo ang maghari. Magsimula sa pinakaunang tungkulin. Sa buong
hakbang na ito, panatilihin ang mga mata sa buong larawan ng plano at sa dulo
nito. Gamitin ang anumang magagamit hakbang isinasagawa ang iyong plano.
Magtiwala sa iyong mga madaraanan, ang karunungan ng silanganan ay nagtuturo na
ang lahat ng bagay na nangyayari ay may dahilan. Ihanay ang iyong sarili sa
natural na batas.
Pangasiwaan ang
bawat bahagi ng pagsasagawa nito. Suriin ang bawat hakbang kung ito ay nagawa
at nakumpleto na at ikalugod ang iyong pagsisikap. Magpasalamat sa iyong sarili
at sa iyong mas mataas na antas ng sarili sa pagbibigay sa iyo ng
kapangyarihang papangyarihin ang mga bagay. Ito ay magpapataas sa iyong
pagtitiwala, gigisingin nito ang iyong motibasyon at palalakasin ang iyong loob
upang makuha ang ninanais. Ang pananatiling tapat sa iyong sarili sa positibong
paraan ay tutulong sa iyo upang matuto mula sa iyong pagkakamali at pipigilan
ka nitong lumihis sa tamang daan. Pag-aralang muli ang bawat hakbang upang
palakasin pa nito ang iyong pokus, at ang kapangyarihan ng iyong kalooban ay
manatili.
Ang
buong larawan
Tingnan ang buong
larawan kapag ikaw ay nag-iisip ng isang layuning inaasahan mong makamit.
Sundan ang daang iyon. Suriin ang iyong
sarili, ilipat ang iyong enerhiya kung kinakailangan at ikunsidera ang lahat ng
posibilidad at pagpipilian na makikita mo habang tinatahak ang daan.
Magpanukala ng
malinaw at tumpak sa layuning nais makamit. Ito ay dapat mapanatili ng tapat sa
iyong isip sa lahat daraanang bahagi ng pagsasagawa mo nito, na kadalasan ay
mahaba at pasikut-sikot na proseso. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng
pagdedesisyon kung ano ba talaga ang iyong nilalayon, ito ay ang pagpili ng
isang kagustuhan para sa iyong layunin na sa tingin mo ay ang pinaka
kapaki-pakinabang, at magdesisyon upang itaguyod ito. Iwasan ang mapusok na
aksyon na kadalasan ay nagkakamali at ikunsidera ang lahat ng anggulo bago ang
iyong pinal na desisyon. Pagkatapos ay itabi ito at tulugan ng ilang araw.
Kapag buo na ang loob mo sa iyong desisyon, magkaroon ng lakas ng loob na
talikuran o ipagpaliban ang ibang posibilidad.
Inererekomenda
naming ang araw-araw na manatiling totoo sa iyong sarili, gaya lamang ng
araw-araw ninyong pagdarasal, sa pamamagitan ng pagtanggap sa iyong sarili ng
mga opinion, idea o paniniwala, ito ay magsisilbing paalala upang gawing aktibo
at siguruhin ang patuloy na pagbabago o pag-unlad ng malikhaing enerhiyang
kinakailangan upang masiguro ang pagkakamit ng layunin.
Ang pagiging tunay
sa sarili sa araw-araw ay tutulong sa iyo upang magkaroon ng malinaw na
pagtingin sa iyong layunin. Ang
pagdedeklara ng mga idea o suhestiyon ay dapat nasa anyo ng pagiging tiwala sa
iyong mga sinasabi, at ang mga salitang gagamitin ay dapat personal at dapat
nasa anyong pangkasalukuyan, gaya ng, “Ako ay mahusay sa aking trabaho”.ang
pinaka epektibong mga resulta ay makukuha kapag ang layunin mo ay inuulit mo sa
paraang ikaw ay may intensyong makamit ito, gaya ng tiwalang pagpapahayag natin
tungkol sa ibang tao, gaya rin ng pagdarasal ng ibang tao.
Ang pagdedesisyon
ay may kasamang pagpapakawala ng ating mga kagustuhan o target. Ang isang
pagsasantabi ay dapat gawin, ito ay ang pagtanggal ng ibang bagay sa ating
daraanan. Upang makakuha ng isang bagay,
kailangang handa tayong pakawalan ang ibang bagay. Gaya ng kung gusto mong
magkaroon ng balingkinitang katawan, kailangan mong pakawalan ang mga pagkaing
matataba o tigilan ang pagkain ng sobra. Kung gusto mo ng magandang pigura ng
katawan kailangan mong bitawan ang komportableng pag-upo mo sa iyong magandang
upuan.
Ang taga-pulot ng
basahan
Mahalagang iwasan
ang pagtatakda ng layuning hindi kayang abutin ng ating abilidad. Sa ibang
salita, magtakda ng layuning makatotohanan at maaring makamit. Ito ay tinatawag
na teknik ng limitasyon at ginagamit mo ito sa pamamagitan ng pagtatakda ng
tiyak na limitasyon.
Ang istorya ng
taga-pulot ng basahan, ay minsang kinewento sa akin ng isang dating kaibigan.
Sa Makati, may
isang taga-pulot ng basahan, isang batang lalaki, na nagpupulot ng tumpok ng
basura upang mabuhay. Ang layunin nya ay
makakuha ng maliit na piraso ng tela upang ilagay sa kanyang paa sa kanyang
higaan upang hindi ito lamigin sa batong sahig. Dahil sa sobrang kagustuhang
magkaroon nito, isinalarawan niya sa kanyang isipan at humiling siya nang
tatlong beses sa isang araw, sa araw-araw. Gaya ng isang himala, nakakuha siya
ng piraso ng tela bago pa man ang tag-ulan.
Sa kabilang bahagi
ng Makati, isa pang batang lalaki, na baguhan sa kanyang trabaho sa isang
malaking department store. Sa pamamagitan ng risonableng edukasyon at suporta
ng pamilya, ginagamit nya ang parehong teknik na ginamit ng taga-pulot ng
basahan at humiling siya na makuha ang posisyong mataas sa kaniyang kumpanya.
Makalipas ang tatlumpung taon siya na ang naging managing director ng
department store.
Ang istoria ay
nagtuturo na ang parehong kalalakihan na handa para sa mga bagay na gusto nila.
Importanteng tandaan na ang kapangyarihang ng pagsasalarawan sa isipan ng isang
bagay na ninanais ay maaring nakapagbigay sa isang taga-pulot ng basahan ng
mataas na posisyon sa isang department store ngunit malamang na hindi nya
magampanan ng maayos ang kanyang trabaho, at malamang na mawala sa kanya ang
lahat. Gayon din, ang baguhang empleyado na may magandang edukasyon ay hindi
magtatagal bilang isang taga-pulot ng basahan. Kung kaya’t karapat dapat lamang
na tanggapin ang ilang bagay na gusto mong makuha ay hindi mo pa nakakamit sa
ngayon, maging sa hinaharap o maging sa buong buhay mo. Huwag kang humingi ng
sobra-sobra para sa iyong sarili. Ang
matalinong pagsusuri sa iyong kasalukuyang situwasyon ay mahalaga. Magsikap
para sa susunod na bagay na posibleng maabot mo na iyong nais o inaasam-asam.
Ang iyong kagyat na pagnanais ay ang pag-abot sa unang hakbang papunta sa
solusyon na hinahanap o para sa iyong pangarap, sa huli, ang hagdan upang mas
umunlad ay akyatin ng dahan dahan, isang hakbang sa isang pagkakataon.
Makikita mo na ang
pagtatakda ng tiyak na limitasyon, ginagamit natin ang ating pangloob na
pwersa, ang pangloob nating kapangyarihan.
Bagamat, kapag kaya na natin gamitin ang kapangyarihang ito, maaring
magkaroon ng tukso upang ikonsidera ang hindi makatotohanang mga posibilidad,
kung kaya tayo ay dapat maging listo sa pagamit ng mga teknik ng limitasyon.
Ang teknik na ito ay napakahalaga. Pinipigilan tayo nito upang sumobra at
magkaroon ng hindi makatotohanang mga layunin, ito ay magpapanatili sa atin sa
tamang daan papunta sa nararapat nating puntahan, at tutulong din ito upang
maiwasan ang mga negatibong resulta.
Emosyon
Habang patungo ka
sa pagkakamit ng iyong mga layunin, ikaw ay maiimpluwensyahan o maaepektohan ng
iba’t ibang klase ng emosyon. Ang matitinding emosyon ay maiaalis o masusugpo
sa pamamagitan ng pag-uugali, isipan o aksyon.
Sa umpisa, sa
pamamagitan ng iyong kagustuhan, mabubuo mo ang lakas ng iyong kalooban sa
pagkokontrol ng malumanay na pagkabagabag ng emosyon.
Mahalagang
kilalanin kung anong mga emosyon ang nakakaapekto sa iyo. Maglaan ng ilang
sandal upang making at makiramdam kung ano ang nangyayari sa loob mo. Ang
matutong huwag mag-alala sa mga walang halagang emosyon ay isang magandang
simula. Sa pamamagitan ng pagkontrol sa
iyong sarili matututunan mong buwagin ang pag-aalala, takot at galit.
Napag-alaman kong ang pag-gunita sa
kadahilanan ng emosyon ay nakakatulong sa atin upang harapin ang mismong
emosyon.
Ang mga emosyon ay
enerhiya na gumagalaw, ito ay pagpapahayag ng mga enerhiya. Bagamat, tinatawag ito ng mga sinaunang
Intsik na “inner evils”, sila rin ay itinuturing na “driving forces”. Sumasalamin ito sa pagpapalakad ng ating
isipan at katawan at kasama ng iba pang mahiwagang enerhiya na gumagawa para
mapanatili ang ating balanse. Dumadaloy
sa atin at nagdadala sa atin upang gawin ang kung anumang kinakailangan upang
mapanatili ang balanse sa pagitan ng ating isipan at ng pisikal na kalusugan,
ang emosyon ay pamamaraan upang ihayag ang ating mga sarili. Ang pagpigil sa
ating emoyson ay maaring magdulot ng pagbabara ng ating Chi ang mahalagang
enerhiya, at maaring magresulta ng pagkakaroon ng sakit.
Ang salitang
“emotion” ay nag-ugat sa salitang “motion”.
Kung kaya’t ang emosyon ay isang enerhiya na buhay na buhay na
nagpapahayag, at kasalukuyang nararamdaman ngayon, sa halip na sa kasalukuyan.
Wala tayong pangkasalukuyang emosyon. Bagaman, hindi natin ito alam, iniisip na
natin ang ating magiging emosyon bago pa man natin ito maranasan, kung kaya’t
mababago mo at makokontrol mo ang iyong emosyon sa pamamagitan ng pag-sasaayos
ng iyong isipan. Ang musika ay ginagamit rin upang itama at ituon sa ibang
bagay ang iyong emosyon. Ang dramatikong tugtugin galing sa partikular na
instrumento gaya ng trumpeta, ay nakakaapekto sa ating pisikal, ang malakas na
tunog nito ay nakakapagpataas ng ating espirito. Ang malumanay na musika ay
nakakapag palambing sa mga taong nalulugod rito.
Kahit na ang
emosyon ay ang pwersang nagmamaneho sa atin, mahalagang walang emosyon ang
ating isip at katawan kapag tayo ay nagpopokus, upang masiguro na walang
hahadlang sa atin. Ito ay isang paraan upang maging posible ang pagtingen natin
sa lahat ng bagay, sa buong larawan, sa kung paano ito, at hindi natatabunan ng
ulap na madilim dahil sa ating mga emosyon.
Kapag pinapanatili
mo ang iyon layunin sa iyong isipan, mahalagang pakawalan at alisin ang lahat
ng emosyon.
Ang linaw ng isip
at paghatol ay nasisira ng matitinding emosyon gaya ng takot, galit, pagkasabik
o kahit ang pagsabog at di makontrol na emsoyon. Ang emosyon ay kailangan
bilang parte ng ating pagkatao; ito ang tunay na ikaw. Ngunit, ang ating
pagiging klaro ay naaapektohan kapag hinayaan nating masakop tayo ng ating
emosyon. Sa gayon ang pagiging maestro ng ating emosyon at ang pagkakaroon ng
kontrol sa sarili ang pinakamahalaga. Ang pagbaklas sa matitinding emosyon ay
importante dahil hindi tayo makakapag-isip ng malinaw, nang lohikal o nang tama
kung ang estado ng ating emosyon gaya ng galit at kalungkutan ay naririyan. Ang
sidhi ng ating emosyon ang pumipigil sa atin upang makapag-isip ng mahinahon at
napipigilan rin nito ang pagkontrol sa ating pisikal na katawan, upang tayo ay
makaganap sa ating pinakamahusay.
Maliban rito, makinig tayo sa ating puso at kaluluwa, magpokus tayo sa
katangiang ating nararamdaman kaysa sa aktuwal na gusto mong makita. Hayaang
ang mataas na antas ng iyong sarili ang gumawa ng huling anyo. Maging malinaw,
maging sigurado at huwag maging pabago-bago. Huwag magpalit ng isipan ng
madalas. Sa halip hayaang ang mga enerhiya ang magpalit sa iba’t ibang anyong
pinili nila.
Mayroong magagandang emosyon na
nagbibigay sa atin ng gantimpala. Itong emosyong ito ay nagbibigay ng
pakiramdam ng kaligayahan, kaluguran at nakakapag bigay ng pakiramdam na ikaw
mismo ang may kontrol. Gayundin, may mga emosyon na binabalaan tayo upang makinig sa ating isip at sa ating
katawan at magsagawa ng tamang aksyon, kung hindi, mawawala tayo sa kontrol at
hindi tayo magiging produktibo o tayo’y hindi magiging mabisa. Ang sumusunod ay
ilan sa mga halimbawa. Ang sakit ay
tiyak na mabubuo mula sa mga emosyon na hindi balanse o kinokontrol.
Ang mabubuti at magagandang emosyon
o damdamin na ginagantimpalaan ay ang mga sumusunod: pag-ibig, pagmamalasakit,
lubos na kaligayahan, pakikiramay, kahabagan, pagkasabik, pagtitiwala,
pag-uusisa, at determinasyon.
Ang emosyon o damdamin na nagbababala sa atin ay ang: pagkabalisa, takot, pagkabigo, kakulangan, tensyon, galit, pagkamuhi, pagkakasala, inggit, at kalungkutan.
Ang emosyon o damdamin na nagbababala sa atin ay ang: pagkabalisa, takot, pagkabigo, kakulangan, tensyon, galit, pagkamuhi, pagkakasala, inggit, at kalungkutan.
Ang
Emosyon o damdamin ay maaaring mag-ligtas
ng ating buhay. Halimbawa ang emosyon ng pagkatakot, lalo kung may banta sa ating buhay ay
maaaring magpatakbo sa atin nang mas mabilis at mas malakas kaysa sa
normal na kaya nating gawin.
Ngunit,
ang emosyon ay maaari ring magkaroon ng negatibong
epekto, tulad ng kapag nasa sports, ang iyong paglalaro
at pakikipagtunggali ay pumapangit at nagbabago kapag tayo ay galit at may
pakiramdam ng pagka-bigo.
Sa kanlurang
medisina, ang proseso ng damdamin at kaisipan
ay iniuugnay sa
utak. Sa tradisyonal na silangang medisina, kinikilala
ang damdamin at kaisipan bilang bahagi na bumubuo sa
operasyon o pagpapatakbong mekanismo
ng lamang panloob na bahagi ng katawan.
Ang
mga sinaunang mangagamot ay nagsasabing ang mga emosyon
ay masasamang kalooban o masasamang damdamin, na nangangahulugang kailangan nating kontrolin at balansehin ang
mga ito.
Ito ay isang sanhi ng kawalan ng balanse kapag ito ay labis, pangmatagal na o kulang at sobra. Ang Tradisyunal na pang-gagamot, ay nakabatay sa mga batas ng kalikasan, na nagtuturo na ang enerhiya sa iba't-ibang bahagi ng katawan ay apektado kung masyadong mahina o masyadong malakas ang isang uri
ng damdamin. Ika nga ang masakit na bahagi ng katawan ay sanhi ng nauugnay na damdamin nito na nahahayag sa di pag-kontrol ng emosyon. Samakatuwid, ang estado o kalagayan ng isang bahagi ng katawan ay makaka-apekto sa damdamin, at ang mga emosyon ay makakaapekto sa estado ng mga bahagi ng katawan ng isang tao.
Ito ay isang sanhi ng kawalan ng balanse kapag ito ay labis, pangmatagal na o kulang at sobra. Ang Tradisyunal na pang-gagamot, ay nakabatay sa mga batas ng kalikasan, na nagtuturo na ang enerhiya sa iba't-ibang bahagi ng katawan ay apektado kung masyadong mahina o masyadong malakas ang isang uri
ng damdamin. Ika nga ang masakit na bahagi ng katawan ay sanhi ng nauugnay na damdamin nito na nahahayag sa di pag-kontrol ng emosyon. Samakatuwid, ang estado o kalagayan ng isang bahagi ng katawan ay makaka-apekto sa damdamin, at ang mga emosyon ay makakaapekto sa estado ng mga bahagi ng katawan ng isang tao.
Ang
Puso ay kaugnay sa
kagalakan at hilig sa mga
kalugurang pangkatawan, ang lapay ay sa pag-aalala, pakikiramay,
pagugunita at depresyon. Ang baga
ay sa kalungkutan, ang mga bato ay konektado sa takot at
sorpresa, at ang atay ay sa galit, pagkabigo at
pagkamayamutin. Kapag ginamit nang tama, ang emosyonal
na sistema ay isang napaka-kapaki-pakinabang na kasangkapan . Nasa
ibaba ang maikling mga halimbawa ng epekto
ng mga emosyon
sa ilang bahagi ng ating katawan.
Ang
Puso; Nag aapoy na enerhiya (Kagalakan, hilig sa mga
kalugurang pangkatawan)
Kagalakan,
ang natural na enerhiya
ng puso, ito ay hindi isang sanhi ng sakit.
Kagalakan ang gumagawa sa ating kaisipan upang maging mapayapa
at relaks. Ito ay konektado sa pagtawa.
Hilig sa mga kalugurang pangkatawan, ito, ay hindi katulad ng sekswal na pwersa. Ito ay ang mas mataas na kamalayan ng ating katawan sa pamamagitan ng pakiramdam o paghipo, na nagbibigay ng mga kaaya-ayang pakiramdam.
Ang Labis na kagalakan (tulad ng labis na pagtawa o katuwaan) at hilig sa mga kalugurang pangkatawan na humahantong sa labis na enerhiya ng puso, kung saan humahantong ang isang kawalan ng kagalakan sa kulang na enerhiya ng puso.
Hilig sa mga kalugurang pangkatawan, ito, ay hindi katulad ng sekswal na pwersa. Ito ay ang mas mataas na kamalayan ng ating katawan sa pamamagitan ng pakiramdam o paghipo, na nagbibigay ng mga kaaya-ayang pakiramdam.
Ang Labis na kagalakan (tulad ng labis na pagtawa o katuwaan) at hilig sa mga kalugurang pangkatawan na humahantong sa labis na enerhiya ng puso, kung saan humahantong ang isang kawalan ng kagalakan sa kulang na enerhiya ng puso.
Ang
lapay: Enerhiya ng daigdig (pag-aalala,
pag-iisip)
Ang Karapat-dapat na pag-iisip ay nangangailangan ng balanse ng diwa at walang malay na pag-iisip. Ito ay ang likas na enerhiya ng elemento ng lupa o daigdig. Ang Labis-labis na paggamit ng pag-iisip, sa pamamagitan ng masyadong maraming trabaho na nangangailangan ng pag-iisip o pag-aaral, ay nagpapahina at sa kalaunan ay nakakasira ng lapay. Ito ay maaaring humantong sa pagkahapo, kawalan ng ganang kumain at pagkasira ng tiyan.
Ang Karapat-dapat na pag-iisip ay nangangailangan ng balanse ng diwa at walang malay na pag-iisip. Ito ay ang likas na enerhiya ng elemento ng lupa o daigdig. Ang Labis-labis na paggamit ng pag-iisip, sa pamamagitan ng masyadong maraming trabaho na nangangailangan ng pag-iisip o pag-aaral, ay nagpapahina at sa kalaunan ay nakakasira ng lapay. Ito ay maaaring humantong sa pagkahapo, kawalan ng ganang kumain at pagkasira ng tiyan.
Ang pag-alala ay nakakaapekto rin sa enerhiya ng baga, na nagiging sanhi ng pagkabalisa, hirap na paghinga o mababaw na paghinga, paninigas at pananakit ng balikat at leeg.
Ang baga: enerhiya ng bakal/Metal
(pighati, kalungkutan, pag-alala)
Ang pag-aalala o ang higit pa dito gaya ng pagluluksa, ay tipo ng enerhiyang sumasabog upang tumulong sa pagkokontrol ng daloy ng Chi sa ating buong katawan. Ang pag-iyak ay nagpapalabas ng ating kalungkutan. Ang mga bata ay umiiyak upang mapigil ang ang kanilang mga sarili sa pagiging masyadong aktibo. Dapat na makaramdam din tayo ng pag-aalala o kalugkutan upang mapanatili ang mga baga sa ilalim ng kontrol, upang panatilihin ang mga itong malamig tulad ng malamig ng enerhiya ng bakal.
Kapag masyadong naman ang kalungkutan at pag-aalala lumilikha ito ng dahilan para mabawasan ang enerhiya ng baga at ito ay nakakapag-pahina ng lakas ng energiya ng baga. Ang emosyong ito ay makaapekto sa enerhiya ng puso. Ang Kalungkutan ay nagiging sanhi upang kapusin sa pag-hinga, ng pagkahapo, depresyon at maging ng pag-iyak.
Ang pag-aalala o ang higit pa dito gaya ng pagluluksa, ay tipo ng enerhiyang sumasabog upang tumulong sa pagkokontrol ng daloy ng Chi sa ating buong katawan. Ang pag-iyak ay nagpapalabas ng ating kalungkutan. Ang mga bata ay umiiyak upang mapigil ang ang kanilang mga sarili sa pagiging masyadong aktibo. Dapat na makaramdam din tayo ng pag-aalala o kalugkutan upang mapanatili ang mga baga sa ilalim ng kontrol, upang panatilihin ang mga itong malamig tulad ng malamig ng enerhiya ng bakal.
Kapag masyadong naman ang kalungkutan at pag-aalala lumilikha ito ng dahilan para mabawasan ang enerhiya ng baga at ito ay nakakapag-pahina ng lakas ng energiya ng baga. Ang emosyong ito ay makaapekto sa enerhiya ng puso. Ang Kalungkutan ay nagiging sanhi upang kapusin sa pag-hinga, ng pagkahapo, depresyon at maging ng pag-iyak.
Ang
bato: Ang enerhiya ng Tubig
(takot)
Ang pagkakaroon ng takot ay isang likas na ugali ng kaligtasan ng buhay. Ang Labis na takot, na nag reresulta ng away para makapag depensa o pagtakbo upang makaiwas ay nagpapa bigla sa tamang sirkulasyon ng ating katawan at ito’y humahantong sa pagkasira ng ating nervous system at ang sobra o pangmatagalang takot ay nakakaapekto sa ating bato. Nagiging sanhi ito ng kondensasyon, na hahantong sa hindi likas na pagpigil ng enerhiya sa mas mababang bahagi ng katawan. Ang enerhiya ng tubig ay dumadami at bigla namang nawawala, tulad ng pagkakaroon ng takot.
Ang pagkakaroon ng takot ay isang likas na ugali ng kaligtasan ng buhay. Ang Labis na takot, na nag reresulta ng away para makapag depensa o pagtakbo upang makaiwas ay nagpapa bigla sa tamang sirkulasyon ng ating katawan at ito’y humahantong sa pagkasira ng ating nervous system at ang sobra o pangmatagalang takot ay nakakaapekto sa ating bato. Nagiging sanhi ito ng kondensasyon, na hahantong sa hindi likas na pagpigil ng enerhiya sa mas mababang bahagi ng katawan. Ang enerhiya ng tubig ay dumadami at bigla namang nawawala, tulad ng pagkakaroon ng takot.
Ang
atay: Ang
energiya ng kahoy (poot o galit)
Ang poot o galit ay isang malawak na termino at dapat isama ang mga kaugnay na emosyonal na estado tulad ng pagkamayamutin, pagkabigo, kapaitan, sama ng loob o galit.
Ang enerhiya ng kahoy ay enerhiya ng kapanganakan. Ito ay nagpapagana sa atin at nagbibigay sa atin ng gana sa pag-unlad at pag-lago.
Ang isang natural, malayang pagdaloy ng enerhiya ng ating bato ay tumutulong sa atin upang maging mapamilit. Ang galit o pagkabigo, sa isang positibong kahulugan, ay maaaring maging isang pampaganang puwersa upang tayo ay lalong kumilos. Ang Negatibong anyo naman nito,at ang pagkawala ng kontrol o ang nakatago nating galit ay nakakapinsala sa energiya ng ating atay at sa tungkulin nito.
Ang galit o poot ay nagpapalakas sa buhay na enerhiya ng Chi at ang mga sintomas ay mapapahayag sa ating ulo at leeg, tulad ng pag-sakit ng ulo, pagkahilo, o pamumula ng ating mukha. Ang hindi maipahayag na poot ay maaaring humantong sa pangmatagalang depresyong ng pag-iiisip.
Ang poot o galit ay isang malawak na termino at dapat isama ang mga kaugnay na emosyonal na estado tulad ng pagkamayamutin, pagkabigo, kapaitan, sama ng loob o galit.
Ang enerhiya ng kahoy ay enerhiya ng kapanganakan. Ito ay nagpapagana sa atin at nagbibigay sa atin ng gana sa pag-unlad at pag-lago.
Ang isang natural, malayang pagdaloy ng enerhiya ng ating bato ay tumutulong sa atin upang maging mapamilit. Ang galit o pagkabigo, sa isang positibong kahulugan, ay maaaring maging isang pampaganang puwersa upang tayo ay lalong kumilos. Ang Negatibong anyo naman nito,at ang pagkawala ng kontrol o ang nakatago nating galit ay nakakapinsala sa energiya ng ating atay at sa tungkulin nito.
Ang galit o poot ay nagpapalakas sa buhay na enerhiya ng Chi at ang mga sintomas ay mapapahayag sa ating ulo at leeg, tulad ng pag-sakit ng ulo, pagkahilo, o pamumula ng ating mukha. Ang hindi maipahayag na poot ay maaaring humantong sa pangmatagalang depresyong ng pag-iiisip.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento