Ang karukhaan at pagpapakalabis ay ang dalawang sukdulan ng pagka-pahamak. Sila ay parehong mga hindi likas at resulta ng mental na kaguluhan. Ang isang tao ay hindi tama ang kondisyon hanggang sa siya ay maging masaya, malusog, at mayamang tao; at ang kaligayahan, kalusugan, at kasaganaan ay ang mga resulta ng isang maayos na pag-sasaayos ng panloob kasama ang panlabas, ng tao sa kanyang paligid.
Ang isang tao ay nagsisimulang maging isang tao kapag siya ay tumigil sa kanyang pag-angal at pang-lalait, at mag-umpisang maghanap sa mga nakatagong katarungan na mag-aayos sa kanyang buhay. At habang inaangkop niya ang kanyang kaisipan sa ipinaguutos na kadahilanan, siya ay tumitigil sa pag-aakusa sa iba na sila ang sanhi ng kanyang kondisyon, at binubuo ang kanyang sarili hanggang sa lumakas at magkaroon ng marangal na saloobin; tinitigilan ang pagsipa sa nga pangyayari, kung hindi nagsisimulang gamitin ang mga ito bilang mga pantulong sa kanyang mas mabilis na pag-unlad, at bilang isang paraan ng pagtuklas ng mga nakatagong mga kapangyarihan at mga posibilidad sa loob ng kanyang sarili.
Batas, hindi pagkalito, ay ang nangingibabaw na prinsipyo sa uniberso; katarungan, hindi kawalan ng katarungan, ay ang kaluluwa at diwa ng buhay; ang katuwiran, hindi katiwalian, ang humuhubog at ang gumagalaw na puwersa sa espirituwal na pamahalaan ng mundo. Ang pagiging gayon, ang tao ay dapat magtama sa kanyang sarili upang makita na ang uniberso ay tama; at sa panahon ng proseso ng paglalagay ng kanyang sarili sa tama makikita niya na habang binabago niya ang kanyang mga saloobin sa mga bagay at sa iba pang mga tao, ang mga bagay at ang ibang mga tao ay magbabago sa paligid niya.
Ang patunay ng katotohanang ito ay nasa bawat tao, at ito samakatuwid ay kumikilala ng madaling pagsisiyasat sa pamamagitan ng sistematikong pagsisiyasat ng sarili at sa sariling analisis. Hayaan ang tao sa isang radikal na pagbabago ng kanyang mga saloobin, at siya ay mamamangha sa mabilis na pagbabagong-anyo nito epekto sa materyal na kundisyon ng kanyang buhay. Iniisip ng tao na ang pag-iisip ay maaaring pinananatiling lihim, ngunit hindi ito maaari; ito ay mabilis na nagpapalinaw sa ugali, at ang ugali ang nagbubuo sa kalagayan.
Ang mga makahayop na saloobin ay nagpapalinaw sa mga gawi ng paglalasing at sa hilig ng laman, na nagbubuo sa kalagayan ng paghihikahos at sakit: ang maruming saloobin ng bawat uri ay lumilinaw sa mahina at nakakalitong mga ugali, na nagbubuo ng pagka-istorbo at salungat sa pangyayari: ang kaisipan ng takot, pag-aalinlangan, pag-aatubili ay lumilinaw sa mahina , parang hindi lalaki, at walang matibay na pasya at ugali, na nagbubuo sa pagkakataon ng pagkabigo, pagdaralita, at inaarugang alipin: ang tamad na saloobin ay lumilinaw sa mga ugali ng kadumihan at panlilinlang, na nagpbubuo sa pagkakataon ng pagka-madumi at kadukhaan: ang poot at pagtuligsang saloobin ay lumilinaw sa mga ugali ng akusasyon at karahasan , na nagbubuo sa pagkakataon ng pinsala at pag-uusig: ang makasariling saloobin ng lahat ng uri ay lumilinaw sa mga ugali ng pagkamakasarili, na nagbubuo sa kalagayan nang higit pa o mas mababang pagkakabalisa.
Sa kabilang banda, ang magandang saloobin ang lahat ng uri ay lumilinaw sa ugali ng biyaya at kabaitan, na tumitigas sa magiliw at maaliwalas na pangyayari: ang purong saloobin ay lumilinaw sa ugali ng pagtitimpi at pagpipigil sa sarili, na nagbubuo sa kalagayan ng pagpapahinga at kapayapaan: ang saloobin sa tapang , pag-asa sa sarili, at desisyon ay lumilinaw sa tunay na ugali, na nagbubuo sa pagkakataon ng tagumpay, kasaganahan, at kalayaan: ang masigasig na saloobin ay lumilinaw sa ugali ng kalinisan at kasipagan, na nagbubuo sa kalagayan ng pagkawili: pagkamaamo ang pagpapatawad ay nagpapalinaw sa mga ugali ng pagka-magiliw , na nagbubuo sa proteksiyon at pang-preserba sa mga pangyayari: ang pagmamahal at mabait na saloobin ay nagpapalinaw sa ugali ng pagiging malilimutin para sa ibang tao at bagay, na nagbubuo sa pagkakataon ng kasiguruhan, katibayan, kasaganaan at sa tunay na kayamanan.
Isang partikular na pagsasanay sa kaisipan ay naninindigan, maging ito ay mabuti o masama, at hindi maaaring mabigo upang makabuo ng mga resulta sa karacter at pangyayari. Ang tao ay hindi maaaring direktang pumili ng kanyang kalagayan, ngunit maaari niyang piliing ang kanyang mga saloobin at iniisip, sigurado, huhugis sa kanyang kalagayan.
Ang kalikasan ay tumutulong sa bawat tao para sa kaluguran ng mga saloobin, na siya niyang pinaka-hihikayat, at ang mga pagkakataon ay ipapakita na kung saan ay mabilis na darating pareho sa mabuti at masamang saloobin.
Hayaan ang tao na tigilan ang kanyang makasalanang pag-iisip, at ang mundo ay lalambot sa kanya, at magiging handa upang makatulong sa kanya; hayaan siyang isaisantabi ang kanyang mahina at masakiting pananaw, at pagmasdan, ang mga pagkakataon ay sumisibol sa bawat kamay upang tulungan ang kanyang malakas at matatag na paninindigan; hayaan siyang humikayat ng magagandang pananaw, at walang mahirap na kapalaran ang dapat sumailalim sa kanya pababa sa pagkapahamak at kahihiyan. Ang mundo ay ang iyong kaleydoskopo, at ang iba't ibang mga kumbinasyon ng kulay, na sa bawat sumusunod na sandali ito ay nagpapakita sa iyo ng mga katangi tanging naisasaayos na mga larawan ng iyong palaging gumagalaw na mga kaisipan.
"Kaya Ikaw ay magiging kung ano ang iyong naisin;
Hayaan ang pagkabigo na maghanap sa kanyang maling nilalaman
Sa mahihirap na salitang, 'kapaligiran,'
Subalit ang espiritu ay tumatanggi rito, at ito ay malaya.
Hayaan ang pagkabigo na maghanap sa kanyang maling nilalaman
Sa mahihirap na salitang, 'kapaligiran,'
Subalit ang espiritu ay tumatanggi rito, at ito ay malaya.
"Ito ang maestro ng oras, ito ay sumasakop sa mga
espasyo;
Ito ay nananakot sa mayayabang, manloloko, at sa pagkakataon,
At nagpaparusa sa malupit na pangyayari. Nagtatanggal ng korona, at nagpupuno sa lugar ng tagapaglingkod.
Ito ay nananakot sa mayayabang, manloloko, at sa pagkakataon,
At nagpaparusa sa malupit na pangyayari. Nagtatanggal ng korona, at nagpupuno sa lugar ng tagapaglingkod.
"Ang kalooban ng tao,
ang
puwersang hindi nakikita,
ang
supling ng isang walang kamatayang kaluluwa,
ay
kayang pumutol ng paraan sa anumang
layunin,
Kahit na harangan ng mga pader ng granayt.
Kahit na harangan ng mga pader ng granayt.
"Huwag
maiinip sa mga
pagkaantala Matutong maghintay tulad
ng isang nakakaunawa; Kapag
ang espiritu ay pumailang-ilang at nag-utos
kahit ang mga anghel ay handang sumunod.”
kahit ang mga anghel ay handang sumunod.”
Ang epekto ng
kaisipan sa kalusugan at sa
katawan.
Ang katawan
ay
ang lingkod ng kaisipan. Ito ay sumusunod sa operasyon
ng kaisipan, maski ito ay sadyang pinili o awtomatikong ipinahayag.
Sa pagpapahayag ng labag sa batas na mga
saloobin ang katawan ay mabilis na lumulubog sa sakit at pagkabulok;
at sa utos ng kaligayahan at
magandang saloobin ito ay nadadamitan ng kasariwaan at kagandahan. Ang sakit at kalusugan, tulad ng kalagayan, ay nag-uugat sa pag-iisip. Ang masasakit na saloobin ay nagpapahayag ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng isang masakiting katawan.Ang saloobin ng pagka-takot ay nai-pakilalang nakakapatay ng isang tao ng mas mabilis pa sa bala, at patuloy na pumapatay ng libu-libong mga tao sa tiyak bagaman hindi gaanong mabilis. Ang mga taong nakatira sa takot ng pagkakaroon ng sakit ay ang mga taong nakakakuha nito. Ang pagkabalisa ay mabilis na nakapagpapahina ng buong katawan, at naitatag ito bukas sa pagpasok ng mga sakit; habang ang maruming saloobin, kahit na hindi ginagawang pisikal, ay madaling nakababasag ng nervous sistem.
Ang malakas, dalisay, at masayang saloobin ay nagtatayo ng katawan sa kalakasan at pagpapala. Ang katawan ay maselan, na tumugon kaagad sa mga iniisip sa pamamagitan ng kung saan ito ay naitanim, at ang mga ugali ng pag-iisip ay makakapagdulot ng kanilang sariling mga epekto, mabuti o masama, doon.
Ang mga tao ay patuloy na magkaroon ng hindi malinis at na lalasong dugo, hangga't pinalalaganap nila ang maruming saloobin. Mula sa malinis na puso ay isang malinis na buhay at malinis na katawan. Mula sa marungis na kaisipan lumalabas ang marungis na buhay at isang korupt na katawan. Amg kaisipan ay ang benditahan ng aksyon, buhay, at paghahayag; gawing dalisay ang balon, at ang lahat ay magiging dalisay.
Ang pagbabago ng diyeta ay hindi makatulong sa isang tao na hindi magbabago ng kanyang mga saloobin. Kapag ginagawang dalisay ng isang tao ang kanyang saloobin, siya ay hindi na maghahangad ng matatabang pagkain.
Ang malinis na saloobin ay lumilikha ng malinis na ugali. Ang mga tinaguriang santo na hindi naghuhugas ng kanilang katawan ay hindi isang santo. Siya na may matatag at malinis na mga saloobin ay hindi kinakailangang isaalang-alang ang maghangad ng masama sa kanyang kapwa.
Kung nais mong protektahan ang iyong katawan, bantayan ang iyong kaisipan. Kung nais mong baguhin ang iyong katawan, pagandahin ang iyong kaisipan. Ang saloobin na may masamang hangarin, inggit, kabiguan, at ang kawalan ng pag-asa, ay nagnanakaw sa kanyang katawan ng kalusugan at biyaya. Ang isang maasim na mukha ay hindi nagmumula sa pamamagitan ng pagkakataon; ito ay ginagawa sa pamamagitan ng maasim na saloobin.
Ang kulubot na sumisira ay naiguguhit sa pamamagitan ng kahangalan, simbuyo ng damdamin, at pagmamataas.
May isang babaeng 96 ang edad ngunit may maliwanag, inosenteng mukha ng isang batang babae. May isang lalaki na nasa ilalim ng gitnang edad na ang mukha ay nasisira sa walang armonyang tabas. Ang isa ay ang resulta ng isang matamis at maliwanag na disposisyon; ang isa ay resulta ng mga simbuyo ng damdamin at diskontento.
Dahil hindi ka maaaring magkaroon ng kalugod-lugod at kapaki-pakinabang na tirahan maliban kung papapasukin mo ang hangin at sikat ng araw ng malaya sa iyong kuwarto, kaya ang isang malakas na katawan at isang maliwanag, masaya, o matahimik na bukas ng mukha ay maaari lamang magresulta mula sa malayang pagpasok sa kaisipan ng mga pag-iisip sa kagalakan at tapat na kalooban at kahinahunan.
Sa mga mukha ng mga may edad may mga kulubot na nagawa ang pakikiramay, ang iba sa pamamagitan ng malakas at dalisay na pag-iisip, at sa iba ay naukit sa pamamagitan ng silakbo ng damdamin: sino ang hindi maaaring makilala sa mga ito? Sa mga taong nabuhay ng may katarungan, ang edad ay kalmado, tahimik, at napaka- suwabe, tulad ng paglubog ng araw. Mayroong isang albularyo na nakahiga sa kanyang banig ng kamatayan. Siya ay hindi matanda maliban sa edad. Siya ay namatay na mapayapa at tiwasay tulad noong nabubuhay pa siya.
Walang
manggagamot ang umaayaw sa kaaya-ayang pag-iisip na
papawi sa mga karamdaman ng katawan; walang taga-aliw na ikukumpara sa may mabuting hangarin para sa pagpawi sa anino ng
pighati at kalungkutan. Upang patuloy na mabuhay
sa saloobin ng
masamang kalooban, pangungutya, hinala, at
inggit, ay para makulong
sa isang sariling gawang bilangguan. Ngunit sa
pag-iisip ng mabuti para sa lahat,
para maging kaaya-aya
sa lahat, para sa matiyagang matutunan hanapin
ang mabuti sa lahat-ang hindi makasariling saloobin ay ang mga portal ng langit; at upang
tumira araw-araw sa
pag-iisip ng kapayapaan
patungo sa bawat nilalang
ay magdadala ng saganang kapayapaan
sa may-ari.
Ang Kaisipan at layunin
Hanggang sa ang pag-iisip ay mai-ugnay sa layunin
walang intellihenteng katuparan ang magaganap. Sa karamihan ng
mga sumisigaw na kaisipan
na pinapayagang "sumama sa agos" sa karagatan ng buhay.
Ang
kawalan ng layunin ay isang masamang bisyo, at sa ganoong
pag-anod ay hindi dapat magpatuloy para sa kanya na
gustong makaiwas sa mga malalaking kapahamakan at pagkawasak.Sila na walang sentral na layunin sa kanilang buhay ay mahuhulog, isang madaling biktima sa makitid na pag- aalala, takot, kaguluhan, at awa sa sarili, ang lahat ay indikasyon ng kahinaan, na humantong, tulad ng tiyak na sadyang binalak na kasalanan (bagaman sa pamamagitan ng isang iba't ibang mga ruta), sa kabiguan, kalungkutan, at kawalan, dahil ang kahinaan ay hindi maaaring magpumilit sa isang ma-kapangyarihang umuunlad na uniberso.
Ang isang tao ay dapat mag-isip ng isang lehitimong layunin sa kanyang puso, at magtakdang makamit ito. Dapat gawin niyang itong pangunahing punto ng kanyang saloobin. Maaaring itong maging porma ng isang espirituwal na ideal, o maaari itong isang makamundong bagay, ayon sa kanyang likas na katangian sa ngayong panahon; ngunit kung anuman ito, dapat patuloy niyang ituon ang kanyang pwersa ng pag-iisip sa mga bagay, na kung saan siya ang nagtakda. Dapat niyang gawin itong layunin ang kanyang kataas-taasang tungkulin, at dapat ilaan ang kanyang sarili sa kanyang kakayahan, hindi nagpapahintulot sa kanyang pag-iisip upang malihis ng pansandali sa guni-guni, pag-asam, at pag-aakala.
Ito ang hari o reyna ng kalsada sa pagpipigil sa sarili at tunay na konsentrasyon ng pag-iisip. Kahit na siya ay mabibigo muli’t muli isasagawa niya ang kanyang mga layunin (na kinakailangan hanggang ang kahinaan ay pagtagumpayan), ang lakas ng karacter na nakukuha ang magiging sukatan ng kanyang tunay na tagumpay, at ito ay nagbubuo ng bagong panimulang-puntos para sa hinaharap na kapangyarihan at pagtatagumpay.
Yaong hindi naghahanda para sa pagkaunawa ng isang mahusay na layunin ay dapat mag-ayos ng pag-iisip ng walang pagkakamali sa pag-ganap ng kanilang tungkulin, kahit na paanong hindi mahalaga ang kanilang mga gawain kung ito ay titingnan. Tanging sa paraang ito maaaring ang mga saloobin ay maipon at maituon, at mapagpasyahan at ang enerhiya ay mabuo, na tinatapos, walang anuman ang hindi maaaring matupad.
Ang pinakamahinang kaluluwa, na nakaka-alam ng sarili nitong kahinaan, at naniniwala sa katotohanan ito na ang lakas ay maaari lamang na mabuo sa pamamagitan ng pagsisikap at kasanayan, kagustuhan, kaya naniniwala, sa oras na inumpisahan para magsimulang magsikap, at, dagdagan ng pagsusumikap ng pagsisikap, ng tiyaga ng pagtatiyaga, ng lakas sa lakas, at hindi kailanman titigilan upang mabuo, at sa wakas lumago ng malakas.
Gaya ng mahinang katawan ng isang tao na maaaring palakasin sa pamamagitan ng maingat at matiyagang pagsasanay, kaya ang taong mahina ang pag-iisip ay maaaring magpalakas sa pamamagitan ng ehersisyo ng kanyang sarili sa tamang pag-iisip.
Para maalis ang kawalan ng direksyon at kahinaan, at upang magsimulang mag-isip ng may layunin, ay ang makapasok sa hanay ng mga malalakas na nakakakilala sa kabiguan bilang isa sa mga daanan sa kakayahan; na gumawa ng lahat ng mga kondisyon na magsilbi sa kanila, at ang nag-iisip ng kalakasan, nagtatangka ng walang takot, at nagtutupad ng perpekto.
Ang nakakaunawa sa pag-iisip ng kanyang layunin, ang isang tao ay nararapat mag-isip ng dapat imarka sa tuwid na daanan ng kanyang tagumpay, tumitingin sa kanan o kaliwa. Ang pag-aalinlangan at takot ay dapat mahigpit na mapaalis; sila ay nakabubuwag na mga elemento, na naninira sa tuwid na linya ng pagsusumikap, na nagbibigay ng hindi tuwid, walang saysay, at walang silbi.
Ang saloobin ng pagdududa at takot ay hindi kailanman makakatapos ng anumang bagay, at hindi kailanman makakaya. Sila ay palaging humantong sa pagkabigo. Hangarin, enerhiya, kapangyarihan upang gawin, at ang lahat ng malakas na pag-iisip kapag napapatigil ng pag-aalinlangan at takot dahil gumagapang ang mga ito papasok sa kaisipan.
Ang kalooban ng pag-gawa ay sumisibol mula sa kaalaman na maaari nating magawa. Ang pag-aalinlangan at takot ay ang mga mahusay na kaaway ng kaalaman, at siya na humihikayat sa kanila, na hindi pumapatay sa mga ito, ay nahahadlang ng kanyang sarili sa bawat hakbang.
Siya na nakalupig sa duda at takot ay nakatalo sa pagkabigo. Ang kanyang pag-iisip ay kaalyado ng kapangyarihan, at ang lahat ng mga paghihirap ay buong tapang na hinaharap at matalinong pinagtatagumpayan. Ang kanyang layunin ay nakatanim sa angkop na panahon, at sila ay sariwang-sariwa at nagbibigay ng mga prutas, na hindi nahuhulog ng wala sa panahon sa lupa.
Ang kaisipan na nakaugnay sa matapang na layunin ay nagiging puwersang malikhain: siya na may alam nito ay nakahanda para sa mas mataas at mas malakas kaysa sa isang bigkis ng mga mabuway na saloobin at pabago-bagong pakiramdam; siya na gumagawa nito ay naging taong may kamalayan at matalinong tagapamahala ng kanyang makapangyarihang kaisipan.
Lahat ng nakakamit ng isang tao at ang lahat ng hindi niya nakakamit ay ang direktang resulta ng kanyang sariling mga saloobin. Sa isang maayos na uniberso, kung saan ang pagkawala ng lahat ng nakatayo ng hindi maayos ay nanganga-hulugan ng kabuuang pagkasira, ang indibidwal na responsibilidad ay dapat na lubusan.
Ang isang kahinaan ng tao at lakas, kadalisayan at karumihan, ay ang kanyang sarili, at hindi ng ibang tao; siya ay dinala sa pamamagitan ng kanyang sarili, at hindi ng iba; at maaari lamang silang mabago sa pamamagitan ng kanyang sarili, hindi sa pamamagitan ng iba. Ang kanyang kundisyon ay kanya din, at hindi para sa ibang tao. Ang kanyang paghihirap at ang kanyang kaligayahan ay nagbabago mula sa loob. Bilang Iniisip niya, kaya siya iyon; habang patuloy siya sa pag-iisip, kaya siya ay nananatili.
Ang isang malakas na tao ay hindi maaaring makatulong sa isang mahinang tao maliban na ang mahina ay handing magpatulong, at kahit ganoon ang mahinang tao ay dapat maging malakas sa kanyang sarili; dapat, sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap, bumuo ng lakas na hinahangaan niya sa iba. Wala, maliban sa kanyang sarili ang makapagpapabago sa kanyang kalagayan.
Ito ay karaniwan para sa mga tao na isipin at sabihin, "Maraming mga tao ay mga alipin dahil ang isang tao ay mapang-api; mapoot tayo sa mga taong mapang-api." Ngayon, gayunpaman, may nabubukod tanging tumataas na inklinasyon upang baliktarin ang paghuhusga, at sabihing, “Ang isang tao ay nagiging mapang-api dahil maraming mga alipin; hamakin natin ang mga alipin."
Ang katotohanan ay, ang taong mapang-api at alipin ay magkatulong sa kamangmangan, at, habang tila gustong magpahirap sa bawat isa, ay sa katotohanan nagpapahirap sa kanilang mga sarili. Isang perpektong Kaalaman na mahiwatigan ang aksyon ng batas sa kahinaan ng mga inaapi at ang maling gamit ng kapangyarihan ng mga taong mapang-api; isang perpektong Pag-ibig, nakikita ang mga paghihirap, sa parehong estado ay nailalagay, sa kaparusahan pareho; isang perpektong pakikiramay na yumayakap sa parehong mga taong mapang-api at inaapi.
Siya na nakatalo sa kahinaan, at naisantabi ang lahat ng makasariling pananaw, pag-aari alin man sa taong mapang-api o inaapi. Siya ay malaya.
Ang isang tao ay maaari lamang tumaas, makalupig, at makagawa sa pamamagitan ng pag-aangat paitaas ng kanyang mga saloobin. Maaari siyang mananatiling mahina, kasuklam-suklam, at kahabag-habag sa pamamagitan ng pagtanggi upang maiangat ang kanyang mga saloobin.
Bago makamit ng isang tao ang anumang bagay, kahit na sa makamundong mga bagay, dapat iangat niya ang kanyang saloobin ng mas mataas sa aliping maka-hayop. Hindi siya maaaring, magtagumpay, isuko ang lahat ng pagka-mahayop at pagka-makasarili, sa pamamagitan ng anumang mga pamamaraan; ngunit ang isang bahagi ng mga ito ay dapat, kahit paano, ay ma-isakripisyo.
Ang isang tao na ang unang pag-iisip ay makahayop na pagmamalabis ay maaaring hindi makapag-isip ng malinaw at makapagplano ng may sistema; hindi siya makahanap at makabuo ng kanyang nakatagong mga mapagkukunan, at mabibigo sa anumang gawain at pamamahala. Ang hindi pagkakaroon ng kontrol sa kanyang mga saloobin, siya ay wala sa posisyon upang kontrolin ang kapakanan at mag-ampon ng seryosong responsibilidad. Hindi siya angkop upang makakilos nang malaya at tumayo nang mag-isa. Subalit siya ay limitado lamang sa pamamagitan ng mga saloobin, na pinili niya.
Maaaring walang pag-unlad, walang tagumpay na walang sakripisyo, at ang maka-mundong tagumpay ng isang tao ay nasusukat ng kanyang sakripisyo ang kanyang nalilitong makahayop na saloobin, at kumpunihin ang kanyang isip sa pagpapaunlad ng kanyang mga plano, at sa pagpapalakas ng kanyang resolusyon at pag-asa sa sarili . At pag-mas mataas na itaas ang kanyang saloobin, tuwid, at lalong naging matapat, mas malaki ang kanyang magiging mga tagumpay, mas pinagpala at walang maliw ang kanyang magiging tagumpay.
Ang uniberso ay hindi papabor sa sakim, sa hindi tapat, sa may bisyo, bagaman sa manipis na pagkakataon ay maaaring minsang lumitaw na gawin ito; tumutulong ito sa mga tapat, tumutulong sa may magandang kalooban, sa mga walang bahid-dungis. Ang lahat ng mga mahusay na guro ay nagpapahayag nito sa iba't ibang mga porma, at upang patunayan at alam natin ito ang isang tao ay magpupumilit sa paggawa ng kanyang sarili ng higit pa at marami pang walang bahid-dungis sa pamamagitan ng pag-aangat ng kanyang mga saloobin.
Ang intelektwal na pagtatagumpay ay ang mga resulta ng konsagrang pag-iisip para sa paghahanap ng kaalaman, o para sa totoong magaganda, sa totoong buhay at kalikasan. Ang nasabing mga tagumpay ay maaaring minsang konektado sa kayabangan at ambisyon, ngunit hindi sila ang kinahinatnan ng mga katangian; lahat sila ay natural na pagtubo sa mahaba at mahirap na pagsisikap, at ng dalisay at hindi makasariling saloobin.
Ang espirituwal na tagumpay ay ang katuparan ng mga banal aspirasyon. Siya na nakatira sa patuloy na pag-intindi ng mga marangal at matayog na pananaw, na nanahan sa lahat ng dalisay at hindi makasarili, ay tiyak na tulad ng araw na umaabot sa kaitaasan at ng buwan sa kanyang singkad, ay magiging matalino at marangal sa karakter, at tumaas sa isang posisyon ng impluwensiya at pagpapala.
Ang tagumpay, anumang uri, ay ang korona ng pagsisikap, ang putong ng pag-iisip. Sa pamamagitan ng tulong sa pag-kontrol sa sarili, resolusyon, kadalisayan, ang pagiging matuwid, at mahusay na nakadirektang pag-iisip ang isang tao ay tumataas; sa pamamagitan ng tulong ng pagiging maka-hayop, katamaran, kalaswaan, kasamaan, korupsyon at pagkalito ng isipan ng tao, siya ay bumababa.
Ang isang tao ay maaaring tumaas sa mataas na tagumpay sa mundo, at kahit na sa matayog na kabundukan ng espirituwal na realidad, at bumaba muli sa kahinaan at pagkapahamak sa pamamagitan ng pagpayag sa pagiging abusado, makasarili, at korupt na pag-iisip upang maging pag-aari siya.
Ang pagtatagumpay na tinamo sa tamang pag-iisip ay maaari lamang mapanatili sa pamamagitan ng maingat na pagbabantay. Maraming magbibigay daan kapag ang tagumpay ay panatag, at mabilis na mahulog pabalik sa pagkabigo.
Ang lahat ng mga tagumpay, maging sa negosyo, intelektuwal, o espirituwal na mundo, ay mga resulta ng siguradong naka-direkta pag-iisip, na pinamamahalaan ng parehong batas at ng parehong pamamaraan; ang pagkakaiba lamang ay namamalagi sa bagay na mula sa kakayahan.
Siya na
nais magkamit ng kaunti
ay dapat mag-sakripisyo ng kaunti; siya na gustong magkamit ng marami ay dapat mag-sakripisyo
ng marami; siya na gustong magkamit ng
mataas ay dapat mag-sakripisyo ng
matindi.
Ang pananaw at ideal
Ang taong mapangarapin ay ang mga
tagapagligtas ng mundo.
Bilang
ang nakikitang mundo ay nabibigyang lakas ng
hindi nakikita, kaya ang tao, sa pamamagitan ng lahat
ng kanilang mga pagsubok at mga kasalanan at kasakimang bocasyon,
ay kinakandili sa
pamamagitan ng magagandang pangitain
ng
kanilang nag-iisang taong mapangarapin. Ang Sangkatauhan ay hindi makakalimot sa mga taong mapangarapin; hindi maaaring mapawi
ang kanilang mga ideals at mamatay na lang; ito
ay nakatira sa kanila;
kilala
sila ng mga ito habang ang mga katotohanan ay makikita isang araw at malalaman.Ang mga kompositor, iskultor, pintor, makata, propeta, pantas, ang mga ito ay ang mga gumagawa ng nakaraang-mundo, ang arkitekto ng langit. Ang mundo ay maganda dahil nabuhay sila; kung wala sila, ang nagtatrabahong sangkatauhan ay mapapahamak.
Siya na nagmamahal sa isang magandang pangitain, isang matayog na perpekto sa kanyang puso, isang araw ay malalaman ito.
Mahalin ang iyong mga pangitain; mahalin ang iyong mga ideals; mahalin ang musika na pumupukaw sa iyong puso, ang kagandahan na pomorma sa iyong isip, ang kariktan na seda sa iyong wagas na saloobin, dahil mula sa kanila ay lumalago ang lahat ng mga kagiliw-giliw na kundisyon, lahat ng makalangit na kapaligiran; kung mananatiling totoo sa kanila, ang iyong mundo sa wakas ay naitayo.
Upang magnais ay upang makuha; upang maghangad ay upang, magkamit. Tiyak ang basehan ng pagnanais ng isang tao ay matatanggap sa sagad na sukatan ng pagbibigay-kasiyahan, at ang kanyang purong aspirasyon ay nagutom dahil sa kakulangan ng sustento? Hindi ganoon ang Batas: tulad ng kondisyon ng mga bagay na hindi kailanman makukuha: “Humingi at makatanggap”
Managinip ng matayog sa mga pangarap, at bilang iyong panaginip, dapat kang magkaganoon.. Ang iyong pangitain ay ang pangako ng kung ano ka magiging; ang iyong ideal ay ang hula ng kung ano ka magiging sa wakas naalis ang tabing.
Ang pinakamalaking tagumpay sa una at sa sandali ay isang panaginip. Ang puno ay natulog bilang binhi; ang ibon ay naghihintay sa itlog; at sa pinakamataas na paningin ng kaluluwa isang anghel ang nagigising. Ang pangarap ay ang mga binhi ng katotohanan.
Ang iyong kalagayan ay maaaring hindi kasundo, ngunit sila ay hindi magtatagal kung ikaw ay makakaunawa ng ideal at magsusumikap na maabot ang mga ito. Hindi ka maaaring maglakbay sa loob at tumayo ng nakatigil sa kawalan.. Narito ang isang kabataan na mahigpit na pinipiga ng kahirapan at ng mahirap na trabaho; nakakulong ng mahabang oras sa isang pagawaang nakakasama sa katawan; walang pinag-aralan, at kulang sa lahat ng kaalaman para umasenso.. Subalit siya ay nangangarap ng mas mahusay sa mga bagay; siya ay nag-iisip ng katalinuhan, ng kagandahang asal, ng biyaya at kagandahan.
Siya na nag-isip, na nabuo sa kaisipan, ng isang perpektong kondisyon ng buhay; ang pangitain ng isang mas malawak na kalayaan at ng isang mas malaking saklaw na ginawa siyang may-ari; ang pagkabagabag ay pumilit sa kanya upang kumilos, at siya ay gumagamit ng lahat ng kanyang bakanteng oras at paraan, kahit na maliit sila, sa pagpapaunlad ng kanyang nakatagong kapangyarihan at mga mapagkukunan. Sa lalong madaling panahon nabago ang kanyang kaisipan maging ang pagawaan ay hindi na humawak sa kanya. Ito ay naging labas sa masarap na pagsasamahan sa kanyang pag-iisip, na ito ay bumaba mula sa kanyang buhay tulad ng isang damit na hinagis sa isang tabi, at kasama ang paglago ng mga pagkakataon, na akma sa saklaw ng kanyang pagpapalawak na kapangyarihan, siya ay nakalabas rito magpakailanman. Matapos ang ilang taon nakita natin ang kabataan ito bilang isang taong may edad na.
Nakatagpo tayo sa kanya ng isang maestro sa ilang mga pwersa ng kaisipan, na kung saan siya namahala ng may impluwensiya sa buong mundo at halos may walang kapantay na kapangyarihan. Sa kanyang mga kamay hawak niya ang tanikala ng katakut-takot na laki ng responsibilidad; siya ay nagsasalita, at pagmasdan, ang kaniyang buhay ay may malaking pagbabago; ang mga kalalakihan at kababaihan-ay humahanga sa kanyang mga salita at nakakapagpabago sa kanilang mga karakter, at, tulad ng araw, siya ay nagiging permanente at makinang na bilog at umiikot sa gitna na may hindi mabilang na kapalaran na nagbabago. Napagtanto niya ang pananaw ng kanyang kabataan. Siya ay naging isa sa kanyang ideal.
At ikaw rin, mapagtatanto mo ang iyong mga pangitain (hindi ang walang saysay na pangarap) ng iyong puso, maging ito ay pangit o kagandahan, o isang paghahalo ng dalawa, dahil palagi kang mahihila patungo sa kung ano, ang lihim, na pinapangarap. Sa iyong mga kamay ay malalagay ang eksaktong mga resulta ng iyong sariling mga saloobin; makakatanggap ka ng kung ano ang iyong kinita; hindi sobra, hindi kulang. Anuman ang iyong kasalukuyang kalagayan ikaw ay maaaring mahulog, mamalagi, o pumaitaas sa iyong mga saloobin, sa iyong pangitain, at sa iyong kondisyon.
Ikaw ay magiging tulad ng iyong maliit na kinokontrol na pagnanais; dakila tulad ng iyong nangingibabaw na aspirasyon: sa magandang salita ng isang Dtef master, "Maaari kang magsulat ng iyong mga kasaysayan, at mayamaya ay dapat kang maglakad palabas ng pintuan na para sa iyo ay tila mahaba ang hadlang sa iyong mga pangitain, at makikita mo ang iyong sarili sa harap ng maraming tao -ang ballpen pa rin ang nasa likod ng iyong tainga, ang mantsa ng tinta sa iyong mga daliri at pagkatapos doon ay ibuhos at isulat ang dagsa ng iyong inspirasyon.
Maaari kang magmaneho, at dapat kang maglibot sa pastoral na siudad at malaki ang iyong paghanga; dapat malihis sa ilalim ng walang takot na gabay ng espiritu sa istudiyo ng maestro, at pagkatapos ng isang oras siya ay nagsabi,Wala na akong maituturo sa iyo. 'At ngayon ikaw na ang magiging maestro, sino ang nanaginip kamakailan lang ng dakilang mga bagay habang nagmamaneho. Ititigil mo ang sasakyan para kumuha sa iyong sarili ng pagbabagong-buhay sa mundo. "
Ang hindi nag-iisip, ang ignorante, at ang batugan, nakikita lamang ang maliwanag na mga epekto ng mga bagay at hindi ang mga bagay sa kanilang sarili, ay nag-uusap na lang tungkol sa suwerte, sa kapalaran, at pagkakataon.
Kapag Nakakakita ng isang taong yumaman, sinasabi nila, "Ang suwerte naman niya!" Na-obserbahan ang isa pang naging matalino, sila ay nagsabi, “lubhang pinagpala siya!" At napansin ang mala-santong karacter noong isa at malawak na impluwensiya noong isa pa, sila ay nag-usap, "ang kapalaran ay tumulong sa kanya sa bawat kabanata ng buhay niya!" Hindi nila nakikita ang mga pagsubok, pagkabigo at pagsisikap na sinagupa ng mga taong ito upang makakuha ng kanilang mga karanasan; wala silang kaalaman tungkol sa mga sakripisyo na ginawa nila, ang walang takot na pagsisikap na pinagtrabahuhan nila, ang pananampalataya na ginampanan nila, na baka magtagumpay sila na tila mahirap malampasan, at nauunawaan ang pangitain ng kanilang mga puso. Hindi nila alam ang kadiliman at ang dalamhati; ang nakikita lamang nila ay liwanag at kagalakan, at tinatawag itong swerte o "kapalaran".
Hindi nila nakikita ang mahaba at mahirap na paglalakbay, ngunit humahawak lamang pag-masdan ang kaaya-ayang layunin, at tinatawag itong "magandang kapalaran," hindi nauunawaan ang proseso, ngunit tinitingnan lamang ang resulta, at tinatawag itong pagkakataon o kapalaran.
Sa lahat ng pantaong pamumuhay may mga pagsisikap, at may mga resulta, at ang lakas ng pagsisikap ay ang sukatan ng resulta. Hindi ang tsansa. Ang regalo, mga kapangyarihan, materyal, intelektwal, at espirituwal na ari-arian ay mga bunga ng pagsisikap; ang mga ito ay nakumpletong saloobin, mga bagay na na pag-tagumpayan, mga pangitain na naisakatuparan.
Ang
mga pangitain na iyong niluluwalhati sa iyong
kaisipan, ang mga ideal na dinadakila mo sa
iyong puso ang bubuo sa iyong
buhay, at ito ay
ang magiging ikaw.
Ang katahimikan at kahinahunan
Ang katahimikan ng pag-iisip ay
isa sa mga magagandang kayamanan
ng
karunungan. Ito ay ang resulta ng mahaba at mapag-pasensiyang pagsisikap
sa pagpipigil sa sarili. Ang presensiya
ay
isang pahiwatig ng hinog
na karanasan, at ang pagkakaroon ng higit
sa ordinaryong kaalaman, sa mga
batas at sa operasyon ng kaisipan.Ang isang tao ay nagiging kalmado sa sukatan kapag nauunawaan ng kanyang sarili bilang isang nilikhang may kaisipang nagbabago, para sa karunungan na mangangailangan ng kaalaman sa pag-unawa sa iba bilang resulta ng pag-iisip, at habang nabubuo ang tamang pang-unawa, at nakikita ng higit pa sa mas malinaw ang panloob na relasyon ng mga bagay sa pamamagitan ng mga aksyon ng mga dahilan at epekto siya ay tumitigil manligalig, magalit, mag-alala at malumbay, at mananatiling matatag, mataimtim at mapayapa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento