Miyerkules, Setyembre 14, 2016

Ang sagradong kaalaman ay matagal ng andito sa mundo na alam ng ating mga sinaunang ninuno ngunit unti unting nawala sa pagdaan ng panahon.

Ang sagradong kaalaman ay matagal ng andito sa mundo na alam ng ating mga sinaunang ninuno ngunit unti unting nawala sa pagdaan ng panahon.

Ang Dtef ay isang modernong fellowship para masindihan ang pagsisimula at buhayin ang sagradong kaalaman ng masa at ang pag-uusapan natin ay tungkol sa iba pang mga punto para maintindihan ito ng mas malalim habang ating pinag-aaralan.


Simulan natin ito sa pamamagitan ng pagtatanong, ano ba ang sagradong kaalaman?

Ang sagradong kaalaman ay isang salita para sa nakatagong karunungan
At paano natin ipapaliwanag ang nakatagong karunungan?

Ang nakatagong karunungan ay sagradong kaalaman na nakukuha sa pamamagitan ng malalim na karanasan at iyon ang isang bagay na ating gagalugarin sa kurso ng ating pag-aaral.

Ano ba ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng sagradong kaalaman?

Ano ang ibig sabihin upang makamit ang malalim na karanasan?

Ang pakikipagsapalaran para sa sagradong kaalaman ay ang landas ng isang pantas sa paghahanap at pakikipagsapalaran para sa nakatagong karunungan.

Kung sasabihin natin  na ang nakatagong karunungan ay ang sagradong kaalaman sa pamamagitan ng malalim na karanasan ang  susunod na tanong ay,  ano naman ang sagradong kaalaman? Ano ang konseptong ito at saan talaga ito nanggaling?

Alamin natin ang pariralang NOSCE te ipsum ito ay nangangahulugang “Tao kilalanin mo ang sarili mo” Man know thyself… at makikilala mo ang Diyos at ang uniberso.

Kung nais natin maunawaan ang mas malaking larawan ng mga bagay, ang paglalakbay ay magsisimula sa pamamagitan ng pag-unawa kung sino tayo.

Iyon ay repleksyon ng isang bagay na mas dakila. kung gusto nating maunawaan ang uniberso, ang kahulugan ng buhay, at ng kamatayan.  



1 Corinto 3:

7 Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago. 8 Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang, at bawat isa'y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap. 9 Kami'y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin.
               Kayo rin ay gusali ng Diyos. 10 Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo. Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali. Ngunit dapat maging maingat ang bawat nagtatayo, 11 sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo. 12 May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato; mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami. 13 Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa. 14 Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog, tatanggap ng gantimpala ang nagtayo noon. 15 Ngunit kung masunog naman, mawawalan siya ng gantimpala. Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy.
               16 Hindi ba ninyo alam na kayo'y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? 17 Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.
               18 Huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siya'y matalino ayon sa sanlibutang ito, aminin niyang siya'y mangmang upang maging tunay na marunong. 19 Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Gaya ng nasusulat, "Hinuhuli niya ang marurunong sa kanila na ring katusuhan." 20 Gayundin, "Batid ng Panginoon na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan." 21 Kaya't huwag ipagmalaki ninuman ang nagagawa ng tao. Para sa inyo ang lahat ng ito, 22 ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat ng ito'y para sa inyo. 23 At kayo'y para kay Cristo, at si Cristo nama'y para sa Diyos.

Ang paglalakbay ay nagsisimula sa pang-unawa kung sino tayo? Bakit tayo andito? paano tayo gumagana? Kung talagang gusto nating mapabuti ang ating mga buhay, kung gusto nating mahanap ang panloob na kapayapaan at kasiyahan, kailangan nating simulan sa pamamagitan ng malapitang pagsusuri ng ating sariling sikolohiya.

Madalas nating nakikita ang mga bagay na magbibigay sa atin ng kaligayahan upang dalhin tayo sa kapayapaan.
Madalas nating nakikita ang mga bagay sa labas ng ating sarili na kung saan ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nagiging materyalistiko ang lipunan.

May mga commercial na nag-eenganyo sa atin na bumili ng magandang kotse, mga damit habang patuloy tayong naghahanap ng mga materyal na bagay  upang mapabuti ang ating mga buhay sa isang napaka-sukdulang pag-uugali.

Iyon ang dahilan kung bakit napupunta ang ibang tao sa isang antas ng pagiging sugapa sa iba't-ibang mga sangkap na droga, alcohol at iba pang- uri ng mga bagay-bagay na nagiging sanhi upang sila ay maghanap ng mga bagay labas sa kanilang mga sarili.

Upang dalhin sila sa ganitong kapayapaan at kagalakan sila ay laging naghahanap, ngunit hindi nila hinahanap sa tamang lugar kapag ang aspetong ito ang buong konsepto ng paghahanap ng kaalaman ay nagsisimula sa NOSCE te ipsum  Kilalanin ang sarili mo. Kung nagsisimula tayong kilalanin kung sino tayo at kung ano ang gumagawa sa atin upang maging mas epektibo.

Kailangan nating tuklasin kung bakit kumilos tayo sa paraang ikinikilos natin, bakit tayo nag-iisip tulad ng pag-iisip natin, saan nangagaling ang ating mga emosyon, saan nanggagaling ang ating mga saloobin? Paano gumagana ang ating buong sikolohikal na proseso?

Iyan ay isang bagay na dapat nating paghandaang gawin ang pagtahak sa landas ng pantas dapat tayong maging handa upang gumawa ng isang salamin
at hawakan ang salamin sa harapan natin at talagang pag-aralan natin ang ating repleksyon.

1 Corinto 2:

Ang Karunungan ng Diyos
               6 Sa mga matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong ito na ang kapangyarihan ay lilipas. 7 Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan. 8 Walang isa man sa mga tagapamahala sa daigdig na ito ang nakaunawa sa karunungang iyon, sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. 9 Subalit tulad ng nasusulat,
"Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga,
ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya."
               10 Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos. 11 Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. 12 Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.
               13 Kaya nga, kami ay nangangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Ang ipinapaliwanag namin ay mga katotohanang espirituwal para sa mga pinapanahanan ng Espiritu. 14 Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. 15 Sinisiyasat ng taong pinapanahanan ng Espiritu ang lahat ng bagay, ngunit walang sinumang makakasiyasat sa kanya.
16 "Sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang makapagpapayo sa kanya?"
               Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.
Pag-aralan natin kung sino tayo dahil kung gusto nating malaman ang uniberso at ang Diyos, kung gusto nating malaman ang malaking larawan, iyan ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-aaral kung sino tayo sa pag-aaral ng malaking larawan.

Ang uniberso na ating mahahanap sa loob ng ating sarili dahil sa sandaling ikaw ay tunay na makaka-unawa sa ating mga sarili at lahat ng bagay na nakapaloob sa loob natin. Pagkatapos, sa pamamagitan ng pagmuni-muni at ektensyon  maaari nating maunawaan ang uniberso at ang Diyos. At ang ating lugar at lahat ng iyon.

Marcos 4:

Ang Layunin ng Talinhaga
(Mateo 13:10-17)(Lucas 8:9-10)
              10 Nang nag-iisa na si Jesus, ang ilan sa mga nakikinig ay lumapit sa kanya kasama ang Labindalawa. Hiniling nilang ipaliwanag niya ang talinhaga. 11 Sinabi niya, "Ipinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinhaga. 12 Nang sa gayon,
'Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakakita,
at makinig man sila nang makinig ay hindi makakaunawa.
Kung gayon, sana'y nagbalik-loob sila sa Diyos
at nagkamit sana sila ng kapatawaran.'"
Paliwanag sa Talinhaga Tungkol sa Manghahasik
(Mateo 13:18-23)(Lucas 8:11-15)
              13 Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, "Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinhagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinhaga? 14 Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhing inihahasik ay ang mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos 15 at ang mga binhi namang nalaglag sa daan ay ang mga taong nakikinig sa mensahe ng Diyos. Pagkarinig nila'y dumating si Satanas at inalis ang mensaheng inihasik sa kanila. a
              16 "Ang katulad ng mga binhing nalaglag sa batuhan ay ang mga taong nakikinig at malugod na tumatanggap sa mensahe ng Diyos. 17 Subalit ang mensahe ay hindi tumitimo sa kanilang puso kaya't hindi sila nananatili doon. Pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa mensahe ng Diyos, agad silang sumusuko.
              18 "Ito naman ang kahulugan ng mga binhing nalaglag sa may damuhang matinik. May mga taong nakikinig ng mensahe ng Diyos 19 ngunit dahil sa alalahanin sa buhay na ito, pagkasilaw sa salapi, o kaya'y pagkahumaling sa ibang mga bagay, ang mensahe ay nawalan na ng puwang sa kanilang puso kaya't hindi ito nakapamunga.
              20 "Ito naman ang kahulugan ng mga binhing nalaglag sa matabang lupa. May mga taong nakikinig at tumatanggap sa mensahe ng Diyos at namumunga nang masagana; may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu at may tigsasandaan."
Walang Lihim na Hindi Mabubunyag
(Lucas 8:16-18)
              21 Nagpatuloy si Jesus ng pagsasalita. Sinabi niya, "Sinisindihan ba ang ilawan upang itago sa isang malaking takalan, b o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba't kapag nasindihan na ay inilalagay ito sa talagang patungan ng ilaw? 22 Walang natatagong di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag. 23 Makinig ang may pandinig!"
              24 Idinugtong pa niya, "Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig. c Ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at higit pa roon. 25 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa."
Ang Talinhaga ng Binhing Tumutubo
              26 Sinabi pa ni Jesus, "Ang kaharian ng Diyos ay maitutulad sa isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. 27 Natutulog siya kung gabi at bumabangon kung araw. Samantala, ang binhi ay tumutubo at lumalago ngunit hindi alam ng naghasik kung paano. 28 Ang lupa ang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim; usbong muna ang lumilitaw, saka ang tangkay; pagkatapos, nahihitik ito sa butil. 29 Kapag hinog na ang mga butil, agad niya itong ipagagapas sapagkat panahon na para ito'y anihin."
Ang Talinhaga ng Butil ng Mustasa
(Mateo 13:31-32, 34)(Lucas 13:18-19)
              30 "Saan pa natin maihahambing ang kaharian ng Diyos? Anong talinhaga ang gagamitin natin upang mailarawan ito?" tanong ni Jesus. 31 "Ang katulad nito ay butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi. 32 Ngunit kapag itinanim, ito'y lumalago at nagiging pinakamalaki sa lahat ng tanim; ito'y nagkakasanga nang mayabong, kaya't ang mga ibon ay nakakapamugad sa lilim nito."
Ang Paggamit ng mga Talinhaga
              33 Ipinangaral ni Jesus sa kanila ang mensahe sa pamamagitan ng maraming talinhagang tulad ng mga ito, ayon sa abot ng kanilang pang-unawa. 34 Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinhaga; ngunit ipinapaliwanag niya ang mga ito sa kanyang mga alagad kapag sila-sila na lamang.
 Ang isa pang aspeto na dapat nating tanungin sa ating mga sarili ay nais ba talaga nating baguhin upang talagang mabago ang iba't-ibang mga aspeto ng ating mga buhay, kaliwanagan, katotohanan, kapayapaan, at kaligayahan iyon ang uri ng mga bagay-bagay na
hindi kailanman maaaring maranasan mula sa isang libro.

Mag-aral ng iba't-ibang espirituwal na landas ngunit sa dulo ang mahalaga ay maranasan ito sa kung ano ang iyong direktang gagawin para makamit ang kaliwanagan, kapayapaan, katotohanan, at kaligayahan. Hindi kailanman Ito magmumula sa ibang tao kailangang direktang maranasan ito ng ating sarili.

Bawat naghahanap ay may malalim na pakiramdam na mayroon pang higit sa buhay, isang dakilang katotohanan na kailangang matuklasan. Iyon ang pangyayari kay Nicodemus, isang gabing lumapit siya kay Hesu- Kristo dahil naghihinala siyang ang batang guro ay maaaring ang Mesiyas na ipinangako sa Israel sa pamamagitan ng Diyos.
Tingnan natin ang dakilang
maestro tulad ni Hesus Kristo isang gising na maestro siya ay tinanong ng mga disipulo, "maestro ano ang katotohanan?"

Sa situasyon na iyon ng tinanong si Jesus ng maestro ano ang katotohanan? Siya ay tumalikod at lumakad ng palayo.
Ang sinasabi ng dakilang maestro ay iyan ay isang bagay na hindi maaaring maituro lamang, iyan ay isang bagay na dapat nating direktang maranasan upang malaman ang katotohanan, panloob na kapayapaan, at kasiyahan iyan ay mga bagay na hindi maaaring ma-ipaliwanag.

Isang bagay na hindi magagawa ng ibang tao para sa iyo, isa ring bagay na hindi natin maaaring mabili. Ito ang mga bagay na dapat nating direktang maranasan sa pamamagitan ng paglalakad sa isang partikular na landas sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang partikular na aspeto ng ating sikolohiya.

 Sa pamamagitan ng pag-gawa ng mga bagay na ito tulad ng meditasyon, astral projection sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito makakarating tayo sa karanasang ito upang maiintindihan ang kahulugan ng ating buhay, ang katotohanan ng kung sino tayo at kung ano ang nagpapagana sa atin.

Ang proseso ng pagbabago at pagpapabuti ay hindi isang walang hirap na proseso.  Ito ay hindi basta-basta mangyayari sa simpleng panonood ng ilang mga programa sa telebisyon. Ito ay hindi mangyayari dahil lamang dumalo tayo sa isang lekture o nagbasa ng isang aklat. Ang pagbabago ay hindi isang walang kibong proseso ngunit isang aktibong nakabatay sa kaalaman na nakukuha  sa pamamagitan ng direktang karanasan.

Ito ay isang directang karanasan na nagbibigay-daan sa atin  upang baguhin ang ating pananaw sa iba't-ibang mga aspeto ng ating buhay. Ito ay isang direktang karanasan sa iba't-ibang uri ng ating sikolohiya na nagbibigay-daan sa atin upang alisin ang ilang mga balakid na umiiral sa ating kapayapaan, sa ating at sa ating kaligayahan.  Kung matututo tayong alisin ang mga bagay tulad ng galit, takot at pagkakasala.

Ang mga bagay na ito ay isang balakid sa panloob na kapayapaan, sa panloob na kaligayahan.  Ang mga ito ay hindi basta mawawala sa loob ng isang araw dahil nagbasa ka ng isang libro.

Ito ang mga bagay na dapat nating direktang gawin sa ating sarili. Nasa atin ang pag-alis ng mga balakid sa karanasan ng katotohanan, sa kapayapaan at sa paggising ng kamalayan.

Kahina-hinayang na karamihan ng mga tao ay nabuhay sa mundong ito ng hindi kailanman malalaman ang kanilang sariling situasyon sa buhay.  Sila ay walang kamalayan sa kanilang kapalaran at walang kamalayan sa kanilang tunay na pagkakakilanlan.

Filipos 4:


11 Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. 12 Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. 13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.

Marahil na engkwentro mo ang konseptong ito sa iba't-ibang mga grupong espirituwal at iba pang mga daan sa kaliwanagan.

Na talagang ang lahat ng bagay na natatagpuan natin sa pisikal na mundo ay mga kilos lamang, isang distraksyon ang lahat ng mga bagay ang ating trabaho, mga kotse, ang mga bahay, ari-arian, pera at iba pang mga bagay-bagay at lahat ng ito sa huli para sa maraming mga tao ay nagiging isang distraksyon.

Sila ay nadakip sa isang distraksyon at nawala sa kanilang landas nawala sila sa kanilang mga kurso ng buhay, sila ay mga natali sa lahat ng mga materyalistikong bagay at hindi kailanman nila matutuklasan kung sino sila, bakit sila nandito at kung ano ang kanilang mga layunin sa buhay?

At iyon ay isa sa mga aspeto ng landas ng pantas ang masagot ang mga katanungan, sino tayo? Bakit tayo nandito? Ano ang dahilan kaya andito tayo?

At talagang tumingin sa kanyang sarili kung ano ang dapat makamit. Ang ibang mga tao bagaman sa buhay na ito ay may panloob na simbuyo mayroong isang pagtulak na nanggagaling mula sa isang lugar sa loob ng isang tao.

Upang hanapin ang isang espirituwal na landas, ito ay hindi  dahil hindi mo kayang pamahalaan ang iyong buhay o dahil ikaw ay hindi masaya sa buhay, ito hindi sa ganoong kadahilanan . Ito ay dahil alam mo may higit pang bagay sa buhay may nakatagong lalim maliban sa pagiging buhay.
Hindi ito nangangahulugan na alam mo kung nagkakaroon ka ng kahirapan o mayroon kang isang maginhawang buhay o ng magandang trabaho at isang masayang pamilya pero alam mo sa kaloob looban mo may nagsasabi sa iyo ng isang bagay tumutulak sa iyo sa mahabang panahon na mayoon pang mas esensiya ang buhay.

Tumingin ka sa labas makikita mo ang magandang araw mabuti man ang mood mo o masama.  Tumingin ka sa sa kalye tumingin ka sa mga tao at sa iba pa pagkatapos ay mag-isip ka mapapansin mo may iba pang esensiya ang buhay. Ang buhay ay hindi lamang isang Lunes hanggang linggo o simpleng tag-init o tag-araw, ito ay isang pare-parehong ikot mayroong ibang bagay sa likod ng mga eksena ito. Ang tinatawag nating katutubong kaalaman.

Na mayroong pang-ibang bagay na mas higit pa sa buhay marahil nang galing ka na doon mula noong bata ka pa marahil nagkaroon ka ilang mga karanasan na nagpaisip sa iyo  na mayroon pang-higit sa buhay na hindi mo pa natutuklasan. Mayroong higit pa sa buhay na karamihan sa mga tao ay walang kamalayan.

Napakalaking bilang ng sangkatauhan ang nabubuhay pero nabubuhay na nangangarap. sila ay nag-aalala sa kanilang mga bahay, sa kanilang relasyon, sa kanilang mga kotse o sa iba’t ibang bagay ngunit para sa ilan sa atin alam natin na mayroon pang mas mahalaga kaysa sa mga iyun na parang ibinubulong sa atin na kailangan natin tuklasin halos tulad ng isang palaisipan na kailangan nating masagot at makuha.

Ang paghahanap para sa espirituwal na landas at ang paghahanap para sa panloob na pagbabago ay mula sa loob ng isang tao mula sa banal na kislap na dinadala nating lahat sa loob natin sa totoo tayong lahat ay katulad ng isang patak na kinuha mula sa isang malaki at dakilang karagatan o marahil kung iisipin ito, tayo ay tulad ng isang maliit na butil ng buhangin na kinuha mula sa isang malaking dalampasigan.

Mayroong isang bahagi ng isang bagay na mas dakila na makikita natin sa loob ng lahat ng tao na tinatawag natin kaluluwa. Isang bahagi ng pinagmulan ng lahat ng bagay na tinatawag nating Diyos. Mayroong isang pinagmulan ng lahat ng bagay, pinagmulan ng lahat ng enerhiya sa uniberso at tayo ay bahagi niya.

Tayo ay naging bahagi ng dakilang karagatan o bahagi ng dakilang dalampasigan at nasa loob natin ang isang piraso na nagnanais na makabalik sa kabuuan, isang piraso na nasa atin na nananabik sumanib pabalik sa pinagmulan ng lahat ng bagay at ang bawat pangunahing relihiyon o espirituwal na landas ay nagpapahayag ng parehong prinsipyo na nakapaloob sa atin isang bahagi ng isang bagay na mas dakila at ang proseso ng buhay at kamatayan ay isa lamang paglalakbay sa piraso ng banal na kislap at may pagtatangkang bumalik pabalik sa pinagmulan.

Ang isa pang kontrobersyal na tanong,
tayo ba ang may kontrol ng ating mga buhay? Harangan mo ang sinumang taong na makikita mo sa lansangan at tanungin mo, ikaw ba ang may kontrol ng iyong buhay? Siyempre ako ang may kontrol ng buhay ko, ang sagot niya.

Malaki na akong tao, Mayroon akong trabaho, mayroon akong mapagkukunan, may bahay at kotse, may relasyon. Kahit sinong may edad na tao ang tanungin mo: ikaw ba ang may kontrol ng buhay mo? Makakakuha ka ng umaalingawngaw na sagot: oo siyempre hindi ako laging masaya sa lahat ng ito ngunit ako ay siguradong may kontrol sa karamihan ng mga aspeto ng aking buhay.

Mabuti, ang gusto nating imungkahi dito ay ang eksaktong kabaligtaran Kung tunay nating nakikita sa mga bagay kung titingin tayo sa buong kurso ng ating buhay matutuklasan natin na tayo ay katulad ng isang maliit na bangka na inihagis sa malaking bumabagyong karagatan isang maliit na bangka na ibinato sa malaking bumabagyong karagatan.

Na kung saan sa katapusan hindi ang bangka ang naglalayag sa sarili nitong kurso kung hindi ang hangin at ang mga alon habang sinusubukan naming i-layag ang bangka ng ating mga buhay ang makikita natin na maraming beses na tayo ay minamaneho sa kurso ng ating buhay sa pamamagitan ng mga panlabas na kadahilanan tulad lamang ng isang bangka na gustong maglayag mula sa isang isla sa kabilang isla at ang
hangin at ang mga alon ay patuloy na kumikilos sa bangka kaya sa halip na papuntang tuwid sa isang linya ang bangka ay nadadala sa kung saan saang lupalop.

Iyan ang talagang natatagpuan natin sa maraming mga aspeto ng ating buhay tayo ay ipinanganak na may isang layunin isang tadhana ng isang bagay upang makamit ang dapat lang nating gawin ay pumunta mula sa punto A hanggang punto B pero minsan tayo ay naililihis palayo sa ating kurso na kapag sinusubukan nating makabalik sa ating kurso napupunta tayo sa ibang
direksyon kung minsan hindi na tayo kailanman makabalik sa kurso natin dito
minsan nauubos natin ang ating buong buhay sa pagsubok na hanapin kung ano ang orihinal nating kurso.

Tayo ay katulad ng isang maliit na bangka na inihagis sa isang binabagyong karagatan sa huli ang hawak lang natin ay ang ilusyon na tayo ang may kontrol ngunit sa katotohanan ang hangin at ang mga alon ang mga panlabas na kadahilanan sa ating mga buhay mga bagay tulad ng mga emosyon at mga saloobin na nanggaling mula sa iba't ibang mga lugar na sa huli tayo ay walang kontrol sa pwedeng kalalabasan ng ating buhay.

Lucas 15:

Ang Nawala at Natagpuang Anak
               11 Sinabi pa ni Jesus, "May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa kanya ng bunso, 'Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.' At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang kaparte at nagpunta siya sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa pamamagitan ng mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga bungangkahoy na kinakain ng mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, 'Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, "Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila."' 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.
               "Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, 'Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.' 22 Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, 'Madali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya. Suotan ninyo siya ng singsing at bigyan ninyo siya ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.' At sila nga'y nagdiwang."
               25 "Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi ito at malapit na sa bahay, narinig nito ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, 'Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?' 27 'Dumating po ang inyong kapatid!' sagot ng alila. 'Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buhay at walang sakit.' 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, 'Pinaglilingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ang anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!' 31 Sumagot ang ama, 'Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat patay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.'"

Tayo ay naging reaktibong nilikha simple tayong nagkakaroon ng reaksyon sa mga pangyayari sa ating buhay at kapag pinag-isipan natin nagsisimula tayong kumilos at sinisimulan nating pag-aralan ang ating sikolohiya kung ano ang nangyayari para sa susunod na ilang linggo tayo ay kumikilos sa maraming aspeto tulad ng mga robot-na naka-programa kaysa sa isang indibidwal at iyon ang isang kasindak-sindak.

Ngunit sa ngayon kung gusto kong gumanda ang iyong pakiramdam pupurihin kita tulad ng maganda ang suot mong damit gusto ko ang iyong buhok para kang bumabata
at iyun ay magpapaganda sa iyong pakiramdam iyon ay magbibigay sa iyo ng pakiramdam ng pagmamataas ngunit maaari ko ring gawin ang kabaligtaran kung gusto kong pasamain ang iyong  pakiramdam maaari kitang insultuhin puwede kitang asarin, pagtawanan, o magsabi ng mga  negatibong bagay sa iyo para makalikha ng isang reaksyon kahit mayroon kang magandang araw ngayon o masamang araw.

Ngayon marahil naka-depende tayo sa kung sino ang lagi nating nakakasama o marahil sa ilang mga taong  nakasalamuha natin kung masaya tayong kasama ang ilang tao na talagang gusto nating nakakasama  masaya ang reaksyon sa sitwasyon na nagiging isang positibong reaksyon ngunit marahil kung tayo ay nakukulitan sa isang ahente o nagkaka problema sa isang katrabaho o sa management ng ating kumpanya o isang bagay na nangyari sa  trabaho o hindi talaga tayo nagkakaayos sa isang tao

Iyan ay makakalikha ng ibang reaksyon marahil galit, pagkainis, pagkabigo o takot na mawalan ng trabaho o ang isang bagay tulad niyan kaya maging mabuti o masama ang ating mood ay naka- depende sa kung sino ang ating nakakasama kung hahanapin ang kahulugan kapag pinindot ng isang tao ang pindutan doon nagmumula kung okay tayo kahit mabuti o masama ang ating mood nakaka apekto sila.

Sa ngayon maaaring naka-depende ka sa iyong asawa o kasintahan kung nasa mabuting mood o masamang mood ka dahil kung sila  ay nasa masamang mood na nakadirekta sa iyo at naka-impluensiya sa iyo sa masamang mood at pagkatapos ay naidirekta mo ito sa isang kaibigan sa telepono.




Ito ay isang uri ng isang naka-gapos na reaksyon ito ay patuloy na impluwensya ng mga tao sa paligid natin madalas itong mangyari hindi lamang ibang tao ang nakaka-impluwensiya at kumokontrol ng mga pangyayari sa ating mga buhay pati mismo ang mga nangyayari sa ating kapaligiran mga bagay tulad ng ating kotse kapag nagmamadali tayong umalis tapos flat ang gulong naiinis tayo at nagagalit.

Ganyang mga bagay kung biglang nag crash ang ating ginagamit na computer sa opisina nakakainis iyan. Maging kung biglang may kailangang bayarang hindi kasama sa badget mo.

 Kaya kung titingnan mo ang tipikal mong araw kahit maganda o masamang araw ang mga kaganapan, ang iyong damdamin o pananaw na nagaganap sa araw na iyun  ay naka-depende sa mga panlabas na kadahilanan halimbawa ng mga tao na nalulumbay walang sinuman ang nais na nalulumbay  ngunit kung sakaling nakaranas ka ng depresyon hindi mo maaaring basta basta lamang itigil ito. At basta sabihin hindi na ako nalulungkot ang damdamin na iyan ay isang reaksyon na nanggagaling mula sa iba pang pinag-mulan.

Kaya kapag tumingin ka pabalik sa iba't ibang mga estado ng ating mga buhay maraming beses tayo ay mainam.
Ang paggawa ng mga bagay sa ating buhay mula sa ating mga saloobin, sa ating mga aksyon, sa ating mga emosyon
ay isa lamang na reaksyon sa isang bagay na panlabas at kung hindi iyon ang kaso sana ang lahat ng tao ay nagiging masaya sa lahat ng oras hindi ba? Siyempre ikalulugod natin na maging masaya 24/7 dahil ayaw nating kontrahin ang kasiyahan ngunit dahil sa mga panlabas na kadahilanan.

Natatagpuan natin ang ating saloobin, ang ating mga emosyon at ang ating mga aksyon ay halos katulad ng isang roller coaster tayong lahat ay nasa isang sitwasyon na kung saan nag-rereact tayo sa isang tao ng may galit at natagpuan natin ang ating sarili na kinakailangang humihingi ng tawad at sinasabi na ang mga bagay na ito ay nangyayari ng hindi mo kagustuhan.

Patawad hindi ko alam kung ano ang iniisip ko hindi ko alam kung ano ang dumating sa akin kaya sa sitwasyong iyon ang galit na iyon ay isang reaksyon mula sa ibang bagay na dumating ang ating pisikal na organismo ang kumuha ng kontrol sa ating mga saloobin, sa ating mga emosyon at sa ating mga aksyon subalit nag-iiwan ito sa ating mag-isang nakaupo napahiya at nahihiya.

Sa ating mga aksyon kailangan nating humihingi ng paumanhin at sinusubukang baguhin ang pinsalang nagawa at sa isang karagdagang hakbang iminumungkahi natin na hindi tayo ang may kontrol sa ating sariling isip sa kung ano ang ating iniisip at iyon ang isang bagay na madali nating ma-ilarawan sa ngayon.

Sa ngayon dapat tayong magsagawa ng meditasyon ang gagawin lang natin ay umupo isara ang ating mga mata at
walang ibang iisipin kundi isang kalmadong asul na lawa.  

Ang mabilis nating matatagpuan ay magagawa nating makuha ang imahe ng kalmadong asul na lawa sa ilang segundo siguro bago pumasok ang ibang kasipian sa ating diwa. Naku anong oras na? Ano ang aking bibilhin bago umuwi ng bahay? O kaya may deadline nga pala akong dapat tapusin o kaya malapit na ang pasko. 

Ang susunod na bagay na ma-didiskubre mo ay ang constant na estado ng isang walang katapusang daloy ng mga kaisipan na pumapasok sa ating diwa sa isang naibigay na panahon

Sinasabi ng modernong sikolohiya na karaniwang 30-40,000 na mga kaisipan sa isang araw ang pumapasok sa ating diwa kaya nakikipag usap tayo ng maramihang mga saloobin bawat Segundo at ito’y umaagos sa pamamagitan ng ating kamalayan iyun ang nangyayari.

Iyan ang mga hangin at mga alon na umaakay sa kurso ng ating mga buhay at hindi natin maaaring ihinto ang mga kaisipang iyon kaya ang buong layunin ng meditasyon ay upang ma-kontrol ang intelektwal na proseso at upang wakasan na ang walang katapusang serye ng mga kaisipan upang matuklasan kung ano pa ang iba pang nasa likuran nito.

Samakatuwid, dahil sa resulta ng walang katapusang daloy ng mga kaisipan bilang resulta ng lahat ng mga reaksyon sa mga tao at sa ating kapaligiran malalaman natin na tayo ay hindi kailanman nasa kasalukuyan sandali ang kabalintunaan ng pagiging tao na tayo ay maaaring nabubuhay ng 85 taong ng hindi nararamdaman ito at nalalagpasan dahil lagi tayong wala sa kasalukuyang sandali.

Ikaw ay palaging nasa hinaharap
o ikaw ay palaging nasa nakaraan ikaw ay pisikal na andito ngayon ngunit dalawang segundong nakalipas ikaw ay wala ang iyong kaisipan ay nag-iisip ng ibang bagay.

Naiisip mo ang aklat na iyong nabasa, o naiisip mo ang palabas sa tv na napanuod mo, o naiisip mo ang katapusan ng linggo kung gaano kasaya ang party, o naiisip mo ang susunod na pasko at bagong taon.

Ito ang ideya na ikaw ay wala sa kasalukuyan sandali.  Ikaw ay palaging nasa iba pang lugar ang pagiging tao ay nangangahulugang ng walang hanggang paglalakbay sa bawat oras.

Tayo ay lumilipad sa pagitan ng mga nakaraan at ng hinaharap ngunit hindi sa kasalukuyang sandali na tinatawag nating walang hanggang kalikasan.

Bilang resulta isa sa mga bagay na nangyayari ay hindi tayo kailanman may kamalayan sa anumang naibigay na sandali ngunit nabubuhay sa walang tigil na estado ng nangangarap ng gising. Natatagpuan natin ang ating sarili na patuloy nagpapantansiya habang nagngangarap ng gising. Tayo ay nag-aalala, pagpaplano, nagbabalak anuman ang gusto mong itawag rito.

At lahat tayo ay nahuhuling gumagawa nito, tayo ay hindi nagbibigay ng atensyon kaya minsan nagkakaroon ng aksidente, tayo ay nabunggo sa poste habang naglalakad.

Mayroon kasi tayong iniisip. Minsan habang tayo ay nagmamaneho nagugulat pa tayo kapag nakarating agad sa ating destinasyon ni hindi natin natandaan kung ano nangyari noong tayo ay nagmamaneho.

At sa kasamaang-palad iyun ang dahilan kung bakit nangyayari ang malawak na bilang ng mga aksidente sa kotse na ang
 taong nagmamaneho ay pisikal na may hawak ng manibela ngunit ang kanilang mga isip ay wala at nasa ibang lugay kaya nagkakaroon ng aksidente at maging sa ilang mga bagay na ginagawa natin sa ating buhay ay ang resulta ng katotohanang iyon na tayo ay patuloy sa daydreaming nangangarap ng gising sa ating kamalayan.

Ang kamalayan ay wala sa kasalukuyang sandali nito namumuhay sa nakaraan binubuhay ang mga alaala at lahat ng mga karanasan o umuusli sa hinaharap ng isang pagpa-plano.

At ang resulta ang ating nasasabi ay mula sa kamalayang natutulog at iyun ang kakaiba sa pagiging tao na tayo ay tulog ngunit matatag na naniniwala na tayo ay gising.

Kapag tayo ay natutulog sa gabi ang bawat sa ay nananaginip at nararanasan ito ngunit kapag gising na tayo andoon pa rin ang ating panaginip nasa ibang lebels lang ito kaya ang kakaiba, ang ironiya sa pagiging isang tao ay tayo ay tulog ngunit matatag na naniniwala na tayo ay gising.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento