1Corinto 10 3Kumain silang lahat ng
iisang pagkaing espirituwal, 4 at uminom din ng iisang inuming espirituwal,
sapagkat uminom sila sa batong espirituwal na sumusubaybay sa kanila, at ang
batong iyon ay si Cristo. 10 Huwag
din tayong magreklamo, tulad ng ilan sa kanila, kaya't nilipol naman sila ng
anghel na namumuksa. 11Nangyari iyon sa
kanila bilang babala sa iba, at isinulat upang tayo namang nabubuhay ngayong
mga huling araw ay maturuan. 12 Kaya't mag-ingat ang sinumang
nag-aakalang siya'y nakatayo, at baka siya matisod. 13Wala pang pagsubok na
dumating sa inyo na hindi nararanasan ng lahat ng tao. Tapat ang Diyos, at
hindi niya ipapahintulot na kayo'y subukin nang higit sa inyong makakaya. Sa
halip, pagdating ng pagsubok, bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan
iyon.
Orasyong ginamit ni Jose para makuha ang kahulugan ng panaginip ng Faraon upang maipaalam ang gagawin ng Dios sa kanilang bansa:………. Ginawang Tagapamahala sa Egipto si Jose
Orasyong ginamit ni Jose para makuha ang kahulugan ng panaginip ng Faraon upang maipaalam ang gagawin ng Dios sa kanilang bansa:………. Ginawang Tagapamahala sa Egipto si Jose
37 Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang panukala ni Jose. 38
Sinabi nila, "Bakit pa tayo hahanap ng iba, samantalang nasa kanya ang
Espiritu a ng Diyos?" 39 Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose, "Ang Diyos
ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit pa sa iyo sa
karunungan at pang-unawa. 40 Ikaw ang pamamahalain ko sa buong bansa, at
susundin ka ng lahat. Ang aking trono lamang ang hindi mapapasaiyo. 41 At
ngayon, inilalagay kitang gobernador ng buong Egipto!" 42 Inalis ni Faraon
sa kanyang daliri ang singsing na pantatak at isinuot iyon kay Jose; binihisan
niya ito ng damit na lino at sinabitan ng gintong kuwintas sa leeg. 43
Ipinagamit kay Jose ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod
pandangal na nauuna sa kanya at sumisigaw, "Lumuhod kayo!" Sa gayon,
ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto. 44 Sinabi ng Faraon kay
Jose, "Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung wala kang
pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman." 45 Binigyan
niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si
Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis. Bilang gobernador,
pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto.
46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis
niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto. 47 Pitong taong nag-ani
nang sagana sa buong lupain. 48 Inipon ni Jose ang lahat ng pagkain sa Egipto
at ikinamalig sa mga lunsod. Sa loob ng pitong taon ng kasaganaan, inipon niya
sa bawat lunsod ang mga pagkaing inani sa palibot nito. 49 Ang naipon niyang
trigo ay sindami ng buhangin sa dagat, kaya't hindi na niya tinatakal dahil sa
dami.
50 Bago dumating ang taggutom, nagkaanak si Jose ng dalawang lalaki kay Asenat.
51 Tinawag niyang Manases ang panganay,
sapagkat sinabi niya, "Niloob ng Diyos na malimot ko ang aking naging
hirap sa bahay ng aking ama." 52 Efraim naman ang ipinangalan sa pangalawa, sapagkat
ang sabi niya, "Pinagkalooban ako ng Diyos ng mga anak sa lupain ng aking
paghihirap."
53 Natapos ang pitong taon ng kasaganaan sa Egipto. 54 At sumunod ang pitong
taong taggutom, tulad ng sinabi ni Jose. Ngunit sa buong Egipto'y may pagkain,
samantalang taggutom sa ibang bansa. 55 Nang wala nang makain ang mamamayan,
sila'y dumaing sa Faraon. Sinabi niya sa mga taga-Egipto, "Mag-punta kayo
kay Jose, at sundin ninyo ang kanyang sasabihin." 56 Lumaganap ang
taggutom sa buong bansa. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig, at
pinagbilhan ng trigo ang mga taga-Egipto. Palubha nang palubha ang taggutom sa
buong Egipto. 57 Lumaganap din ito sa ibang mga bansa, kaya't ang mga mamamayan
nila'y pumunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose.
Daniel 2: 1-49
Ang Panaginip ni Nebucadnezar
1 Noong ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, siya ay nagkaroon ng
masamang panaginip. Kaya siya'y nabagabag at hindi makatulog. 2 Dahil dito,
ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero, enkantador, mangkukulam, at
astrologo upang ipaliwanag ang kanyang panaginip. 3 Sinabi niya sa kanila,
"Nanaginip ako at ito ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon. Ipaliwanag
nga ninyo ang kahulugan ng aking panaginip." 4 Sumagot ang mga astrologo
sa wikang Aramaico, a "Mabuhay ang hari! Sabihin po ninyo ang panaginip at
ipapaliwanag namin."
5 Sinabi ng hari sa mga astrologo, "Ipinag-uutos kong sabihin muna ninyo
ang aking panaginip saka ninyo ipaliwanag. Kung hindi, ipapapatay ko kayo at
ipawawasak ang inyong mga tahanan. 6 Kapag nasabi naman ninyo at naipaliwanag
ang aking panaginip, gagantimpalaan at pararangalan ko kayo. Kaya sabihin na
ninyo at ipaliwanag sa akin ang aking panaginip."
7 Muli silang sumagot, "Mahal na hari, sabihin po ninyo ang panaginip at
ipapaliwanag namin."
8 Sinabi naman ng hari, "Alam kong pinahahaba lang ninyo ang oras dahil sa
sinabi ko sa inyo 9 na iisa ang hatol ninyo kapag hindi ninyo nasabi at
naipaliwanag sa akin ang aking panaginip. Nagkaisa kayong magsinungaling sa
akin sa pag-aakalang magbabago pa ang aking isip sa paglipas ng oras. Sabihin
ninyo ang aking panaginip at saka ako maniniwalang maipapaliwanag nga ninyo
iyon."
10 Sumagot ang mga astrologo, "Wala pong tao sa daigdig na makakagawa ng
iniuutos ninyo. Wala ring hari, gaano man ang kapangyarihan niya, na nag-utos
ng ganyan sa sinumang salamangkero, manghuhula, o astrologo. 11 Napakahirap
gawin ng iniuutos ninyo. Mga diyos lamang ang makakagawa niyan at hindi sila
namumuhay na kasama ng tao."
12 Dahil sa sagot na ito, nagalit ng husto ang hari kaya't ipinag-utos niyang
patayin ang lahat ng mga tagapayo sa buong Babilonia. 13 Saklaw ng kautusang
ito ang lahat ng matatalinong tao sa kaharian pati si Daniel at ang kanyang mga
kaibigan.
Inihayag ng Diyos kay Daniel ang Panaginip
14 Kaya, maingat na kinausap ni Daniel si Arioc, ang kapitan ng mga tanod ng
hari na siyang inutusan upang patayin ang mga matatalinong tagapayo ng
Babilonia. 15 Tinanong niya ito, "Bakit po nag-utos ng ganito kabigat b
ang mahal na hari?" At sinabi naman sa kanya ni Arioc ang dahilan.
16 Dahil dito, nagpunta sa hari si Daniel at nakiusap na bigyan pa siya ng
panahon at ipapaliwanag niya ang panaginip nito. 17 Matapos payagan, umuwi si
Daniel at sinabi kina Hananias, Misael at Azarias ang pangyayari. 18 Hiniling
niyang sama-sama silang manalangin sa Diyos ng kalangitan tungkol sa hiwagang
iyon upang hindi sila patayin kasama ng mga matatalinong tagapayo ng Babilonia.
19 Nang gabing iyon, sa pamamagitan ng pangitain ay inihayag ng Diyos kay
Daniel ang nasabing hiwaga. Kaya't pinuri niya ang Diyos ng kalangitan. 20 Ang
sabi ni Daniel:
"Purihin magpakailanman ang pangalan ng Diyos,
pagkat siya'y marunong at makapangyarihang lubos.
pagkat siya'y marunong at makapangyarihang lubos.
21 Siyang nakakapagbago ng mga kapanahunan,
naglalagay at nag-aalis ng mga hari sa luklukan;
siyang nagbibigay ng karunungan sa matatalino
at kaalaman sa may pang-unawa.
naglalagay at nag-aalis ng mga hari sa luklukan;
siyang nagbibigay ng karunungan sa matatalino
at kaalaman sa may pang-unawa.
22 Naghahayag ng mga lihim at kahiwagaan;
nakatatalos sa mga nasa kadiliman,
sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan.
nakatatalos sa mga nasa kadiliman,
sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan.
23 Pinupuri ko kayo at pinasasalamatan, O Diyos ng aking
mga magulang,
dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan,
ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan,
panaginip ng hari sa ami'y ipinaalam."
dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan,
ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan,
panaginip ng hari sa ami'y ipinaalam."
Ipinaliwanag ni Daniel ang Panaginip ng Hari
24 Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc, ang opisyal na inutusan upang
patayin ang mga tagapayo ng Babilonia. Sinabi niya, "Huwag mo munang
patayin ang mga matatalinong tao. Samahan mo ako sa hari at ipapaliwanag ko ang
kanyang panaginip."
25 Dali-daling iniharap ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi niya, "Mahal na
hari, narito po ang isa sa mga dinalang-bihag mula sa Juda. Siya po ang
makapagpapaliwanag sa inyong panaginip."
26 Si Daniel na tinatawag na Beltesazar ay tinanong ng hari, "Masasabi at
maipapaliwanag mo ba sa akin ang aking panaginip?"
27 Sumagot si Daniel, "Ang hiwagang gustong alamin ng hari ay hindi
maipapaliwanag ng sinumang matalinong tagapayo, enkantador, salamangkero, o
manghuhula. 28 Ngunit mayroon pong isang Diyos sa kalangitan na naghahayag ng
mga hiwaga at ipinakita niya sa Haring Nebucadnezar ang mga mangyayari sa mga
darating na panahon. Ito ang panaginip na inyong nakita habang kayo'y
natutulog:
29 "Mahal na hari, ang panaginip ninyo ay tungkol sa mangyayari sa
hinaharap at ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na nakakaalam ng lahat ng hiwaga.
30 Ang hiwagang ito ay ipinaalam sa akin, hindi dahil ako'y higit na matalino
kaysa iba, kundi upang ipaliwanag ito sa inyo at upang maunawaan ninyo ang
gumugulo sa inyong isipan.
31 "Mahal na hari, ang nakita ninyo ay isang malaki at nakakasilaw na
rebulto. Nakatayo ito sa inyong harapan at nakakatakot pagmasdan. 32 Ang ulo
nito ay lantay na ginto, at pilak ang dibdib at mga bisig. Tanso naman ang
tiyan at mga hita nito. 33 Ang mga binti ay bakal at ang mga paa ay pinaghalong
bakal at putik. 34 Habang pinagmamasdan ninyo ito, may batong natipak sa bundok
na bumagsak sa mga paa ng rebulto at nadurog ang mga paa. 35 Pagkatapos,
nadurog ding lahat ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Naging parang ipa
ito at tinangay ng hangin at walang naiwan kahit bakas. Samantala, ang tipak ng
batong bumagsak dito ay naging isang napakalaking bundok na pumuno sa buong
daigdig.
36 "Mahal na hari, iyan po ang inyong panaginip, at narito naman ang
kahulugan: 37 Kayo po ang pinakadakila sa lahat ng mga hari. At kayo po ay
pinagkalooban ng Diyos sa langit ng kaharian, kapangyarihan, lakas, at
karangalan. 38 Niloob ng Diyos na masakop ninyo ang lahat ng tao, hayop, at
ibon sa lahat ng dako. Kayo ang ulong gintong iyon. 39 Ang susunod sa inyo ay
ang ikalawang kaharian na mas mahina kaysa inyo. Pagkatapos, lilitaw ang
pangatlong kaharian na isinasagisag ng tanso, at sasakupin nito ang buong
daigdig. 40 Ang pang-apat na kaharian ay sintigas ng bakal. Katulad ng nagagawa
ng bakal, dudurugin ng kahariang ito ang buong daigdig. 41 Ang kahulugan naman
ng nakita ninyong mga paa na yari sa bakal at putik ay ito: mahahati ang
kaharian ngunit mananatili ang tigas ng bakal sapagkat ito'y nakahalo sa putik.
42 Ganito naman ang kahulugan ng mga paang yari sa pinaghalong bakal at putik:
May bahagi itong matibay at may bahagi namang marupok. 43 Ang kahulugan ng
pinagsamang bakal at putik ay pag-aasawa ng magkakaibang lahi; ngunit hindi ito
magtatagal kung paanong hindi maaaring paghaluin ang bakal at putik. 44 Sa
panahon ng mga haring iyon, ang Diyos sa kalangitan ay magtatatag ng isang
kahariang hindi maibabagsak kailanman, ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at
ganap na wawasakin ang iba pang kaharian, at mananatili ito magpakailanman.
Kaya't hindi na makakabangon ang mga iyon kahit kailan. 45 Katulad ito ng inyong
nakitang tipak ng bato na dumurog sa rebultong yari sa bakal, putik, tanso,
pilak, at ginto. Mahal na hari, ang mangyayari sa hinaharap ay ipinapaalam na
sa inyo ng dakilang Diyos. Ito po ang inyong panaginip at tiyak ang kahulugan
nito."
Ginantimpalaan si Daniel
46 Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha sa lupa at nagbigay galang
kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito ng insenso at iba pang
alay. 47 Sinabi niya kay Daniel, "Tunay na ang Diyos mo ang pinakadakila
sa lahat ng mga diyos at Panginoon ng mga hari. Siya ang tagapagpahayag ng mga
hiwaga kaya naipahayag mo ang hiwagang ito." 48 Pinarangalan ng hari si
Daniel at binigyan ng napakaraming handog. Siya ay ginawa nitong tagapamahala
sa buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng mga tagapayo ng
Babilonia. 49 Hiniling naman ni Daniel sa hari na sina Shadrac, Meshac at
Abednego ay gawing tagapangasiwa sa Babilonia upang siya'y makapanatili sa
palasyo ng hari.
Orasyong ginamit ni
Daniel upang pagkalooban ng Dios ng kapangyarihan maipaliwanag ang mga
panaginip ni Haring Nebucadnezar:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento