Lunes, Abril 17, 2017

https://www.youtube.com/watch?v=LT3sgAwMMWA There are more things in heaven and earth, than are dreamt of in your philosophy.

https://www.youtube.com/watch?v=LT3sgAwMMWA
There are more things in heaven and earth, than are dreamt of in your philosophy.
Ang pamumuhay sa karunungan ng mga sagradong aklat ay makapagpapabago ng iyong buhay sa pamamagitan ng  sagradong paraan ng pamumuhay.
Ang isang taong nakakaranas at nagbabahagi sa lalim ng karunungang ito ay tunay na mapalad at maligaya.

Ang karunungan ng Sagradong kaalaman.

Sa programang ito ay ibabahagi namin sa inyo ang karunungan ng sagradong aklat, ang divinong paraan.
Isang kahanga-hangang paglalakbay, ito ay isang paraan upang dalhin tayo sa isang mas mataas na kamalayan tungkol sa pagbabago ng iyong buhay.

Hindi sa tradisyunal na paraan na iniisip natin kapag iniisip natin ang tungkol sa pagbabago ng ating buhay na karaniwan ay nangangahulugan ng pagbabago ng iyong pag-uugali o muling pagsasanay ng iyong sarili sa pagkuha ng bagong mga gawi at sinusubukan ang mga ito sa pagbabago ng iyong buhay.

Ito ay tungkol sa pagbabago ng iyong mga kaisipan at pagkatapos ang iyong buhay ay magbabago. Baguhin ang iyong mga kaisipan, baguhin ang iyong buhay.
Ito ay isang bagay na masidhi naming
ini-endorso na mayroon tayo sa loob natin ng mga kakayahan at ang kapasidad sa pamamagitan ng mga paraan na ginagamit natin sa ating mga kaisipan at ang paraan kung paano tayo mag-proseso ng mga bagay-bagay at ng mga kaganapan upang magawa natin sa ating  buhay ang ganap na paglipat at baguhin ang nasa paligid.

Walang anumang mga pagkakaiba kung ano ang iyong edad, kung ikaw man ay isang tinedyer o kung ikaw ay isang taong nasa ikaanimnapung taon o nasa pagitan ng ikapitumpu at ikawalumpu taon o kahit nasaan ka man ang paraan ay
maaari mong gawin ang pagbabago, ang paggawa ng isang paglipat.

Tanggalin ang iyong sarili mula sa isang buhay ng akumulasyon.
Maaari mong basahin ang lahat ng mga sagradong aklat sa isang araw ngunit maaari mong pag-aralan ito ng panghabang buhay.
Lumikha ng para sa iyong sarili kung maaari mong isabuhay ang mga aralin sa mga aklat.
Basahin ito, magnilay sa mga ito, at ilarawan ang mga imahe sa iyong kaisipan.

Piliin ang sagradong aklat na may-katuturan sa iyo, piliin ang sagradong aklat na tila magiging makabuluhan sa iyong buhay. At isama ito sa iyong buhay upang maging kapaki-pakinabang.
Ang mga sagradong aklat ay isang manual para sa pagkamit ng isang paraan ng pamumuhay at literal na nag-titiyak ng integridad, kagalakan, kapayapaan, at balanse sa ating mga buhay.

Ang mga sagradong aklat ay medyo misteryoso dahil maaaring iba ang ibig sabihin ng isang bagay sa isa pang nagbabasa. Upang maunawaan sundin ang iminumungkahi ng isang dtef master;

Sa araw na ikaw ay ipinanganak may hagdan na inihanda sa iyo upang makatulong sa iyo upang makatakas mula sa mundong ito.
Ang mga sagradong aklat ay simbolo ng isang hagdan na tutulong sa iyo upang
'makabalik sa mosyon ng mga sagradong kaalaman.

 Lahat tayo ay nanggaling sa isang banal na espirituwal na esensiya, hindi nakikita,
ang lahat ng bagay sa mundo na may hugis ay nagmula sa isang bagay na walang hugis mula sa ilang segundo ikaw ay nagmula sa kawalan hanggang magkaroon ng hugis at maging isang nilikha.

 Ang sinusubukang ituro ng mga sagradong aklat ay  upang makabalik sa lugar na kung saan ka nagmula at buhayin ang iyong buhay mula sa espirituwal na pananaw at maging isang nakilalang nilikha ng Diyos.

Huwag tayong mailigaw na maging Panginoon ang karangalan na nawawala, ang kayamanan na naubos, ang kadakilaang nalilimutan at ang pagmamataas na naibababa.

Isa pang mahusay na kaalaman mula sa isang dtef master na nagpayo na
hindi natin dapat tigilan ang pag-galugad at paghahanap sa dulo ng lahat ng ating pag-galugad at paghahanap ay makakarating tayo kung saan tayo nagmula at upang malaman ang lugar sa unang pagkakataon.

Ang ating hinihiling na gawin ng nagbabasa ng sagradong aklat na ito ay kung ano ang tila sinasabi ng Dtef master na matutong mamatay habang ikaw ay nabubuhay pa sapagkat sa huli siguradong makakabalik ka rin. Lahat tayo ay may isang pabalik na biyahe, may isang tiket na may pabalik na biyahe, nang tayo ay dumating rito sa mundo hindi ba? Mula sa kawalan nagkaroon ng katawang laman at mula sa katawang laman babalik sa kawalan. Ito ang sagradong kaalaman ng tunay na ebolusyon ng tao. Anuman materiyal na akumulasyon ay maiiwan at anumang katalinuhang natutunan ay malilimutan. Dumating tayong walang dalang bagahe, aalis din tayong walang bagaheng dadalhin kahit ang katawang panlupa.

1 Timoteo 6:

7 Wala tayong dalang anuman sa sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may kinakain at isinusuot. 9 Ang mga nagnanasang yumaman ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming kapighatian.
Mga Tagubilin Para kay Timoteo
               11 Ngunit ikaw na lingkod ng Diyos, umiwas ka sa mga bagay na ito. Sikapin mong mamuhay nang matuwid, maka-Diyos, may pananampalataya, pag-ibig, pagtitiis at kahinahunan. 12 Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo. 13 Iniuutos ko sa iyo, sa pangalan ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat, at sa harap ni Cristo Jesus na nagbigay ng mabuting patotoo kay Poncio Pilato, 14 sundin mong mabuti nang may katapatan ang mga iniutos sa iyo hanggang sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo. 15 Siya'y darating sa panahong itinakda ng mapagpala at makapangyarihang Diyos, Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. 16 Siya lamang ang walang kamatayan, at nananatili sa liwanag na di matitigan. Walang taong nakakita, o makakakita sa kanya. Sa kanya ang karangalan at kapangyarihang walang hanggan. Amen.
               17 Ituro mo sa mayayaman na huwag silang magmamataas; at huwag silang umasa sa kayamanang lumilipas, kundi sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo'y masiyahan. 18 Turuan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. 19 Sa gayon, makakapag-impok sila para sa matatag na hinaharap, at makakamtan nila ang tunay na buhay.
               20 Timoteo, pakaingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo. Iwasan mo ang mga usapang walang kabuluhan at ang baluktot na pangangatuwiran. 21 Dahil sa kanilang pagmamarunong, may mga taong nalihis sa pananampalataya.
               Pagpalain nawa kayo ng Diyos.

Ngunit kung matututo tayong mamatay habang tayo ay nabubuhay matinding kapangyarihan ang ating matututunan. Mayroong isang mahusay na kuwento,
isang paraan upang maintindihan ang ideya ng pagkamatay habang tayo ay nabubuhay. Ganito iyun ang mamatay habang tayo ay nabubuhay ay magbibigay sa atin ng natatanging pagkakataon upang makuhang makalabas sa parselang ito na ating tinitirhan ng pansamantala.

Mayroong isang sinaunang parabula
na inuulit ulit sa bawat henerasyon ng mga Dtef espirituwal Masters na naglalarawan sa puntong ito.

Basahin ang magagandang kuwentong ito:

Isang buy and sell na negosyante mula sa Pasay ang nagpunta sa Palawan upang makabili ng ilang mga lokal na produkto, mga ibon o mga hayop.
At habang nasa gubat sila nakita niya ang daang daang nagsasalita at mga magagandang pinag-uusapang Blue-crowned Green Parrot.

Nagpasya siya na magpahuli ng isang blue crowned green parrot upang maiuwi at dalhin ito pabalik bilang alagang hayop sa bahay niya. Iningatan niya at tinuruang magsalita ang parrot sa isang hawla at pinakain niya ito, binigyan ng magandang binhi at honey at nag-papatugtog siya ng musika at mga salita ng tao para sa kanyang alagang ibon at sa pangkalahatan ay itinuturing niyang kaibigan at inalagaang mabuti.  

Ng dumating na ang oras para sa negosyante upang bumalik sa Palawan matapos ang dalawang taon, tinanong niya ang kanyang loro kung mayroon siyang anumang mensahe na ipapasabi
sa kanyang kaibigan pagbalik niya sa gubat.

Sinabi ng loro sa kanyang master na paki-sabi na lang na siya ay masaya sa kanyang kulungan at siya ay maligaya sa bawat araw at ihatid ang kanyang pag-mamahal at pagbati.

Ngayon ng makarating ang negosyante sa Palawan sinabi niya ang mensahe sa
kaibigan ng loro na alaga niya sa parrot na nasa gubat. Bago pa man matapos ang kanyang mensahe ay lumuha ang mata ng loro na kausap niya at biglang natumba at namatay.
Ang negosyante ay na alarma at naisip niya na napakalapit ng kanyang alagang parrot sa parrot na namatay. Ito marahil ang dahilan ng matinding kalungkutan at ng kanyang biglang kamatayan.

Noong bumalik ang negosyante sa Pasay
Sinabi niya ang kanyang alagang hayop kung ano ang nangyari at habang tinatapos niya ang kanyang kuwento ang mata ng alaga niyang loro ay lumuha at siya ay napaluhod at pagkalipas ay namatay. Ang negosyante ay nabigla ngunit naisip niya na namatay ang kanyang alagang ibon mula sa kawalan ng pag-asa ng madinig ang kamatayan ng kanyang malapit na kaibigan mula sa gubat. Binuksan ng negosyante ang hawla at itinapon ang patay na ibon sa labas papunta sa basurahan.
Agad-agad ang alagang ibon ay lumipad pataas sa sanga ng isang puno sa labas ng bahay nagulat at sinabi ng negosyante sa kanya ah hindi ka pala patay pero bakit nagawa mong linlangin ako?

 Ang loro ay tumutugon na may ipinadala sa aking mesahe ang kaibigan kong loro mula sa Palawan.

Ano ang mensahe? Nais ng negosyante malaman ang mensahe. Sinabi niya sa akin na kung gusto kong makatakas mula sa aking hawla dapat akong mamatay habang ako ay nabubuhay.


Sa katunayan dapat tayong mamatay habang tayo ay nabubuhay pa
upang magawang lumingon sa ating nagigising na kamalayan at tingnan ang ating sarili na nakakulong sa ating sariling hawla na sa ating kaso ay ang ating katawang panlupa at pagkatapos ay makikita natin na hindi kinakailangang manatiling nakakulong.

Roma 8: 1-39

Pamumuhay Ayon sa Espiritu
               1 Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus. 2 Wala na ako a sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sapagkat pinalaya na ako ng kapangyarihan ng Espiritung nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus. 3 Ginawa ng Diyos ang hindi kayang gawin ng Kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Isinugo niya ang kanyang sariling Anak sa anyo ng taong makasalanan upang pawiin ang kasalanan. Sa gayon, hinatulan na niya ang kasalanang umaalipin sa tao. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang panuntunan ng Kautusan ay matupad na sa atin na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa hilig ng laman.
               5 Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6 Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito. 8 At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
               9 Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu. Sa katunayan, nananatili na sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Cristo, hindi kay Cristo ang taong iyon. 10 Ngunit dahil nananahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buhay sapagkat itinuring na kayong matuwid ng Diyos. 11 Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
               12 Mga kapatid, hindi na tayo alipin ng likas na hilig ng laman kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa katawang makalaman. 13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo sa katawang makalaman, ngunit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng katawang makalaman, mabubuhay kayo. 14 Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat hindi ibinigay sa inyo ng Diyos ang Espiritu upang kayo'y gawing mga aliping namumuhay sa takot. Sa halip, ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo'y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng "Ama, Ama ko!" 16 Ang Espiritu ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At yamang mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo'y kasama niya sa pagtitiis, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.
Ang Kaluwalhatiang Sasaatin
               18 Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw. 19 Sapagkat nanabik ang sangnilikha na ihayag ng Diyos ang kanyang mga anak. 20 Nabigo ang sangnilikha, hindi dahil sa kagustuhan nito, kundi dahil itinulot iyon ng Diyos. Gayunman, nagbigay rin siya ng pag- asa 21 na ang lahat ng nilikha ay pinalaya ng Diyos upang hindi na ito mabulok, at upang makabahagi ito sa maluwalhating kalayaan ng mga anak ng Diyos. 22 Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na tulad ng isang nanganganak. 23 At hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating mga katawan. 24 Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y nakikita na niya? 25 Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
               26 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin. 27 At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.
               28 Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, b silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid. 30 Ang mga pinili niya noon pang una ay kanyang tinawag; at ang mga tinawag ay kanya ring pinawalang-sala, at ang mga pinawalang-sala ay kanyang binahaginan ng kanyang kaluwalhatian.
Ang Pag-ibig ng Diyos
               31 Ano pa ang masasabi natin tungkol dito? Kung ang Diyos ay panig sa atin, sino ang makakalaban sa atin? 32 Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait, sa halip ay ibinigay para sa ating lahat, hindi kaya niya ibibigay sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ang makakapagharap ng paratang laban sa mga hinirang ng Diyos, gayong ang Diyos ang nagpapawalang-sala sa kanila? 34 Sino ang hahatol na sila'y parusahan? Si Cristo Jesus na pinatay, ngunit higit sa lahat ay muling binuhay, ngayon ay nasa kanan ng Diyos upang mamagitan para sa atin. 35 Sino ang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kaguluhan kaya, ang kapighatian, pag-uusig, pagkagutom, kahirapan, panganib, o kamatayan? 36 Ayon sa nasusulat,
"Dahil po sa inyo'y buong araw kaming pinapatay,
turing nila sa amin ay mga tupang pangkatay."
               37 Hindi! Sa lahat ng mga ito, tayo'y siguradong magtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat natitiyak kong walang makapaghihiwalay sa atin sa kanyang pag-ibig. Kahit ang kamatayan, ang buhay, ang mga anghel, ang mga pamunuan o ang mga kapangyarihan, ang kasalukuyan o ang hinaharap, 39 ang kataasan, ang kalaliman, o alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinagkaloob sa atin sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.
Isa pang mahusay na kuwento,
ngayon hinihikayat ka namin na
lumikha para sa iyong sarili ng isang banal na espasyo at sa banal na espasyong ito ilagay mo ang lahat ng bagay na may enerhiya, mga mahahalagang bagay sa iyo, guniguniin ito.
At masisimulan mong makuha ang
ideyang ito.

Mabuhay sa magandang lugar na ito
at sa ganitong magandang simbolo.
Ito ay isang sagrado at banal na espasyo.
Mabuhay at maglakad nang nakayapak sinasabi kasing kung nakasuot ka ng goma sa iyong mga paa ang buong daigdig ang pakiramdam mo’y parang goma.

Masarap maramdaman kung ano ang pakiramdam ng mundo at maramdaman ito ng natural para sa banal na espasyo, mararamdaman mo ang enerhiya.

Mararamdaman mong napakalapit mo sa Dios. Mararamdaman mong napakalapit mo sa magandang banal na espasyo at makaririnig ka ng maraming mga mahahalagang mensahe tulad sa pag aaral ng mga sagradong aklat.

At sa ating mga meditasyon upang makatulong sa atin  na makalikha ng magagandang programa upang mabago ang ating kaisipan ng mabago ang ating buhay. Ang isabuhay ang katalinuhan ng mga sagradong kaalaman.

Hanapin mo sa mga susi ng iyong kaisipan na iyong naiisip na gusto mong baguhin bilang isang tao at isaalang-alang ang pagbabago habang magbabago ang iyong pagkatao ayon sa iyong mga pangarap na kinikilala ng Lumikha. Isang taong namatay pero nananatiling buhay at bumalik pagkagaling pabalik sa balikang biyahe.
Ang una sa mga kaisipan na dapat baguhin ay ang pagbabago ng ideya na dapat magtiwala sa sarili mong kalikasan.
Mayroong kang kalikasan at ang kalikasang iyan ay may kalaliman sa pang-unawa at lagi ka nitong tinatawag alam mo ito walang sinuman ang maaaring makaalam nito, walang sinuman ang maaaring mag-utos rito, walang sinuman ang maaaring magsabi sa iyo kung ano ito, sa iyong nararamdaman at alam mo ito habang nandito ka sa sandaigdigan at ano ang ginagawa mo dito.

Walang sinuman ang maaaring magpaliwanag niyan o tuklasin iyan para sa iyo hindi mo maaaring ibahagi ito ang lahat ng bagay sa uniberso ay may likas na katangian. Ang lahat ng bagay ay may dharma kabilang ka.

Ngunit ano ang ating natutunan habang tayo ay lumalaki na maniwala na hindi tayo dapat magtiwala sa ating likas na katangian. Upang malaman na tayo ay nang galing mula sa isang banal na lugar ng mabuting pagkatao at magtiwala sa loob nito.

Basahin ito ng ilang linya ng dakilang maestro: Sundin mo ang sarili mong likas
na katangian at hindi ang patibong ng buhay.  Ang tunay na mabuting tao
ay hindi nakakaalam sa kanyang kabutihan at samakatuwid ay tunay na mabuti.

Isipin mo tungkol sa iyong sarili sa unang sandali ng iyong buhay sa pinakaunang sandali na maliit na butil noong nang galing ka sa kawalan at ngayon ay andito sa mundo.

Saan sa tingin mo ikaw pupunta?
Sa kawalan. Babalik sa kawalan.  Sino sa mundong ito ang hindi babalik sa kawalan? Lahat tayo ay tutungo pabalik sa kawalan.

kaya sa isang kabiyak na Segundo biglang nanirahan ka na sa loob ng sinapupunan ng iyong ina at sa loob ng siyam na buwan nagtiwala ka sa iyong likas na katangian at maging ang iyong ina napakaliit ang maaari mong gawin doon dahil sa kung ano ka magiging ang pisikal na katawan na kailangang magawa doon ay mayroong ng namamahala.

At lampas sa kung ano ang kinakailangan para sa iyong pisikal na mundong ito na lumilipas na bagay na malinaw naman sa pisikal na mundo at sa mundo ito ang lahat ng bagay ay bumabalik sa pinagmulan nito.

Lahat ay na pangasiwaan na ng maayos. Lahat ng kinakailangan ay inayos na at wala ng makaka sagabal dito at dapat tumigil ng makialam ang ibang tao dito. At iyan a malaking bahagi ng pang-unawa sa pagbabago ng iyong kaisipan sa pagbabago ng iyong buhay.

Ito ay isang malaking bahagi ng ideyang ito, na mayroon tayong likas na katangian na maaaring pagkatiwalaan hindi isang bagay na katatakutan at maaaring ihinto ang pagpapaalam sa iba pang mga tao na makagambala sa mga iyon.

Kaya ano ang mangyayari ng dumaan tayo sa loob ng siyam na buwan ng walang istorbo at walang hadlang. Wala tayong mga katanungan.  Lahat ay gumagana at pagkatapos ng siyam na buwan lumabas tayo at tayo na ang namahala simula noon. Mula dito, iyon ay mabuting gawa salamat Panginoong Diyos maraming salamat.

At unti unti lumalabas tayo at kasama natin ang ating sarili at nagsabi na tayo na ang mamamahala ngayon at ang pagkamakasarili ay kasama na natin.
Ang ego natin ay nagpabago sa ating mga paniniwala at ang ating paniniwala ay kung ano tayo ano ang mayroon itayo at kung ano ang ginagawa natin.

Na ako ay kung ano ang iniisip ng mga tao tungkol sa akin. Kaya tayo ay pinalaki sa paniniwala na kung mas marami tayong pag-aari mas marami pa akong makukuha at ito ay kung sino ako mas maraming taong magugustuhan ako ito ang mga makukuha ko at patuloy sa pagkuha at akumulasyon.

Kaya ang dapat nating matutunan ay kung paano ang ego natin na bahagi natin ay naniniwala na kung sino tayo ay kung ano ang mayroon tayo at kung ano ang ginagawa natin at kung ano ang iniisip ng mga tao sa atin ngunit tandaan kung lumaki tayo sa ganoong paniniwala na ikaw ay kung ano ang iyong ginagawa at hindi mo na ito ginagawa hindi na ikaw iyon ikaw pa rin iyun.

At kung ikaw ay naniniwala na ikaw ay kung ano ang mayroong ka at pagkatapos ay pagka ito ay nawala hindi na ikaw iyon at kung naniniwala ka na ikaw ay kung ano ang iniisip ng mga tao sa iyo ang iyong reputasyon na kung saan tayo lumaki upang paniwalain ang mga tao ay parehas na dapat tayong mag-alala sa kung ano ang iniisip ng mga tao sa atin ito ang ego dapat itong turuang muli.

At isa sa mga paraan upang magawa ito ay ang turuan itong muli. Una kunin ang ideya na ang ego ay may takot, ngunit kanino ka matatakot? Ano ang katatakutan mo? Lumipat mula sa takot sa pag-uusisa maging mausisa tungkol sa kung ano ang iyong kinatatakutan.

Takot ka ba sa paglangoy sa dagat maging mausisa tungkol doon, maging interesado doon. Takot ka ba sa ahas? Takot ka bang mapahiya kung takot ka lumipat mula sa takot at sabihing ako ay magiging mas mausisa tungkol sa aking kinatatakutan, at pagkatapos kunin lahat ng gamit mo kung saan ka naka-dikit sa lahat ng iyong kasangkapan, sa lahat ng iyong damit na kung saan sila ay paborito mo, lahat ng kagamitan.

At umpisahang pakawalan ito, at kusang magkakaroon ng paglipat na nagaganap, madarama ang kalayaan na ngayon mo lang madarama sa iyong buhay, na andoon sa isang buo at bagong pakikipagsapalaran. Kunin ang
ideya na dati kang nakadikit sa mga bagay at alam mo na ikaw ay dumating na walang dala kahit ano mang bagay at ikaw ay aalis ng wala ring dala.


At maunawaan mo na ang iyong buhay ay isang panaklong sa kawalang-hanggan, maninirahan ka doon nang walang anumang nakadikit at pagkatapos dalhin ang iyong mga pangangailangan upang magkaroon ng kontrol sa iyong sarili, sa iba pang sitwasyon mula sa pagkaka-kontrol, magtiwala at simulang magkaroon ng isang paglalakbay.



At habang tumitingin ka sa pagpapakawala at umasa ng may pananampalataya sa Diyos habang pinapahintulot ang iyong sarili upang magtiwala sa iyong mga kalikasan, ng may katangian na nagpapahintulot sa iyong sarili upang hindi na maniwala na ang lahat ng bagay ay dapat kontrolado ng iyong sarili at hindi na kailangang maging kontrolado ng ibang tao, magsimulang magtiwala tulad ng ginawa mo sa unang siyam na buwan habang nasa loob ng tiyan ng iyong ina nagtiwala ka, alam mo na lalabas ka rin sa mundong ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento