Martes, Hunyo 13, 2017

3John 1:2 Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa. https://www.youtube.com/watch?v=HeB5H1QyWmw

3John 1:2  Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
https://www.youtube.com/watch?v=HeB5H1QyWmw Ang panggagamot sa tulong ng engkanto de dios ay isang paraan ng paglulunas na naglalayong alisin ang karaniwang sanhi ng karamdaman sa pamamagitan ng tamang pagamit ng mga elementong matatagpuan sa ating kalikasan.
Ecclesiastico 38:
4 Ang Panginoon ang nagpatubo ng mga halamang naigagamot,
kaya't ang mga ito'y di kinaliligtaang gamitin ng matalinong tao.
5 Hindi ba't minsan ang tubig na mapait ay naging tubig na inumin
sa pamamagitan ng isang pirasong kahoy
upang makilala ang kapangyarihan ng Panginoon.
6 May mga taong pinagkalooban ng tanging karunungan,
upang magamit nila ang mga kahanga-hangang bagay na nilikha ng Diyos.
Sa gayo'y papupurihan siya ng lahat ng tao.
7-8 Sa mga bagay na iyan kinukuha ng parmaseutiko ang mga gamot,
na ginagamit ng manggagamot sa pagpapagaling ng sakit
at pagpapanauli ng kalusugan.
Anupa't hindi natitigil ang paggawa ng Panginoon,
na siyang nangangalaga sa kalusugan ng tao sa buong daigdig.
9 Anak, kapag nagkasakit ka, huwag mo itong ikabalisa,
dumalangin ka sa Panginoon at pagagalingin ka niya.
10 Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka;
linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan.
11 Mag-alay ka ng insenso at ng handog na pagkain,
at buhusan mo ng langis ang iyong handog sa abot ng iyong makakaya.
 Hindi lamang ito isang sistema ng pangagamot, isa rin itong paraan ng pamumuhay Kung saan nakikiayon ka sa mahahalagang pwersa ng kalikasan o mga natural na elemento ng ating katawan.  Ito ay isang kompletong rebolusyon sa sining at siyensya.
Ang pamamaraang sa aklat na ito ay isinasagawa ng mga sinaunang tao sa Ehipto, Greece at Roma.  Si Hippocrates, ang ama ng medisina (460-357 B.C.) ay lubos na sumusuporta sa ganitong pamamaraan ng pangagamot.
Ang India ay nangunguna sa makabagong pamamaraan ng pangagamot kumpara sa ibang bansa sa mundo.  May mga sagradong aklat sa India na naglalaman ng malawak na kaalaman ukol sa pagamit ng iba’t ibang mahuhusay na elemento ng pangagamot tulad ng hangin, lupa, tubig at araw.
Ang tinatawag na “The Great Baths” sa sibilisasyon ng Indus Valley ay nadiskubre na gumagamit sila ng tubig upang mangamot.
Ang modernong pamamaraan ng pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios sa Germany noong 1822 ay naitatag ang unang establishimento ng hydropathic.  Nagkaroon ng isang matagumpay na pangagamot gamit ang tubig, ang idea sa pagamit ng natural na paraan ng pangagamot ay kumalat sa kaalaman ng buong sibilisasyon ng mundo at madaming mangagamot mula sa Amerika at iba pang bansa ay naging masugid nyang estudyante at disipolo.
Ang mga estudyanteng ito ay patuloy na dumami at gumawa ng iba’t ibang paraan ng natural na pangagamot sa kani-kanilang pamamaraan.
Ang pangagamot sa tulong ng engkanto de dios ay base sa realisasyon na ang tao ay pinanganak na malusog at malakas at kaya niyang panatilihin ito sa pamamagitan ng batas ng kalikasan.
Kahit na ipanganak na mayroong konting depekto, kaya niya itong alisin sa pamamagitan ng pagamit ng pinakamahusay na natural na paraan ng pangagamot.  Ang sariwang hangin, sikat ng araw, tamang pagkain, ehersisyo, pag rerelaks, maayos na pag-iisip at pagiging positibo, kasama ng pagdarasal at meditasyon ay bahagi ng buong katawan upang mapanatili itong maayos at balanse.
"The doctor of the future will give no medicine, but will involve the patient in the proper use of food, fresh air and exercise."   Thomas Edison
Ang karamdaman ay pinaniniwalaan na isang abnormal na kundisyon ng katawan na nagmula sa paglabag sa batas ng kalikasan.  Ang bawat paglabag ay may epekto sa katawang laman at nagiging mababa ang resistensya, at gayon din naiipon ang mga toxins sa dugo at sa mga ugat.
Sa isang maling pagdidiet hindi lang ang ating tiyan ang naapektohan, kapag ang mga toxins ay naipon maapektohan nito ang iba pang organ sa ating katawan tulad ng ating bituka, bato, balat at baga sila ay mapipilitang magtrabaho ng higit sa normal upang maalis sa ating sistema ang mga toxins na maaring makasama sa ating kalusugan.
Bukod pa dito, nagkakaroon din ito ng epekto maging mental o emosyonal nagdudulot ito ng hindi balanseng metabolismo sa loob ng ating mga cells.  Kapag nasa maayos na kundisyon ang ating dugo at mga cells ang mga mikrobyo ay napipigilan magparami at napupuksa ito kaagad ng mga depensa sa ating katawan.
A man too busy to take care of his health is like a mechanic too busy to take care of his tools.
The only way for a rich man to be healthy is by exercise and abstinence, to live as if he were poor.
Luk 21:34  Datapuwa't mangagingat kayo sa inyong sarili, baka mangalugmok ang inyong mga puso sa katakawan, at sa kalasingan, at sa mga pagsusumakit ukol sa buhay na ito, at dumating na bigla sa inyo ang araw na yaon na gaya ng silo:
2Co 4:18  Samantalang kami ay nagsisitingin hindi sa mga bagay na nangakikita, kundi sa mga bagay na hindi nangakikita: sapagka't ang mga bagay na nangakikita ay may katapusan; datapuwa't ang mga bagay na hindi nangakikita ay walang hanggan.
Jer 30:15  Bakit ka humihiyaw ng dahil sa iyong sakit? ang iyong hirap ay walang kagamutan: dahil sa kalakhan ng iyong kasamaan, sapagka't ang iyong mga kasalanan ay dumami, aking ginawa ang mga bagay na ito sa iyo.
Jer 30:17  Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalingin kita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon;
MAY TATLONG PRINSIPYO ANG PANGAGAMOT SA TULONG NG ENGKANTO DE DIOS
Una, ang prinsipyo ng paraang ito ay nagsasabi na lahat ng karamdaman ay sanhi ng pag-iipon ng maruruming elemento sa ating katawan na nagiging dahilan para magloko ang ating pisikal na katawan.  Ang ating katawan ay may kakayahan na alisin ang naiipong dumi at toxins na maaring makalason sa dugo at organs.
Ngunit sa paglipas ng panahon ang tao ay mayroong ugali sa maling pagkain, maling pag-aalaga ng katawan na nagsasanhi ng nerbyos, sobrang pagpapagod at lahat ng bagay na sobra at abuso sa katawan.  Ang sinasabi ng prinsipyong ito ay nararapat na tulungan natin ang ating katawan upang maalis ang mga toxins na naiipon sa sistema natin at gamitin ang natural na paraan ng pangagamot.
MANGANGARAL 6:7 Nagpapagal ang tao para sa kanyang tiyan ngunit kailanma’y di siya nagkakaroon ng kasiyahan. 8 Ano ang kahigtan ng matalino sa mangmang? Ano ang mapapala ng isang mahirap kahit malaman niya ang pasikot-sikot ng buhay? 9 Wala ring kabuluhan,para lamang hanging nagdaan. Kaya mabuti pa ay masiyahan sa anumang kalagayan kaysa mangarap nang di naman makakamtan.12 Sino ang nakakaalam kung ano ang mabuti sa taong nabubuhay sa maikling panahon at pagkatapos ay mawawalang tulad ng anino? Sino ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari pagkamatay niya?
Pangalawa, sinasabing ang lahat ng karamdaman katulad ng lagnat, sipon, pamamaga, anu mang sakit ng tiyan at hindi maayos na panunaw at mga sakit sa balat ay paraan ng ating katawan upang mailabas ang mga naipong lason o toxins sa dugo.
Ang sakit tulad ng sakit sa puso, diabetes, rayuma, hika, sakit sa bato ay resulta ng hindi paglabas ng toxins sa katawan at nadaragdagan pa ang mga toxins na ito dahil sa madalas na pag-inom ng iba’t ibang sintetik na gamot, bakuna, narcotics at iba pang gamot na gawa sa hindi natural na paraan.
Pangatlo, ang katawan ay nilikha na may sariling paran upang gamutin ang anumang disorder sa loob nito at ibalik ang lahat sa normal na kundisyon, sa pagtulong natin sa ating katawan sa tamang pamamaraan makakaya nitong ibalik sa tama at normal ang lahat.
Ang pagaling sa karamdaman ay tunay na nakasalalay sa ating sariling katawan at hindi sa kamay ng doktor.
ANG PANGAGAMOT SA TULONG NG ENGKANTO DE DIOS AT ANG PANGAGAMOT GAMIT ANG MODERNONG SISTEMA
Ang modernong medisina ay gumagamot ng sintomas at pumipigil sa karamdaman ngunit maliit lamang ang epekto nito sa tunay na sanhi ng karamdaman.
Ang mga modernong medisina ay naglalaman ng mga sangkap na makakatulong sa pagpigil o pagbawas ng karamdaman ngunit ang lahat ng ito ay karaniwang may masamang side-effects sa ating katawan.
Ang mga gamot na ito ay karaniwang pinipigilan ang katawan sa kusa at natural niyang paraan ng paghilom o paggaling at mas pinapahirap pa nito ang pagrekober ng katawan mula sa sakit.
Sinasabi na kapag gumamit ng modernong gamot sa isang pasyente, siya ay napipilitang magrekober ng dalawang beses – una siya ay magrerekober mula sa kanyang sakit at pangalawa mula sa mga gamot na pinaiinom sa kanya.
Ang mga modernong gamot ay hindi direktang gumagamot ng sakit; ang sakit ay nagpapatuloy; binabago lang ng mga gamot na ito ang pattern ng karamdaman.  Ang mga gamot na ito ay sumisira din sa mga nutrients dahil ginagamit nila ito at pinipigilan ang absorption sa ating katawan.
Bukod pa dito, ang lason na inilalabas ng mga gamot na ito ay nangyayari lalo na sa panahon na mahina ang depensa ng ating katawan.
Ang kapangyarihan na maibalik ang kalusugan ng katawan ay nakasalalay sa natural na paraan at hindi sa iba’t ibang klase ng gamot.
Ang paraan ng modernong medisina ay naglalayong kontrahin ang sakit na nasa katawan na samantalang ang pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay naglalayong maiwasan at tulungan ang katawan na maka adopt sa natural na paraan upang panatilihin ang kalusugan at ibalik ang balanse sa loob ng buong katawan.
Ang pangagamot gamit ang kapangyarihan ng engkanto de dios ay naglalayong ibalik muli ang ating katawang laman mula sa abnormal patungo sa normal na kundisyon at function at nag aadopt ito sa mga paraan ng pagpapagaling na kung saan ay umaayon sa paraan na natural at galing sa tulong ng engkanto de dios.
 Ang paraang ito ay nag aalis sa sistema ng naipong toxins at lason na hindi nakakasama sa mga vital organs ng ating katawan.  Tinutulungan din nito ang ating organs upang mailabas ang mga maruruming toxins sa ating dugo at nililinis nito ang ating sistema upang maging maganda ang function nito.
Upang magamot ang karamdaman, ang una at mahalagang dapat gawin ay ayusin ang tamang pagkain at pagdidiet.
Ito ay pinakamabisang paraan upang maalis at maiwasan ang pagdami ng naiipong dumi at toxins sa ating katawan at pinapanatili nito ang balanse ng ating sistema, mas magandang iwasan kumain ng mga pagkain na nakakapagprodyus ng acido sa katawan, bawasan ang masyadong pagkonsumo ng mga pagkaing masyadong mataas ang protina, preservatives at fats, sa isang buong linggo o mas marami pang araw, mas makabubuting lumipat tayo sa pagkain katulad ng sariwang prutas na makakapag linis ng ating bituka.
Kung ang katawan ay puno ng pagkaing hindi nakakapagbigay ng magandang epekto sa katawan, katulad sa isang taong my sakit, ang kumpletong paraan ng tamang pagdidiet at pagkain ng tama sa loob ng isang linggo ay kailangan upang mailabas ang toxins sa katawan.
Ang mga prutas at juices ay lubos na makakatulong, tandaan na kapag tayo ay may sakit, iwasan ang lubos na pagkain ng sobra, kumain lamang ng magagaan sa panunaw tulad ng mga prutas.  Hintayin lamang ang pagbalik ng karaniwang gana sa pagkain sa ating paggaling.
Ang pagkawala ng gana sa pagkain ay signal ng ating katawan na huwag natin pwersahin ang ating panunaw na kumonsumo ng sobrang dami ng pagkain.
Pagkatapos ng isang linggong pagdidiet at pagkain ng prutas lamang ay saka lang pwede kumain ng gulay at cereals.
Ang isa pang paraan upang gumaling ang karamdaman sa natural na paraan ay ang pag pukaw natin sa ating katawan sa pamamagitan ng paggamit ng tubig katulad ng pagamit ng hot o cold packs o pagligo gamit ang maligamgam na tubig.
Ang pagpatong ng malamig na tubig o cold pack sa ating tiyan ay nakakatulong sa maraming karamdaman gayundin ang pag upo natin sa malamig na tubig ay nakakapagpababa ng ating temperatura at ginigising nito ang ating nervous system o ang ating utak.
Ang pagpupunas ng basang bimpo sa panahon ng may lagnat ay nakakatulong sa pagpababa ng temperatura ng katawan at nakakatulong sa pagbabawas ng sakit at pamamaga ng walang masamang side-effects.
Ang pag aaply naman ng maligamgam na tubig ay nakakapagparelax sa pakiramdam.   Ang ibang paraan tulad ng tinatawag na air at sunbaths, ehersisyo at masahe ay lubos na nakakatulong lalo na sa muling pagbuhay ng dead skin at panatilihin ito sa normal na kundisyon.
Ang mga ehersisyo tulad ng yoga ay nag bibigay din ng magandang kalusugan at nagbabawas ng tension maging ito ay physical, emotional o mental.
Ang masahe naman ay nagpapaganda ng daloy ng dugo sa ating nervous system at inaayos ang ating metabolismo.  Ang balanse ng padidiet at sapat na ehersisyo, ang paglanghap ng sariwang hangin, tamang pagbibilad sa sikat na araw, paginom ng malinis na tubig, kalinisan sa pangangatawan, sapat na pahinga at positibong pag iisip ay siguradong makakapgbigay ng maayos na kalusugan at pag iwas sa karamdaman.
ANG PAG FAFASTING
Ang tinatawag na pagfafasting ay tumutukoy sa hindi pagkain sa loob ng maikling panahon o mahabang panahon para sa isang layunin.
Ang pag fafasting ay pinakamatandang paraan at pinakamabisa at hindi kailangang gastusan ng malaking halaga upang magamot ang karamdaman.  Ang pagfafasting ay ginagawa ng karamihan  ng mga ibat ibang relihiyon kasama na ang mga Mohammedan, mga Buddhists at mga Hindus.
Kahit ang mga santo noong  unang panahon ay nagsasagawa rin nito.  Sila Hippocrates, Galen, Paracelsus at ibang awtoridad sa medisina ay inererekomenda din ang paraang ito.
Kahit sa modernong panahon ginagamit na rin ito ng mga doctor sa iba’t ibang karamdaman.
Nakasulat din ito sa banal na aklat:
Exo 34:28  At siya'y natira doong kasama ng Panginoon, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi man lamang siya kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig. At isinulat ng Panginoon sa mga tapyas ang mga salita ng tipan, ang sangpung utos.
Deu 9:18  At ako'y nagpatirapa sa harap ng Panginoon, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; hindi ako kumain ng tinapay ni uminom ng tubig; dahil sa inyong buong kasalanan na inyong ipinagkasala sa paggawa ninyo ng masama sa paningin ng Panginoon na minungkahi ninyo siya sa galit;
2Sa 12:16  Ipinanalangin nga ni David sa Dios ang bata; at si David ay nagaayuno, at pumapasok, at humihiga buong gabi sa lupa.
2Sa 12:17  At bumabangon ang mga matanda sa kaniyang bahay, at tumatayo sa siping niya, upang itindig siya sa lupa; nguni't siya'y ayaw kahit kumain ng tinapay na kasalo nila.
Neh 1:4  At nangyari, nang marinig ko ang mga salitang ito, na ako'y naupo at umiyak, at nanangis na ilang araw; at ako'y nagayuno, at dumalangin sa harap ng Dios ng langit.
Ezr 8:21  Nang magkagayo'y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo'y magpakababa sa harap ng ating Dios, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.
Ezr 8:22  Sapagka't ako'y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka't aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Dios ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni't ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.
Ezr 8:23  Sa gayo'y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Dios dahil dito: at dininig niya tayo.
Ezr 10:6  Nang magkagayo'y tumindig si Ezra mula sa harap ng bahay ng Dios, at naparoon sa silid ni Johanan na anak ni Eliasib: at nang siya'y dumating doon, siya'y hindi kumain ng tinapay, o uminom man ng tubig: sapagka't siya'y nanangis dahil sa pagsalangsang nila na sa pagkabihag.
Est 4:16  Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay.
Dan 9:3  At aking itiningin ang aking mukha sa Panginoong Dios upang humanap sa pamamagitan ng panalangin at ng mga samo, ng pagaayuno, at pananamit ng magaspang, at ng mga abo.
Dan 10:3  Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
Joe 2:15  Hipan ninyo ang pakakak sa Sion: magsipangilin kayo ng isang ayuno, magsitawag kayo ng isang takdang kapulungan;
Mat 4:2  At nang siya'y makapagayunong apat na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.
Luk 4:2  Sa loob ng apat na pung araw na tinutukso ng diablo. At hindi siya kumain ng anoman nang mga araw na yaon; at nang maganap ang mga yaon ay nagutom siya.
Mat 6:16  Bukod dito, pagka kayo'y nangagaayuno, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw, na may mapapanglaw na mukha: sapagka't kanilang pinasasama ang mga mukha nila, upang makita ng mga tao na sila'y nangagaayuno. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.
Act 13:3  Nang magkagayon, nang sila'y makapagayuno na at makapanalangin at maipatong ang mga kamay nila sa kanila, ay kanilang pinayaon sila.
Act 14:23  At nang makapaglagay na sa kanila ng mga matanda sa bawa't iglesia, at nang makapanalanging may pagaayuno, ay ipinagtagubilin sila sa Panginoong kanilang sinampalatayanan.
2Co 6:5  Sa mga latay, sa mga pagkabilanggo, sa mga kaguluhan, sa mga gawa, sa mga pagpupuyat, sa mga pagaayuno;
2Co 11:27  Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
Ang karaniwang sanhi ng karamihan sa mga karamdaman ay pag-iipon ng ating katawan ng toxins at lason na dulot ng sobrang pagkain.
 Karamihan ng taong kumakain ng sobra ay yung mga taong hindi aktibo sa pag ehersisyo at kumakain pa ng sobra.
Ito ay nakakapagpahirap sa ating panunaw o digestive system at mga organs na magiging sanhi ng pagbabara sa mga ugat at lason sa ating dugo.  Ang pagtunaw at paglabas ng mga toxins ay nagiging mabagal at nakakapekto sa tamang pag function ng ating buong sistema.
Ang sanhi ng karamdaman ay sumasabay sa panahong mahina ang ating depensa dahil sa mga lasong ito, ang tanging solusyon sa bawat karamdaman ay kontrahin ang sanhi ng karamdamang ito sa pamamagitan ng pagbabawas sa sobrang pagkain o pag fafasting.
Sa panahong ginugutom o binabawasan natin ang sobrang pagkain tinutulungan nito ang ating mga organs katulad ng bituka, bato, ang ating balat at baga para magkaroon ng pagkakataon na mailabas at mabawasan ang naipong lason o toxins sa katawan at sistema.
Ang pagfafasting ay isang proseso nag paglilinis ng sistema ng katawan at ito ay mabilis at epektibong paraan.
Ang patuloy na paglilinis at pagbabawas ng mga lason at mga toxins na na nagiging sanhi ng sakit, ay tumutulong upang itama ang maling pagkain at pamumuhay.
Ito ay magdudulot ng regeneration sa dugo at irerepair nito ang iba’t ibang tissues sa ating katawan.
Ang duration o haba ng pagfafasting ay depende sa edad ng pasyente, sa klase ng karamdaman at sa dami ng gamot na nainom sa paggagamot ng karamdaman.
Ang duration o haba ng pagfafasting ay mahalaga sapagkat ang sobrang tagal o haba ng pagfafasting ay delikado.  Mas inererekomenda na sumailalim sa dalawa hanggang tatlong araw na pagfafasting hanggang sa makadjust ang katawan at maari itong habaan sa bawat araw ngunit hindi ito dapat sumobra sa isang buong lingo.
Ito ay makakaktulong sa may sakit na unti unting makarecover at mailabas ang mga toxic waste na hindi magkakaroon ng masamang epekto sa kanyang katawan.  Pagkatapos ng pagfafasting, mahalaga ang tamang pamumuhay at balanseng pagdidiet upang tuloy tuloy na bumalik ang sigla ng katawan.
Malaking tulong ang pagfafasting sa mga sakit sa tiyan at bituka gayon din sa iba pang condition ng bato at atay.
Nakakatulong din ito sa pagamot ng mga sakit sa balat tulad ng eczema.  Kahit sa mga sakit sa nervous system o sa utak lubos din nakakatulong ang paraang ito.
Ang fasting ay hindi rin ginagamit sa lahat ng uri ng sakit, sa mga kaso ng diabetes, tuberculosis at iba pang disorder sa utak katulad ng neurasthenia, ang mahabang pagfafasting ay nakakasama.
Ngunit ito ay hindi naman nakakasama basta’t sapat ang pahinga ng pasyente at may tamang monitoring at pag-aalaga.
Dan 1:12  Ipinamamanhik ko sa iyo, na subukin mo ang iyong mga lingkod, na sangpung araw; at bigyan kami ng mga gulay na makain, at tubig na mainom.
Dan 1:13  Kung magkagayo'y masdan mo ang aming mga mukha sa harap mo, at ang mukha ng mga binata na nagsisikain ng pagkain ng hari; at ayon sa iyong makikita ay gawin mo sa iyong mga lingkod.
Dan 1:14  Sa gayo'y dininig niya sila sa bagay na ito, at sinubok niya sila na sangpung araw.
Dan 1:15  At sa katapusan ng sangpung araw ay napakitang lalong maganda ang kanilang mga mukha, at sila'y lalong mataba sa laman kay sa lahat na binata na nagsisikain ng pagkain ng hari.
Dan 1:16  Sa gayo'y inalis ng katiwala ang kanilang pagkain, at ang alak na kanilang inumin, at binigyan sila ng mga gulay.
Dan 1:17  Tungkol nga sa apat na binatang ito, pinagkalooban sila ng Dios ng kaalaman at katalinuhan sa lahat ng turo at karunungan: at si Daniel ay may pagkaunawa sa lahat na pangitain at mga panaginip.
MGA PARAAN NG PAGFAFASTING
Ang pinakamabisang paraan, pinakaligtas at epektibong paraan ng pag fafasting ay tinatawag na “juice fasting”.
Kung dati ay tubig lamang ang ginagamit upang magfasting napag alaman na mas maganda ang epekto ng juice kaysa sa tubig lamang.
Sa oras na tayo ay nagfafasting ang ating katawan ay naglalabas ng malalaking bahagi ng naipong dumi at lason sa katawan.  Matutulungan natin ang katawan sa prosesong ito sa pamamagitan ng paginom ng juices kaysa a tubig.  Ang pag eliminate ng uric acid at iba pang inorganic acids ay mas mapapabilis.
Ang asukal na nangagaling sa mga juices ay nagpapaplakas ng puso, ito ay pinakamagandang paraan upang mag fasting.
Ang mga bitamina, minerals at iba pang elemento ay matatagpuan sa sariwang gulay at fruit juices, malaki ang naitutulong nito sa pagbabalik sa normal na proseso ng ating katawan.
Nagsusuplay sila ng kinakailangang elemento para sa paggaling ng sariling katawan at sa pagbabago ng cell ng sa ganun ay mapabilis ang paggaling.  Lahat ng juice o katas ay dapat ihanda galing sa sariwang prutas bago inumin.  Ang mga de lata o mga preparadong juices ay hindi dapat gamitin o inumin.
Ang pag-iingat ay kailangang isagawa sa lahat ng uri ng pagfafasting o hindi pagkain.  Ang kumpletong pag-aalis ng laman o dumi ng bituka sa simula ng pagfafasting gamit ang paglalabatiba ay makakatulong upang ang  pasyente ay hindi maabala ng kabag o anumang dumi na hindi nailalabas ng katawan.
Ang paglalabatiba ay kailangang isagawa o gamitin tuwing makalawang araw habang nag fafasting.
 Ang pasyente ay nararapat na makalanghap ng sariwang hangin hanggat maari at uminom ng maligamgam na tubig sa tuwing nauuhaw.
Ang sariwang juice ay maaring ihalo sa malinis na tubig.  Ang pangkalahatang tubig na iinumin ay dapat umabot sa 6 hanggang 8 baso sa loob ng isang araw.
Madaming enerhiya ang nauubos habang nagfafasting sa paraan ng paglalabas ng naipong lason o toxins.
Samakatuwid, napakahalaga na magkaroon ng sapat na pahinga ang katawan at isipan habang nagfafasting.
Sa mga kaso ng pagfafasting kung saan ginagamit lamang ang fruit juices lalo na ang katas ng ubas at oranges, ang lason ay mabilis na pumapasok sa ating sirkulasyon at nagreresulta ng sobrang pagdami ng toxins na makakapekto sa normal na pag function ng katawan.
Ito ay karaniwang nag reresulta sa pagkahilo, na sinusundan ng pagtatae at pagsusuka.
Kung ang mga sintomas ay nag papatuloy mas makakainam na itigil ang pagfafasting at kumain ng gulay na fiber tulad ng spinach at iba pang madadahong gulay hanggang ang pag function ng katawan ay bumalik sa normal.
Ang mga taong sobra sa timbang ay mas madaling maka adjust kahit walang kinakain.
Ang pagbaba ng timbang ay hindi nila pinag aalala at ikinatutuwa pa nila ang pagfafasting.
Ang unang araw ng pagkagutom ay pinakahirap na parte na pagdadaanan.  Ang pagkasabik sa pagkain ay unti-unting mababawasan habang pinagpapatuloy ang pag fafasting.
Ang mga taong may malubhang karamdaman ay walang gana sa pagkain at ang pagfafasting ay nagiging natural na sa kanila.
Ang simpleng paraan ay itigil ang pagkain hanggang ang gana ay bumalik o hanggang gumanda ang pakiramdam.
Tanging ang mga simpleng ehersisyo lamang tulad ng maikling paglalakad ay maaring isagawa habang nag fafasting.
 Ang maligamgam na tubig ay pwedeng ipaligo sa panahong ito.  Ang ang malamig na tubig sa paliligo ay hindi nararapat.
Ang paglabas o pagpaparaw at pagpapahangin ay dapat gawin araw-araw.  Minsan ang paraan ng pagfafasting ay nag reresulta ng hindi agad pagkatulog na masusulusyonan naman ng pagligo ng maligamgam na tubig, paglalagay ng mainit na tubig sa bote at ipatong sa paa at ang pag-inom ng 1 hanggang 2 baso ng mainit na tubig.
MGA PAKINABANG  
 Madaming pakinabang ang pagfafasting. Sa panahong ng mahabang pagfafasting kinukunsumo ng katawan ang reserbang enerhiya nito.
 Habang nagkukulang ang katawan sa kinakailangang sustansya, lalo na ang protina at fats, ang katawan ay tutunawin ang sariling tissues sa paraan ng autolysis o self-digestion subalit hindi naman ito lubhang nakakasama.
 Unang tutunawin at gagamitin ng katawan ang cells at tissues na sira na, mahina na o hindi na kinakailangan ng katawan.  Ito ang sikreto ng pagiging epektibo ng fasting bilang solusyon sa paraan ng panggagamot at pagrejuvenate.
 Habang nagfafasting, ang pagbubuo ng bago at malusog na cells ay napapabilis sa pamamagitan ng amino acids na nilalabas ng cells na sira.
 Ang kapasidad na maglabas ng dumi ng mga organs gaya ng baga, atay, bato at ng balat ay lubhang bumibilis sapagkat sila ay natutulungan sa pagtunaw ng pagkain at maglabas ng sobrang toxins.  Samakatuwid, mabilis na nailalabas ang mga namuong dumi o toxins sa loob ng katawan.
Tinutulungan ng pagfafasting ang ating internal organs sa pagtunaw, pag absorb at pagprotekta.
Bilang resulta, ang pagtunaw ng pagkain at paggamit ng sustansya ay napag iibayo pagkatapos ng pagfafasting.
 Ito rin ay nakakatulong sa pagpapanormal, pagpapatibay at pag rejuvenate ng lahat ng importanteng physiological, nervous and mental functions.
PAGHINTO SA PAGFAFASTING
Ang magandang resulta ng pagfafasting ay depende kung paano ito ititigil.  Ito ang pinakamahalagang parte.
Ang tamang paraan ng pagtigil ng pagfafasting ay ang mga susunod: Iwasan ang labis o sobrang pagkain, nguyain ng mabuti ang pagkain bago lunukin.
 Maglaan ng ilang araw kung magbabago sa nakasanyanng uri ng pagkain.  Kung pagpaplanuhan ng mabuti ang paglipat sa matitigas na pagkain ay hindi ito magdudulot ng discomfort o pinsala.
Nararapat din na magkaroon ng sapat na pahinga o agwat sa panahon ng pagpapalit ng pagkain.  Ang pagpili ng angkop na uri ng pagkain ay mahalaga sa magiging bunga ng pagfafasting.
                                                                                                           

Linggo, Hunyo 11, 2017

https://www.youtube.com/watch?v=bK3Vnkr7fGA

Romans 13:1-5 Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God. 2 Consequently, whoever rebels against the authority is rebelling against what God has instituted, and those who do so will bring judgment on themselves. 3 For rulers hold no terror for those who do right, but for those who do wrong. Do you want to be free from fear of the one in authority? Then do what is right and you will be commended. 4 For the one in authority is God’s servant for your good. But if you do wrong, be afraid, for rulers do not bear the sword for no reason. They are God’s servants, agents of wrath to bring punishment on the wrongdoer. 5 Therefore, it is necessary to submit to the authorities, not only because of possible punishment but also as a matter of conscience.
https://www.youtube.com/watch?v=bK3Vnkr7fGA
The Armor of God

10 Finally, be strong in the Lord and in his mighty power. 11 Put on the full armor of God, so that you can take your stand against the devil's schemes. 12 For our struggle is not against flesh and blood, but against the rulers, against the authorities, against the powers of this dark world and against the spiritual forces of evil in the heavenly realms. 13 Therefore put on the full armor of God, so that when the day of evil comes, you may be able to stand your ground, and after you have done everything, to stand. 14 Stand firm then, with the belt of truth buckled around your waist, with the breastplate of righteousness in place, 15 and with your feet fitted with the readiness that comes from the gospel of peace. 16 In addition to all this, take up the shield of faith, with which you can extinguish all the flaming arrows of the evil one. 17 Take the helmet of salvation and the sword of the Spirit, which is the word of God.

18 And pray in the Spirit on all occasions with all kinds of prayers and requests. With this in mind, be alert and always keep on praying for all the Lord's people.
Efeso 6:
Mga Sandatang Kaloob ng Diyos 10 Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan. 11 Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo. 12 Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito---ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid. 13 Kaya't isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo. 14 Kaya't maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran; 15 isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan. 16 Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo. 17 Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos. 18 Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Martes, Hunyo 6, 2017

Matthew 22 27 Finally, the woman died. 28 Now then, at the resurrection, whose wife will she be of the seven, since all of them were married to her?”

Matthew 22 27 Finally, the woman died. 28 Now then, at the resurrection, whose wife will she be of the seven, since all of them were married to her?”

29 Jesus replied, “You are in error because you do not know the Scriptures or the power of God. 30 At the resurrection people will neither marry nor be given in marriage; they will be like the angels in heaven. 31 But about the resurrection of the dead—have you not read what God Ang resulta ng mga sagradong kaalaman na nabuo ng kaluluwa ay maaaring magbigay ng sustansiya, ma-protektahan at maka-buo ng embrayo sa ganap na punong kahoy sa sarili niyang resulta ay magpapalabas ng isang anghel. Ito ang uri ng katalinuhan, ang uri ng nilalang na kung saan ay malayo sa atin ang mga kabatiran ng isang anghel para sa ating mga ideya ng kung ano ang isang anghel o isang maestro.
Ito ang uri ng katalinuhan na ganap na gising ang kamalayan malayo sa mundong kanyang pinagmulan mula sa pisikal na katawan malayo sa embrayo na pinanggalingan, kung saan ito ay ang kamalayan sa parehong paraan tulad ng higanteng magandang puno na hindi kahawig ng binhi na lumikha nito, gayon din naman, ang mga anghel na walang pagkakahawig sa mga binhi ng kamalayan mula sa kung saan ito nagsimula, ngunit may isang kapansin-pansing pagkakaiba sa pag-unlad ng isang anghel at ang pagbuo ng anumang pisikal na puno. Ito ay ang pisikal na katangian ng paglago at pag-unlad ng isang puno. Ito ay nabibilang sa kaharian ng araw, ang kaluluwa.
Kahit na ano ang ating pinaniniwalaan, anuman ang ating ginagawa, kahit na ano ang ating iniisip kung hindi natin gagawin ng may kamalayan hindi tayo maaaring makalikha ng isang anghel at ito ay makakalikha ng mga katanungan, , ano ang ibig sabihin na gawin ang mga bagay ng may kamalayan, ito ay nangangahulugan na kahit na nabibilang tayo sa isang kagalang-galang na relihiyon at ginagawa natin ang lahat ng mga kaugalian at mga karapatan at alam natin ang lahat ng mga batas at mga panuntunan at nagdadamit ng paraang karapatan dapat at naniniwala tayo sa mga tamang bagay na dapat nating ginagawa kung wala namang konsensiya o kamalayan, nagsasayang lang tayo ng oras.
Maaari tayong maging isang Kristiyano, isang Buddhist, isang Jew, isang Muslim o maaari tayong nabibilang sa anumang relihiyon; anumang tradisyon kahit sopistikado pa ito, gayon pa man, kung binabale wala natin ang pag-gamit ng sarili nating kamalayan, ng ating sariling kalikasan tayo ay nag-aaksaya lamang ng ating oras. Ang mga ito ay hindi maaaring bigyang-diin ng sapat dahil muli kapag bumalik tayo sa ating mga halimbawa ng pagtingin sa kabuuan ng sangkatauhan maaari nating makita na ang lahat ng mga relihiyon at mga tradisyon na umiiral sa maraming siglo, gaano karaming mga banal, mga maestro at mga anghel ang nalikha?
Napaka-kaunti, gaano karaming mga dakilang Mensahero at avatar mga gising sa malalim na pang-unawang nilikha ang lumitaw sa nakaraang libong taon ng relihiyon na mayroon tayo sa mundong ito? Napaka-kaunti, at ito ay dahil sa milyun-milyong mga binhi ng kamalayan na sumunod sa lahat ng mga tradisyon at sa mga patakaran at patnubay ng kanilang relihiyon ang nabigong ma-kuntento ang espesipikong pangangailangan at ang pag-unlad ng kaluluwa at ang unang nagigising ay ang gumagamit ng kamalayan at iyon ang pinaka-pangunahing bagay.
Kung ang relihiyon ay ma-kukuntento nang wala ang mga pangangailangang ito samakatuwid ang lahat ng sangkatauhan ay gising na mga anghel, mga dakilang Maestro, ang mundo ay magiging isang paraiso ngunit sa kasamaang palad ang sangkatauhan ay tulog, ang sangkatauhan ay nagbalewala sa kamalayan at maaaring sumusunod sa lahat ng mga panuntunan sa pisikal at sa pamamagitan ng hitsura ngunit natutulog ang kamalayan.
Mayroon isang panganib sa loob nito at iyon ay ang tinatawag nating ang batas ng sanhi at epekto. Wala sa kalikasan ang tumitigil, walang hindi kumikilos, walang nakaupo lang, walang hindi umuunlad, walang nananatili sa isang perpektong estado ng katahimikan. Lahat ng bagay ay may paggalaw at ang bawat aksyon na ginagawa natin ay nagbibigay ng isang kahihinatnan kapag kumilos tayo nang walang kamalayan gising pero tayo ay kumikilos ng tulog at ang mga puwersa na tagapamahala ng ating kamalayan o ang ating natutulog na kamalayan sa ganoong paraan ay labis sa pag-aalinlanganan tandaan na ang ating kamalayan ay ang ating koneksyon sa banal na nasa kalooban natin kung ang pag-aagusan ay hindi bukas at kung ang ating kamalayan ay tulog, ano ang gumagana sa atin?
Pagmamataas, takot, panibugho, inggit at ang mga ito ay maaari lamang makapagbigay ng paghihirap. Ito ang dahilan kung bakit ang sangkatauhan ay na nasa ganitong estado, kaya ang sangkatauhan ay natutulog at lumilikha ng sakit sa loob. Mayroong mga taong ginagamit ang kaalaman sa maling paraan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng bibliya; at marami sa kanila ay natutulog sa abo ng lupa ay gigisingin para sa buhay na walang hanggan at ang ilan sa kahihiyan ng isang walang hanggang pag-alipusta.
Daniel 12:
2 Muling mabubuhay ang maraming mga namatay sa lahat ng panig ng daigdig; ang iba'y sa buhay na walang hanggan, at ang iba nama'y sa kaparusahang walang hanggan.
Ang ating kamalayan ay kinakailangang magising ngunit maaari lamang itong magising ayon sa mga magkakasalungat ng kalikasan, ito ay ang lahat ng bagay sa kalikasan na tunggalian. Kung kaya nating gisingin ang ating kamalayan ng positibo at maging isang anghel maaari rin nating gisingin ito ng negatibo at maging isang demonyo. Iyan ang dahilan kung bakit sa punong kahoy ng kaalaman ay ang punong kahoy ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama sapagkat ito ay may potensyal upang i-takda ang ating landas sa buhay o para sa landas ng kamatayan ito ang sabi ng biblia.
Jeremias 21:
8 "Sabihin mo sa bayang ito ang ipinapasabi ni Yahweh: Narito ang buhay at ang kamatayan. Mamili kayo sa dalawa.
Samakatuwid, ang trabaho ng mga relihiyon ayon sa kaugalian ay laging magkaroon ng kamalayan ng mga kaalaman na maaaring makita ang kaibhan sa pagitan ng dalawang ito upang malaman ang pagkakaiba at sa kasamaang palad, sa oras na ito ay lubhang mahirap na gawin ito, lubhang mahirap na maaaring makita ang kaibhan gayon pa man, kailangan nating pag-aralan at malaman kung paano. Ang trabaho ng relihiyon sa buong kasaysayan ay upang maglaan sa mga kaluluwa, sa embrayo ng kaluluwa ng mga elementong kailangan sa pagsasaayos para mapalago. Ang mga binhi ng ating mga kamalayan na nangangailangan ng tamang mga sangkap, Ang unang elementong kailangan ng binhi ay ang maitanim sa lupa, ang lupa ay ating pisikal na katawan, kailangan natin ang pisikal na katawan.
Ang lupa mismo ay ang ating daanan, ang sangkap upang mapakain natin ang ating sarili. Ang binhi na ating itinanim sa lupa ang nagdala palabas sa lupa ng mga mineral at iba pang mga bagay na kailangan nito, ang mga kemikal na kailangan nito, upang maging makakain. Gayundin sa ating mga pisikal na katawan, natanggap natin at ibahin ang anyo ng enerhiya na kailangan natin upang bumuo ng kamalayan. Ang iba pang mga bagay na kailangan natin ay ang liwanag kapag ang binhi ay nakatanim sa lupa, kapag ang ating mga kamalayan ay nakatanim sa loob ng ating pisikal na katawan, kailangan natin ang liwanag.
Ang Liwanag na ito ay may mga antas at kabuluhan, ang pisikal na binhi na itinanim sa isang pisikal na lupa ay nangangailangan ng liwanag ng araw, ang ating kamalayan ay nangangailangan rin ng sikat ng araw ngunit ang liwanag na ito ay ang liwanag ni Kristo, ang liwanag ng darma, ang malinaw na liwanag na lumilitaw mula sa walang hangganan, ang logos, ang salita ng Diyos.
Kailangan natin ang ilaw para sa ating dibinidad sa loob, para matanglawan tayo, para mabigyan tayo ng panggatong, ng lakas, ng apoy. Ang ilaw na iyun ay ang kaalaman sa relihiyon, kaalaman tungkol sa siyensya, ang kaalaman tungkol sa ating landas. Ang landas ng binhi ng ating mga kamalayan ay hindi maaaring magising na nasa lupa lamang sa pagtanggap ng liwanag kailangan din ng tubig.
Ang tubig ay sekswal, kaya nakikita natin dito kailangan natin ang dalawang mga puno ng hardin ng Eden, kailangan natin ang punong kahoy ng buhay, ang kaalaman ng lahat ng mga batas, ito ay ang liwanag bumababa pababa sa puno, ang liwanag ng araw, ang ilaw, ang liwanag ni Cristo, na maaaring gumabay sa kaluluwa upang maging isang anghel ipaliwanag at nagpapahayag ng mga solar na batas na tagapamahala sa lahat ng antas ng paglikha sa itaas na kung saan dapat pumasok ang kaluluwa upang makuha ang kanyang lugar sa kosmikong herarkiya. Ito ay kung paano natin makikita ang ating layunin.
Ang tubig ay sagrado, ang puno ng kaalaman, ng mabuti at masama. Ito ang tubig ng buhay isang sagrado isang literal na ibig sabihin ng kimika ng Diyos at ang agham ng mistisismo ng tubig na ang kaluluwa ay maaaring sumulpot mula sa lumikha na puwedeng lumikha.
Kaya, ang simbuyo ng binhi na lumabas na pumunta sa ilaw upang pasiglahin sa pamamagitan ng mga pwersang ito ang dahilan kung bakit tayong dapat pumasok sa sagradong kaalaman ang ating binhi ay nasa lupa at mayroon na tayong pisikal na katawan. Ang ating mga binhi ay may liwanag, sapagkat natatanggap na natin ang espirituwal na pag-aalaala na tumutulak sa atin upang alamin ang isang bagay na mayroon tayong pagkabalisa na naghahanap upang malaman at mayroon tayong tubig ngunit paano natin ginagamit ito? At ito ang ating katanungan?
Sa pagbubuo, na pag-aralan natin ang tatlong mga sanhi, upang samantalahin ang mga elementong ito na natanggap natin na nagdala sa atin sa lupa, ang pagtanggap ng liwanag at ang pagkakaroon ng tubig. Kailangan nating malaman kung paano magtrabaho sa kanila.
Mayroon tubig sa loob ng ating mga katawan, sa loob ng ating mga shell, at ang liwanag ng kaalaman, ang liwanag ng sagradong kaalaman, ang liwanag ng ating pagkakalikha na nagniningning sa atin at mayroong tayong katawan na dapat nating samantalahin.. Ang tungkulin ng lahat ng relihiyon sa lahat ng panahon ay ang magbigay sa binhi, ng pag-unawa sa tatlong mga kadahilanan na kinakailangan upang balansehin at gamitin ang mga pwersa.
Ang tatlong mga kadahilanan ay ang kamatayan, kapanganakan, at sakripisyo. Lahat ng relihiyon ay may pananagutan upang ituro at ipaliwanag ang tatlong mga kadahilanan. Ang kamatayan ay ang pag-alis sa luma ang pagtatapos na kung saan ito ay hindi na kinakailangan at sa kaso ng ating pagkakatulad sa maliliit na binhi at ang lupa na gustong maging isang puno sa loob ng binhi ay magiging isang mahalagang materyal na kinakailangan ng binhi upang magamit ng mabuo ang kanyang sarili.
Sa ibang salita, ang mga binhi mismo ay dapat mamatay sa pagkaka-ayos para ang buhay ay lumitaw sa pagkakasunod-sunod para sa mga usbong na sumibol mula sa lupa. Ito ay parehong totoo sa ating mga makataong binhi ng ating kamalayang pantao, tayo bilang isang diwa ay kailangang mamatay upang ang anghel ay lumabas at sa ating kaso sa mundong ito.
Ito ay kinakailangan dahil ang ating mga binhi ay naging korupt ang ating makataong kamalayan ay mayroon sa kanyang pinakaloob. Ang tunay na pag-iral ngayon ay may maraming mga elemento ng korupsyon na hindi na natin alam ang pagitan ng kung ano ang dalisay at hindi dalisay, nasanay na tayo sa pagiging magagalitin akala natin iyun ay normal.
2 Corinto 5: 1-21
1 Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. 2 Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating tahanang makalangit, 3 upang kung mabihisan a na tayo nito ay hindi tayo matagpuang hubad. 4 Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon, ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. 5 Ang Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.
6 Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng Panginoon. 7 Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita. 8 Malakas nga ang loob nating iwanan ang katawang ito na ating tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng Panginoon. 9 Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. 10 Sapagkat lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
Pakikipagkaibigan sa Diyos sa Pamamagitan ni Cristo
11 Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, sinisikap naming hikayatin ang mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao; at inaasahan kong kilalang-kilala rin ninyo ako. 12 Hindi dahil sa nais naming ipagmalaking muli sa inyo ang aming sarili, kundi nais naming bigyan kayo ng dahilan upang kami'y maipagmalaki ninyo, nang sa gayon ay masagot ninyo ang mga taong walang ipinagmamalaki kundi ang mga bagay na panlabas at hindi ang tunay na pagkatao. 13 Kung kami'y parang nasisiraan ng isip, iyon ay alang-alang sa Diyos. At kung matino naman kami, iyan ay para sa kapakanan ninyo. 14 Ang pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay. 15 Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.
16 Kaya ngayon, ang pagtingin natin sa bawat tao ay hindi na batay sa sukatan ng tao. Noong una'y ganoon ang ating pagkakilala kay Cristo, ngunit ngayo'y hindi na. 17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito.
20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos. 21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
Nasasanay na tayo sa kasamaan tulad ng katakawan, kalibugan at iba pa na sa tingin natin ito ay natural kaya tayo ay nagkakaroon ng takot ng pagka-balisa dahil naniniwala tayo na ito ay ang paraan ng kalikasan, itong lahat ay hindi totoo, ang kalikasan sa kanyang sarili kapag malaya sa ganitong uri ng kasamaan o kalaswaan, ang kalikasan ay isang paraiso.
Ito ay inilarawan sa bibliya at sa lahat ng mga mahusay na sinaunang kwento ng maagang yugto ng pag-unlad ng tao na ang buhay ay isang paraiso, wala ng paghihirap, walang-pag-aalala, walang galit, walang karahasan, walang kasakiman, walang pag-aagam-agam, walang sinuman ang kukulangin sa lahat ng bagay lahat ay mabibigyan at mahahanap nila ang kanilang sariling lugar sa buhay.
Isaias 25:
8 Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,
at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata. Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Isaias 35:
10 Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahweh
na masiglang umaawit ng pagpupuri.
Paghaharian sila ng kaligayahan.
Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.
Isaias 65:
Bagong Langit at Lupa
17 Ang sabi ni Yahweh:
"Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit;
ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.
18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.
19 Ako mismo'y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan.
Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
20 Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay,
lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na,
at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa.
21 Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan,
magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.
22 Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.
Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang.
Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang,
lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.
23 Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga,
at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila;
pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa.
24 Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin,
at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.
25 Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa,
ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka.
At ang ahas naman na ang pagkain
ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba.
Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok.
Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama."
Ang mga kadahilanan ng kamatayan ay kinakailangan dahil, lahat ng maruming elemento ay dapat mamatay, ang mga sakit na mayroong tayo ay dapat mamatay para ang pag-usbong ay lumabas at maging malakas. Ang paglitaw ng usbong ay ang kapanganakan ay ang pangalawang dahilan. Kapag ang isang bagong bagay ay ipinanganak sila ay magkakaroon ng isang dakilang pagbabagong-anyo at ito ay hindi madali.
Maaaring hindi mo matandaan ang iyong pisikal na kapanganakan ngunit sa halos bawat kaso ito ay napaka-traumatiko, ang dakilang pagbabagong-anyo, napaka -hirap. Ang kapanganakan ng kaluluwa ay tulad nito, ngunit sa kabuuan sa ibang antas mas mahirap, mas masakit. Mula sa kapanganakan lumilitaw ang mga bagong pagbuo ng kaluluwa na kung saan kung mabibigyan ng mga tamang elemento at maaalagaang maayos ay maaaring maging isang mahusay na anghel, mahusay na maestro ngunit sa simula ay napaka-marupok.
Ang ikatlong kadahilanan ay sakripisyo at sa kaso ng ating mga binhi. Ang ating mga binhi ay mag- sasakripisyo dapat itong mamatay upang isilang muli. at sa simbuyo ng binhi na lumabas at maging isang puno ay isang simbuyo upang magbigay ng buhay upang makalikha ng mas maraming binhi upang magkapagbigay ng sustansiya sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-iral nito pagkatapos ay malalaman natin na sa anumang mga halaman ito ang nangyayari ang usbong ay biglang lumilitaw para alisin ang mga karumihan at upang ilabas ang mga elemento para sa benepisyo ng kapaligiran nito.
Ang kaluluwa ng tao, ang makataong kamalayan ay dapat gumawa din ng ganoon ngunit sa mas aktibo at sa mas mataas na antas, ang kaluluwa ng tao ay hindi ipinanganak lamang para hangaan, o para sambahin, o para kainggitan. Ang kaluluwa ng tao ay ipinanganak upang magbigay ng buhay, upang makatulong, upang sumaklolo, upang makinabang ang iba, upang mag-sakripisyo, ito ang batas ng Panginoong Jesu-Cristo, upang magbigay upang magkaroon ng awa.
Colosas 3: 1-25
1 Binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, kaya't ang pagtuunan ninyo ng isip ay ang mga bagay na nasa langit na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos. 2 Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at ang inyong tunay na buhay ay natatago sa Diyos, kasama ni Cristo. 4 Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya'y nahayag na, mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa kanyang karangalan.
Ang Dati at Bagong Buhay
5 Kaya't dapat nang mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman, ang pakikiapid, kahalayan, mahalay na simbuyo ng damdamin, masasamang nasa, at ang kasakiman 6 Dahil sa mga ito, tatanggap ng parusa ng Diyos ang mga taong ayaw pasakop sa kanya. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pitang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8 Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot, at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malaswang pananalita. 9 Huwag kayong magsisinungaling sa isa't isa, sapagkat hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga gawa nito. 10 Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya't sa kalagayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio, ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang mabangis na tao, ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamahalaga sa lahat, at siya'y nasa inyong lahat.
12 Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya kayo sa isa't isa at magpatawad kayo kung may hinanakit kayo kaninuman. Magpatawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon. b 14 At higit sa lahat, magmahalan kayo, sapagkat ang pag-ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa. 15 Paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat iyan ang dahilan kung bakit kayo tinawag sa iisang katawan. Magpasalamat kayong lagi. 16 Ang salita ni Cristo'y hayaan ninyong lubusang manatili sa inyong puso. Turuan ninyo at paalalahanan ang isa't isa nang may buong karunungan. Buong puso kayong umawit ng mga salmo, mga himno at mga awiting espirituwal, nang may pagpapasalamat sa Diyos. 17 At anuman ang inyong sasabihin o gagawin, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus at sa pamamagitan niya'y magpasalamat kayo sa Diyos Ama.
Itong umuusbong na buhay ay makapagpabago sa enerhiya para sa benepisyo ng iba, kinukuha ang kadumihan at naglalabas pabalik ng mga purong elemento para sa benepisyo ng iba. Kapag tinitingnan natin ang analohiya nito at suriin ang konteksto sa pag-unlad ng ating mga saykiko, kailangan nating maunawaan ang isang bagay ng may ganap na kalinawan.
Ang tatlong mga kadahilanan sa kanilang sarili ay hindi mahirap na maunawaan. Ang Kamatayan at kapanganakan at sakripisyo ay hindi mga bagong tuntunin sa ating lahat. Itinuturo ito ng relihiyon sa bawat isa sa kanilang sariling paraan. Lahat ng relihiyon ay nagtuturo ng kapanganakan bilang kasanayan at sa simbolismo at sa pilosopiya.
Ang Kamatayan, ang mistikal na kamatayan, ang kamatayan ng pagkamakasarili, ang kamatayan ng sarili silang lahat ay nagtuturo sa kapanganakan ang paglitaw ng kaluluwa, ang paggising ng kamalayan, ang pag-unlad ng pagiging maestro o pantas, kung paano maglingkod sa iba, ang santuwaryo. Ang mga ito ay hindi bago at ang sangkatauhan ay nagtatrabaho sa tatlong mga kadahilanan sa nakalipas na libu-libong taon nang sa gayon, muli tingnan natin kung ano ang kulang?
Kung ang relihiyon ay nagtuturo ng mga kadahilanan at ito ay kinakailangan, bakit naghihirap pa rin ang sangkatauhan? Bakit walang mga anghel na ipinapanganak sa mundong ito? Bakit lumalaganap ang mga krimen sa paraan ipinapaliwanag ng panlupang batas. Bakit napakaraming mga paghihirap at bakit natin ginagawa itong mas masahol pa?
Kapag itinuturo ng ating relihiyon ang tatlong mga kadahilanan. Ang nawawalang bahagi sa tatlong ito ay dapat gawin sa pamamagitan ng may kamalayan hindi ng kaisipan, hindi ng personalidad, hindi ng katawan. Ito ay ang binhi mismo ang dapat na gumanap sa mga kadahilanan ng kamatayan. May kamalayang dapat itong gawin sa mga kadahilanan ng kapanganakan at sakripisyo ng may kamalayan may kabatiran , mulat at gising.
Ang problema ay dahil ang sangkatauhan ay natutulog sa kanyang kamalayan, ang sangkatauhan kabilang ako at ikaw ay nag-aral ng relihiyon at nakakarinig tungkol sa mga kadahilanan ng kapanganakan kamatayan, at sakripisyo at ang lahat ng mga klase ng mga porma at nagsisimulang magsanay ng mga ito nang wala sa loob, ng may natutulog na kamalayan.
Ito ang dahilan kung bakit nakikita natin sa bawat relihiyosong tradisyon ang mga iskolar na gawing yaong kabisaduhin ang kasulatan sa debate, pag-aralan, upang makipaglaban sa bawat isa tungkol sa mga salita ngunit mananatiling ganap na tulog dahil ang lahat ng ginagawa nila ay upang maglaro kasama ang pag-iisip. Hindi inuunawa ang totoong kahulugan ng mga banal na salita.
Nakita natin iyun sa lahat ng mga taong may mahusay na debosyon para sa kanilang relihiyon, dakilang pag-ibig, malakas na pananalig sa pananalig at pananampalataya sa kanilang relihiyon at sa kanilang mga lider ngunit sa huli sa halip at pagiging panatiko ay namatay nang hindi nalaman ang tunay na layunin sa buhay, maaari mayroon silang mabuting intension, maaari silang vegetarian, maaaring nagsasanay sila sa walang kaguluhan o karahasan ngunit sila ay nabigo upang gisingin ang kanilang kamalayan.
Nakita din natin ang mga gumanap ng kanilang tuntunin ng perpekto, gumanap sa mga ritwals ng kanilang relihiyon ng perpekto na nabibilang sa tamang mga grupo na mga miyembro ng mga may karapatan at kaayusan, na tumatanggap ng lahat ng mga kasiguruhan at mga pangako mula sa kanilang mga partikular na relihiyon, na nagsusuot ng karapat dapat ng mga kasuotan at mga tamang alahas ngunit nananatiling natutulog at hindi kailanman nagising ang kanilang kamalayan at mamatay, tunay na ito ay isang trahedya.
Ang pag-unlad ng kaluluwa ay hindi mekanikal para sa atin upang magtanim ng isang binhi sa lupa at tumubo maging isang prutas o gulay o isang punong hindi mahalaga kung ano ang pinaniniwalaan natin. Walang mababago kung ano ang ating pinaniniwalaang pulitika, kung ano ang ating pondo o pinaniniwalang relihiyon kung tayo ay isang lalaki o isang babae.
Ang mahalaga ay , na ang binhi ay nakakatanggap ng mga elemento na kinakailangan nito para sa kanyang paglaki at ang mga batas ng kalikasan ay nalugod, ang kamalayan ay hindi naiiba sa anumang pantaong organismo sa mundong itona maaaring maging isang pantas, kahit na ano ang relihiyon sila nagmula, hindi mahalaga kung ano lahi, kung ang sila ay lalaki o babae, hindi mahalaga kung ano ang kanilang paniniwala o iniisip, kung nalulugod ang batas na namamahala sa kanilang kamalayan at pag-unlad ng kaluluwa sila ay maging isang pantas napaka-simpleng maunawaan ngunit upang gawin ito ay ibang pang bagay.
Subalit mayroong isa pang kadahilan dito, isa pang punto kung saan ay maraming mga tradisyon na itinuturo tungkol sa kung paano gisingin ang kamalayan, na nagtuturo ng tatlong mga kadahilanan ng kapanganakan at kamatayan at sakripisyo, nagtuturo sila ng kawalan ng kaisipan at paano gumising ngunit ito ay hindi garantisado na tayo ay magiging anghel mangyaring tandaan na ang kamalayan ay dualidad ang hagdan na nakita ni Jacob sa kanyang pangitain na umaakyat at bumababa.
Genesis 28:
Nanaginip si Jacob sa Bethel
10 Umalis nga si Jacob sa Beer-seba at nagpunta sa Haran. 11 Inabot siya nang paglubog ng araw sa isang lugar at minabuti niyang doon na magpalipas ng gabi. Isang bato ang inunan niya sa kanyang pagtulog. 12 Nang gabing iyon, siya'y nanaginip. May nakita siyang hagdan na abot sa langit at nagmamanhik-manaog doon ang mga anghel ng Diyos. 13 Walang anu-ano'y nakita niya si Yahweh sa tabi niya. Wika sa kanya, "Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham at ni Isaac. Ang lupang ito na iyong hinihigan ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong lahi. 14 Darami sila na parang alikabok sa lupa at lalaganap sila sa apat na sulok ng daigdig. Sa pamamagitan mo at ng iyong lahi ay pagpapalain ang lahat ng bansa. a 15 Tandaan mo, susubaybayan kita at ipagtatanggol saan ka man magpunta, at ibabalik kita sa lupaing ito. Hindi kita iiwan hanggang sa matupad ang lahat ng sinabi ko sa iyo."

Lunes, Hunyo 5, 2017

Proverbs 27:9 Perfume and incense bring joy to the heart, and the pleasantness of a friend springs from their heartfelt advice.

Proverbs 27:9 Perfume and incense bring joy to the heart, and the pleasantness of a friend springs from their heartfelt advice.
Mayroon tayong pilosopiya na nagpapahalaga sa buhay at nagtuturo sa mga tao kung paano nila mapapalakas ang kanilang potensyal upang pigilan ang karamdaman, sakit, pighati, kalungkutan, at ang hindi mabilang na kundisyon na hindi naman kinakailangan sa ating buhay, kung susundin lamang natin ang Divinong daan patungo sa kabanalan.
Ang aming banal na pilosopiya ay nagtuturo sa mga tao kung paano nila kokontrolin ang sarili nilang buhay, kung paano irespeto at alagaan ang kanilang katawan at kung paano mararating at mapapanatili ang kumpletong estado ng kalusugan at balanse, nang sa gayon gaya ng ating mga ninuno, magagawa nating magsaya sa mas mataas na antas ng ating pagkatao.
Isa itong banal na pilosopiya na pangkalahatan, kung saan ang sansinukob, ang mundo at ang sangkatauhan ay magkakaugnay at dumedepende sa isa’t isa, kung saan ang ating kalusugan ay dumedepende sa iba at gayon din kung paano ang iba ay dumedepende sa atin.
Ang mga sinaunang tao ay nagturo sa atin kung paano tayo mamumuhay na magkakatugma sa pamamagitan ng magkakaibang level ng ating di matukoy na enerhiya, kasama na ang kapangyarihan at pwersa ng mundo, sansinukob at ibang tao.
Sa pamamagitan ng pag-eensayo ng mga banal na pilosopiya, matutuklasan natin na ang malakas na kapangyarihan ay nasa loob ng bawat nilalang, at ang ating isip at katawan ay nagtataglay ng sariling natural na kapangyarihan, isang kapangyarihang kayang lumagpas at humamon, gumamot ng karamdaman at rumesolba sa mga sitwasyong kinalalagyan ng mga tao.
Matutuklasan natin ang daan patungo sa kabang-yaman kung saan ang lahat ng solusyon sa ating problema ay naka-imbak, kung saan ang pinakamalalim na tanong ay mabibigyang kasagutan.
Ito ay isang pinagmumulan ng impormasyon na nangagaling sa atin mismong kaloob looban, isang boses na galing sa mas mataas na antas ng ating sarili na nakikipag-usap sa atin.
Madidiskubre din natin na habang ineensayo natin ang mga sining na ito at nilalakbay ang ating daan, ay mararating ang isang tiyak na punto kung saan wala nang iba pang posibleng pag-unlad kundi ang gamitin natin ang ating karanasan upang makinabang ang ibang tao at ibahagi ang sikretong kaalaman sa kanila para sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay.
Kung kaya’t dapat nating ilaan ang ating sarili upang turuan ang iba na mayroong matinding pagnanais na marating ang banal na daan.
Ang aming mga estudyante ay tinuturuan din na ipamahagi ang karunungan, upang ang buong sangkatauhan ay makinabang.
Sinasabing ang ilang nangungunang matandang kaluluwa ay pinukaw upang mag-bahagi at magturo ng mga nakatagong aral at kaalaman na kinakailangan ng kanilang kapwa lalake at babae sa isang partikular na oras sa kanilang kasaysayan. Ito ang pumukaw sa mga indibidwal kung saan ang kanilang kaluluwa ay bumalik sa matataas na antas ng pag-unlad mula sa mataas na antas ng kakayahan, upang magdala ng mensahe at magbigay ng serbisyo doon sa mga may mas mababang antas ng pag-unlad. Sila ay namuhay para sa mga taong nasa paligid nila at sila ay nasa katauhan ng mga propeta, pari, clairvoyants at guro.
Ang ating mga sagradong aklat ay nagtataglay ng kaalamang subok na, natatago at natagpuang tunay sa loob ng libo libong taon. Hindi nga lang lahat ay pinapayagang magkaroon ng kopya nito upang maingatan ang lihim na kaalaman at karunungan.
Upang marating ang pinakamainam na kalusugan, ang mga sinaunang “Divine Masters” ay gumagamit ng iba’t ibang uri ng malalim na relaxation, paghinga, visualization at meditasyon, kasabay ang sagradong orasyon; ehersisyo sa kaisipan at galaw ng katawan, kasama na ang pagpapatibay ng espesyal na katangian ng kaisipan at isang kakaibang paraan ng pagpopokus.
Ang mga pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila “superhuman powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali nilang tinatawag ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang tanging supernatural na bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng pag-intindi sa realidad at kung ano ang maaring makamit, ito ay natural na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng kamalayan na pinagsama sa napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit ng ating isipan, mga sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.
Dito ay malalaman mo kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na trabaho, ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira sa iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan, kung ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma, kung nag sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang serbisyo ng isang tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago kapag lumaki na ang inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa sagradong aklat 1.
Natuklasan ng ating mga Divine Masters na ang buhay ay maaring pahabain, maiwasan, mapigilan ang mga sakit at malagpasan ang mga pagsubok. Ang ating teknik ay naging paraan na ng pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang magkaroon ng isang buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman para magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam at ibubunyag sa iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.
Ang ating mga teknik ay subok at napatunayan na. Ang tuloy tuloy na pagamit ng mga paraang ito ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa iba’t ibang problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga sarili.
Ating muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa kanila.
Ibinunyag nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas maraming bagay sa mas mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling oras at hindi kinakailangang magdulot pa ng stress, sapagkat tayong lahat ay isang makapangyarihang nilalang na nagtataglay ng natural na kapangyarihan na walang hangganan kung saan magagawa nating matagpuan ang mundong ating hinahanap.
Ang tunay na “Divino Member” ay isang nilalang na natututo ng sikreto kung paano paikutin ang araw-araw na may maganda man o pangit na sitwasyon, para sa kanilang benepisyo.
Ang sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na “power of intentional divine focus.”
Habang binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa akong gagamitin mo ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay.
Para sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na pagamit nito. Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa pagawa ng mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting pagsisikap at ang pagkakamit ng mas magandang resulta.
Nagkaroon ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang mga sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo upang ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan. Walang anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung kaya’t sundan mo ang agos nito.
Ang Pangkalahatang Pangangailangan Sa “Divine Focusing”
Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng pokus, ang nanay, tatay at mga anak, ang mga estudyante, ehekutibo, mga may bahay, ang mga nagretiro na, ang lahat ng mga nilalang na ito ay kailangan mag pokus. Habang ang karamihan sa pagpopokus ay hindi sinasadyang napupunta sa isang negatibong pagpopokus.
Kakaunting tao lamang ang nakakayang magpokus ng may intensyon. Kahit na ang mga taong may karanasan na sa pagpopokus sa isa o iba pang paraan, sa kabuuan ay wala silang magandang pag-intindi sa konsepto. Ang ilan ay hindi kayang kopyahin ang kanilang pagpopokus upang maisagawa ang kanilang nais, at inaasa na lamang sa kanilang kapangyarihan. Sapagkat ang personal na tagumpay ay isang paraan para makamit ang pandaigdigang tagumpay, kung ang isang nilalang ay maraming personal na tagumpay, sa negosyo man o sa iba pang organisasyon magkakaroon siya ng kakayahang ipamahagi sa iba ang tagumpay na iyon. Ang lahat na ito nararapat magsimula sa isang nilalang na nagtataglay ng magandang lebel ng kapangyarihang dalhin ang sarili, kalusugan at pagkatao. Ito rin ay kusang aagos upang ang mga negosyo at organisasyon ay mapabuti. At ang resulta nito ay ang benepisyo sa buong daigdig, ngunit ang lahat ng ito ay nakasalalay sa kakayahan ng isang tao na mag pokus sa kaniyang intensyon ng mabilis at sa paraang kanilang nais. Ang tagumpay ng komunidad ay dumedepende sa abilidad nang pagpopokus.
Ang Pinanggalingan Ng Mga Inpormasyon
Ang nilalaman ng aklat na ito ay nagmula sa malawak na uri ng personal at propesyonal na karanasan. Ginamit ko rin ang kaalamang ipinasa sa akin ng napakaraming divine teachers. Dahil sa ang Divine teachings ay nauna pa sa pagsusulat ng mga kasaysayan, karamihan sa mga pagtuturong ito ay ipinasa sa akin mula sa salita ng mga guro patungo sa mga estudyante, sa napakahaba nang panahon. At dahil bukas ang aking ikatlong mata ay na veverify ko ang tamang orasyon at kapangyarihan na eksakto para sa isang problema at situwasyon.
Sa tradisyong ito, kakaunti lamang sa mga estudyante ang napili bilang nararapat na maturuan ng katalinuhan at kasanayang ito. Ang karunungang natanggap ko ay pinatibay pa nang aking malawak na panaliksik sa paksang ito. Nagsagawa rin ako ng maraming pakikipanayam, pagtalakay at personal na obserbasyon kasama ang mga taong may iba’t iba ring karanasan at pinangalingan, propesyon at lebel ng kasanayan. Ang personal na karanasan ng mga tao ay inihabi sa mga sagradong aklat na ito.
Ang nilalaman ng aklat na ito ay personal ko nang nasubukan at nagamit maging ang mga teknik at konsepto na itinuturo dito. Ang lahat ng ito ay nag-ambag sa aking personal na kapakanan. Nakaya kong lampasan nang matagumpay ang maraming pagsubok sa pamamagitan ng pagamit ng Divine focusing techniques. At ang naging resulta nito, ang aking pagiging mapagpakumbaba at mapagpasalamat ay tuloy-tuloy na nagpatibay sa akin at habang buhay na itong magpapatuloy.
At ang mga karunungan nakatago rito ay nagamit at nasubukan na epektibo ng mga miembro na doctors, attorneys, mga malalaking negosyante, mga mag asawa, estudyante, inhinyero, mga politico, mga nag oopisina at maging ng mga ordinaryong tao.
Ang malalim na karunungan at malawak na karanasan na nakamit ko gamit ang natural na panggamot ay naging direktang resulta nang pagamit ng kapangyarihang magpokus. Gamitin mo ang mga teknik na nasa aklat na ito at ikaw din mismo ay makikinabang.
Ang Super lihim na kaalaman ay hango sa karunungan ng mga taga silangan at kanluran, maging ng sinaunang divinong manggagamot.
PART 2
Ang kabanata isa ng aklat na ito ay nagpapaliwanag kung ano ang kahulugan ng “pokus,” ipinaliliwanag dito kung paanong ang pagpopokus ay mas higit pa sa aksyon ng kapangyarihan ng ating utak higit sa isang bagay. Sa pamamagitan ng pag pokus sa paggamit ng mga orasyon at pagsasagawa ng ritwal ay natutupad ang kahilingan ng isang nag didivino.
Ang kabanata dalawa hanggang tatlo ay nagpapakita kung paano mapapagana ang focus, ritwal at orasyon maging ang mga maaring makahadlang dito, kaakibat ang pwersa ng Yin at Yang o IHV na nagmula sa sinaunang natural na pilosopiya ng mga guro, masters at makapangyarihang tagapag turo. Tinatalakay rin ang natatagong kapangyarihan at kahalagahan ng iyong determinasyon, Ito ang pundasyon kung saan ang magaling na pagpopokus pag gamit ng mga orasyon at ritwal ay nabubuo, at ang kabanatang ito ay nagtuturo rin ng mga ideya kung paano mo pa ito mapapabuti.
Ang kabanata apat hanggang siyam ay nagtuturo kung paano magpokus na may kasamang intension, orasyon at ritwal sa pamamagitan ng paggamit ng isang kakaibang pormula ng pagpopokus, isang stratehiya na maaring gamitin sa anumang situwasyon. Nag-aalok din ito ng iba’t ibang pagsasanay upang maging bihasa sa mga pormulang ito. Ito ang unang hakbang upang marating ang “superfocusing.”
Ang kabanata sampu hanggang labing apat ay sumusuri kung paano makakatungo sa ‘Superfocusing,’ isang estado na tinatawag ng mga sinaunang Masters na “doing without doing.” Ito ang ningning, ang mahika na natatago sa ‘Supersuccess.’ Ito ay isang estado kung saan ang isang nilalang ay makakagawa ng isang tungkulin o gawain sa pamamagitan ng perpektong balanse at pagkakasunduan, ng hindi gumagamit ng paghihirap at tensyon. Ang kabanata sa seksyon na ito ay nagpapaliwanag nang pagkakaiba ng atensyon at konsentrasyon, at kung paano pa natin ito mapapabuti. Binunyag rin dito ang enerhiya, teknolohiya at espiritual na aspeto na kinakailangan upang maging posible ang pagsasagawa ng superfocusing. Idinagdag pa rito ang iba’t ibang uri ng pagsasanay upang ipakita kung paano ilipat ang isang karaniwang paraan ng pagbibigay ng atensyon sa mas matinding paraan ng konsentrasyon, at ang pagtungo pa sa mas mataas na antas na kasanayan sa pagpopokus.
Ang aklat na ito ay magwawakas sa isang pagsusuri at pagpapatibay ng iba’t ibang aspeto ng focusing. Ang konklusyon na pinapakita sa aklat na ito ay ang pinagsama-samang ideya, kung paano ginamit ang mga teknik at ang mga katangian na nakatulong magtagumpay ang mga matagumpay na tao.
Ang bawat kabanata rito ay nagpapakita kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng disiplina, isang uri ng sining. Upang matamo ang benepisyo ng pagiging disiplinado, ang isang tao ay nararapat lamang na maging isang disipolo na nag-aaral, sumusunod, nag sasagawa at bumubuhay sa ibinigay sa kaniyang karunungan, mga lihim na kaalaman at mga makapangyarihang orasyon, Ang dagdag na benepisyo ng pagiging disiplinadong tao ay ang kakayahang umagos sa iba pang bahagi ng buhay. Dagdag pa dito, ang mga pagsasanay na pinapakita rito ay nababagay sa bata man, mga estudyante at matatanda.
Ang mga benepisyo na makukuha sa aklat na ito
Hindi lamang ang pagpopokus sa sarili ang layunin ng aklat na ito. Ito ay isang paglalakbay na espirituwal, ang pagsasaliksik ng kapangyarihang nangagaling sa kaloob looban, isang kasangkapan upang makamit ang mas mataas na lebel ng kamalayan, kapayapaan at pagkakasunduan. Bagamat kaya mo nang gamitin ang matinding konsentrasyon kahit kalian mo man naisin, ikaw pa rin ay magbebenipisyo sa makukuhang impormasyon na nilalaman ng aklat na ito.
Ang mga kagila-gilalas na resulta ay makakamit kung ang focusing, at mga orasyon ay aktibo, may pagkukusa at gumagamit ng paraang may pakay o dahilan. Ang tagumpay ay maaring isagawa sa anuman at saan man. Maari kang mas maging mahusay, mas mapapataas ang antas ng pagiging produktibo at makakakuha ng mas mataas na lebel ng kasiyahan at kaluguran sa araw-araw na pamumuhay. Ang relasyon mo sa ibang tao ay mas magiging maganda at ikaw rin ay makakapagpataas ng husay at mekanismo ng pangagamot sa iyong sarili, maging sa kapwa tao. At sa sandaling nagsimula ka na magkaroon ng intensyon na magpokus sa iyong gawain, ang produkto ng iyong pagsisikap ay hindi lamang mas
magiging mahusay kundi makakamit mo ito sa mas mataas na kalidad sa mas maikling oras. Ikaw ay magagalak sa tagumpay na hindi lamang mas marami kundi mas nakakapagpaligaya!
Kung gagamitin mo ang mga teknik na itinuro sa aklat na ito, magkakaroon ka ng bago, mas maganda at mas matagumpay na buhay. Upang makamtan ang ganitong resulta, kinakailangang isagawa mo ang mga pagasasanay na nasasaad rito nang may galak at masigasig na interes. Upang maging dalubhasa sa “intentional focus” at “superfocus” kinakailangan nito ang oras at sipag sa pagsasanay. Mga tiyak na gantimpala sa anyo ng mas malawak na abilidad ay mapapansin habang ipinagpapatuloy mo ang pag aaply ng mga teknik na ito. Sa simula pa lamang dapat nang makakaramdam ng nakakaaliw na tiwala sa sarili kasabay nito ang pagranas ng mas malinaw na pag-iisip at paghatol.
Ang aklat na ito ay nagbibigay ng oportunidad upang ikaw ay matuto at mas umunlad, mas mabatid mo kung paano pahuhusayin ang isipan sa pamamagitan ng kapangyarihang magpokus. Tinuturo nito kung paano mapapakinabangan ang kapangyarihang ito at kung paano mo malalamang kung paano ito gamitin nang hindi mo masosobrahan ang iyong sarili.
Habang ikaw ay mas nagkakamalay sa iba’t ibang aspeto ng atensyon, konsentrasyon, pagpopokus ng may intensyon at superfocusing, maging sa tamang pag gamit ng mga orasyon at ritwals ikaw ay mas magiging handa sa mga tungkulin at makakayang mo itong isagawa ng mas mabilis at sa mas mataas na kalidad, nang hindi dumaranas ng stress.
Habang pinapataas mo ang kapangyarihan ng iyong isipan, ang Superfocusing sa mga orasyon at ritwals ay mas magpapadali na kusang ibahin ang iyong sarili sa estado na may sobrang kahusayan, kasabay nito ang pagbibigay sa iyo ng bagong kamalayan tungkol sa iyong sarili at sa buhay. Ang aklat na ito ay isang inbitasyon upang magsaliksik, paunlarin, at gamitin ang kapangyarihan ng iyong isipan na minamaneho at pinadalubhasa ng pagamit ng Superfocus sa mga orasyon at ritwals.
Ano ang Focus?
Ang Focus ay hindi lamang ang pagsasanay ng isipan higit sa isang bagay. Ito ay ang pagiging dalubhasa ng laman ng isipan at gawa sa pamamagitan ng pagtotono at pagpapatalas ng buong kaisipan, katawan, emosyon at espirito. Sa pamamagitan nito nadaragdagan natin ang personal nating kakayahan kung kaya’t nakukuha natin kung ano man ang gusto nating tuparin.
Ang pagiging pokus sa ritwals at orasyon ay ang tugatog ng pagkontrol sa sarili, at ang paghawak natin sa control ng ating kamalayan. Kapag tayo ay nasa pokus kaya nating ilagay ang ating atensyon upang makumpleto natin nang matagumpay ang ating tungkulin gaano man ito katagal.
Kapag walang pokus, para tayong isang bata sa loob ng tindahan ng lollipop. Karamihan satin nakakaranas at nagdurusa sa ‘magulong isipan’ na walang disiplina at walang pagpipigil na asal. Nagpupunta ito sa kung saan saang direksyon maliban sa kung ano ang kailangan natin, gusto natin o dapat sundin. Nagiging mapag-alala tayo sa hindi mahahalagang bagay, mga bagay na nag-aaksaya sa mahalaga nating oras at lakas. Ang ganitong klase ng pag-iisip ay madaling maabala, nagreresulta sa pangit na memorya, at mahinang kapangyarihan upang magkaroon ng konsentrasyon. Dahil diyan, napupunta tayo sa isang daan kung saan tayo ay nagiging negatibo, humihina ang ating produksyon, tayo ay nabibigo at nagkakaroon ng posibilidad na masira ang sarili. At ang ilan sa atin ay kadalasang nahahadlangan ng kakila-kilabot na kundisyon na ito.
Sa kabilang dako, ang kakayahang magpokus sa mga orasyon at ritwals ay nakakatulong sa isang tao na maging palagay at magkaroon ng komunikasyon sa sarili, sa ibang tao, sa mga hayop, halaman at sa lahat ng nasa nakapaligid sa kanya.
Ang pagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals ay mahalaga sa maraming bagay. Sa isang sitwasyon kung saan kailangang gumanap, gaya ng mga atleta o musician, ayaw nilang maabala ng takot o pagkabalisa, dahil sa ibang tao o bagay na nakapaligid sa kanila, kung hindi ay magiging magulo at walang kamalayan sa kanilang ginagawa sa ganoong mga pangyayari. Kung siya ay magpopokus sa kaniyang tungkulin magiging walang hanggan ang kaniyang potensyal. Walang anuman ang makakapigil sa kaniya kung siya ay buong buo ang pagpopokus. Walang makakahadlang sa kaniya.
Isipin mo nalang ang mga makakagambala sa isang grand final game kung saan ang mga manlalaro ay nakahanda na para sa huling pagtutuos. Ang ibang manglalaro ay lumalakas dahil sa pagkasabik at tensyon sa gayon ang kanilang pagganap ay nagiging mas magaling. Ang kakayahang makapag pokus sa pag usal ng mga orasyon ay magbibigay ng daan upang mapahusay pa ang kanilang emosyon, sa paraang magagamit nila ito para mas maging positibo at para sa sarili nilang pakinabang. Kaya nilang hindi pansinin at maapektohan ng napakalaking kasabikan at kaba mula sa lahat ng nakapaligid sa kanila kasama na ang mga taong manonood. Kung hahayaan nila ang sarili nilang maapektohan nang mga ito, ang laro ay maaring magresulta sa pagkatalo.
Ang pagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals ay nagagamit rin sa mundo ng pagnenegosyo. Ang bawat negosyo ay nararapat na mayroong sentro ng pagpopokus sa mga orasyon at ritwals at ang bawat empleyado ay dapat rin magkaroon ng kaniya kaniyang bahagi sa sentro ng pokus na iyon, upang sila ay maging parte na magkakaroon ng kontribusyon sa kabuuan ng operasyon. Kung ang bawat isang indibiduwal na empleyado ay matuturuan kung paano magpokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals sa bawat sariling layunin, maging ang layunin ng buong kompanya, ang pagsasanib pwersang ito ay makakapagpalago sa negosyo.
Sa isang aklat na pinamagatang Making it in America nasasaad doon ang ‘ten paths to business success’ kung saan nakapaloob ang malawak na pagsasaliksik, ang pagsusuri sa mahigit dalawang daang storya ng tagumpay at pakikipanayam sa mga pinaka matataas na ehekutibo sa America, sinabi nila na ang isang daan na mayroon sila ay ang ‘kalugin ang organisasyon’. Ipinaliwanag nila na ang isa sa kritikal na sangkap upang maging posible ang lahat ng ito ay ang maging pokus sa pamamagitan nang pagkilatis sa mga problema at kung saan talaga nararapat magpokus ang kumpanya. Natuklasan nila na ang mga kumpanyang may malinaw na stratehiya ng pagpopokus ay mayroong natatanging kalamangan at nagkakamit ng matayog na tagumpay.
Ang mga tunay na kampyon ay ang mga taong nagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at pag riritwal, ang mga taong tumutungo nang lagpas pa sa ordinaryong konsentrasyon. Sila ay may partikular na presensya, isang mabuting aura ang mararamdaman sa mga taong ito at kaya nilang magbigay ng positibong impluwensya kahit sa mga hindi nakakaalam nang kanilang kahusayan. Katulad sila ng mga tunay na kampyong atleta na nagpapakita ng kagitingan sa isang pastulan kahit na kakaunti lamang ang nanonood sa kanila.
May mga taong natural na may talento sa kanilang trabaho o sports na nakakahanap ng mas madaling paraan upang makapagpokus kumpara sa iba. Ito ay sumasalamin sa batas na anuman ang tungkulin, ay maaring makamit ang layunin nang mas mabilis, magaling at mas nakakapag-bigay ligaya kapag ang isang tao ay ginagawa ang alam niyang pinakamahusay na paraan, kapag ang isa ay sumusunod kung ano ang tama, ay nagiging masunurin rin ang layunin.
Ang pag-unawa sa pokus
Ang pagpopokus ay hindi lamang ang pagbibigay ng atensyon dito o ang kakayahang magkaroon ng konsentrasyon. Ito ay higit pa rito. Ang atensyon ay nagsasaad kung paano ang isang indibiduwal ay nagagawang iaply ang kaniyang sarili sa isang layunin, ang konsentrasyon naman ay nagpapahiwatig ng tibay na isagawa ang isang bagay sa sandali man o mahabang oras. Ang kaibahan ng pagpopokus ay ang pagpapatindi ng kakayahan ng ating sarili sa pamamagitan ng pagpapakita ng kombinasyon ng ating isipan, katawan at ang iba pang mahiwagang enerhiya ng iyong pagkatao upang maging isang aktibidad. Ang pagpopokus ay kakaibang paraan ng pagpapagana ng ating mental, pisikal at iba pang enerhiya. Tayong lahat ay gumagawa sa iba’t ibang paraan na sumasalamin sa maraming uri nang pagpapahayag ng enerhiya. Kapag tayo ay nagpopokus kadalasang tayo ay nagpapalit palit ng pamamaraan. Halimbawa ang bawat isa sa mga estudyante ay gagampanan ang ibang karakter o papel ang kanilang pokus ay lilipat o magbabago. Ang hindi magpalit ng kanilang pokus ay ang mga estudyanteng hindi buo ang paganap at pagpokus sa kanilang pagsasanay. Ang ganitong karakter ay nakikita rin sa ilang mga pinuno, tagapagsanay at mga guro na nahihirapang itama ang kanilang pokus ng mabilis at nang tama, upang sila ay makapagpokus nang buo sa kanilang mga tungkulin.
Habang isinasagawa ang pagpopokus, ang tindi ng inyong pagpopokus ay lalong nabubuo habang ito ay pinagsasanayan. Sa mga ehersisyo gaya ng pagtakbo, paglangoy o paglalakad, mayroon itong epekto sa pagbabago ng ating puso kapag isasagawa ang warm-up o cool down. At ang mga araw ng pagpapahinga sa pag-eehersisyo ay pumipigil sa pagkakaroon ng pinsala sa katawan. Kung kaya ito ay ginagamitan rin ng pokus.
Ang warm-up ay kapag nagsimula ka nang magbigay ng atensyon at konsentrasyon. Kapag ikaw ay nakapokus ang iyong buong isipan at katawan ay siya na ring mismo ang ‘aktibidad’ na iyong ginagawa.
Ang cool-down ay isang yugto kung saan ikaw ay nakakaramdam na ng kasiyahan at sigla habang ang iyong pisikal at mental na kapasidad ay bumabalik na sa kasalukuyang sandali. Ito ay kagaya ng saya na nararamdaman matapos ang magandang ehersisyo. Maari mo rin maranasan ang pakiramdam na parang ikaw lang ang nilalang sa mundo at wala lahat ng nakapaligid sa iyo. Ang mga araw naman ng pahinga gaya sa ehersisyo ay ang panahong buong buo kang makakapagpahinga at hayaang gabayan ka ng iyong mas mataas na enerhiya.
Kapag ikaw ay nasa estado ng pagpopokus, mararanasan mo na ang iyong mga pakiramdam ay lalong nagiging sensitibo at malakas. Mas marami kang makikita, mararamdaman at maiisip kumpara sa simpleng pagamit mo ng konsentrasyon.
Ang konsentrasyon ay maaring lamang mapunta sa malawak na pag-iisip, samantalang ang pokus ay higit pa sa pagpapakitid mo ng daan upang makuha ang iyong inaasinta. Ang una ay ang pagpapasikip mo ng daan upang mahanap ang iyong aasintahin, at pag ito ay natagpuan mo na, makikita mo ito ng mas malaki at ang iyong pagtingin tungkol sa inaasinta mo ay mas malinaw ang bawat sulok nito. Ang pagkakayari, kulay at pagkakabuhol ng mga detalye nito ay iyong mapapansin. Ikaw ay magiging parte ng iyong tinitignan at ang lahat ng bahagi nito ay makikita mo. Ang iyong isip, katawan at ang iba pang kakaibang enerhiya ay malulugod sa pakikipagsapalarang ito. Ang katawan ay hindi mapapagod at ang saya habang isinasagawa ito ay mararanasan. Maari itong maghatid sa iyo sa mas mataas na kaalaman.
Ang pokus ay isang matalinong paraan upang iaply ang enerhiya na nagmumula sa loob. Sinabi ng Kung Fu master na si Steeve Kiat, na kapag siya ay buo ang pokus habang isinasagawa ang isang matinding paganap siya ay, hindi ang kaniyang sarili.
Sinasabi niyang ang kanyang isipan at katawan ay wala sa loob ng kanyang pisikal na sarili, na siya ay nasa loob ng kanyang ginagawa, sa isang malayong lugar kung saan ang buo niyang sarili ay nalalango sa isang paraiso. Ang enerhiya mula sa kaniyang konsentrasyon ay nagbibigay sa kanya ng katulad na ng karanasan ng isang wala sa sariling katawan. Habang isinasagawa ang paganap madalas niyang maranasan ang kumpletong pagdidilim ng lahat ng nakapaligid sa kaniya, kung saan halos hindi na niya alam ang kaniyang ginagawa sa mga oras na iyon. Ang kanyang pokus ay nagreresulta sa walang hanggan pakiramdam.
Upang makapagpokus ng tama, kailangang may kakayahan kang ibukas o isara ito, kapag masasabi mong natapos mo na ang isang bagay na ginagamitan mo ng pokus, pansamantala mo itong itatabi at dapat alam mo kung kailan mo ito gagawin muli, at kinakailangan kaya mong makabalik muli sa buong pagpopokus sa kung ano man ang nais mong makamit.
Ang pagpopokus para sa ilang tao ay ang pagsasaayos ng isang lente upang mas mapalinaw ang isang imahe o larawan. Ngunit imbes na ang mata ang ating isaayos, ang ating isipan ang ating inaayos. Gaya lang ng pagkuha ng larawan kapag tayo ay nasa tahanan, ang lenteng ating ginagamit na katulad ng ating mga mata ay kusang nagpopokus upang makakuha ng malinaw na litrato. Sa kabilang banda, ang isang propesyonal na litrastista o katumbas ng ating isipan, ay gumagamit ng mas mahusay na kamera katumbas ng ating kakaibang enerhiya, na may mano manong adjustment sa lente gaya ng ating mata at buong katawan, upang makagawa ng isang litrato na may kaakit-akit na komposisyon.
Tayo ay nag-aadjust o nagpapalit ng ating pokus maya’t maya, kadalasang pinagpapalit palit ang ating atensyon at konsentrasyon sa susunod pang lebel at inaaply ang ating pokus sa mga bagay na mas kinakailangan natin agad agad, gaya ng pagkain at tirahan. Kapag mayroon na tayo ng mga ito, nililipat naman natin ang ating pokus sa ibang bagay. Ang hinaharap ay tunay at tiyak sa isang taong nakapokus, ‘tunay’ sa paraang ang taong ito ay karaniwang nakakamit ang kaniyang bagay na pinopokus. Ang pagpopokus sa isang negatibong bagay at hindi mahahalaga ay nagbibigay ng hindi magandang resulta, samantalang ang pagpopokus sa mga positibong bagay ay nagbibigay ng positibong resulta.
May iba’t ibang tindi at bilis ang pagpopokus. Ang ating pokus ay maaring lumakas o humina depende sa mga nakakaimpluwensya sa labas kasama na dito ang ating pisikal at mental na kalusugan. May mga sandaling nais nating ibahagi ang ating pokus at inilalagay nating ang malaking bahagi nito sa isang bagay, halimbawa na sa pagkukuhanan ng pera o sa ano mang bagay na tayo ay interesado. At may mga oras na tayo ay hindi handang ibahagi ang ating pokus at konsentrasyon ito ay nilalagay lamang natin sa iisang bagay upang tayo ay hindi magambala o lumihis sa ating layunin.
Dahil sa mabilis na pagpapalit palit ng ating pamumuhay, mahalagang magkaroon tayo ng matalas na talino sa pagamit ng pokus, upang tayo ay maging alerto, makita natin ang mga oportunidad at makapag desisyon kung kailangan natin itong sunggaban.
May mga bagay na hindi kayang ipahayag sa pagamit lamang ng purong katalinuhan. Minsan maiintindihan lamang natin ang mga ito kung tayo mismo ay papasok sa loob ng proseso, sa pamamagitan ng mismong pagranas nito, ito ang kaso sa pagpopokus, ito ay hindi purong pagamit lamang ng talino, ito ay isang emosyonal at praktikal na pagsasanay upang iyong malaman kailangan mo itong maranasan.
Para magkaroon ka ng panimulang ideya kung ano ang pakiramdam ng tunay na nakapokus, mag-isip ka ng isang oras sa iyong buhay kung saan ikaw ay sangkot sa isang bagay.
Iniimbitahan kita na maglaan ng ilang minuto upang alalahanin ang sandaling ikaw ay buong nakapokus sa isang bagay. Ipikit mo ang iyong mga mata at isabuhay mo ulit ang karanasang iyon. Ano ang pakiramdam? Maganda sa pakiramdam, hindi ba? Kapag ikaw ay talagang nakapokus. Ngunit gayon pa nahihirapan pa rin tayo at nagkakaroon ng hindi matagumpay na pagpopokus kapag hindi natin alam kung paano ito gawin.
Dapat ay walang hirap ang pagpasok sa mundo ng pokus, ang mundo ng natatagong talino, kapangyarihan at espirituwalidad. Bagaman importante na hindi tayo masyadong seryoso sa pagpopokus na hahantong sa sobrang tensyon at mahirapan dahil dito. Ang teknik upang mangyari ng natural ang pagpopokus ay ibibigay sa inyo habang binabasa ang aklat na ito.
Ang pagpopokus ay piniling pakikipagsapalaran patungo sa kamalayan kung saan ang isang tao ay papasok sa isang karanasan na pagiging kaisa ng buong kapaligiran. Ang pagiging ‘kaisa’ na ito ay siyang paraan upang tayo ay makapag-ugnayan sa ano man o sino mang ating gustuhin.
Higit pa rito, ang pagkakaroon ng kapangyarihan magpokus ay isang kasabik-sabik na paraan upang mabuhay, isang napakagandang pakiramdam, at ito ay nakakapagbigay ng buong kaluguran at kasiyahan.
Ang kakulangan sa pagpopokus ay madaling mapansin. Sa ating araw-araw na buhay kinakailangang tayo ay laging magbigay ng atensyon, magkaroon ng konsentrasyon, at pokus. Patuloy tayong nakikipagtuos sa mga nakakagambala sa atin, sa mga humahadlang sa ating memorya, sa pagiging wala sa sarili o kahit ang pagiging makakalimutin ay maaring magdulot ng sakuna. Ang pagkakaroon ng hangal na pagkakamali, mga kamaliang hindi mabilang bilang na maari namang mapigilan ay nakakapigil sa mapayapa nating pamumuhay. Ang nerbyos, pagod at sobrang dami ng kinain ay maari ring makapigil para tayo ay makapagpokus. Kaya ginagawa rin natin ang fasting bago gumawa ng pocus sa isang orasyon at ritwals.