Martes, Oktubre 3, 2017

Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan.

. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
            Nauunawaan natin na tayo ay isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon na dumating sa atin at ang lahat ng ating mga problema na ating nalalagpasan ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang pinaka-layunin ng ating sarili.  Ang mas mataas na kaalaman ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral. Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala bilang "ikatlong mata".
            Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasagawa pa ng higit pang meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon sa oras ng aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal na mga pangitain. Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Nakakaramdaman tayo ng maraming mga bagay na hindi natin maaaring ipahayag sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na boses, tunog o tunog ng mga instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin ang mga Masters sa isang pisikal na kaanyuang ayon sa ating pagkakaalam. Pagkatapos ng mas maraming meditasyon, unti-unti nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag na ilaw", kahit na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag na ilaw alam nating ito ang pagkakakilanlan ng ating mga masters. Maririnig natin ang mga mensahe mula sa mga Masters. Nararamdaman natin ang pagpunta natin sa isang lagusan at sa wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.
Ang Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
               22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin, maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
Ang Ilaw ng Katawan
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
               33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."

            Sa pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata  alam natin na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga problema sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters, o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng  pakiramdam. Sa pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating pang-unawa ay magbabago. Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal na kalagayan. Ngayon, atin naming alamin ang iba pang kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
Hebreo 2: 1-4
Ang Dakilang Kaligtasan
               1 Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin upang hindi tayo maligaw. 2 Ang mensaheng ipinahayag ng mga anghel ay napatunayang totoo, at sinumang lumabag o hindi sumunod dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. 3 Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na ito'y totoo. 4 Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.

Ang katawang astral ay isang kasangkapan ng ating sarili upang maunawaan ang iba pang mga prikwensiya ng katotohanan. Ang katawang astral ay isang uri o anyo ng ating kamalayan katulad lang ng ating pisikal na katawan. Sa normal na kondisyon, ang ating kamalayan o diwa ay kumakalat sa ating buong pisikal na katawan. Kapag tayo ay nakakatanggap ng sapat na halaga ng enerhiya at kung nararamdaman na natin at nauunawaan ang iba pang mga prikwensiya ng katotohanan, ang ating kamalayan ay kumikilos at nagiging pormang katawang astral. Nauunawaan natin na ang katawang astral ay nararanasan natin ng hindi namamalayan kapag tayo ay natutulog na kung tawagin natin ay panaginip. Alam natin na madarama ang karanasan ng katawang astral ng may kamalayan kapag tayo ay nag memeditasyon.
Ang katawang astral ay naglalakbay lampas sa espasyo at oras. Pagkatapos magsagawa ng may malay na karanasang astral unti-unting nauunawaan na natin at kakikita ang mga bagong dimensyons. Sa meditasyon pagkatapos matanggap ang masaganang enerhiyang kosmiko ang ating kamalayan ay kumakalat sa lahat ng dako ng ating katawan nag-uumpisang gumalaw papunta sa isang dako ng katawan habang gumagalaw ang ating kamalayan, nakakaranas tayo ng kislot sa ating pisikal na katawan. Nararamdaman natin na parang ang ating buong katawan ay lumulutang, hindi natin maramdaman ang ating mga kamay at paa. Nararamdaman natin ang gaan ng ating katawan tulad ng isang balahibo. Ang pag-galaw ay maaaring maranasan na parang umiikot ang buong katawan. Ito ay kilala bilang astral na pag-galaw.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mas marami pang meditasyon, nakakakuha tayo ng mas marami pang kosmikong enerhiya.Ang ating kamalayan ay nagiging pormang tulad ng isang katawang nagsisimula umiikot ng napakabilis na nagiging sanhi ng mga mabibigat na paggalaw. Pagkatapos ng paggalaw ang astral na  katawan ay nag-uumpisang lumabas mula sa  pisikal na katawan na may isang koneksyon  na tinatawag na pilak na kuwerdas. Ang pilak ng kuwerdas    ay walang iba kundi isang mataas na makulay at tumataginting na kamalayan na naglilipat ng mga mensahe mula sa pisikal na katawan papunta sa astral katawan at baligtaran. Dahil dito, nagagawa natin ang astral na paglalakbay.  Ang astral na paglalakbay ay isang paglalakbay ng ating kamalayan sa mga alam na natin at sa hindi pa natin alam na mga prikwensiya.
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng astral na paglalakbay nakukuha natin ang pinakamataas na kaalaman at pinakamataas na pag-unawa sa ating sarili, ang ating astral na Katawan ay tumatagos pumasa sa lahat ng mga pisikal na materyales at sa lahat ng mga elemento tulad ng lupa, tubig, apoy, hangin at sa umaapoy na kimiko. Ang Astral na katawan ay maaaring pumunta sa iba’t ibang prikwensiya nang walang anumang limitasyon.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento