Biyernes, Abril 6, 2018

Mediums: We See Dead People


https://www.youtube.com/watch?v=qbihZ72l_Xk
Ang tao ay binubuo ng higit pa sa isang simpleng pisikal na katawan. Matutuklasan natin na mayroon tayong iba pang mga katawan na kumilos bilang ating mga behikulo sa mas mataas na mga dimensyon. Ito ay nakakagulat sa ilang mga tao, ang katotohanang mayroon pang ibang mga dimensyon na hindi natin alam.
Sa ngayon kahit nasaan ka man naroroon ikaw ay isang multi-dimensional na tao. Ginagamit mo na ng sabay-sabay ang pagsakop sa haba, lapad at taas na siyempre ay ang klasikong tatlong dimensyon ang ikaapat na dimensyon ay ang oras na dumadaloy habang dumadaan tayo sa pisikal na mundo. Hindi ito tumitigil doon, ang dimensyon ay patuloy na tumataas sa mas mataas. Na pag aaralan natin ngayon.
Ang astral na katawan ay simpleng behikulo na ginagamit natin sa astral na kalagayan. Ang bawat dimensyon ay may katumbas na katawan o behikulo para sa mga ito. Ang isa na pinaka-pamilyar sa iyo ay ang isa na pinakamalapit sa iyo, ito ay ang iyong pisikal na katawan at ang pisikal na katawan ay simpelng behikulo na ginagamit natin upang sakupin ang tatlong mga dimensyon ngunit mayroon pa tayong ibang mga katawan na kumikilos bilang mga behikulo sa iba't-ibang mga dimensyon na hindi natin namamalayan dahil tayo ay hindi laging nakatutok sa kanila.
Ngunit sa iba't-ibang mga dimensyon maaari mong minsang maisip na ang mga ito ay iba't ibang mga suson o iba't ibang mga antas tulad ng isang hagdan, ngunit talagang ito ay iba't ibang mga dimensyon na tumatagos sa bawat isa ang mga ito ay tuloy-tuloy kaya lamang hindi mo ito maranasan ay dahil nakatuon ka lamang sa tatlong mga dimensyon na kung saan ito lamang ang iyong nakikita.
Kaperas ito ng ideya na kapag may signal ng radyo sa lahat ng dako sa hangin ang tanging signal na maririnig mo ay kung saang istasyon ng radio mo ito itinuon. Iyon lang ang tanging istasyon na makukuha mo bagaman ang lahat ng iba pang mga istasyon ay sabay-sabay na nasa iyong silid sa parehong oras kung ilipat mo lang ang iyong radyo sa isang bagong istasyon ang astral projeksyon ay maihahalintulad sa tono ng iyong sariling receiver o tagatanggap sa mga prikensiya ng mga iba't ibang mga dimensyon upang maramdaman at makipag-ugnayan sa kanila.
Ang astral projeksyon ay ganap na ligtas at natural na proseso na kung saan ang ating astral na katawan ay humihiwalay mula sa ating pisikal na katawan at napupunta sa astral na kalagayan. Bakit natin nasabi na ito ay lubos na ligtas at natural? Ito ay dahil ginagawa mo ito gabi- gabi. Sa bawat gabi kapag ikaw ay natutulog nangyayari ang astral projeksyon ang iyong pisikal na katawan ay natutulog, ang iyong kamalayan ay nalilipat mula sa pisikal na katawan sa iyong astral na behikulo at natatandaan mo ang mga karanasan ito bilang mga panaginip.
Ano ang astral projeksyon?
Ang astral projeksyon ay nangyayari kapag ang ating kamalayan, ang ating pagkaalam kung sino tayo, ay bumubukas sa ating astral na behikulo at pagkatapos ay nagkakaroon tayo ng karanasan sa astral na dimensyon.  Ang kamalayan, ang kung sino tayo, ay higit pa sa pisikal na katawan. Ito ay isang bagay na maaaring gumalaw, lumipat sa paligid ng ibat ibang dimensyon. Ang pisikal na katawan ay nakatali sa tatlong mga dimensyon ngunit ang iyong kamalayan ang kung sino ka ay talagang kayang magpalipat lipat sa iba pang mga dimensyon. Kaya sinasabing kilala mo na ang iyong sarili bago ka pa man ipanganak ngunit nawaglit ito ng nagkaroon ka ng pisikal na katawan.
Iyon ang mangyayari kapag tayo ay nag-aastral proyek sinasama natin ang ating kamalayan palabas ng ating mga pisikal na behikulo at lumilipat sa isa pang behikulo palipat sa astral. Upang muling makita at maranasan ang bagay na hindi nakikita sa pisikal na mundo.
Ang bawat tao'y nakakaranas nito sa regular na batayan dahil ginagawa mo ito gabi-gabi kapag ikaw ay natutulog. Bahagi ng proseso ng pagtulog ay ang pagsasalin ng kamalayan mula sa pisikal papunta sa astral at iyan ay kinakailangang bahagi ng pagtulog, ang pamamahinga at pagpapagaling para sa pisikal na katawan ay ang paglipat ng kamalayan sa isang iba't ibang mga behikulo.
Ano ang astral na kalagayan?
Ang astral na kalagayan ay simpleng bahagi ng ika-limang dimensyon. Napag-usapan na natin ang tungkol sa tatlong mga dimension ang haba, lapad at ang taas. Ang ikaapat na dimensyon kung minsan ay tinatawag na isang mahalagang kalagayan o eterikong kalagayan na nakaugnay sa oras. Ang astral na mundo ay bahagi ng ika-limang dimensyon. Sa ngayon tayo ay malinaw na sumasakop sa una, ikalawa at ikatlo ngayon ang ika-apat ay ang eteriko na nakaugnay sa oras kahit na may mas mataas pang dimensyon. Mayroong pang-higit na dimension na umiiral sa labas ng astral na mundo.
Ang astral na kalagayan ay naglalaman ng limang sukat na aspeto ng mga bagay at mga bagay na ito sa tatlong dimensional na kalagayan tulad ng iyong katawan ito ay hindi humihinto sa pag-iral at ang iyong kamalayan ay hindi humihinto sa pag-iral.
Lahat ng bagay na umiiral ay umiiral sa maramihang mga antas tayo ay naka- tune in lang ngayon sa tatlong-dimensional na aspeto.

Iyon ang dahilan kung bakit kapag narinig mo ang kwento ng sinaunang kultura, sila ang mga sinaunang tao na nagkukwento sa mga taong taga siyudad at sinasabing ang mga bagay tulad ng maaari mong makita tulad ng malaking puno ngunit hindi mo talagang nakikita ang malaking puno kung ano ang tinutukoy nila ay ang ating abilidad upang mahiwatigan lamang ang tatlong mga dimensyon at hindi lumalampas at hindi nakikita maliban ang tatlong-dimensional na kalikasan na katangian ng mga bagay na nakapaligid sa atin.

2 Corinto 12: 1-21

Mga Pangitain at mga Pahayag
               1 Kailangan kong magmalaki, kahit na wala akong mapapala sa paggawa nito. Ang sasabihin ko naman ngayo'y ang mga pangitain at mga pahayag mula sa Panginoon. 2 May kilala akong isang Cristiano na dinala sa ikatlong langit, labing-apat na taon na ang nakakalipas. Hindi ko lang matiyak kung iyo'y isang pangitain lamang, o tunay na pangyayari; ang Diyos lamang ang nakakaalam. 3 Inuulit ko, siya'y dinala sa Paraiso. At tulad ng sabi ko, ang Diyos lamang ang nakakaalam kung ito nga'y isang pangitain o tunay na pangyayari. 4 Nakarinig siya roon ng mga bagay na di kayang ilarawan ng salita at di dapat bigkasin ninuman. 5 Ipagmamalaki ko ang taong iyon, at hindi ang aking sarili, maliban sa aking mga kahinaan. 6 At kung ako'y magmalaki man, hindi ako lalabas na hangal, sapagkat totoo ang sasabihin ko. Ngunit hindi ko ito gagawin, sapagkat ayaw kong mag-isip ang sinuman nang higit tungkol sa akin kaysa kanyang nakita o narinig sa akin.

Pahayag 4: 1-11

Pananambahan sa Langit
               1 Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukas na pinto.
               At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, "Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito." 2 At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon. 3 Ang anyo niya'y maningning na parang mahahalagang batong jasper at kornalina. May isang bahagharing nagniningning na parang esmeralda sa palibot ng trono. 4 Nakapaligid naman dito ang dalawampu't apat pang trono na sa bawat isa'y may nakaupong isang pinuno na nakadamit ng puti at may koronang ginto sa ulo. 5 Mula sa trono ay gumuguhit ang kidlat, kasabay ng mga ugong at mga kulog. Sa harap ng trono ay may pitong nagniningas na sulo; ito ang pitong espiritu ng Diyos. 6 Sa harap ng trono ay may tila dagat na salamin na sinlinaw ng kristal.
               Sa apat na panig ng trono ay may apat na buhay na nilalang, na punung-puno ng mga mata sa kanilang harap at likod. 7 Ang unang buhay na nilalang ay katulad ng leon; katulad naman ng baka ang pangalawa; kamukha ng tao ang pangatlo; at katulad naman ng agilang lumilipad ang pang-apat. 8 Ang bawat isa ay may tig-aanim na pakpak, at punung-puno ng mga mata sa harap at likod. Walang tigil ang kanilang pag-awit araw at gabi,
"Banal, banal, banal, ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
ang Diyos ng nakaraan, ng kasalukuyan, at siyang darating."

9 Tuwing umaawit ng papuri, parangal at pasasalamat ang apat na buhay na nilalang sa nakaupo sa trono, na nabubuhay magpakailanman, 10 ang dalawampu't apat na pinuno naman ay nagpapatirapa sa harap ng trono at sinasamba ang nakaupo doon, ang nabubuhay magpakailanman. Iniaalay nila ang kanilang korona sa harap ng trono, at sinasabi,
11 "Aming Panginoon at Diyos!
Karapat-dapat kang tumanggap ng papuri, karangalan, at kapangyarihan;
sapagkat ikaw ang lumalang sa lahat ng bagay, at ayon sa iyong kagustuhan, sila'y nilalang
mo at pinapanatili."

Ang iba't ibang mga dimensyon ay pinamamahalaan ng iba't ibang mga batas kaya dapat tayong tumingin sa astral na kalagayan, sa iba't ibang mga pag-iral, sa iba't ibang mga dimensyon sa labas ng tatlong mga dimensyon na nauugnay tayo.  

Kapag tinitingnan natin ang iba't ibang mga dimensyon at subukang paghahambingin ang mga ito, ang iba't ibang mga dimensyon ay tunay na pinamamahalaan ng iba't ibang mga batas. Isa sa mga kagiliw-giliw na mga bagay-bagay tungkol sa astral na kalagayan ay, mas kakaunti ang nais nating tawagan batas na nandito.

Ang pisikal na mundo na kung saan tayo naroroon ay karaniwang may mga pangunahing batas na namamahala rito. Habang tumataas tayo sa dimensyon mas kumukonti ang mga batas na ating na eenkwentro halimbawa sa astral na mundo dito ay walang grabidad o bigat, dito ay walang oras sa sandaling makapunta  ka sa astral umiiral ka ng labas sa oras.

Mayroong ding iba't ibang mga batas ng pisika na namamahala sa mosyon o paggalaw.
Noong ang mga sinaunang tao ay tumingin sa mas mataas na dimensyon ng magkaroon sila ng mga karanasan sa mas mataas na dimensyon napansin nila ang kawalan ng mga batas at ang iba't ibang grado ng kalayaan na nagmumula doon.

At kapag naranasan ng sinaunang tao ang mas mataas na dimensyon, sinasabi nila na ito ay isang napakagandang lugar, ito ay langit, ito ay paraiso kaya ang konsepto na mayroon tayo sa langit, sa paraiso, ng lahat ng mga iba't ibang mga relihiyon sa daigidig ay nagsasalarawan ng mga karanasan ng mga sinaunang mga tao sa mas mataas na dimensyon.

Awit 19: 1-14
Ang Paglilikha at ang Kadakilaan ng Diyos
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.1 Ang kaluwalhatian ng Diyos ay ipinapahayag ng kalangitan!
Ang ginawa ng kanyang kamay, ipinapakita ng kalawakan!
2 Sa bawat araw at gabi, pahayag ay walang patlang, patuloy na nagbibigay ng dunong at kaalaman.
3 Wala silang tinig o salitang ginagamit,wala rin silang tunog na ating naririnig;
4 ngunit abot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,balita ay umaabot hanggang sa dulo ng daigdig. Gumawa ang Diyos sa langit ng tahanan para sa araw,
5 tuwing umaga'y lumalabas ito na parang masayang kasintahan, tulad ng masiglang manlalaro na handang-handa sa takbuhan. 6 Sa silangan sumisikat, lumulubog sa kanluran,
walang nakapagtatago sa init nitong taglay.

Genesis 1: 1-31

Ang Kasaysayan ng Paglikha
               1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa; a 2 ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos b sa ibabaw ng tubig. 3 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng liwanag!" At nagkaroon nga. 4 Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim. 5 Ang liwanag ay tinawag niyang Araw, at ang dilim naman ay tinawag na Gabi. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang unang araw.
               6 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito'y magkahiwalay!" 7 At nangyari ito. Ginawa ng Diyos na pumagitan ang kalawakan sa tubig na nasa itaas at sa tubig na nasa ibaba. 8 Langit ang itinawag niya sa kalawakan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikalawang araw.
               9 Sinabi ng Diyos: "Magsama-sama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang lumitaw ang lupa." At nangyari nga ito. 10 Tinawag niyang Lupa ang tuyong bahagi at Dagat naman ang nagsama-samang tubig. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan. 11 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Magkaroon sa lupa ng lahat ng uri ng tumutubong halamang nagkakabinhi at mga punong namumunga." At nangyari ito. 12 Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya nang ito'y mamasdan. 13 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikatlong araw.
               14 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng mga tanglaw sa langit upang mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga araw, taon at kapistahan. 15 Mula sa langit, ang mga ito'y magbibigay ng liwanag sa daigdig." At gayon nga ang nangyari. 16 Nilikha ng Diyos ang dalawang malalaking tanglaw: ang Araw, upang magbigay liwanag sa maghapon, at ang Buwan, upang tumanglaw kung gabi. Nilikha rin niya ang mga bituin. 17 Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig, 18 tumanglaw kung araw at gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y kanyang mamasdan. 19 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaapat na araw.
               20 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon sa tubig ng maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa himpapawid." 21 Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig, gayundin ang lahat ng uri ng ibon. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y mamasdan. 22 Pinagpala niya ang mga ito at sinabi: "Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang daigdig." 23 Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikalimang araw.
               24 Sinabi ng Diyos: "Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa---maaamo, maiilap, malalaki at maliliit." At gayon nga ang nangyari. 25 Ginawa nga niya ang lahat ng ito, at nasiyahan siya nang ito'y kanyang mamasdan.
               26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: "Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit." 27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, "Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. 29 Ibinibigay ko rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat ng mga ibon." At ito nga ang nangyari. 31 Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaanim na araw.
Jeremias 31:
35 Si Yahweh ang naglagay ng araw upang lumiwanag sa maghapon,
at ng buwan at mga bituin upang tumanglaw sa magdamag;
siya ang nagpapagalaw sa dagat kaya umuugong ang mga alon;
ang pangalan niya'y Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat!

Roma 1:

20 Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang likas na hindi nakikita, ang kanyang kapangyarihang walang hanggan at ang kanyang pagka-Diyos, ay maliwanag na inihahayag ng kanyang mga ginawa. Kaya't wala na silang maidadahilan pa.
Kapag ikaw ay nag astral sa mas mababang dimensyon masasagupa mo ang mas maraming mahihigpit na batas ang mga bagay ay istrikto mas siksik  at mas kakaunti ang digri ng kalayaan.

Ng maranasan ng mga sinaunang tao ang dimensyon sa ibaba natin, sinasabi nilang napakaraming batas doon susunod ka kung ano ang iniuutos sa iyo, sinasabi nilang doon ay kakila-kilabot, ito ay isang lugar ng paghihirap, ng hapdi at walang taong gustong pumunta doon kaya iyan ang mas mababang dimensyon na sa bandang huli ay tinatawag ng impiyerno ng mga relihiyon sa mundo.

Pahayag 20: 1-15

Ang Sanlibong Taon
               1 Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang anghel na bumababa mula sa langit, hawak ang isang malaking kadena at ang susi ng bangin na walang kasing-lalim. 2 Sinunggaban niya ang dragon, ang matandang ahas na walang iba kundi ang Diyablo o Satanas, at ginapos ito sa loob ng sanlibong taon. 3 Ito'y inihagis ng anghel sa bangin na walang kasing-lalim, saka isinara at tinatakan ang pinto nito upang hindi siya makalabas at makapandaya pa sa mga bansa hangga't hindi natatapos ang sanlibong taon. Pagkatapos nito'y palalayain siya sa loob ng maikling panahon.
               4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo doon ay binigyan ng karapatang humatol. Nakita ko rin ang mga kaluluwa ng mga taong pinugutan dahil sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus at sa pagpapahayag ng salita ng Diyos. Hindi sila sumamba sa halimaw ni sa larawan nito, ni tumanggap man ng tatak ng halimaw sa kanilang noo o kamay. Binuhay sila upang magharing kasama ni Cristo sa loob ng sanlibong taon. 5 Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Ang iba pang mga patay ay bubuhayin din pagkaraan ng sanlibong taon. 6 Mapalad at lubos na pinagpala ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; sila'y magiging mga pari ng Diyos at ni Cristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng sanlibong taon.
Ang Pagkatalo ni Satanas
7 Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. 8 Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. 9 Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. 10 At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa da- gat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.
Ang Huling Paghuhukom
               11 Pagkatapos nito'y nakita ko ang isang malaking tronong puti at ang nakaupo doon. Naglaho ang lupa't langit sa kanyang harapan, at hindi na nakita pang muli. 12 Nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, batay sa nakasulat sa mga aklat. 13 Iniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at ng daigdig ng mga patay ang mga nakalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. 14 Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang daigdig ng mga patay. Ang lawa ng apoy ay ang pangalawang kamatayan. 15 Itinapon sa lawa ng apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay.

Pahayag 14: 1-20

Ang Awit ng mga Tinubos
               1 Tumingin ako, at nakita ko ang Kordero na nakatayo sa Bundok ng Zion, kasama ang 144,000 tao. Nakasulat sa kanilang noo ang pangalan ng Kordero at ang pangalan ng kanyang Ama. 2 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig na sinlakas ng mga alon sa dagat at dagundong ng kulog. Ang tinig na narinig ko'y parang tugtugan ng mga alpa. 3 Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at sa harap ng mga pinuno. Walang makaunawa sa awit na iyon kundi ang 144,000 na tinubos mula sa sanlibutan. 4 Ito ang mga lalaking nanatiling malinis at hindi nagkaroon ng anumang kaugnayan sa mga babae. Sumusunod sila sa Kordero saanman siya magpunta. Sila'y tinubos mula sa buong sangkatauhan bilang mga unang handog sa Diyos at sa Kordero. 5 Hindi sila nagsinungaling kailanman at wala silang anumang kapintasan.
Ang Tatlong Anghel
               6 Nakita ko rin ang isa pang anghel na lumilipad sa kalawakan, dala ang walang katapusang Magandang Balita upang ipahayag sa mga tao sa lupa, sa lahat ng bansa, lahi, wika, at bayan. 7 Sinabi niya nang malakas, "Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya! Sapagkat dumating na ang oras ng kanyang paghatol. Sambahin ninyo ang Diyos na lumikha ng langit, lupa, dagat, at mga bukal ng tubig!"
               8 Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, "Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng tao ng alak ng kanyang kahalayan!"
               9 At sumunod sa dalawa ang ikatlong anghel na sumisigaw nang malakas, "Sinumang sumasamba sa halimaw at sa larawan nito, at nagpatatak sa kanyang noo o sa kamay, 10 ay paiinumin ng Diyos ng alak ng kanyang poot na walang halong ibinuhos sa kopa ng kanyang galit. Pahihirapan sila sa apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel at ng Kordero. 11 Ang usok mula sa apoy na nagpapahirap sa kanila ay mag-aalab magpakailanman. Araw at gabi ay maghihirap nang walang pahinga ang mga sumamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at ang mga natatakan ng kanyang pangalan."
               12 Kailangang magpakatatag ang mga hinirang ng Diyos, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananampalataya kay Jesus.
               13 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, "Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!" At sinabi ng Espiritu, "Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan."
Ang Pag-aani
               14 Tumingin uli ako, at nakita ko naman ang isang puting ulap, at nakaupo rito ang isang kamukha ng Anak ng Tao, may suot na koronang ginto at may hawak na isang matalim na karit. 15 Isa pang anghel ang lumabas mula sa templo at malakas na nagsalita sa nakaupo sa ulap, "Gamitin mo na ang iyong karit, gumapas ka na sapagkat panahon na; hinog na ang aanihin sa lupa!" 16 Ginamit nga ng nakaupo sa ulap ang kanyang karit, at ginapas ang dapat anihin sa lupa.
               17 At isa pang anghel ang nakita kong lumabas mula sa templo sa langit; may hawak din itong matalim na karit. 18 Lumabas naman mula sa dambana ang isa pang anghel. Siya ang namamahala sa apoy sa dambana. Sinabi niya sa anghel na may matalim na karit, "Gamitin mo na ang iyong karit, at anihin mo ang mga ubas sa lahat ng ubasan sa lupa, sapagkat hinog na ang mga ito!" 19 Kaya't ginamit ng anghel ang kanyang karit, inani ang mga ubas, at inihagis sa pisaan. Ang pisaang ito ay larawan ng matinding poot ng Diyos. 20 Pinisa sa labas ng bayan ang mga ubas at mula sa pisaan ay bumaha ng dugo. Ang lawak ng baha ay umabot hanggang 300 kilometro, at ang lalim ay sintaas ng sa nguso ng kabayo.
Kaya ang konsepto ng langit at Impiyerno ay ang pagsasalarawan ng mga sinaunang tao na nagpapaliwanag ng kanilang mga karanasan sa mas mataas at mas mababang mga dimensyon.

Kapag ang pinag-usapan natin ang tungkol sa pisika na namamahala sa mosyon o pag-galaw, ang isa sa mga kagiliw-giliw na bagay ay ang mga paggalaw na ating nararanasan sa pisikal na mundo na kung manggagaling sa isang lugar at papunta sa isang lugar nagagawa natin ang paglipat maging sa astral na mundo sa pamamagitan ng ating kagustuhan o kalooban, sa halip na isang pisikal na paglalakad. Nagagawa ito sa pamamagitan ng astral na paglalakbay.

Bagaman tayo ay nakatali sa tatlong mga dimension ang taas, haba, lapad na nakatali sa oras at distansya, hindi maaaring ihiwalay sa atin kung ano ang pagkakaiba sa pagitan mo na nandidito at ikaw na nasa ibang lugar maliban sa oras na kinakailangan upang makarating mula rito papunta sa ibang lugar. Sa pamamagitan ng astral na paglalakbay.

Kapag tinanggal mo ang oras sa labas ng ekwasyon, isang bagay na interesante ang mangyayari walang konsepto ng oras lahat ng bagay ay umiiral sa parehong punto sa eksaktong parehong espasyo. Walang oras sa mundo ng astral maging sa astral na kalagayan.
Kaya sa simpling pag punta mula rito papunta roon simpling naisin kung saan mo gustong pumunta ay makakapunta ka mula sa isang lugar papunta sa ibang lugar sa pamamagitan ng kagustuhan o pag nanais napapabilis lang ito kung sanay ng mag meditate at gumamit ng makapangyarihang mga orasyon kaysa pisikal na maglakad kung saan ninanais mong makarating, ito ang astral na paglalakbay.

Maaari kang tumagos sa matitigas na bagay at maglakbay sa malalayong distansya sa isang iglap, kapag ikaw ay nasa astral na  mundo.  Kung nais mong maging biglang nasa bundok Banahaw madali mo lang itong magagawa, ipako o ipukos mo ang iyong kaisipan sa lugar na iyon at ang pagpunta doon agad agad mayroong isang sensasyon ng mabilis na paggalaw at pagkatapos ay biglang nakarating ka na sa lokasyon dahil wala tayong mga konsepto ng oras kaya maging ang konsepto ng distansya ay nababago.

Ang iba't ibang mga batas na ating nararanasan sa astral na mundo dahil natatandaan natin na galing tayo sa astral na mundo, sa bawat oras na nakakatulog tayo ang iba't ibang mga batas na naranasan natin doon ay nagsasalaysay sa mga pulutong ng mga klasikong nakakabangungot na senaryo na pamilyar sa lahat ng mga tao. Kaya kinakailangang naka shield bago matutulog o kapag maglalakbay sa astral na mundo na kasama ang mga warrior angels bilang escorts. Dapat na alam ang mga sikretong rituwals at orasyon para rito.

AWIT 91: 1-16 Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, At nananatili sa kalinga niyong Makapangyarihan; Makapagsasabi sa kanyang Panginoon; “Muog ka’t tahanan, Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.” Ikaw’y ililigtas niya sa panganib, sa umang na bitag, At kahit ano mang mabigat na salot di ka magdaranas. Lulukuban niya sa lilim ng kanyang malabay na pakpak Sa kalinga niya ay natitiyak mo na ikaw ay ligtas; Iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y tapat, Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, Maging sa gagawing biglaang paglusob pagsapit ng araw. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, Di ka matatakot sa kasamaan mang araw kung dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, Sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo, Di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano. Ikaw’y nagmamasid at sa panonood iyong mamamasdan, Yaong masasama ay makikita mong pinarurusahan. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, At ang pinili mong mag-ingat sa iyo’y Kataas-taasan, Di mo aabuting ikaw’y mapahamak, at walang daratal kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Susuguin niya ang maraming anghel,sila’ng susubaybay, kahit saang dako ikaw maparoon, tiyak iingatan. Sa kanilang palad ay itatayo ka’t, sila’ng magtataas Nang hindi masaktan ang mga paa mo sa batong matalas. Kahit ang tapakan mo ay mga leon, ahas na mabagsik, Di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis. Ang sabi ng Diyos, “Aking ililigtas ang tapat sa akin, At iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilalanin. Pag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan’ Aking sasamahan at kung may hilahil ay sasaklolohan; Aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan. Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, At nakatitiyak na tatamuhin nila’y kaligtasan!”

Halimbawa kapag ikaw ay may panaginip na nahuhulog ka, halos lahat ng tao ay nakaranas ng managinip ng parang nahuhulog siya sa kawalan, isa sa mga dahilan kung bakit nangyayari iyun, ay dahil ang ating mga pisikal na katawan sa ating kaisipan ay nasanay sa konsepto ng grabidad o bigat.

kapag mayroon tayong karanasan sa astral na kaharian sa ating mga panaginip walang grabidad doon kaya biglang mararamdaman natin na tayo ay parang lumulutang  o nahuhulog na parang-may mali maaarng palagi nating nararamdaman na nahuhulog tayo ng walang hangganan o walang katapusan pero maaari rin namang nating gawin ang kabaligtaran minsan nananaginip tayo alam ko naranasan nyo rin na kung saan lumilipad ka o lumulutang sa ibabaw ng lungsod o ng iyong bahay.

 Isa pang klasikong senaryo ng bangungot ay ang sitwasyon na hindi ka makatakbo habang nananaginip at natatakot. Lahat tayo ay nakaranas na parang may humahabol sa atin sa panaginip ngunit hindi natin maigalaw ang ating mga paa at hita. Hindi natin makuhang tumakas at makalayo.

Isa sa mga bagay na nangyayari sa ganoong senaryo ay ang iyong utak ay nagsisimulang mag- panic dahil sa ikaw ay natatakot habang nasa astral na mundo sinusubukan mong itakbo ang iyong mga paa ngunit hindi mo ito maitapak at wala kang tatapakan dahil ang iyong astral na katawan ay hindi isang katawan na may laman at buto kaya hindi magkakaroon ng konekyon sa iyong utak kaya nararanasan mo ang panik tulad ng hindi ka makakilos na para kang naninigas.

Isa pang klasikong senaryo ay kung hindi mo maigalaw ang iyong mga paa hindi ka  makaalis sa lupa, hindi ka makaakyat ng hagdan dahil ang iyong mga paa ay hindi mo maigalaw o nararamdaman mong ikaw ay lumulubog iyan ay magkakaugnay na konsepto ito ay paraan ng mga bagay na makipag-ugnayan sa mundo ng astral o tumatagos ka sa matitigas na bagay, lumalagpas ang iyong kamay sa matitigas na bagay, tumatagos ka sa pader,
na lumulutang kang pababa sa sahig at tumataas sa kisame.

Isa sa mga pinaka mahalagang aspeto upang tunay na maunawaan mo ang tungkol sa astral na kalagayan ay ang astral na mundo ay tumutugon sa ating mga iniisip, ang ating iniisip ay nalilikha doon.
Ngayon iyan ay hindi nangyayari sa pisikal na mundo kahit na ano ang iyong iniisip ngayon ang iyong kuwarto ay hindi nagbabago  at palaging ganoon ang hitsura. Ang mga saloobin at pantasiya at mga imahe o ano pa man ang iyong iniisip sila ay umiiral lamang sa tabing ng iyong kaisipan.
Isa sa tunay na mahalagang bagay na dapat maunawaan sa astral, dito nalilikha ang iyong iniisip, ang mga bagay sa mundo ng astral ang enerhiya na umaalinsunod sa pag-iisip kaya kung ano ang iniisip mo sa astral ay nagiging ang iyong mga kaisipan sa ngayon kung ano ang iniisip mo sa mundo ng astral ito ang iyong magiging realidad.

Ito ang dahilan kung bakit kapag nakatulog ka ng may iniisip sa iyong diwa at ito’y nakababahala hindi kataka takang ito rin ang iyong mapapanaginipan sa gabi, iyan ang dahilan kapag nakatulog ka sa gabi at iniisip mo ang isang tao, iniisip mo ang isang lugar hindi kataka takang managinip ka na dawit sila o mapanigipan ang lugar dahil kapag ipinasok mo ang mundo ng astral ng may iniisip sa iyong isip iyon ang senaryo na magiging iyong realidad.

Kaya kapag ang tao ay nananaginip sa astral na mundo, ito ay katulad ng ang lahat ng tao ay mayroong kani-kanilang sariling suot suot na helmet ng birtual na katotohanan na pinalilipad lamang sa kung ano ang nais nilang makita sa kanilang harapan.

Ang iyong mga panaginip ay karaniwang ang iyong sariling mga projeksyon sa astral na mundo salungat sa tunay na karanasan sa astral. Bahagi ng proseso sa astral projeksyon ay pag-aaral na tanggalin ang suot suot na helmet ng birtual ng katotohanan upang maaari nating makita ang realidad sa astral na mundo, hindi kung ano ang iniisip natin na dapat makita. Sapagkat iba ang realidad ng katotohanan sa mundo ng astral.

Kaya iyan ang isang mahalagang aspeto upang maunawaan ang tungkol sa astral na mundo, na kung ano ang iyong iniisip, ang iyong ninanais, ang iyong mga kinatatakutan, ang iyong ginugusto, ang iyong mga pantasya, sila ang iyong mararanasang realidad doon.

Ang karaniwang inisip ng tao ay nasa 30-40,000 na mga ideya sa loob ng isang araw, kung saan ito ay isang pares sa bawat segundo. Iyan ang dahilan kung bakit ang iyong mga panaginip ay minsang magulo at nag-aagawan dahil mga 30-40,000 na ideya ang biglang lumilitaw sa iyong harapan biglang nahahayag sa iyong mga panaginip. Kung ano ang iyong iniisip halos iyun din ang iyong mapapanaginipan sa mundo ng astral.

Sa araw umiiral ang mga ito sa tabing ng iyong isip ngunit sa gabi kapag nakatulog ka na at nakarating ka na sa astral na mundo lahat ng mga bagay-bagay na iyong iniisip ay nagiging realidad na inaasahan sa harap ng iyong sarili.  Lahat ng mga iba't ibang mga nagkukumpetensyang mga iniisip ay naglalaban-laban para sa iyong atensyon. Iyan ang dahilan kung bakit minsan ang ating mga panaginip ay hindi pangkaraniwan, mapanganib at walang tiyak na layunin dahil sa magkakasalungat na mga eksena at mga kaganapan ang nasa ating kaisipan.

Kaya importanteng maunawaan na kung ano ang ipinanukala sa ating walang kamalayang kaisipan, ito ay nagiging bahagi ng ating astral na mundo. Kaya ang ating mga panaginip na naging karanasan sa astral na mundo ay ginagamit ng mga psychiatrists at psychologists, kapag sila ay makipag-usap sa isang taong magpapagamot, isa sa mga bagay na kanilang tatanungin sa iyo ay ang tungkol sa iyong mga panaginip, ikuwento mo sa akin ang iyong mga panaginip na iyong natatandaan, ano ang pinakauna mong napapanaginipan na iyong natatandaan mula ng iyong pagkabata.

Mayroon ka bang panaginip na nauulit? Ano ang pinaka-matingkad mong panaginip na iyong natatandaan?  Alam ng mga psychiatrists at psychologists na ang mga karanasan na mayroon ka sa iyong mga panaginip ay maaaring maging isang bintana sa iyong walang kamalayang kaisipan, ang iyong mga takot, ang iyong mga pangarap, lahat ng iyan ay maaaring  manipesto o talaan na dumadaan sa pamamagitan ng iyong mga panaginip.
Kaya mahalagang tandaan natin na ang ating mga iniisip ay nagiging realidad. Maraming beses ang iyong mga panaginip ay simpleng ang iyong mga iniisip na nagmamanipesto sa harapan mo sa astral na mundo.

Genesis 41:

Ipinaliwanag ni Jose ang mga Panaginip ng Faraon
               1 Pagkaraan ng dalawang taon, ang Faraon naman ang nanaginip. Napanaginipan niyang siya'y nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. 2 Walang anu-ano'y may pitong magaganda't matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain ng damo. 3-4 Umahon din mula sa ilog na iyon ang pitong pangit at payat na baka. Lumapit ang mga ito at kinain ang pitong matatabang baka. At nagising ang Faraon. 5 Nakatulog siyang muli at nanaginip na naman. May pitong uhay na tumubo sa isang puno ng trigo. Malalaki at matataba ang mga butil nito. 6 Pagkatapos, may sumibol na pitong uhay. Ang mga ito ay payat at tuyot ang mga butil dahil sa hampas ng hanging silangan. 7 Kinain ng mga payat ang matatabang uhay, at muling nagising ang Faraon. Noon niya nalamang siya pala'y nananaginip. 8 Pagsapit ng umaga, nabagabag siya, kaya't ipinatawag niyang lahat ang mga salamangkero at mga matatalinong tao sa buong Egipto. Isinalaysay niya ang kanyang mga panaginip, ngunit isa ma'y walang makapagpaliwanag ng kahulugan ng mga ito.
               9 Lumapit sa Faraon ang tagapangasiwa ng mga inumin at sinabi sa kanya, "Ako po'y may malaking pagkukulang na nagawa. 10 Nang magalit po kayo sa amin ng punong panadero at ipabilanggo ninyo kami sa tahanan ng kapitan ng mga tanod, 11 kami po'y parehong nanaginip. 12 Isa pong binatang Hebreo na alipin ng kapitan ng mga tanod ang kasama namin doon. Siya po ang nagpaliwanag ng aming panaginip. 13 Sinabi po niyang ako'y mababalik sa tungkulin at ang punong panadero'y bibitayin; nangyari pong lahat ang kanyang sinabi."
               14 Ipinatawag agad ng Faraon si Jose. Nang mailabas na sa bilangguan, siya'y nag-ahit, nagbihis at kaagad humarap sa hari. 15 Sinabi ng Faraon sa kanya, "Ako'y nanaginip ngunit walang makapagsabi sa akin ng kahulugan niyon. Nabalitaan kong mahusay kang magpaliwanag ng mga panaginip."
               16 "Hindi po ako ang makapagpapaliwanag, kamahalan," sabi ni Jose. "Ang Diyos po ang siyang magbibigay ng katugunan sa inyong katanungan."
               17 Sinabi ng Faraon, "Ako raw ay nakatayo sa pampang ng Ilog Nilo. 18 May pitong magaganda at matatabang bakang umahon sa ilog at nanginain. 19 Walang anu-ano'y pitong mga payat na baka, pinakapangit na sa nakita ko sa buong Egipto, ang umahon din sa ilog. 20 Kinain ng mga payat ang matatabang baka, 21 ngunit parang walang anumang nangyari. Matapos kainin ang matataba, iyon pa rin ang ayos ng mga payat, napakapangit pa rin, at ako'y nagising. 22 Muli akong nakatulog at nanaginip na naman. May nakita akong pitong uhay sa isang puno ng trigo na hitik na hitik ng hinog na butil. 23 Sa puno ring ito, may sumibol na pitong uhay, ngunit lanta, napakapayat ng mga butil, at tinuyo ng hanging silangan. 24 Kinain ng mga payat na uhay ang matataba. Isinalaysay ko na ito sa mga salamangkero, ngunit walang makapagpaliwanag sa akin."
               25 "Iisa po ang kahulugan ng dalawa ninyong panaginip," sabi ni Jose. "Ipinapaalam sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin. 26 Ang pitong matatabang baka po ay pitong taon; iyon din po ang kahulugan ng pitong uhay na matataba ang butil. 27 Ang sinasabi ninyong pitong payat na baka at ang pitong uhay na payat ang mga butil ay pitong taon ng taggutom. 28 Gaya ng sinabi ko sa inyo, iyan po ang gagawin ng Diyos. 29 Magkakaroon ng pitong taong kasaganaan sa buong Egipto. 30 Ang kasunod naman nito'y pitong taon ng taggutom at dahil sa kapinsalaang idudulot nito, malilimutan na sa Egipto ang nagdaang panahon ng kasaganaan. 31 Mangyayari ito dahil sa katakut-takot na hirap na daranasin sa panahon ng taggutom. 32 Dalawang ulit po ang inyong panaginip, mahal na Faraon, upang ipaalam sa inyo na itinakda na ng Diyos ang bagay na ito, at malapit na niya itong isagawa.
               33 "Ang mabuti po'y pumili kayo ng taong matalino at may kakayahan upang siyang mamahala sa Egipto. 34 Maglagay kayo sa buong bansa ng mga tagalikom ng ikalimang bahagi ng lahat ng aanihin sa loob ng pitong taong kasaganaan. 35 Lahat ng inaning butil sa panahong iyon ay dapat ipunin, ikamalig sa mga lunsod at pabantayang mabuti. Bigyan ninyo ng kapangyarihan ang mga tagalikom upang maisagawa ang lahat ng ito. 36 Ang maiipong pagkain ay ilalaan para sa pitong taon ng taggutom na tiyak na darating sa Egipto. Sa gayon, hindi mamamatay sa gutom ang mga mamamayan sa buong bansa."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento