Ang astral projeksyon
Part 2
Ngayon, may dalawang paraan upang aktwal na makapag projek sa astral na
mundo na gustong malaman ng lahat, ang tungkol sa
kung ano ito at ang lahat ng mga bagay
tungkol rito, paano ba tayo
makakarating sa astral na mundo at paano talaga natin magagawa ito?
Mayroong dalawang mga paraan
na maaari nating gawin upang makapag-astral
proyek ang unang paraan ay
ang matulog sa isang gising na kamalayan sa
panahon ng panaginip. Ito ay tinatawag ng karamihang tao
na maningning na panaginip.
Tuwing
gabi kapag tayo ay natutulog pumupunta tayo sa astral na mundo, tayo ay nandodoon hindi nga lang natin alam kung nasaan tayo
dahil tayo ay bisi nakatali sa ilusyon na ipinoprojek
natin sa ating sarili.
Tayo ay bisi at ang walang kaugnayang
agos ng pag-iisip ay lumilipad sa pamamagitan ng ating mga isip ngunit ang maaari talagang mangyari paminsan-minsan ay maaari
nating biglang mapagtanto na hindi
tayo nasa pisikal na katawan. Maaaring
biglang nating maunawaan ang kamalayan na may isang bagay na hindi tama, may isang bagay na kakaiba, na tayo ay wala na sa aking
pisikal na katawan, may isang bagay na nagbago at iyan ang maniningning na
panaginip.
Ang pagiging nasa astral na mundo habang ikaw ay natutulog ngunit kinikilala mo na wala ka sa iyong pisikal na katawan at ikaw ay wala sa pisikal
na mundo. Ang iba pang mga paraan
upang maka projek sa astral na mundo ay isang pagpapasya o may
kamalayang pag- projek sa astral
ng may iba't ibang mga diskarte ng
meditasyon, kilala rin bilang ang pang-labas na karanasan ng katawan o out of the
body esperience.
Ito ay maaari ring
mangyari sa pamamagitan ng isang pisikal na pagkabalisa tulad ng mga taong nakaranas ng malubhang aksidente o pinsala at bagay-bagay na tulad niyan. Madalas na nauulat
na nararanasan nila ang pagiging nasa
labas ng pisikal na katawan na
nahuhulog sa kanilang sariling katawan habang nasa ospital habang pinapanuod ang operasyon bumaba ang kanilang astral na katawan o pinanonood
nila ang kanilang sarili habang dinadala sa ambulansiya o
lumulutang sa itaas habang pinapanuod
ang walang malay niyang katawan.
Sa bandang huli
ito ay hindi rin
mahalaga dahil parehas silang makakakuha ng
parehong resulta, makakarating din sa astral na mundo ng may kamalayan. Ang pinakamadaling paraan upang makarating sa astral na mundo ay ang unang pamamaraan ang matulog, pinakamadali dahil ikaw ay nandoon na kailangan mo lamang malaman na ikaw ay nasa astral na mundo at ngayon tinitingnan natin ang ilang mga maliit na mga tip at diskarte na maaari nating gamitin upang ma-trigger ang maningning na estado ng panaginip.
parehong resulta, makakarating din sa astral na mundo ng may kamalayan. Ang pinakamadaling paraan upang makarating sa astral na mundo ay ang unang pamamaraan ang matulog, pinakamadali dahil ikaw ay nandoon na kailangan mo lamang malaman na ikaw ay nasa astral na mundo at ngayon tinitingnan natin ang ilang mga maliit na mga tip at diskarte na maaari nating gamitin upang ma-trigger ang maningning na estado ng panaginip.
Ilang mga simple at praktikal na pamamaraan na naging
napaka-epektibo, kung maaari mong isama ang mga ito sa iyong pang araw-araw na gawain.
Ang may kamalayang projeksyon ay medyo mahirap dahil kailangan mong matutunang ilagay ang iyong pisikal na katawan sa isang tiyak na estado na magbibigay-daan para mabuksan ka sa astral na mundo.
Ang may kamalayang projeksyon ay medyo mahirap dahil kailangan mong matutunang ilagay ang iyong pisikal na katawan sa isang tiyak na estado na magbibigay-daan para mabuksan ka sa astral na mundo.
Ang unang paraan
ay medyo
simple dahil ikaw ay nandoon
gabi-gabi kailangan lang natin na
malaman kung paano gisingin ang ating
sarili at mapagtanto na tayo ay nasa sa astral na mundo.
Ang ikalawa ay medyo mas mahirap
dahil ito ay nangangailangan ng isang tiyak na dame ng pagsasanay sa meditasyon upang makuha ng ating kaisipan at katawan ang isang estado na makakatulong sa aktwal na pag-alis sa pisikal na katawan.
dahil ito ay nangangailangan ng isang tiyak na dame ng pagsasanay sa meditasyon upang makuha ng ating kaisipan at katawan ang isang estado na makakatulong sa aktwal na pag-alis sa pisikal na katawan.
Kaya kung lilingon
tayo at titingnan
ang mga konsepto ng mga panaginip
samakatuwid tulad ng nasabi na natin, ang mga panaginip ay
simpleng alaala ng mga karanasan
na mayroon tayo sa astral na
mundo. Kapag tayo ay may panaginip ang lahat ng ating
naaalala ay ang lahat ng bagay na
ginawa natin nang gabing iyun sa astral na mundo.
Sa panahon ng
pagtulog tayo ay kumikilos at naglalakbay sa ating astral na katawan, ito
ang nangyayari sa lahat ng tao
kahit hindi mo matandaan ang iyong panaginip. Sa bawat gabi kapag ang iyong pisikal na katawan ay nakatulog ikaw ay umaalis papunta sa astral na mundo, sa iba't ibang mga dimensyon sa isang lugar na may iba't ibang mga batas ng mga bagay tulad ng walang grabidad o bigat, walang konsepto ng oras.
kahit hindi mo matandaan ang iyong panaginip. Sa bawat gabi kapag ang iyong pisikal na katawan ay nakatulog ikaw ay umaalis papunta sa astral na mundo, sa iba't ibang mga dimensyon sa isang lugar na may iba't ibang mga batas ng mga bagay tulad ng walang grabidad o bigat, walang konsepto ng oras.
Maaari mong patunayan ito sa iyong
sarili lahat ng tao ay nakakagawa nito. Ikaw ay
nakaidlip at pagkatapos ay nakatulog sa sopa o natutulog ka ng halos 15 hanggang 20 minuto lamang ngunit nagkaroon ka ng
isang mahabang panaginip na tila mahaba kaysa sa oras na ikaw ay pisikal na nakatulog.
Ito ay dahil
kapag ikaw ay
nakatulog, pumapasok ka sa astral na mundo na kung saan dito ay walang umiiral na oras, mas
maganda ang karanasan mo rito kaysa sa gising na buhay dahil walang oras na
dapat kang magmadali. Kaya kung nakatulog
ka ng 15 minuto ngunit nagkaroon ka
ng isang panaginip na parang sampung
oras o minsan ay isang araw.
Kaya ang sikreto ay ang tandaan mo ang iyong mga panaginip dahil minsan hindi natin laging natatandaan ang mga detalye o maaaring natandaan natin ng kakaunti at piraso ngunit hindi natin matandaan ang buong karanasan.
Mayroon mga tao na natatandaan ang kanilang mga
panaginip kahit sampu pang iba’t ibang panaginip sa bawat
gabi. Mayroon din naming mga tao na hindi
matandaan ang mga panaginip kahit kagabi lang natulog depende talaga
ang mga ito kung sino tayo at kung nagsikap tayong pag-aralan ang astral na
mundo.
Sa panahon ng ating
pagtulog ang ating
nakatagong kamalayan ay aktibo, ito binubuo ng mga
tatlumpu hanggang sa apatnapu't libong
mga pag-iisip na nakuha natin habang tayo ay
gising sa araw na nag-iisip. Habang tayo
ay gising sa araw makikita nating na ang ating atensyon ay patuloy na nahahati sa pagitan ng nakaraan, ng kasalukuyan at ng ating hinaharap.
Ganoon din ang nangyayari
sa gabi, kaya iyan ang dahilan kung bakit ang karamihan
ng ating mga panaginip ay punong-puno ng
mga simbolismo at nagiging mahirap maintindihan.
Iyan ang dahilan kung bakit ang karamihan
ng ating mga karanasan sa panaginip
ay tila hindi magkakaugnay. Maraming uri ng mga simbolismo, ng ibat ibang nagbabagong
mga senaryo, mga mabibilis na
pagpapalit ng mga tao na dumarating at umaalis at kung minsan ay para talagang
may kaguluhan. Karamihan ng mga iyan ay
ang lenguwahe ng nakatagong kamalayan o kaisipan na hindi humihinto.
Bilang 12: 1-16
Nag-usap sina Miriam at Aaron Laban kay Moises
1 Sina Miriam at Aaron ay nagsalita ng laban kay
Moises dahil sa babaing Cusita na kanyang pinakasalan---sapagkat siya'y
nag-asawa nga ng isang babaing taga-Cus. 2 Ang sabi
nila, "Sa pamamagitan lang ba ni Moises nagsasalita si Yahweh? Hindi ba't
sa pamamagitan din natin?" Narinig ni Yahweh ang usapan nilang ito. 3 Si Moises naman ay isang taong mapagpakumbaba higit kaninumang
nabuhay sa ibabaw ng lupa.4 Dahil dito, tinawag ni Yahweh sina Moises, Aaron at Miriam. Sinabi niya, "Magpunta kayong tatlo sa Toldang Tipanan." At nagpunta nga sila. 5 Si Yahweh ay bumaba sa anyo ng haliging ulap at tumayo sa pintuan ng Toldang Tipanan. Tinawag niya sina Aaron at Miriam. Paglapit nila, 6 sinabi niya, "Pakinggan ninyo ang sasabihin ko. Kung ang sinuma'y nais kong piliing propeta, nagpapakita ako sa kanya sa pangitain at kinakausap ko siya sa panaginip. 7 Ngunit kaiba ang ginawa ko kay Moises sapagkat ipinagkatiwala ko sa kanya ang aking buong sambahayang Israel. 8 Kinakausap ko siya nang harap-harapan at sinasabi ko sa kanya ang lahat sa maliwanag na paraan, hindi sa pamamagitan ng talinhaga. At siya lamang ang nakakita sa aking anyo. Bakit hindi man lamang kayo natakot na magsalita laban sa kanya?" 9 Nagalit sa kanila si Yahweh, at siya'y umalis.
10 Nang mawala na ang ulap sa ibabaw ng Toldang Tipanan, si Miriam ay nagkaroon ng maputing sakit sa balat na parang ketong. Nang makita ito ni Aaron, 11 sinabi niya kay Moises, "Kapatid ko, huwag mo sana kaming parusahan dahil sa aming kamangmangan at kasamaan. 12 Huwag mong pabayaang matulad siya sa isang buhay na patay, parang ipinanganak na nabubulok ang kalahati ng katawan." 13 Kaya, nakiusap si Moises kay Yahweh, "O Diyos, pagalingin po sana ninyo si Miriam!"
14 Ngunit ang sagot ni Yahweh, "Kung siya'y duraan ng kanyang ama, hindi ba siya magtatago ng pitong araw dahil sa kahihiyan? Hayaan ninyo siya ng pitong araw sa labas ng kampo." 15 Kaya si Miriam ay pitong araw na nasa labas ng kampo. Hindi umalis ang bansang Israel hanggang hindi nakakapasok ng kampo si Miriam. 16 Mula sa Hazerot, patuloy silang naglakbay. Pagdating sa ilang ng Paran ay nagkampo sila.
Gawa 2:
Ang Pagdating ng Espiritu Santo
1 Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit
ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-ano'y may ingay na nagmula
sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na
kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang
apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4 at silang
lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang
wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.5 May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6 Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig. 7 Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, "Hindi ba taga-Galilea silang lahat? 8 Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika? 9 Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at Asia. 10 Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto at sa mga lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma, mga Judio at mga Hentil na naakit sa pananampalatayang Judio. 11 May mga taga-Creta at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa ng Diyos?" 12 Hindi nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya't nagtatanungan sila, "Ano ang kahulugan nito?"
13 Ngunit may ilang nagsabi nang pakutya, "Lasing lang ang mga iyan!"
Ang Sermon ni Pedro
14 Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang
apostol, at nagsalita nang malakas, "Mga taga-Judea, at kayong lahat na
mga panauhin sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 15 Hindi
lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga
ngayon. 16 Ang nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni
Propeta Joel,17 'Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,' sabi ng Diyos,
'Ipagkakaloob ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18 Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu, sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,
at ipahahayag nila ang aking mensahe.
19 Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit at mga himala sa lupa; dugo, apoy at makapal na usok.
20 Ang araw ay magdidilim,
ang buwan ay pupulang parang dugo,
bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.
21 At sa panahong iyon, ang lahat ng hihingi ng tulong sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.'
Karaniwan kapag
tayo ay nananaginip, tayo ay nagpo-projek ng ating nakatagong kamalayan papunta sa astral mundo. Natatandaan natin na ang astral mundo ay umaayon
sa ating iniisip. Kaya ang karamihang nangyayari sa atin
sa pamamagitan ng panaginip ay magagamit natin bilang bintana sa ating
nakatagong kamalayan.
Tulad ng kapag tayo ay nanaginip ng gising
o tayo ay nag day-dreaming sa araw, ang ating natutulog na
kamalayan ay patuloy na
nananaginip ng gising ang tawag rito ay daydreaming.
At sa gabi sa astral na mundo ang pagkakaiba lamang ay ang ating mga iniisip,
ang ating mga alaala, ang ating mga hinahangad,
ang ating mga alalahanin,
ang ating mga pantasya, ang ating
mga takot. Lahat ng ito ay pumapasok sa
iyong kaisipan, at sa iyong mga panaginip ito ay nagiging iyong realidad na
iyong nakikita.
Lahat ng bagay ay nagiging realidad sa
astral na mundo. Kung
ano ang iyong naranasan sa iyong
mga panaginip kapag ikaw ay nagpunta sa astral na mundo matatagpuan mo ang mga tao
na iyong kilala at ito ay posible.
Daniel 2: 1-49
Ang Panaginip ni Nebucadnezar
1 Noong ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar,
siya ay nagkaroon ng masamang panaginip. Kaya siya'y nabagabag at hindi
makatulog. 2 Dahil dito, ipinatawag niya ang lahat ng
salamangkero, enkantador, mangkukulam, at astrologo upang ipaliwanag ang kanyang
panaginip. 3 Sinabi niya sa kanila, "Nanaginip
ako at ito ang bumabagabag sa akin hanggang ngayon. Ipaliwanag nga ninyo ang
kahulugan ng aking panaginip." 4 Sumagot ang mga astrologo sa wikang Aramaico, a "Mabuhay ang hari! Sabihin po ninyo ang panaginip at ipapaliwanag namin."
5 Sinabi ng hari sa mga astrologo, "Ipinag-uutos kong sabihin muna ninyo ang aking panaginip saka ninyo ipaliwanag. Kung hindi, ipapapatay ko kayo at ipawawasak ang inyong mga tahanan. 6 Kapag nasabi naman ninyo at naipaliwanag ang aking panaginip, gagantimpalaan at pararangalan ko kayo. Kaya sabihin na ninyo at ipaliwanag sa akin ang aking panaginip."
7 Muli silang sumagot, "Mahal na hari, sabihin po ninyo ang panaginip at ipapaliwanag namin."
8 Sinabi naman ng hari, "Alam kong pinahahaba lang ninyo ang oras dahil sa sinabi ko sa inyo 9 na iisa ang hatol ninyo kapag hindi ninyo nasabi at naipaliwanag sa akin ang aking panaginip. Nagkaisa kayong magsinungaling sa akin sa pag-aakalang magbabago pa ang aking isip sa paglipas ng oras. Sabihin ninyo ang aking panaginip at saka ako maniniwalang maipapaliwanag nga ninyo iyon."
10 Sumagot ang mga astrologo, "Wala pong tao sa daigdig na makakagawa ng iniuutos ninyo. Wala ring hari, gaano man ang kapangyarihan niya, na nag-utos ng ganyan sa sinumang salamangkero, manghuhula, o astrologo. 11 Napakahirap gawin ng iniuutos ninyo. Mga diyos lamang ang makakagawa niyan at hindi sila namumuhay na kasama ng tao."
12 Dahil sa sagot na ito, nagalit ng husto ang hari kaya't ipinag-utos niyang patayin ang lahat ng mga tagapayo sa buong Babilonia. 13 Saklaw ng kautusang ito ang lahat ng matatalinong tao sa kaharian pati si Daniel at ang kanyang mga kaibigan.
Inihayag ng Diyos kay Daniel ang Panaginip
14 Kaya, maingat na kinausap ni Daniel si Arioc, ang
kapitan ng mga tanod ng hari na siyang inutusan upang patayin ang mga
matatalinong tagapayo ng Babilonia. 15 Tinanong niya
ito, "Bakit po nag-utos ng ganito kabigat b
ang mahal na hari?" At sinabi naman sa kanya ni Arioc ang dahilan.16 Dahil dito, nagpunta sa hari si Daniel at nakiusap na bigyan pa siya ng panahon at ipapaliwanag niya ang panaginip nito. 17 Matapos payagan, umuwi si Daniel at sinabi kina Hananias, Misael at Azarias ang pangyayari. 18 Hiniling niyang sama-sama silang manalangin sa Diyos ng kalangitan tungkol sa hiwagang iyon upang hindi sila patayin kasama ng mga matatalinong tagapayo ng Babilonia. 19 Nang gabing iyon, sa pamamagitan ng pangitain ay inihayag ng Diyos kay Daniel ang nasabing hiwaga. Kaya't pinuri niya ang Diyos ng kalangitan. 20 Ang sabi ni Daniel:
"Purihin magpakailanman ang pangalan ng Diyos,
pagkat siya'y marunong at makapangyarihang lubos.
21 Siyang nakakapagbago ng mga kapanahunan,
naglalagay at nag-aalis ng mga hari sa luklukan;
siyang nagbibigay ng karunungan sa matatalino
at kaalaman sa may pang-unawa.
22 Naghahayag ng mga lihim at kahiwagaan;
nakatatalos sa mga nasa kadiliman,
sapagkat ang kaliwanagan sa kanya'y nananahan.
23 Pinupuri ko kayo at pinasasalamatan, O Diyos ng aking mga magulang,
dahil sa kaloob ninyo sa aking lakas at karunungan,
ngayo'y ibinigay ninyo sa akin ang aking kahilingan,
panaginip ng hari sa ami'y ipinaalam."
Ipinaliwanag ni Daniel ang Panaginip ng Hari
24 Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc, ang
opisyal na inutusan upang patayin ang mga tagapayo ng Babilonia. Sinabi niya,
"Huwag mo munang patayin ang mga matatalinong tao. Samahan mo ako sa hari
at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip."25 Dali-daling iniharap ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi niya, "Mahal na hari, narito po ang isa sa mga dinalang-bihag mula sa Juda. Siya po ang makapagpapaliwanag sa inyong panaginip."
26 Si Daniel na tinatawag na Beltesazar ay tinanong ng hari, "Masasabi at maipapaliwanag mo ba sa akin ang aking panaginip?"
27 Sumagot si Daniel, "Ang hiwagang gustong alamin ng hari ay hindi maipapaliwanag ng sinumang matalinong tagapayo, enkantador, salamangkero, o manghuhula. 28 Ngunit mayroon pong isang Diyos sa kalangitan na naghahayag ng mga hiwaga at ipinakita niya sa Haring Nebucadnezar ang mga mangyayari sa mga darating na panahon. Ito ang panaginip na inyong nakita habang kayo'y natutulog:
29 "Mahal na hari, ang panaginip ninyo ay tungkol sa mangyayari sa hinaharap at ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na nakakaalam ng lahat ng hiwaga. 30 Ang hiwagang ito ay ipinaalam sa akin, hindi dahil ako'y higit na matalino kaysa iba, kundi upang ipaliwanag ito sa inyo at upang maunawaan ninyo ang gumugulo sa inyong isipan.
31 "Mahal na hari, ang nakita ninyo ay isang malaki at nakakasilaw na rebulto. Nakatayo ito sa inyong harapan at nakakatakot pagmasdan. 32 Ang ulo nito ay lantay na ginto, at pilak ang dibdib at mga bisig. Tanso naman ang tiyan at mga hita nito. 33 Ang mga binti ay bakal at ang mga paa ay pinaghalong bakal at putik. 34 Habang pinagmamasdan ninyo ito, may batong natipak sa bundok na bumagsak sa mga paa ng rebulto at nadurog ang mga paa. 35 Pagkatapos, nadurog ding lahat ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Naging parang ipa ito at tinangay ng hangin at walang naiwan kahit bakas. Samantala, ang tipak ng batong bumagsak dito ay naging isang napakalaking bundok na pumuno sa buong daigdig.
36 "Mahal na hari, iyan po ang inyong panaginip, at narito naman ang kahulugan: 37 Kayo po ang pinakadakila sa lahat ng mga hari. At kayo po ay pinagkalooban ng Diyos sa langit ng kaharian, kapangyarihan, lakas, at karangalan. 38 Niloob ng Diyos na masakop ninyo ang lahat ng tao, hayop, at ibon sa lahat ng dako. Kayo ang ulong gintong iyon. 39 Ang susunod sa inyo ay ang ikalawang kaharian na mas mahina kaysa inyo. Pagkatapos, lilitaw ang pangatlong kaharian na isinasagisag ng tanso, at sasakupin nito ang buong daigdig. 40 Ang pang-apat na kaharian ay sintigas ng bakal. Katulad ng nagagawa ng bakal, dudurugin ng kahariang ito ang buong daigdig. 41 Ang kahulugan naman ng nakita ninyong mga paa na yari sa bakal at putik ay ito: mahahati ang kaharian ngunit mananatili ang tigas ng bakal sapagkat ito'y nakahalo sa putik. 42 Ganito naman ang kahulugan ng mga paang yari sa pinaghalong bakal at putik: May bahagi itong matibay at may bahagi namang marupok. 43 Ang kahulugan ng pinagsamang bakal at putik ay pag-aasawa ng magkakaibang lahi; ngunit hindi ito magtatagal kung paanong hindi maaaring paghaluin ang bakal at putik. 44 Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos sa kalangitan ay magtatatag ng isang kahariang hindi maibabagsak kailanman, ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at ganap na wawasakin ang iba pang kaharian, at mananatili ito magpakailanman. Kaya't hindi na makakabangon ang mga iyon kahit kailan. 45 Katulad ito ng inyong nakitang tipak ng bato na dumurog sa rebultong yari sa bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Mahal na hari, ang mangyayari sa hinaharap ay ipinapaalam na sa inyo ng dakilang Diyos. Ito po ang inyong panaginip at tiyak ang kahulugan nito."
Ginantimpalaan si Daniel
46 Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha
sa lupa at nagbigay galang kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito
ng insenso at iba pang alay. 47 Sinabi niya kay
Daniel, "Tunay na ang Diyos mo ang pinakadakila sa lahat ng mga diyos at
Panginoon ng mga hari. Siya ang tagapagpahayag ng mga hiwaga kaya naipahayag mo
ang hiwagang ito." 48 Pinarangalan ng hari si
Daniel at binigyan ng napakaraming handog. Siya ay ginawa nitong tagapamahala
sa buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng mga tagapayo ng
Babilonia. 49 Hiniling naman ni Daniel sa hari na
sina Shadrac, Meshac at Abednego ay gawing tagapangasiwa sa Babilonia upang
siya'y makapanatili sa palasyo ng hari.
Daniel 7: 1-28
Ang Pangitain ni Daniel Tungkol sa Apat na Halimaw
1 Noong unang taon ni Belsazar bilang hari ng
Babilonia, si Daniel ay nagkaroon ng pangitain sa kanyang panaginip. Isinulat
ito ni Daniel.2 Isang gabi nakita ko na kabi-kabila ay binabayo ng malakas na hangin ang malaking dagat. 3 Mula sa dagat ay may umahong apat na iba't ibang halimaw. 4 Ang una ay parang leon, ngunit may mga pakpak ng agila; habang ako'y nakatingin, nabunot ang mga pakpak nito. Umangat ito sa lupa at tumayong parang tao. Binigyan ito ng isip ng tao. 5 Ang ikalawa naman ay parang oso. Ang dalawang paa lamang nito sa huli ang inilalakad at may kagat pang tatlong tadyang. May tinig na nag-utos dito, "Sige, magpakasawa ka sa karne." 6 Ang ikatlo ay kahawig ng leopardo. Ito'y may apat na pakpak sa likod tulad ng sa ibon, apat din ang ulo, at binigyan ito ng kapangyarihan. 7 Pagkaraan, nakita ko ang ikaapat na halimaw. Nakakatakot ito at napakalakas. Bakal ang ngipin nito at niluluray ang anumang makagat at tinatapakan ang matira doon. Kakaiba ito sa tatlong nauna sapagkat ito'y may sampung sungay. 8 Pinagmasdan kong mabuti ang mga sungay at nakita kong may tumutubo pang isa. Ang tatlong sungay ay nabunot upang magkaroon ng puwang ang sungay na tumutubo. Ang sungay na ito ay may mga mata na tulad sa tao at may bibig na nagsasalita ng sobrang kayabangan.
Ang Pangitain Tungkol sa Nabubuhay Magpakailanpaman
9 Habang ako'y nakatingin, mayroong naglagay ng mga
trono. Naupo sa isa sa mga ito ang Nabubuhay Magpakailanpaman. Puting-puti ang
kanyang kasuotan at gayundin ang kanyang buhok. Ang trono niya'y naglalagablab
at ang mga gulong nito'y nagliliyab. 10 Parang bukal
ang apoy na dumadaloy mula sa kanya. Pinaglilingkuran siya ng milyun-milyon,
bukod pa sa daan-daang milyon na nakatayo sa harap niya. Humanda na siya sa
paggagawad ng hatol at binuksan ang mga aklat.11 Dahil sa sobrang kayabangang sinasabi ng sungay, muli akong tumingin at nakitang pinatay ang ikaapat na hayop at inihagis ito sa apoy. 12 Ang iba namang halimaw ay inalisan ng kapangyarihan ngunit binigyan pa ng panahong mabuhay.
13 Patuloy ang aking pangitain. Nakita ko sa alapaap sa langit ang parang isang tao. Lumapit siya sa Nabubuhay Magpakailanpaman. 14 Binigyan siya ng kapamahalaan, ng karangalan at ng kaharian upang paglingkuran siya ng lahat ng tao sa bawat bansa at wika. Ang pamamahala niya ay hindi magwawakas, at ang kanyang kaharian ay hindi mawawasak.
Ang Kahulugan ng mga Pangitain
15 Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa
pangitaing iyon. 16 Kaya't nilapitan ko ang isang
nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking
nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin. 17
Ang sabi niya, "Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa
daigdig. 18 Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasang
Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman."19 Hinangad kong malaman ang kahulugan ng ikaapat na halimaw sapagkat malaki ang kaibahan nito sa tatlo at dahil sa nakakatakot ang anyo nito: bakal ang mga ngipin at tanso ang mga panga. Dinudurog nito saka nilulunok ang lahat ng abutan at tinatapakan ang matira. 20 Hinangad ko ring malaman ang kahulugan ng sampung sungay at ang kahulugan noong isang sungay na tumubo at naging dahilan para mabunot ang tatlo. Gusto ko ring malaman ang kahulugan ng mga mata at ng bibig sa sungay na sobrang kayabangan ang pinagsasasabi, at kung bakit ang sungay na ito'y mas malaki kaysa iba.
21 Samantalang ako'y nakatingin, nakita kong dinigma at nilupig ng sungay na ito ang mga hinirang ng Diyos. 22 Pagkatapos, dumating ang Nabubuhay Magpakailanpaman at nagbigay ng hatol sa panig ng mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Dumating ang araw para ibigay sa bayan ng Diyos ang pamamahala sa kaharian.
23 Ganito ang sinabi niya sa akin: "Ang ikaapat na hayop ay ang ikaapat na kahariang lilitaw sa daigdig. Kakaiba ito sa lahat ng kaharian sapagkat masasakop, yuyurakan at dudurugin nito ang buong daigdig. 24 Ang sampung sungay ay kumakatawan sa sampung hari ng kahariang ito. Sa gitna nila'y lilitaw ang isa na kaiba sa mga nauna at tatlong hari ang kanyang pababagsakin. 25 Magsasalita siya laban sa Kataas-taasan at pahihirapan niya ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Tatangkain niyang baguhin ang kautusan at mga takdang kapanahunan. Ang mga hinirang ng Diyos ay ipapailalim sa kanyang kapangyarihan sa loob ng tatlong taon at kalahati. 26 Ngunit siya'y hahatulan. Kukunin sa kanya ang kaharian at pupuksain siya nang lubusan. 27 Ang kaharian at ang karangalan ng mga kaharian sa buong daigdig ay ibibigay sa mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos. Sila ay maghahari magpakailanman. Maglilingkod at susunod sa kanila ang lahat ng kaharian."
28 Dito natapos ang pangitain. Akong si Daniel ay lubhang nabahala at namutla sa takot. Sinarili ko na lamang ang mga bagay na ito.
Maaari mong matagpuan
ang mga tao sa astral na
mundo at kapag nakita mo sila doon sa astral na mundo sila ay literal na katulad ng isang sleepwalker katulad ng kung ang iyong kasama sa kuwarto o ka roommate na naglalakad habang tulog hindi niya alam na
naglalakad siya sa pasilyo,
naglalakad siya ng paikot ikot sa paligid na bahay.
Ganyan din ang nangyayari sa astral kapag nakita mo ang iyong kaibigan na natutulog at nagpoprojek kumikilos siya sa parehong paraan, hindi mo nakikita kung ano ang kanyang nakikita, siya ang nakakakilala ng kaniyang
sariling realidad na nasa kanyang
harapan at hindi mo magagawang makita
kaya sila ay gumagalaw sa paligid tulad ng isang sleepwalker na
naglalakad ng tulog.
Ganoon din ang
nangyayari sa taong kamakailan
lang namatay, kapag tayo ay namatay dito
muna tayo sa astral na mundo napupunta kasama ang ating kamalayan.
Kaya sa mas mataas na teknik tungkol sa astral projeksyon may
mga bagay na posible, maaari nating makita ang
taong kamakailan lamang namatay at atin silang mabibisita, nakikipag-ugnayan tayo sa kanila sa astral na mundo.
taong kamakailan lamang namatay at atin silang mabibisita, nakikipag-ugnayan tayo sa kanila sa astral na mundo.
Ano ang panaginip?
Ang maningning na panaginip ay nangyayari kapag tayo ay may kamalayan sa ating astral na katawan at nalalaman natin na tayo ay nananaginip. Ito ay katulad ng isang suwits na pumipitik at lumilipat, na parang biglang may isang hindi pangkaraniwang pakiramdam sa kinaroroonan o kamalayan at naiintindihan mo na parang napakalayo ng iyong pisikal na katawan.
Ang maningning na panaginip ay nangyayari kapag tayo ay may kamalayan sa ating astral na katawan at nalalaman natin na tayo ay nananaginip. Ito ay katulad ng isang suwits na pumipitik at lumilipat, na parang biglang may isang hindi pangkaraniwang pakiramdam sa kinaroroonan o kamalayan at naiintindihan mo na parang napakalayo ng iyong pisikal na katawan.
Napag-alaman mo na ang iyong pisikal na
katawan ay wala na sa kama at ito’y nag-gagala at ikaw ay nasa ibang lugar sa paligid
na nasa ibang katawan
dahil tayo ay may kamalayan sa ating panaginip. Itigil na ang
walang katapusang proseso ng pag-iisip na
gumugulo sa atin. Ihinto ang paggamit ng helmet ng hindi makatotohanang realidad at makikilala ang tunay na realidad sa astral.
gumugulo sa atin. Ihinto ang paggamit ng helmet ng hindi makatotohanang realidad at makikilala ang tunay na realidad sa astral.
Iyon ang dahilan kung bakit
ang astral na projeksyon ay isang
kawili-wiling teknik dahil maaari nating isara ang ating kaisipan mula pag- iisip ng walang tiyak na
layuning kaisipan at madama ang realidad
sa astral na mundo at maaari tayong makipag-ugnay sa dimensyong
ito, maaari nating malaman kung
paano gumagana ang dimensyong ito.
Tandaan na tayo ay nasa labas ng oras, na maaari nating bisitahin ang
anumang punto ng ating sariling
kasaysayan, nakaraang buhay,
ang kasaysayan, ang mga planeta,
ang sibilisasyon at ang sangkatauhan dahil hindi na tayo nakatali sa oras.
ang sibilisasyon at ang sangkatauhan dahil hindi na tayo nakatali sa oras.
Makikita natin ang
tunay na realidad
sa astral na mundo kung ano ang ipoproyek natin dito sa sandaling maging mulat sa astral. Maaari
nating simulan ang pakikipag-ugnay sa mga katalinuhan na nandoon. Mayroong iba't ibang mga anyo ng buhay, may iba pang mga nilalang, mga nilikha na matataas ang katalinuhan
na naninirahan sa astral na
mundo.
Ang mga
katalinuhang ito ay pinamamahalaan at pinatatakbo sa mas mataas na lebel ng prikwensiya kaysa sa mga simpleng tao.
Ngayon ang mga sinaunang tao
ay simpleng tinatawag silang mga Diyos,
o mga Diyosa at mga anghel ng mga iba't-ibang relihiyon. Ngunit sila ay mga nilalang na maaari tayong makipag-ugnayan,
maaari nila tayong turuan, payuhan, kwentuhan tungkol sa ating tunay
na sarili, maaari nila tayong turuan sa mga bagay tungkol sa uniberso at ang lahat ang mga batas sa mga ito at ang lahat ng uri ng mga nakatagong bagay-bagay.
Paano ba matatandaan ang mga panaginip?
Isa sa mahirap na ating nararanasan ay kung paano natin maaaring matandaan ang ating mga panaginip ng sa gayon ay mai-projek natin ang ating kamalayan sa astral na mundo. Mai-projek ang lahat ng uri ng mga bagay-bagay na ating iniisip sa astral na mundo upang magbigay sa atin ng isang pagkakataong malaman ang maraming realidad tungkol sa ating sarili.
Isa sa mahirap na ating nararanasan ay kung paano natin maaaring matandaan ang ating mga panaginip ng sa gayon ay mai-projek natin ang ating kamalayan sa astral na mundo. Mai-projek ang lahat ng uri ng mga bagay-bagay na ating iniisip sa astral na mundo upang magbigay sa atin ng isang pagkakataong malaman ang maraming realidad tungkol sa ating sarili.
Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit
sinasabi ng ating mga Dtef Masters na ang isang tao ay nakikilala sa kaniyang mga panaginip. Isa
sa bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa iyo na simulang maalala ang
iyong mga panaginip at maaari ring
makatulong sa iyo na makilala ang
pagkakaiba sa pagitan ng gising na kamalayan at ang nananaginip na kamalayan ng ma-trigger
sa maningning na estado ng panaginip ay
ang simulang isulat ang mga panaginip sa isang dream diary o
diary ng mga panaginip.
Ito ay tila
isang simpleng bagay ngunit ito ay hindi
kapani-paniwalang napaka-epektibo para sa pagti-trigger ng estado sa maningning
na panaginip para sa pagguhit ng atensyon
sa iyong mga panaginip at magsisimula
kang magbigay ng atensyon sa kung ano ang nangyayari
sa iyong mga panaginip.
Ang ideya sa
likod ng
isang dream diary ay ang magkaroon lamang ng isang
notebook at lapis sa tabi ng iyong kama at isulat
ang anumang bagay na maaari mong matandaan sa lalong madaling sandali ng iyong pag-gising. Siguro sa maagang yugto maaaring matandaan mo lamang ay isang salita o maaari mong matandaan na kasama mo ang isang tao, o maaari mong matandaan na nasa isang patikular kang lugar. Hindi mo matandaan lahat maaaring isang maliit na bilang ng mga parirala o marahil isa o dalawang pangungusap.
ang anumang bagay na maaari mong matandaan sa lalong madaling sandali ng iyong pag-gising. Siguro sa maagang yugto maaaring matandaan mo lamang ay isang salita o maaari mong matandaan na kasama mo ang isang tao, o maaari mong matandaan na nasa isang patikular kang lugar. Hindi mo matandaan lahat maaaring isang maliit na bilang ng mga parirala o marahil isa o dalawang pangungusap.
kapag sinimulan
mo ang pagsasanay
sa iyong sarili na isulat ang iyong mga panaginip tuwing umaga, isang kawili-wiling bagay ang mangyayari
na kung saan ang iyong utak ay
magsisimulang magbigay ng atensyon sa
ang iyong mga panaginip at mag-uumpisang
magising ang iyong kamalayan para matandaan ng mas
marami at detalyado ang karamihan sa iyong mga panaginip.Magsimula man ito sa
ilang pares ng mga salita, ilang pares ng mga pangungusap sa
lalong madaling panahon ito ay magiging isang buong
talata ng mga karanasan.
Sa pamamagitan
ng pagpa-praktis masisimulan mong matandaan ng higit pa at marami pang mga detalye. Sa una maaaring bahagi lamang ng iyong
panaginip ngunit sa huli mapupuno
mo rin ang buong mga pahina tungkol
sa iyong mga panaginip at matututo kang basagin ang sarili mong mga panaginip,
matututunan mo ang mga sagisag at simbolismo ng iyong kamalayan
.
Na kung saan ito ay nagiging isang tunay na mahalagang instrumento para matutunan mo ang maraming bagay tungkol
sa iyong sarili. Ito ay hindi kagulat gulat dahil
ikaw ay nasa astral na mundo, nasa labas ka ng oras, maraming bagay ang
nangyayari sa mas mataas na
dimensyon at pagkatapos ito ay nabubuo hindi kataka takang magkaroon
ng panaginip at ito ay nagiging premonisyon mo na rin.
Maraming mga tao ang nakaranas
na bago pa sila magkaroon ng isang panaginip tungkol sa isang bagay,
ito ay talagang nangyayari. Ito ay bahagi ng proseso ng mga bagay-bagay na umiral
muna at pagkatapos ay nabubuo pababa
mula sa mas mataas na dimensyon, kung tayo man ay
nasa mataas na posisyon makikita natin ang mga bagay bago sila dumating o mangyari sa pisikal na
mundo.
Diyan
nakukuha ng mga tao ang kani-kaniyang premonisyon at mga kaparehas nito katulad
ng mga pangitain, habang maingat tayong sumusubaybay sa ating mga panaginip,
ang isa sa mga bagay na dapat nating gawin ay suriin ang ating dream diary ng
regular na magbibigay tayo ng atensyon para sa anumang bagay na tila hindi
karaniwan, o kakaiba, mga bagay tulad ng mga paulit-ulit na elemento o
pangyayari o anumang bagay na naninindigan.
Maaari
rin tayong gumawa ng talaan ng anumang interpretasyon na ating ginagawa sa ating
mga panaginip kung nais nating subukang basagin ang alinman sa mga sagisag at
simbolismo. Kalimutan mo na ang tungkol sa pagpunta at pagbili ng mga libro
tungkol sa mga panaginip, mga simbolismo at ang mga kahulugan ng mga panaginip.
Ito
ay isang bagay na kailangan mong gawin para sa iyong sarili kaya walang dahilan
pa na basahin ang mga kabanata at bumili ng 10,000 mga panaginip na binigyan ng
interpretasyon, mga ganyang libro. Sa huli ikaw rin ang mag-iinterpreta ng
kahulugan ng iyong sariling mga panaginip, ito ay ang iyong sariling kamalayan
na nakikipag-usap sa iyo kailangang mo lamang bigyang ng atensyon at matutunan
ang kanyang lengguwahe.
Ang
pagsusulat ng iyong mga panaginip ay isang tunay na mahalagang teknik na magbibigay-daan
sa iyo upang makuha ang kahulugan ng iyong mga panaginip. Kapag nagsimula kang
mag interpret sa kung ano ang maaaring kahulugan ng mga bagay-bagay sa iyong
panaginip, kung gagawa ka ng isang maliit na mga tala sa iyong dream diary ng
iyong panaginip. Halimbawa kung nanaginip ka na makakapasa ka sa interbyu sa
isang papasukang trabaho o napanaginipan mong hindi ka makakapasa pagkatapos
kapag ang sitwasyon ay naganap na maaari mong balikan at suriin ang iyong mga
tala sa iyong dream diary upang makita kung ikaw ay tama o mali sa iyong
isinulat sa iyong dream diary.
Pareho
ito kapag nagsimula kang managinip tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Kung
ikaw ay nagsusulat ng mga tala sa panahong iyun sa iyong dream diary at
pagkatapos ay nangyari ang kaganapan maaari mong balikan at tingnan kung ano
ang iyong isinulat tungkol sa mga ito at tingnan kung gaano ka kaesksakto.
Kailangan
mong isulat ang iyong mga panaginip sapagkat ito ay tutulong sa iyo upang
matandaan ang mga ito.
Makakatulong
sa iyo kapag nagbibigay ka ng atensyon sa estado ng iyong mga panaginip at matututunan
mo kung paano ihiwalay ito mula sa gising na estado at ito ay magbibigay-daan
sa iyo upang simulan ang iyong mga pag-iinterpret sa sariling mong mga
panaginip sa pagpapanatiling nakasubaybay ng kung ano ang aktwal na nangyayari
sa iyong kamalayan.
Iba
pang bagay na dapat bigyang-pansin sa ating mga panaginip, kapag ito ay
paulit-ulit na mga panaginip na tila umuulit nang paulit-ulit, ito ay maaaring
maging isang tunay na mahalagang mensahe mula sa iyong mas mataas na sarili na
hindi mo nakukuha. Ang iyong mas mataas na sarili ay nagbibigay sa iyo ng parehong
mensahe ng paulit ulit hanggang sa makuha mo kung ano ang sinusubukang sabihin
sa iyo sa pamamagitan ng panaginip.
Halimbawa
nito ay ang mga panaginip na nagaganap sa ibang panahon o panaginip na nangyari
sa hindi pamilyar na lugar o may sangkot na pakikipag-ugnayan sa mga hindi pamilyar
na mga tao ng maraming beses, ang mga ito ay simpleng mga bahagi ng mga alaala mula
sa nakaraang buhay.
Lahat
tayo ay dati ng nanaginip na kasama ang ating best friend o kaya boyfriend o
girlfriend sa panaginip. Kilala natin sila, alam natin sila pero ang mukha, ang
katawan ay hindi angkop. Pagkagising mo sa umaga ito ay tulad ng, alam ko, ito
ang aking kaibigan ngunit hindi ito ang kaniyang hitsura medyo kakaiba at
mahiwaga bakit kaya sa tingin ko siya ang aking kaibigan.
Maaaring
siya ay iyong kaibigan sa nakaraang buhay o maaaring siya ang iyong girlfriend
o boyfriend sa iyong nakalipas na buhay. Mayroon lang silang ibang pisikal na
katawan dahil nagkakaroon tayo ng iba't ibang mga pisikal na katawan sa bawat panahon
na tayo’y bumabalik sa mundo.
Juan
1: 19 Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio
at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. 20 Hindi nagkaila si Juan; sa halip
ay maliwanag niyang sinabi, Hindi ako ang Cristo.
21"Sino ka kung
gayon?" tanong nila. "Ikaw ba si Elias?" "Hindi ako si Elias", tugon niya.
"Ikaw ba ang Propeta?" Sumagot siya, "Hindi rin".
22"Sino ka kung gayon?
Sabihin mo kung sino ka upang may masabi naman kami sa mga nagsugo sa amin. Ano
ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" tanong nilang muli.
23Sumagot si Juan sa pamamagitan
ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias,"Ako ang tinig ng isang
taong sumisigaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon."
24 Ang mga nagtanong ay sugo ng
mga Pariseo. 25 Muli nilang tinanong si Juan, "Bakit ka nagbabautismo,
gayong hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?"
26 Sumagot si Juan, "Ako'y
nagbabautismo sa tubig, ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo
nakikilala. 27 Darating siyang kasunod ko subalit hindi man lamang ako
karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas."
Mateo
17:Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus
1Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus
si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang
mataas na bundok. 2Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni
Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian
ang kanyang damit. 3Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na
nakikipag-usap kay Jesus. 4Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Panginoon, mabuti't
naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo,
isa para kay Moises at isa para kay Elias." 5 Habang nagsasalita pa si
Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na
nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.
Pakinggan ninyo siya!" 6Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang
natakot at nagpatirapa. 7 Ngunit
nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. "Tumayo kayo, huwag kayong
matakot!" sabi niya. 8 Nang
tumingin sila, si Jesus na lamang ang kanilang nakita.
9Habang sila'y bumababa sa
bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, "Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang
inyong nasaksihan hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao." 10 Tinanong
siya ng mga alagad, "Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na
dapat munang dumating si Elias?" 11 Sumagot
siya, "Paparito nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12At
sinasabi ko sa inyo, pumarito na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga
tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kaya't tulad ng ginawa sa kanya,
pahihirapan din nila ang Anak ng Tao." 13 Naunawaan
ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya.
Marcos 10: 29 Sumagot
si Jesus, "Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga
kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang
Balita, 30 ay tatanggap sa buhay
na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga
anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating,
magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. 31 Ngunit
maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna."
Job
1: 20Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos,
nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. 21 Ang
sabi niya, "Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din
akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi.
Purihin si Yahweh!"
Job
19:25Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa
akin pagdating ng wakas.
26Pagkatapos
na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay
maagnas.
27Siya'y
aking mamamasdan, at mukha ang makikita; siya'y makikilala nitong aking mga
mata. Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.
Ecclesiastico
1:Papuri sa Karunungan
1Mula
sa Panginoon ang lahat ng karunungan, at iyon ay taglay niya magpakailanman.
2Sino
ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw, o sa
panahong walang pasimula at walang katapusan?
3
Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa? Sino ang makakaarok
sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?
4-5Bago
pa likhain ang alinmang nilalang, nalikha na ang Karunungan, at ang tunay na
pagkaunawa, bago pa nagsimula ang mga panahon.
6-7Kanino
ipinahayag ang simula ng Karunungan, at sinong nakakaalam ng kanyang
pamamaraan?
8Iisa
lamang ang talagang marunong;
dapat
tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.
9Ang
Panginoon ang lumikha ng Karunungan, kinilala niya ang kahalagahan nito at
ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.
10
Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao, ngunit higit na masagana ang
kaloob niya sa mga umiibig sa kanya. c
11
Kung may paggalang ka sa Panginoon,
magkakamit
ka ng karangalan at kasiyahan,
mapuputungan
ka ng tuwa at kagalakan.
12Ang
magparangal sa Panginoon ay nagdudulot ng kaligayahan at tuwa,
nagkakaloob
ng buhay na mahaba at maligaya.
13Ang
may paggalang sa Panginoon ay sasagana sa bandang huli; pagpapalain siya sa
oras ng kamatayan.
14
Ang paggalang sa Panginoon ay simula ng tunay na Karunungan; sa sinapupunan pa
ng ina'y kasama na siya ng mga tapat.
15Nanirahan
siya e sa gitna ng mga tao mula pa noong una at magtitiwala sa kanya ang mga
susunod na salinlahi.
16Ang
may paggalang sa Panginoon
ay
siyang nagkakamit ng pinakamataas na Karunungan; mag-uumapaw sa kanila ang kanyang
masaganang bunga,
17pinasasagana
niya sa mabubuting bagay ang kanilang tahanan,
pinupuno
niya ng masaganang ani ang kanilang f mga kamalig.
18Ang
paggalang sa Panginoon ay magandang bulaklak ng Karunungan,
na
nagdudulot ng kapayapaan at kalusugan.
19Namamahagi
siya ng kaalaman at ganap na pagkaunawa; ang nagpapahalaga sa kanya ay kanyang
pinaparangalan at pinagiging tanyag.
20-21Ang
paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan, at ang mga sanga naman
nito ay mahabang buhay.
1 Corinto 1: 25 Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang
higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay
kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao. 26Mga kapatid, alalahanin ninyo ang
inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang
matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. 27Subalit
pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang
marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang
malalakas. 28Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga
mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng
sanlibutan. 29Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. 30Sa
kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo
Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y
itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. 31Kaya nga, tulad
ng nasusulat, "Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang
ginawa ng Panginoon."
Isaias 65: Bagong Langit at Lupa
17Ang
sabi ni Yahweh:
"Ako
ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay
ganap ng malilimutan.
18
Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang
Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at
magiging masaya ang kanyang mamamayan.
19
Ako mismo'y magagalak
dahil
sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.
20Ang
mga sanggol ay hindi na mamamatay, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang
matagal.
Ituturing
pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na, at ang hindi umabot sa
gulang na ito ay ituturing na isinumpa.
21Magtatayo
sila ng mga tahanang kanilang titirhan, magtatanim sila ng ubas at sila rin ang
aani.
22Hindi
tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.
Sa
tanim na halama'y iba ang nakinabang.
Tulad
ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang
papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.
23Anumang
gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga, at hindi magdaranas ng mga
sakuna ang mga anak nila; pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga
susunod pa.
24
Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, at ibibigay ko ang
kanilang hinihiling.
25
Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa, ang leon ay
kakain ng damo tulad ng baka. At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit
tapakan mo'y hindi ka mangangamba.
Magiging
panatag at wala nang masama sa banal na bundok. Sa Bundok ng Zion ay walang
makakapinsala o anumang masama."
Ginawang Tagapamahala sa Egipto si Jose
37 Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga kagawad ang
panukala ni Jose. 38 Sinabi nila, "Bakit pa tayo
hahanap ng iba, samantalang nasa kanya ang Espiritu a
ng Diyos?" 39 Kaya't sinabi ng Faraon kay Jose,
"Ang Diyos ang nagpakita sa iyo ng lahat ng ito, kaya't wala nang hihigit
pa sa iyo sa karunungan at pang-unawa. 40 Ikaw ang
pamamahalain ko sa buong bansa, at susundin ka ng lahat. Ang aking trono lamang
ang hindi mapapasaiyo. 41 At ngayon, inilalagay kitang gobernador
ng buong Egipto!" 42 Inalis ni Faraon sa kanyang daliri ang
singsing na pantatak at isinuot iyon kay Jose; binihisan niya ito ng damit na
lino at sinabitan ng gintong kuwintas sa leeg. 43 Ipinagamit
kay Jose ang pangalawang sasakyan ng hari, at binigyan siya ng tanod pandangal
na nauuna sa kanya at sumisigaw, "Lumuhod kayo!" Sa gayon,
ipinailalim sa kanya ang pamamahala sa buong Egipto. 44 Sinabi ng
Faraon kay Jose, "Ako ang Faraon at ikaw ang aking pangalawa, ngunit kung
wala kang pahintulot, walang sinuman sa Egipto na makakagawa ng anuman." 45 Binigyan
niya si Jose ng bagong pangalan: Zafenat-panea. At ipinakasal sa kanya si
Asenat na anak ni Potifera, ang pari sa Heliopolis. b
Bilang gobernador, pinamahalaan ni Jose ang buong lupain ng Egipto. 46 Tatlumpung taon si Jose nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Pagkaalis niya sa harapan ng hari, nilibot niya ang buong Egipto. 47 Pitong taong nag-ani nang sagana sa buong lupain. 48 Inipon ni Jose ang lahat ng pagkain sa Egipto at ikinamalig sa mga lunsod. Sa loob ng pitong taon ng kasaganaan, inipon niya sa bawat lunsod ang mga pagkaing inani sa palibot nito. 49 Ang naipon niyang trigo ay sindami ng buhangin sa dagat, kaya't hindi na niya tinatakal dahil sa dami.
50 Bago dumating ang taggutom, nagkaanak si Jose ng dalawang lalaki kay Asenat. 51 Tinawag niyang Manases c ang panganay, sapagkat sinabi niya, "Niloob ng Diyos na malimot ko ang aking naging hirap sa bahay ng aking ama." 52 Efraim d naman ang ipinangalan sa pangalawa, sapagkat ang sabi niya, "Pinagkalooban ako ng Diyos ng mga anak sa lupain ng aking paghihirap."
53 Natapos ang pitong taon ng kasaganaan sa Egipto. 54 At sumunod ang pitong taong taggutom, tulad ng sinabi ni Jose. Ngunit sa buong Egipto'y may pagkain, samantalang taggutom sa ibang bansa. 55 Nang wala nang makain ang mamamayan, sila'y dumaing sa Faraon. Sinabi niya sa mga taga-Egipto, "Mag-punta kayo kay Jose, at sundin ninyo ang kanyang sasabihin." 56 Lumaganap ang taggutom sa buong bansa. Binuksan ni Jose ang lahat ng mga kamalig, at pinagbilhan ng trigo ang mga taga-Egipto. Palubha nang palubha ang taggutom sa buong Egipto. 57 Lumaganap din ito sa ibang mga bansa, kaya't ang mga
mamamayan nila'y pumunta sa Egipto upang bumili ng pagkain kay Jose.
Genesis 37:
5 Minsan, nanaginip si Jose at lalong namuhi ang mga
kapatid niya nang ito'y ikuwento niya sa kanila. 6 Sabi ni
Jose, "Napanaginipan ko, 7 na tayo ay
nasa bukid at nagbibigkis ng trigo. Tumayo ang aking binigkis at yumukod sa
paligid nito ang inyong mga binigkis." 8 "Ano! Ang ibig mo bang sabihin ay maghahari ka sa amin?" tanong nila. At lalo silang nagalit kay Jose.
9 Nanaginip muli si Jose at isinalaysay sa kanyang mga kapatid ang ganito: "Nakita ko sa aking panaginip na ang araw, ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko sa aking harapan."
10 Sinabi rin niya ito sa kanyang ama, at ito'y nagalit din sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng ama. "Kami ng iyong ina't mga kapatid ay yuyuko sa harapan mo?" 11 Inggit na inggit kay Jose ang kanyang mga kapatid. Inisip-isip namang mabuti ng kanyang ama ang mga bagay na ito.
Ipinagbili si Jose at Dinala sa Egipto
12 Isang araw, nasa Shekem ang mga kapatid ni Jose at
pinapastol doon ang kawan ng kanilang ama. 13 Sinabi ni
Israel kay Jose, "Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid." "Opo," tugon ni Jose.
14 Sinabi pa ng kanyang ama, "Tingnan mo kung sila'y nasa mabuting kalagayan. Pagkatapos, bumalik ka agad at nang malaman ko." Lumakad nga si Jose mula sa libis ng Hebron at nakarating sa Shekem. 15 Sa kanyang paglalakad, nakita siya ng isang lalaki at tinanong kung anong hinahanap niya.
16 "Hinahanap ko po ang aking mga kapatid na nagpapastol ng aming kawan," sagot niya. "Saan ko po kaya sila makikita?"
17 Sinabi ng lalaki, "Umalis na sila at ang dinig ko'y sa Dotan pupunta." Sumunod si Jose at natagpuan nga roon ang mga kapatid.
18 Malayo pa'y natanaw na siya ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. 19 Sinabi nila, "Ayan na ang mahilig managinip! 20 Patayin natin siya at ihulog sa balon, at sabihing siya'y sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip."
21 Narinig ito ni Ruben at binalak niyang iligtas si Jose. Sabi niya, "Huwag, huwag nating patayin. 22 Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon." Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid at dalhin ito sa kanyang ama. 23 Paglapit ni Jose, hinubad nila ang mahabang damit nito na may manggas, b 24 at inihulog sa isang tuyong balon.
25 Habang sila'y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa Gilead. Ang kanilang mga kamelyo ay may kargang mga gagawing pabango na dadalhin sa Egipto. 26 Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, "Wala tayong mapapala kung papatayin natin ang ating kapatid. 27 Mabuti pa'y ipagbili na lamang natin siya sa mga Ismaelita kaysa ating saktan! Siya'y kapatid din natin, laman ng ating laman at dugo ng ating dugo." At sila'y nagkasundo. 28 Kaya't nang may dumaraang mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto.
29 Pagbalik ni Ruben sa balon, nakita niyang wala na roon si Jose. Sa laki ng kanyang pagdaramdam, pinunit niya ang kanyang damit. 30 Lumapit siya sa kanyang mga kapatid at ang sabi, "Wala na sa balon si Jose! Ano ang gagawin ko ngayon?"
31 Nagpatay sila ng kambing at itinubog sa dugo nito ang hinubad na damit ni Jose. 32 Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, "Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito nga ang sa mahal ninyong anak."
33 Nakilala niya agad ang damit. "Kanya nga ito! Pinatay ng mabangis na hayop ang anak ko! Pihong nagkaluray-luray ang kanyang katawan." 34 Sinira ni Jacob ang suot niyang damit, at nagsuot ng damit-panluksa. Ipinagluksa niya nang mahabang panahon ang nangyari sa kanyang anak. 35 Inaliw siya ng lahat niyang mga anak ngunit patuloy ang kanyang pamimighati. Sinabi niya, "Mapupunta ako sa daigdig ng mga patay na nagdadalamhati dahil sa pagkawala ng aking anak." Patuloy siyang nagluksa dahil kay Jose.
36 Samantala, pagdating sa Egipto, ipinagbili si Jose ng mga Midianita kay Potifar, isang punong kawal ng Faraon at kapitan ng mga tanod sa palasyo.
Mateo 1:
18 Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si
Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila
makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu Santo. 19 Subalit
dahil isang taong matuwid si Jose na kanyang mapapangasawa, at ayaw nitong
malagay sa lubos na kahihiyan si Maria, binalak niyang hiwalayan a si Maria nang palihim. 20 Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, "Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. 21 Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."
22 Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta,
23 "Tingnan ninyo; 'Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.' " (Ang kahulugan nito'y "Kasama natin ang Diyos").
24 Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria. 25 Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol.
Page 26
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento