Ang
paghahanap sa tunay at tamang pamumuhay sa pamamagitan ng ispiritual na batas
sa pagtatagumpay. The Divino way.
Ng isaalang-alang ng sinaunang tao ang kalakihan ng uniberso. Sila ay nakadama ng isang bagay na lubhang kataka-taka at kagulat-gulat. Nadama nilang konektado sila sa sandaigidigan. Ang isang espirituwal na koneksyon ay hindi maaaring makita o mahipo. Ngunit may isang paraan upang mapatunayan ang mga bagay na hindi nakikita sa pamamagitan ng paggamit ng isang kakayahang mas malakas at maaasahang kaysa sa limang pandama, ang ating diwa o ang ating kamalayan.
Ng isaalang-alang ng sinaunang tao ang kalakihan ng uniberso. Sila ay nakadama ng isang bagay na lubhang kataka-taka at kagulat-gulat. Nadama nilang konektado sila sa sandaigidigan. Ang isang espirituwal na koneksyon ay hindi maaaring makita o mahipo. Ngunit may isang paraan upang mapatunayan ang mga bagay na hindi nakikita sa pamamagitan ng paggamit ng isang kakayahang mas malakas at maaasahang kaysa sa limang pandama, ang ating diwa o ang ating kamalayan.
Maliban na
magkaroon ng kamalayan na may isang
bagay na totoo saka lang maaari
itong maging totoo. Ang Kamalayan ay magsasabi sa iyo na ikaw ay buhay na
ikaw na nag-iisip at huminga.
Ito ay magsasabi sa iyo kung ikaw ay masaya o
malungkot. At kung
ikaw ay nag-tatagumpay sa pagtupad ng iyong buhay.
Pag-uusapan natin rito ang iba’t
ibang dahilan at karanasan kung bakit natin kailangang mapag-aralan at
matutunan ang paghahanap ng tunay at tamang pamumuhay sa pamamagitan ng
ispiritual na batas sa pagtatagumpay.
Ilalahad ang tunay na istorya ng
mga nag aral at naging miembro ng Dtef dahil ang paniniwala nila dati ay puro
trabaho at negosyo lamang ang tunay na daan ng pagtatagumpay.
Sila mismo ang magbabahagi kung
paanong ang maganda at bagong sasakyan nila ang muntik ng maging dahilan ng
kanilang kamatayan dahil sa kidnapping.
Ganun din ang may ari ng napakamahal at napakagandang motorcycle na
muntik ng kumitil sa kanyang buhay dahil sa aksidente. Resulta ito ng kawalan
ng panahon sa tamang orasyon at dasal na dapat ibuhay dahil laging naka abang
ang kamay ni kamatayan.
Isa rin sa naging miembro bg Dtef na may ari
ng napakamahal at napaka gandang bahay ang pinasok ng mga magnanakaw dahil sa
kawalan ng kaalaman sa mga sikretong kapangyarihan ng pag lalagay ng ispiritual
na proteksyon at divine shields.
Kung paanong nabago ang pananaw
ng isang kabataan sa pagiging alipin ng mga bagong gamit ng technolohiya tulad
ng mga cellphones na muntik na nyang ikamatay dahil sa holdapper.
Lahat ng material na bagay ay
naluluma at nasisira ni hindi mo nga ito madadala sa kabilang mundo kaya taasan
natin ang lebel ng ating kaalaman sa tunay na dahilan ng ating pagkakalikha.
Ang Kayamanan sa Langit
(Lucas 12:33-34)
19 "Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito
sa lupa; dito'y may naninirang insekto at kalawang, at may nakakapasok na
magnanakaw. 20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan
sa langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok
na magnanakaw. 21 Sapagkat kung saan naroroon ang
iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso." Maling Pag-iipon ng Kayamanan
Lucas
12:
15 At sinabi niya sa kanilang
lahat, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng
tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan."
Mateo
16:
24 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga
alagad, "Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil
niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay
mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay
magkakamit nito. 26 Sapagkat ano ba ang mapapala ng
isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang
kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang
buhay?
1
Timoteo 6
7 Wala tayong dalang anuman sa
sanlibutan, at wala rin tayong madadalang anuman pag-alis dito. 8 Kaya nga't, dapat na tayong masiyahan kung tayo'y may
kinakain at isinusuot. 9 Ang mga nagnanasang yumaman
ay nahuhulog sa tukso at nasisilo sa bitag ng masasamang hangaring magtutulak
sa kanila sa kamatayan at kapahamakan. 10 Sapagkat
ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng kasamaan. Dahil sa paghahangad na
yumaman, may mga taong nalalayo sa pananampalataya at nasasadlak sa maraming
kapighatian.
Diyos o Kayamanan?
(Lucas
16:13)(Lucas 12:22-31)
24 "Walang aliping makakapaglingkod nang sabay
sa dalawang panginoon, sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin angikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod nang sabay sa Diyos at sa kayamanan.
25 "Kaya't sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin d upang kayo'y mabuhay o kaya'y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba't ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit? 26 Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon? 27 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28 "At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. 29 Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. 30 Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buhay ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31 "Kaya't huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit. 32 Hindi ba't ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33 Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Lahat
ng may buhay ay isang halimbawa ng
mga eleganteng ekpresyon
ng katalinuhan ng kalikasan. Ang Katalinuhang ito ay nagpapatakbo sa pamamagitan ng iba't ibang mga espiritwal na batas.
Kung paano
sila napapaandar ay isang misteryo, malalim kasing lalim ng espiritu mismo.
1
Timoteo 3
Ang pagkamit ng
tagumpay sa kalikasan
ay pinamamahalaan ng parehong mga
batas na namamahala sa lahat ng
kalikasan. Kapag inilalagay
natin ang ating sarili sa pagkakatugma sa kalikasan lumilikha tayo ng bigkis sa pagitan ng ating sariling kagustuhan at sa kapangyarihan
upang matupad ang ating mga kagustuhan at ito’y magkatotoo.
Anumang bagay
na gusto natin ay
maaaring malikha. Ang tunay na tagumpay
ay sinusukat sa kung gaano kahusay, kung paanong walang
kahirap-hirap, na iyong malaman
paano lumikha ng iyong uniberso kasama ang malaking uniberso.
Ito
ay nagsisimula sa kilusan ng kamalayan sa isang
pagnanais o intensyon
at pagkatapos ay hahanapin ang daanan sa katuparan.
Sa ilalim ng
mga patong patong na impormasyon at
kawalan ng katiyakan, isang bagay
na malikhain ang palaging nangyayari.
Ang paniniwala ng mga guro ng
Dtef ay dapat tayong maging hiwalay mula sa mga kahihinatnan ng
iyong mga aksyon. Sa karunungan
ng kawalang katiyakan, ang nakatagong mga layunin ay sumusunod sa kanilang sariling mga direksyon.
Awit 37: 1-40
Ang Kahihinatnan ng Masama at ng Mabuti
Katha ni David.
1 Huwag kang mabalisa dahil sa masama;huwag mong kainggitan liko nilang gawa.
2 Katulad ng damo, sila'y malalanta,
tulad ng halaman, matutuyo sila.
3 Umasa ka sa Diyos, ang mabuti'y gawin,
at mananahan kang ligtas sa lupain.
4 Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo'y iyong makakamtan.
5 Ang iyong sarili'y sa kanya italaga,
tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.
6 Ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.
7 Sa harap ni Yahweh ay pumanatag ka,
maging matiyagang maghintay sa kanya;
huwag mong kainggitan ang gumiginhawa,
sa likong paraan, umunlad man sila.
8 Huwag kang mapopoot ni mababalisa,
iyang pagkagalit, iwasan mo sana;
walang kabutihang makakamtan ka.
9 Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay,
ligtas sa lupain at doon tatahan,
ngunit ang masama'y ipagtatabuyan.
10 Hindi magtatagal, sila'y mapaparam,
kahit hanapin mo'y di masusumpungan.
11 Tatamuhin ng mga mapagpakumbaba,
ang lupang pangako na kanyang pamana;
at sa lupang iyon na napakasagana,
ang kapayapaa'y matatanggap nila.
12 Ang taong masama'y laban sa matuwid,
napopoot siyang ngipi'y nagngangalit.
13 Si Yahweh'y natatawa lang sa masama,
pagkat araw nila lahat ay bilang na.
14 Taglay ng masama'y pana at patalim,
upang ang mahirap dustai't patayin,
at ang mabubuti naman ay lipulin.
15 Ngunit sa sariling tabak mamamatay,
pawang mawawasak pana nilang taglay.
16 Higit na mabuti ang may kakaunti ngunit matuwid at walang kinakanti, kaysa kayamanan nitong masasama,
pagsamahin mang lahat, ito'y bale-wala.
17 Lakas ng masama ay aalisin,
ngunit ang matuwid ay kakalingain.
18 Iingatan ni Yahweh ang taong masunurin,
ang lupang minana'y di na babawiin.
19 Kahit na sumapit ang paghihikahos,
di daranasin ang pagdarahop.
20 Ngunit ang masama'y pawang mamamatay;
kalaban ni Yahweh, tiyak mapaparam,
tulad ng bulaklak at mga halaman;
para silang usok na paiilanlang.
21 Anumang hiramin ng taong masama,
di na ibabalik sa kanyang kapwa,
ngunit ang matuwid na puso'y dakila,
ang palad ay bukas at may pang-unawa.
22 Lahat ng mga taong pinagpala ni Yahweh,
lupang masagana, kanilang bahagi;
ngunit ang sinuman na kanyang sumpain,
sa lupaing iyon ay palalayasin.
23 Ang gabay ng tao sa kanyang paglakad,
ay itong si Yahweh, kung nais maligtas;
sa gawain niya, ang Diyos nagagalak.
24 Kahit na mabuwal, siya ay babangon,
pagkat si Yahweh, sa kanya'y tutulong.
25 Mula pagkabata't ngayong tumanda na,
sa tanang buhay ko'y walang nabalita na sa taong tapat,
ang Diyos nagpabaya;
o ang anak niya'y naging hampas-lupa.
26 Sa lahat ng oras,
bukas pa ang palad sa pagkakaloob sa mga mahirap;
pagpapala'y laan ng kanilang mga anak.
27 Masama'y itakwil, mabuti ang gawin,
upang manahan kang lagi sa lupain.
28 Ang lahat ng taong wasto ang gawain,
ay mahal ni Yahweh, hindi itatakwil.
Sila'y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.
29 Ang mga matuwid, ligtas na titira,
at di na aalis sa lupang pamana.
30 Sa bibig ng matuwid namumutawi'y karunungan;
at sa labi nila'y pawang katarungan.
31 Ang utos ng Diyos ang laman ng puso,
sa utos na ito'y hindi lumalayo.
32 Ang taong masama'y laging nag-aabang,
sa taong matuwid nang ito'y mapatay;
33 ngunit hindi naman siya hahayaang mahulog sa kamay ng mga kaaway;
di rin magdurusa kahit paratangan.
34 Manalig ka kay Yahweh, utos niya'y sundin;
ikaw ay lalakas upang ang lupain ay kamtin,
at ang mga taksil makikitang palalayasin.
35 Ako'y may nakitang taong abusado,
itaas ang sarili ang kanyang gusto;
kahoy sa Lebanon ang tulad nito.
36 Lumipas ang araw, ang aking napuna,
nang ako'y magdaan, ang tao'y wala na;
hinanap-hanap ko'y di ko na makita.
37 Ang taong matuwid ay inyong pagmasdan,
mapayapang tao'y patuloy ang angkan.
38 Ngunit wawasaking lubos ang masama,
lahi'y lilipulin sa balat ng lupa.
39 Ililigtas ni Yahweh ang mga matuwid,
iingatan sila kapag naliligalig.
40 Sasaklolohan sila't kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat si Yahweh ang kanilang sandigan.
Awit 33: 1-22
Awit ng Pagpupuri
1 Lahat ng matuwid dapat na magsaya,dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
kayong masunuri'y magpuri sa kanya!
2 Ang Diyos na si Yahweh ay pasalamatan,
tugtugin ang alpa't awit ay saliwan;
3 Isang bagong awit, awiting malakas,
kasaliw ang tugtog ng alpang marilag!
4 Si Yahweh ay tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
5 Ang nais niya ay kat'wira't katarungan,
ang pag-ibig niya sa mundo'y laganap.
6 Sa utos ni Yahweh, nalikha ang langit,
ang araw, ang buwa't talang maririkit;
7 sa iisang dako, tubig ay tinipon,
at sa kalaliman ay doon kinulong.
8 Matakot kay Yahweh ang lahat sa lupa!
Dapat katakutan ng buong nilikha!
9 Ang buong daigdig, kanyang nilikha,
sa kanyang salita, lumitaw na kusa.
10 Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababago't winawalang-bisa.
11 Ngunit ang mga panukala ni Yahweh,
hindi masisira, ito'y mananatili.
12 Mapalad ang bansang si Yahweh ang Diyos;
mapalad ang bayang kanyang ibinukod.
13 Magmula sa langit, kanyang minamasdan
ang lahat ng tao na kanyang nilalang.
14 Nagmamasid siya at namamahala
sa lahat ng tao sa balat ng lupa.
15 Ang isip nila'y sa kanya nagmula
walang nalilingid sa kanilang gawa.
16 Di dahil sa hukbo, hari'y nagtagumpay,
ni dahil sa lakas, nagwagi ang kawal;
17 kabayong pandigma'y di na kailangan,
upang sa digmaa'y kamtin ang tagumpay;
di makakapagligtas, lakas nilang taglay.
18 Ang nagmamahal kay Yahweh, at nagtitiwala
sa kanyang pag-ibig, ay kinakalinga.
19 Hindi hahayaang sila ay mamatay,
kahit magtaggutom sila'y binubuhay.
20 Tanging si Yahweh lang ang ating pag-asa;
tulong na malaki at sanggalang siya.
21 Dahil nga sa kanya, kami'y natutuwa;
sa kanyang pangalan ay nagtitiwala.
22 Ipagkaloob mo na aming makamit,
O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig,
yamang ang pag-asa'y sa iyo nasasalig!
Ang
espiritwal na batas ng Dtef sa pagtatagumpay ay talagang mekanika
na kung saan ang hindi
nahahahayag ay mahahayag. Ang hindi pa natutupad ay
matutupad.
Ang
batas ng purong
potensyal. Sinasabing ang iyong makabuluhang
estado, ang iyong estadong panlupa ay isang walang katapusang posibilidad. Kahit may mga potensyal sa
mga pagkakataon na matatagpuan sa lahat ng bagay.
Ito ay
ang pinagmulan ng lahat ng paglikha. Isang lugar na kung saan ang taong mapangarapin ay
nagkakaroon ng pagkakataong matupad ang kanyang pangarap. Upang magkaroon ng anumang
ninanais mo anumang oras na gusto
mo at may kaunting pagsusumikap na kailangan lang na
nakadikit sa karunungan ng kawalan ng katiyakan, sa sagradong
kaalaman at sa nakatagong karunungan.
Ang kawalan ng katiyakan
ay ang mayabong na lupa ng purong pagkamalikhain at ng
imahinasyon. Ang kawalan ng katiyakan
ay nangangahulugan paghakbang sa hindi nalalaman. Sa
bawat sandali ng
ating pag-iral, sa bawat sandali ng ating buhay.
Ito ang pagkakaroon ng tiwala sa mas mataas na lumikha.
Ang kawalan ng katiyakan
ay ang lupang mayabong sa purong pagkamalikhain,
purong kalayaan, at sa purong ebolusyon. Sa loob ng kawalan
ng katiyakan ay makikita ang kalayaan
upang lumikha ng anumang ninanais mo.
Ang hindi nalalaman ay ang patlang ng lahat ng mga
posibilidad. Ito kailanman ay
laging sariwa, laging bago, laging bukas sa paglikha ng mga bagong katotohanan.
Kapag
nakakaranas ka ng pag-aalinlangan
ikaw ay bukas para sa isang buo at malawak na saklaw ng mga posibilidad. Ikaw ay nasa tamang landas.
Ang pagpasok
sa isang labirint ay kumakatawan sa isang paglalakbay sa ating sariling sentro
at pagkatapos ay lalabas muli
sa mundo. Pumasok sa batas ng nakatagong lakas. Dito
ay walang mga bagay, walang mga espasyo o oras. Walang enerhiya,
walang impormasyon ngunit mayroong walang katapusang potensyal para sa enerhiya, oras,
impormasyon, espasyo at mga bagay.
Ang
batas ng purong
potensyal ay nagsasabi sa iyo na ikaw mismo ay isang kamalayan, parehong mahahayag sa materyal na mundo at ito ay namamalaging hindi naihahayag sa iyong pagkatao. Samakatuwid,
ang espiritu ay namamalagi
sa pinagmulan ng lahat
ng tagumpay na nasa buhay.
Kung titingnan mo ang
kalikasan sa kanyang kabuuan ito ay
mukhang maayos na gumagana sa mga tuntunin ng pagbabago, sa
pag-unlad patungo sa isang mas mataas na
antas ng kamalayan.
At tila ang kalikasan
ay nagagawang maghayag ng kanyang intensyon ng walang tensyon at pagpupumilit.
Kung hindi
ka konektado sa tahimik, at sa walang hirap na pagkilos ng kalikasan, Ano ang alternatiba?
Trabaho, pakikibaka, pagsusumikap, pagkabigo. Ang mga bagay na ating
iniisip ay kinakailangan sa anumang uri ng
dakilang tagumpay.
Ano ang
tagumpay? Sa Espirituwal
na termino, ang tagumpay ay ang pagpapalawak ng
kaligayahan. Ito ay isang pasulong
na pagpapatuloy ng iyong buhay sa pamamagitan ng paglalahad at pagbukas
ng iyong sariling pananaw.
Kwento ng isang Dtef businessman
member 1 Noong hindi pa ako nag aaral ng pag Didivino businessman ako at ang
pakiramdam ko napakataas ko at ito ang tamang daan puro pera, karangyaan at
kasiyahan. Puro pera ang dapat pag sikapan ito ba ang tunay na kaligayan laging
nagmamadali papunta sa opisina laging harass sa mga deadlines laging sinasagupa
ang stress sa work at traffics pero unti unti nakikitang hindi ito ang dapat na
mundo lang na nakikilala ko at iniikutan. At hindi lang ito ang tunay na
kaligayahan. Marami akong nakitang nagkakasakit dahil sa pressures. Tapos halos
wala na akong oras magsimba o manalangin man lang nakalimutan kong may Dios.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento