Martes, Nobyembre 5, 2013

Ang iyong ipinalalangin at ang mga orasyong ginagamit mo, ang siyang nangyayari sa iyong kamalayan, kaisipan at sa iyong buhay.



Ang iyong ipinalalangin at ang mga orasyong ginagamit mo, ang siyang nangyayari sa iyong kamalayan, kaisipan at sa iyong buhay.

Marcos 11:


24 Kaya't sinasabi ko sa inyo, anuman ang hingin ninyo sa inyong panalangin, maniwala kayong natanggap na ninyo iyon, at matatanggap nga ninyo iyon. 25-26 Kapag kayo'y tumayo upang manalangin, patawarin muna ninyo ang nagkasala sa inyo upang ang inyong mga kasalanan ay patawarin din ng inyong Ama na nasa langit."
Ang ating kaisipan ay isang maestro ng kapangyarihan na nagmomolde at nagbubuo, At ang tao ay isang kaisipan, at habang-buhay siyang tumatagal
Ang gamit ng kaisipan na humuhubog sa kung ano ang ating ninanais,
Ay nagdadala ng libong kasiyahan, maging ng libong mga pinsala at karamdaman: -
Ito ay nag-iisip sa lihim, at dumarating:
Ang kapaligiran ay ang kanyang salamin.
Ang sagradong aklat na ito ay nagtatanghal ng isang simple ngunit rebolusyonaryong ideya na ang ating ipinapanalangin, ang ating orasyong inuusal ang matutupad sa ating buhay.
Ito ay nagpapahayag na ang tao ay isang literal na produkto ng kanyang ginagawa, ng kanyang karakter sa pagiging isang kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga kaisipan.

Klasikong karunungan

Para sa karagdagang inspirasyon ng mga lumalaking komunidad ng mga naghahanap ng kaliwanagan.
Ito ang resulta ng pag-iisip nang malalim at meditasyon upang pasiglahin tayo sa pagtuklas at pang-unawa ng mga katotohanan na- tayo rin ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan.
Ang tao rin ang gumagawa ng sarili niyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng kabutihan ng ating mga kalooban, na tayo rin ang pumili at nanghikayat; na ang ating pag-iisip ay ang maestrong-naghahabi, ng parehong panloob na damit ng karakter at ng panlabas na damit ng mga pangyayari, ay nagtatakpi ng kawalan ng kaalaman at hapdi ay maaaring itahi sa liwanag at kaligayahan.

Juan 15: 1-17

Ang Tunay na Puno ng Ubas
               1 Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking Ama ang tagapag-alaga. 2 Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. 3 Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. 4 Manatili kayo sa akin at mananatili din ako sa inyo. Hindi magbubunga ang sangang hindi nananatili sa puno. Gayundin naman, hindi kayo magbubunga kung hindi kayo mananatili sa akin.
               5 Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang nagbubunga nang sagana, sapagkat wala kayong magagawa kung kayo'y hiwalay sa akin. 6 Ang hindi nananatili sa akin ay matutuyo at itinatapon, gaya ng sanga. Ang ganoong mga sanga ay tinitipon, inihahagis sa apoy at sinusunog. 7 Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang aking mga salita, hingin ninyo ang anumang nais ninyo at ibibigay iyon sa inyo. 8 Napaparangalan ang aking Ama kung kayo'y masaganang nagbubunga bilang aking mga alagad. a 9 Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-ibig. 10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa aking pag-ibig; tulad ko, tinutupad ko ang mga utos ng aking Ama at ako'y nananatili sa kanyang pag-ibig.
               11 Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang mapasainyo ang kagalakan ko at nang sa gayon, malubos ang inyong kagalakan. 12 Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. 13 Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. 14 Kayo'y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang aking mga utos. 15 Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin, sapagkat hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang panginoon. Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. 16 Hindi ninyo ako pinili, kayo ang pinili. Pinili ko kayo upang kayo'y magbunga at manatili ang inyong bunga upang ang anumang hingin ninyo sa Ama, sa aking pangalan, ay ibibigay sa inyo. 17 Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.
Ang talinghagang "Kung ano ang iniisip ng isang tao na nasa kanyang puso ay kung ano siya," hindi lamang yumayakap sa kabuuan ng kanyang pagkatao, ngunit ito ay komprehensibo upang maabot ang bawat kondisyon at kalagayan ng kanyang buhay. Ang isang tao ay literal na kung ano ang kanyang iniisip, ang kanyang karakter ang pagiging kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga saloobin.
Kung paanong ang isang halaman ay nagmumula sa taniman, at hindi maaaring maging wala, ang binhi, kung gayon ang bawat aksyon ng isang tao ay mula sa nakatagong binhi ng kanyang kaisipan, at hindi lilitaw kung wala ito. Nalalapat ito nang pantay-pantay sa mga pagkilos na tinatawag na "kusang-loob" at "hindi inihanda" kontra doon, sa sadyang sinasadya at ginagawa.
Ang pag-aksyon ay ang pamumulaklak ng kaisipan, kagalakan at paghihirap ay ang bunga nito; kaya ang isang tao ay umaani sa matamis at mapait ng prutas ng kanyang sariling pagsasaka.
Itutuloy sagradong aklat 38

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento