Biyernes, Nobyembre 22, 2013

Sagradong Aklat 32 Ang isang makahulugang buhay ay hindi pagiging mayaman, o pagiging popular, o ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan o ang pagiging perpekto ... ito ay tungkol sa pagiging totoo, pagiging mapagpakumbaba, kakayahang ibahagi ang ating sarili, at mahipo ang buhay ng iba. Sa panahon lamang na iyun saka tayo magkakaroon ng puspos, maaliwalas at kontentong buhay.



Sagradong Aklat 32
Ang isang makahulugang buhay ay hindi pagiging mayaman, o pagiging popular, o ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan o ang pagiging perpekto ... ito ay tungkol sa pagiging totoo, pagiging mapagpakumbaba, kakayahang ibahagi ang ating sarili, at mahipo ang buhay ng iba. Sa panahon lamang na iyun saka tayo magkakaroon ng puspos, maaliwalas at kontentong buhay.
            Ang ating kaisipan ay isang maestro ng kapangyarihan na nagmomolde at nagbubuo, At ang tao ay isang kaisipan, at habang-buhay siyang tumatagal. Ang gamit ng kaisipan na humuhubog sa kung ano ang ating ninanais, Ay nagdadala ng libong kasiyahan, maging ng libong mga pinsala at karamdaman: -
            Ito ay nag-iisip sa lihim, at dumarating: Ang kapaligiran ay ang kanyang salamin. Ang sagradong aklat na ito ay nagtatanghal ng isang simple ngunit rebolusyonaryong ideya na ang ating ipinapanalangin, ang ating orasyong inuusal ang matutupad sa ating buhay.
Ito ay nagpapahayag na ang tao ay isang literal na produkto ng kanyang ginagawa, ng kanyang karakter sa pagiging isang kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga kaisipan.

            Klasikong karunungan
Para sa karagdagang inspirasyon ng mga lumalaking komunidad ng mga naghahanap ng kaliwanagan.
             Ito ang resulta ng pag-iisip nang malalim at meditasyon upang pasiglahin tayo sa pagtuklas at pang-unawa ng mga katotohanan na- tayo rin ang gumagawa ng sarili nating kinabukasan.

             Ang tao rin ang gumagawa ng sarili niyang pagkatao.
Sa pamamagitan ng kabutihan ng ating mga kalooban, na tayo rin ang pumili at nanghikayat; na ang ating pag-iisip ay ang maestrong-naghahabi, ng parehong panloob na damit ng karakter at ng panlabas na damit ng mga pangyayari, ay nagtatakpi ng kawalan ng kaalaman at hapdi ay maaaring itahi sa liwanag at kaligayahan.
Ang kaisipan at karakter.
             Ang talinghagang "Kung ano ang iniisip ng isang tao na nasa kanyang puso ay kung ano siya," hindi lamang yumayakap sa kabuuan ng kanyang pagkatao, ngunit ito ay komprehensibo upang maabot ang bawat kondisyon at kalagayan ng kanyang buhay. Ang isang tao ay literal na kung ano ang kanyang iniisip, ang kanyang karakter ang pagiging kumpletong kabuuan ng lahat ng kanyang mga saloobin.
             Kung paanong ang isang halaman ay sumisibol, at hindi maaaring maging wala, ang binhi, kung gayon ang bawat aksyon ng isang tao ay mula sa nakatagong binhi ng kanyang kaisipan, at hindi lilitaw kung wala ito. Nalalapat ito nang pantay-pantay sa mga pagkilos na tinatawag na "kusang-loob" at "hindi inihanda" kontra doon sa sadyang sinasadya at ginagawa.
            Ang pag-aksyon ay ang pamumulaklak ng kaisipan, kagalakan at paghihirap ay ang bunga nito; kaya ang isang tao ay umaani sa matamis at mapait ng prutas ng kanyang sariling pagsasaka.
              "Ang pag-iisip sa ating kaisipan ang gumawa sa atin, kung ano tayo, Sa pamamagitan ng pag-iisip ay napapanday at naitatayo. Kung ang isip ng tao ay masasamang kaisipan, ang hapdi ay pumupunta.
Ang gulong ng baka sa kanyang likuran ....
              Kung .. ang isa ay nagtitiis
Sa kadalisayan ng pag-iisip, kagalakan ay sumusunod sa kanya.
Tulad ng kanyang sariling anino-ito ay beripikado. "
             Ang tao ay isang pag-unlad sa pamamagitan ng batas, at hindi isang paglikha ng pakana, o sanhi at epekto ay hindi mapag-aalinlanganan at hindi maililihis sa nakatagong kaharian ng pag-iisip sa mundo ng nakikita at materyal na bagay. Ang isang marangal at tulad ng divinong karacter ay hindi isang bagay ng pagtatangi o pagkakataon, ngunit ito ay ang natural na resulta ng patuloy na pagsisikap sa tamang pag-iisip, ang epekto ng pang-tangi na may kaugnayan tulad ng divinong saloobin. Isang walang puri at makahayop na karacter, sa pamamagitan ng parehong proseso, ay ang resulta ng patuloy na pag-iipon ng magaspang na saloobin.
              Ang Tao ay nabubuo o hindi nabubuo sa pamamagitan ng kanyang sarili; sa taguan ng mga armas ng kaisipan niya ay napapanday ang mga armas na kung saan maaaring makasira ng kanyang sarili; siya rin ang humuhugis ng mga kagamitan na kung saan siya ay nagbubuo sa kanyang sarili ng mala-paraisong tahanan ng kagalakan, lakas at kapayapaan. Sa pamamagitan ng tamang pagpipilian at tunay na applikasyon ng pag-iisip, ang tao ay umaakyat sa pagiging pagka-perpekto ng pagka-divino; sa pamamagitan ng pag-aabuso at maling applikasyon ng pag-iisip, siya bumababa sa ilalim ng antas ng mga hayop. Sa pagitan ng mga dalawang kasukdulan ang lahat ng mga grado ng mga karakter, ang tao ang gumawa at maestro.  
             Ang lahat ng mga magagandang katotohanan tungkol sa kaluluwa na naibabalik at dinadala sa liwanag sa panahong ito, wala ng mas nakakatuwa o nagbubunga ng banal na pangako at pagtitiwala kaysa rito-na ang tao ay ang panginoon ng kanyang  ​​kaisipan, ang tagapagmolde ng kanyang mga karakter, at ang gumagawa at humuhugis ng kanyang kondisyon, kapaligiran, at kapalaran.

Efeso 1:

Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo
               3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. 6 Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7 Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8 na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, 9 ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo 10 pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
               11 Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban. 12 Tayong mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.
               13 Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. 14 Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!
Ang Panalangin ni Pablo
               15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, 16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo tuwing ipinapanalangin ko kayo. 17 Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, 19 at kung ano ang di-masukat na kapangyarihang kaloob niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon 20 ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya. 23 Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.
              Bilang isang nilikha sa kapangyarihan, sa katalinuhan, at sa pag-ibig, at ang panginoon ng kanyang sariling mga saloobin, ang tao ay humahawak ng susi sa bawat sitwasyon, at naglalaman sa loob ng kanyang sarili ng pagbabago at nagbabagong-buhay sa pamamagitan ng ahensiya na maaaring siya ang gumawa sa kanyang sarili kung ano ang kanyang ninanais.

              Ang tao ay palaging ang maestro, kahit sa kanyang kahinaan at pinaka abandunang estado; ngunit sa kanyang kahinaan at kawalang dangal na kalagayan siya ay ang hangal na panginoon na namamala sa maling paraan ng kanyang "sambahayan."

             Kapag siya ay nagsisimulang makaaninag sa kanyang kalagayan, at hanaping masigasig ang Batas na kung saan ang kanyang pagkatao ay itinatag, siya pagkatapos ay magiging matalinong maestro ng kanyang kapalaran, nagdidirekta ng kanyang enerhiya ng may katalinuhan, at hugisin ang kanyang mga saloobin sa mga mabungang isyu. Tulad ng maestrong may kamalayan, at ang tao ay maaari lamang maging ayon sa kanyang ninanais sa pamamagitan ng pagtuklas sa loob ng kanyang sarili ang mga batas ng pag-iisip; na ang pagtuklas ay talagang isang bagay ng aplikasyon, sariling pagsusuri, at karanasan.

             Tanging sa pamamagitan ng paghahanap at pagmimina, ang ginto at diamante ay nakukuha, at ang tao ay makakahanap ng katotohanan na konektado sa kanyang pagkalikha, kung siya ay huhukay ng malalim sa mga minahan ng kanyang kaluluwa; at  siya  ang gumagawa ng ​​kanyang katangian, ang tagapagmolde ng kanyang buhay, at ang taga-buo ng kanyang kapalaran, maaaring siyang magpatunay na hindi siya nagkakamali, kung siya ay mag-oobserba, magkokontrol, at babaguhin ang kanyang mga saloobin, inaaninag ang mga epekto sa kanyang sarili, at sa iba, sa kanyang buhay at sa mga nangyayari, inu-ugnay ang sanhi at epekto ng may matiyagang mga kasanayan ng pagsisiyasat, at pag-gamit sa kanyang bawat karanasan, kahit sa pinaka-walang kuwentang araw-araw na pangyayari, bilang isang paraan ng pagkuha ng kaalaman para sa kanyang sarili ito ay ang unawa, katalinuhan, at kapangyarihan.

             Sa ganitong direksyon, tulad ng sa walang iba pang mga batas ay ang ganap na "Siya na naghahanap at makakatagpo; at sa kanya na kumakatok at pinag-bubuksan;" dahil sa pamamagitan ng pasensya, kasanayan, at walang humpay na pagsisikap maaaring makapasok ang isang tao sa Pintuan ng Templo ng Kaalaman.

Mateo 7:


Humingi, Humanap, Kumatok
(Lucas 11:9-13)
               7 "Humingi kayo at kayo'y bibigyan; humanap kayo at kayo'y makakatagpo; kumatok kayo at kayo'y pagbubuksan. 8 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 9 Bibigyan ba ninyo ng bato ang inyong anak kapag siya'y humihingi ng tinapay? 10 Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kapag siya'y humihingi ng isda? 11 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit? Bibigyan niya ng mabubuting bagay ang sinumang humihingi sa kanya!
               12 "Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang buod ng Kautusan at ng mga isinulat ng mga propeta."
Ang epekto ng kaisipan sa pagkakataon.

             Ang kaisipan ng tao ay maaaring itulad sa isang hardin, na maaaring
linangin ng may katalinuhan o payagang mapatakbo ng may kaguluhan; ngunit kung nilinang o napapabayaan, ito ay tiyak, na magdadala ng resulta. Kung walang kapaki-pakinabang na binhi ang inilagay rito, magkagayon ay isang kasagsagan ng walang halagang mga damo ang mahuhulog rito, at patuloy na magbibigay ng kanilang mga kauri.

             Tulad ng isang hardinero na nagsasaka sa kanyang lupa, pinanatili itong ligtas mula sa mga damo, at nagpapalaki ng mga bulaklak at prutas na kung saan siya ay mangangailangan, kaya maaari din sa isang tao na mag-alaga sa hardin ng kanyang kaisipan, ang lahat ng mga mali ay inaalis, ang mga walang silbi, at marumi saloobin, at paglinang patungo sa pagiging perpekto ng mga bulaklak at prutas ng karapatan, kapaki-pakinabang, at purong saloobin.

Itutuloy……

1 komento: