MGA SIKRETO KAYA NAGTAGUMPAY SI
CRISTO-JESUS
Tuklasin mo
ang nga katangian ng Dakilang Master. Halukayin ang mga nakatagong katangian ng
pinakamagaling na Guro. Pag-aralan at gamitin sa iyong buhay, at siguradong
maaabot mo ang iyong mga pangarap. Unang sikreto ni Cristo ay ang pagbibigay
solution sa iba’t ibang uri ng problema.
Unang sikreto ni Cristo
Unang sikreto
ni Cristo ay ang pagbibigay solution sa iba’t ibang uri ng problema.
Romans 15:1-2
We who are
strong in the faith ought to help the weak to carry their burdens. We should
not please ourselves. Instead, we should all please other believers for their
own good.
Roma 15:1-2
Dapat
pagtiisan nating malalakas ang mahihina sa pananampalataya at huwag ang
sariling kasiyahan lamang ang isipin. Bigyan natin ng kasiyahan ang ating kapwa
kung ikabubuti niya.
Lahat ng tao
ay may kanya-kanyang problema na naghahanap ng solusyon. Ang pagtatagumpay mo
sa anumang larangan at ang kasiyahan mo sa buhay ay nakasalalay sa kagustuhan
mong tumulong sa tao na masolutionan ang kanilang mga problema.
Ang
matagumpay na attorney ay nagreresolba ng mga problemang legal. Ang mga doctor
ay nagreresolba ng mga problemang pisikal. Ang mekaniko ng kotse ay
nagreresolba ng mga problema sa kotse. Ganun din kayo pag-nagagamot ninyo ang
mga problema sa spiritual na tumatagos
sa pisikal. Si Jesus ay dakilang manlulutas ng anumang problema sa panahon
niya. Libo-libo ang nabibigatan sa kanilang konsensiya dahil sa iba’t ibang
kasalanan. Nag handog si Jesus ng kapatawaran.
Libo-libo
ang nagugutom sa ispiritual.Sinabi nya sa:
John 6:35
I am the
bread of life…. Those who come to me will never be hungry, those who believe in
me will never be thirsty.
Juan 6:35
Ako ang
pagkaing nagbibigay-buhay…Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang
nanalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.
Oracion
upang pagkalooban ng kapangyarihan malagpasan ang matinding pagkagutom at
pagkauhaw.
Daang-daang
katawan na may iba’t ibang sakit at karamdaman ang ginamot ni Jesus na naging
matindi nilang problema.
Acts 10:38
Jesus ….
went everywhere doing good and healing all who were under the power of the
Devil.
Gawa 10:38
Jesu-cristo…saan-man
siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng
pinahihirapan ng Diyablo.
Basahin
ninyo ang iba’t ibang Healing Books natin para malaman at magamit ninyo ang mga
sagradong oracion at panalangin upang mabigyang solusyon ang kanilang mga
problema.
Pinalaya ni
Jesus ang mga nasasaniban ng demonyo. Mayroong kaalaman si Jesus na kailangan
ng mga na biktima kaya na solusyunan ang kani-kaniyang problema. Kaya libo-libo
ang lumalapit at nakikinig sa kaniya. Ang produkto niya ay ang mga Batas ng
Diyos, buhay na walang hanggan, kaligayahan, kapayapaan, pagpapatawad,
pagpapagaling sa kalusugan pati na ang kalayaang pang-pinansial.
Tingnan mo
ang iyong sarili. Ano ang katangian mo o ang regalo sa iyo ng Tatlong Persona
upang matulungan mo ang mga taong may problema?
Saan ka
mahusay na iyong ginagawa? Masaya ka ba kung nakakagamot ka, kung nakapagpapayo
ka?
Lahat ng
ginawa ng Dios Ama ay solusyon sa isang problema. Gusto ng Panginoong Dios
matutunan ng tao at malaman kung ano ang Pag-ibig, ang magmahal. Kaya nilikha
niya si Adan. Malungkot si Adan na nag-iisa kaya nilikha ng Dios si Eva.
Ito ang
gintong tali na nagtatali sa lahat ng nilikha niya.
Isipin mo
ang dahilan kung bakit ka nilikha ng Dios Ama at alamin mo ang dapat mong
maging kontribusyon sa iba na itinakda sa iyo ng Dios upang gawin mo. Katulad
ng abogado nakatakda para sa kanya ang mga cliente niyang may mga demanda o
magdedemanda. Ang asawang babae na nalatakda para sa asawa niyang lalaki. Ang
mga magulang na nakatakda para sa kanilang mga anak. Ang mga empleyadong
nakatakda para sa kanyang amo. Ang nakatakda nating gawin ay laging para sa
ating kapwa-tao.
|
Panalangin
Amang Dios,
pakitulungan po ninyo akong makatulong sa mga taong meroong problema at may mga
matitinding suliranin. Pahiram ng iyong mga mata upang Makita ko silang mga may
kailangan sa akin. Tulungan mo akong Makita kung paano ako makakatulong.
Salamat sa paglikha mo sa akin upang maging solusyon ako sa mga may problema.
Sa pangalan ng Jesus amen.
Oracion para
matupad ang hinihiling:------------------------------------------------------
Pangalawang
Sikreto ni Cristo:
Matindi at buong-buo
ang paniniwala nya sa kanyang mga producto.
Proverbs 27:23
Look after
your sheep and cattle as carefully as you can.
Kawikaan 27:23
Ang iyong
hayop ay iyong bantayan, alagaang mabuti ang iyong kawan.
Anuman ang
iyong produkto dapat mo itong alagaan at bantayan.Nakamamatay ang
pag-aalinlangan.
Nakapasok ka
na ba sa isang kwarto at naramdaman mong may kakaibang energia ang nasa paligid
nito. Mayroong galit at mainit na pakiramdam. O kaya’y nakapaglakad ka na ba sa
isang kwarto na puno ng energia ng pag-ibig, pagmamahal, pagmamalasakit,
kasiglahan at pag-asa.
Tingnan kung
anong pintuan (Doorway), daanan o portal ang nakakainfluensiya sa taong
nakatira doon. Mahirap magtagumpay ang isang taong may dalang galit, sama ng
loob o may pag-aalinlangan.
Pagpalain
kung positivong portal ang nasa loob ng kwarto. Buhayin pa ito ng
PAMBUHAY NA DASAL
Eto ang
oracion na dapat gamitin sa pagsasarado ng portal sa tao o kwarto
Tapos ay
balutan o i-shield ng:
+ + + + + +
Tingnan mo
ang naging buhay ni Jesus.
Pinaniwalaan
niyang kaya niyang buhayin ang isang tao. Ginamit niya ang mga sagradong
panalangin. Pinaniwalaan niya na ang kanyang mga produkto ay magpapakuntento sa
mga tao.
John 4: 13, 14
Those who drink
this water will get thirsty again, but those who drink the water that I will
give them will never be thirsty again. The water that I will give them will
become in them a spring which will provide them with life-giving water and give
them eternal life.
Juan 4:13, 14
Ang uminom
ng tubig na ito’y muling mauuhaw, ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko ay
hindi na muling mauuhaw. Ito’ magiging isang bukal sa loob niya, babalong at
magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.
Kaya buhayin
ng…
Ang lahat ng
inyong produkto, kumpanya o anuman ang pinagmumulan ng inyong pinagkakakitaan.
Ano-ano ba
ang mga dahilan at bakit ka naniniwala sa dinadala mong produkto? Dapat
kabisado mo ang produktong dinadala mo, ang mga katangian nito. Ang produktong
inaalok ni Jesus ay Buhay.
John 10:10
The thief
comes only in order to steal, kill and destroy. I have come in order that you
might have life- life in all its fullness.
Juan 10:10
Kaya lamang
pupunta rito ang magnanalaw ay upang magnakaw, pumatay at magwasak. Naparito
ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay-isang buhay na ganap at
kasiya-siya.
Dapat
magkaroon ka ng oras pag-aralan at mag-sakripisyo upang alamin ang lahat
tungkol sa iyong produkto. Ang magaling
na abogado ay dapat mag-aral ng iba’t-ibang bagong batas. Ang doctor ay
nararapat lagging nagbabasa ng mga bagong kaalaman tungkol sa katawan ng tao at
mga bagong lumalabas na sakit. Ang isang pulis ay dapat nag-aral at nag-praktis
ng lanyang mga sandata, ng mga batas sa communidad, ng kanyang mga karapatan at
maging ang kaisipan ng mga criminal. Kung hindi niya ito aalamin at
pag-aaralan, alam niya na baka isang araw siya ang mapatay sa kalye ng mga
criminal. Ang buhay niya ang nakataya.
Huwag mong
asahan na magtatagumpay ka kung hindi mo inalam at pinag-aralan ang iyong
sariling produkto.
Ikaw ba ay
nakararanas ng kalungkutan o pag-kainip sa kasalukuyan mong trabaho?
Nakararamdam
ka ba ng kawalang pag-asa?
Dapat
sigurong tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang dahilan? Ilang panahon ba
ang inuubos mo para maintindihan mong mabuti ang lahat ng pasikot-sikot ng
iyong negosyo? Pinaniniwalaan mo ba at ginagamit ang iyong mga produkto? Ilang
oras ba sa loob ng isang araw ang inuubos mo upang ma-master mo ang lahat lahat
tungkol sa iyong produkto? O baka naman sobra ang pagka-bisi mo para kumita
agad ng malaking pera kahit na talagang hindi mo pa nadedevelope ang
napakalakas na pang-unawa at lakas ng loob maging ang kaalaman sa iyong ginawa
pati sa iyong mga produkto.
Napaka-bisi
ni Jesus. Siya’y nagtuturo, nangangaral, naglalakbay, gumagawa ng iba’t ibang
kababalaghan, nanggagamot at nagtuturo sa mga hindi pa marunong. Pero lagi
siyang may oras na mapag-isa kasama ng kanyang Ama , binubuhay at inuunawang
mabuti ang papel na dapat gampanan, ang kaniyang mga plano para sa kanya at ang mga produktong
iaalok nya.
Hosea 4:6
“My people
are destroyed for lack of knowledge”
Oseas 4:6
“Nalipol ang
aking bayan dahil sa kakulangan ng kaalaman”
Panalangin
Panginoong
Dios, salamat po at nilalagay mo sa kalooban ko ang pagtitiyaga para maiintihan
ko at malaman lahat ng detalye sa aking produkto/servicio/trabaho sa ka sagad
sagaran. Alam kong binibigay mo sa akin lahat ng paraan at kaisipan para
makatulong sa ibang tao. Turuan mo pa po ako upang ma-develop ko pa ang makapangyarihang
pang-unawa at lakas ng loob upang maipakilala ito. Sa pangalan po ni
Jesus,amen.
Oracion para
madaling matandaan ang mga detalye ng produkto/servicio/trabaho
Pangatlong
sikreto ni Cristo
Hindi
kailanman nagsinungaling si Cristo sa kanyang produkto. Hindi nagdagdag o
nagbawas.
Romans 12:17
“If someone
has done you wrong, do not repay him with a wrong. Try to do what everyone
considers to be good. Do everything possible on your part to live in peace with
everybody. Never take revenge, my friends, but instead let God’s anger do it.
For the scripture says: “I will take revenge, I will pay back, say the Lord”.
Roma 12:17
Huwag
ninyong gantihin ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa
lahat ng panahon. Hanggat maaari, makisama kayong mabuti sa lahat ng tao. Mga
minamahal, huwag kayong maghiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat
nasusulat “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon”.
Malalama’t
malalaman ang nagsisinungaling.
Proverbs 28:13
It may take
weeks or even months, but the truth always surfaces. “He that covereth his sins
shall not prosper”.
Kawikaan 28:13
Maaaring
abutin ng ilang lingo o maging ilang buwan, pero ang katotohanan ay laging
lumulutang. “Siyang nagkukubli ng kanyang kasalanan ay hindi aasenso”.
Sinumang
nakiki-pag negosyo sa iyo ay nagnanais ng katotohanan-buong katotohanan. Ayaw
ng mga tao ang dagdag-bawas ng informasyon sa iyong produkto.
Si Kristo
ang may pinaka-magandang profukto sa buong mundo- Kaligtasan. Inalok niya ang
lahi ng mga tao ng oportunidad na magkaroon ng relasyon sa Diyos. Ikinikwento
niya ang langit at mga anghel.
John 14:2
There are
many rooms in my Father’s house, and I am going to prepare a place for you. I
would not tell you this if it were not so. And after I go and prepare a place
for you, I will come back and take you to myself, so that you will be where I
am.
Juan 14:2
Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid, kung
hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo.
At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at
naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan
ko.
Kahit kailan
hindi naglihim si Jesus kung ano pa ang posibleng mangyari pagtinanggap mo ang
kanyang inaalok na produkto. Pinaalalahanan niya ang kanyang mga dicipulo ng
pag-uusig dahil sa pagkuha ng kanyang produkto.
Matthew 10:17-20
Watch out,
for there will be those who will arrest you and take you to court, and they
will whip you in the synagogues. For my sake you will be brought to trial
before rulers and kings, to tell the good news to them and to the Gentiles.
When they bring you to trial, do not worry about what you are going to say or
how will you say it, when the time comes, you will be given what you will say.
For the words you will speak will not be yours, they will come from the spirit
of your father speaking through you.
Mateo 10:17-20
Mag-ingat
kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman, at hahagupitin
nila kayo saa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila
at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo,
huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo
sasabihin. Pagdating ng oras, ito’ y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo
ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan
ninyo.
Oracion
upang matanggap ninyo ang dapat ninyo sabihin pagdating ng oras ng kagipitan:
Sinabi pa ni
Jesus ang possible pang-mangyari sa pagtanggap ng kaniyang produkto.
Matthew 24:9
“Then you
will be arrested and handed over to be punished and be put to death. Everyone
will hate you because of me”
“Sa panahong
iyon, kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, at isasakdal uopang pahirapan at
patayin”.
Binanggit ni
Jesus ang mga kalungkutan sa pagsama sa kanya.
Matthew 8:20
“May mga
lungga ang mga asong-gubat at may mga pugad ang mga ibon, ngunit ang Anak ng
Tao’y wala man lang matulugan o
mapagpahingahan”.
Naniniwala
si Jesus na dapat ihanda ang taong kukuha ng kanyang produkto sa lahat ng posibleng situwasyon na
puwedeng mangyari. Siya’y tapat. Ang aral niya ay malawak at malalim pa kaysa
sa pilosopiya ng kalawakan sa langit.
Pakinggan
natin ang sinabi ni Apostol Pablo:
2 Corinthians 11:24-27
Five times I
was given the thirty-nine lashes by the Jews, three times I was whipped by the
Romans, and once I was stoned. I have been in three shipwrecks, and once I
spent twenty-four hours in the water. In my many travels I have been in danger
from floods and from robbers, in danger from my own people and from Gentiles,
there have been dangers in the cities, dangers in the wilds, dangers on the
high seas and dangers from false friends. There has been work and toil, often I
have gone without sleep; I have been hungry and thirsty; I have often been
without enough food, shelter or clothing.
2 Corinto 11:24-27
Makalima
akong tumanggap ng tatlumpu’t siyam na palo mula sa mga Judio. Tatlong ulit
kong naranasang hagupitin ng mga Romano at minsang binato. Makatlo kong
naranasang mawasak ang barkong sinasakyan kat minsa’y maghapo’t magdamag akong
lulutang-lutang sa dagat. Sa malimit kong paglalakbay, nasuong sa iba’t ibang
panganib sa mga ilog, sa mga tulisan, sa mga kapwa ko Judio at sa mga Hentil.
Mga panganib sa lunsod, sa ilang, sa dagat, sa mga mapagkunwaring kapatid.
Naranasan ko rin ang labisna hirap at pago, malimit na pagpupuyat, matinding
gutom at uhaw. Natikman ko ang maginaw ngunit wala man lamang mabalabal.
Kung
maririnig mo ang isinalaysay ni Pablo, tunay na hindi magandang pakinggan pero
hindi siya nagsinungaling at kinuwento ang totoong nangyari sa pagtanggap ng
produkto ni Jesus.
Sinalaysay
ni Jesus sa maraming tao ang magandang mangyayari sa pagsama sa kanya. Pati ang
mga benepisyo sa pagtanggap ng kanyang produkto. Pero mabilis din niyang
ipinapaliwanag ang buong kwento para maging handa sila sa mga pagsubok. Kaya sa
pag-aalok mo ng iyong produkto/serbisyo sabihin mo ang magiging benepisyo.
Mag-focus ka sa bentahe ng iyong produkto o negosyo na makakamtan ng kukuha
pero tandaan mo na ang tapat na relasyon ay mas mahalaga sa isang daang benta.
Ang iyong
integridad ay mas maaalala kaysa sa iyong produkto. Si Jesus ay matapat.
Mag-alok ka at magbigay ng isang produktong hindi basta-basta nakikita kundi
balik ng balik ang customer mo upang tangkilikin ito.
Panalangin
“Ama naming
Diyos, humihingi po ako sa iyo ng tulong upang ma-develop ko at ma-maintena ang
dapat na katotohanan at integridad. Palakasin mo po ako na masundan ang yapak
ni Jesus- tapat at mapagkakatiwalaan. Salamat at itinataas mo ako. Sa ngalan po
ni Jesus. AMEN.
Oracion para
maging ma-benta ang produkto/servicio o negosyo:
Ika-apat
na sikreto ni Cristo
Pumupunta si
Jesus kung saan nandoon ang mga tao.
Galatians 5:13
As for you,
my friends, you were called to be free. But do not let this freedom become an
excuse for letting your desires control you. Instead, let love make you serve
one another.
Galacia 5:13
Mga kapatid,
tinawag kayo upang maging Malaya. Ngunit huwag
ninyon gamitin ang inyon kalayaan upang masunod ang pita ng laman, kundi
maglingkod kayo sa isa’t isa dahil sa pag-ibig.
Merong
nangangailangan ng servicio/produkto mo. Umalis ka’t hanapin mo sila. Kumilos
ka papunta sa mga kakilala mo’t kapit bahay. Dalawin mo ang kapamilya mo’t
kamag-anakn. Lakad na’t gumawa ka ng mga sulat sa mga malalapit na kaibigan.
Maaring nahihiya ka, tinatamad o nakararamdam na hindi ka pa handa, ngunit
hindi ka magtatagumpay kung wala kang koneksyon sa mga tao.
Laging
kasama ang mga tao sa isang nagtatagumpay. Ang mga taong magbibigay sa iyo ng
kasaganaan ay hindi laging pupunta sa iyo. Sa katotohanan bihirang mangyari ang
ganyan. Dapat na puntahan at hanapin mo sila.
Ang
matagumpay na tao ay mabilis kumilos papunta sa mga taong nangangailangan ng
kanyang produkto. Hindi mo maaring makuha ang isang bagay kung hindi mo ito
pagsisikapan.
Ito’y alam
ni Jesus. Hindi siya nagtayo ng kanyang trono sa gitna ng siyudad at nagsabing
“Ito ang aking palasyo. Ito lamang ang lugar na pwede mo akong makita”. Siya’y
nagpunta sa palengke kung saan maraming tao. Pumunta siya sa mga bangka ng
mangingisda. Pumunta siya sa mga simbahan. Dumalaw siya sa mga bahay ng mga
tao. Kung saan-saan siya nagpunta. Pumunta siya sa mga bayan, nagturo ng mga
aral tungkol sa kaharian ng Diyos at nagpagaling ng mga may sakit. Ganoon din
ang pinagawa niya sa kanyang mga disipulo.
Luke 9:6
The
disciples left and traveled through all the villages, preaching the Good News
and healing people everywhere.
Lucas 9:6
Kaya’t
humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon na ipinangangaral ang Mabuting
Balita at nagpapagaling ng mga may sakit sa lahat ng dako. Si Jesus ay madaling
abutin at lapitan.
Ano ang mga
dahilan bakit hindi mo maabot o mapuntahan ng mga tao? Ito ba ay dahil may
takot ka pa o ayaw mong napapahiya kung mayroon pang mas importanteng bagay
kaysa ikaw ay mapahiya o matanggihan. Ang iyong mga pangarap at gustong
marating. Ang matagumpay na tao ay madaling makita’t makausap. Ayaw nilang
mapahiya pero mas pinaniniwalaan nilang mas mahalagang marating nila ang
kanilang pangarap.
Si Jesus ay
umalis sa maginhawang kalagayan. Umalis siya sa paligid ng mga anghel na
naglilingkod sa kanya at sa kanyang Ama na nagmamahal sa kanya. Pumayag siyang
maglakbay sa lugar na hindi banal at hindi perfecto. Humakbang siyang palabas
sa magnifico at perfectong kaharian patungo sa mundo na puno ng kasalanan,
pagkalito at kamatayan. Ngunit lumakad siya patungo sa buhay ng mga taong
nangangailangan sa kanya.
Pumunta si
Jesus kung nasaan maraming tao. Ang iyong pangarap ay matutupad kung connectado
ka sa tao. Kailangan ng abogado ng cliente. Kailangan ng doctor ang pasyente.
Kailangang may makinig sa isang mang-aawit. Kailangan ng mga ahente ng mga
customers na tatangkilik sa kanilang produkto.
Pinuntahan
ni Jesus ang mga taong maraming sakit at hapding nararanasan sa buhay.
Pinuntahan niya ang mga lumpo, ang mga bulag, ang mga mahihirap at maging ang
mayayaman. Wala siyang pinipili. Kinausap niya ang mga matatalino, maging ang
walang kaalaman, ang mga gutom at ang mga nauuhaw.
Umpisahan
mong maglista ng pangalan ng iba’t ibang tao simula ngayon na pwede mong alukin
ng iyong produkto.
Dalawang
klase ng tao sa buhay mo ang pwede mong alukin:
1. Mga taong
nakakaalam na mayroon kang produktong kailangan nila
2. At mga
taong hindi nakakaalam na mayroon kang produktong kailangan nila
Ang listahan
mo ng mga pangalan ng tao ay ang iyong mga kamag-anak, kakilala, kapit-bahay,
mga tindero’t tindera, dentista, manicurista, may ari ng bahay o lupa, mga
doctor o abogado.
Ang batas ng
pagpapakilala ay namamagitan lamang sa apat na tao paikot sa buong mundo.
Sinasabi kung kakilala ni Juan si Pedro na nakakakilala kay Maria na kaibigan
ni Teresita sino ngayon ang makakapagsabing hindi mo makikilala ang taong
kukuha ng iyong produkto?
Simple
lamang ang iyong gagawin. Lumabas ka ng iyong bahay. Mag-alok ng iyong
produkto, kumatok sa mga pinto o tumawag sa telepono. Ang pagtatagumpay ay
nagsisimula sa ibang tao. Pumunta ka kung saan naroon ang mga to tulad ng
ginawa ni Jesus at mag-alok ng iyong produkto.
Panalangin
Panginoong
Diyos, purihin ka sa paglikha mo ng lalaki’t babae. Humihingi po ako ng tulong
na maabot ko, makilala ng may lakas ng loob at tiwala sa sarili ang mga tong
makakatulong sa akin. Alam kong ituturo mo sa akin ang tamang plano at ibibigay
ang opportunidad makilala ang mga taong
makakasama ko sa pagtatagumpay. Sa pangalan ni Jesus. AMEN
Oracion para
makilala ang mga taong kukuha at maniniwala sa iyong produkto.
Itutuloy…………….
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento