Sabado, Disyembre 28, 2013

MGA SIKRETO KAYA NAGTAGUMPAY SI CRISTO-JESUS PART 2



MGA SIKRETO KAYA NAGTAGUMPAY SI CRISTO-JESUS

Tuklasin mo ang nga katangian ng Dakilang Master. Halukayin ang mga nakatagong katangian ng pinakamagaling na Guro. Pag-aralan at gamitin sa iyong buhay, at siguradong maaabot mo ang iyong mga pangarap. Unang sikreto ni Cristo ay ang pagbibigay solution sa iba’t ibang uri ng problema.

(continuation from book 1..)
Ika-apat na sikreto ni Cristo

Pumupunta si Jesus kung saan nandoon ang mga tao.

Galatians 5:13
As for you, my friends, you were called to be free. But do not let this freedom become an excuse for letting your desires control you. Instead, let love make you serve one another.

Galacia 5:13
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging Malaya. Ngunit huwag ninyon gamitin ang inyon kalayaan upang masunod ang pita ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa’t isa dahil sa pag-ibig.

Merong nangangailangan ng servicio/produkto mo. Umalis ka’t hanapin mo sila. Kumilos ka papunta sa mga kakilala mo’t kapit bahay. Dalawin mo ang kapamilya mo’t kamag-ana. Lakad na’t gumawa ka ng mga sulat sa mga malalapit na kaibigan. Maaring nahihiya ka, tinatamad o nakararamdam na hindi ka pa handa, ngunit hindi ka magtatagumpay kung wala kang koneksyon sa mga tao.
Laging kasama ang mga tao sa isang nagtatagumpay. Ang mga taong magbibigay sa iyo ng kasaganaan ay hindi laging pupunta sa iyo. Sa katotohanan bihirang mangyari ang ganyan. Dapat na puntahan at hanapin mo sila.
Ang matagumpay na tao ay mabilis kumilos papunta sa mga taong nangangailangan ng kanyang produkto. Hindi mo maaring makuha ang isang bagay kung hindi mo ito pagsisikapan.
Ito’y alam ni Jesus. Hindi siya nagtayo ng kanyang trono sa gitna ng siyudad at nagsabing “Ito ang aking palasyo. Ito lamang ang lugar na pwede mo akong makita”. Siya’y nagpunta sa palengke kung saan maraming tao. Pumunta siya sa mga bangka ng mangingisda. Pumunta siya sa mga simbahan. Dumalaw siya sa mga bahay ng mga tao. Kung saan-saan siya nagpunta. Pumunta siya sa mga bayan, nagturo ng mga aral tungkol sa kaharian ng Diyos at nagpagaling ng mga may sakit. Ganoon din ang pinagawa niya sa kanyang mga disipulo.

Luke 9:6
The disciples left and traveled through all the villages, preaching the Good News and healing people everywhere.


Lucas 9:6
Kaya’t humayo ang mga alagad at naglakbay sa mga nayon na ipinangangaral ang Mabuting Balita at nagpapagaling ng mga may sakit sa lahat ng dako. Si Jesus ay madaling abutin at lapitan.

Ano ang mga dahilan bakit hindi mo maabot o mapuntahan ng mga tao? Ito ba ay dahil may takot ka pa o ayaw mong napapahiya kung mayroon pang mas importanteng bagay kaysa ikaw ay mapahiya o matanggihan. Ang iyong mga pangarap at gustong marating. Ang matagumpay na tao ay madaling makita’t makausap. Ayaw nilang mapahiya pero mas pinaniniwalaan nilang mas mahalagang marating nila ang kanilang pangarap.
Si Jesus ay umalis sa maginhawang kalagayan. Umalis siya sa paligid ng mga anghel na naglilingkod sa kanya at sa kanyang Ama na nagmamahal sa kanya. Pumayag siyang maglakbay sa lugar na hindi banal at hindi perfecto. Humakbang siyang palabas sa magnifico at perfectong kaharian patungo sa mundo na puno ng kasalanan, pagkalito at kamatayan. Ngunit lumakad siya patungo sa buhay ng mga taong nangangailangan sa kanya.
Pumunta si Jesus kung nasaan maraming tao. Ang iyong pangarap ay matutupad kung connectado ka sa tao. Kailangan ng abogado ng cliente. Kailangan ng doctor ang pasyente. Kailangang may makinig sa isang mang-aawit. Kailangan ng mga ahente ng mga customers na tatangkilik sa kanilang produkto.
Pinuntahan ni Jesus ang mga taong maraming sakit at hapding nararanasan sa buhay. Pinuntahan niya ang mga lumpo, ang mga bulag, ang mga mahihirap at maging ang mayayaman. Wala siyang pinipili. Kinausap niya ang mga matatalino, maging ang walang kaalaman, ang mga gutom at ang mga nauuhaw.
Umpisahan mong maglista ng pangalan ng iba’t ibang tao simula ngayon na pwede mong alukin ng iyong produkto.
Dalawang klase ng tao sa buhay mo ang pwede mong alukin:
1. Mga taong nakakaalam na mayroon kang produktong kailangan nila
2. At mga taong hindi nakakaalam na mayroon kang produktong kailangan nila
Ang listahan mo ng mga pangalan ng tao ay ang iyong mga kamag-anak, kakilala, kapit-bahay, mga tindero’t tindera, dentista, manicurista, may ari ng bahay o lupa, mga doctor o abogado.
Ang batas ng pagpapakilala ay namamagitan lamang sa apat na tao paikot sa buong mundo. Sinasabi kung kakilala ni Juan si Pedro na nakakakilala kay Maria na kaibigan ni Teresita sino ngayon ang makakapagsabing hindi mo makikilala ang taong kukuha ng iyong produkto?
Simple lamang ang iyong gagawin. Lumabas ka ng iyong bahay. Mag-alok ng iyong produkto, kumatok sa mga pinto o tumawag sa telepono. Ang pagtatagumpay ay nagsisimula sa ibang tao. Pumunta ka kung saan naroon ang mga to tulad ng ginawa ni Jesus at mag-alok ng iyong produkto.

Panalangin
Panginoong Diyos, purihin ka sa paglikha mo ng lalaki’t babae. Humihingi po ako ng tulong na maabot ko, makilala ng may lakas ng loob at tiwala sa sarili ang mga tong makakatulong sa akin. Alam kong ituturo mo sa akin ang tamang plano at ibibigay ang opportunidad makilala ang mga taong  makakasama ko sa pagtatagumpay. Sa pangalan ni Jesus. AMEN

Oracion para makilala ang mga taong kukuha at maniniwala sa iyong produkto.


Ika-limang sikreto ni Cristo

Ang panginoong Jesus ay nagtakda ng oras upang magpahinga.

Genesis 2:2
By the seventh day God finished what he had been doing and stopped working.

Genesis 2:2
Sa loob ng anim na araw, tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ika-7 araw.

Ang sobrang pagkapagod ay maaring maningil ng mas mataas.
Alam ito ng isang kinikilalang presidente ng Amerika. Talagang tumatanggi siyang magbigay ng importanteng desisyon pagkalipas ng alas kuwatro ng hapon. Alam niyang ang pagod na katawan at pat-iisip ay bihirang magbigay ng magandang desisyon.
Isang masamang desisyon ay maaring makalikha ng kakila-kilabot na sakuna. Ang pagpapahinga ay hindi kasalanan. Ito ay oras ng pagbabalik lakas at sigla. Hindi ito kawalan kung hindi panibagong kasiglahan. Ito ang oras para tumanggap ng payo at nakakatulong para lumabas ang iyong mga potensyal. Si Jesus ay masipag. Nangagamot, nagtuturo sumasama sa paglalakad ng mga tao. Pero alam niya rin ang halaga ng pagpapahinga at pagrerelax.



Mark 6:31
There were so many people coming and going that Jesus and his disciples didn’t even  have time to eat. So he said to them “Let us go off by ourselves to some place where we will be alone and you can rest for awhile”.
Napakaraming taong dumating at umalis, anupa’t hindi na makuhang kumain ni Jesus at ng kanyang mga alagad. Kaya’t sinabi niya sa mga ito “Magtungo tayo sa isang ilang na pook upang malayo sa karamihan at makapahpahinga kayo nang kaunti”.

Pag-isipan mo ang ginagawa ni Jesus. Araw-araw daan-daang may mga sakit ang sumisigaw para sa kanyang atensiyon. Maraming nasasaniban pa ng demonyo. Ang mga nanay ay pilit siyang inaabot. Ang mga tatay ay humihingi sa kanyang ipanalangin ang kanilang mga anak. Ang mga bata’y ayaw umalis sa kanyang kanlungan.Pero humihiwalay pa rin si Jesus…upang makatanggap. Alam niyang mga tinanggap lang. ang oras ng pagtatrabaho ay oras ng pagbibigay. Ang oras ng pahinga ay oras ng pagtanggap. Dapat meron ka nitong parehas. Ang diyos Ama na lumikha ng mundo sa loob ng anim na araw ay nagphinga sa ika-pitong araw. Gumawa siya ng ehemplo para sa atin. Kaya ginawa rin ni Jesus ang magpahinga.
Alam ni Jesus ang pagbalanse sa pagpapahinga at pagtatrabaho. Kaya marami siyang natapos gawin sa kakaunting panahon. Maraming hihingin ang buhay. Maging mga tao ay maraming hihilingin. Ang katotohanan nga niyan habang ika’y nagtatagumpay mas maraming tao ang may hihilingin sa iyo. Kaya ang pagpapalakas at charging ng katawan mo ay humihingi ng iyong atensiyon. Magsikap gawin ito pero laruing may kasiglahan. Ilagay mo sa schedule mo…
Isang araw sa loob ng isang lingo, relax at charging lang ang ipokus mo ibang-iba sa iyong ginagawang trabaho. Ang kaisipan mo ay mas lilinaw sa pag-iisip. Mas magiging maganda ang iyong mga decision. Makikita mo ang buhay sa iba’t ibang mata o perspective. Mas marami kang magiging tagumpay sa mas maikling panahon. Huwag mong itulak at madaliin ang pagtatagumpay, namnamin mo ang kasalukuyang oras. Ang nag-aapoy na pagnanasa sa loob ng pagkatao mo ay lagging naka-sindi. Dapat na kontrolin mo ang init nito at ipokus mo. Matutunang magpahinga at mag-recharge. Ginawa ito ni Jesus.

Panalangin at Oracion:
Panginoong Diyos, paki-turuan mo po ako na matutunan ang tamang pagpapahinga at charging, ipakita mo pos a akin ang daan papunta sa iyo. Upang maging bagong tao puno ng kasiglahan at bagong pag-asa. Alam ko na pagkulang sa pahinga ay hindi ko magagawang marating ang aking mga pangarap at pagtatagumpay. Salamat po. Sa ngalan ni Christo-Jesus.AMEN
Oracion: PANG MA-CHARGE AT MAKAPAGPAHINGA NG HUSTO.

PANGBAKOD
( SPIRITUAL SHIELD )


III. CHARGING PRAYERS

Ika-anim na sikreto ni Cristo

Naglalaan ang oras si Jesus upang mag-plano

Proverbs 24:3-4
Homes are built on the Fellowship of wisdom and understanding. Where there is knowledge, the rooms are furnished with valuable, beautiful things.

Kawikaan 24:3-4
“Sa pamamagitan ng kaalaman, naitatayo ang isang bahay at ito’y naitatatag dahil sa kaunawaan. Ang loob ng tahanan ay napupuna nga lahat ng magagandang bagaay sa pamamagitan ng karunungan.
Ang pagpaplano ay ang unang tuldok para sa isang pangarap.

Ano ba ang pagpaplano? Ang plano ay isang nakasulat na listahan ng mga

sunod-sunod na actions o kilos na kailangan para marating ang isang pinapangarap.

Habakkuk 2:2
Write the visions and make it plain upon tables, that he may run that readeth it.

Habacuc 2:2
Isulat mo ang pangitain, isulat mong malinaw sa mga tapyas na bato, upang madaling mabasa. Planado na ni Cristo ang iyong kinabukasan.

John 14:2-3
There are many rooms in my Father’s house, and I am going to prepare a place for you. I would not tell you this if it were not so. And after I go and prepare a place for you, I will come back and take you in myself, so that you will be where I am.

Juan 14:2-3
Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid, kung hini gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko.

Pag-isipan mong sandali. Ang Diyos Ama ang nag-schedule sa kapanganakan, sa pag-pako at pagkabuhay na mag-uli ng kanyang anak na si Jesu-Christo bago pa man sa pondation ng mundo.

Revelation 13:8
All people living on earth will worship it, except those whose names were written before the creation of the world in the book of the living which belongs to the lamb that was killed.

Pahayag 13:8
Sasamba sa kanya ang lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng lupa, maliban sa mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay. Magmula pa nang likhain ang sanlibutan. Ang aklat na ito’y iingatan ng korderong pinatay.
Maiisip mo ngang napagaling ng Diyos Ama sa pag-schedule ng isang hapunang magaganap anim na libong taon bago pa mangyari.

Revelation 19:9
Happy are those who have been invited to the weedding feast of the lamb.

Pahayag 19:9
Mapalad ang inanyayahan sa piging sa kasal ng kordero.

Laging pinararangalan ng diyos ang mga taong marunong mag-plano.

Si Noah ay nag-plano kung paano gagawin ang napakalaking daong. Si Solomon na pinaka matalinong taong nabuhay sa mundo ay nagplano sa pagtatayo ng mga templo. Si Moises ang dakilang tagapagligtas ng mga israelita palabas ng Egipto ay nagplano para magawa ang tabernakulo.


Ang iyong biblia ay plano ng Diyos para sa iyo, sa mundo at para sa buhay na walang hanggan. Iyan ay katibayan na ang Diyos man ay nauunang mag-isip o nagpa-plano. Ang karamihang nakasulat sa biblia ay panghuhula, mga discripsyon kung ano ang magiging bukas bago pa man ito mangyari.


Luke 14:28-31
If one of you is planning to build a tower, you sit down first and figure out what it will cost to see if you have enough money to finish the job. If you don’t, you will not be able to finish the tower after laying the foundation, and all who see what happened will make fun of you. You began to build but can’t finish the job. They will say, if a king goes out with ten thousand men, he will sit down first and decide if he is strong enough to face that other king. If he isn’t, he will send messengers to meet the other king to ask for terms of peace while he is still a long way off.




Lucas 14:28-31
Kung ang isa sa inyo’y nagbabalak magtayo ng tore, hindi ba uupo muna siya at tatantyahin ang magugugol para malaman kung may sapat siyang salaping maipagpapatapos niyon. Baka mailagay ang mga pundasyon ngunit hindi naman maipatapos– siya’y kukutyain ng lahat ng makakakita nito. Sasabihin nila, nagsimulang magtayo ang taong ito pero hindi naipatapos. O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna uupo at pag-aaralang mabuti kung ang 10,000 niyang kawal ay maisasagupa sa kalaban na may 20,000 tauhan. At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kakatawan upang makipagkasundo.

Gumawa ka ng listahan ng mga dapat mong gawin araw-araw para sa iyong buhay. Sumulat ka ng anim na bahay na gusto mong tapusin sa araw na yaon. I-focus mo ang lahat ng iyong atensyon sa bawat isa. Ilagay mo ang bawat isa sa bawat oras na gusto mo siyang gawin. Kung hindi mo kayang magplano ng mga dapat mangyari sa loob ng bente kwatron oras, paano mo pa matututpad ang iyong mag pangarap sa susunod na bente kwatrong taon?

Mag-isip ka tulad ng isang empleyadong may dapat matapos na trabaho sa bawat oras. Ilista mo sa bawat oras ang dapat mong matapos na trabaho. Ano ba halimbawa ang dapat mong matapos sa pagitan ng alas-nueve at alas-diyes ng umaga? Sinong cliente ang dapat mong tawagan at alukan ng produkto?

Isulat mo sa papel ang mga plano mo. Ang tagumpay ay nakalisatang mga dapat mangyari. Ma-trabaho ang mag-plano, meticuloso at mahirap. Hindi ito nakakatuwang gawin pero minsan dapat mong pilitin ang sarili mo na gawin ang ayaw mo upang mabuo ang bagay na mahal mong mangyari.
Ang sikreto ng iyong kinabukasan ay nakatago sa araw-araw mong ginagawa. Kahit ang langgam ay nag-iisip at kumikilos ng maaga sa kangyang pangangailangan.

Proverbs 6:6-11
Lazy people should learn a lesson from the way ants live. They have no leader, chier or ruler, but they store up their food during the summer, getting ready for winter. How long is the lazy man going to lie around? I’ll just take a short nap, he says, “I’ll fold my hands and rest a while” but while he sleeps, poverty will attack him like an armed robber.

Kawikaan 6:6-11
Tingnan mo yaong langgam, ikaw taong ubod ng tamad. Pamumuhay niya’y masdan mo at nang ikawa ay mamulat. Kahit siya’y walang punong sa kanila’y nag-uutos, walang tagapamahala o taga-masid na sinusunod. Ngunit nag-iimbak ng pagkain sa tag-araw, kailanga’y  iniipon kung panahon ng anihan. Hanggang kailan taong tamad mananatili sa higaan? Kailan ka babalikwas sa iyong pagkakahimlay? Sandaling tulog, kaunting idlip na lang, sandaling paghalukipkip, pag-iinin sa higaan. At itong kahirapan sa iyo ay daratal. Katulad ng mandarambong para bagang magnanakaw.

Panalangin
Amang Diyos, salamat po at ako’y binibigyan mo ng pagkakataon upang magkaroon ng abilidad mag-plano. Humihingi po ng tulong na sana’y bigyan mo ako ng katalinuhan upang magawako ang araw-araw na trabahong makakatulong upang matupad ang aking mga pangarap. Sa pangalan po ni Jesus, AMEN.

Oracion upang makapagplano:


Ika-pitong sikreto ni Cristo

Alam ni Jesus na hindi dapat kumuha ang lahat ng kanyang produkto para siya masabing tagumpay.

Galatians 6:9
So let us not become tired of doing good; for if we do not give up, the time will come when we will reap the harvest.

Galacia 6:9
Kaya’t huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon, tayo’y mag-aani kung hindi tayo magsasawa.

Pag may nasabi ng “hindi” o “ayaw” ibig sabihin ay alukin mo uli, ipaliwanag uli.
- Mag-isip ka sandali. Naaalala mo ba ang mga nakaraan mong karanasan? Na kung saan napapahiya ka dahil may mga taong ayaw sa iyo o maging sa produkto mo? Pero ok ka pa rin naman di ba?

Ang matanggihan ay hindi nakamamatay, iyon ay opinion lang ng isang tao. Si Jesus ang nakaranas ng pinakamaraming pag-aalipusta at pagtanggi rito sa mundo. Pinanganak siya sa kulungan ng mga kabayo. Pinanganak siyang kailangan itago. Minura at sinumpa pa siya kahit ng mga sumunod sa kanya.

John 1:11
He came to his own country, but, his own people did not receive him.

Juan 1:11
Naparito siya sa kanyang bayan, ngunit, hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.

Sumuko ba siya? Pinagkanulo siya ni Judas, pero nawalan ba siya ng pag-asa? Hindi! alam ni Jesus talagang mayroong hindi maniniwala sa produkto niya at hindi dahilan iyon upang hindi magtagumpay. Pumunta siya sa iba, sa mga taong nakaka-intindi ng halaga ng kanyang produkto.

John 1:12
Some, however, did receive him and believed in him. So he gave them the right to become God’s children.

Juan 1:12
Ngunit, ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya, ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

Alam ni Jesus ang kanyang halaga. Ikaw alam mo na ba ang iyong importancya? Alam ni Jesus ang produkto niya. Ikaw alam mo ba ang produkto mo?

Alam ni Jesus na ang mga critico niya ay mamamatay din, dahil ang plano niya ay eternal ang produkto ay aral ng Diyos at buhay na walang hanggan. Nakahanda si Jesus para maranasan ang kahit na anong sakit ng damdamin at katawan para malikha ang walang hanggang pakinabang ng tao. May mga bagay na nagtatagal kaysa sa pagkukutya at pag-uusig -  ang iyong pangarap. Kumikilos kang lagpas sa mga tinatamong sugat. Hindi lahat makikinig sayo. Hindi lahat ay tatanggapin ang inaalok mo. Pero mayroong nangangailangan ng hawak mo nang produkto mo.Ang contribution mo ay kanilang walang hanggang pangangailangan para silang magtagumpay, unawain mo ito.Inayawan si Jesus ng mga Phariseo. Maging ang mga Saduceo. Ang mga pinuno ng relihiyon ay sumusumpa sa kanya at ang mga nakakilala sa kanyang halaga ay nagnais na sirain siya. Tinaya ni Jesus lahat ng pagkukutya at paninira upang maging gintong tulay ng tao at ng Dios.

Maraming nagtagumpay na tao sa mundo an gating kinabibiliban hindi natin nakikita ang mga pagsubok na kanilang dinaanan. Ang natatandaan lamang ay ang kanilang tagumpay, pero sila man ay tumaya at nagtiis upang marating ang pangarap. Lahat ng tinitingalang ahente ay nagsasabing inspirado silang ialok sa mas maraming tao ang kanilang produkto para marating ang iisa lamang na tatanggap.

Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga discipulo kung paano tanggapin ang mga kabiguan

Matthew 10:14
And if some home or town will not welcome you or listen to you, then leave that place and shake the dust off your feet.

Mateo 10:14
At kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ang alikabok ng inyong mga paa.



Kaya bumangon ka na. magtatawag ka gamit ang telepono. Gumawa ka na ng mga sulat. At hindi magtatagal, magtatagumpay ka. Alam ni Jesus ito.

Panalangin
Panginoong Diyos, nagpapasalamat po ako sa pananampalataya at pag-asa sa lahat ng panahon. Salamat sa mga aral na dapat handa akong maranasan ang panahon ng pag-uusig, pag aalipusta at kabiguan. Upang matanggap ng panahon ng kasaganaan at tagumpay. Binasbasan mo akong gawin ang mga bagay na kahit ayaw kong gawin para maabot ko ang aking mga pangarap, sa pangalan ni Jesus.AMEN.

Oracion para malagpasan ang lahat ng pag-uusig at pag-aalipusta:

Ika-walong sikreto ni Cristo

Merong produkto si Jesus na kailangan ng ibang tao.

Luke 6:19
All the people tried to touch him, for power was going out from him and healing them all.

Lucas 6:19
At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya, sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Kaya ka nilikha ay upang mabago mo ang ibang tao. Lahat ng taong nakikilala mo ay may gustong baguhin sa buhay niya.
Gusto nilang matuto.Gusto nilang lumaya sa kagipitan. Gusto nilang gumanda ang kanilang kalusugan. Ayaw nila ng kalungkutan. Hindi pwedeng ipadala ka sa lahat, pero siguradong pinadala ka para tumulong sa iba’t ibang taong nakikilala. Pero mayroong nangangailangan ng kung anong meron ka. Maaring ang iyong kabutihan, pag-ibig, regalo o opportunidad na puwede mong ipamahagi.Nauunawaan ni Jesus ito. Alam niyang kaya niyang baguhin ang isang tao upang maging mabuti. Mayroon loob, kalungkutan upang maalis ang mga sama ng kanilang buhay. Magaling siyang mag-ayos ng maraming bagay.

John 10:10
The thief comes only in order to steal, kill and destroy. I have come to order that you might have life – life in all its fullness.

Juan 10:10
Kaya lamang pumupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw, pumatay at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y magkaroon ng buhay- isang buhay na ganap at kasiya-siya.
Nauunawaan ni Jesus ang halaga ng pagkagutom sa katalinuhan at pagpapagaling ng kanyang sarili.
May apat na uri ng tao sa buhay mo, iyong mga nakadaragdag, nkababawas, nakakahati at nakaka pagdoble. Lahat ng relation mo ay nakakaafecto sa iyo, sa kabutihan o kasamaan. Lahat ng hindi nakadaragdag sa iyo ay siguradong nakababawas sa iyo.

Proverbs 13:20
Keep company with the wise and you will become wise. If you make friends with stupid people; you will be ruined.

Kawikaan 13:20
Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino; ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

Bawat relation o pakikipag-usap ay nagbibigay ng lakas o ng kahinaan sa loob ng pagkatao mo. Libo-libong tao ang gustong magbago. Hindi nga lang nila alam kung paano. Karamihan sa lasengero ay gusto umiwas ng maglasing. Maraming naninigarilyo ang gusto ng umayaw, maraming drug addicts ang nag-iisip kung paano makakawala sa pagka-alipin rito.Si Jesus ay naghanap ng mga taong may problema. Kaya sinabi niya sa kanyang mga discipulo na kailangan niyang pumunta sa Samaria, kung saan nakilala nya ang isang babaeng may limang napangasawa ngunit lahat ay nauwi sa paghihiwalay. Nagsalita at nagkwento si Jesus, at ang babae’y nakinig. Nabago ni Jesus ang buhay ng babae pang habang buhay, nagkaroon ng bagong pag-asa at paniniwala.
At bumalik ang babae sa siyudad at ipinamalita kung paano siya nainfluensiyahan at naturuan ni Jesus, sa buhay niya. Pinag-usapan ang nakaraan pero tumingin sa kinabukasan.

John 4:14
But those who drink the water that I will give them will never be thirsty again. The water that I will give them will become in them a spring which will provide them with life-giving water and give them eternal life.


Juan 4:14
Ang uminom ng tubig na ito’y muling mauuhaw ngunit ang uminom ng tubig na ibibigay ko ay hindi na muling mauuhaw. Ito’y magiging isang bukal sa loob niya babalong at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan.

Si Jesus ay tubig sa mga nauuhaw, tinapay sa mga nagugutom, siya’y nagging mapa sa mga nawawala at tapat na kaibigan sa mga nalulungkot. Ikaw, ano ang pinaka-dakilang regalo o katangiang pinag-kaloob sa iyo? Ano ang pinaka-sentro ng iyong kagalingan? Magaling ka bang taga-pakinig? Magaling ka bang taga-pagsalita? Ano man ang regaling asa iyo, iyan ang binigay ng Diyos upang magbasbas ng ibang tao na dumadaan sa iyo.

Si Joseph the dreamer ay may abilidad maipaliwanag ang mensahe ng mga panaginip.
 Ang regalo sa iyo ay maaring hindi kinakailangan ng iba, pero siguradong mayroong nangangailangan niyan. Sino ang nangangailangan ng iyong regalo? Ano ba ang regalo mo? Aling buhay ang natulungan mo ngayon? Sino ang natulungan mong kumita? Kaninong kapayapaan ng pag-iisip ang na-affetohan mo? Makakaya mong bigyan ng kasiglahan at pag-asa ang iba. Posibleng makapagbigay ka ng magandang paliwanag upang mabuksan ang iba upang malaman kung saan siya magaling. Gusto ng tao na magtagumpay. Gusto ng taong matuto. Mayroong tao na naghihintay sa iyo sa buong panahon ng kanyang buhay.  Karangalang hanapin mo sila. Ikaw ang gintong tali na nawawala sa buhay nila. Gusto ng tao ang pagbabago. Alam ni Jesus ito.

Panalangin
Salamat po Diyos Ama sapagkat binigyan mo ako ng regalo na kailangan ng ibang tao. Sa lakas ni Jesus nagagawa kong malagpasan ang nakaraan sa pamamagitan ng pagtutok sa regalo ko at mga posibilidad nito. Nilikha mo ako para sa isang tungkulin. Tulungan mo po akong Makita ang mga taong nangangailangan sa akin. Sa pangalan po ni Jesus.AMEN

Oracion para Makita ang mga taong nangangailangan ng servicio mo:


Ika-siyam na sikreto ni Cristo:

Inaalala rin ni Jesus ang pangangailangan ng tao sa pera.

Philippians 4:19
And with all his abundant wealth througn Christ Jesus, my God will supply all your needs.

Filipos 4:19
At buhat sa kayamanan niyang hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo-Jesus.

Ang pera ay isang gantimpala o pabuya. Madalas ay pera ang natatanggap mo pagnatulungan mo ang isang tao na marating ang pangarap niya. Ang araw ng sweldo ay araw ng gantimpala. Gingantimpalahan ka dahil binigay mo ang mahalaga mong oras bawat araw, ang iyong lakas at ang iyong kaalaman upang matulungan mo ang iyong amo na marating ang kanyang pangarap. Binabayaran nila kayo dahil ditto.

Ang pera ay importante, hindi ka mabubuhay sa loob ng bahay mo ng wala nito. Hindi mo maibibigay ang pangangailangan ng pamilya mo ng wala nito. Ang pagkain at mga pananamit ay nangangauilangan ng pambili. Sinasabi ngang mga marriage counselors na ang pangunahing dahilan ng pag-aaway at paghihiwalay ng mag-asawa ay dahil sa pera. Kinikilala ni Jesus ang importansya ng pera. Pero ayaw niyang mag-alala tayo ng sobra para rito.

Matthew 6:25-26
This is why I tell you, do not be worried about the food and drink you need in order to stay alive, or about clothes for your body. After all, isn’t life worth more than food? And isn’t the body worth more than clothes? Look at the birds: they do not plant seeds, gather a harvest and put it in barns, yet your Father in heaven takes care of them.

Mateo 6:25-26
Kaya’t sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabagabag tungkol sa pagkain at inumin na kailangan ninyo upang mabuhay o tungkol sa damit na kailangan ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga

kaysa pagkain, at ang katawan kaysa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon, hindi sila naghahasik ni nag-aani o kaya’y nagtitipon sa bangan. Gayunman, pinapakain sila ng inyong Amang nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?

Alam ni Jesus na iniibig ng Diyos na magbigay ng magagandang batay ar regalo sa mga tao.

James 1:17
Every good gift and every perfect present comes from heaven, it comes down from God.

Santiago 1:17
Bawat kaloob na mabuti at ganap ay buhat sa langit. Mula sa Ama.

Ang pera ay katotohanang kailangan sa buhay, kailangan mo ito. Ang pera ay nasa diwa rin ng Diyos. Itinuturo iyan sa mga salita ng Diyos. Ang katotohanan, bente porsyento ng aral na pagtuturo ni Jesus ay tungkol sa pera at kayamanan. Gusto ng Diyos na maginhawa at yumaman ang kanyang mga tao.

Psalm 35:27
May those who want to see me acquitted shout for joy and say again and again, how great is the lord?! He is pleased with the success of his servant.

Awit 35:27
Ang nangagsaya sa aking paglaya, bayaang palaging sumigaw sa tuwa, “Dakila si Yahweh!” tunay na dakila, sa aking tagumpay, siya’y natutuwa.

Pinakita at itinuro ni Jesus sa tao paano yumaman sa pamamagitan ng mga parabola o talinghaga sa tamang pag-gamit ng kaloob at regalo, kung paano i-invest kung ano ang pinagkaloob sa kanila.















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento