Ang sikreto ay ang tumingin sa kaloob looban. Dapat nating
isaisip na ang ating katawan ay isang templo kung saan naninirahan an ating
Panginoong Diyos. Naniniwala kami na ang kabanalan ay nasa bawat isa sa
atin, at ang Diyos ay nasa ating mga sarili, kung kaya’t kahit saan man tayo pumunta
dapat kasama natin ang Diyos sa kaibuturan ng ating buong pagkatao.
Mayroon
tayong pilosopiya na nagpapahalaga sa buhay at nagtuturo sa mga tao kung paano
nila mapapalakas ang kanilang potensyal upang pigilan ang karamdaman, sakit,
pighati, kalungkutan, at ang hindi mabilang na kundisyon na hindi naman
kinakailangan sa ating buhay, kung susundin lamang natin ang Divinong daan
patungo sa kabanalan.
Ang aming
banal na pilosopiya ay nagtuturo sa mga tao kung paano nila kokontrolin ang
sarili nilang buhay, kung paano irespeto at alagaan ang kanilang katawan at
kung paano mararating at mapapanatili ang kumpletong estado ng kalusugan at
balanse, nang sa gayon gaya ng ating mga ninuno, magagawa nating magsaya sa mas
mataas na antas ng ating pagkatao.
Isa itong
banal na pilosopiya na pangkalahatan, kung saan ang sansinukob, ang mundo at
ang sangkatauhan ay magkakaugnay at dumedepende sa isa’t isa, kung saan ang
ating kalusugan ay dumedepende sa iba at gayon din kung paano ang iba ay
dumedepende sa atin.
Ang mga
sinaunang tao ay nagturo sa atin kung paano tayo mamumuhay na magkakatugma sa
pamamagitan ng magkakaibang level ng ating di matukoy na enerhiya, kasama na
ang kapangyarihan at pwersa ng mundo, sansinukob at ibang tao.
Sa
pamamagitan ng pag-eensayo ng mga banal na pilosopiya, matutuklasan natin na
ang malakas na kapangyarihan ay nasa loob ng bawat nilalang, at ang ating isip
at katawan ay nagtataglay ng sariling natural na kapangyarihan, isang
kapangyarihang kayang lumagpas at humamon, gumamot ng karamdaman at rumesolba
sa mga sitwasyong kinalalagyan ng mga tao.
Matutuklasan
natin ang daan patungo sa kabang-yaman kung saan ang lahat ng solusyon sa ating
problema ay naka-imbak, kung saan ang pinakamalalim na tanong ay mabibigyang
kasagutan.
Ito ay isang
pinagmumulan ng impormasyon na nangagaling sa atin mismong kaloob looban, isang
boses na galing sa mas mataas na antas ng ating sarili na nakikipag-usap sa
atin.
Madidiskubre
din natin na habang ineensayo natin ang mga sining na ito at nilalakbay ang
ating daan, ay mararating ang isang tiyak na punto kung saan wala nang iba pang
posibleng pag-unlad kundi ang gamitin natin ang ating karanasan upang
makinabang ang ibang tao at ibahagi ang sikretong kaalaman sa kanila para sa
ikabubuti ng kanilang pamumuhay.
Kung kaya’t
dapat nating ilaan ang ating sarili upang turuan ang iba na mayroong matinding
pagnanais na marating ang banal na daan.
Ang aming
mga estudyante ay tinuturuan din na ipamahagi ang karunungan, upang ang buong
sangkatauhan ay makinabang.
Sinasabing
ang ilang nangungunang matandang
kaluluwa ay pinukaw upang mag-bahagi at magturo ng mga nakatagong aral at
kaalaman na kinakailangan ng kanilang kapwa lalake at babae sa isang partikular
na oras sa kanilang kasaysayan. Ito ang pumukaw sa mga indibidwal kung
saan ang kanilang kaluluwa ay bumalik sa matataas na antas ng pag-unlad mula sa
mataas na antas ng kakayahan, upang magdala ng mensahe at magbigay ng serbisyo
doon sa mga may mas mababang antas ng pag-unlad. Sila ay namuhay para sa
mga taong nasa paligid nila at sila ay nasa katauhan ng mga propeta, pari,
clairvoyants at guro.
Ang
ating mga sagradong aklat ay nagtataglay ng kaalamang subok na, natatago at
natagpuang tunay sa loob ng libo libong taon. Hindi nga lang lahat ay pinapayagang
magkaroon ng kopya nito upang maingatan ang lihim na kaalaman at karunungan.
Upang
marating ang pinakamainam na kalusugan, ang mga sinaunang “Divine Masters” ay
gumagamit ng iba’t ibang uri ng malalim na relaxation, paghinga, visualization
at meditasyon, kasabay ang sagradong orasyon; ehersisyo sa kaisipan at galaw ng
katawan, kasama na ang pagpapatibay ng espesyal na katangian ng kaisipan at
isang kakaibang paraan ng pagpopokus.
Ang
mga pamamaraang ito ang magdadala sa atin upang makamtan ang tila “superhuman
powers.” Sa mga hindi nakakaalam ng “Divine Techniques” mali nilang tinatawag
ang kapangyarihang ito na “supernatural,” bagama’t ang tanging supernatural na
bagay tungkol dito ay ang pagkakaiba ng pag-intindi sa realidad at kung ano ang
maaring makamit, ito ay natural na paraan ng buhay at mas mataas na antas ng
kamalayan na pinagsama sa napakataas na pag-unawa sa kabanalan at ang pagamit
ng ating isipan, mga sikretong orasyon, ritwals at katawang laman.
Dito
ay malalaman mo kung ano ang dapat mong maging negosyo, ano ang nararapat na
trabaho, ano ang dapat na kurso sa kolehiyo, sino ang back stabber o naninira
sa iyo ng patalikod, kung magkakahiwalay kayo ng iyung asawa o kasintahan, kung
ang dahilan ba ng pagkakahiwalay ay dahil ginamitan siya ng gayuma, kung nag
sisinungaling ang isang tao, kung nararapat mong kunin ang serbisyo ng isang
tao, kung ang partner mo sa negosyo ay hindi magbabago kapag lumaki na ang
inyong negosyo at marami pang iba na nakasulat sa sagradong aklat 1.
Natuklasan
ng ating mga Divine Masters na ang buhay ay maaring pahabain, maiwasan,
mapigilan ang mga sakit at malagpasan ang mga pagsubok. Ang ating teknik
ay naging paraan na ng pamumuhay, naging isa sa bumubuo ng basehan upang
magkaroon ng isang buong pormula para maging matagumpay. Ang ating kaalaman
para magtagumpay sa iyung ninanais sa buhay ay ipapalaalam at ibubunyag
sa iyo sa pamamagitan ng mga sagradong aklat.
Ang
ating mga teknik ay subok at napatunayan na. Ang tuloy tuloy na pagamit
ng mga paraang ito ay sagisag ng aming pagiging mabisa. Ang mga solusyon sa
iba’t ibang problema na hinaharap natin ngayon ay nakahimlay sa ating mga
sarili.
Ating
muling diskubrehin ang karunungan ng ating mga divine masters at matuto mula sa
kanila.
Ibinunyag
nila na posible para sa ating lahat na makamit ang mas maraming bagay sa mas
mataas na antas na pamantayan, sa mas maikling oras at hindi kinakailangang
magdulot pa ng stress, sapagkat tayong lahat ay isang makapangyarihang nilalang
na nagtataglay ng natural na kapangyarihan na walang hangganan kung saan
magagawa nating matagpuan ang mundong ating hinahanap.
Ang
tunay na “Divino Member” ay isang nilalang na natututo ng sikreto kung paano
paikutin ang araw-araw na may maganda man o pangit na sitwasyon, para sa
kanilang benepisyo.
Ang
sikretong ito ay ang kapangyarihang magpokus sa iyong intensyon o tinatawag na
“power of intentional divine focus.”
Habang
binabasa mo ang mga pahina ng mga sagradong aklat , umaasa akong gagamitin mo
ang katalinuhang ito sa pang-araw araw na buhay.
Para
sa iyong pangmatagalang tagumpay, ang susi ay ang araw-araw na pagamit
nito. Ang magiging pangkalahatang resulta ay ang kasiyahan sa pagawa ng
mas maraming bagay sa mas maikling oras, mas kaunting pagsisikap at ang
pagkakamit ng mas magandang resulta.
Nagkaroon
ka nang malinaw na desisyon at pagsisikap upang umpisahang basahin ang mga
sagradong aklat , ako ay nasasabik at binigyan mo ako ng pribilehiyo upang
ituro sa iyo ang pinakamahusay mula sa aking mga natutunan. Walang
anumang bagay ang nagkataon lamang; ito ay itinadhana, kung kaya’t sundan mo
ang agos nito.
Ang
Pangkalahatang Pangangailangan Sa “Divine Focusing”
Ang lahat ng tao ay nangangailangan ng pokus, ang nanay, tatay at mga anak,
ang mga estudyante, ehekutibo, mga may bahay, ang mga nagretiro na, ang lahat
ng mga nilalang na ito ay kailangan mag pokus. Habang ang karamihan sa
pagpopokus ay hindi sinasadyang napupunta sa isang negatibong pagpopokus.
Kakaunting tao lamang ang nakakayang
magpokus ng may intensyon. Kahit na ang mga taong may karanasan na sa
pagpopokus sa isa o iba pang paraan, sa kabuuan ay wala silang magandang
pag-intindi sa konsepto. Ang ilan ay hindi kayang kopyahin
ang kanilang pagpopokus upang maisagawa ang kanilang nais, at inaasa na lamang
sa kanilang kapangyarihan. Sapagkat ang personal na tagumpay ay isang
paraan para makamit ang pandaigdigang tagumpay, kung ang isang nilalang ay
maraming personal na tagumpay, sa negosyo man o sa iba pang organisasyon
magkakaroon siya ng kakayahang ipamahagi sa iba ang tagumpay na iyon. Ang
lahat na ito nararapat magsimula sa isang nilalang na nagtataglay ng magandang
lebel ng kapangyarihang dalhin ang sarili, kalusugan at pagkatao. Ito rin
ay kusang aagos upang ang mga negosyo at organisasyon ay mapabuti. At ang
resulta nito ay ang benepisyo sa buong daigdig, ngunit ang lahat ng ito ay
nakasalalay sa kakayahan ng isang tao na mag pokus sa kaniyang intensyon ng
mabilis at sa paraang kanilang nais. Ang tagumpay ng komunidad ay
dumedepende sa abilidad nang pagpopokus.
Ang Pinanggalingan Ng Mga
Inpormasyon
Ang nilalaman ng aklat na ito ay nagmula sa malawak na uri
ng personal at propesyonal na karanasan. Ginamit ko rin ang kaalamang
ipinasa sa akin ng napakaraming divine teachers. Dahil sa ang Divine
teachings ay nauna pa sa pagsusulat ng mga kasaysayan, karamihan sa mga
pagtuturong ito ay ipinasa sa akin mula sa salita ng mga guro patungo sa mga
estudyante, sa napakahaba nang panahon. At dahil bukas ang aking ikatlong
mata ay na veverify ko ang tamang orasyon at kapangyarihan na eksakto para sa
isang problema at situwasyon.
Sa tradisyong ito, kakaunti
lamang sa mga estudyante ang napili bilang nararapat na maturuan ng katalinuhan
at kasanayang ito. Ang karunungang natanggap ko ay pinatibay pa nang
aking malawak na panaliksik sa paksang ito. Nagsagawa rin ako ng maraming
pakikipanayam, pagtalakay at personal na obserbasyon kasama ang mga taong may
iba’t iba ring karanasan at pinangalingan, propesyon at lebel ng
kasanayan. Ang personal na karanasan ng mga tao ay inihabi sa mga
sagradong aklat na ito.
Ang nilalaman ng aklat na ito
ay personal ko nang nasubukan at nagamit maging ang mga teknik at konsepto na
itinuturo dito. Ang lahat ng ito ay nag-ambag sa aking personal na
kapakanan. Nakaya kong lampasan nang matagumpay ang maraming pagsubok sa
pamamagitan ng pagamit ng Divine focusing techniques. At ang naging
resulta nito, ang aking pagiging mapagpakumbaba at mapagpasalamat ay tuloy-tuloy
na nagpatibay sa akin at habang buhay na itong magpapatuloy.
At ang mga karunungan nakatago
rito ay nagamit at nasubukan na epektibo ng mga miembro na doctors, attorneys,
mga malalaking negosyante, mga mag asawa, estudyante, inhinyero, mga politico,
mga nag oopisina at maging ng mga ordinaryong tao.
Ang malalim na karunungan at
malawak na karanasan na nakamit ko gamit ang natural na panggamot ay naging
direktang resulta nang pagamit ng kapangyarihang magpokus. Gamitin mo ang
mga teknik na nasa aklat na ito at ikaw din mismo ay makikinabang.
Ang Super lihim na kaalaman ay hango sa
karunungan ng mga taga silangan at kanluran, maging ng sinaunang divinong
manggagamot. PART 2
Ang kabanata isa ng aklat na ito ay nagpapaliwanag kung ano ang kahulugan ng “pokus,” ipinaliliwanag dito kung paanong ang pagpopokus ay mas higit pa sa aksyon ng kapangyarihan ng ating utak higit sa isang bagay. Sa pamamagitan ng pag pokus sa paggamit ng mga orasyon at pagsasagawa ng ritwal ay natutupad ang kahilingan ng isang nag didivino.
Ang kabanata dalawa hanggang tatlo ay nagpapakita kung paano mapapagana ang focus, ritwal at orasyon maging ang mga maaring makahadlang dito, kaakibat ang pwersa ng Yin at Yang o IHV na nagmula sa sinaunang natural na pilosopiya ng mga guro, masters at makapangyarihang tagapag turo. Tinatalakay rin ang natatagong kapangyarihan at kahalagahan ng iyong determinasyon, Ito ang pundasyon kung saan ang magaling na pagpopokus pag gamit ng mga orasyon at ritwal ay nabubuo, at ang kabanatang ito ay nagtuturo rin ng mga ideya kung paano mo pa ito mapapabuti.
Ang kabanata apat hanggang siyam ay nagtuturo kung paano magpokus na may kasamang intension, orasyon at ritwal sa pamamagitan ng paggamit ng isang kakaibang pormula ng pagpopokus, isang stratehiya na maaring gamitin sa anumang situwasyon. Nag-aalok din ito ng iba’t ibang pagsasanay upang maging bihasa sa mga pormulang ito. Ito ang unang hakbang upang marating ang “superfocusing.”
Ang kabanata sampu hanggang labing apat ay sumusuri kung paano makakatungo sa ‘Superfocusing,’ isang estado na tinatawag ng mga sinaunang Masters na “doing without doing.” Ito ang ningning, ang mahika na natatago sa ‘Supersuccess.’ Ito ay isang estado kung saan ang isang nilalang ay makakagawa ng isang tungkulin o gawain sa pamamagitan ng perpektong balanse at pagkakasunduan, ng hindi gumagamit ng paghihirap at tensyon. Ang kabanata sa seksyon na ito ay nagpapaliwanag nang pagkakaiba ng atensyon at konsentrasyon, at kung paano pa natin ito mapapabuti. Binunyag rin dito ang enerhiya, teknolohiya at espiritual na aspeto na kinakailangan upang maging posible ang pagsasagawa ng superfocusing. Idinagdag pa rito ang iba’t ibang uri ng pagsasanay upang ipakita kung paano ilipat ang isang karaniwang paraan ng pagbibigay ng atensyon sa mas matinding paraan ng konsentrasyon, at ang pagtungo pa sa mas mataas na antas na kasanayan sa pagpopokus.
Ang aklat na ito ay magwawakas sa isang pagsusuri at pagpapatibay ng iba’t ibang aspeto ng focusing. Ang konklusyon na pinapakita sa aklat na ito ay ang pinagsama-samang ideya, kung paano ginamit ang mga teknik at ang mga katangian na nakatulong magtagumpay ang mga matagumpay na tao.
Ang bawat kabanata rito ay nagpapakita kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng disiplina, isang uri ng sining. Upang matamo ang benepisyo ng pagiging disiplinado, ang isang tao ay nararapat lamang na maging isang disipolo na nag-aaral, sumusunod, nag sasagawa at bumubuhay sa ibinigay sa kaniyang karunungan, mga lihim na kaalaman at mga makapangyarihang orasyon, Ang dagdag na benepisyo ng pagiging disiplinadong tao ay ang kakayahang umagos sa iba pang bahagi ng buhay. Dagdag pa dito, ang mga pagsasanay na pinapakita rito ay nababagay sa bata man, mga estudyante at matatanda.
Ang mga benepisyo na makukuha sa aklat na ito
Hindi lamang ang pagpopokus sa sarili ang layunin ng aklat na ito. Ito ay isang paglalakbay na espirituwal, ang pagsasaliksik ng kapangyarihang nangagaling sa kaloob looban, isang kasangkapan upang makamit ang mas mataas na lebel ng kamalayan, kapayapaan at pagkakasunduan. Bagamat kaya mo nang gamitin ang matinding konsentrasyon kahit kalian mo man naisin, ikaw pa rin ay magbebenipisyo sa makukuhang impormasyon na nilalaman ng aklat na ito.
Ang mga kagila-gilalas na resulta ay makakamit kung ang focusing, at mga orasyon ay aktibo, may pagkukusa at gumagamit ng paraang may pakay o dahilan. Ang tagumpay ay maaring isagawa sa anuman at saan man. Maari kang mas maging mahusay, mas mapapataas ang antas ng pagiging produktibo at makakakuha ng mas mataas na lebel ng kasiyahan at kaluguran sa araw-araw na pamumuhay. Ang relasyon mo sa ibang tao ay mas magiging maganda at ikaw rin ay makakapagpataas ng husay at mekanismo ng pangagamot sa iyong sarili, maging sa kapwa tao. At sa sandaling nagsimula ka na magkaroon ng intensyon na magpokus sa iyong gawain, ang produkto ng iyong pagsisikap ay hindi lamang mas
magiging mahusay kundi makakamit mo ito sa mas mataas na kalidad sa mas maikling oras. Ikaw ay magagalak sa tagumpay na hindi lamang mas marami kundi mas nakakapagpaligaya!
Kung gagamitin mo ang mga teknik na itinuro sa aklat na ito, magkakaroon ka ng bago, mas maganda at mas matagumpay na buhay. Upang makamtan ang ganitong resulta, kinakailangang isagawa mo ang mga pagasasanay na nasasaad rito nang may galak at masigasig na interes. Upang maging dalubhasa sa “intentional focus” at “superfocus” kinakailangan nito ang oras at sipag sa pagsasanay. Mga tiyak na gantimpala sa anyo ng mas malawak na abilidad ay mapapansin habang ipinagpapatuloy mo ang pag aaply ng mga teknik na ito. Sa simula pa lamang dapat nang makakaramdam ng nakakaaliw na tiwala sa sarili kasabay nito ang pagranas ng mas malinaw na pag-iisip at paghatol.
Ang aklat na ito ay nagbibigay ng oportunidad upang ikaw ay matuto at mas umunlad, mas mabatid mo kung paano pahuhusayin ang isipan sa pamamagitan ng kapangyarihang magpokus. Tinuturo nito kung paano mapapakinabangan ang kapangyarihang ito at kung paano mo malalamang kung paano ito gamitin nang hindi mo masosobrahan ang iyong sarili.
Habang ikaw ay mas nagkakamalay sa iba’t ibang aspeto ng atensyon, konsentrasyon, pagpopokus ng may intensyon at superfocusing, maging sa tamang pag gamit ng mga orasyon at ritwals ikaw ay mas magiging handa sa mga tungkulin at makakayang mo itong isagawa ng mas mabilis at sa mas mataas na kalidad, nang hindi dumaranas ng stress.
Habang pinapataas mo ang kapangyarihan ng iyong isipan, ang Superfocusing sa mga orasyon at ritwals ay mas magpapadali na kusang ibahin ang iyong sarili sa estado na may sobrang kahusayan, kasabay nito ang pagbibigay sa iyo ng bagong kamalayan tungkol sa iyong sarili at sa buhay. Ang aklat na ito ay isang inbitasyon upang magsaliksik, paunlarin, at gamitin ang kapangyarihan ng iyong isipan na minamaneho at pinadalubhasa ng pagamit ng Superfocus sa mga orasyon at ritwals.
Ano ang Focus?
Ang Focus ay hindi lamang ang pagsasanay ng isipan higit sa isang bagay. Ito ay ang pagiging dalubhasa ng laman ng isipan at gawa sa pamamagitan ng pagtotono at pagpapatalas ng buong kaisipan, katawan, emosyon at espirito. Sa pamamagitan nito nadaragdagan natin ang personal nating kakayahan kung kaya’t nakukuha natin kung ano man ang gusto nating tuparin.
Ang pagiging pokus sa ritwals at orasyon ay ang tugatog ng pagkontrol sa sarili, at ang paghawak natin sa control ng ating kamalayan. Kapag tayo ay nasa pokus kaya nating ilagay ang ating atensyon upang makumpleto natin nang matagumpay ang ating tungkulin gaano man ito katagal.
Kapag walang pokus, para tayong isang bata sa loob ng tindahan ng lollipop. Karamihan satin nakakaranas at nagdurusa sa ‘magulong isipan’ na walang disiplina at walang pagpipigil na asal. Nagpupunta ito sa kung saan saang direksyon maliban sa kung ano ang kailangan natin, gusto natin o dapat sundin. Nagiging mapag-alala tayo sa hindi mahahalagang bagay, mga bagay na nag-aaksaya sa mahalaga nating oras at lakas. Ang ganitong klase ng pag-iisip ay madaling maabala, nagreresulta sa pangit na memorya, at mahinang kapangyarihan upang magkaroon ng konsentrasyon. Dahil diyan, napupunta tayo sa isang daan kung saan tayo ay nagiging negatibo, humihina ang ating produksyon, tayo ay nabibigo at nagkakaroon ng posibilidad na masira ang sarili. At ang ilan sa atin ay kadalasang nahahadlangan ng kakila-kilabot na kundisyon na ito.
Sa kabilang dako, ang kakayahang magpokus sa mga orasyon at ritwals ay nakakatulong sa isang tao na maging palagay at magkaroon ng komunikasyon sa sarili, sa ibang tao, sa mga hayop, halaman at sa lahat ng nasa nakapaligid sa kanya.
Ang pagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals ay mahalaga sa maraming bagay. Sa isang sitwasyon kung saan kailangang gumanap, gaya ng mga atleta o musician, ayaw nilang maabala ng takot o pagkabalisa, dahil sa ibang tao o bagay na nakapaligid sa kanila, kung hindi ay magiging magulo at walang kamalayan sa kanilang ginagawa sa ganoong mga pangyayari. Kung siya ay magpopokus sa kaniyang tungkulin magiging walang hanggan ang kaniyang potensyal. Walang anuman ang makakapigil sa kaniya kung siya ay buong buo ang pagpopokus. Walang makakahadlang sa kaniya.
Isipin mo nalang ang mga makakagambala sa isang grand final game kung saan ang mga manlalaro ay nakahanda na para sa huling pagtutuos. Ang ibang manglalaro ay lumalakas dahil sa pagkasabik at tensyon sa gayon ang kanilang pagganap ay nagiging mas magaling. Ang kakayahang makapag pokus sa pag usal ng mga orasyon ay magbibigay ng daan upang mapahusay pa ang kanilang emosyon, sa paraang magagamit nila ito para mas maging positibo at para sa sarili nilang pakinabang. Kaya nilang hindi pansinin at maapektohan ng napakalaking kasabikan at kaba mula sa lahat ng nakapaligid sa kanila kasama na ang mga taong manonood. Kung hahayaan nila ang sarili nilang maapektohan nang mga ito, ang laro ay maaring magresulta sa pagkatalo.
Ang pagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals ay nagagamit rin sa mundo ng pagnenegosyo. Ang bawat negosyo ay nararapat na mayroong sentro ng pagpopokus sa mga orasyon at ritwals at ang bawat empleyado ay dapat rin magkaroon ng kaniya kaniyang bahagi sa sentro ng pokus na iyon, upang sila ay maging parte na magkakaroon ng kontribusyon sa kabuuan ng operasyon. Kung ang bawat isang indibiduwal na empleyado ay matuturuan kung paano magpokus sa pag gamit ng mga orasyon at ritwals sa bawat sariling layunin, maging ang layunin ng buong kompanya, ang pagsasanib pwersang ito ay makakapagpalago sa negosyo.
Sa isang aklat na pinamagatang Making it in America nasasaad doon ang ‘ten paths to business success’ kung saan nakapaloob ang malawak na pagsasaliksik, ang pagsusuri sa mahigit dalawang daang storya ng tagumpay at pakikipanayam sa mga pinaka matataas na ehekutibo sa America, sinabi nila na ang isang daan na mayroon sila ay ang ‘kalugin ang organisasyon’. Ipinaliwanag nila na ang isa sa kritikal na sangkap upang maging posible ang lahat ng ito ay ang maging pokus sa pamamagitan nang pagkilatis sa mga problema at kung saan talaga nararapat magpokus ang kumpanya. Natuklasan nila na ang mga kumpanyang may malinaw na stratehiya ng pagpopokus ay mayroong natatanging kalamangan at nagkakamit ng matayog na tagumpay.
Ang mga tunay na kampyon ay ang mga taong nagpopokus sa pag gamit ng mga orasyon at pag riritwal, ang mga taong tumutungo nang lagpas pa sa ordinaryong konsentrasyon. Sila ay may partikular na presensya, isang mabuting aura ang mararamdaman sa mga taong ito at kaya nilang magbigay ng positibong impluwensya kahit sa mga hindi nakakaalam nang kanilang kahusayan. Katulad sila ng mga tunay na kampyong atleta na nagpapakita ng kagitingan sa isang pastulan kahit na kakaunti lamang ang nanonood sa kanila.
May mga taong natural na may talento sa kanilang trabaho o sports na nakakahanap ng mas madaling paraan upang makapagpokus kumpara sa iba. Ito ay sumasalamin sa batas na anuman ang tungkulin, ay maaring makamit ang layunin nang mas mabilis, magaling at mas nakakapag-bigay ligaya kapag ang isang tao ay ginagawa ang alam niyang pinakamahusay na paraan, kapag ang isa ay sumusunod kung ano ang tama, ay nagiging masunurin rin ang layunin.
Ang pag-unawa sa pokus
Ang pagpopokus ay hindi lamang ang pagbibigay ng atensyon dito o ang kakayahang magkaroon ng konsentrasyon. Ito ay higit pa rito. Ang atensyon ay nagsasaad kung paano ang isang indibiduwal ay nagagawang iaply ang kaniyang sarili sa isang layunin, ang konsentrasyon naman ay nagpapahiwatig ng tibay na isagawa ang isang bagay sa sandali man o mahabang oras. Ang kaibahan ng pagpopokus ay ang pagpapatindi ng kakayahan ng ating sarili sa pamamagitan ng pagpapakita ng kombinasyon ng ating isipan, katawan at ang iba pang mahiwagang enerhiya ng iyong pagkatao upang maging isang aktibidad. Ang pagpopokus ay kakaibang paraan ng pagpapagana ng ating mental, pisikal at iba pang enerhiya. Tayong lahat ay gumagawa sa iba’t ibang paraan na sumasalamin sa maraming uri nang pagpapahayag ng enerhiya. Kapag tayo ay nagpopokus kadalasang tayo ay nagpapalit palit ng pamamaraan. Halimbawa ang bawat isa sa mga estudyante ay gagampanan ang ibang karakter o papel ang kanilang pokus ay lilipat o magbabago. Ang hindi magpalit ng kanilang pokus ay ang mga estudyanteng hindi buo ang paganap at pagpokus sa kanilang pagsasanay. Ang ganitong karakter ay nakikita rin sa ilang mga pinuno, tagapagsanay at mga guro na nahihirapang itama ang kanilang pokus ng mabilis at nang tama, upang sila ay makapagpokus nang buo sa kanilang mga tungkulin.
Habang isinasagawa ang pagpopokus, ang tindi ng inyong pagpopokus ay lalong nabubuo habang ito ay pinagsasanayan. Sa mga ehersisyo gaya ng pagtakbo, paglangoy o paglalakad, mayroon itong epekto sa pagbabago ng ating puso kapag isasagawa ang warm-up o cool down. At ang mga araw ng pagpapahinga sa pag-eehersisyo ay pumipigil sa pagkakaroon ng pinsala sa katawan. Kung kaya ito ay ginagamitan rin ng pokus.
Ang warm-up ay kapag nagsimula ka nang magbigay ng atensyon at konsentrasyon. Kapag ikaw ay nakapokus ang iyong buong isipan at katawan ay siya na ring mismo ang ‘aktibidad’ na iyong ginagawa.
Ang cool-down ay isang yugto kung saan ikaw ay nakakaramdam na ng kasiyahan at sigla habang ang iyong pisikal at mental na kapasidad ay bumabalik na sa kasalukuyang sandali. Ito ay kagaya ng saya na nararamdaman matapos ang magandang ehersisyo. Maari mo rin maranasan ang pakiramdam na parang ikaw lang ang nilalang sa mundo at wala lahat ng nakapaligid sa iyo. Ang mga araw naman ng pahinga gaya sa ehersisyo ay ang panahong buong buo kang makakapagpahinga at hayaang gabayan ka ng iyong mas mataas na enerhiya.
Kapag ikaw ay nasa estado ng pagpopokus, mararanasan mo na ang iyong mga pakiramdam ay lalong nagiging sensitibo at malakas. Mas marami kang makikita, mararamdaman at maiisip kumpara sa simpleng pagamit mo ng konsentrasyon.
Ang konsentrasyon ay maaring lamang mapunta sa malawak na pag-iisip, samantalang ang pokus ay higit pa sa pagpapakitid mo ng daan upang makuha ang iyong inaasinta. Ang una ay ang pagpapasikip mo ng daan upang mahanap ang iyong aasintahin, at pag ito ay natagpuan mo na, makikita mo ito ng mas malaki at ang iyong pagtingin tungkol sa inaasinta mo ay mas malinaw ang bawat sulok nito. Ang pagkakayari, kulay at pagkakabuhol ng mga detalye nito ay iyong mapapansin. Ikaw ay magiging parte ng iyong tinitignan at ang lahat ng bahagi nito ay makikita mo. Ang iyong isip, katawan at ang iba pang kakaibang enerhiya ay malulugod sa pakikipagsapalarang ito. Ang katawan ay hindi mapapagod at ang saya habang isinasagawa ito ay mararanasan. Maari itong maghatid sa iyo sa mas mataas na kaalaman.
Ang pokus ay isang matalinong paraan upang iaply ang enerhiya na nagmumula sa loob. Sinabi ng Kung Fu master na si Steeve Kiat, na kapag siya ay buo ang pokus habang isinasagawa ang isang matinding paganap siya ay, hindi ang kaniyang sarili.
Sinasabi niyang ang kanyang isipan at katawan ay wala sa loob ng kanyang pisikal na sarili, na siya ay nasa loob ng kanyang ginagawa, sa isang malayong lugar kung saan ang buo niyang sarili ay nalalango sa isang paraiso. Ang enerhiya mula sa kaniyang konsentrasyon ay nagbibigay sa kanya ng katulad na ng karanasan ng isang wala sa sariling katawan. Habang isinasagawa ang paganap madalas niyang maranasan ang kumpletong pagdidilim ng lahat ng nakapaligid sa kaniya, kung saan halos hindi na niya alam ang kaniyang ginagawa sa mga oras na iyon. Ang kanyang pokus ay nagreresulta sa walang hanggan pakiramdam.
Upang makapagpokus ng tama, kailangang may kakayahan kang ibukas o isara ito, kapag masasabi mong natapos mo na ang isang bagay na ginagamitan mo ng pokus, pansamantala mo itong itatabi at dapat alam mo kung kailan mo ito gagawin muli, at kinakailangan kaya mong makabalik muli sa buong pagpopokus sa kung ano man ang nais mong makamit.
Ang pagpopokus para sa ilang tao ay ang pagsasaayos ng isang lente upang mas mapalinaw ang isang imahe o larawan. Ngunit imbes na ang mata ang ating isaayos, ang ating isipan ang ating inaayos. Gaya lang ng pagkuha ng larawan kapag tayo ay nasa tahanan, ang lenteng ating ginagamit na katulad ng ating mga mata ay kusang nagpopokus upang makakuha ng malinaw na litrato. Sa kabilang banda, ang isang propesyonal na litrastista o katumbas ng ating isipan, ay gumagamit ng mas mahusay na kamera katumbas ng ating kakaibang enerhiya, na may mano manong adjustment sa lente gaya ng ating mata at buong katawan, upang makagawa ng isang litrato na may kaakit-akit na komposisyon.
Tayo ay nag-aadjust o nagpapalit ng ating pokus maya’t maya, kadalasang pinagpapalit palit ang ating atensyon at konsentrasyon sa susunod pang lebel at inaaply ang ating pokus sa mga bagay na mas kinakailangan natin agad agad, gaya ng pagkain at tirahan. Kapag mayroon na tayo ng mga ito, nililipat naman natin ang ating pokus sa ibang bagay. Ang hinaharap ay tunay at tiyak sa isang taong nakapokus, ‘tunay’ sa paraang ang taong ito ay karaniwang nakakamit ang kaniyang bagay na pinopokus. Ang pagpopokus sa isang negatibong bagay at hindi mahahalaga ay nagbibigay ng hindi magandang resulta, samantalang ang pagpopokus sa mga positibong bagay ay nagbibigay ng positibong resulta.
May iba’t ibang tindi at bilis ang pagpopokus. Ang ating pokus ay maaring lumakas o humina depende sa mga nakakaimpluwensya sa labas kasama na dito ang ating pisikal at mental na kalusugan. May mga sandaling nais nating ibahagi ang ating pokus at inilalagay nating ang malaking bahagi nito sa isang bagay, halimbawa na sa pagkukuhanan ng pera o sa ano mang bagay na tayo ay interesado. At may mga oras na tayo ay hindi handang ibahagi ang ating pokus at konsentrasyon ito ay nilalagay lamang natin sa iisang bagay upang tayo ay hindi magambala o lumihis sa ating layunin.
Dahil sa mabilis na pagpapalit palit ng ating pamumuhay, mahalagang magkaroon tayo ng matalas na talino sa pagamit ng pokus, upang tayo ay maging alerto, makita natin ang mga oportunidad at makapag desisyon kung kailangan natin itong sunggaban.
May mga bagay na hindi kayang ipahayag sa pagamit lamang ng purong katalinuhan. Minsan maiintindihan lamang natin ang mga ito kung tayo mismo ay papasok sa loob ng proseso, sa pamamagitan ng mismong pagranas nito, ito ang kaso sa pagpopokus, ito ay hindi purong pagamit lamang ng talino, ito ay isang emosyonal at praktikal na pagsasanay upang iyong malaman kailangan mo itong maranasan.
Para magkaroon ka ng panimulang ideya kung ano ang pakiramdam ng tunay na nakapokus, mag-isip ka ng isang oras sa iyong buhay kung saan ikaw ay sangkot sa isang bagay.
Iniimbitahan kita na maglaan ng ilang minuto upang alalahanin ang sandaling ikaw ay buong nakapokus sa isang bagay. Ipikit mo ang iyong mga mata at isabuhay mo ulit ang karanasang iyon. Ano ang pakiramdam? Maganda sa pakiramdam, hindi ba? Kapag ikaw ay talagang nakapokus. Ngunit gayon pa nahihirapan pa rin tayo at nagkakaroon ng hindi matagumpay na pagpopokus kapag hindi natin alam kung paano ito gawin.
Dapat ay walang hirap ang pagpasok sa mundo ng pokus, ang mundo ng natatagong talino, kapangyarihan at espirituwalidad. Bagaman importante na hindi tayo masyadong seryoso sa pagpopokus na hahantong sa sobrang tensyon at mahirapan dahil dito. Ang teknik upang mangyari ng natural ang pagpopokus ay ibibigay sa inyo habang binabasa ang aklat na ito.
Ang pagpopokus ay piniling pakikipagsapalaran patungo sa kamalayan kung saan ang isang tao ay papasok sa isang karanasan na pagiging kaisa ng buong kapaligiran. Ang pagiging ‘kaisa’ na ito ay siyang paraan upang tayo ay makapag-ugnayan sa ano man o sino mang ating gustuhin.
Higit pa rito, ang pagkakaroon ng kapangyarihan magpokus ay isang kasabik-sabik na paraan upang mabuhay, isang napakagandang pakiramdam, at ito ay nakakapagbigay ng buong kaluguran at kasiyahan.
Ang kakulangan sa pagpopokus ay madaling mapansin. Sa ating araw-araw na buhay kinakailangang tayo ay laging magbigay ng atensyon, magkaroon ng konsentrasyon, at pokus. Patuloy tayong nakikipagtuos sa mga nakakagambala sa atin, sa mga humahadlang sa ating memorya, sa pagiging wala sa sarili o kahit ang pagiging makakalimutin ay maaring magdulot ng sakuna. Ang pagkakaroon ng hangal na pagkakamali, mga kamaliang hindi mabilang bilang na maari namang mapigilan ay nakakapigil sa mapayapa nating pamumuhay. Ang nerbyos, pagod at sobrang dami ng kinain ay maari ring makapigil para tayo ay makapagpokus. Kaya ginagawa rin natin ang fasting bago gumawa ng pocus sa isang orasyon at ritwals.
Maari mong gamitin ang mga sumusunod na kumbinasyon nang alin man sa tatlong sintomas ay tutukoy kung ikaw ay may problema sa pagpopokus:
Mahinang konsentrasyon, mahinang memorya, kakulangan sa layunin, pagiging madali magambala, hindi tuloy tuloy na paganap sa tungkulin, pagiging hindi matiyaga, hindi pagtugon at pag-ayaw sa pagtanggap ng mga bagong responsibilidad ay ilan sa mga tipikal na sintomas sa kakulangan sa pagpopokus.
Palaging pag-aalala, takot, pagiging irritable, depresyon at labis na pagkabalisa ay ilan sa mga emosyonal at pangkaisipang sintomas na kaakibat ng kakulangan sa pagpopokus o kawalan ng kakayahang magpokus. Dahil sa kakulangan sa pagpopokus ay nakakapagdulot ng mga emosyonal na problema, ito ay isang ebidensya na ang pokus ay sangkot sa pagiging emosyonal natin.
Ang mga ito ay ang madaling makitang sintomas upang matukoy kung ang isang tao ay nahihirapang magkaroon ng pokus.
Ito naman ang katangian ng mga taong may mahusay na pokus:
>Nakikipag-ugnayan ng kalmado at magalang sa iba.
>Ay tunay na dalisay ang damdamin.
>Nangangasiwa mula sa kanilang puso.
>Umaahon mula sa problema at hindi humihinto sa paghahanap ng solusyon.
>Hindi natataranta.
>Sila ay relax at may tiwala sa kanilang sarili.
>Ay may mataas na motibasyon.
>Nagsasabi ng katotohanan, tinatanggap ito at nagtatrabaho kasama nito.
>May magandang karakter.
>Ay tumpak at malinaw.
>Nagtatagumpay sa kanilang mga layunin.
>Nagtatrabaho ng may mapayapang ugnayan gamit ang kanilang natural na katangian at kapaligiran.
Kapag ang mga trabahador ay mas nakakapagpokus sa kanilang ginagawa, nagkakaroon sila ng kapansin-pansing pagbabago sa ugali. Sila ay mas nagiging kapakipakinabang at humuhusay ang kakayahan. Nagkakaroon sila ng tiwala sa sarili, personal na responsibilidad at sariling husay. Sila ay mas nakakapag-ambag ng mas marami para sa kapakanan ng lahat. Nababawasan ang reklamo sa kanilang mga ginagawa. Sila ay nagiging sikat, mas nagkakaroon ng mas maraming nangangailangan sa serbisyo nila, at sila ay mas maasahan. Maari kang dumepende sa kanila. Ang mga manggawa na may pokus ay may pag-uugali na kaiba sa mga taong walang pokus. Sila ay mas may buhay, saya at sigla. Hindi sila nahihirapang kayanin na gawin ang iba’t ibang gawain ng sabay sabay. Napapangasiwaan nila ang mga nakakaantala at nakakaabala sa gawain ng mas maayos kung kaya’t hindi nasisira ang araw nila dahil sa mga ito. Sila ay patuloy lamang sa paggawa ng trabaho, gaya ng mga kampyon na gumaganap ng walang kahirap hirap. Ito ang tinatawag na ‘doing without doing’ sa sandaling ito maaring tawaging ‘working without working.’
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento