Maraming
himala ang nagawa ng ating Panginoong Jesu-Kriso mula sa kanyang pag silang
maging sa pagka buhay nyang muli.
Naririto
ang ilang sa mga himala kasama ang orasyon ginamit nya para magawa ang kakaibang
kapangyarihan.
Ang Unang Himala ni Jesus ay ng ginawang alak
ang tubig.
Juan 2:1-11
1 Pagkalipas ng dalawang araw, may kasalan sa Cana sa Galilea, at naroon ang
ina ni Jesus. 2 Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay inanyayahan din sa
kasalan. 3 Kinapos ng handang alak, kaya't sinabi ng ina ni Jesus sa kanya,
Anak, naubusan sila ng alak.
4 Sinabi ni Jesus, Huwag po ninyo
akong pangunahan, Ginang. a Hindi pa po ito ang tamang panahon.
5 Sinabi ng kanyang ina sa mga naglilingkod, Gawin ninyo ang anumang sabihin
niya sa inyo.
6 May anim na banga doon, ang bawat isa'y naglalaman ng pitumpu't lima hanggang
115 litro. Ang mga ito ay nakalaan para sa paghuhugas ayon sa tuntuning
panrelihiyon ng mga Judio. 7 Sinabi ni Jesus sa mga tumutulong doon, Punuin
ninyo ng tubig ang mga banga.
At pinuno nga nila ang mga banga. 8 Pagkatapos, sinabi niya, Kumuha kayo ng
kaunti at dalhin ninyo sa namamahala ng handaan.
Dinalhan nga nila ang namamahala ng handaan, at 9 tinikman nito ang tubig na
naging alak. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon, subalit alam ng mga
sumalok ng tubig. Kaya't tinawag niya ang lalaking ikinasal 10 at sinabi, Ang
masarap na alak ay unang inihahain; kapag marami nang nainom ang mga tao, saka
inihahain ang mababang uri. Ngunit sa huli ninyo inilabas ang masarap na alak!
11 Ang nangyaring ito sa Cana sa Galilea ang unang himalang ginawa ni Jesus. Sa
pamamagitan nito'y inihayag niya ang kanyang kapangyarihan at nanalig sa kanya
ang mga alagad.
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para magawang alak ang tubig:
Romacbalcion Pencobeter Motumahum
Romacbalcion Pencobeter Motumahum
Pinagaling ni Jesus ang Anak ng Isang Pinuno ng Pamahalaan
Juan 4:46-54
46 Nagpunta muli si Jesus sa Cana, Galilea. Dito niya ginawang alak ang tubig. Sa bayan naman ng Capernaum ay may isang pinuno ng pamahalaan. Ang anak niyang lalaki ay may sakit 47 at naghihingalo na. Nang mabalitaan niyang bumalik si Jesus sa Galilea mula sa Judea, pinuntahan niya ito at pinakiusapang pumunta sa Capernaum upang pagalingin ang kanyang anak. 48 Sinabi sa kanya ni Jesus, Hangga't hindi kayo nakakakita ng mga himala at mga kababalaghan, kailanman ay hindi kayo sasampalataya.49 Ngunit sinabi ng pinuno, Tayo na po, Panginoon, bago mamatay ang aking anak.
50 Sumagot si Jesus, Umuwi na kayo, gagaling ang inyong anak. Naniwala ang lalaki sa sinabi ni Jesus, at umuwi na nga siya. 51 Sa daan pa lamang ay sinalubong na siya ng kanyang mga alipin at sinabing gumaling na ang kanyang anak.
52 Tinanong niya ang mga iyon, Anong oras nang bumuti ang kalagayan niya?
Ala-una po kahapon nang siya'y mawalan ng lagnat, tugon nila.
53 Naalala ng ama na noong oras na iyon sinabi sa kanya ni Jesus, Gagaling ang inyong anak. Kaya't siya at ang kanyang buong sambahayan ay sumampalataya kay Jesus.
54 Ito ang pangalawang himalang ginawa ni Jesus sa Galilea pagkagaling mula sa Judea.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang anak ng isang pinuno ng Pamahalaan:
Pinagaling ang Sinasapian ng
Masamang Espiritu
(Lucas 4:31-37)
21 Nagpunta sina Jesus sa Capernaum, at nang sumunod
na Araw ng Pamamahinga ay pumasok si Jesus sa sinagoga at nagturo. 22 Namangha ang mga tao sapagkat nagtuturo siya nang may
kapangyarihan, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan. 23 Bigla namang pumasok sa sinagoga ang isang lalaking sinasapian ng masamang espiritu. Ito'y sumigaw, 24 "Ano ang pakay mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang kami'y puksain? Kilala kita, ikaw ang Banal na mula sa Diyos."
25 Ngunit iniutos ni Jesus sa masamang espiritu, "Tumahimik ka! Lumabas ka sa kanya!"
26 Pinangisay ng masamang espiritu ang lalaki at sumisigaw itong lumabas sa kanya. 27 Ang lahat ay namangha kaya't sila'y nagtanungan sa isa't isa, "Paanong nangyari iyon? Ito ay isang kakaibang katuruan! Makapangyarihan niyang nauutusan ang masasamang espiritu, at sumusunod naman ang mga ito sa kanya."
28 Dahil dito, mabilis na kumalat sa buong Galilea ang balita tungkol kay Jesus.
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang sinasapian ng
masamang Espiritu:
Ang Lalaking Sinasaniban ng Masamang Espiritu
(Marcos 1:21-28)
(Marcos 1:21-28)
31 Mula roon, si Jesus ay nagpunta sa Capernaum sa Galilea at nagturo sa mga
tao nang Araw ng Pamamahinga. 32 Namangha sila sa kanyang pagtuturo sapagkat
may kapangyarihan ang kanyang pananalita. 33 May isang lalaki noon sa sinagoga
na sinasapian ng masamang espiritu. Sumigaw ito nang malakas, 34 "Ano ang
pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami?
Kilala kita. Ikaw ang Banal na mula sa Diyos."
35 Subalit inutusan siya ni Jesus, "Tumahimik ka, lumayas ka sa taong
iyan!" At nang mailugmok ang lalaki sa kanilang kalagitnaan, umalis ang
demonyo ng hindi siya sinasaktan.
36 Namangha ang lahat ng nakasaksi kaya't nasabi nila sa isa't isa, "Ano
ito? Lubhang makapangyarihan ang kanyang salita! Nauutusan niyang lumayas ang
masasamang espiritu, at sumusunod naman sila!" 37 At kumalat ang balita
tungkol kay Jesus sa buong lupaing iyon.
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para magamot ang lalaking
sinasaniban ng masamang Espiritu:
Maraming Pinagaling si Jesus
(Marcos 1:29-34)(Lucas 4:38-41)
14 Pumunta si Jesus sa bahay ni Pedro at nakita niya
roon ang biyenan nito na nakaratay at nilalagnat. 15
Hinawakan ni Jesus ang kamay ng babae at ito'y gumaling agad, bumangon at
nagsimulang maglingkod sa kanya. 16 Nang gabing iyon, dinala kay Jesus ang maraming sinasapian ng mga demonyo. Sa isang salita lamang ay pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat ng may karamdaman. 17 Sa gayon, natupad ang sinabi ni Propeta Isaias,
"Inalis niya ang ating mga kahinaan,
pinagaling ang ating mga karamdaman."
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para magamot ang biyenan ni Pedro.
Baracgamesa tismerasa canatumgatum
Ang Pagpapagaling sa
Maraming Tao
(Mateo 8:14-17)(Lucas 4:38-41)
29 Mula sa sinagoga, si Jesus, kasama sina Santiago
at Juan, ay nagtuloy agad sa bahay nina Simon at Andres. 30
Noon ay nakahigang nilalagnat ang biyenan ni Simon at ito'y agad nilang sinabi
kay Jesus. 31 Kaya't nilapitan ni Jesus ang babae,
hinawakan ito sa kamay at ibinangon. Noon di'y gumaling ito at naghanda ng
pagkain para sa kanila.
Pinagaling ni Jesus ang
Maraming Tao
(Mateo 8:14-17)(Marcos 1:29-34)
38 Si Jesus ay umalis sa sinagoga at nagpunta sa
bahay ni Simon. Nagkataong ang biyenan ni Simon ay may mataas na lagnat kaya't
nakiusap sila kay Jesus na ito'y pagalingin. 39
Tumayo si Jesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na mawala ang lagnat, at
ito'y nawala nga. Kaagad namang tumayo ang babae at naglingkod sa kanila. 40 Pagkalubog ng araw, dinala ng mga tao kay Jesus ang lahat ng maysakit, anuman ang karamdaman ng mga ito. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa bawat isa, at silang lahat ay gumaling. 41 Pinalayas din niya ang mga demonyo sa mga taong sinasapian ng mga ito. Lumabas silang sumisigaw, "Ikaw ang Anak ng Diyos!" Ngunit sinaway sila ni Jesus at hindi pinahintulutang magsalita sapagkat alam nila na siya ang Cristo.
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapalayas ang mga demonyo sa
mga taong sinasapian ng mga ito:
Ng makahuli ng napakaraming
isda
Lukas
5:3-9
3 Sumakay siya sa isa sa mga bangka at
hiniling kay Simon, na may-ari ng bangka, na ilayo ito nang kaunti. Naupo siya
sa bangka at nangaral sa mga tao. 4 Pagkatapos niyang mangaral, sinabi niya kay Simon, "Pumalaot kayo at ihulog ang mga lambat upang manghuli."
5 Sumagot si Simon, "Guro, magdamag po kaming nagpagod ngunit wala kaming nahuli! Ngunit dahil sa sinabi ninyo, ihuhulog ko ang mga lambat." 6 Ganoon nga ang ginawa nila, at nakahuli sila ng maraming isda, kaya't halos mapunit ang kanilang mga lambat. 7 Kinawayan nila ang kanilang mga kasamahang nasa kabilang bangka upang magpatulong. Lumapit naman ang mga ito at napuno nila ang dalawang bangka, anupa't halos lumubog ang mga ito. 8 Nang makita iyon ni Simon Pedro, siya'y lumuhod sa harap ni Jesus at sinabi, "Layuan po ninyo ako, Panginoon, sapagkat ako'y isang makasalanan."
9 Nanggilalas siya at ang kanyang mga kasama dahil sa dami ng kanilang huli,
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para makahuli ng napakaraming isda:
Pinagaling ni Jesus ang
Isang Ketongin
(Marcos 1: 40-45)(Lucas 5: 12-16)
1 Nang makababa si Jesus mula sa bundok, sinundan
siya ng napakaraming tao. 2 Lumapit sa kanya ang
isang taong may ketong, a lumuhod sa harapan
niya, at sinabi, "Panginoon, kung nais po ninyo, ako'y inyong mapapagaling
at magagawang malinis." 3 Hinawakan siya ni
Jesus at sinabi, "Oo, nais kong gumaling ka at maging malinis." At
gumaling at luminis nga agad ang ketongin. 4
Pagkatapos, sinabi sa kanya ni Jesus, "Huwag mong sasabihin ito kaninuman.
Sa halip, pumunta ka at magpasuri sa pari. Pagkatapos, mag-alay ka ng handog na
iniuutos ni Moises bilang patunay sa mga tao na ikaw nga'y magaling at malinis
na."
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang isang ketongin:
Ang Pagpapagaling sa
Katulong ng Kapitang Romano
(Lucas 7:1-10)
5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya
ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6
"Ginoo, ang katulong ko po ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay
at lubhang nahihirapan." 7 Sinabi ni Jesus,
"Pupuntahan ko siya at pagagalingin." 8
Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na
puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang
aking katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas
na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa,
'Pumunta ka roon!' siya'y pumupunta; at ang isa naman, 'Halika!' siya'y
lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ginagawa nga niya iyon."
10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya
sa mga taong sumusunod sa kanya, "Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng
ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11
Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog
sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit. 12 Ngunit ang mga taong dapat sana'y kasama sa kaharian ay
itatapon sa kadiliman; mananangis sila doon at magngangalit ang kanilang mga
ngipin." 13 At sinabi ni Jesus sa opisyal,
"Umuwi ka na; mangyayari ang hinihiling mo ayon sa iyong
pananampalataya." Sa oras ding iyon ay gumaling ang katulong ng kapitan.
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang katulong ng
Kapitang Romano:
Pinagaling ni Jesus ang
Isang Paralitiko
(Marcos 2: 1-12)(Lucas 5: 17-26)
1 Sumakay si Jesus sa bangka, tumawid sa kabilang
ibayo at tumuloy sa sarili niyang bayan. 2 Pagdating
doon, dinala sa kanya ng ilang tao ang isang paralitikong nakaratay sa higaan.
Nang makita ni Jesus ang kanilang pananampalataya, sinabi niya sa paralitiko,
"Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinapatawad ka na sa iyong mga
kasalanan." 3 May ilang tagapagturo ng Kautusan
na naroon at sinabi nila sa kanilang sarili, "Nilalapastangan niya ang
Diyos." 4 Alam ni Jesus ang kanilang iniisip
kaya't sinabi niya, "Bakit kayo nag-iisip nang ganyan? 5
Ano ba ang mas madali, ang sabihing, 'pinapatawad na ang iyong mga kasalanan,'
o ang sabihing, 'tumayo ka at lumakad?' 6 Ngunit
upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapangyarihang magpatawad ng mga
kasalanan dito sa lupa..." sinabi niya sa paralitiko, "Tumayo ka,
buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka na!" 7
Tumayo nga ang lalaki at umuwi. 8 Nang makita ito ng
mga tao, sila'y natakot at nagpuri sa Diyos na nagbigay ng ganitong kapangyarihan
sa mga tao.Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang isang paralitiko:
Pinagaling ang Lalaking
Paralisado ang Kamay
(Marcos 3:1-6)(Lucas 6:6-11)
9 Pagkaalis ni Jesus sa pook na iyon, pumasok siya sa
sinagoga. 10 May isang lalaki roon na paralisado ang
isang kamay. Naroon din ang ilang taong naghahanap ng pagkakataong maparatangan
si Jesus. Tinanong nila si Jesus, "Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling
ng maysakit kung Araw ng Pamamahinga?" 11 Sumagot siya, "Kung kayo'y may tupang mahulog sa balon sa Araw ng Pamamahinga, hindi ba ninyo ito iaahon? 12 Higit na mahalaga ang isang tao kaysa isang tupa! Kaya't naaayon sa Kautusan ang gumawa ng mabuti sa Araw ng Pamamahinga."
13 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa lalaki, "Iunat mo ang iyong kamay." Iniunat nga ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling gaya ng kabilang kamay. 14 Umalis naman ang mga Pariseong naroroon at nag-usap-usap kung paano nila maipapapatay si Jesus.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang lalaking paralisado ang kamay:
Muling Binuhay ang Anak ng Isang Biyuda
Luke 7:11-17
11 Pagkatapos nito, nagpunta naman si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang mga alagad at ang napakaraming tao. 12 Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang biyuda. Napakaraming nakikipaglibing. 13 Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya't sinabi niya rito, "Huwag ka nang umiyak." 14 Nilapitan niya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay at tumigil naman ang mga may pasan nito. Sinabi niya, "Binata, makinig ka sa akin, bumangon ka!"15 Naupo ang binata at nagsalita; at siya'y ibinigay ni Jesus sa kanyang ina.
16 Natakot ang lahat at sila'y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, "Dumating sa kalagitnaan natin ang isang dakilang propeta! Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan!"
17 At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa ginawa ni Jesus.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para muling mabuhay ang anak ng isang biyuda:
Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
Mateo 8:23-33
(Marcos 4:35-41)(Lucas 8:22-25)
23 Sumakay si Jesus sa bangka, kasama ng kanyang mga
alagad. 24 Habang sila'y naglalayag sa lawa, si Jesus
ay natutulog. Biglang bumugso ang isang malakas na unos at halos matabunan ng
mga alon ang bangka. 25 Dahil sa labis na takot, si
Jesus ay nilapitan at ginising ng mga alagad. "Panginoon, tulungan ninyo
kami! Lulubog tayo!" sabi nila. 26 Ngunit sinabi
niya sa kanila, "Bakit kayo natatakot? Napakaliit naman ng inyong pananampalataya!"
Bumangon siya, pinatigil ang hangin at ang mga alon, at bumuti ang panahon. 27 Namangha silang lahat at sinabi, "Ano kayang uri ng
tao ito? Maging ang hangin at ang lawa ay sumusunod sa kanya!" Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapatigil ang bagyo sa lawa:
Mga Gadarenong Pinalaya sa Pang-aalipin ng mga Demonyo
Mateo 8:28-33
(Marcos 5:1-20)(Lucas 8:26-39)
28 Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa
lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya
ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan.
Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon. 29 Biglang nagsisigaw ang dalawang lalaki, "Ano ang
pakialam mo sa amin, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang pahirapan kami kahit
hindi pa panahon?" 30 Sa di-kalayuan ay may
malaking kawan ng mga baboy na nagsisikain. 31
Nakiusap sa kanya ang mga demonyo, "Kung palalayasin mo kami, hayaan mong
pumasok kami sa mga baboy na iyon." 32 Sinabi ni
Jesus, "Sige, lumayas kayo." Lumabas nga sila sa dalawang lalaki at
pumasok sa mga baboy. Ang buong kawan ay biglang sumibad ng takbo papunta sa
bangin, nahulog sa lawa at nalunod. 33 Nagtakbuhan papuntang bayan ang mga tagapag-alaga ng mga baboy. Pagdating doon, ipinamalita nila ang buong pangyayari, pati ang naganap sa mga lalaking sinasapian ng demonyo.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapalaya ang mga gadareno sa pang-aalipin ng mga demonyo:
Pagbuhay na Muli sa Anak ng Pinuno at Pagpapagaling sa Isang Babae
Mateo 9:20-26
(Marcos 5:21-43)(Lucas 8:40-56)
18 Habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, may
dumating namang isang pinuno ng mga Judio. Lumuhod ito sa harap niya at
nakiusap, "Kamamatay po lamang ng aking anak na babae; sumama po kayo sa
akin at ipatong ninyo ang inyong kamay sa kanya, at siya'y mabubuhay." 19 Tumayo si Jesus at sumama sa kanya, gayundin ang kanyang
mga alagad. 20 Habang sila'y naglalakad, lumapit sa likuran ni Jesus ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hinawakan ang laylayan ng kanyang damit. 21 Sinasabi ng babae sa sarili, "Mahawakan ko lamang ang kanyang damit, gagaling na ako." 22 Lumingon si Jesus at pagkakita sa kanya'y sinabi, "Anak, lakasan mo ang iyong loob! Pinagaling ka ng iyong pananampalataya." Noon di'y gumaling ang babae.
23 Pagdating ni Jesus sa bahay ng pinuno, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta at ang mga taong nagkakaingay. 24 Sinabi niya, "Lumabas muna kayo. Hindi patay ang bata; natutulog lamang!" At siya'y kinutya nila. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok si Jesus sa kuwarto, hinawakan niya sa kamay ang bata at ito'y bumangon. 26 Ang pangyayaring ito ay ipinamalita ng mga tao sa buong lupaing iyon.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mabuhay na muli ang anak ng pinuno:
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang isang babae na labingdalwang taon ng dinudugo:
Ang Pagpapagaling sa Dalawang Bulag
Mateo 9:27-31
27 Pag-alis ni Jesus doon, sinundan siya ng dalawang lalaking bulag. Sumisigaw sila habang nasa daan, "Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!"28 Nang si Jesus ay nasa loob na ng bahay, lumapit sa kanya ang mga bulag. Tinanong sila ni Jesus, "Naniniwala ba kayo na mapapagaling ko kayo?" "Opo, Panginoon!" sagot nila. 29 Hinipo niya ang kanilang mga mata at sinabi, "Mangyari ito sa inyo ayon sa inyong pananampalataya." 30 At nakakita nga sila. Mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na huwag sasabihin iyon kaninuman. 31 Ngunit nang sila'y makaalis, ipinamalita nila sa buong lupaing iyon ang ginawa sa kanila ni Jesus.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang dalawang bulag:
Pinagaling ang Piping Sinasaniban ng Demonyo
Mateo 9:32-33
32 Nang paalis na sila, dinala kay Jesus ang isang piping sinasapian ng demonyo. 33 Pinalayas ni Jesus ang demonyo at nakapagsalita agad ang pipi. Namangha ang mga tao at nasabi nila, "Kailanman ay wala pang nakitang katulad nito sa Israel!"Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang piping sinasaniban ng demonyo:
Juan 5: 1-15
Ang Pagpapagaling sa Bethzata
1 Pagkaraan nito'y pumunta si Jesus sa Jerusalem upang dumalo sa isang pista ng mga Judio. 2 Sa lunsod na ito na malapit sa Pintuan ng mga Tupa ay may malaking deposito ng tubig na may limang portiko. Kung tawagin ito sa wikang Hebreo ay Bethzata. a 3-4 Nasa paligid nito ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko.5 May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit. 6 Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya't tinanong niya ito, Gusto mo bang gumaling?
7 Sumagot ang maysakit, Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.
8 Sinabi sa kanya ni Jesus, Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka. 9 Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad.
Noo'y Araw ng Pamamahinga 10 kaya't sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa lalaking pinagaling, Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan.
11 Ngunit sumagot siya, Ang nagpagaling po sa akin ang nagsabing buhatin ko ang aking higaan at lumakad ako.
12 At siya'y tinanong nila, Sino ang nagsabi sa iyong buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka? 13 Ngunit hindi alam ng lalaki kung sino ang nagpagaling sa kanya, sapagkat nawala na si Jesus sa karamihan ng tao.
14 Pagkatapos nito, nakita ni Jesus sa loob ng Templo ang lalaki at sinabihan itong, Magaling ka na ngayon! Huwag ka nang gumawa ng kasalanan at baka masahol pa riyan ang mangyari sa iyo.
15 Umalis ang lalaki at sinabi sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kanya.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para magamot ang isang lalaki na tatlumpu’t walong taon nang may sakit:
Ang Mahimalang Pagpapakain
sa Limanlibo
(Marcos 6:30-44) (Lucas 9:10-17)(Juan 6:1-14)
14
Pagdating ni Jesus sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming taong iyon.
Nahabag siya sa kanila kaya't pinagaling niya ang mga maysakit na dala nila.
15 Nang dapit-hapon na'y lumapit sa kanya ang mga alagad. Sinabi nila,
"Malapit na pong lumubog ang araw at ilang ang lugar na ito. Papuntahin na
po ninyo sa mga kalapit na nayon ang mga tao upang makabili ng kanilang
makakain."
16 "Hindi na sila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila,"
sabi ni Jesus.
17 Sumagot sila, "Wala po tayong pagkain kundi limang tinapay lamang at
dalawang isda."
18 "Dalhin ninyo rito," sabi niya. 19 Pinaupo niya sa damuhan ang mga
tao. Kinuha ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at
nagpasalamat sa Diyos. Pinaghati-hati niya ang mga tinapay at iniutos sa mga
alagad na ipamahagi iyon sa mga tao. 20 Nakakain at nabusog ang lahat. Nang
ipunin ng mga alagad ang natirang pagkain, nakapuno pa sila ng labindalawang
kaing ng tinapay. 21 May limanlibong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae
at mga bata.
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapakain ang limang libong mga
tao:
Lumakad si Jesus sa Ibabaw
ng Tubig
(Marcos 6:45-52)(Juan 6:15-21)
Mateo 14:22-33
22 Agad pinasakay ni Jesus sa bangka ang mga alagad at pinauna sa kabilang ibayo. Samantala, pinauwi naman niya ang mga tao. 23 Matapos niyang paalisin ang mga ito, mag-isa siyang umakyat sa bundok upang manalangin. Nag-iisa siyang inabutan doon ng gabi. 24 Samantala, ang bangka ay nasa laot na ngunit sinasalpok ito ng mga alon dahil pasalungat ito sa hangin. 25 Nang madaling-araw na'y sumunod sa kanila si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig. 26 Kinilabutan sa takot ang mga alagad nang makita nilang may lumalakad sa ibabaw ng tubig. "Multo!" sigaw nila. 27 Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, "Huwag kayong matakot, ako ito!"28 Sinabi ni Pedro, "Panginoon, kung talagang ikaw nga iyan, hayaan mong ako'y pumunta sa iyong kinaroroonan diyan sa ibabaw ng tubig."
29 Sumagot siya, "Halika."
Mula sa bangka ay lumakad si Pedro sa ibabaw ng tubig papunta kay Jesus. 30 Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, b siya'y natakot at nagsimulang lumubog. "Panginoon, sagipin ninyo ako!" sigaw niya.
31 Agad siyang inabot ni Jesus. "Bakit ka nag-alinlangan? Napakaliit ng iyong pananampalataya!" sabi niya kay Pedro.
32 Pagkasakay nila sa bangka, tumigil ang hangin 33 at sinamba siya ng mga nasa bangka. "Tunay nga pong kayo ang Anak ng Diyos!" sabi nila.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para makalakad siya sa ibabaw ng tubig:
Ang Pananalig ng Isang Cananea
Mateo 15:21-28
(Marcos 7:24-30)
21 Umalis doon si Jesus at nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. 22 Isang Cananea na nakatira doon ang lumapit sa kanya na sumisigaw, "Panginoon, Anak ni David, maawa po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay sinasapian ng demonyo at labis na pinapahirapan nito."23 Ngunit hindi sumagot si Jesus. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi kay Jesus, "Paalisin na nga po ninyo siya. Napakaingay niya at sunod nang sunod sa atin." 24 Sumagot si Jesus, "Sa mga naliligaw na tupa ng sambahayan ng Israel lamang ako isinugo." 25 Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod ito at nagmakaawa, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon."
26 Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga bata at ibigay sa mga aso."
27 "Totoo nga, Panginoon. Ngunit ang mga aso man po ay kumakain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon," tugon ng babae. 28 At sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananampalataya! Mangyayari ang hinihiling mo." At noon di'y gumaling ang kanyang anak.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang isang babaeng sinasapian ng demonyo:
Ang Pagpapagaling sa Taong Bingi at Pipi
Marcos 7:31-37
31 Pagbalik ni Jesus mula sa lupain ng Tiro, dumaan siya sa Sidon at nagtuloy
sa Lawa ng Galilea, matapos tahakin ang lupain ng Decapolis. 32 Dinala ng mga
tao sa kanya ang isang lalaking bingi at pipi, at nakiusap sila sa kanya na
ipatong niya rito ang kanyang kamay. 33 Inilayo muna ni Jesus sa karamihan ang
lalaki, at isinuot ang kanyang mga daliri sa mga tainga nito. Pagkatapos,
lumura si Jesus at ipinahid ito sa dila ng pipi. 34 Tumingala si Jesus sa
langit at nagbuntong-hininga. Pagkatapos, inutos niya sa tainga ng lalaki,
"Effata," na ang ibig sabihi'y, "Bumukas ka!"
35 Noon di'y nakarinig ang lalaki at nakapagsalita na nang maayos. 36 Sinabi ni
Jesus sa mga tao na huwag ipamalita ito, ngunit habang pinagbabawalan niya ang
mga tao ay lalo naman nila itong ipinamamalita. 37 Buong paghangang sinasabi
nila, "Ang lahat ng kanyang ginagawa ay napakabuti! Pinapagaling pa niya
ang mga bingi at pipi!"
Orasyon
na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang taong bingi at
pipi:
Maraming Pinagaling si Jesus
Mateo 15:29-39
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapagaling ang mga lumpo at mapalakad ang mga pilay:
Ang Pagpapakain sa Apat na
Libo
(Marcos 8:1-10)
32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi
sa kanila, "Nahahabag ako sa mga taong ito. Tatlong araw na ngayong kasama
natin sila at wala na silang pagkain. Ayokong paalisin sila nang gutom, baka
sila mahilo sa daan." 33 Sinabi naman ng mga alagad, "Saan po tayo kukuha ng sapat na pagkain para sa ganito karaming tao sa ilang na ito?"
34 "Ilan pang tinapay ang nariyan?" tanong ni Jesus sa kanila.
"Pito po, at mayroon pang ilang maliliit na isda," sagot nila.
35 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao. 36 Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpasalamat siya sa Diyos. Pagkatapos, pinaghati-hati niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. 37 Nakakain at nabusog ang lahat, at nang ipunin ng mga alagad ang tinapay na lumabis, nakapuno pa sila ng pitong kaing. 38 May apat na libong lalaki ang nakakain, bukod pa sa mga babae at mga bata.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para mapakain ang apat na libong tao:
Pinagaling ang Isang Lalaking Bulag
Marcos 8:22-26
22 Pagdating nila sa Bethsaida, dinala ng ilang tao kay Jesus ang isang bulag
at pinakiusapan nilang hipuin niya ang taong ito. 23 Inakay niya ang bulag at
dinala ito sa labas ng bayan. Matapos duraan at takpan ang mga mata nito ng
kanyang kamay, tinanong ni Jesus, "May nakikita ka ba?"
24 Tumingin ang lalaki at sumagot, "Nakakakita po ako ng mga tao na parang
punongkahoy na naglalakad."
25 Muling inilagay ni Jesus ang kanyang mga kamay sa mga mata ng bulag. Sa
pagkakataong ito, tuminging mabuti ang bulag. Nanumbalik ang kanyang paningin
at nakakita na siya nang malinaw. 26 Sinabi sa kanya ni Jesus, "Maaari ka
nang umuwi. Huwag ka nang bumalik sa bayan."
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo
Jesus para makakita ang isang lalaking bulag:
Juan 9: 1-41
Pinagaling ni Jesus ang Isang Bulag
1 Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking ipinanganak na bulag. 2 Tinanong siya ng kanyang mga alagad, Guro, sino po ang nagkasala at ipinanganak na bulag ang lalaking ito, siya ba o ang kanyang mga magulang?3 Sumagot si Jesus, Ipinanganak siyang bulag, hindi dahil sa nagkasala siya, o ang kanyang mga magulang, kundi upang mahayag ang kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan niya. 4 Kailangang gawin natin a ang mga ipinapagawa ng nagsugo sa akin b habang umaga pa; malapit na ang gabi, at wala nang makakagawa pagsapit niyon. 5 Habang ako'y nasa sanlibutan, ako ang ilaw ng sanlibutan.
6 Pagkasabi nito, dumura si Jesus sa lupa at gumawa ng putik. Pagkatapos, ipinahid niya ito sa mata ng bulag. 7 Sinabi ni Jesus sa bulag, Pumunta ka sa deposito ng tubig sa Siloe at maghilamos ka roon. Ang kahulugan ng salitang Siloe ay Sinugo. Ganoon nga ang ginawa ng bulag, at nang magbalik siya ay nakakakita na.
8 Nagsalita ang mga kapitbahay niya at ang mga nakakita sa kanya noong siya'y namamalimos pa, Hindi ba iyan ang pulubing bulag?
9 Sumagot ang ilan, Iyan nga! Sabi naman ng iba, Hindi! Kamukha lang. Kaya't nagsalita ang dating bulag, Ako nga po iyon.
10 Paano kang nakakita? tanong nila.
11 Sumagot siya, Ang lalaking tinatawag na Jesus ay gumawa ng putik at ipinahid iyon sa aking mata. Pagkatapos, sinabi niya sa akin, Pumunta ka sa Siloe at maghilamos. Pumunta nga ako doon at naghilamos, at nakakita na ako!
12 Nasaan siya? tanong nila sa kanya. Hindi ko alam, sagot niya.
Orasyon na ginamit ng ating Panginoong Cristo Jesus para makakita ang isang lalaking bulag:
Nagsiyasat ang mga Pariseo Tungkol sa Pagpapagaling
13 Dinala ng mga tao sa mga Pariseo ang dating bulag, 14 dahil Araw ng Pamamahinga nang gumawa si Jesus ng putik at nang pinagaling niya ang bulag. 15 Tinanong din siya ng mga Pariseo kung paano siya nakakita. Kaya't sinabi niya sa kanila, Pinahiran niya ng putik ang aking mga mata, ako'y pinaghilamos at ngayo'y nakakakita na ako.16 Ang sabi ng ilang Pariseo, Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga. Ngunit sinabi naman ng iba, Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan? At hindi sila magkaisa.
17 Kaya't tinanong nilang muli ang dating bulag, At ikaw, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling niya ang iyong mga mata?
Isa siyang propeta! sagot niya.
18 Ayaw maniwala ng mga Judio na siya'y talagang dating bulag kaya't ipinatawag nila ang kanyang mga magulang. 19 Anak nga ba ninyo ito? Talaga bang siya'y ipinanganak na bulag? Bakit nakakakita na siya ngayon? tanong nila.
20 Sumagot ang kanyang mga magulang, Anak nga namin siya at siya'y ipinanganak ngang bulag. 21 Ngunit hindi po namin alam kung bakit nakakakita na siya ngayon, o kung sino ang nagpagaling sa kanya. Siya na po ang tanungin ninyo. May sapat na gulang siya at makakapagsalita na para sa kanyang sarili!
22 Ganoon ang sabi ng kanyang mga magulang dahil takot sila sa mga Judio. Alam nilang pinagkaisahan ng mga Judio na itiwalag sa sinagoga ang sinumang magpahayag na si Jesus ang Cristo. 23 Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng kanyang mga magulang, Siya'y nasa tamang gulang na, siya ang tanungin ninyo.
24 Muli nilang ipinatawag ang dating bulag at sinabi sa kanya, Sa pangalan ng Diyos, magsabi ka ng totoo. Alam naming ang taong iyon ay makasalanan.
25 Sumagot siya, Hindi ko po alam kung siya'y masamang tao, o hindi. Isang bagay po ang alam ko; ako'y dating bulag, subalit ngayo'y nakakakita na.
26 Ano ang ginawa niya sa iyo? Paano niyang pinagaling ang iyong mga mata? tanong nila.
27 Sumagot siya, Sinabi ko na po sa inyo, at ayaw naman ninyo akong paniwalaan. Bakit gusto ninyong marinig muli? Nais ba ninyong maging alagad din niya? 28 At siya'y kanilang minura, Ikaw ay alagad niya! Ngunit kami'y mga alagad ni Moises.
29 Nalalaman naming nagsalita ang Diyos kay Moises ngunit ang taong iyon, ni hindi namin alam kung saan siya nanggaling!
30 Sumagot ang lalaki, Iyan nga po ang nakapagtataka! Hindi ninyo alam kung saan siya nanggaling, gayunpaman, pinagaling niya ang aking mga mata. 31 Alam nating hindi pinapakinggan ng Diyos ang mga makasalanan, ngunit pinapakinggan niya ang mga tunay na sumasamba sa kanya at sumusunod sa kanyang kalooban. 32 Noon pa man ay walang nakapagpapagaling ng mata ng taong ipinanganak na bulag. 33 Wala pong magagawa ang taong iyon kung siya'y hindi mula sa Diyos!
34 Sumagot sila, Ipinanganak kang makasalanan at ngayo'y nais mo pa kaming turuan! At siya'y kanilang itiniwalag.
Mga Bulag sa Espiritu
35 Nabalitaan ni Jesus na ang lalaking pinagaling niya ay itiniwalag ng mga Pariseo. Kaya't nang matagpuan niya ito ay kanyang tinanong, Sumasampalataya ka ba sa Anak ng Tao?36 Sumagot ang lalaki, Sino po ba siya, Ginoo? Sabihin ninyo sa akin upang ako'y manalig sa kanya.
37 Siya'y nakita mo na. Siya ang kausap mo ngayon, wika ni Jesus.
38 Sumasampalataya po ako, Panginoon! sabi ng lalaki. At sinamba niya si Jesus. 39 Sinabi pa ni Jesus, Naparito ako sa mundong ito upang humatol, at nang sa gayo'y makakita ang mga bulag at mabulag naman ang mga nakakakita.
40 Narinig ito ng ilang Pariseong naroon at siya'y kanilang tinanong, Ibig mo bang sabihi'y mga bulag kami?
41 Sumagot si Jesus, Kung kayo nga'y bulag, wala sana kayong kasalanan. Ngunit dahil sinasabi ninyong nakakakita kayo, ang kasalanan ay nananatili sa inyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento