Linggo, Nobyembre 16, 2014

Kailangan mong mahipo ang pinakaloob at pinaka- diwa ng iyong pagkatao. Sa pamamagitan ng Divino. Ito ang tunay mong kakanyahan lagpas sa tunay mong sarili. Ito ay walang takot, ito ay malaya, ito ay hindi tinatablan ng mga kapintasan, at hindi ito natatakot sa anumang hamon.



Kailangan mong mahipo ang pinakaloob at pinaka- diwa ng iyong pagkatao. Sa pamamagitan ng Divino. Ito ang tunay mong kakanyahan lagpas sa tunay mong sarili. Ito ay walang takot, ito ay malaya, ito ay hindi tinatablan ng mga kapintasan, at hindi ito natatakot sa anumang hamon.
Ito ay hindi pumapailalim kaninuman, hindi ito mataas kaninuman, at puno nito ng magika, misteryo, at pang-akit. Pumasok sa iyong tunay na diwa upang magkaroon ng pananaw sa salamin ng iyung relasyon, dahil lahat ng relasyon ay isang salamin ng iyong relasyon sa iyong sarili. Halimbawa, kung mayroon kang
pagkakasala, takot, at kawalan ng kapanatagan sa pera, o kawalan ng kapanatagan sa tagumpay, at sa iba pang- bagay, ito ang magiging paglalarawan ng iyong sarili ang pagkakasala, takot, at kawalan ng kapanatagan sa pera at kawalan ng kapanatagan sa tagumpay  ang magiging pangunahing mga aspeto ng iyong pagkatao.
Walang makakatumbas na pera o tagumpay ang makalulutas ng mga pangunahing problema sa buhay; ang pagiging malapit lamang sa Divino at sa Sarili ang magdadala sa iyo sa tunay na lunas at pagpapagaling. At kapag ikaw ay nakasalig sa kaalaman ng iyong tunay na sarili. Kapag talagang naunawaan mo ang iyong tunay na sarili at tunay na kalikasan nito. hindi mo mararamdaman na ikaw ay makasalanan, matatakutin, o walang kapanatagan tungkol sa pera, o walang kapanatagan tungkol sa kasaganaan, o na walang katuparan ang iyong mga kagustuhan, dahil mapapagtanto mo  na ang kakanyahan ng lahat ng kayamanang material ay ang enerhiya ng buhay, ito ang purong posibilidad. Ang purong posibilidad ay ang iyong tunay na kalikasan.

Habang naaabot mo ang tamang daanan ng iyong tunay na kalikasan, kusa mong matatanggap ang malikhain mong kaisipan at mga saloobin, dahil ang batawan ng purong posibilidad ay batawan din ng walang hangganang pagkamalikhain at
purong kaalaman.
Ang kasaganaan ng sandaigdigan ng uniberso ay labis-labis  na bukas ang palad at ang kasaganaan ng uniberso ay isang pagpapahayag ng mga malikhaing  kaisipan ng kalikasan. Kapag ikaw ay mas naka- tono sa kaisipan ng kalikasan, mas mayroon kang daanan sa walang katapusan, walang hanggan pagkamalikhain. Ngunit una, dapat kang makalagpas sa pagkakagulo ng iyong panloob na dyalogo upang kumonekta sa masagana, mayaman, walang katapusang malikhaing kaisipan.

Ecclesiastico 5: 1-15

Ang Labis na Pagtitiwala sa Sarili
1 Huwag kang manalig sa iyong kayamanan
at huwag mong sabihing, "Wala na akong kailangan."

2 Huwag kang padadala sa labis na hangarin,
na makamtan lamang ang gusto'y gagawin ang lahat.

3 Huwag mong sabihing wala kang kinikilalang kapangyarihan,
sapagkat darating ang panahong paparusahan ka ng Panginoon.

4 Huwag mo ring sabihin,
"Wala namang nangyari sa akin, matapos akong magkasala!"
Dahil ang Panginoon ay hindi madaling magalit.

5 Huwag kang masanay sa paggawa ng kasalanan
dahil sa pag-asang lagi ka niyang patatawarin.

6 Huwag mong sabihin, "Walang katapusan ang kanyang habag.
Patatawarin niya ako, gaano man karami ang aking kasalanan."
Sapagkat kung siya'y marunong maawa, marunong din siyang magalit,
at ang kanyang galit ay nakatuon sa mga makasalanan.

7 Magbalik-loob ka na agad sa Panginoon;
huwag mong ipagpabukas ang pakikipagkasundo sa kanya,
sapagkat biglang darating ang araw ng paghihiganti,
at mamamatay ka sa kanyang pagpaparusa.

8 Huwag kang manalig sa kinamkam mong kayamanan,
sapagkat hindi mo ito papakinabangan sa araw ng kapighatian.

Katapatan at Pagpipigil sa Sarili
9 Huwag mong basta-bastang pagbigyan ang lahat,
at huwag kang sumang-ayon sa bawat sabihin ninuman.
Ganyan ang gawa ng mga taong sinungaling.

10 Magpakatatag ka sa iyong mga patakaran,
at panindigan mo ang iyong sinabi.

11 Lagi kang manabik sa pakikinig,
at maging maingat ka sa pagsagot.

12 Kung nauunawaan mo ang pinag-uusapan, sumagot ka;
ngunit kung hindi, itikom mo ang iyong bibig.

13 Ang pananalita'y maaaring ikarangal o ikapahiya;
ang dila ng isang tao'y maaaring ikapahamak niya.

14 Huwag kang pabalitang isang tsismoso,
at huwag kang magkakalat ng balitang makakapinsala sa sinuman.
Kung paanong ang mga magnanakaw ay mapapahiya,
ang sinungaling naman ay kamumuhian.

15 Pag-ingatan mong huwag magkulang sa malaki o maliit mang bagay,
at huwag kang maging kaaway sa halip ay manatiling isang kaibigan.

Ang Pakikipagkaibigan
5 Ang magiliw na tinig ay nakakaakit ng maraming kaibigan,
at ang matamis na pananalita'y susuklian ng magandang sagot.

6 Makipagbatian ka sa maraming tao,
ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.

7 Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya,
at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.

8 Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala
na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.

9 May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo,
at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo,
palalabasin ka pa niyang kahiya-hiya.

10 Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain,
ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.

11 Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino,
uutusan niya pati ang mga katulong mo;

12 ngunit sa kasawia'y pababayaan ka niya,
pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.

13 Lumayo ka sa kaaway,
at mag-ingat ka sa kaibigan.

14 Ang matapat na kaibiga'y parang matibay na kanlungan,
kapag nakatagpo ka ng tulad niya'y para kang nakahukay ng kayamanan.

15 Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan;
hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi.

16 Ang matapat na kaibiga'y parang gamot na nagbibigay-buhay,
at siya'y matatagpuan lamang ng mga may paggalang sa Panginoon.

17 Ang may paggalang sa Panginoo'y makakatagpo ng tapat na kaibigan,
at ang mga kaibigan niya'y tulad niyang may paggalang sa Panginoon.

Matuto ka sa Karunungan
18 Anak, mula pa sa iyong kabataan pahalagahan mo na ang Karunungan,
at kapag tumanda ka'y patuloy mo siyang makakamtan.

19 Linangin mo ang Karunungan
gaya ng ginagawa ng magsasaka sa kanyang bukirin,
at mag-aani ka nang masagana;
magpagod kang sumandali sa pag-aalaga sa kanya,
at lalasap ka ng masarap niyang bunga.

20 Mahirap siyang kamtan ng ayaw mag-aral,
hindi magtitiyaga sa kanya ang may mahinang kalooban.

21 Para sa mangmang, ang Karunungan ay batong mabigat
na di magtatagal at kanyang ibabagsak.

22 Ang Karunungan a ay talagang mahirap kamtan,
iilan lamang ang tunay na nakakakilala sa kanya.

23 Makinig ka, anak ko't narito ang aking tagubilin,
huwag mong tanggihan itong aking payo.

24 Bayaan mong gapusin ng Karunungan ang iyong mga paa,
at isuot sa iyong leeg ang pamatok niya.

25 Yumuko ka at nang makasakay siya sa iyong balikat,
at huwag kang maghimagsik sa kanyang kapangyarihan.

26 Buong puso mo siyang suyuin,
at sundin nang buo mong lakas ang kanyang mga tuntunin.

27 Hanapin mo siya at siya'y iyong matatagpuan,
at minsang mahawakan ay huwag mo nang pakakawalan.

28 Sa wakas, malalasap mo ang ginhawang dulot niya,
at siya ay magiging kaligayahan mo.

29 Ang mga tanikala niya'y magiging sandata mo,
at ang kanyang pamatok ay maharlikang kasuotan.

30 Ang pamatok niya'y magiging isang gintong hiyas,
at ang tali niya'y pamigkis na bughaw.

31 Isusuot mo siyang parang damit na marilag,
at ipuputong siya sa iyo bilang korona ng kagalakan.

32 Kung nais mo'y magiging marunong ka;
magsikap ka lamang, ikaw ay magiging matalino.

33 Kung mawilihin kang makinig, ikaw ay matututo;
at kung pahahalagahan mo ang iyong narinig, ikaw ay dudunong.

34 Kapag dumalo ka sa kapulungan ng matatanda,
piliin mo kung sino sa kanila ang marunong at sa kanya ka pumanig.

35 Maging masigasig ka sa pakikinig ng aral ng mga makadiyos,
at huwag mong kaliligtaan ang mga makahulugang talinhaga.

36 Kapag nakatagpo ka ng isang matalino,
agapan mo ang pagdalaw sa kanya;
at puntahan mo siya nang malimit hanggang sa ikaw na lamang ang makapudpod sa pasukan ng kanyang bahay.

37 Sundin mo ang mga batas ng Panginoon,
lagi mong pag-aralan ang kanyang Kautusan,
at palilinawin niya ang iyong pag-iisip,
at kakamtan mo ang karunungang iyong minimithi.

Ecclesiastico 12: 1-18

Mga Tuntunin sa Paggawa ng Mabuti
1 Kung gagawa ka ng mabuti, tiyakin mo kung kanino mo gagawin iyon,
upang pasalamatan ka sa iyong pagmamagandang-loob. a

2 Kapag gumawa ka ng mabuti sa taong maka-Diyos,
tiyak na tatanggap ka ng gantimpala;
kung hindi mula sa kanya, ay mula sa Kataas-taasan.

3 Walang matatamong kabutihan ang gumagawa ng masama,
o ang hindi tumutulong sa mga dukha.

4 Tulungan mo ang mga taong may takot sa Diyos,
huwag ang mga makasalanan.

5 Gawan mo ng mabuti ang mababang-loob;
huwag mong bigyan ng anuman ang palalo.
Huwag mo siyang bibigyan ng pagkain;
gagamitin lamang niya ang kabaitan mo laban sa iyo.
Patung-patong na kapinsalaan ang sasapitin mo,
bilang ganti sa kabutihang ginawa mo sa kanya.

6 Pati ang Kataas-taasang Diyos ay napopoot sa makasalanan,
at paparusahan niya sila sa takdang panahon.

7 Ang bigyan mo ay ang mabubuting tao,
at huwag mong tulungan ang mga makasalanan.

Tunay at Di Tunay na Kaibigan
8 Sa panahon ng kasaganaan, hindi mo makikilala ang tunay na kaibigan,
at sa panahon naman ng kasawian, hindi maikakaila ang kaaway.

9 Kapag ikaw ay masagana, pati ang kaaway ay nagmamagandang- loob, b
ngunit pagsapit ng dagok ng kapalaran, mawawala ang mga kaibigan.

10 Huwag kang magtitiwala kailanman sa kaaway;
kung paanong ang kalawang ay sumisira sa bakal,
ang galit niya sa iyo'y pilit na iiral.

11 Kahit na siya'y lumapit sa iyong maamo at mapayapa,
mag-ingat ka, at manatili kang handa.
Ang katulad niya'y salaming metal,
sinisira ng kalawang kapag hindi kinuskos.

12 Huwag mo siyang patatayuin sa tabi mo,
baka patalsikin ka niya at kunin ang iyong puwesto.
Huwag mo rin siyang pauupuin sa iyong kanan,
baka agawin pa niya sa iyo ang iyong luklukan.
At saka mo lamang mauunawaan ang payo ko,
at magsisisi ka kapag naalala mo iyon.

13 Sinong maaawa sa tawak kapag siya'y natuklaw ng ahas,
o sa taong nag-aalaga ng mabangis na hayop, kung siya'y silain nito?

14 Wala ring maaawa sa taong nakikisalamuha sa masasama,
kung dahil sa mga ito'y masangkot siya sa kasalanan ng iba.

15 Habang ikaw ay matatag, ang kaaway ay hindi hahakbang laban sa iyo,
ngunit kapag ikaw ay bumagsak, hindi niya palalampasin ang pagkakataon.

16 Magagandang salita ang namumutawi sa labi ng kaaway,
ngunit ang iniisip niya'y ang iyong kapahamakan.
Maaaring iyakan ka pa niya kunwari,
subalit kapag nagkaroon siya ng pagkakataon,
hindi niya panghihinayangan ang iyong buhay.

17 Kapag dinatnan ka ng sakuna,
lalapitan ka niya kunwari upang tulungan ka,
ngunit ang totoo, upang ikaw ay lalong ilubog.

18 Pagkatapos, buong kasiyahang ipamamalita niya ang nangyari sa iyo,
at sa gayo'y mapagkikilala ang tunay niyang kulay.

At pagkatapos ay lumikha ka ng posibilidad ng dynamikang aktibidad habang sa parehong oras dinadala ang walang hanggang katahimikan, kawalang hangganan, at malikhaing kaisipan. Ito ang katangi-tanging kumbinasyon ng katahimikan, kawalang hangganan, walang katapusan, kasama ang dynamikang kaisipan, ang indibidwal na kaisipan ay ang perpektong balanse ng katahimikan at paggalaw nang magkakasabay na maaaring lumikha ng kahit anong bagay na gusto mo. Ito ang magkakasamang buhay ng kabaligtaran, ng katahimikan at dinamika sa parehong oras. Na gagawa sa iyo upang maging independiyenteng sa mga sitwasyon, sa mga pangyayari, sa mga tao, at sa mga bagay.
Kapag tahimik na Kinikilala mo ang katangi-tanging magkakasamang buhay ng mga kasalungatan, ma-ihahanay mo ang iyong sarili sa mundo ng enerhiya. Ang kuwantum ng mga di-materyal na bagay mga bagay na hindi nakikita ang pinagmulan ng materyal na mundo. Ang mundo ng enerhiya ay tuluy-tuloy, dinamika, nababanat, nagbabago, at magpakailanman sa pag-galaw.
At  ito ay hindi nag-babago, tahimik, walang hanggan, at payapa.
Ang Katahimikan ay posibilidad para sa pagkamalikhain, ang pag-kilos ay pagkamalikhaing hinihigpitan
ng ilang aspeto ng mga pagpapahiwatig. Ngunit ang kumbinasyon ng mga pagkilos at katahimikan ay nagbibigay-daan sa iyo upang mapalabas ang iyong pagkamalikhain sa lahat ng mga direksyon. Saanman dalhin ng iyong kapangyarihan ang iyong atensyon ang magdadala sa iyo.
Saan ka man pumunta sa gitna ng pagkilos at aktibidad, dalhin mo ang iyong katahimikan sa loob ng iyong pagkatao. Pagkatapos ang magugulong mga kilusan na nasa paligid mo ay hindi kailanman  magiging higit na mahalaga sa iyong daanan sa sisidlan ng iyong pagkamalikhain, ang bukirin ng dalisay na posibilidad.
Dahil ang kaisipan ay nakakaimpluwensya sa bawat selula ng katawan, ang pagtanda ay sunud-sunuran at nababago, maaari itong mapabilis, pabagalin, itigil oras, at kahit baligtarin ang pag-galaw. Daan-daang mga natuklasang pananaliksik mula sa huling tatlong dekada ay napatunayan
na ang pagtanda ay mas nakasalalay sa indibidwal kaysa kailanman pinangarap ng sa nakaraan. Ang tunay na kapangyarihan ng katawan ay nasa paniniwala ng kaisipan.
Ang pisikal na mundo, kabilang ang ating katawan, ay tugon sa tagamasid. Nalilikha natin ang ating katawan habang nililikha natin ang ating karanasan sa mundo.
Sa kaniyang mahalagang estado, ang ating mga katawan ay binubuo ng enerhiya at impormasyon, hindi ng matigas na bagay. Ang enerhiya at impormasyon ito ay isang pag-ani ng mga walang katapusang  patlang ng enerhiya at impormasyon na sumasaklaw sa uniberso.
DALAWANG KARUNUNGAN NG DIYOS

ANG SANDAIGDIGANG TIRAHAN NG MGA NILALANG NG DIYOS AY MAYROONG LIBO-LIBONG URI NG PANINIWALANG HALOS HINDI KAYANG IPALIWANAG ANG MGA DAHILAN KUNG BAKIT ANG MGA TAO'Y NAGKAHIWA-HIWALAY AT HINDI NAGKASUNDO SA WALANG IBA AT NAG-IISANG DIYOS.
 SANG-AYON SA MGA HULING SURVEY, ANG BUONG MUNDO NGAYON AY MAYROON NANG HUMIGIT KUMULANG 12 BILYONES POPULASYON NG TAO; SA DAMI NITO, HINATI-HATI ITO NG MARAMING IDOLOHIYA AT LIMANG RELIHIYON TULAD NG:
 1. KRISTIYANO2. BUDHISMO3. SINTOISMO4. HINDUISMO5. MUHAMEDANISMO
 SA LIMANG ITO NAGSIMULA ANG LIBO-LIBONG URI NG PANANAMPALATAYA AT NAG-AANGKIN NG KALIGTASAN AT DITO RIN NAGSIMULA ANG DEBATIHAN NA KADALASAN AY NAUUWI SA AWAY.
 ANG RELIHIYON AY SIYANG NAMAMAGITAN NG DIYOS AT NG TAO, KUNG WALA ANG RELIHIYON ANG TAO AY HINDI MAKAKAKILALA SA DIYOS. DAHIL DITO NAGMUMULA ANG DOKTRINA NA SIYANG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG SIYA AY KILALANIN NG MGA TAO SA LUPA.
 ANG PILIPINAS AY ISA SA KILALANG BANSANG KRISTIYANO SUBALIT ANG MGA PILIPINO AY HINDI MAGKAISA SA KANILANG PANANAMPALATAYA, BAGAMAT NAGKAISA ANG PANANAW NA TIYAK NA MAYROONG DIYOS. HINDI SILA PAREHA NG SEKTA SA BIBLIYANG SINASANG-AYUNAN NA KUNG SAAN ANG PINAGMULAN NG MGA KANI-KANILANG PANINIWALA NG DIYOS. 
NAKAKALITO KUNG BAKIT NAGKAGANITO ITO. KUNG TINGNAN MO SA LANSANGAN, SA PLASA NG MGA BAYAN, PAKINGGAN MO SA RADYO, TINGNAN MO SA TELEBISYON AT SA MGA NAGKAIBA-IBANG URI NG MGA BABASAHIN GAYA NG MGA DIYARYO, MAKIKITA MONG KANYA-KANYA SILA NG STYLE AT IBA-IBANG PALIWANAG TUNGKOL SA PANGINOON.
 MALIBAN DITO MAYROON DING MGA GRUPO NA MAY TIWALA SA DIYOS SUBALIT HINDI NILA GINAMIT ANG BIBLIYA.
 ITO ANG MGA TAONG NAG-AARAL NG MGA LATIN NA SIYANG GINAMIT BILANG MGA ANTING-ANTING NA KUNG TAWAGIN AY MGA “PANATIKO"
 KUNG ATING TUNGHAYAN, ANG RELIHIYON AY NAHATI SA DALAWANG URI NG PANINIWALA, ANG ISA AY BASE SA BIBLIYA AT ANG ISA AY BINABASE SA AKLAT NG KALIKASAN, NA DITO KINUKUHA ANG MGA SALITANG LATIN NA GNAMIT SA KANILANG MGA PAMAMARAAN NG PAGDARASAL. ITO ANG MGA KARUNUNGAN NG DIYOS NA NAKILALA SA TAWAG NA ECCLESIASTICAL AT ESOTERIC.
 1. ECCLESIASTICAL – ito ang karunungan ng Diyos na kung tawagin ay HAYAG dahil ito ay nakasulat sa mga aklat lalung-lalo na sa Bibliya. Dito nagmula ang sekta na ginamit ng mga mananampalataya upang mabuo ang mga kanilang grupo sa paniniwala sa Panginoon. 
2. ESOTERIC – ito ang karunungan ng Diyos na TAGO, dahil hindi ito matutunghayan sa Bibliya, subalit ang mga mag-aaral dito ang gumamit ng salitang aklat ng kalikasan na siyang pinagkunan ng kanilang mga kaalaman, at ang mga taong ito ay tinaguriang mga KULTO.
 Ang dalawang karunungang ito ay hindi nagkakaintindihan. Ang mga taong humahawak ng karunungang iyo ay nagsisiraan at nagpapayabangan; sabi ng nasa Sekta; kayong nag-aaral ng LATIN at naniniwala sa ANTING-ANTING ay mapupunta sa impyerno dahlia ang karunungang yan ay galing sa demonyo. At ang mga tao naman na nasa KULTO ay nagsasabi ng ganito; kayong nagbabasa sa Bibliya ay walang puwang sa harapan ng Panginoon dahlia kulang ang inyong kaalaman tungkol sa Diyos ang pinakikinggan lang na salita ng Diyos ay ang LATIN dahil ito ang opisyal na salita ng Diyos.

Kung ating saliksiking mabuti, may dahilan ang Diyos kung bakit mayroong TAGO at HAYAG na karunungan. Ang HAYAG ay gabay upang marating ang tugatog ng iyong inaasahang kaligtasan, at ang TAGO naman ay siyang kapangyarihan na magliligtas sa oras ng mga kapahamakan at kagipitan. Madaling sabi, dapat ay magkasama itong dalawa. Kung absent ang isa nito wala ni ang maliligtas. Katunayan, lahat ng taong nautusan ng Diyos na nakasulat sa Bibliya ay mayroong dalawang karunungang pinaniniwalaan pati na ang Panginoong Jesucristo.
 Ang Bibliya ay makapagpapatunay tungkol sa DALAWANG KARUNUNGANg ito. Gaya sa sulat ni Mateo sa talata 28 kapitulo 19, ganito ang sinasabi ng Panginoong Jesucristo sa kanyang mga alagad; “HUMAYO KAYO AT GAWIN NINYONG ALAGAD KO ANG LAHAT NG BANSA, BAUTISMUHAN NINYO SILA SA NGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITO SANTO” Sa puntong ito, may tinutukoy si Cristo na pangalan ng Ama, Anak at ng Espirito Santo, subalit hindi ito binanggit sa Bibliya, ano kaya ang ibig sabihin sa mga pangalang tinutukoy ng Panginoong Jesus. Isa ang dahilan kung bakit hindi isinulat, ito ay TAGO na karunungan ng Diyos. Kaya sa mga taong nag-aaral sa karunungang TAGO ay siyang nakakaalam nito. Ito’y tawagin nila ay ARAM (pangalan ng Ama), ACDAM ( pangalan ng Anak), at ACSADAM (pangalan ng Espirito Santo).
 Bawat bansa ay may sariling wika, subalit ang tao ay minsan lang nagkakapareha ng salita. Ito’y sa sandaling isilang. Lahat ng sanggol ay iisa ang alam na salita, ito ang salitang O-H-A. Sa mga nag-aaral ng HAYAG NA KARUNUNGAN ito ay hindi binigyang pansin, subalit sa TAGONG Karunungan ito ay mayroong matayog na kahulugan. Sa sulat ni MATEO 11:25 sa Bibliya ay ganito ang sinasabi, “NANG PANAHONG IYO’Y SINABI NI JESUS, PINASASALAMATAN KITA AMA, PANGINOON NG LANGIT AT LUPA, SAPAGKAT INILIHIM MO ANG MGA BAGAY NA ITO SA MARURUNONG AT MATATALINO AT INIHAYAG SA MAY KALOOBAN TULAD NG BATA” At sa MATEO 21:16 ganito ang sinabi ni Jesus, “MULA SA BIBIG NG MGA SANGGOL AT ANG PASUSUHIN AY PANAPAMUTAWI MO ANG WAGAS NA PAPURI” ang kahulugan sa salitang O-H-A ay ganito ORTAC HIPTAC AMINATAC na isa lamang sa napakaraming pangalan ng Ama, Anak at Espirito Santo.
 Dagdag pa nito, ang ADRA MADRA ADRADAM ay ginamit ng mga kultong grupo bilang panawag sa AMA, ANAK AT ESPIRITO SANTO. Sa panahon ni Moises naisulat sa EXODO 3:14-15 sinabi ng Diyos, “AKO’Y SI AKO NGA. SABIHIN MONG SINUGO KA NI AKO NGA, NG DIYOS NG INYONG MGA NINUNO, NG DIYOS NINA ABRAHAM, ISAAC AT JACOB. AT ITO ANG PANGALANG ITATAWAG NILA SA AKIN MAGPAKAILANMAN”. Sa tagong karunungan, ito ang pangalang ibig sabihin ng Diyos “AHIH ASHIR AHIH”.May isang aklat na kung tawagin ay “Aklat ng Kalikasan” kung bakit ganito ang tawad dahil ito’y ibinigay sa “DI PANGKARANIWANG” kapangyarihan. Sang-ayon pa, ito ay gaya ng pagkabigay sa Sampung utos ni Moises. Ang aklat na ito ay pinagmulan ng kaalaman na sa kasalukuyan ay pinag-aaralan bilang TAGO NA KARUNUNGAN ng Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento