Ang katawang astral ay isang kasangkapan ng ating sarili upang maunawaan ang
iba pang mga prikwensiya
ng katotohanan. Ang katawang astral ay isang uri o anyo ng ating
kamalayan katulad lang ng ating pisikal na katawan. Sa normal na kondisyon, ang
ating kamalayan o diwa ay kumakalat sa ating buong pisikal na katawan. Kapag
tayo ay nakakatanggap ng sapat na halaga ng enerhiya at kung nararamdaman na
natin at nauunawaan ang iba pang mga prikwensiya ng katotohanan, ang ating
kamalayan ay kumikilos at nagiging pormang katawang astral. Nauunawaan natin na
ang katawang astral ay nararanasan natin ng hindi namamalayan kapag tayo ay
natutulog na kung tawagin natin ay panaginip. Alam natin na madarama ang
karanasan ng katawang astral ng may kamalayan kapag tayo ay nag memeditasyon.
Ang katawang astral ay naglalakbay lampas
sa espasyo at oras.
Pagkatapos magsagawa ng may malay na
karanasang astral unti-unting nauunawaan na natin at kakikita ang mga
bagong dimensyons. Sa meditasyon pagkatapos matanggap ang masaganang enerhiyang kosmiko ang ating kamalayan ay kumakalat
sa lahat ng dako ng ating katawan
nag-uumpisang gumalaw papunta sa isang dako ng katawan habang gumagalaw ang ating
kamalayan, nakakaranas tayo ng kislot sa ating pisikal na katawan. Nararamdaman
natin na parang ang ating buong katawan ay lumulutang, hindi
natin maramdaman ang ating mga kamay at paa.
Nararamdaman natin ang gaan ng ating katawan tulad ng isang balahibo. Ang pag-galaw ay maaaring maranasan na parang umiikot
ang buong katawan. Ito ay kilala bilang astral na
pag-galaw.
Sa
pamamagitan ng pagsasagawa
ng mas marami pang meditasyon, nakakakuha tayo ng mas marami pang kosmikong
enerhiya.Ang ating kamalayan ay nagiging pormang tulad ng isang katawang
nagsisimula umiikot ng napakabilis na nagiging sanhi ng mga mabibigat na
paggalaw. Pagkatapos ng paggalaw ang astral na katawan ay
nag-uumpisang lumabas mula sa pisikal na katawan
na may isang koneksyon na tinatawag na pilak na kuwerdas. Ang pilak ng
kuwerdas ay walang iba kundi isang mataas
na makulay at tumataginting na kamalayan na naglilipat ng
mga mensahe mula
sa pisikal na katawan papunta sa astral
katawan at baligtaran.
Dahil dito, nagagawa natin ang astral na paglalakbay. Ang astral na paglalakbay ay
isang paglalakbay ng ating kamalayan sa
mga alam na natin at sa hindi pa natin alam na mga prikwensiya.
Sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng astral
na paglalakbay nakukuha natin ang
pinakamataas na kaalaman at pinakamataas
na pag-unawa sa
ating sarili, ang ating astral na
Katawan ay tumatagos pumasa sa lahat ng mga pisikal
na materyales at
sa lahat ng mga elemento tulad
ng lupa, tubig,
apoy, hangin at
sa umaapoy na kimiko. Ang Astral na katawan
ay maaaring pumunta
sa iba’t ibang prikwensiya nang walang
anumang limitasyon.
Orasyon para sa paglalakbay ng katawang astral:
Pagkatapos
lumabas sa sarili nating katawan, makikita ng isang taong nagmeditasyon ang kanyang sariling pisikal na katawan.
Sa pamamagitan nito, siya ay nakakakuha ng
dakila, kahanga hanga at mahusay na pag-unawa.
Nauunawaan niya na
siya ay hindi lamang katawan ngunit siya ay
nananatili lamang sa kanyang katawan. Ito ay isang dakilang
pag-unawa. Ang bawat tao'y dapat makaranas ng astral
na paglalakbay. Sa pamamagitan ng
pagkaranas ng astral
na paglalakbay ang ating
limitasyon ay naglalaho at maunawaan natin na
tayo’y walang limitasyon. Sa pamamagitan
ng karanasang ito lamang, naiintindihan natin na tayo
mismo ang diwa o ang kamalayan.
Nauunawaan
na natin na tayo
ay walang limitasyong. Nauunawaan
na natin ang mga bagong dimensyon ng buhay. Sa
pamamagitan ng pagsasanay
at pagsasagawa pa ng mas maraming meditasyon, tayo ay makatatanggap ng mas
marami pang kosmikong enerhiya.
Ang enerhiyang kosmiko ay nagpapabuti sa ating paglahok Sa
kung ano ang ating kinalalagyan. Sa pamamagitan
ng mas marami pang kabuuang paglahok
sa ating katawan-isip-sarili. Nauunawaan natin ang kabuuan tungkol
sa ating mga sitwasyon.
Ang
pang-unawang ito ay walang iba kundi
ang kaalaman. Ang karaniwang tao ay
makakakuha lamang ng karanasan sa buhay ngunit nabibigong malasahan o maintindihan ang kaalaman sa ganoong sitwasyon. Ito
ay dahil siya ay nakararanas ng
sitwasyon sa pisikal na pag-unawa lamang. Ngunit
ang isang nagmemeditate ay makakaunawa ng
sitwasyon sa kabuuan. Ito ay sapagkat alam
niya na siya ay
hindi lamang katawan, alam niya na siya ay nakikitira
lamang sa isang katawan. Nauunawaan niya na ang
sitwasyon ay para
sa mas malalim na kaalaman.
Josue 1:
8 Huwag mong kaliligtaang basahin
ang aklat ng kautusan. Pagbulay-bulayan mo iyon araw at gabi upang matupad mo
ang lahat ng nakasaad doon. Sa ganoon, magiging masagana at matagumpay ang
iyong pamumuhay. 9 Tandaan mo ang bilin ko:
Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matatakot o mawawalan
ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos, ay kasama mo saan ka man
magpunta."
Pagkatapos
makaranas ng lahat
ng mga karanasang
meditational at pagpapatupad nito sa nito sa ating praktikal na pamumuhay. Tayo ay makakuha
ng mahusay at malalim na pag-unawa.
Ang pang-unawang ito ay nagbubukas ng ilang
libong mga pinto na nagbibigay ng mga
bagong dimensyon ng pagkaunawa sa ating buhay.
Ang ating pang-unawa, ang ating pangdama at
ang ating kaalaman
ay lumalawak ng napakalawak. Ito ay
humahantong sa pagpapalawak
ng ating kamalayan na walang iba kung hindi ang pagkakaroon ng malalim na karunungan. Nararanasan
natin ang estado ng
karunungan sa pagmeditasyon,
katulad ng isang bulaklak na nagiging bunga ng isang puno ng prutas.
Ang
bawat isang bulaklak ay isang bagong
dimensyon ng pag-unawa.
Sa pamamagitan ng
pang-unawa sa iba’t ibang mga dimensyon,
naiintindihan natin ang higit pang
karagdagang kaalaman sa iba pang
mga kaalaman. Sa ganitong
pang-unawa dumarating sa natin ang pang-unawa na walang kamatayan at tayo’y walang kamatayang
nilikha. Nauunawaan na natin kung ano ang kapanganakan at kung
ano ang kamatayan?
Galacia 1:
15 Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, minabuti niyang
ako'y piliin bago pa ako ipanganak, at tinawag niya ako upang maging isang
lingkod niya.
Dumating
tayo sa mundong ito tulad ng maliit na tuldok ng kamalayang kosmiko. Matapos
nating manggaling mula sa pinagmulan, dumating tayo
sa daigdig na ito upang mabuhay at
upang magkaroon ng
ating mga natatanging karanasan. Para sa ating mga karanasan pinili
tayo ng Lumikha para makapasok sa isang sinapupunan. Pinili ang ating
magulang, paliwanag at mga sitwasyon Ang buong
disenyo ng buhay ay
kilala ng ating sarili. Pagkatapos na piliin ang ina ang maliit na butil ng malay ay pumasok
sa matris ng
ina.
Pagkatapos
pumasok ang kamalayan sa matris ng ina ang similiya ay magkakaroon ng buhay ang pisikal
na katawan ay
nagkakaroon ng hugis ayon sa kosmikomg enerhiya
sa loob ng eterikong katawan at ang dahilan ng pagkakalikha sa
kanya.
Ang kamalayan ay naglalakbay madalas
sa pinagmulan hanggang
sa ito ay magsagawa ng kanyang unang paghinga.
Pagkatapos nyang lumabas galing sa loob ng matris ng kanyang ina, siya ay magsasagawa ng
unang panlabas na paghinga ito ay kilala rin sa tawag burf at
saka siya dapat na umiyak.
Mula
sa edad na isa hanggang mag-pitong taon meron pa tayong kamalayan tungkol sa totoo nating pinagmulan.
Ang ating kaisipan ay mag-uumpisang magkaroon ng hugis simula
sa edad na pitong taon. Ito ay ganap
na magkaka-porma sa edad na labing-apat. Ang aktibasyon ng katalinuhan ay nagsisimula
mula sa edad na
labing-apat at ganap
na mabubuo sa edad na dalawangpu’t
isa. Mula sa edad na dalawangpu’t
isa hanggang sa edad na dalawangpu’t walo mararanasan na natin ang kumbinasyon
ng katawan, isip
at talino. Mula
sa edad na dalawangpu’t walo ang
buhay natin ay naka-depende
na sa pagkaalam sa ating sarili. Kung ang isang tao ay walang kamalayan sa kaniyang sarili ang
kanyang pagkaalam ay namamalagi sa
pagitan ng kanyang katawan at kaisipan.
At
dahil sa ganitong karanasan ang paghihirap ay nagsisimula, hindi niya
maaaring maunawaan ang mga sitwasyon. Ang mga bagay-bagay
ay magiging mas kritikal
para sa kanya. Kikilos siyang nalilito at magtatago sa
mas mataas na pang-unawa. Ang pagkalito at ang pagtatago ay nakakaharang sa
daloy ng kosmiko. At Dahil dito siya ay makakaranas ng pisikal
na sakit, pagkapagod
at tensyon. Lilipas ang araw niya
ng walang pang-unawa at kamalayan. Hindi niya maunawaan ang pinakadulong layunin ng kanyang buhay. Siya ay nagpapasa ng
kanyang mga araw
na walang kamalayan. Hindi niya maunawaan ang pinakadulong layunin ng kanyang buhay. Lilipas siya mula sa araw ng pagkabata
sa araw ng kabataan at sa pagtanda
at sa wakas, mamamatay mula sa
katawang pandaigdig o katawang lupa nang hindi nakukumpleto
ang tunay niyang layunin ng pagdating niya sa lupa,
sa mundo ng tao.
Ito ang tinatawag nating Kamatayan.
Kahit pagkatapos ng kamatayan ang matibay na suson ng
kaisipan na may maling pang-unawa ay
hindi mapapayagan na ang mga kamalayan ay
makaabot sa pinagmulan.
Dahil sa maling pang-unawa,
siya ay lumilikha ng kanyang sariling impiyerno at langit at nananatili bilang isang mas mababang pagkataong astral. Kung ang isang tao ay nagsimula
sa buhay ng may sariling pang-unawa sa
kaniyang pinanggalingan, siya ay palaging
magiging napakaligaya sa lahat ng
ibinigay sa kanyang mga sitwasyon.
Kahit pagkatapos ng kamatayan, ang
isang tao ay mananatili sa mas mababang
prikwensiya siya ay babalik sa kanyang pinagmulan.
Sa
pamamagitan ng pagkuha ng mas mataas na kaalaman sa pamamagitan ng ikatlong mata, astral
na paglalakbay, kaalaman ng kapanganakan at kamatayan ang isang
tao ay magkakaroon ng perpektong
pang-unawa ng katawan, kaisipan, diwa, sarili at puwersa ng buhay; Mauunawaan natin na ang kamalayan
ay isang kumbinasyon ng enerhiya at kaalaman. Ang ating kamalayan ay pumupunta sa kalagayang ito upang makakuha ng mas maraming enerhiya at kaalaman at upang malalikha
sa pamamagitan ng
pamumuhay sa lahat ng oras na ito ng may pang-unawa
nagsisimula tayo sa pagkuha ng mas mataas na-unawa tungkol sa pagkakaroon
ng buong paglikha.
Sa ganitong pang-unawa ang isang taong
at magiging nilikhang may himala. Samakatwid, anumang
ang salitain ng taong ito ay natutupad. Anuman ang kanyang
isipin ito’y nangyayari anuman ang kanyang gawin ito ay nalilikha. Ito ang
malalim na kaalaman at nakatagong karunungan.
Roma 14:
8 Kung tayo'y nabubuhay, sa Panginoon tayo nabubuhay; at
kung tayo'y namamatay, sa Panginoon tayo namamatay. Kaya nga, sa mabuhay o sa
mamatay, tayo'y sa Panginoon. 9 Sapagkat si Cristo ay
namatay at muling nabuhay upang maging Panginoon ng mga patay at ng mga buhay. 10 Ngunit ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At
ikaw naman, bakit mo hinahamak ang iyong kapatid? Tayong lahat ay haharap sa
hukuman ng Diyos. 11 Sapagkat nasusulat, "Sabi
ng Panginoon, 'Dahil ako'y buhay,
ang lahat ay luluhod sa harap ko,
at ang bawat dila'y magpupuri sa Diyos.'" 12 Kaya, pananagutan natin sa Diyos a ang mga bagay na ating ginagawa.
ang lahat ay luluhod sa harap ko,
at ang bawat dila'y magpupuri sa Diyos.'" 12 Kaya, pananagutan natin sa Diyos a ang mga bagay na ating ginagawa.
Ang kamatayan ay isang katotohanan ng
buhay. Ang hindi maiiwasang
katotohanan na kung saan ang lahat ay kailangang may kaalaman, maiiwan natin
ang mga malalapit sa atin, ang mga mahal natin sa buhay, lahat ng ating
ari-arian, lahat ng ating naipundar at iba pa. At hindi na makakabalik
kailanman ulit.. Kahit ang ating pisikal na katawan
ay maiiwan rito sa mundo, kung ang buhay natin ay
tungkol lamang sa pagpapakayaman at pakikipag-usap sa ating mga kamag-anak, kaibigan at
iba pa, Magka ganoon ang kamatayan ay talagang isang pinakamalaking palaruan
ng pagkatalo. Kataka takang kakaunting tao ang may kaalaman na tayo’y aalis mula
rito anumang sandali at tayo’y magiging mag-isa.
Napakakaunti
ang handa para sa kamatayan. Kapag ang
kamatayan ay dumating sa ganoong
tao sila ay iiyak lamang at magugulat, hindi dahil ang kamatayan mismo ay
isang masakit na karanasan, kung hindi dahil
maiiwan nya lamang ang kanyang pinagtrabahuhan at pinaghirapan ngunit
dahil na rin sa babalik siya sa naunang estado ng
kawalan ng kapanatagan, kakulangan,
malungkot at sa buhay na nakakasakal,
na siyang unang dahilan at nagtulak sa atin para maghanap ng maghanap.Ang
Totoong edukasyon ng ating mga buhay ay hindi lamang dapat magturo
sa atin kung
paano tayo dapat mabuhay, ngunit kung paano ring mamatay.
Ang isang taong handa na para sa kamatayan
ay mabubuhay ng ganap,
dakila at walang takot.
Ang Kamatayan ay nagtuturo sa atin
upang mabuhay ng hindi
nakatali at makasarili o gahaman sa mundong ito, dahil aalis tayong walang dala pag-alis natin sa mundong
ito.Kaya tayo ay tinuturuan na mabuhay na nagbibigay kesa sa tumatanggap.
Mabuhay para magmahal kesa managinip na makakuha ng pagmamahal.Ang kapanganakan ay nagdadala sa atin sa mundo ng kamangha-manghang
kagandahan, ang talahanayan na
ganap na inilatag at ang lahat ay tumatakbo ng napaka-ganda; dumating
tayong walang dala sa parehong paraan aalis tayong walang dala., kaya ang katotohanan ng
buhay at ng kamatayan ay nagtuturo sa atin upang mabuhay sa
bawat sandali ng
may pagpapa-salamat, kapakumbabaan
at kaligayahan sa
ating pag-uutos.
Awit 23:
4 Dumaan man ako
sa madilim na libis ng kamatayan,
wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.
Tayo ay isa lamang
bisita sa isang
magandang nilikhang pinamamahalaang bahay, ginawa
natin ang pinakamahusay para tumira dito ng may kaligayahan at
umalis ng may pagka-magiliw.Ang totoong pag-ibig ay palaging
hubad sa pagkakatali, at ito ang itinuturo ng kamatayan sa atin. Ang kaisipan sa kamatayan
ay isang mahusay na paraan upang maging dalisay, sa katunayan nga nito kailangang gawin
natin siyang pinakamahusay na kaibigan,
na laging nagtuturo
sa atin sa landas ng katuwiran at pagsang-ayon. Ang kamatayan ay sagisag ng mga etikal na halaga
at matuwid na
pamumuhay. Sapagkat ito ay natural nating daraanan. Ang
kamalayan na tayo’y mamamatay din at aalis sa mundo anumang oras ay nagbubukas
ng pintuan para sa mga banal na katangian. Kaya malalim at epektibo
ang kamalayan tungkol
sa kamatayan.
Ang kamalayan sa kamatayan ay nakakayanig din sa pundasyon ng ating madayang pagkakakilala na ako ang
katawan na ito. Ang paniniwalang ito ang nagtutulak sa atin para maghanap at
ang apresasyon sa katotohan ang gumigising sa atin. Na kapag tayo ay namatay
maiiwan natin ang pisikal na katawan rito sa lupa. Ang kamatayan ang nagpapaalala
na 'Ako ang katawan na ito' ay paniniwalang
walang saligan. Paanong ang isang tao ay
makapagpapatuloy at manatili sa hindi makatotohanan, kapag
ang katawan na
ito ay maiwan rito sa mundo pagkatapos nating umalis sa
pamamagitan ng kamatayan.
Tayo
ay nakati-tiyak na tayo ay naiiba maliban sa katawang
ito. Ito na ang simula ng ating paglalakbay sa pansariling kaalaman. Kaya ang
kamalayan sa kamatayan ay nagbubukas sa atin ng malalim na katotohanan tungkol
sa malalim nating pagkabuhay.
Pahayag 14:
13 At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na
nagsasabi, "Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon
hanggang kamatayan!" At sinabi ng Espiritu, "Totoo nga! Matatapos na
ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa
kanilang katapatan."
2 Corinto 5: 1-21
1 Alam nating kapag nasira na ang toldang tinatahanan natin ngayon, na
tumutukoy sa ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa langit na hindi
kailanman masisira, isang tahanang ginawa ng Diyos, at hindi ng tao. 2
Dumaraing tayo habang tayo'y nasa katawang ito, at labis na nananabik sa ating
tahanang makalangit, 3 upang kung mabihisan a na tayo nito ay hindi tayo
matagpuang hubad. 4 Habang nakatira pa tayo sa toldang ito, tayo'y
naghihinagpis at dumaraing, hindi dahil nais na nating iwaksi ang katawang
panlupa, kundi dahil nais na nating mabihisan ng katawang panlangit. Sa gayon,
ang buhay na may katapusan ay mapapalitan ng buhay na walang hanggan. 5 Ang
Diyos mismo ang nagtalaga sa atin para sa ganitong pagbabago, at ibinigay niya
sa atin ang Espiritu bilang katibayan na ito'y matutupad.
6 Kaya't laging malakas ang ating loob, kahit na alam nating habang tayo'y
narito pa sa katawang-lupa, hindi tayo makakapasok sa tahanang inihanda ng
Panginoon. 7 Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at
hindi sa mga bagay na nakikita. 8 Malakas nga ang loob nating iwanan ang
katawang ito na ating tinatahanan ngayon, upang manirahan na sa piling ng
Panginoon. 9 Kaya naman, ang pinakananais natin ay maging kalugud-lugod sa
kanya, maging nasa katawang-lupa tayo o maging nasa piling na niya. 10 Sapagkat
lahat tayo'y haharap sa hukuman ni Cristo at tatanggap ng nararapat ayon sa
ating mga gawang mabuti o masama, nang tayo'y nabubuhay pa sa daigdig na ito.
Pakikipagkaibigan sa Diyos sa Pamamagitan ni Cristo
11 Kaya nga, dahil may takot kami sa Panginoon, sinisikap naming hikayatin ang
mga tao na manumbalik sa kanya. Alam ng Diyos ang tunay naming pagkatao; at
inaasahan kong kilalang-kilala rin ninyo ako. 12 Hindi dahil sa nais naming
ipagmalaking muli sa inyo ang aming sarili, kundi nais naming bigyan kayo ng
dahilan upang kami'y maipagmalaki ninyo, nang sa gayon ay masagot ninyo ang mga
taong walang ipinagmamalaki kundi ang mga bagay na panlabas at hindi ang tunay
na pagkatao. 13 Kung kami'y parang nasisiraan ng isip, iyon ay alang-alang sa
Diyos. At kung matino naman kami, iyan ay para sa kapakanan ninyo. 14 Ang
pag-ibig ni Cristo ang naghahari sa amin, sapagkat natitiyak naming may isang
namatay para sa lahat, kung kaya't ang lahat ay maibibilang nang patay. 15
Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay
para sa sarili, kundi para kay Cristo na namatay at muling nabuhay para sa
kanila.
16 Kaya ngayon, ang pagtingin natin sa bawat tao ay hindi na batay sa sukatan
ng tao. Noong una'y ganoon ang ating pagkakilala kay Cristo, ngunit ngayo'y
hindi na. 17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang
bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na
ng bago. 18 Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo,
ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili niya kami
upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya. 19 Ang ibig sabihin, sa
pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot
na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita
ito.
20 Kaya nga, kami'y mga sugo ni Cristo; ang Diyos mismo ang nakikiusap sa inyo
sa pamamagitan namin. Kami'y nakikiusap sa inyo alang-alang kay Cristo; hayaan
ninyong maging kaibigan kayo ng Diyos. 21 Hindi nagkasala si Cristo, ngunit
dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang sa pamamagitan niya ay
maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento