Ang
meditasyon ay instrumento
na
nagbibigay-daan sa atin upang
tumagos
sa
mga
mas
mataas na dimensyon at maka-
punta
sa superiyor na mundo.
.
Kaya
ating
dadalhin ang prosesong pang-kaisipan na iyon sa isang
sandali
ng pagtigil kapag sa wakas
ay nakuha nating mapatigil ang pag-iisip iyon na ang punto
kung
saan ang
esensiya
ay makakawala at makakalaya.
Kapag
ito
ay
nakawala at
nakalaya
iyon na ang estado
na
kilala bilang banal na nasa lubos na
kaligayahan, ang
mistical
na estado,
ang sagradong kupita ng
meditasyon. Iyon
ang lugar na kung saan ang
esensiya
ay lubhang tumatagos ng
mataas
sa
superiyor
na dimensyon
upang
mapuntahan
natin lampas
ang
mundo ng astral,
lampas
sa
mundo ng kaisipan
at makapunta
sa
talagang mataas na
estado
ng pag-iral.
2 Corinto 4:
18 Kaya't ang paningin namin ay
nakatuon sa mga bagay na di-nakikita, at hindi sa mga bagay na nakikita.
Sapagkat panandalian lamang ang mga bagay na nakikita, ngunit walang hanggan
ang mga bagay na di-nakikita.
Alam
natin na maraming mga
mas
mataas na dimensyon
na
umiiral
sa
itaas natin.
Ang
kaisipan
ay
isang bilangguan
ng
esensiya
at
ng
kamalayan.
Ito
ay isang bilangguan
na
nilikha
ng ating mga sarili. Sa pamamagitan ng pag-kontrol
sa
kaisipan ng intelektwal
na proseso at sa pamamagitan ng
meditasyon
ay maaari mong mabuwag ang
bilangguan,
maaaring
maputol ang pagkakatali, alisin ang mga
tanikala,
putulin
ang mga
pabigat
na nagpapanatili sa atin
pababa
sa pisikal na dimensyon
at
hanapin ang ating mga sarili
na tumatagos
sa mas mataas na mga dimensyon.
Sa
pamamagitan ng meditasyon
idagdag
pa ang pag-gising
sa
esensiya matututo
kang
kontrolin ang iyong kaisipan.
Kaya
ang
meditasyon ay isang
paraan
para sa atin upang
gisingin
ang
esensiya
o diwa, iyun ang dahilan kung bakit
ang
meditasyon ay ang
araw-araw
na tinapay ng
matatalino.
Ang
araw-araw
na meditasyon o
ang
regular
na meditasyon ay nagbibigay-daan sa
atin
upang
lumago at mabuo ang
esensiya.
Iyon
ang susi ng
karanasan
na
sinusubukang makamit ng mga tao talaga lang na
kakaiba itong deskribihin ngunit tulad ito ng isang
maliit
na patak ng tubig
na inilagay
pabalik sa dakilang
karagatan.
Ito
ay tulad ng pagbubuklod
pabalik
sa dakilang karagatan
at
maging
bahagi
muli
ng
puwersang iyon.
O
kaya nakita naman natin ang ating
sarili
tulad
ng maliit na
butil
ng
buhangin
na
inilagay pabalik sa
dakilang
dalampasigan. Kaya maaari na nating
maramdaman
ang lahat ng bagay sa ating paligid. Maaari tayong
maging isa na pinag-sama sama sa buong
sansinukob.
Ito
ay isang kakaibang
karanasan;
ito
ay parang tulad ng
kaisa
ang
lahat ng bagay, at
tulad
ng ang Diyos ay
nasa
lahat ng dako.
At
sa pamamagitan ng lubos na kaligayahan sa
pananampalataya maaari nating
maranasan
ang tulad nito. Ang buhay
na pinagsasamasamang
pabalik
sa pinagmulan ng lahat ng bagay.
Maaari
nating gamitin ang
meditasyon
bilang
isang pinto
para
tuklasin ang mas mataas na
mga
dimensyon tulad ng
astral
projeksyon
ngunit
maaari rin tayong
pumunta
sa banal na kopita
ng
meditasyon
kung
saan ito ang directang
karanasan
sa
katotohanan.
Sila
ay simpleng tumatagos sa talagang mataas
patungo sa
mas
mataas na mga dimensyon
na
tinatawag na lampas sa
astral
lampas
sa kaisipan lampas sa kaustikong kalagayan
ganap na tumatagos ng malalim
sa
mas
mataas na mga dimensyon.
Tanging
kapag
ang
prodyektor,
sa
ibang salita ang
"ako"
ay
ganap
na wala saka
mangyayari
ang
katahimikan
na
hindi
isang produkto
ng
kaisipan.
Ang
katahimikan
ay
walang
pagkaubos, hindi ito oras,
ito ay hindi
masusukat. Saka lamang darating ang
karapat-dapat.
Ang
prodjector
ay
ang ego na responsable
para sa mga walang katapusang
kadena
ng
pag-iisip, ng mga imahe
at
ng mga
bagay na sumisiklab
sa
pamamagitan ng ating
walang tigil na kaisipan.
Sa
karamihan ng mga pag-aaral
na
kaugnay ng "ako"
sa
ego.
Kapag
ang
ego
ay
maaaring lumiban
saka
lamang sasapitin
ang
ibang estado
ng
kamalayan,
ang
katahimikan
na
hindi produkto ng
kaisipan.
Ang
katahimikan ay
walang
pagkaubos, ito ay hindi oras,
ito ay hindi
masusukat. Tanging
pagkatapos
noon saka darating ang karapat dapat.
Na
maaari
natin tawaging
persepsyon
ng
katotohanan
o maaari
natin tawaging realidad.
Ang
ating kaisipan ay tulad ng isang
kuwarto
na
puno ng mga taong
sumisigaw
para
sa ating atensyon merong ilang
libong
mga
tao sa silid
at
sa
isang sulok ng kuwarto
ay
mayroong
isang maliit na bata.
Iyong
maliit
na bata ay kumakatawan sa kamalayan
at
normal
na hindi
natin naririnig ang
maliit
na bata dahil
ang
mga tao ay sumisigaw.
Gamit
ang
proseso ng
meditasyon
maaari
nating isarado ang
bawat
isang
tao
sa
kuwarto at maaari tayong
tumuon
sa kung ano ang gustong sabihin ng
maliit
na
bata.
Iyang Katahimikan
ang
magiging
tinig
ng mas mataas na sarili.
Ano ang layunin ng meditasyon? Ang
meditasyon ay ang araw-araw na tinapay ng matalino. Tulad ng Panalangin ng
Panginoon maaari nating makita ito bilang isang bagay na simple ngunit ito ay
talagang mahirap unawaing panalangin. Bigyan kami sa araw na ito ng aming mga pang-araw-araw
na tinapay.
Isa
pang paraan ng pagtingin
sa ating
pang-araw-araw na tinapay
sa
sagradong
kaalaman
ay
tumitingin
tayo na ang meditasyon ay tulad ng
pisikal
na pagpapakain upang panatilihin
ang lakas ng katawan
kailangan
natin ang iba't ibang mga uri
ng
pagpapakain
upang
panatilihing kumakain ang esensiya ng
kamalayan.
At
ang
pagpapakain ng pagkain sa esensiya at sa
kamalayan ay ang meditasyon.
Ang
meditasyon ay may
lahat
ng uri ng mga layunin
at
mga
benepisyo mula sa
isang
pisikal na punto,
ito
ay
kapaki-pakinabang sa
pisikal
at mental na pagpapahinga.
Makikita
rin natin na ang meditasyon ay ginagamit bilang
isang
pinto
upang
galugarin ang mas mataas na
mga
dimensyon na kung saan
maaari
nating ma-puntahan ang
iba't
ibang mga estado
ng
kamalayan
at
makamit
ang
mas mataas na dimensyon.
Ito
ay napaka-interesante dahil
ngayon
maraming
ng
sikologo
at
ang ilang mga medikal na
propesyonal
ang halos
nag-rereseta
ng meditasyon para sa iba't ibang
mga
sakit tulad
ng
stress at
mataas
na presyon ng dugo.
Pinapayagan tayo ng meditasyon na
makakuha ng mas malawak na kamalayan para sa ating mga sarili at pag-aralan ang
ating mga sarili ng higit pang matindi, na nagbibigay-daan sa atin upang
pag-aralan pati na rin ang ating mga ego.
Sa
proseso ng meditasyon
pinapayagan
tayong
isara ang
ego
at
makipag-komunikasyon ng higit pang mas mataas sa
ating
sarili.
Pinapayagan
tayong makarating sa isang
iba't
ibang mga pananaw
na nasa
loob ng ating sarili.
Maaari
rin
nating gamitin ang meditasyon upang makarating sa
mas
malalim na pag-unawa
sa
mga
aral sa pamamagitan ng
pagdadala
ng
kaalaman
mula
sa diwa sa
kamalayan
na kung saan maiintindihan
natin ang totoong kahulugan.
Kapag
binabasa
mo ang bibliya
at
iba
pang dakilang mga libro
sa
mundo hindi
sila
isinulat para sa
isang
tiyak na ayos,
hindi
sila
sinadyang literal na maintindihan.
Maraming
mga
problema sa daigdig
dahil
may
mga taong nagtatakang
kunin
ang dakilang mga aral
sa
bibliya
at
pagkatapos ay magbibigay sila ng pansariling
literal na interpretasyon. Kukumbinsihin ang mga nakikinig na ang paliwanag
niya kasama ang paglipat lipat sa mga kabanata ang pinaka-tama.
Ang
paraan
ng pagkakasulat ng mga
dakilang aklat
na ito ay para sadyang lagpasan ang intelektwal
at makipag-usap ng direkta sa kamalayan.
Sa
pamamagitan ng pag-meditate
sa
iba't-ibang berso
o
mga
kabanata o seksyon ng mga
dakilang
aklat
sa mundo makakayang sipsipin ng ating
kamalayan
sa
paraan ng
pagkakasulat ng mga impormasyon
sa
libro at
marating
ang iba't ibang mga kahulugan
ng
makarating
sa mas malalim na pang-unawa.
Karamihan
ng mga pinakadakilang aklat sa mundo
ay
simpleng hindi ginawa upang
mabasa
ng tulad
ng nobela, sila ay
nakalaan
lamang upang imeditasyon.
Sila
ay nakalaan lamang para basahin,
ang
mga berso o
ang mga kabanata
sa
isang pagkakataon at pagkatapos
ay magpapalipas
ng oras ng pagmumuni-muni,
imemeditasyon
upang
makarating sa totoong kahulugan
at
kukunin ang kaalaman at
isasama
ito sa ating
kamalayan
sa
pamamagitan ng paglagos sa
intelek
at
magbibigay-daan
sa
aklat upang direktang
makipag-usap
sa ating kamalayan
.
Habang
ang ating ego
ay
aktibo ang mangyayari
kapag binabasa natin
ang isang aklat tulad ng
bibliya.
Itong
ego
ang
nagbibigay-kahulugan kaya ang resulta ay ang sariling
isip natin ang nagbibigay ng kahulugan.
Ang
gusto
nating mangyari
ay
lampasan ang mga intelek
at
dalhin ang kaalaman direkta sa
kamalayan.
Ang kaalaman
ay maging bahagi ng
iba't
ibang mga antas. Ang meditasyon ay isang
kapaki-pakinabang
na
kasangkapan para doon.
Isa sa mahalagang bagay na
sinusubukan ng mga tao na makamit sa pamamagitan ng meditasyon ay maranasan ang
relihiyosong kaligayahan, o ang karanasan ng katotohanan.
Maaari
nating gamitin ang
meditasyon
bilang isang pinto
para
tuklasin ang mas mataas na
mga
dimensyon tulad ng
astral
projeksyon
ngunit
maaari rin tayong pumunta sa
banal
na kupita ng
meditasyon
kung saan ito ang direct
karanasan
ng
katotohanan.
Sila ay simpleng tumatagos ng mataas
sa
mas
mataas na mga dimensyon
na
tinatawag na lagpas sa
astral,
lagpas
sa kaisipan,
lagpas sa
kaustik
na antas tumatagos ng
malalim
sa
mas
mataas na mga dimensyon.
Ezekiel 1: 1-28
Ang
Pangitain Tungkol sa Kaluwalhatian ng Diyos
1 Akong si Ezekiel ay isa sa mga dinalang-bihag sa baybay ng Ilog Kebar. Noong
ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, nabuksan ang langit
at isang pangitain mula sa Diyos ang aking nakita. 2 Ikalimang araw noon ng
ikaapat na buwan ng ikalimang taon ng pagkatapon kay Haring Jehoiakin. 3 Ako na
isang pari at anak ni Buzi ay nasa Babilonia sa baybayin ng Ilog Kebar nang
magpahayag sa akin si Yahweh.
4 Nang ako'y tumingala, naramdaman ko ang malakas na hanging nagmumula sa
hilaga at nakita ko ang makapal na ulap na naliligid ng liwanag. Tuwing
kikidlat, may isang bagay na kumikislap, parang makinang na tanso. 5 Sa sentro
ng bagyong ito, may apat na nilalang na buhay na anyong tao. 6 Sila'y may
tig-aapat na mukha at pakpak. 7 Tuwid ang kanilang mga binti. Ang mga paa
nila'y parang paa ng guya at tila makinang na tanso. 8 Nasa ilalim ng kanilang
mga pakpak ang kanilang mga kamay na parang kamay ng tao. 9 Magkakadikit ang kanilang
mga pakpak. Hindi na sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta
sapagkat nakaharap sila kahit saan. 10 Sa harap, mukha silang tao. Sa kanang
tagiliran, mukhang leon. Sa kaliwa naman ay mukha silang toro at mukhang agila
sa likuran. 11 Ang tig-dalawa nilang pakpak ay nakabukang pataas at magkaabot
ang dulo. Ang tig-dalawa naman ay nakatakip sa kanilang katawan. 12 Hindi na
nga sila kailangang pumihit saanman nila gustong pumunta sapagkat nakaharap
sila sa lahat ng dako. 13 Sa gitna nila ay may naglalagablab na apoy na parang
sulo, at nagpapalipat-lipat sa apat na nilalang na buhay. Maningning ang
liwanag niyon at pinagmumulan ng kidlat. 14 Ang apat na nilalang ay
nagpaparoo't paritong simbilis ng kidlat.
15 Nang tingnan kong muli ang apat na nilalang, may nakita akong tig-isang
gulong sa tabi nila. 16 Ang mga ito ay kumikislap na parang topaz. Iisa ang
ayos nila at parang ang isa'y nakapaloob sa isa. 17 Ang mga ito'y hindi na
kailangang ipihit saanman ito gustong pagulungin pagkat nakaharap kahit saan.
18 Ang bawat gulong ay puno ng mga mata sa palibot. 19 Paglakad ng apat na
nilalang, kasunod ang mga gulong. Kapag sila'y tumaas, tumataas din ang mga
gulong. 20 Saanman gumawi ang apat na nilalang ay kasunod ang apat na gulong pagkat
ang apat na nilalang ang nagpapagalaw sa apat na gulong. 21 Kaya paglakad ng
apat na nilalang, lakad din ang mga gulong. Pagtigil naman, tigil din sila.
Pagtaas, taas din sila. Anuman ang gawin ng apat na nilalang ay ginagawa ng
apat na gulong.
22 Sa ulunan ng apat na nilalang, naroon ang isang bubungang tila kristal. 23
Sa ilalim nito'y magkakaabot na nakabuka ang tigalawang pakpak ng apat na
nilalang, at ang tigalawa'y nakatakip sa kanilang katawan. 24 Nang sila'y
lumipad, parang lagaslas ng malaking baha ang dinig ko sa pagaspas ng kanilang
mga pakpak; parang ugong ng tinig ng Diyos na Makapangyarihan, parang ragasa ng
isang malaking hukbo. Nang sila'y tumigil, ibinaba nila ang kanilang mga
pakpak. 25 At mula sa ibabaw ng bubungan, narinig ang isang malakas na tinig.
Nang tumigil nga ng paglipad ang apat na nilalang, binayaan nilang nakalaylay
ang kanilang mga pakpak.
26 Sa ibabaw ng bubungan, naroon ang tila tronong yari sa safiro at may
nakaupong parang isang tao. 27 Mula sa baywang nito pataas ay may nagniningning
na tila makinis na tanso. Sa ibaba naman ay may nakapalibot na apoy na
nakakasilaw, 28 na ang kulay ay parang bahaghari.
Ganyan ang katulad ng kaluwalhatian ni Yahweh. Nang makita ko ito, ako'y
nagpatirapa, at may narinig akong tinig.
Iyan
ang susi ng
karanasan
na
tinatangka ng mga tao na makamit. Ito
ay
kakaibang
bagay
upang
ilarawan ngunit
ito
ay tulad ng isang
maliit
na patak nainilagay
sa
dakilang karagatan. Ito ay tulad
pagbubuklod
pabalik
sa napakalawak na karagatan
at
maging
bahagi
muli
ng
puwersang iyon.
O
kaya naman nakita natin
ang
ating sarili
na katulad
ng maliit na
butil
ng
buhangin
na
idedepositong pabalik sa
isang
kahanga hangang dalampasigan. Kaya maaaring maramdaman
ang
lahat ng bagay sa paligid
natin.
Maaari
tayong maging
isang
isinama
sa
buong uniberso.
Ito
ay isang kakaibang
karanasan,
ito ay maaaring
itulad
na ang isa
ay nasa
lahat ng bagay tulad ng
Diyos
ay nasa lahat ng dako
at
nasa
lahat ng bagay. At sa pamamagitan ng
relihiyon
sa lubos na pagkalugod maaari nating maranasan ng
kung
ano ang katulad. Ang buhay
na
isinama pabalik sa pinagmulan ng
lahat
ng bagay.
Ezekiel 8: 1-18
Ang Pangitain Tungkol sa
Kasuklam-suklam na Gawain ng Israel
1 Ikalimang araw ng ikaanim
na buwan ng ikaanim na taon. Kaharap ko noon sa aming bahay ang pinuno ng Juda
nang ako'y lukuban ng kapangyarihan ng Panginoong Yahweh. 2
Nagkaroon ako ng pangitain. May nakita akong parang tao. Ang ibaba ng kanyang
baywang ay parang apoy at sa itaas ay maningning na parang makinis na tanso. 3 Nakita kong iniunat ang tila kamay. Hinawakan
ako nito sa buhok at itinaas sa kalagitnaan ng langit at ng lupa. Dinala ako sa
Jerusalem, sa pagpasok sa patyo, sa gawing hilaga, sa may kinalalagyan ng
rebulto na naging dahilan ng paninibugho ni Yahweh. 4
At naroon ang kaluwalhatian ng Diyos ng Israel, tulad ng nakita ko sa pangitain
sa kapatagan. 5 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, tumingin ka sa gawing hilaga." Tumingin nga ako at sa pagpasok sa altar ay nakita ko ang diyus-diyosang sanhi ng kanyang paninibugho. 6 Sinabi niya sa akin, "Nakita mo na ang kasuklam-suklam na bagay na ginagawa ng bayang Israel upang ako'y palayasin sa aking santuwaryo? Higit pa riyan ang ipapakita ko sa iyo."
7 At dinala niya ako sa may pinto ng patyo. Ang nakita ko'y isang butas sa pader. 8 Sinabi niya sa akin, "Lakihan mo ang butas ng pader." Gayon nga ang ginawa ko at may nakita akong pinto. 9 Sinabi niya sa akin, "Pumasok ka at tingnan mo ang kasuklam-suklam nilang gawain." 10 Pumasok nga ako at sa palibot ng pader ay nakita ko ang larawan ng lahat ng hayop na gumagapang, nakakapandiring mga halimaw, at ang iba't ibang diyus-diyosan ng Israel. 11 Sa harap ng mga ito, nakatayo ang pitumpung matatanda ng Israel sa pangunguna ni Jaazanias na anak ni Safan. Bawat isa'y nagsusunog ng insenso. 12 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Ezekiel, anak ng tao, nakita mo ang ginagawa nila sa madilim na silid na ito? Sinasabi pa nilang hindi ko sila makikita roon sapagkat wala ako roon. 13 Masahol pa riyan ang makikita mo."
14 Dinala niya ako sa pintuan sa hilaga ng pagpasok sa Templo, at doo'y may mga babaing nananangis para kay Tamuz. 15 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Masahol pa riyan ang makikita mo."
16 Dinala niya ako sa patyo sa loob ng Templo. Sa pagitan ng balkonahe at ng altar ay may nakita akong mga dalawampu't limang tao. Nakatalikod sila sa Templo, nakaharap sa silangan at sumasamba sa araw. 17 Sinabi sa akin ni Yahweh, "Nakikita mo ba iyan? Maliit na bagay ba ang ginagawa ng sambahayan ng Juda na punuin ng karahasan ang buong lupain? Lalo lang nila akong ginagalit sa ginagawa nilang iyan. 18 Kaya nga, paparusahan ko sila. Wala akong patatawarin ni isa man sa kanila. Dumaing man sila sa akin, hindi ko sila diringgin."
Ano
ang layunin ng meditasyon?
Ang meditasyon sa isang pangunahing antas ay nagsisilbing magpatahimik ng panloob na pakikipagdaldalan na sanhi ng ego at iyon ang iyong pinakamalaking hamon. Ang meditasyon ay simpleng pagpapatahimik ng kaisipan. Hindi mo maaaring mapatahimik ang iyong kaisipan hanggang sa hindi mo aktwal na subukang gawin ito.
Ang meditasyon sa isang pangunahing antas ay nagsisilbing magpatahimik ng panloob na pakikipagdaldalan na sanhi ng ego at iyon ang iyong pinakamalaking hamon. Ang meditasyon ay simpleng pagpapatahimik ng kaisipan. Hindi mo maaaring mapatahimik ang iyong kaisipan hanggang sa hindi mo aktwal na subukang gawin ito.
At
gamit ang mga diskarte sa
meditasyon,
ito ay talagang isang instrumento
para lamang sa konsentrasyon.
Ang
buong layunin ng
konsentrasyon
ay
gumawa
ng kontrol sa intelektwal na
proseso.
Upang
mapatahimik
ang walang katapusang
tren
ng mga pag-iisip na dumadating
sa
isang iba't ibang mga
estado
ng
diwa, at
ng
ibang mga estado
ng
kamalayan.
Kapag
pinatahimik
natin ang ating kalooban parehas iyan sa hindi
pagkilala
sa
mga
pag-iisip ng
ego
magagawa
nating
hindi manatili sa
na-aantok
na estado.
Tinalakay
natin ang
3
mga
proseso ng estado
ang
pagkakakilanlan,
pagkahalina
at
pagkatapos
ay ang pagtulog.
Ang
ego ay
nagpapasok ng
mga
iisipin o
ng mga
imahe
sa
ating kaisipan
at
nakikilala natin
sila na
nagiging
isang distraksyon
pagkatapos
magsisimula
tayong
mahalina
kaya
nag-iisip
tayo tungkol dito, magpapantasya tayo,
mangangarap
tayo, magpaplano tayo
ng
buong oras
ang
proseso ay nangyayari ang
kamalayan
ay
mahihimbing na at nakakatulog.
Ang
pagkilala,
pagkahalina,
at
ang
pagtulog.
Ang
lahat ng mga
pag-iisip
ang
mga imahe na nakikita
ay
hindi pinipili ng iyong kaisipan sila ay
kumikilos
bilang
isang distraksyon.
Nakipagkilala
ka
sa kanila na
magdudulot
sa iyong mahalina
sa
kanila. Kapag nahalina
ka
sa
kanila ikaw ay
tinanggal
mula sa kasalukuyan
sandali.
Ikaw
ay tinanggal palabas mula sa
walang
hanggang sandali.
Makikita
mo ang iyong sarili
pabalik
sa
nakaraan,
binubuhay
ang iyong memorya at nakalipas na
karanasan
o
nakita
mo ang iyong sarili nalubak
sa
hinaharap.
Tumatanggi,
nangangarap,
nagpaplano
at nagmumuni-muni sa parehong
bagay
na
maaaring
mangyari. Ang buong
panahon
na
nagaganap
iyon ang iyong kamalayan ay
mahimbing na natutulog.
At
ang buong landas
patungo
sa pag-gising ng
kamalayan
ay
nagsisimula sa pamamagitan ng
pag-unawa
sa kung paano i-sarado ang
ego.
Ang
hindi pagtulog
ay
katumbas ng estado
ng
gising
na kamalayan at
iyon
ang sinusubukan nating makamit.
Upang
gisingin
ang
kamalayan
kailangan nating alisin ang tinatawag nating
walang
pagtulog na estado
ang
ego
ang
hindi
totoong sarili. Ang
kamalayan
ay
kumakatawan sa tunay na sarili,
ang
mas
mataas na sarili. Kailangan nating isara
ang
ego
upang
direktang gumana
sa
ating kamalayan.
Kaya
sa kabalintunaan
ang
meditasyon kahit na ito ay
payapa
at
nakakarelaks
sa
pisikal
na katawan minsan sa ilang sandali
tayo ay
bumababa sa
estado
ng
pagtulog.
Tayo
ay talagang gumigising ng kamalayan sa pamamagitan ng meditasyon.
Ang
tatlong hakbang na
proseso,
pagkilala,
pagkahalina
at
pagtulog.
Ang
karapat-dapat sa panahon ng
meditasyon
ay
hindi tayo dapat makipagkilala sa ating naiisip at sa mga imahe
na
inilalabas
ng ating iniisip.
Gusto
nating makita ang
mga
iniisip
at
mga imahe tulad ng
mga
sasakyan sa kalye,
sila ay simpleng lumalampas sa atin hindi tayo
nakikipagkilala sa kanila.
Tulad
ng ulap na naaanod
ng
kalangitan.
Karaniwan
ang
nangyayari habang nakikita nating dumadaan
ang mga kotse
sa
isang normal na estado
ng
pag-iisip ay upang
kilalanin
ang
isa sa mga
kotse
buksan
ito sumakay sa loob at pumayag tayong
isama sa biyahe. Hayaan
ang
ego
ang
magdala sa atin
sa
isang lugar sa nakaraan o
sa
hinaharap ngunit
aalisin
tayo mula sa kasalukuyan
sandali.
Ang gusto nating gawin ay simpleng
pabayaang dumaan ang kotse ng walang pagkilala sa kanila. Sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng ating konsentrasyon sa pamamagitan ng pagpapanatili sa ating pocus
sa anumang mga kasanayan ito ay kusang mangyayari at makukuha nating makarating
sa mataas nating pagkakalikha.
Sinabi ng isang Dtef master na ang pinaka-mataas na paraan ng pag-iisip ay ang hindi pag-iisip. Ang pinaka-mataas na porma ng pag-iisip ay ang walang iniisip. At ito ay tunay na isang kakaibang bagay upang ilarawan dahil marami tayong iniisip na pumupunta sa ating kaisipan. Maaaring ipagpalagay natin ang mga emosyon at mga imahe na lumilipad sa ating mga isip sa isang ibinigay na oras na talagang mahirap na isipin kung ano itong walang iniisip.
Mateo 6:
31
"Kaya't huwag kayong mag-isip baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o
damit. 32 Hindi ba't ang mga
Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na
nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan. 33
Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos e at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at
ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan. 34 "Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw."
Pahayag 19:
9 At sinabi sa akin ng
anghel, "Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng
Kordero." Idinugtong pa niya, "Ito ay tunay na mga salita ng
Diyos."10 Nagpatirapa ako sa kanyang paanan upang sambahin siya, ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo at tulad ng ibang mga mananampalatayang nagpatotoo tungkol kay Jesus. Ang Diyos ang sambahin mo, sapagkat ang katotohanang ipinahayag ni Jesus ay siyang diwa ng lahat ng ipinahayag ng mga propeta!"
Ang Nakasakay sa Kabayong Puti
11 Pagkaraan nito'y
nabuksan ang langit, at nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito'y
tinawag na Tapat at Totoo, sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. 12 Parang nagliliyab na apoy ang kanyang mga mata,
at napuputungan siya ng maraming korona. Nakasulat sa kanyang katawan ang
pangalan niya, ngunit siya lamang ang nakakaalam ng kahulugan niyon. 13 Puno ng dugo ang kanyang kasuotan at ang tawag
sa kanya ay "Salita ng Diyos." 14
Sumusunod sa kanya ang mga hukbo ng langit, na nakadamit ng malinis at puting
lino at nakasakay rin sa mga kabayong puti. 15
May matalim na tabak na lumabas sa kanyang bibig upang gamitin niyang panlupig
sa mga bansa. Mamamahala siya sa mga ito sa pamamagitan ng tungkod na bakal at
paaagusin mula sa pisaan ng ubas ang alak ng poot ng Diyos na Makapangyarihan
sa lahat. 16 Nakasulat sa kanyang
kasuotan at sa kanyang hita ang ganitong pangalan: "Hari ng mga hari at
Panginoon ng mga panginoon."17 Nakita ko naman ang isang anghel na nakatayo sa araw. Tinawag niya ang mga ibon sa himpapawid, "Halikayo, at magkatipon sa malaking handaan ng Diyos! 18 Kainin ninyo ang laman ng mga hari, ng mga kapitan, ng mga kawal, ng mga kabayo at ng kanilang mga sakay. Kainin din ninyo ang laman ng lahat ng tao, alipin at malaya, hamak at dakila!"
19 At nakita kong nagkatipon ang halimaw at ang mga hari sa lupa, kasama ang kanilang mga hukbo upang kalabanin ang nakasakay sa kabayo at ang hukbo nito. 20 Nabihag ang halimaw, gayundin ang huwad na propeta na gumawa ng mga kababalaghan sa harap ng halimaw upang dayain ang mga taong may tanda ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ang halimaw at ang huwad na propeta ay inihagis nang buhay sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre. 21 Ang kanilang mga hukbo ay pinatay sa pamamagitan ng tabak na lumabas sa bibig ng nakasakay sa kabayo. Nabusog nang husto ang mga ibon sa pagkain ng kanilang mga bangkay.
Nakatatawa
kung
ating iisipin ang
isang
estado
ng
walang
iniisip. Parang nakakainip doon. Parang
walang mangyayari doon. Pero sa totoo
ito
ay
eksaktong kabaligtaran,
kapag
nagagawa
nating isara
ang
proseso ng pag-iisip maaari nating
matuklasan
ang ibang
bagay na
matagal ng nandoon
sa
likuran
na
hindi natin napapansin.
Ito
ay isang higit na mas
mataas
na estado
ng
pag-iral o pagkakalikha. Ito ay
higit
na mas mataas na
estado
ng
kamalayan.
Ang
pinaka-mataas na estado
ng
bagay
ay
nangyayari kapag sinarado
natin
ang intelektwal na sentro.
Kapag
sinarado
natin
ang ego na patuloy na
nagpapadala
ng
lahat ng mga
iniisip
at
mga imahe sa tabing
ng
ating mga kaisipan.
Kapag
maaari
nating isara
ang mga
ito maaari nating maranasan
ang
mas mataas na estado
ng
ating pagkatao,
ang
mas mataas na porma ng
kamalayan.
Mayroong
koneksyon sa pagitan ng meditasyon
at
ng
ego
na
ating
galugarin.
Kapag
nakamit
natin
ang
hindi pag-iisip at
katahimikan
ng
kaisipan
doon
ang ego ay nagiging
wala.
Kapag
pinatahimik
natin ang kaisipan
talagang
ang sinasabi ay isarado ang
pang-labas
ng
ego,
patahimikin
ang
ego
o
payagan ang
kamalayan
na
kumuha ng kontrol sa
intelektwal
na sentro.
Karaniwan
ang
kaisipan
ang
intelektwal
na sentro ay isang kasangkapan ng
ego
na
lumilikha ng halos sa
30-40,000
na mga
pag-iisip ng isang karaniwang tao
na
nararanasan sa loob ng isang araw.
Ang
gusto
nating
gawin ay maibalik ang
kontrol sa
intelektwal
na sentro at ibigay
ito
sa
kamalayan upang makamit ang iba't ibang mga
estado
ng
kamalayan.
Kapag
makamit
natin
ang hindi pag-galaw at
katahimikan
ng
kaisipan
na
ang ibig sabihin kapag
hininto
natin ang pagkilala sa
ego
at
ating isa-aktibo
ang
kamalayan doon
makakamit
natin
ang iba't ibang mga estado
na
kung ano ang sinusubukan
nating
gawin sa
meditasyon.
Tanging
sa kawalan ng
ego
makakayang
makaranas
ng
lubos na kaligayahan at ng tunay na
kapayapaan.
Tanging sa
kawalan
ng
ego
lamang
maaaring nating
maranasan
ang tunay at totoo. Tanging sa
kawalan
ng
ego
lamang
maaaring nating
maranasan
ang
katotohanan. Iyon ang
isang
bagay na dapat nating marating sa
loob
ng ating sariling kamalayan.
Iyon
ang
dahilan kung bakit hindi natin makokontrol
kung
ano ang katotohanan,
iyon
ang
dahilan kung bakit hindi natin
maaaring
makita kung paano
makarating
sa
katotohanan ito
ay
isang bagay na kailangan nating gawin
sa
ating sarili dahil ang
ego
ay kailangang
maging wala.
Kailangan
mong matutunang isarado ang iyong ego para direktang gumana sa iyong kamalayan.
Dahil sa
kamalayan
lamang
tayo pwedeng makarating at maranasan
ang
tunay na kapayapaan.
Mararamdam
mo
ang pakiramdam ng katiwasayan
ng
pag-ibig
at lubos na kaligayahan.
Sa
kawalan
lamang ng
ego
o pagpapahalaga sa sarili
maaari
nating maunawaan ang
realidad,
maaari
nating maintindihan
ang
katotohanan.
Kapag
ang ego ay
wala
ang
esensiya
natin ay maaaring makawala
at
pasukin
ang
superior
o
mas mataas na mundo.
Kapag
ang
isip
ay
nasa isang walang kibong estado
at
nasa estado
ng pagtanggap, ganap
na
hindi kumikibo at nasa
katahimikan
ang
esensiya
ay
nakakalaya
mula
sa kaisipan at
saka
dumarating ang lubos na kaligayahan.
Naalala
mo ba ang kuwento
ni
Aladdin
at
ang
lampara.
Noong
makita ni Aladdin
ang
lampara
at
hagurin
niya
ito ang mahiwagang
nilikha
ang genie sumiklab palabas.
Tandaan
na
ito ay analohiya lamang
ang
relasyon sa pagitan ng mga
mas
mataas na sarili,
ang
kaluluwa,
ang
kamalayan.
Ang mga ito
talaga
ay
nangangahulugan ng parehong mga bagay at
ang
ego.
Ang
lahat ng mga iba't-ibang
ego
na
nabitag natin sa ating kamalayan
ay
nakabitag din sa banal na
kislap
na nasa
loob natin.
Ang
ginagawa natin sa
pamamagitan ng meditasyon
ay
ang isarado ang
mga
ego para payagan natin ang esensiya
na
makalaya.
Iyon
ay tulad ni Aladdin
ng
hinahagod ang lampara.
Ang
paghagod ni Aladdin sa
lampara
ay
analohiya
para
sa meditasyon ang nangyayari
ay
ang mahiwagang nilikha
ay
lumalabas sa lampara,
ang
lampara
ay
kumakatawan sa presensiya
ng
ego
ang
mahiwagang
nilikha
ang genie ay kumakatawan sa esensiya
para
sa kamalayan.
Ang
ego
ay
katulad ng isang bigat, o
isang
kadena
o
isang
angkla
na
nagpapanatili
sa esensiya na nakatali
sa
pisikal
na kalagayan kapag natutunan nating
mapatahimik
ang
isip
kapag
natuto
tayong
i-sarado
ang ego, ang
esensiya
ay maaari palayain ang
kanyang sarili at ang una
ang
esensiya
ay nagagawang sumanib sa kanyang sarili pabalik sa
mas
mataas na mga dimensyon.
At
ito
ay isang proseso na
tayo ay ganap
na may kaalaman. Alam natin kapag
ito ay nangyayari, alam natin kapag iniwanan natin
ang
ating katawan at
tumagos
sa iba't ibang estado
ng
kamalayan.
Kapag
pumunta
tayo
sa mas mataas na dimensyon
matututunan
natin ang mga bagay, maaari
tayong
makatanggap ng mga mensahe
na
maaari
nating magawa
doon
pagkatapos
tayo
ay bumabalik pabalik sa
pisikal
na katawan pinapanatili natin
ang memorya ng
lahat
ng bagay na nakita natin,
natutunan, at
ginawa,
matapos
tayong makalabas doon.
Kaya
kapag
sinarado natin ang ego, pinapayagan natin
ang
esensiya
na makalaya mismo
at
pumunta sa isang
iba't
ibang mga estado,
patataasin
ang ating sarili sa ibang
antas
ng
kamalayan.
Kapag
ang
kaisipan
ay
tahimik at
nasa
estado
ng pag-tanggap, alam natin na
nangangahulugan
ito na
hindi reaktibo
ang
ego.
Ang
normal
na estado ng
kamalayan
ay
napaka-reaktibo
sa
pamamagitan ng pagpapatahimik
ng
kaisipan
para
makapagtrabaho kasama ang kamalayan ay dapat na tahimik
at
tumatanggap,
hindi
ito reaktibo tulad
ng
nakikita
sa
ego
ganap
na hindi kumikilos at nasa katahimikan
ang
esensiya
ay
nakakalaya
mula
sa isip at ang
lubos
na kaligayahan ay lumabas. Ang lubos na kaligayahan
ay
ang karanasan ang
esensiya na
sumasanib mismo sa
mas
mataas na mga dimensyon.
Ang
meditasyon ay isang
estado
ng
walang iniisip. Ito ang tanging paraan upang
gisingin
ang
esensiya,
ito ang tanging paraan upang
palayain
ang
esensiya.
Ito
ay tulad ng isang pag-eehersisyo
para
sa esensiya, ang
esensiya
ay
kapareho ng kamalayan,
ang
parehong bagay ng
mas
mataas sa sarili,
parehong
bagay
ng
banal
na kislap, parehong bagay sa
kaluluwa
kaya
maraming
mga salita upang ilarawan
ang
parehong karanasan.
Kaya
ang
meditasyon ay
isang
paraan
para sa
atin
upang
gisingin
ang
esensiya,
ito
ang
dahilan
kung
bakit
ang
meditasyon ay
ang
araw-araw
na
tinapay
ng
matalino.
Ang
meditasyon araw-araw
o
ang
regular na meditasyon ay
nagbibigay-daan
sa
atin
upang
mapalago
at
mapaunlad pati ang ating esensiya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento