Ang batas at kapangyarihan ng Baston ng nag-didivino sa pang gagamot ispiritual, pangparusa o combatis
ispiritual at ibat ibang himala.
Awit 23:4 Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan,
wala akong katatakutan, pagkat
ika'y aking kaagapay.
Ang tungkod mo at pamalo, aking
gabay at sanggalang.
The rod is the shepherd's primary offensive weapon for protecting the flock from
1 Itinanong ni Moises, "Anong gagawin ko kung
hindi makinig sa akin ang mga Israelita at hindi maniwalang nagpakita kayo sa
akin?"
2 "Ano iyang hawak mo?" tanong sa kanya ni
Yahweh.
"Tungkod po," sagot ni Moises.
3 "Ihagis mo sa lupa!" utos ni Yahweh.
Inihagis nga ito ni Moises sa lupa at ito'y naging ahas, kaya't siya'y
tumakbong palayo. 4 Sinabi sa kanya ni Yahweh,
"Hawakan mo sa buntot ang ahas." Hinawakan nga ni Moises at ito'y
naging tungkod muli. 5 "Ganyan ang gagawin mo
para maniwala silang nagpakita ako sa iyo, ang Diyos ng inyong mga ninuno, ang
Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob," sabi ni Yahweh.
6 "Ipasok mo ang iyong kamay sa damit mo, sa
tapat ng iyong dibdib," utos ni Yahweh. Gayon nga ang ginawa ni Moises at
nang ilabas niya, ito'y nagkaroon ng sakit sa balat na parang ketong na kasimputi
ng niyebe. 7 "Ipasok mo uli," utos ni
Yahweh at sumunod naman si Moises. Nang ilabas niyang muli ang kanyang kamay,
nagbalik na ito sa dati. 8 Sinabi ng Diyos,
"Kung ayaw ka pa nilang paniwalaan sa unang kababalaghan, malamang na
paniniwalaan ka na nila sa ikalawa. 9 Kung ayaw pa
rin nilang makinig sa iyo, kumuha ka ng tubig sa Ilog Nilo, ibuhos mo sa lupa
at ang tubig na iyon ay magiging dugo."
10 Sinabi ni Moises kay Yahweh, "Panginoon, sa
mula't mula pa'y hindi po ako mahusay magsalita. Bagama't nangusap ka na sa
akin, hanggang ngayo'y pautal-utal pa rin ako kung magsalita."
11 Sinabi ni Yahweh, "Sino ba ang gumagawa sa
bibig ng tao? Sino ang may kapangyarihan para maging bingi o pipi ang isang
tao? At sino rin ba ang nagbibigay ng paningin at nag-aalis nito? Hindi ba't
akong si Yahweh? 12 Kaya nga, lumakad ka na at
tutulungan kita sa pagsasalita at ituturo ko sa iyo ang iyong sasabihin."
13 "Yahweh, maaari po bang iba na lang ang
inyong suguin?" sagot ni Moises.
14 Dahil dito, nagalit si Yahweh kay Moises. Sinabi
niya, "Hindi ba kapatid mo ang Levitang si Aaron? Alam kong mahusay siyang
magsalita. Darating siya at makikipagkita sa iyo; matutuwa siya sa pagkikita
ninyo. 15 Kausapin mo siya at sabihin mo ang lahat ng
dapat niyang sabihin. Tutulungan ko kayo sa pagsasalita at ituturo ko sa inyo
ang inyong dapat gawin. 16 Siya ang magiging
tagapagsalita mo sa mga tao at ikaw ang magiging tagapagsalita ng Diyos na
magsasabi naman sa kanya kung ano ang sasabihin niya. 17
Dalhin mo ang iyong tungkod sapagkat iyan ang gagamitin mo sa paggawa ng mga
kababalaghan."
Ang Tungkod ni Aaron
1 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 2
"Sabihin mo sa mga Israelita na ang pinuno ng bawat lipi ay magbigay sa
iyo ng tig-iisang tungkod. Isusulat nila ang kanilang mga pangalan dito. 3 Ang pangalan ni Aaron ang isusulat mo sa tungkod ng lipi
ni Levi sapagkat bawat pinuno ng lipi ay dapat magkaroon ng iisa lamang
tungkod. 4 Ilalagay mo ang mga tungkod na iyon sa
loob ng Toldang Tipanan sa harap ng Kaban ng Tipan, sa lugar kung saan kita
kinatatagpo. 5 Ang tungkod ng taong aking pinili ay
mamumulaklak. Sa ganoon, matitigil na ang pagrereklamo nila laban sa iyo."
6 Ganoon nga ang sinabi ni Moises at nagbigay sa
kanya ng tungkod ang mga pinuno ng bawat lipi. Labindalawa lahat pati ang
tungkod ni Aaron. 7 Ang mga ito'y inilagay ni Moises
sa harapan ni Yahweh, sa loob ng Toldang Tipanan.
8 Kinabukasan, nang pumasok sa Toldang Tipanan si
Moises, nakita niyang may usbong ang tungkod ni Aaron. Bukod sa usbong,
namulaklak pa ito at namunga ng hinog na almendra. 9
Inilabas ni Moises ang lahat ng tungkod at ipinakita sa mga Israelita. Nakita
nila ang nangyari, at kinuha na ng mga pinuno ang kani-kanilang tungkod. 10 Sinabi ni Yahweh kay Moises, "Ibalik mo sa harap ng
Kaban ng Tipan ang tungkod ni Aaron upang maging babala sa mga naghihimagsik.
Mamamatay sila kung hindi sila titigil ng karereklamo." 11 Ginawa nga ito ni Moises ayon sa iniutos ni Yahweh.
8 Hingin
mo ang mga bansa't ibibigay ko sa iyo,
maging ang buong daigdig ay ipapamana ko.
9 Dudurugin mo sila ng tungkod
na bakal;
tulad ng palayok, sila'y magkakabasag-basag.'"
8 Sinabi pa ni Yahweh kina Moises at Aaron, 9 "Kapag sinabi sa inyo ng Faraon na magpakita kayo ng
kababalaghan bilang katunayan ng pagkasugo ko sa inyo, sabihin mo kay Aaron na
ihagis ang kanyang tungkod sa harapan ng Faraon at magiging ahas iyon." 10 Nagpunta nga sila sa Faraon tulad ng sinabi ni Yahweh.
Pagdating doon, inihagis ni Aaron ang kanyang tungkod sa harapan ng Faraon at
ng mga tauhan nito. At naging ahas nga ang tungkod. 11
Kaya ipinatawag ng Faraon ang mga matatalinong tao at mga salamangkero at sa
pamamagitan ng kanilang lihim na karunungan ay ipinagaya ang ginawa ni Aaron. 12 Inihagis nila sa lupa ang kanilang mga tungkod at naging
ahas din, ngunit ang mga ito'y nilulon ng tungkod ni Aaron.
Sopistikadong
estratehiya sa pakikipag-Combatis.
Job
7:1The life of man upon earth is a warfare. Ang buhay ng isang tao sa
mundo ay isang digmaan.
Si vis pacem,
para bellum is a Latin adage translated as, “If you want peace, prepare
for war” (usually interpreted as meaning peace through strength—a strong society being less
likely to be attacked by enemies)
Ang digmaang ito ay umiiral sa maraming antas.
Malinaw, na mayroon tayong mga kalaban sa kabilang panig. Ang mundo ay naging
lalong mapagkumpitensya at masama. Sa pulitika, sa negosyo, sa pamilya, sa mga
kaibigan o kakilala, kahit na sa mga relihiyon, nakakaharap natin ang mga
kalaban na gagawin ang halos lahat ng bagay upang makakuha ng kalamangan at
tayo’y bigyan ng mga sakit at kahirapan.
Gayunpaman, ang mas nakakabahala at masalimuot
ay ang mga kalaban na kinakaharap natin ay mga taong kasama pa natin at
nagpapanggap na ating kakampi. May mga nakakasama tayo na magaling magpanggap,
na kumikilos na napakabaet at hindi tayo kinakalaban, ngunit sinasabotahe tayo
sa likod ng mga eksena, ginagamit ang ating grupo o pamilya upang itaguyod ang
kanilang sariling agenda.
Ang sagradong aklat na ito tungkol sa sopistikadong estratehiya sa pakikipag-combatis. Ito ay isang destilasyon ng walang hanggang karunungan na nasa ating mga aralin at nasa mga prinsipyo ng pakikidigma. Ang programang ito ay idinisenyo upang bigyan ka ng praktikal na kaalaman na makapagbigay sa iyo ng walang katapusang mga opsyon at mga pakinabang sa pagharap sa mga madudulas at magagaling na kalaban na umaatake sa iyo sa araw-araw na labanan.
Maging ito man ay isang mangkukulam, mambabarang, diaboliko, mga engkanto diaboliko, mga masasamang elemento maging kamag-anak o kaibigan o kakilala na nagbabayad upang mabaunan o mabira tayo ng mga sakit at negative energies na magpapahina sa atin.
Tumataas ang nag aaral ng Pangkukulam at
maging ang mga biktima ng kulam. Noong makalipas na mga taon maraming reseach
ang ginawa sa Stony Brook Medical College sa New York, USA at naging
conclusyon nila na ang pangkukulam ay totoong nakakamatay ito man ay
pinatunayan sa biblia. • Ang iyong interes sa ispiritual ay
bumabagsak, ayaw mo ng manalangin, wala ka ng pananampalataya sa Dios Ama,
Dios Anak at Dios Ispiritu Santo maging kay Mama Mary at sa ibat ibang angel
na pinadadala sa iyo upang tulungan ka. Maraming mga
sintomas ang maaaring makita sa taong kinukulam ang lahat ng ito ay depende
sa estado ng conciousness ng isang biktima at ang mga uri ng masamang
Espiritu na umi-impluwensiya sa kanya na nakaka-apekto sa biktima. "ANG MGA
SUMUSUNOD AY MGA PALATANDAANG MAY AKTIBIDAD NG KULAM • Nakakakita ka ng
mga mukha ng mga taong hindi mo kilala, nakakakita ka ng mga mukha o imahe na
nakakatakot. "KARAGDAGANG
MGA SINTOMAS NG NAKUKULAM O MAY NANGINGIALAM NA MASAMANG ESPIRITU NA NAUUKOL
SA MGA BABAE LAMANG:" • Gasgas marka sa
paligid ng hita o maselang bahagi ng katawan. "KARAGDAGANG
MGA SINTOMAS KAPAG MAY KULAM O NANGINGIALAM NA MASAMANG ESPIRITU NAUUKOL SA
BUHAY ESPIRITUAL NG MGA TAO:" • Ang iyong
interes sa ispiritual ay bumabagsak, nahihirapan ka ng manalangin, at sumamba
sa Panginoong Jesu Kristo, na parang may pumipigil sayong manalangin at
magsimba sa Diyos, na parang may nakaharang at agad na pumipigil kapag gusto
mo manalangin at sumamba sa Diyos. •Sa mga malubhang
kaso kung saan na ang demonyo na ang sumasanib, ang biktima ay maaaring
manakit sa kanyang sarili at sa mga tao sa paligid (demon possession)
maaaring biglang magpakamatay o makapatay ng tao ang biktima. ANO ANG DAPAT
GAWIN? |
Ang bawat bahagi ng programang ito ay isang estratehiya na naglalayong maglutas ng isang partikular na suliranin na kadalasan nating nasasagupa. Ang mga estratehiya ay mula sa mga nakatagong kasulatan at mga kasanayan ng mga pinakadakilang mga mandirigma sa kasaysayan at pati na rin ang pinakadakilang mga istrategist na sumasaklaw mula sa mga pangunahing estratehiya ng klasikal na digmaan, maging sa maruming hindi kinaugaliang mga estratehiya sa modernong panahon.
Ang programa ay nahahati sa mga bahagi tulad ng ituturo natin sa ating sarili kung paano ihanda ang ating isip at diwa, ang organisasyon ng digmaan, paano gumawa ng istraktura at maudyukan ang ating hukbong lumaban sa digmaan. Ituturo rito hindi lamang tungkol sa digmaan, pati na rin ang istratehiya sa politika, kultura at sa sosyal na pamumuhay, sa sports at maging sa negosyo na magpapakita ng malapit na koneksyon sa pagitan ng militar at sa sosyal na pamumuhay. Ang mga estratehiyang ito ay maaaring magamit sa mga pakikibaka sa bawat antas ng inorganisang warfare, sa labanang pulitika at maging sa personal na relasyon.
Sa huli ang estratehiya ay isang sining na nangangailangan ng hindi lamang ng iba't ibang paraan ng pag-iisip ngunit ng magkakaibang diskarte sa buhay. Madalas may banggaan sa pagitan ng ating mga ideya at kaalaman. Sa kabilang banda ang ating aktwal na karanasan ay nakakakuha ng mga bagay na walang kabuluhan at impormasyon na nananatili sa espasyo ng ating kaisipan na nagdadala sa atin sa kawalan at nagdidivert sa atin sa mga bagay na walang halaga sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.Mayroon tayong matataas na ideya na hindi natin nagagamit, marami tayong saganang karanasan na hindi natin sinusuri nang sapat kaya hindi ito nakapagbibigay ng inspirasyon. Mga ideya na may leksyon na hindi natin pinapansin o pinahahalagahan.
Ang istratehiya
ay nangangailangan ng patuloy na pakikipag-ugnay sa pagitan ng dalawang
kaharian, ito ay praktikal na kaalaman sa pinakamataas na porma ng dakilang
pangyayari sa ating buhay. At ang buhay ay walang halaga kung hindi natin
sasalaminin ang mga ito sa isang malalim na paraan sapagkat ang mga ideya mula
sa mga sagradong aklat ay walang kahulugan kung hindi mo ito gagamitin.Kung
mabubuhay sa istratehiya, ang buhay ay isang laro na mataas ang tiyansang
manalo ngunit nangangailangan din ng malalim at seryosong atensyon kaya
kailangang isalin ito sa aksyon at pagkilos.
Dapat din na isalin ang kaalaman sa ganitong paraan ng istratehiya upang
maging panghabambuhay na hamon at mapagtagumpayan ang mga mahihirap na
situwasyon at malutas ang ating mga problema.
Ang
digmaang tayo ang nag-umpisa o anumang uri ng labanan kapag tayo ay dumedepensa
ay naitataguyod at napapalanunan sa pamamagitan ng istratehiya sa serye ng mga
linya at mga pana na nakatuon sa goal na isang pagkuha sa isang tiyak na punto
sa mundo at makakatulong sa atin na ma-atake ang isang problema na nasa ang
ating landas habang pinag-aaralan natin kung paano palibutan at sirain ang
ating mga kaaway. Bago itutok ang mga arrows sa iyong mga kaaway dapat mo
munang idirekta ang mga ito sa iyong sarili, sapagkat ang iyong kaisipan ay ang
panimulang punto ng lahat ng digmaan at ng lahat ng istratehiya. Ang kaisipan
na madaling lamunin ng mga emosyon na naka-ugat sa nakaraan sa halip na sa
kasalukuyang panahon na hindi makita ang mundo ng may kaliwanagan at
pangangailangan ng madaliang pagkilos ay lilikha ng mga estratehiya na palaging
makaligtaan ang marka upang maging isang tunay na strategist. Dapat muna nating gawin ang tatlong hakbang:
Una dapat nating malaman ang ating kahinaan at karamdaman na maaaring humawak
na humayakap sa ating kaisipan. Ano ang ating estratehikong kapangyarihan? Pangalawa, magdeklara ng isang uri ng digmaan
sa ating sarili upang itulak ating sariling sumulong.
Pangatlo: Magtaguyod ng walang awa at patuloy na labanan sa mga
kaaway na nasa loob mo sa pamamagitan ng paglalapat ng mga estratehiya. Ang mga
sumusunod na apat na seksyon ay dinisenyo upang ipaalam sa atin ang mga
kaguluhan na marahil ay yumayabong sa ating kaisipan at upang maarmasan tayo ng
mga tiyak na mga diskarte para maalis
ang mga kalituhan sa ating kaisipan. Ang seksyon na ito ay mga arrows upang
maitutok sa ating sarili sapagkat sa sandaling hinihigop ang mga ito sa
pamamagitan ng pag-iisip at pagsasanay, sila ay maglilingkod bilang isang
self-corrective na aparato sa lahat ng ating mga hinaharap na laban na
magpapakawala ng makapangyarihang tatak ng istratehiya na nasa loob natin.
Nabubuhay
tayo sa isang kultura na nagtataguyod ng demokratikong pamumuhay, ng pagiging
patas sa isa’t isa at ang kahalagahan ng pagsali sa isang grupo at pag-alam
kung paano makikipagtulungan sa ibang mga tao.
Itinuro ng maaga sa ating buhay na ang mga pakikipagaway at pagiging
agresibo ay magbabayad ng isang panlipunang presyo.
Mawawalan siya ng kaibigan, kamag anak, o kakilala
at mahihiwalay siya sa pinahahalagahang pagkakaisa at kooperasyon. Itinuturo sa
atin na upang maging matagumpay sa buhay sa pamamagitan ng panlabas na
katahimikan na yaong maagang nangunguna sa mundo ay nagpapakita sa publiko sa
pamamagitan ng mga ideya ng kawastuhan na pinakikita sa pampublikong espasyo.
Ang problema para sa atin ay sinanay tayo at pinaghanda para sa kapayapaan at
hindi tayo handa para harapin ang totoong digmaang pandaigdig.
Ang
digmaang ito ay umiiral sa maraming mga antas at lalong maliwanag na mayroon
tayong mga karibal sa kabilang panig. Ang mundo ay lalong nagiging
mapagkumpitensya at naging napakarumi, na kahit sa negosyo, sa pulitika, sa
trabaho, sa lipunan, sa pamilya, kahit na sa sining may kinakaharap tayong mga
kalaban, na gagawin ang halos lahat ng bagay upang makalamang.
Mas magulo at kumplikado, gayunpaman ang mga
laban na ating nakakaharap mula sa mga taong inaakala nating kakampi o kaibigan
na nagkukunawaring kakampi natin sa laro ng koponan na kumikilos ng
napaka-friendly at kaaya-aya ngunit sinasabotahe tayo sa likod ng mga eksena.
Na ginagamit ang ating mismong grupo upang itaguyod ang kanilang sariling
agenda.
Ang
iba ay mas mahirap makita o makilala
dahil naglalaro ng walang tutol at hindi kumokontra ngunit tumutulong sa
pagsalakay o gumamit ng lihim na pag atake habang nag aabot ng pagtulong. At
hindi niya ito nakikitang kasalanan laban sa atin, isang lihim na sandatang
nasa panlabas na anyo na tila mapayapa ngunit sa likod nito ay ang bawat lalaki
at babae para sa kanya ay dinamikong hinahawa upang makasira sa ating mga
relasyon.
Maaaring
magkaila ang ating kultura sa katotohanang ito at itaguyod ang isang banayad na
larawan ngunit alam natin at nararamdaman natin ito sa mga sugat na galing sa
labanan. Hindi dahil tayo at ang ating mga kasamahan ay mga walang dangal na
nilalang na nabigong mabuhay sa mithiin ng kapayapaan at sa pagiging makasarili
ngunit hindi natin maiiwasan kung sino tayo.
Tayo ay may simbuyo ng pagiging agresibo na
imposibleng ipagsawalang bahala o pigilin. Noon, ang isang indibidwal ay maaaring
umasa sa isang grupo, sa estado, sa pinalawak na pamilya, sa isang kumpanya
upang pangalagaan sila ngunit hindi na ito ang nangyayari. Sa isang mundo na
hindi na nagmamalasakit dapat nating isipin na una at ang pinakamahalaga ay ang
ating sarili at ang ating mga interes.
Ang kailangan natin ay hindi imposible at
hindi makataong mga ideyal ng kapayapaan at kooperasyon upang mabuhay. At ang
kalituhan na nagdadala sa atin ngunit ang praktikal na kaalaman kung paano
haharapin ang sagupaan at ang pang-araw-araw na mga labanan na ating
kinakaharap.
At
ang kaalamang ito ay hindi tungkol sa kung paano maging mas malakas sa pagkuha
ng kung ano ang gusto natin o ang pagtatanggol sa ating sarili ngunit sa halip
ay kung paano maging mas makatwiran at madiskarte pagdating sa labanan.
Ichachanel ang ating agresibong simbuyo sa halip na itanggi o pigilin ang mga
ito. kapag may isang perpektong ideal na pinupuntirya.
Dapat ang madiskarteng mandirigmang lalaki o
babae ay may kakayanang pamahalaan ang mahirap na sitwasyon at ang mga taong
pinangangasiwaan sa pamamagitan ng mabilis at intelihenteng maniobra. Ang ating
mga tagumpay at pagkabigo sa buhay ay maaaring aninagin sa kung gaano kahusay o
kung paano kapangit tayong humarap sa mga hindi maiiwasang labanan na ating
hinaharap sa lipunan.
Ang
karaniwang paraan ng pakikitungo ng mga tao sa kanila na nagsisikap umiwas
sa lahat ng mga labanan kaya nagiging
emosyonal at umaatake na pumipihit ng patago at tumatakbo ay kontra-produktibo
sa katagalan sapagkat hindi sila sumasailalim sa kamalayan at makatuwirang
kontrol at kadalasan ay nagiging mas malala ang kanilang sitwasyon.
Ang
mga istratehikong mandirigma ay nag-ooperate ng may kaibahan, sila ay nauunang
nag-iisip at nagpaplano patungo sa kanilang mga pangmatagalang goals.
Nagpapasiya kung aling laban ang pwedeng iwasan at ang labang hindi maiiwasan.
Nalalaman
kung paano kontrolin at i-channel ang kanilang mga emosyon kapag napupwersang
lumaban, ginagawa nila ito sa loob ng direksyon at banayad na maniobra na gumagawa
sa kanilang mga manipulasyon na mahirap maaninag. Sa ganitong paraan maaari
nilang mapanatili ang mapayapang panlabas na itinatangi sa mga panahong
pampulitika.
Ang
ideal na pakikipaglaban ay nagmumula sa atin mula sa organisadong digmaan na
kung saan ang sining ng estratehiya ay naimbento at nalilinang sa umpisa pa
lamang.
Sa isang digmaan na kung saan
maaaring ipakita ng isang indibidwal ang kaniyang kabayanihan maaari pang
mapalawak at mag-evolve sa isang matatag na estado. At maliwanag na ang digmaan
ay may napakaraming nakatagong mga gastos at ang paglulunsad nito nang walang
taros o walang tamang pagpaplano ay madalas na humahantong sa pagkahapo at
pagkawasak ng sarili kahit na para sa mga nagwawagi kahit paano ang digmaan ay
dapat na ipinaglalaban ng may katwiran.
Literal
na nangangahulugang ang pinuno ng estratehiyang hukbo sa ganitong diwa ay ang
sining ng heneral ng pangkalahatan na nag-uutos o nagdidirect sa kabuuang
pagpupunyagi sa digmaan, na nagpapasiya kung anong mga pormasyon magdedeploy at
kung saang lugar makikipaglaban, upang lumaban sa kung anong gagamiting
maniobra para makakuha ng kalamangan at dahil ang kaalamang ito ay sumusulong,
ang mga lider ng militar na nakatuklas nito ay mas nag-iisip at mas nagpaplano
nang mas maaga na nagreresulta ng mas mataas na posibilidad ng kanilang
tagumpay.
Ang
estratehiyang nag-iiba ay maaaring magbigay sa atin ng kapangyarihang matalo
ang mas malaki pang-hukbo at ang pagharap sa matatalinong kalaban na gumagamit
din ng kakaibang istratehiya ng may pataas na presyon upang makakuha ng
kalamangan ay tatalunin ng isang heneral na mas madiskarte, mas hindi
dumidirekta at mas matalino kaysa sa kalaban. Habang tumatagal ang sining ng
pagiging istratikong heneral ay nananatiling matatag at mas sopistikado habang
ang higit pang mga diskarte at
istratehiya ay na pipick-up kasama ang solidong prisipyo at konsepto kung paano
maiiwasan ang mga aksidente sa digmaan.
Paano
ba gumawa ng ultimate na plano, ng pinakamahusay na malakas na hukbo? Sa
kabuuan ang mga prinsipyo at mga estratehiya ay magpapahiwatig ng isang uri ng
unibersal na karunungan sa pandigma, isang hanay ng adaptable na pattern na
magtatatas sa posibilidad para manalo. Kailangan ng isang bakas ng mga
estratehikong pattern at prinsipyo na binubuo sa sining ng digmaan.
Ang
perpektong panalo sa digmaan ay ang
walang pagdanak ng dugo, sa pamamagitan ng pag-lalaro sa sikolohikal na
kahinaan ng kalaban, sa pamamagitan ng pagmamanyobra sa kanila sa walang
katiyakan posisyon, sa pamamagitan ng pagbubuyo sa damdamin ng pagkabigo at
pagkalito.
Ang
isang strategist na heneral ay maaaring makatalo ng kalaban kapag nasisira niya
ang pag-iisip at isusunod ang pisikal na pagsuko. Sa ganitong paraan ang
pagkapanalo ay maaaring magresulta sa isang mas mababang gastos at ang estado
ay nanalo. Ang digmaang kakaunti ang nabuwis na buhay at gastos ay ang
lumalagong estado na nagiging dakila sa mas mahabang panahon.
Sigurado
ang karamihan sa mga digmaan ay hindi naitalaga nang may katwiran ngunit ang
mga kampanyang iyon ayon sa kasaysayan ay lumilitaw na kakaiba sapagkat ang perpektong digmaan ay hindi isang
kahariang maihihiwalay, na diborsyado mula sa natitirang bahagi ng sosyedad.
Ito ay isang tunay na arena ng tao na puno ng pinakamamagaling at ng pinakamasasama
sa ating likas na digmaan na sumasalamin din sa mga kalakaran sa lipunan. Ang
ebolusyon patungo sa higit pang hindi kinaugaliang madayang estratehiko.
Gerilyang digmaan o terorismo ay sumasalamin ng isang katulad na ebolusyon sa
lipunan na kung saan ang anumang bagay ay pwedeng mangyari.
Ang
estratehiya na nagtatagumpay sa digmaan maging ito ay may konsiderasyon o
walang konsiderasyon ay batay sa walang hanggang sikolohiya. Ang ideyal na
estratehikong digmaan ay nabubuhay sa kataas taasang talino at may balanseng
emosyonal na pagsisikap upang manalo ng may pinakamaliit na pagdanak ng dugo at
pagkawala ng kayamanan. Ito ay may walang hangganang aplikasyon at naka-ugnay
sa ating mga pang-araw-araw na laban na nakatanim sa mga pakinabang sa ating panahon.
Marami
ang makikipag-diskusyun na ang organisadong digmaan ay likas na barbariko,
isang relikiya ng marahas na nakaraan ng tao at isang bagay na dapat
mapagtagumpayan para sa kabutihan. Para maitaguyod ang sining ng digmaan sa
isang sosyal na kalagayan kanilang sasabihing tumayo tayo sa daan ng progreso
at hikayatin ang labanan at pagaaway. Hindi pa ba sapat ang argumento sa
mundo. Ang argumentong ito ay
napaka-kaakit-akit ngunit hindi lahat ay makatwiran. Laging mayroon sa lipunan
at sa mundo ng mas agresibong tao na ang mga paraan upang makuha kung ano ang
gusto nila ay sa pamamagitan ng panloloko o pandadaya.
Dapat
tayong maging mapagbantay at dapat nating malaman kung paano ipagtanggol ang
ating sarili laban sa ganyang uring mga tao. Ang sibilisadong kabutihan ay
hindi mapapalakas kung tayo ay sapilitang pinasusuko ng mga taong tuso at
malalakas. Sa katunayan ang pagiging pasipista sa harap ng mga wolves
ay ang pinagmumulan ng walang katapusang trahedya.
Ang
iba ay makikipagtalo na ang digmaan at istratehiya ay tunay na mahalaga. Ang
mga taong hindi mapalagay lalo na ang mga taong agresibo o kabilang sa mga
elite, ang kapangyarihan, ang pag-aaral ng digmaan at diskarte ay magpapalakas
sa iyo, ang nauuna at mapanupil na pagtugis ng kapangyarihan upang ipagpatuloy
ang sarili tulad ng isang argumento ay mapanganib na bagay na walang
kapararakan.
Sa
katunayan, sa simula ang istratehiya ay pag-aari ng ilang piling Heneral o ng
Hari at ang mga sundalo ay hindi tinuturuan ng istratehiya na makakatulong sa
kanila sa larangan ng digmaan bukod sa hindi katalinuhan na armasan ang isang
sundalo ng ganitong uri ng mga praktikal na kaalaman na maaaring makatulong din
sa kanila upang makabuo ng pag-aalsa o rebelyon.
Para
mapanatili ang estratehiya at ang sining ng digmaan sapagkat ito ay isang
espesyal na kaalaman ay maglaro sa mga kamay ng mga elite o mga mayayamang
piling tao at sa kabilang mapanupil na kapangyarihan na gustong humati at
malupig.
Kung
ang istratehiya ay isang sining para makakuha ng resulta, ang paglalagay ng mga
ideya at ipractice ito dapat din itong ikalat ng malayo at malawak lalo na sa
mga tradisyonal na ang mga taong pinananatiling ignorante tungkol dito, kasama
na ang mga kababaihan sa halip na labanan ang pag-alam sa istratehiya at ang
mga kabutihang naibibigay nito sa makatwirang digmaan o ipagpalagay na bale
wala ito, mas mabuting kumprontahin ang pangangailangan nito.
Ang
pagpakadalubhasa sa sining na ito ay magreresulta ng buhay na mas tahimik at
produktibo. Sa katagalan malalaman natin kung paano gamitin ito ng manalo nang
walang karahasan at ang pagbabale-wala rito ay maghahantong sa buhay ng may
walang katapusang pagkalito at pagkatalo.
Ang
mga sumusunod ay mga pangunahing ideals na dapat nating puntiryahin para
ma-transform natin ang ating sarili na maging isang madiskarteng mandirigma sa
pang-araw-araw nating buhay. Na tingnan natin ang bagay bagay na kung ano
talaga ang mga ito hindi sa kung paano kulayan ito ng ating emosyon.
Sa istratehiya dapat nating makita kung paano
tumugon ang ating emosyon sa mga nangyayari tulad ng isang sakit na dapat
magkaroon ng lunas. Ang pagkatakot ay magbibigay sa atin ng maling pagtatantiya
sa ating kaaway at kikilos ng sobrang pagdedepensa.
Ang pagkakaroon ng galit at pagkainip o
kabalisahan ay magdadala sa atin sa walang ingat at padalos-dalos na mga
pagkilos na puputol sa ating mga opsyon. Ang sobrang pagtitiwala s ating sarili
dahil tayo ay malakas at mayaman ay maaaring mag-resulta ng maling kapalaran.
Ang pag-ibig at pagmamahal ay bubulag sa
atin sa mga mapalinlang na manyobra ng mga inaakala nating kakampi.
Kahit
na ang pinakapinong pagbabago ng ating mga emosyon ay maaaring kumulay sa
paraan ng ating pagtingin sa mga pangyayari. Ang tanging remedyo ay mabuksan
ang ating kamalayan na humihila sa ating desisyon. Ang ating emosyon ay hindi
maiiwasan, dapat nating mapansin kapag ito ay nangyayari at upang matumbasan
ang tamang gagawin.
Kapag
tayo ay nananalo at nagtatagumpay dagdagan pa natin ang ating pag-iingat. Kapag
tayo ay nagagalit at wala tayong ginagawang aksyon, kapag tayo ay natatakot at
pinalalaki ang panganib na kakaharapin. Ang digmaan o combatis ay humihingi ng
pinakamataas na katotohanan, ang pagtingin sa mga bagay bagay kung ano talaga
ang mga ito. Habang lalo nating nililimitahan o tinutumbasan ang ating pagtugon
sa mga emosyon, mas nalalapit tayo sa ideyang ito.
Husgahan
ang tao sa pamamagitan ng kanilang mga aksyon o kinikilos.
Ang
katalinuhan sa pakikipagdigma ay nagpapatotoo na walang halaga ang mahusay na
pananalita o talumpati na maaaring magpaliwanag sa pagkatalo sa larangan ng
digmaan.
Huhusgahan
ng kasaysayan ang isang heneral na nanguna sa kanyang mga hukbo sa kanilang
pagkatalo, na nagresulta sa pagkasawi ng mga buhay. Dapat nating sikaping
mai-apply ang walang awang pamantayan sa ating pang-araw-araw na buhay na
husgahan ang isang tao sa pamamagitan ng mga resulta ng kanilang mga pagkilos,
ng kanilang mga ginagawa na ating nakikita, at sukatin ang mga maniobra na
kanilang ginagamit upang makakuha ng kapangyarihan.
Tingnan kung ano ang sinasabi ng isang tao
tungkol sa ang kanilang sarili, ito ay hindi mahalaga, sapagkat sasabihin ng
isang tao ang maraming bagay sa kung ano ang kanilang nagawa, pero ang resulta
ng kanilang mga ginawa ay hindi maaaring magsinungaling.
Dapat
rin nating ilapat ang lohikang ito sa ating sarili, ang tumingin sa isang
pagkatalo upang malaman ang mga naiibang bagay na dapat ginawa. Ang ating
maling istratehiya, hindi ang madayang kalaban ang dapat sisihin sa ating
kabiguan. Tayo ang may responsibilidad sa mabuti at masamang nangyayari sa
ating buhay kasunod nito ay tumingin sa ibang tao at gumawa ng istratehikong
maneobra at subukang makuha ang pagka-panalo. May mga taong mag-aakusa sa atin
ng hindi pagiging patas.
Halimbawa
may mga taong nagsusumikap na tayo ay konsensiyahin, mga taong nagsasalita
tungkol sa katarungan at moralidad. Sila ay sumusubok makakuha ng kalamangan sa
posisyon. Depensahan natin ang ating sariling armas. Maaaring makuha ang lahat
ng bagay sa ating buhay at may ilang pagkakataon sa pangkalahatan na ang ating
mga pag-aari ay mawawala. Ang pinakabagong armas kamakailan lang ay nagiging
lipas na, iniwan tayo ng ating mga kaalyado ngunit kung ang ating kaisipan ay
armado sa sining ng digmaan, walang kapangyarihan ang maaaring mag-alis ng mga
ito.
Maging sa gitna ng isang krisis ang ating
kaisipan ay makakahanap ng paraan, ng tamang solusyon sa pagkakaroon ng mga
mahuhusay na estratehiya na nasa ating mga kamay at magbibigay sa atin ng
maniobra, ng superyor na puwersa at istratehiya para hindi tayo masakop
sapagkat ito ay nasa loob na ng ating sarili.
Isama
ang karunungan ng kalaban sa ating mga proseso, linlangin at puksain ang mga
kalaban. Lamunin ang kanilang pag-asa, pagpalain ang ating mga kawal, maging
malikhain at magkaroon ng mentalidad ng mandirigma. Maging mabagsik na leader
sa istrategik na warfare, direkta, tuso at brutal.
Laging
makipaglaban sa pinakamataas na intelihensiya at maging interesado tayo sa
digmaan. Hindi sa karahasan o sa
brutalidad at hindi sa pag-aaksaya ng mga buhay o sa kayamanan kung hindi sa
katwiran at pragmatismo na pinipilit sa atin. Ang perpektong pagkapanalo ang
dapat targetin nang walang pagdanak ng dugo. Huwag maging istupido, hangal na
madaling maloko.
Gamitin ang mataas na karunungan at
istratehiya na ang goal ay ang magamit ang brutalidad at agresyon laban sa mga
kalaban na gumagamit ng mga ito. Dapat laging nauuna sa kanilang iniisip habang kumikilos
sa hindi direktang pag-galaw upang ma-timpla ang pilosopiya at ang karunungan
sa digmaan. Lumaban sa walang pagkatalong digmaan habang itinataas natin ang
ating sarili sa itaas ng battlefield.
Ang istratehiya ng digmaan ay ang sining ng
pag-uutos sa buong taktika, sa buong operasyon ng military at sa
kabilang banda ay ang kakayahan ng pagbubuo ng hukbo para sa mismong labanan.
Ang pakikitungo sa mga agarang pangangailangan sa larangan ng digmaan. Sa buhay
na ito ang karamihan sa atin at taktisyan at hindi stratehista. Tayo ay
natatali sa hinaharap nating labanan. Kaya minsan iniisip na lang natin kung
paano natin makukuha ang gusto nating resulta sa digmaan. Naiisip nating
mahirap ang diskarteng istrategikali at mas gusto nating mag-isip taktikali. Upang
magkaroon ng istratehiyang kapangyarihang kailangan nating dalhin ang ating
sarili sa itaas ng battle field.
Mag-pokus
tayo sa pangmatagalang objectives, gumawa ng matinding kampanya at lumabas sa
reaktibong kalakaran.Ikandado natin ang ating sarili sa pangkalahatang gol na
nasa ating kaisipan. Para mas madaling magpasya kung kailan dapat lumaban at
kalian dapat munang umiwas. Yan ang gagawa para ang pantaktikang desisyon sa
araw-araw nating buhay ay maging mas simple at mas may katuwiran. Ang mga taong
taktikal ay mabigat at natitigil sa lupa. Ang isang strategists ay may magaang
paa at nakikita ang malayo at malawak.
Ispirituwalisahin
natin ang ating warfare. Araw-araw humaharap tayo sa digmaan, ito ay isang
realidad sa lahat ng nilalang at sa ating pakikibaka upang mabuhay, ngunit ang
pinakamalaking labanan sa lahat ay nasa loob ng ating pagkatao, ang ating mga
kahinaan, ang ating emosyon, ang ating kakulangan sa resolusyon upang makita
ang mga bagay-bagay hanggang sa katapusan.
Dapat
nating ideklara ang tuloy-tuloy na digmaan sa ating sarili bilang isang
mandirigma sa buhay na ito. Salubungin ang labanan at sagupaan bilang mga
paraan upang mapatunayan ang ating sarili upang mas pahusahin ang ating mga
kakayahan, upang makakuha ng lakas ng loob, kumpiyansa at karanasan. Imbes na pigilin
ang ating mga pagdududa at takot, kailangan nating harapin at labanan ang mga
ito.
Kailangan
natin ang maraming challenges at imbitahin ang digmaan upang mapanday at
magkaroon ng espiritu ng pagiging warrior at tanging ang walang tigil na
pagsasanay ang maghahantong sa atin sa kalagayang iyun.
Mag-deklara
ng giyera sa ating mga kaaway, ang istratehiya ng polariseysyon sa buhay ay
walang katapusang labanan at kontrahan.
Hindi tayo maaaring epektibong makikipaglaban kung hindi natin
makikilala ang ating tunay na mga kaaway. May mga taong mapaglinlang at
magaling magtago ng kanilang tunay na intensyon, nagpapanggap na ating kakampi,
kailangan natin ng kaliwanagan. Matuto tayong magpa-usok ng lumabas ang ating
mga kaaway, upang makita sila sa pamamagitan ng mga palatandaan at kanilang mga
pattern na maghahayag ng kanilang poot.
Sa
sandaling nakikita at nakikilala na natin kung sino ang tunay na kalaban,
magdeklara na tayo ng giyera tulad sa kabilang pole ng isang magneto na
lumilikha ng mosyon, ang ating mga kaaway ang ating mga kabaligtaran ang
magpupuno sa atin ng hangarin at direksyon.
Ang mga taong humaharang sa ating daraanan, na
kumakatawan sa ating kinapopootan ng makatugon laban sa mga ito. Sila ang
pagmumulan ng enerhiya. Huwag maging musmos sa ilang mga kaaway, dapat walang
kompromiso, walang gitnang usapan sila ang panloob na kaaway.
Ang
buhay ay isang digmaan at pakikibaka. Lagi tayong mahaharap sa masasamang
sitwasyon, tulad ng mapaminsalang relasyon, at mapanganib na sagupaan, kung
paano natin haharapin ang mga problema ang siyang magtutukoy ng ating
kapalaran. Hindi ang ilog o bundok o iba pang mga tao ang mga balakid,
ang tunay na nakakahadlang ay ang ating sarili. Kapag tayo ay nawawala at
nalilito, kapag tayo ay nawawala sa tamang direksyon, kung hindi natin mabatid
ang pagkakaiba sa pagitan ng kaibigan at kaaway sarili lang natin ang pwedeng
sisihin.
Isipin
natin palagi na ang ating sarili ay posibleng mapalaban. Lahat ng bagay ay
naka-depende sa balangkas ng ating kaisipan at kung paano natin tinitingnan
ang kasuklam suklam na nasa mundo, ang perspektibo natin ay maaaring mabago
mula sa walang kibo at nalilitong sundalo para maging matalino at malikhaing
mandirigma.
Mag-pokus sa kaaway maaari itong isang taong
humaharang sa ating landas o sumasabotahe sa ating tagumpay. Kahit mabaet o hindi nagpapahalatang kaaway, malinaw na
maaari itong manakit sa atin o isang hindi makatarungang tao na atin ng
nakalaban. Maaari itong isang ideya na ating kinamumuhian na nakikita
sa isang indibidwal o pangkat, maaaring isang abstraksyon ng katangahan, ng
kawalang kabuluhan, ng palalo at pagiging materyalismo.
Huwag
makinig sa mga taong nagsasabing hindi magiging kalaban ang tunay na kaibigan,
tinatago lamang nila ang kanilang takot na magkaroon ng awayan sa likod ng
maling paniniwala. Sinusubukan lang nilang itulak tayo sa kurso ng kalabuan na
nakaka-apekto sa kanila. Kapag naramdaman mo na ang kalinawan ng pag-iisip at
ma-motivate. Tayo ay magkakaroon ng espasyo para sa tunay na pakikipagkaibigan
at tunay na kompromiso.
Ang ating kaaway ay nasa kabilang panig na
magbibigay direksyon sa atin. Kapag nakuha na natin ang tamang direksyon maaari
na tayong pumasok sa susi ng labanan sa digmaan. Nabubuhay tayo sa panahon na
kung saan ang mga tao ay bihirang direktang makikipag-away. Ang mga modernong
sagupaan sa sosyal na buhay, sa pampulitikang pamumuhay maging sa militar ay
nagbago na. Kaya dapat nating baguhin ang ating paniniwala sa mga kalaban,
bihira na sa ngayon ang nagpapakilalang kaaway at ito ay isang pagpapala.
Hindi
na umaatake ang mga tao ng lantaran na nagpapakita ng kanilang mga intensyon ng
kanilang pagnanais na sirain tayo. Sa halip sila ay politikal at hindi direkta.
Bagaman ang mundo ngayon ay mas mapagkumpitensya. Ang nakikitang pagsalakay ay
sinisikap na hindi makikita kaya natututo ang mga taong ilihim ang kanilang
pag-atake ng hindi natin mahuhulaan at may kagalingan.
Marami ang makikipag-kaibigan bilang isang
paraan upang maging maskara ang mga agresibong hangarin, lalapit sila sa atin
upang mas makapinsala. Ang ating kaibigan ang may pinakamahusay na kaalaman ng kung
paano tayo masasaktan o kahit hindi natin maging kaibigan mag-aalok sila tulong
at alyansa. Tila tunay ang kanilang suporta ngunit sa huli isinusulong
nila ang kani- kanilang sariling mga interes na tayo ang nakataya.
Tapos
may mga taong maestro sa moral na digmaan nilalaro ang biktima, pinalalabas na
tayo ang may kasalanan sa isang bagay na hindi matukoy kung ano ang ating
pagkakamali. Puno ng mga mandirigmang madulas, magaling umiwas at matalino ang
larangan ng digmaan. Unawain natin ang salitang kaaway, isang taong hindi
kaibigan. Sila ay masama ngunit na politika at nakakatago, ang unang dapat
nating gawin bilang isang istrategist ay palawakin ang ating konsepto ng kaaway
at isama ang mga grupo na yaong mga nagtatrabaho laban sa atin.
Sa
mahiwagang paraan ang pagpapakita ng kawalan ng interes at kapabayaan ay
mahusay na mga armas kaysa sa sumalakay, dahil hindi natin maaaring makita agad
ang poot na itinatago. Huwag maging paranoyd kailangan nating maintindihan na
may mga taong nagnanais at nag-iisip ng masama laban sa atin.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento