Linggo, Agosto 2, 2020

Pandemic is the time for meditation, concentration, contemplation and self-reflection.

Pandemic is the time for meditation, concentration, contemplation and self-reflection.
Ang anino ng nakatagong bahagi ng ating sarili

 

Kapag pinag-uusapan ang anino ng nakatagong bahagi ng ating sarili, may isang kawili-wiling kasabihan: Lahat tayo ay lumikha ng isang larawan ng ating mga sarili, larawan ng isang matapat at mapagkawang-gawang tao. Ano ang tingin mo sa iyong sarili?

 

Inaakma natin ang ating eksistensiya ayon sa larawang iyon at mula sa larawang iyon kumikilos tayo at nagkakaroon ng reaksyon. Napag-usapan na natin ito ng ilang beses ngunit tayo ay nagkakasala sa pagsamba sa anumang mga gintong idolo, ang gintong idolo ng sarili.

 

May posibilidad tayo na ilagay ang ating sarili sa isang patungan at lumilikha ng hindi makatotohanang imahe ng kung sino tayo at kung paano tayo tumutugon sa iba at alam mo ang posisyon mo sa buhay. Ang problema dito ay kapag nagkaroon na tayo ng maling imahe nang kung sino tayo, lahat ng ginagawa natin ay batay sa imaheng iyon.

 

Ang buong buhay natin ay ginugol sa pagkilos at pagtugon nang ayon sa kung ano ang palagay natin sa ating sarili, at kung ano ang ating sinasabi at pinag uusapan. Ang kurso ng lekturang ito ay mayroong ilang problema na pupuntahan upang maisaayos ang ating sarili. Gumugol tayo ng maraming oras para manghusga, magpuna at magkondena sa ibang tao at wala tayong oras para punahin ang ating sarili.

 

Kaya't tayo ay tumitingin sa ating paligid at hinuhusgahan ang ibang tao sa kung ano ang kanilang ginagawa habang naglalakad  tayo sa paligid nila, ang alam mong perpektong imahe ng iyong sarili ay may labis na pagka bilib at ito ay sa loob natin dinadala at iyon ang problema. Ito ay lumilikha ng lahat ng mga uri ng mga tensyon, pagkabigo at pagdurusa sa sangkatauhan. Ito ang tinitingnan natin ngayon sap ag-aaral ng sagradong aklat na ito ngunit ito rin ay isang interesanteng bagay upang makita natin na lahat tayo ay mayroong larawan sa kung ano ang tingin natin sa ating sarili. At para sa maraming mga tao ang larawang iyon ay hindi malapit sa katotohanan ng kung sino tayo. Ito ay makikita natin sa ating mga kaibigan, at sa iba pang mga tao, sa katrabaho na nakikita din nila ang kanilang sarili nila ayon sa kanilang paniniwala at paraan.

 

Alam natin na hindi talaga sila eksakto sa kanilang paniniwala tungkol sa kanilang sarili. Nakikita natin ang mga problemang sila mismo ang lumikha. Sa sitwasyong kinakasangkutan nila dahil sa hindi makatotohanang pagtingin sa kanilang mga sarili.

 

Tulad ng buwan na may isang madilim na bahagi isang nakatagong bahagi na kung saan ito ay hindi makikita, ang ating sarili ay mayroon ding nakatago at hindi nakilalang panig.

Tinitingnan lang natin ang buwan mayroong lang isang maliit na bahagi  ng buwan ang ating nakikita sa anumang naibigay na oras depende sa yugto ng buwan ngunit ang iba pang bagay na dapat tandaan ay dahil ang buwan ay karaniwang umiikot sa parehong mga bilis kagaya ng ating mundo hindi natin talaga nakikita ang likod ng buwan.

 

Ang buwan ay palaging nagpapakita ng parehong mukha sa atin. Wala tayong ideya kung ano ang nangyayari sa loob nito. Kapag tayo ay umikot sa paligid nito upang kumuha ng mga larawan nito ngunit sa pinakamahabang panahon hindi natin alam kung ano ang nasa kabilang bahagi ng buwan.

 

Kaperahas na bagay tulad ng ating pagkakilala sa ating sarili ay may kamalayan lamang ng isang napakaliit na bahagi ng ating sarili. Ang ating personalidad ay nagpapakita ng isang napaka maliit na aspeto na ating nalalaman ngunit ito ay parang tulad ng dulo ng bunton ng yelo. Ang buong nilalaman ng ating sarili na hindi natin alam at nakikilala.

 

Hindi nangangahulugang ito ang madilim na bahagi ng ating sarili o ang kasamaan ang ibig sabihin ng madilim na panig ay ang hindi nakikitang bahagi o ang hindi naliliwagang panig. Isang bahagi sa loob natin na hindi kayang pasukin ng ating kamalayan. Kung kaya't hindi talaga natin alam ang maraming bagay tungkol sa isang malaking bahagi ng ating sarili.

 

 Ang ibig talagang sabihin nito ay sa loob natin ay mayroong isang nakatagong bahagi ng ating kaisipan at ang pinag-uusapan natin ay tungkol sa paniniwala natin sa ating sarili na hindi natin nakikita.

 

Kapag gagamitin ang salitang yabang sa sarili pinag-uusapan natin ang mga taong may pride at kayabangan sa kanyang sarili. Kapag iisipin mo ang iyong sariling personalidad mayroong mga bagay na alam mo tungkol sa iyong sarili.

 

Maari mong isipin na oo minsan ako din ay biglang nagagalit o kung minsan ay madaling mapagalit ngunit tayo ay nagdadala ng dose-dosenang pagkabilib sa ating sarili na hindi man lang natin namamalayan at ang problema tungkol sa ating yabang ng sarili ay nagiging pwersa na nagdidirekta sa barko ng ating buhay kung kaya’t ang ating pride sa sarili ay ang nagiging hangin at alon na nag mamaneho sa ating barko.

 

Ito ay tulad ng maestro ng mga manika na kung saan tayo ay pinasasayaw kung kaya’t ang malaking aspeto ng pag-aaral sa sagradong aklat na ito ay hindi lamang upang makilala ang limitasyon ng ating paniniwala sa ating sarili kung hindi pati na rin ang mga pride sa ating sarili na dinala natin at nakatago sa ating sentido at hindi talaga natin nalalaman. Ito ang binibigyan natin ng dahilan upang hindi pansinin, sila ang nakakubli na nasa kasuluksulukan.

 

At dahil dito tayo ay nakatira lamang sa isang napakaliit na bahagi ng ating sarili at ang ating kamalayan ay may tatlong porsyento lamang upang ito ay matandaan. Ang siyamnapu’t pitong porsyento nito ay ang paniniwala sa sarili. Ang kamalayan natin ay umaabot lamang sa napaliit na bahagi ng ating sarili. Maaari mong isipin na ang ating paniniwala sa sarili ay tulad ng isang malaking silid na walang ilaw. Ang kamalayan ay tulad ng isang maliit na kandila na nakaupo sa isang sulok. Ang kamalayan ay nagliliwanag ng isang napakaliit na lawak o bahagi na ating nakikita ngunit nag-iiwan ng malaking bahagi ng kadiliman.

 

Ang ating yabang sa ating sarili ay katulad niyan, may isang maliit na lugar sa paligid na iyon ito ang ating diwa o kamalayan na ating namamataan ngunit maraming mga bagay ang gumagalaw sa dilim, gumagalaw sa mga anino na hindi natin talaga nalalaman.

 

Bahagi ng paglalakbay na ito ay upang maipaliwanag ang madilim na lugar na iyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kamalayan na iyon at palitan ang kandilang iyon upang mas maging malaking apoy hanggang sa maging isang higanteng ilaw na nagpapaliwanag sa buong silid na magpapaliwanag din sa ating sarili  upang walang maiwanang lugar para makapagtago ang yabang na nasa ating sarili.

 

 IIan lamang ang nalalaman natin sa ating gising na kayabangan sa ating sarili at kailangan nating tuklasin ang mga nakatagong iyon.  At tandaan ang madaya nating pride sa sarili ay katulad ng sikat na kasabihang:  Ang pinakamalaking panlolokong ginawa ng demonyo sa sangkatauhan ay ang

pagkumbinsi sa atin na hindi tayo umiral.

 

Maari nating palitan ang malaking panloloko ng kayabangan sa ating sarili na naglalaro sa atin.  Kinukumbinsi tayo sa mga bagay na hindi talagang nandoon at bahagi ng ating layunin ay gisingin ang kamalayan upang tuklasin mo talaga ang buong aspeto ng ating paniniwala sa ating sarili.

 

 Tuklasin ang iba’t-ibang paniniwala sa ating sarili dahil ang mga pride sa ating sarili na responsable sa likod ng karamihan ng mga motibo at mapusok na udyok kagaya ng mga kagustuhan natin ay ang mga bagay na ginagawa natin sa ating buhay.

 

Mayroon tayong nakatagong bahagi. Bakit ito kailangan mangyari?

Kung titingnan mo ito mula sa isang modernong punto ng sikolohiya, ang paniniwala sa ating sarili ay naninirahan sa ating kamalayan.

 

 Sila ay nanirahan sa mas mababang aspeto ng ating sikolohiya na kung saan wala tayong kamalayan. Sila ay nakatira sa kadiliman. Mayroon tayong aspeto ng kamalayan sa ating sarili na kung saan ito ang kandilang nag-liliwanag sa maliit na bahagi na mayroon ka sa iyong kamalayan, kung saan ang natitirang bahagi ay ang madilim na bahagi ng silid.

 

Ang kaisipan, katalinuhan at pangangatuwiran ay hindi makaabot sa malalim na bahagi ng ating kamalayan. Iyon ay isa sa mga problema na ating kinakaharap. Kapag tumingin tayo sa intelektuwal at pangangatuwiran maalala mo na ang mga bagay ay pinapahayag ng paniniwala natin sa ating sarili sa sentrong bahagi ng ating intelektwal.

 

Naglilingkod sila sa isang layunin at pinapayagan nila tayong gawin ang lahat ng mga uri ng interesanteng bagay sa ating buhay ngunit hindi nila tayo pinapayagan na magsaliksik sa ating kamalayan o sa bahagi ng ating sarili na hindi natin namamalayan. Kung kaya kapag tayo ay may mga hamon sa buhay pumupunta tayo sa isang psychologist o psychiatrist at tinutulungan nila tayong makapasok sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay o pagsasagawa ng pagsusuri sa pamamagitan ng pagpasok at pag-uusap tungkol sa iyong mga pangarap at karanasan sa pagkabata.

 Tinutulungan nila tayong mabuksan ang aspeto na ating kamalayan sapagkat hindi natin mapangatwiranan ang ating sarili palabas dito. Isipin mo ang isang tao na nagdurusa ng isang problemang sikolohikal kagaya ng depresyon, hindi ka maaaring mangatuwiran para sa iyong sarili palabas sa depresyon. Isipin mo ulit ang iyong sarili kung anong pinanggagalingan nito na talagang nangyayari.

 

Kaya ang kaisipan, talino at pangangatwiran ay malakas na kasangkapan ngunit hindi nila tayo tinutulungan na makarating sa kalaliman ng ating kamalayan. Kailangan natin ng higit pa kaysa doon. Kung pag-aaralan natin ito ng detalyado ang kaisipan ay talagang napaka kumplikado. Ayon sa matinding pag aaral maraming lebel ito at huwag kalimutan na sinasakop natin ang maraming katawan. Mayroon tayong pisikal na katawan, ang vital na katawan, ang astral na katawan, ang mental na katawan, kaya ang maraming ibat ibang lebel at hakbang ang ating sariling sikolohiya.

 

 Ang ibig sabihin nito ay kung titingnan mo ang pagkakahawig ng nagliliwanag na kandila sa madilim na silid. Ang nagliliwanag na kandila ay isang lebel lamang sa isang madilim na silid at marami pang lebel labas sa kanya. Kaya ang kaisipan kung ating titingnan natin at makikita ka ng isang bahay na may maraming silid at titingnan moa ng iyong buong sarili hindi lang tayo pisikal na utak na may laman at dugo sa pisikal na katawang ito.

 

Tayo ay lumalawig sa maraming katawan. Napagusapan na natin ang astral na katawan at ang mental na katawan bago pa natin maidagdag ang lahat ng iba’t ibang katawan na mayroon tayo sa iba’t ibang lebel ng kamalayan. Ito ay humahantong sa marami pang antas na  pag-usapan natin sa mga susunod na nating leksyon.

 

Kaya kapag pinag-uusapan natin ang kaisipan ito ay isa sa mga dahilan kung bakit ang paniniwala natin sa ating sarili ay sobrang kumplikado kung kaya’t mayroon tayong malaking aspeto ng kamalayan dahil ang kaisipan ay hindi talaga simple. Maraming iba't ibang antas dito at maraming iba't ibang mga silid.

 

Isipin mong kunwari na ikaw ay naglalakad papunta sa isang hotel, doon ay may pangunahing lobby na ating makikita ngunit marami pang ibang silid na wala tayong ideya kung ano ang nangyayari sa loob nito.

 

Ang kaisipan ay tulad rin noon ang pangunahing lobby na nilakaran mo ay ang parte ng ating kaisipan na may kamalayan. Lahat ng iba't ibang mga silid at mga eksena sa likod ng mga iyon na hindi mo makikita ang bumubuo sa iyong kamalayan at tulad din ng paglalakad sa isang hotel maaari mong makita ang ilang mga tao na nakatayo sa paligid ng lobby, maaring may katiwala at may tao rin sa front desk.

 

Sila ang kumakatawan sa paniniwala natin sa ating sarili na nakikita natin ngunit sa loob ng hotel na iyon wala kang ideya kung sino ang nasa silid at kung ano ang kanilang ginagawa at ano ang kanilang pakay. Wala kang ideya ang alam mo lang na mayroong grupo ng mga tao sa hotel pero hindi mo sila makikita ng tagusan.

 

Ang nais nating gawin sa kamalayan ay pumunta sila sa bawat silid at simpleng linisin ito hanggang sa mapapalis na natin ang lahat ng nasa loob ng hotel, at tayo lang ang maiiwan sa loob nito. Maaari mong isipin ang kaisipan ng isang bahay na may maraming silid sa loob. Tayo lamang ang nakakaalam sa iilang taong papasok at lalabas ng harap ng nito.

 

Nakikita natin sila sa paglabas natin. Nakikita natin sila habang sila ay papasok ngunit hindi natin alam kung saan sila nanggaling, hindi natin alam kung saan sila pupunta at hindi natin alam kung anong silid sila papasok. Makikita lang natin sila habang sila ay dumadaan papasok at palabas mula sa harapan.

 

Ang ating kamalayan ay tulad nito. Araw araw nakikita natin ang ating paniniwala sa ating sarili habang parating at paalis ngunit hindi natin talaga alam kung saan sila nagmula, ano ang sinusubukan nilang gawin, saan sila galing, at hindi natin alam kung ilan talaga sila at kung nasaan sila, tulad sila ng tumitira sa ibat ibang silid.

 

Ang ating kayabangan sa ating sarili ay ang ating kamalayan kapag tinunaw natin ang pride sa ating sarili, ang nakatagong aspeto ng ating sikolohiya ay magigising.  Ito ay isa sa mga bagay na sinusubukan nating gawin ang pag-gising ng ating Kamalayan. Ang pinag uusapan natin ay ang pag alis ng aspeto ng nakatago nating sarili kasama ang maling paniniwala sa ating sarili. 

 

Ito ay pagpapakinang ng ilaw ng kamalayan at ganap na pagliwanagin ang buong sikolohiya sa pamamagitan ng pag-aalis ng lahat ng iba't ibang nakatagong bahagi upang mas makilala natin kung sino talaga tayo at kung ano ang nagpapatibay sa atin.

 

Ito ay bahagi ng proseso na ganap na alamin ang ating sarili hindi lamang sa kung ano ang nangyayari sa lobby na iyon ngunit alamin rin kung anong nangyayari sa lahat ng iba't ibang mga silid ng hotel na iyon. Ang pag-usisa ng mas malalim sa loob ng ating kamalayan na kakatawan sa isang estado ng tuloy tuloy na kamalayan at sa ganoong estado na mas malalim maari mong makamit ang  pagiging isang master ang estado ng mastery kagaya ng mga nabuhay na dakilang masters. Isang nilalang na naabot ang estado ng isang master ay namumuhay sa isang estadong may tuluy-tuloy na kamalayan.

 

Nakuha na nila ang nagniningning na liwanag sa buong silid. Sila ay may lubos na kamalayan sa bawat pag-iisip, bawat kilos, bawat motibo at lahat ng

pagpapahiwatig ng ninanais at gusto sa lahat ng sanga nito direkta mula sa mas mataas na antas ng sarili at hindi mula sa kayabangan sa ng ating sarili. Kaya ang isang taong may isang estado ng tuluy-tuloy na kamalayan ay nasa direktang komunikasyon sa kanilang mas mataas na antas ng sarili.

 

 Lahat ng ginagawa natin, naiisip, bawat galaw at kilos ay isang tuwirang pagpapakita ng kakayahan ng mas mataas na antas ng sarili kaysa sa pride o paniniwala sa sarili. Marami tayong mga bagay sa loob natin na hindi natin alam o tinatanggap at iyon ay dalawang magkakaibang aspeto ng parehas na bagay.

 

 Marami tayong paniniwala sa ating sarili na hindi natin namamalayan.  Ipinapahayag natin sila sa ating pag-uugali, sa pagsasalita at mga kinikilos marahil ang ating ang mga mahal sa buhay o taong malapit sa atin ay nakikita ang mga ito ngunit tayo mismo ang hindi nakakalam.

Kawikaan

Anak ko, ang aral ko ay huwag mong lilimutin,   lahat ng aking utos sa isipan mo'y itanim; upang araw mo'y tumagal, humaba ang iyong buhay,
    at maging masagana sa lahat ng kailangan. Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan.
Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao.

Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan.Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin,
    upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin.
Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman;
 igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan.Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag,
    mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat.Parangalan mo si Yahweh sa pamamagitan ng iyong mga kayamanan,  at mula sa iyong mga pinakamainam na ani, siya ay iyo ring handugan.10 Sa gayon, kamalig mo ay lagi nang aapaw,
    sisidlan ng inumin ay hindi nga matutuyuan.

11 Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin,  at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil,12 pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan,   tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang.

13 Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan,  at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo.14 Higit pa sa pilak ang pakinabang dito,
    at higit sa gintong lantay ang tubo nito.15 Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay.

16 Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman,  may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.17 Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman,
    at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw.18 Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan,  para siyang punongkahoy na mabunga kailanman.

19 Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig,   sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit.20 Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig,   pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.

Ang Matiwasay na Pamumuhay

21 Aking anak, karunungan at hinahon ay huwag mong iwawala,  huwag babayaang makaalpas sa isipan at gunita.22 Pagkat dulot nito'y masagana at marangal na pamumuhay.23 At kung magkagayo'y lalakad kang matiwasay,
    sa landas mo'y hindi ka matatalisod.24 Sa lahat ng iyong lakad wala kang aalalahanin,at lahat ng pagtulog mo ay masarap at mahimbing.

25 Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang.26 Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo,
    at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.27 Ang kagandahang-loob ay huwag ipagkait sa kapwa,    kung ika'y may kakayahan na ito ay magawâ.
28 Kung mayroon ka ngayon ng kanyang kailangan,
 huwag nang sasabihing, “Bumalik ka't bukas ibibigay.”
29 Huwag gagawan ng masama ang iyong kaibigan
 na sa iyo'y umaasa, at may tiwalang lubusan.30 Huwag makikipag-away nang walang sapat na dahilan,
    kung hindi ka ginagawan ng anumang kasamaan.31 Huwag kang maiinggit sa taong marahas   ni lalakad man sa masama niyang landas.32 Pagkat si Yahweh ay nasusuklam sa mga isipang baluktot, ngunit nalulugod siya sa taong sa kanya ay may takot.

33 Ang sumpa ni Yahweh ay di lalayo sa masama, ngunit ang mga banal ay kanyang pinagpapala.34 Ang mga palalo'y kanyang kinasusuklaman,
    ngunit kinaluluguran niya ang may mababang kalooban.35 Ang taong matalino'y magkakamit-karangalan,  ngunit puro kahihiyan ang aanihin ng mangmang.

Ang iba pang aspeto nito kung minsan tayo ay may paniniwala sa sarili na lumilitaw at alam natin ito. Hindi lamang natin ito tinatanggap. May posibilidad na tayo ay nagdadahilan lang kung bakit sila umiiral. Dinadahilan natin na nagawa natin ang isang bagay dahil sa mga pangyayari o dahil sa ibang tao at marami pa tayong dahilan.

 

Karamihan sa mga tao ay hindi likas na gusto nila gumawa ng masasamang bagay ngunit maraming tao ang nakakasakit ng  iba pang mga tao dahil sa kanilang mga aksyon at pagkatapos magdadahilan sila na wala na silang ibang paraan ngunit ang totoo hindi lang nila binigyan ang atensyon at hindi lang sila naging sensitibo sa mga aksyon nila na nakakasakit sa ibang tao.

 

Kaya't hindi lamang na mayroon tayong kayabangan sa ating sarili na hindi natin madalas nalalaman. May ilang paniniwala tayo sa ating sarili na may magandang dahilan upang paghinalaan natin na ito ay umiiral ngunit pinili namin na huwag tanggapin ito. Pinipili natin tanggihan ang kanilang pag-iral at ipangangatwiran ang lahat ng iba`t ibang mga bagay na nangyari iyon dahil kusa silang lumilitaw.

 

Ito ang aspeto ng ating sikolohiya na kumplikado sa ating buhay. Hinihikayat tayo nito sa lahat ng uri ng hindi kanais-nais na mga sitwasyon para sa ating sarili at sa mga taong nasa paligid natin.  Ito ang mga bagay na maiiwasan kung totoong kilala natin ang ating sarili.

 

 Mag-iisip tayo ng isang halimbawa para sa atin sariling buhay maging sa isang taong malapit sa atin, sa mabuting kaibigan o isang katrabaho kung may isang tao na lumikha ng isang sitwasyon o lumikha ng problema hindi dahil hindi nila alam ang kanilang mga aksyon. Minsan sinasabi natin na bakit ginagawa nila iyon? Ano ang iniisip nila? Ano sa tingin nila ang mangyayari dahil sa ginawa nila? Maaari nating tanungin ang kanilang pag-uugali at ang taong iyon ay karaniwang talagang nagugulat dahil hindi nila alam kung nagagawa nila ang mga bagay na iyon. Minsan sila ay hihingi ng patawad sapagkat hindi nila alam kung bakit nakagawa sila ng mali, hindi nila alam kung anong pumasok sa  kanilang pag-iisip o malamang sila ay may masamang araw kung kaya’t nagkaganun sila. Sa oras na talagang hindi alam kung ano ang kanilang ginagawa may isang bagay na sanhi ng mga ganitong sitwasyon kung kaya’t ang pagkilos at nagawa nila ay nakakagulat o nakakahiya. May mga bagay na malinaw na nasa paligid nila ngunit hindi nila maiwasan ang sitwasyon sapagkat ito ay manipestasyon na ang kanilang kayabangan sa kanilang sarili na nakatago sa kanilang kamalayan.

 

Maaari nating isipin na ang ating kaisipan ay katulad ng isang lungsod. Isipin mo lang ang iyong kaisipan ay tulad ng isang malaking lungsod na may magaganda at magarbong bahagi na may lugar namang masama na kung saan umiiral ang kahirapan. Ganoon din ang ating kaisipan may magagandang lugar at may masamang lugar, ito ay bagay na dapat tandaan.

 

Lahat tayo gusto nating isipin na tayo ay perpekto.Ginagawa natin ito sa lahat ng oras. Hindi natin nais kilalanin ang ating madilim na panig.  Tandaan ang ekspresyon na ang daan patungo sa impyerno ay aspaltado at may kunwaring mabuting hangarin.

 

 Dapat tandaan nating lahat tayo ay mayroong mga paniniwala sa ating sarili na maaring mabuting paniniwala sa ating sarili na nagnanais makatulong sa mga tao

at gumawa ng mga kawanggawa.

 

Kailangan din natin tandaan na ang lahat ay nasa balanse kaya dinadala din natin sa loob natin ang mga paniniwala sa ating sarili na hindi masyadong mabuti. Kaya tulad ng bawat lungsod na may magagandang bahagi at masamang bahagi, ang ating sariling sikolohiya ay mayroon din lugar ng mabuti at masama.

 

 Ang ating mga aksyon at mga bagay na minsang nagagawa para sa pakikiramay at para sa benepisyo ng mga tao ngunit muli tayo’y nagiging makasarili at

interesado lamang sa sarili. Dapat nating kilalanin na hindi tayo perpekto. At ang lahat ng sangkatauhan ay hindi perpekto. Bawat taong naglalakad sa mundong ito ay hindi perpekto.

 

Lahat tayo ay mayroon lakas at kahinaan. Ang problema karaniwan nang hindi natin ganap na namamalayan ang ating lakas at kahinaan.  Inaakala natin na ang

lahat ng tao ay may mali sa kanila at tayo ay tama at maayos at hindi ito ang nararapat na imahe. Kinakailangan natin ang tinatawag na self reflection ang pagsusuri sa sarili nating anino. Kailangan natin ang malalim na self analysis ang pagsusuri sa ating sarili kasama ang mga paniniwala at kinakaugalian.

 

Ito ay isang kasabihan na may kaugnayan dito:  "Mayroong kabutihan sa masama at maraming kasamaan sa kabutihan ”na ipinapahayag din sa konsepto ng Yin at Yang. May munting kabutihan sa lahat ng kadiliman at sa lahat ng kabutihan may kaunting kadiliman. Ito ay parehas n konsepto sa "Mayroong maraming kabutihan sa masama at maraming kasamaan sa banal” kagaya rin sa konsepto na ang bawat lungsod ay may mabuti at masamang bahagi. Ang ating sikolohiya ay ganyan din.

 

Lucas 6:27-49 “Ngunit sinasabi ko sa inyo na mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway. Maging mabuti kayo sa mga galit sa inyo. Pagpalain ninyo ang mga umaalipusta sa inyo. At idalangin ninyo ang mga nagmamalupit sa inyo. Kapag sinampal ka sa isang pisngi, iharap mo rin ang kabila. Kapag may gustong kumuha ng balabal mo, ibigay mo. At kung pati ang damit mo ay kinukuha niya, ibigay mo na rin. Bigyan mo ang sinumang humihingi sa iyo; at kapag may kumuha ng iyong ari-arian ay huwag mo na itong bawiin pa. Gawin ninyo sa inyong kapwa ang gusto ninyong gawin nila sa inyo. “Kung ang mamahalin lang ninyo ay ang mga nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Dios?

 

Ginagawa rin iyan ng masasamang tao. At kung ang gagawan lang ninyo ng mabuti ay ang mga taong mabuti sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Dios? Ginagawa rin iyan ng masasamang tao. At kung ang pinahihiram lang ninyo ay ang mga taong inaasahan ninyong makakabayad sa inyo, anong gantimpala ang matatanggap ninyo mula sa Dios? Kahit ang masasamang tao ay nagpapahiram din sa kapwa nila masama sa pag-asang babayaran sila. Ito ang inyong gawin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa kayo ng mabuti sa kanila. Kung magpapahiram kayo, magpahiram kayo nang hindi umaasa ng anumang kabayaran. At malaking gantimpala ang tatanggapin ninyo, at makikilala kayong mga anak ng Kataas-taasang Dios. Sapagkat mabuti siya kahit sa mga taong masama at walang utang na loob.

 

Maging maawain kayo tulad ng inyong Ama.” “Huwag ninyong husgahan ang iba, upang hindi rin kayo husgahan ng Dios. Huwag kayong magsabi na dapat silang parusahan ng Dios, upang hindi rin niya kayo parusahan. Magpatawad kayo, upang patawarin din kayo ng Dios. Magbigay kayo, upang bigyan din kayo ng Dios. Ibabalik sa inyo nang sobra-sobra at umaapaw ang ibinigay ninyo. Sapagkat kung paano kayo magbigay sa iba, ganoon din ang pagbibigay ng Dios sa inyo.” Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghaga na ito: “Hindi maaaring maging tagaakay ng bulag ang kapwa bulag, dahil pareho silang mahuhulog sa hukay kapag ginawa iyon. Walang mag-aaral na mas higit sa kanyang guro. Ngunit kapag lubusan nang naturuan, magiging katulad siya ng kanyang guro.

 

Bakit mo pinupuna ang munting puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman pinapansin ang mala-trosong puwing sa mata mo? Paano mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, hayaan mong alisin ko ang puwing sa mata mo,’ gayong hindi mo nakikita ang mala-trosong puwing sa mata mo? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang mala-trosong puwing sa mata mo, nang sa ganoon ay makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng kapwa mo.” “Ang mabuting puno ay hindi namumunga ng masama, at ang masamang puno ay hindi namumunga ng mabuti. Ang bawat puno ay nakikilala sa bunga nito.

 Ang matitinik na halaman ay hindi namumunga ng igos o ubas. Ganoon din naman ang tao. Ang mabuting tao ay nagsasalita ng mabuti dahil puno ng kabutihan ang puso niya. Ngunit ang masamang tao ay nagsasalita ng masama dahil puno ng kasamaan ang puso niya. Sapagkat kung ano ang nasa puso ng isang tao, iyon din ang lumalabas sa kanyang bibig.” “Bakit ninyo ako tinatawag na Panginoon, gayong hindi naman ninyo sinusunod ang mga sinasabi ko? Sasabihin ko sa inyo kung ano ang kahalintulad ng taong lumalapit sa akin, nakikinig at sumusunod sa mga sinasabi ko: Katulad siya ng isang taong humukay nang malalim at nagtayo ng bahay sa pundasyong bato. Nang bumaha at dinaanan ng malakas na agos ang bahay, hindi iyon nayanig dahil matibay ang pagkakatayo. Ngunit ang nakikinig sa mga sinasabi ko pero hindi naman ito sinusunod ay katulad ng isang taong nagtayo ng bahay na walang matibay na pundasyon. Nang bumaha at dinaanan ng malakas na agos ang bahay, nagiba ito at lubusang nawasak.”

 

KAWIKAAN 16

1Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang Panginoon ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi. 2Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang Panginoon lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo.

3Ipagkatiwala mo sa Panginoon ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka.

4Ang lahat ay nilikha ng Panginoon na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan.

5Kinasusuklaman ng Panginoon ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan.

6Kung minamahal natin ang Panginoon nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan.

7Kapag kinalulugdan ng Panginoon ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan. 8Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan.

9Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa Panginoon ang kaganapan nito.

10Ang haring pinapatnubayan ng Panginoon, palaging tama ang paghatol.

11Ayaw ng Panginoon ang dayaan sa kalakalan.

12Sa mga hari ay kasuklam-suklam ang paggawa ng kasamaan, dahil magpapatuloy lamang ang kanilang pamamahala kung sila ay makatuwiran.

13Nalulugod ang mga hari sa mga taong hindi nagsisinungaling; minamahal nila ang mga taong nagsasabi ng katotohanan.

14Kapag ang hari ay nagalit maaaring may masawi, kaya sinisikap ng taong marunong na malugod ang hari.

15Hindi pinapatay ng hari ang taong sa kanya ay kalugod-lugod; pinakikitaan niya ito ng kabutihan gaya ng ulan sa panahon ng tagsibol.

16Higit na mabuti ang magkaroon ng karunungan at pang-unawa, kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.

17Ang namumuhay nang matuwid ay lumalayo sa kasamaan, at ang nag-iingat ng kanyang sarili ay nalalayo sa kapahamakan.

18Ang kayabangan ay humahantong sa kapahamakan, at ang nagmamataas ay ibabagsak.

19Higit na mabuti ang mamuhay nang may pagpapakumbaba kasama ang mahihirap kaysa sa mamuhay kasama ng mayayabang at makibahagi sa kanilang pinagnakawan.

20Ang taong nakikinig kapag tinuturuan ay uunlad, at ang taong nagtitiwala sa Panginoon ay mapalad.

21Ang marunong ay kinikilalang may pang-unawa, at kung siyaʼy magaling magsalita marami ang matututo sa kanya.

22Kapag may karunungan ka, buhay moʼy bubuti at hahaba; ngunit kung hangal ka, parurusahan ka dahil sa iyong kahangalan.

23Ang taong marunong ay nag-iingat sa kanyang mga sinasabi, kaya natututo ang iba sa kanya.

24Ang matatamis na salita ay parang pulot-pukyutan, nakakapagpasaya at nakakapagpasigla ng katawan.

25Maaaring iniisip mo na nasa tamang daan ka, ngunit ang dulo pala nito ay kamatayan.

26Ang kagutuman ang nagtutulak sa tao na magtrabaho.

27Ang taong masama ay nag-iisip ng kasamaan, at ang bawat sabihin niya ay parang apoy na nakakapaso.

28Ang taong nanlilibak ng kapwa ay nagsisimula ng away, at ang matalik na magkaibigan ay kanyang pinaghihiwalay.

29Ang taong nabubuhay sa karahasan ay nanghihikayat ng kanyang kapwa sa kasamaan.

30Mag-ingat sa taong ngingiti-ngiti at kikindat-kindat dahil maaaring masama ang kanyang binabalak.

31Ang katandaan ay tanda ng karangalan na matatanggap ng taong namumuhay sa katuwiran.

32Higit na mabuti ang taong mapagpasensya kaysa sa taong makapangyarihan. Higit na mabuti ang taong nakakapagpigil sa sarili kaysa sa taong nakakasakop ng isang lungsod.

33Nagpapalabunutan ang mga tao upang malaman kung ano ang kanilang gagawin, ngunit nasa Panginoon ang kapasyahan.

 

Madalas natin pag usapan ang mabubuting bahagi at nais nating hindi pansinin at kalimutan ang mga masasamang bahagi tulad ng anumang lungsod na ginagawa ito para sa kapakanan ng mga politico pag usapan lang ang umaasensong lungsod at huwag ang naghihirap na bahagi.. Parehong uri ng ideya na ginagawa natin para sa ating sariling sikolohiya.

 

Tulad ito nang habang nagmamaneho ka sa isang lungsod at ikaw ay may kamalayan kung nasaan tayo ng mga oras na iyun,  alam mo kung saan ka nakatira. Alam mo kung ikaw ay nagtatrabaho o naglalakbay. Dapat alam natin kung anong bahagi ng ating sikolohikal na lungsod ang mayroon tayo sa anumang oras.

 

Kung mayroon tayong pagkilos, pag-iisip, emosyon, kagustuhan, saan ito nagmumula? Galing ba ito sa magandang parte ng lungsod kagaya ng kamalayan? Galing ba ito sa kalooban ng mas maliit na mataas na antas ng sarili? o nagmula ito sa masamang lungsod na kung saan kumakatawan sa mga paniniwala sa ating sikolohikal na kalaliman. Iyan ang mga bagay na dapat nating tanungin sa ating sarili.

 

 Halimbawa tayo ay nasa siyudad na maganda ang pangalan, tahimik at ligtas. Nararamdaman natin na tayo ay komportable sa lugar na ito. Kapag tayo ay may pagkilos o naiisip na mga bagay na dapat magkaroon ng kamalayan kung saan ito nanggaling, madalas nanggagaling ito sa ating kamalayan o kung saan at sa anong punto ng ating sikolohikal na lungsod nanggagaling ang naiisip natin. Ito ba ay karaniwang nagmumula sa ating kamalayan o galing ito sa paniniwala ng ating sarili? At kung nagmula ito sa paniniwala sa ating sarili, saang uri ng paniniwala sa ating sarili nagmumula ito? Ito ba ay ang paniniwala sa ating sarili na mayroon tayong kamalayan o nagmumula ba ito sa mas malalim at mas nakatagong antas ng ating sikolohiya.

Ang nakatagong bahagi ng ating sarili ay mahalaga dahil dito matatagpuan natin ang pinagmulan sa ating mga pagkakamali sa maraming mga bagay na ginagawa natin. Karamihan ng ating naiisip, aksyon at mga paraan na ipinapakita ng iba't ibang mga paniniwala sa ating sarili ay nagmumula sa mga natatagong bahagi sa ating mga sarili kung kaya’t ito ay nakakalitong bagay para isipin.

 

Roma 12:1-19 

Pamumuhay Cristiano

12 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba[a] ninyo sa Diyos. Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo. Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at magkakaiba ang gawain ng mga ito, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa.

 Tumanggap tayo ng iba't ibang kaloob ayon sa kagandahang-loob ng Diyos, kaya't gamitin natin ang mga kaloob na iyan. Kung ang ating kaloob ay pagsasalita ng pahayag mula sa Diyos, magpahayag tayo ayon sa sukat ng ating pananampalataya. Kung paglilingkod ang ating kaloob, maglingkod tayo. Magturo ang tumanggap ng kaloob sa pagtuturo. Magpalakas ng loob ang may kaloob sa pagpapalakas ng loob. Kung pagbibigay ang inyong kaloob, magbigay kayo nang buong puso; kung pamumuno naman, mamuno kayo nang buong sikap. Kung pagkakawanggawa ang inyong kaloob, gawin ninyo iyan nang buong galak.

Maging tunay ang inyong pagmamahalan. Kasuklaman ninyo ang masama at pakaibigin ang mabuti. 10 Magmahalan kayo bilang magkakapatid at pahalagahan ninyo ang iba nang higit sa pagpapahalaga nila sa inyo. 11 Magpakasipag kayo at huwag maging tamad. Buong puso kayong maglingkod sa Panginoon. 12 Magalak kayo dahil sa inyong pag-asa, magtiyaga kayo sa inyong kapighatian at palaging manalangin. 13 Tumulong kayo sa pangangailangan ng mga kapatid at patuluyin ninyo ang mga taga-ibang lugar.

14 Idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. 15 Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.[b] Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. 19 Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.”

 

Mayroong lugar sa ating sikolohiya na hindi nakikita tulad ng isang bahagi ng buwan bagamat karamihan ng mga hindi mapigilang bagay na ginagawa natin para sa ating kinakaugalian ay nagmula sa nakatagong aspetong ito. Ito ay isang bagay na alam ng mga sikologo o psychologist. Kaya kung pupunta sa isang sikologo, tatanungin ka nila tungkol sa iyong pagkabata, tungkol sa iyong mga pangarap at saloobin. Sapagkat kapag nakilala ka na nila at simulan nilang kapain ang nasa loob ng iyong nakatagong kaisipan madalas dito nila mahahanap ang ugat ng mga bagay tulad ng depresyon, hindi pagkakatulog, iba't ibang uri ng pagkabalisa at mga bagay na tulad nito.

 

Ang ugat ng ibat iba nating pag-uugali na kasama ng ating intelektwal na estado o emosyonal na estado at kung minsan ay pisikal na manipestasyon ay matatagpuan sa ating kamalayan o kaisipan. Alam natin na may mga karamdamang pisikal ng katawan lalo na ang may kinalaman sa panunaw o mga hindi matunawan ay maaring  nauugnay sa iba't ibang mga saloobin kagaya ng  takot o phobias na maaaring maging dahilan ng  iba't ibang mga pisikal na karamdaman.

 

Kung ikaw ay nasa maling estado ng emosyonal at mental na pag-iisip, literal na ikaw ay magkakasakit. Narinig na natin iyon noon pa man. Isipin mo lang na ikaw ay kinakabahan ito ay magdudulot ng pagbabago sa iyong katawan. ang iyong puso ay bumibilis, magsisimula kang pagpawisan nang labis. Mayroong lahat ng uri ng mga kemikal na biglang dumadaloy sa iyong dugo katulad ng adrenaline at iba pa.

 

Kaya lahat mula sa ating pisikal na kalusugan hanggang sa ating mga iniisip at maging sa ating emosyon ay maaaring maapektuhan ng kung ano ang nangyayari sa nakatagong bahagi ng ating sikolohiya. Ang problema ay wala tayong ideya kung ano talaga ang nangyayari kagaya sa mga nakatagong silid ng hotel. Hindi natin talaga makita at wala tayong ideya kung ano ang mga motibo at kagustuhang nagaganap.

 

Dahil dito, ito ang nagiging nakatagong bahagi ng ating sarili na nagiging mga kadahilanan kung bakit hindi natin wastong naiuugnay hindi lamang ang ating sarili ngunit pati na rin sa ating kapwa tao.

 

Marami tayong nakikitang kaguluhan sa iba’t ibang relasyon magmula sa lipunan bilang isang buong sangkatauhan. Maging sa pakikipagkapwa tao natin sa ating

kaibigan, pamilya at katrabaho. Ito ang dahilan kung bakit mali nating naiuugnay sa kanila ang kaguluhan. Matatagpuan natin ang kadahilanang ito sa nakatagong

aspeto ng ating sikolohiya.

 

Hindi rin natin nagagawang makipag-ugnayan at tunay na maunawaan ang ating sarili kaya paano natin maunawaan ang ibang tao. Kung talagang wala tayong ideya kung ano ang nangyayari sa ating sikolohiya, paano natin maunawaan kung anong nangyayari sa sikolohiya ng ibang tao? Kung tayo mismo ay may magulong pananaw sa kung sino tayo, paano natin malalaman ang sa iba? Ang problema ay hindi natin ginagawang alaming mabuti ang ating sarili. Tayo lamang ay naghahaka-haka, kumikilos at tumutugon sa iba't ibang mga sitwasyon na tayo ay nasasangkot.

 

Kaya tingnan natin ang konsepto ng huwarang imahe ng ating sarili na ating nilikha. Isang larawan ng ating sarili na perpektong idinisenyo. Ang imaheng inilalagay natin ang ating sarili sa isang pedestal at karaniwang hindi natin kinikilala ang ating mga depekto. Kung kikilalanin natin ang ating mga depekto kadalasan tayo ay nagdadahilan. Lagi natin binibigyan ng rason kung bakit tayo nagagalit maaring isisi natin sa iba, sa sitwasyon o dahil may sumingit sa ating habang tayo ay nagmamaneho ng ating sasakyan o dahil may pangyayari na nangangahulugang kailangan mong magalit.

 

 

Efeso 4:17-32  Namumuhay Bilang mga Anak ng Liwanag 17 Kaya nga, sinasabi ko ito at pinatotohanan sa Panginoon na huwag na kayong mamuhay tulad ng ibang mga Gentil na namuhay sa kanilang pag-iisip na walang kabuluhan.

18 Ang kanilang pang-unawa ay nadidimlan, mga napahiwalay sa buhay ng Diyos, dahil sa kanilang kawalan ng kaalaman, dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. 19 Sa kanilang kawalan ng pakiramdam ay isinuko nila ang kanilang mga sarili sa kahalayan upang magawa nila ang lahat ng karumihan na may kasakiman.

20 Ngunit hindi sa ganoong paraan kayo natuto patungkol kay Cristo. 21 Totoong narinig ninyo siya at tinuruan niya kayo ayon sa katotohanang na kay Jesus. 22 Hubarin ninyo ang dating pagkatao ayon sa dating pamumuhay na sinisira ayon sa mapandayang pagnanasa. 23 Magpanibago kayong muli sa espiritu ng inyong kaisipan. 24 At isuot ninyo ang bagong pagkatao na ayon sa Diyos ay nilalang sa katuwiran at totoong kabanalan.

25 Kaya nga, sa paghubad ninyo ng kasinungalingan ay magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa kaniyang kapwa sapagkat tayo ay bahagi ng bawat isa. 26 Magalit kayo at huwag kayong magkasala. Huwag ninyong bayaang lumubog ang araw sa inyong pagkapoot. 27 Huwag din ninyong bigyan ng puwang ang diyablo. 28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay magpagal siya. Dapat niyang gamitin ang kaniyang mga kamay sa paggawa ng mabuti upang siya ay makapagbahagi sa nangangailangan.

29 Huwag ninyong pabayaang mamutawi sa inyong mga bibig ang anumang bulok na salita. Subalit kung mayroon man, ay mamutawi yaong mabuti na kagamit-gamit sa ikatitibay upang ito ay makapagbigay biyaya sa nakikinig. 30 Huwag ninyong pighatiin ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sa pamama­gitan niya ay natatakan kayo para sa araw ng katubusan. 31 Alisin ninyo ang lahat ng sama ng loob, galit, poot, sigawan, panlalait at lahat ng uri ng masamang hangarin. 32 Maging mabait kayo sa isa’t isa, mahabagin, nagpapatawaran sa isa’t isa, kung papaanong pinatawad kayo ng Diyos kay Cristo.

Mga Taga-Efeso 4:31-32

Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

 

2 Corinto 4:8-10 

Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit hindi kami nalulupig. Kung minsa'y nababagabag, ngunit hindi kami nawawalan ng pag-asa. Inuusig kami, ngunit hindi pinababayaan. Napapatumba kami, ngunit hindi lubusang nailulugmok. 10 Lagi naming taglay sa aming katawan ang kamatayan ni Jesus, upang sa pamamagitan ng aming katawan ay mahayag ang kanyang buhay.

Kaya kung nakakatagpo tayo ng mga tao na gumagawa ng bagay tulad ng pag inom ng sobrang alcohol o alak, paninigarilyo o isang malapit na kaibigan na sa matagal ng panahon ay sinusubukang tumigil sa paninigarilyo pero nanigarilyo ulit. Maaring sabihin natin na akala ko ba huminto ka na sa paninigarilyo? Ngunit magdadahilan siya na kasi ang aking lolo ay namatay kaya malungkot ako at ito ay naging masakit para sa akin kaya’t muli akong nanigarilyo. Ito ang mga bagay na pinangangatwiran o dahil wala kang pagpipilian kung hindi gawin ang aksyong ito dahil sa mga pangyayari.

 

 Kaya’t ako’y naninigarilyo sapagkat ito ay isang simpleng reaksyon lamang at ako ay walang pagpipilian, wala na sa aking mga kamay ang mga ito. May posibilidad tayong gawin iyon mula sa isa panig ng ating buhay galing sa kabilang panig.  Madalas ginagawa natin ang mangatwiran sa lahat ng oras. Pero patuloy natin inilalagay ang ating sarili sa pedestal. Hindi natin kinikilala ang ating mga depekto. Madali tayong mangatwiran para sa ating sarili pero hindi natin matiis sitahin kapag ibang tao naman ang nangangatwiran at gumagawa ng mali.

 

Madali natin palusutin ang ibang mga maling bagay na ating ginagawa at pinangagatwiranan natin na ayos lang yun, pero kapag ibang tao na ang gumawa nito hindi natin kayang tiisin kahit isang minuto maging mula ito sa isang kaibigan, ka-pamilya o katrabaho. Tayo ay mapagkunwari at tinatago natin ang ating mga kakulangan isang uri ng self preservation at minsan hindi rin natin namamalayan ito. Mas nais natin pagtakpan ang mga ito upang mapreserba natin ang ating mga sarili na parang self defense mechanism katulad sa paniniwala at bilib sa ating sarili na nagtutulungang itago ang isa’t isa. Ito ay isa sa mga bagay na talagang nagpapahirap upang mas malaman natin kung sino talaga tayo.

 

Kapag ang linya ng kamalayan o diwa ay nagliliwanag, ang ating nakatagong bahagi ay nababawasan ng maling imahe ng ating sarili na parang alikabok. At na didiskober natin ang tunay nating sartili, natutuklasan kung sino talaga tayo at iyon ay malaking aspeto sa ating pinag aaralan. Kailangan nating maging handa na alisin ang  maling imaheng iyon dahil kung hindi, hindi natin makikita ng tama ang ating sarili at kung gayon mali din ang magiging pag-unawa natin sa  mundo na nakapaligid  sa atin.

 

 Ito ay isang bagay na mahirap gawin at maraming tao ang hindi handang gawing iyon, na talagang lumakad sa landas na ito kailangang tumingin sa salamin at maging handa upang talagang tanggapin ang repleksyong bumabalik at iyong nakikita. Maraming mga tao ang hindi nais gawin ito at mas gusto nila na itago na lang lahat ng bagay na iyon.

 

Mas madaling  isipin na ang lahat ng ating ginagawa ay perpekto at patuloy na mangatwiran .Maaari mong gawin iyon nang walang hanggan ngunit nangangailangan ng tiyak na  lakas at kagustuhan upang sabihin mo sa sarili mo na hindi ka perpekto. Bumalik ka sa konsepto ng bibliya na nagsasabi na ““Ang sinumang walang kasalanan sa inyo ang siyang maunang bumato sa kaniya.”Ang buong konsepto ni Jesus patungkol sa pangbabato. Maraming mga mensahe doon na nauukol sa ating pinag-uusapan natin ditto. Lahat tayo ay ang paniniwala na tayo ay perpekto at  ang ibang tao ang problema. Sila ang kailangang hatulan at ilagay sa tamang lugar at iayos.

 

 

Marcos 8:34-9:1

Tanggihan ang Sarili at Sumunod sa Akin

34 Pinalapit ni Jesus ang mga tao kasama ang kaniyang mga alagad at sinabi sa kanila: Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin ang kaniyang krus at sumunod sa akin.

35 Ito ay sapagkat ang sinumang nagnanais na magligtas ng kaniyang buhay ay mawawalan nito. Datapuwat ang sinumang mawalan ng buhay dahil sa akin at sa ebanghelyo ay maililigtas niya ito. 36 Ano ang mapapa­kinabangan ng isang tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan at mawala ang kaniyang kaluluwa? 37 Ano ang maibibigay ng tao bilang kapalit ng kaniyang kaluluwa? 38 Ito ay sapagkat ang sinumang magkakahiya sa akin at sa aking mga salita sa harapan ng lahing ito na mapangalunya at makasalanan ay ikakahiya rin ng Anak ng Tao pagdating niya sa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ng mga banal na anghel.

Sinabi ni Jesus sa kanila: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Mayroong ilang nakatayo rito na sa anumang paraan ay hindi makakaranas ng kamatayan hangga’t hindi nila nakikita ang paghahari ng Diyos na dumating na may kapangyarihan.

 


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento