Biyernes, Marso 14, 2014

Ang sagradong kaalaman ay nagbibigay sa atin ng landas, ng karunungan at ng mga kasanayan na kinakailangan upang magising ang kamalayan ngayon sa kasalukuyan sandali kaya ito ay isang landas sa isang tiyak na lawak ng kaalaman ngunit mas mahalaga ang kasanayan nito.



Ano ang sagradong kaalaman? Ang sagradong kaalaman ay nagbibigay sa atin ng landas, ng karunungan at ng mga kasanayan na kinakailangan upang magising ang kamalayan ngayon sa kasalukuyan sandali kaya ito ay isang landas sa isang tiyak na lawak ng kaalaman  ngunit mas mahalaga ang kasanayan nito.

Dahil sa dulo ang kaalaman sa pamamagitan ng karanasan na makaranas ay kailangan natin i-praktis ang iba't ibang mga diskarte na magagamit natin mula sa meditasyon sa iba't ibang mga paraan upang suriin ang ating sariling sikolohiya ang buong layunin ay upang gisingin ang kamalayan.

Upang ma-paunlad ang espirituwal na bahagi ng ating sarili para mapalaki ang  banal na kislap na matatagpuan sa bawat isa sa atin.

Sa sagradong kaalaman din magsisimulang magsama sa kanyang sariling sikolohiya.

Magbibigay sa atin ng gamit para maalis ang mga negatibong aspeto ng ating sarili
at ang paghihirap na ating nalilikha, malalaman natin na nasasayang ang maraming oras ang maraming enerhiya sa mga bagay tulad ng takot, ng depresyon, ng galit at ng pagkakasala.

Ito ay nagiging kadena upang mapanatiling nakatali sa pisikal na kalagayan, ito ay mga pabigat na kakaladkad sa paligid ng lahat ng dako sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga gamit na ginagamit natin sa sagradong kaalaman.

Partikular ang ilan sa mga kasanayan at ang mga karanasan na kinaka-hantungan
at ang karanasan na nagbibigay sa atin ng isang buong paraan upang puksain ang ilan sa mga negatibong mga bagay-bagay upang maputol ang mga tanikala upang maputol ang mga pagkakatali sa atin sa pisikal na kalagayan.  

Kapag tiningnan natin kung saan nagmula ang sagradong kaalaman ito ay hindi isang relihiyon ito ay isang mahusay na paraan ng pag-iisip ito ay ang paglilinis ng kaalaman mula sa lahat ng mga mahuhusay na sibilisasyon.

Kung iisipin ang lahat ng mga dakilang sibilisasyon tulad ng mga Egyptian, tibetians, nordic, mayans, indians, aztec, persians at iba pa, ito ang sagradong kaalaman. Ang karunungan ay ang ugat sa likod ng sagradong kaalaman ang simpleng karunungan.

At kung titingnan natin ang buong relihiyon ng mundo tulad ng buddhist, hindu, christian, jewish, muslim o anumang relihiyon. Kung ilalagay natin ang lahat ng relihiyon sa mundo, ang lahat ng kultura sa sibilisasyon ng mundo. Isipin na inilagay mo ito sa isang blender at hinalo mong lahat ang mga ito ng sama-sama at distilahin mo, ang makakakuha mo ay ang malinis na sagradong kaalaman.

Ang orihinal na karunungan dahil kapag pinag-aralan natin ang lahat ng mga relihiyon sa mundo ang makikita natin ay ang pare-parehong mga kuwentona  sinabi ng paulit-ulit at muli sa lahat ng mga iba't ibang mga relihiyon

At ang sagradong kaalaman ang orihinal na karunungan na ipinahayag sa isang iba't ibang mga paraan ng relihiyon ay isang pagpapahayag ng karunungan upang umangkop sa isang partikular na kultura sa isang partikular na lokasyon heograpikal sa isang partikular na tagal ng panahon

Ang mga prinsipyo sa pundasyon ng sagradong kaalaman ay maaaring matagpuan at maging isang karaniwang sinulid sa likod ng libu-libong taon
ng sibilisasyon at ang relihiyon ang sagradong kaalaman ay nangangahulugang karunungan.

Ang orihinal na karunungan ay palaging nandiyan lamang nagbabago ito nagbabago ito upang umangkop sa isang partikular na tao, sa isang partikular na panahon, sa isang partikular na lokasyon ito ay nagbabago upang umangkop sa kultura ngunit ito ay sagradong kaalaman.

Ang karunungan iyan ay hindi kailanman nawawala ito ay laging naroon. Ito ay nasa ilalim ng sa lahat ng mga dakilang relihiyon sa mundo ito ang karaniwang mga sinulid na nakikita natin sa likod ng libu-libong taon sa sibilisasyon at relihiyon kaya pag-aralan natin ang sagradong kaalaman ito ay halos isang paghambing sa relihiyosong pag-aaral sa isang tiyak na lawak at ating makikta na may maraming aspeto.

Sa mga oras ng programang ito habang tayo ay gumagalugad sa iba't ibang mga konsepto ng sagradong kaalaman na kung saan kung ang kailangan nating gawin ay tumingin sa isang bagay na alam mong nangyari sa mga alamat ng Griyego at makikita mo ang na nasa mga bagay ng Kristiyanismo na katulad ng isang bagay sa Hudaismo at pagkatapos ay makikita natin ang replesyon ang isang salamin ng nangyayari ngayon madalas kapag nag-aaral tayo ng sagradong kaalaman.



Magsisimula tayong makapili at hiwalayin ang mga karaniwang sinulid para sa mga mas kawili-wiling aspeto ng sagradong kaalaman. Mas lalo mo itong pinag-aaralan lalong kang mag-uumpisang makakakita sa lahat ng dako ng kapaligiran mo ang mga dakilang katotohanan, ang mga orihinal na karunungan hindi sila nakatago, hindi sila ibinigay sa lihim na lipunan.

Sila ay nasa malinaw ba tanawin lalo kapag nag-aaral ka ng mga sagradong kaalaman.  Magsisimulang makuha ang mga kalat na sinulid, ang mga tema na nasa ilalim ng lahat ng mga dakilang relihiyon. Susunod na makikita mo ang mga palatandaan sa lahat ng dako magsisimulang makita ang mga ito sa engkantadang istorya magsimulang makita ang mga ito sa mga kartoons

Sa lahat ng dako ka tumingin makikita mo ang mga bagay, ang mga karunungan, ang mga kwento na ikinuwento ng paulit ulit dahil ang sagradong kaalaman ay palaging andito kailanman hindi ito nawala kahit saan.

Lahat ng relihiyon ay ipinanganak at namamatay sa loob ng ilang panahon ngunit ang mga halaga ng katotohanan na nasa ilalim ng lahat ng mga mahusay na relihiyon ay nananatili, iyon ang sagradong kaalaman. Ang mga dakilang sibilisasyon ay pumapailanglang at bumabagsak, ang mga dakilang relihiyon ay pumapailanglang at bumabagsak lahat ay nagbabago upang umankop.

Sa panahon, sa mga tao, sa klima at sa lokasyon ngunit kung ano ang nasa ilalim ng lahat ng ito ay ang sagradong kaalaman, ang karunungan na hindi kailanman nagbabago, na muling lumilitaw sa iba't ibang mga ekpresyon, sa iba’t ibang lokasyon para sa iba’t ibang mga tao, para sa isang magkakaibang panahon.

Ang katotohanan na ang sagradong kaalaman ay andoon kung paano natin katasin ito at kung paano natin maaaring gamitin ito sa ating mga buhay kung paano maaari nating gamitin ang sagradong kaalaman upang dalhin ang ating mga sarili ng mas malapit sa pinagmulan ng lahat ng bagay. Para malinang at bumuo ng mga banal na kislap na nasa ating lahat.

Ngayon ang layunin ng mga modernong sagradong kaalaman ay simpleng gisingin ang kamalayan. At sa pamamagitan ng pag-gising ng kamalayan.

Pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagkilala sa ating sarili, sa ating tunay na pagkatao, ang buong konsepto ng pagpapalaya, ng pagbabakante ng ating sarili mula sa lahat ng materyal na nasa paligid natin
at sa halip paunlarin ang espirituwal na aspeto ng pagbuo sa binhi, ang banal na kislap sa loob natin.

Lahat tayo ay nagtataglay ng mga potensyal na maging isang bagay na dakila, ng mas malaki bilang isang indibidwal bilang karaniwang tao.

Ngayon ano ang kahulugan ng buhay tayo ay kinuha mula sa isang lugar at tayo ay itinanim. Tayo ay katulad ng isang binhi na itinanim sa lupa ang kailangan nating gawin ay matutunang alagaan ang binhi kailangang matuto tayo kung paano ito diligan ng tubig.

Kung paano papakainin ito, kung paano bibigyan ito ng liwanag upang ang binhi ay maaaring lumago at magbagong anyo sa kanyang sarili na kinakailangan upang maging tao lahat tayo ay may dala nitong kislap ng isang bagay sa loob natin ngunit ito ay tulad ng hindi kilalang potensyal sa pamamagitan ng pag-aaral ng sagradong kaalaman, sa pag-aaral ng meditasyon, sa pag-aaral sa ating sikolohiya at mga bagay na ginagawa natin patungo sa pag-gising sa ating kamalayan.

Nagtatrabaho tayo patungo sa paglinang ng banal na kislap, ang esensiya, ang banal na dinadala sa loob natin ang pagkilala sa sarili ng kung sino tayo talaga ay ang pagtuklas ng ating hindi nagagamit na mga potensyal na nilalagay natin para sa modernong sagradong kaalaman ay itinatag sa kung ano ang tinatawag nating apat na haligi ng kaalaman at ang pag-aaral ng sagradong kaalaman ay ang pagtingin sa apat na haligi at upang maunawaan ang mga apat na iba't ibang mga elemento

Ang unang haligi na tinitingnan natin ay ang unang poste, ang pilosopiya kung may pag uusapan tayo sa kahit anong bagay tungkol sa espirituwal na landas sa isang punto susuriin natin ang pilosopiya.

Ang pilisopiya ay simpleng paghahanap para sa kaalaman ang kalikasan at ang kahulugan ng ating pag-iral. Kaya ang pag-aaral ng sagradong kaalaman ay pagpapalawig, sa iba't ibang mga punto na tayo ay magiging isang pilosopo.

 Pinag-uusapan natin ang ilan sa kanilang mga konsepto, pina-aaralan natin ang ilan sa mga nagawa ng ilan sa mga dakilang philosophers at susubukan na hanapin ang kalikasan at ang kahulugan ng ating pag-iral at.

Ang malaki pang haligi ay ang agham para lakarin ang landas ng sagradong kaalaman ay ang maging isang esoterikong siyentipiko papag-aralan natin ang astronomiyaang iba’t ibang planeta at pagkaka-ayos nito na nakaka apekto sa ating pagkatao at kapalaran.

Pag-aaralan natin ang vibrations at ang batas ng kalikasan.

Pag-aaralan natin ang iba't ibang aspeto ng medisina pag-uusapan natin ang kuwantum na pisika isa pang dimensyon. Pag-uusapan natin ang alkimya, ang tungkol sa Jewish kaballah, ang mga palatandaan at mga numero kaya ang maglakad ayon sa landas ng sagradong kaalamn ay hindi lamang maging philosophers kundi maging esoterikong siyentipiko.

Ang walang dudang lalakaran natin sa landas na ito ay pag-aaralan natin ang relihiyon uubos tayo ng maraming oras sa pag-aaral sa relihiyon ng mundo at ang kani-kanilang mga aklat, pag-aaralan natin ang mga kwento pabula (fables) ng mga nursery rhymes ang parabola (parables) lahat na mga bagay-bagay na ipinasa mula sa kabuuan ng libu-libong taon upang mahanap ang mga karaniwang sinulid na makita natin sa sagradong kaalaman.

Upang bigyang-kahulugan kung ano ang ibig sabihin nito  sa ating mga buhay ngayon at ang ika-apat na haligi ay ang poste ng sining sa pag-aaral ng sagradong kaalaman kailangan nating pag-aralan ang sining dahil doon natin makikita ang lahat ng uri simbolismo At nakatagong katotohanan sa iba't-ibang likhang sining ay isa pang paraan na ang sagradong kaalaman ay nagpapahayag ng kaniyang sarili halimbawa pag-aralan namin ang visual na sining ng mga taong katulanila da Vinci, Michelangelo tulad ng pagpipinta ng the last supper lahat ng iba pang sikat na Painting namay iba’t ibang uri ng simbolismo ng sagradong kaalaman sa loob nito.

Marami sa mga dakilang artist tulad nila Da Vinci sila ay maestro sila ay mga tao na may gising na kamalayan nabuo nila ang espirituwal na aspeto na nasa loob ng kanilang sarili kaya nagkaroon sila ng kakayahang isalin ang sagradong kaalaman sa iba't-ibang mga ekpresyon.  

Isa sa mga kadahilanan kung bakit ang kanilang mga paintings na nagawa ay nakabibighani isa sa mga dahilan ay dahil mayroong mga misteryong nakapaligid sa larawan ay dahil mayroong maraming ekpresyon nagpapahayag ng sarili nito sa pamamagitan ng lahat na nasa atin.

At sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga dakilang mga gawa ay malalaman natin ang mga sagradong kaalaman.
Maaari nating malaman ang tungkol sa mga bagay, sa ating sariling sikolohiya mula sa dakilang mga gawa ng sining
ngunit hindi lang natin pinag-uusapan ang tungkol sa sining, pinag-uusapan din natin ang tungkol sa mga paintings at iskultura, pinag-uusapan din ang arkitektura mga bagay tulad ng mga pyramids, mga bagay tulad ng Stonehenge, Easter Island lahat ng mga ito na itinayo para sa isang layunin at naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa mga sagradong kaalaman.

Ito ay isa lamang ekspresyon ng iba't ibang mga katotohanan ang mga taong ito ay hindi lamang gumawa ng mga higanteng istraktura na tatagal ng libu-libong taon dahil sila ay naiinip lamang mayroong itong lahat ng uri ng impormasyon.  

Naglalaman ng pagkakaayos ng mga bagay na ito at kung paano ang mga bato ay inilagay sa isang lugar at kung ano ang mga bagay na ito at kung bakit mayroon silang mga mata kung bakit sila nakaharap sa dagat, ano ang mga nakatagong kahulugan ng lahat ng mga estatwa.

Nakaharap ang larawan sa tubig mayroong lahat ng uri ng simbolismo sa likod ng mga simbolismo at ang pag-aaral ng mga sinaunang arkitektura ay may lahat ng uri ng katotohanan na maaari nating katasin na may katuturan sa ating buhay dito at ngayon.

Hindi lamang ang visual na sining hindi lamang arkitektura ganoon din ang mga
dramatic arts Tulad ni Parsifal at Mozart sila ay mga maestrong gising ang kamalayan gising ang kanilang banal na kislap sa loob nila.
Nilinang at binuo sa isang dakilang lawak iyan ang dahilan kung bakit nila nagawang magsulat tulad ng magandang musika na hindi maaaring magaya hanggang ngayon.

Lahat ng ito ay tungkol sa pag-gising ng kamalayan at ang pag-tuklas ng mga tone-toneladang simbolismo. Ito ay may-katuturan sa ating buhay dito, ngayon dahil iyon ang ninilayon upang maging mga gising na maestro na naglagay ng lahat ng mga bagay-bagay na iyun doon at iyun ay sinadya. Mag-aaral ng musika tumingin sa iba't-ibang mga aspeto ng classical na musika.

Halimbawa si Beethoven siya ay isa pang Gising na maestro ang musika na kanyang sinulat ay nagmula sa ibang lugar ito ay nagmula sa isang mas mataas na dimensyons nagawa niyang dalhin ang kanyang antas sa isang expression ng ibang bagay.

Ito ay mga espisipikongmusikal na ginawa at inilaan upang gamitin ang tunog upang maglabas ng ibang estado ng vibrations.

At ang iba't ibang estado ng vibrations ay sinadya upang magdala ng iba't ibang mga pagbabago sa ating kamalayan makinig sa musikang ito sa pagtatangkang matulungan ang mga tao upang maitaas sa ibang antas ng espiritwalidad.

Kaya kung tinitingnan natin ang pilosopiya at tinitingnan natin ang agham kahit na ang sining at siyempre ang relihiyon. Kapag tayo ay nag-aaral ng sagradong kaalaman dapat na malawak ang ating kaalaman. Ang sagradong kaalaman ay hindi isang relihiyon ang sagradong kaalaman ay hindi nangangailangang abandunahin mo ang anumang relihiyon o espirituwal na paniniwala mayroon ka ngayon.

Ito ay kabaligtaran ng sagradong kaalaman na yumayakap at gumagalang sa lahat ng pananampalataya tulad ng lahat ng ilog na pumunta sa mga karagatan ang lahat ng iba't ibang mga porma ng relihiyon ay ekspresyon ng iba't ibang mga espirituwal o daan ng relihiyon sila ay isang ekpresyon ng sagradong kaalaman mula sa iba't ibang mga porma mula sa iba't ibang kultura sa iba’t ibang lokasyon ang sagradong kaalaman ay yumayakap sa lahat ng pananampalataya kumikilala na tayong lahat ay nag-ugat mula sa parehong pinagmulan, ang mga ito ay mga expresyon ng parehong prinsipyo.

kaya hindi habang ikaw ay nag-aaral ng sagradong kaalaman ay hindi ka na maaaring pumunta sa simbahan o hindi ka na Kristiyano hindi ka maaaring magkaroon ng kaugnayan tulad nito, na hindi ka maaaring magkaroon ng iyong pananampalataya ang sagradong kaalaman ay hindi isang relihiyon.

Hindi ang kung ano ang iyong paniniwala o sinasampalatayanan ito ay isang expresyon ng parehong pinagmulan hindi mo kailangang iwanan ang iyong mga paniniwala o relihiyon at ang sagradong kaalaman ay magpapalakas kung ano man ang iyong pananampalataya at paniniwala sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanyang pinagmulan.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng sagradong kaalaman magsisimulang makilala natin na ang lahat ng relihiyon ay isang pagpapahayag ng parehong mga prinsipyo sa huli maiisip mo na sa libo-libong taon ng pag-aaway sa mundong ito ang lahat ng hindi mabilang ng napatay bilang resulta ng pagkakaiba sa relihiyon ngunit sa katapusan alam mo na ang lahat ng ito ay pareho-pareho para mag-away ay walang katuturan kung ikaw man ay isang Muslim o isang Kristiyano

Ano ka man ito ay hindi mahalaga dahil ang lahat ay mga parehong bagay nagkakaiba lang sa ritwals, kasanayan at pananalita na maaaring palakasin at patibayin kapag nag-aral tayo ng sagradong kaalaman.

Tingnan ang iba't ibang mga relihiyon makikita natin ang ilang mga bagay na karaniwan pare-parehas sa huli ano man ang ating pananampalataya maging
isang hudyo, muslim o maging ito kristiyano maaari magkaroon ng pananampalataya at patibayin ito sa pamamagitan ng pag-aaral ng sagradong kaalaman.

Sa sandaling sinimulan mapagtanto kung saan nagmula ang lahat ng relihiyon
maunawaan mo na ang ilan sa mga aral mula sa iba't ibang mga antas at sa sandaling simulang makita ang mga karaniwang sinulid at makita ang unibersal na prinsipyo at ipahayag ang sarili nito.


Ang sagradong kaalaman ay hindi nangangailangan upang mag-retreat ka araw-araw at manirahan sa kuweba. Maraming ispirituwal na paaralan ang nagsasabi na dapat iwanan ang trabaho iwanan ang pamilya at ibenta ang lahat ng ari arian at tumira sa kuweba o bundok.

Ang sagradong kaalaman ay ang eksaktong kabaligtaran hindi na kailangang iwanan ang responsibilidad sa sibiko at pamilya sa pag-aaral ng sagradong kaalaman lahat ng mga bagay na nangyayari sa ating mga buhay ay nangyayari sa isang kadahilanan bawat sitwasyon na nangyayari sa ating mga sarili ay isang oportunidad upang iperpekto ang ating mga sarili.

At sinasabi ng sagradong kaalaman na hindi dapat tayong tumakbo at magtago sa kuweba o bundok dahil hindi iyon ang gagawa sa iyo upang maperpekto ang iyong sarili. Halimbawa sabihin nating mayroon akong problema madali akong magalit isang taong may maikling piyus at marahas madaling uminit ang ulo na ang galit ay karaniwang isang reaksyon
sa ibang mga tao ngayon sabihin nating upang makatakas sa galit tumakbo ako at tumira sa kuweba sa loob ng dalawampung taon.

At hindi ako nakakita ng tao sa loob ng dalawangpung taon ngayon sa loob ng dalawampung taon ako ay hindi na nagagalit kaya panahon na para iwanan ang kuweba tagumpay sa wakas nawala na ang galit ko at ako ay babalik sa sibilisasyon at iiwanan ang aking kuweba.

At nakaka-dalawang kilometro pa lang ako naglalakad palabas ng aking kuweba may isang taong nagmamaneho ang humaharurot at muntik na akong masagasaan nagalit na naman ako at ang galit na pinipilit kong maalis ay andoon pa rin dahil lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may kadahialan.




Lahat tayo ay nabuhay ng may layunin. Lahat ng nangyayari sa atin, sa ating kalagayan sa ating buhay mula sa ating pamilya, sa trabaho, sa ating mga sitwasyon, sa ekonomiya sa lahat ng mga bagay-bagay ay upang maturuan tayo ng isang bagay. Ang lahat ng nangyayari sa ating buhay ang mabuti at ang masama ay isang pagkakataon upang buuin ang ating sarili sa espiritwal kaya tayo nandito sa mundo kaya tayo ipinanganak sa isang sitwasyon at pangyayari.

Ipinanganak tayong kasama mga iyun. Iyun ang dahilan kung bakit ang mga bagay na iyun ay nangyayari sa atin.
Ang mga ito ay oportunidad upang matuto tayo upang maperpekto ang ating mga sarili. Isa sa talagang magandang bagay sa sagradong kaalaman ay ang matuto sa mga negatibong bagay na nangyayari sa ating mga buhay at malaman natin sa mga panahon na iyon ang galit o panghihina ay pwedeng baligtarin.

At gamitin ang sitwasyon na iyun bilang isang lente sa pag-aaral sa ating sariling sikolohiya ang lahat ng ito ay napupunta pabalik sa NOSCE te ipsum kilalanin ang iyong sarili.

Maaari nating gamitin ang pagkakataon na mayroon tayo.
Kapag tayo ay galit sa isang tao, sa trabaho maaari mong gamitin bilang isang paraan upang pag-aralan ang paghahayag ng galit sa loob ng ating sarili at magtrabaho patungo sa pag-aalis nito hindi na itinatago mula sa kalagayan ng buhay hindi pag-iwas sa mga pangyayari ng buhay ngunit ang paggamit sa kalagayan ng buhay bilang isang kasangkapan upang mag-alaga at mabuo ang espirituwal na bahagi ng ating sarili.

Kinikilala ng sagradong kaalaman ang kahalagahan ng araw-araw nating buhay ang mga nangyayari sa atin, kinikilala bilang isang kakayahan upang magbigay ng mahalagang kasangkapan upang malaman ang tungkol sa ating sariling sikolohiya kaya ang sagradong kaalaman ay hindi tungkol sa pag-iwas sa mga bagay at pag-iwas sa mga tao at pag-alis sa trabaho at tumatakbo palayo mula sa lahat ng mga ito.

Ang sagradong kaalaman ay tungkol sa nararanasan nang direkta sa ating buhay
ang pag-gamit sa bawat sitwasyon ng ating buhay bilang isang pagkakataon upang malaman ang tungkol sa ating sariling sikolohiya, upang makabuo at maalagaan ang banal na kislap na dinadala natin sa ating loob.

Ang sagradong kaalaman ay hindi nangangailangang  paniwalaan mo ang anumang bagay, hindi ito tungkol sa pananampalataya, hindi ito tungkol sa paniwalaan mo o magtiwala ka sa akin ang sagradong kaalaman ay ganap na kakaiba. Ang sagradong kaalaman ay
nanghihikayat sa atin para sa pagsasanay at maranasan ang unang kaalaman.

Tama ang sagradong kaalaman ay upang makilala mo ang iyong sarili ang karunungan bilang kaalaman sa pamamagitan ng karanasan ang sagradong kaalaman ay ang lahat ng tungkol sa mga diskarte sa mga kasangkapan, kasanayan na ginagamit natin upang makarating sa kaalaman kaya kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa astral projection.

Tinitingnan natin ang mga kasangkapan, ang mga diskarte, ang mga kasanayan na kailangan natin upang bumuo ng mga kapangyarihan para sa ating sarili.
 
Ang pag-gising ng ating kamalayan na kasama ang mga panaginip, ang
pag-papaunlad ng maningning na mga panaginip makilala ang iba't ibang mga estado at meditasyon ang karanasan tungkol dito ito ay isang sistema na kung saan magbibigay sa atin ng mga kasangkapan at ang mga kasanayan na kinakailangan.

para maranasan ng iyong sarili
para sa mga taong nais ang landas ng sagradong kaalaman ay nag-aaral, nararanasan at hinarap ang mga aral nakararanas ng malalim na estado ng meditasyon upang maisarado ang lahat ng iyong mga pananaw at karanasan

Kaya sa katapusan ang lahat ng ito ay isang praktikal na landas ang maranasan ang mga aral at pag-aralan kung paano i-
isama ang mga aral sa iyong sariling buhay.

Ang sagradong kaalaman ay hindi nangangailangan na ilagay mo ang iyong tiwala sa ibang tao at umasa lamang sa kanyang mga salita at mga karanasan at iyon ay isang totoong bitag na makikita natin sa iba't ibang mga relihiyon o espirituwal na kilusan na palaging mayrong taong mas espesyal sa iyo sa kahit anong dahilan dahil sila ay mas mataas o mas mahusay at kailangan mong umasa sa taong ito nakikita natin talaga ang isang herarkiya.

Sa maraming mga institusyon ng relihiyon  wala nito sa sagradong kaalaman dahil ang sagradong kaalaman ay ang paghahanap sa lahat ng katotohanan at ng lahat ng kanyang kaalaman at ang iyong karanasan sa huli ang pagsasanay sa diskarte para sa iyong sarili at maranasan kung ano ito tulad ng pagpunta sa astral na antas ng makapasok sa lebel ng kamalayan.

Makipag-ugnay sa mga katalinuhan at sa mga matataas na nilikha na namamalagi sa partikular na antas. Sa pamamagitan ng sagradong kaalaman ang isang tao ay maaaring makatanggap ng kaalaman nang direkta mula sa maestro ang dibinidad, sa mga anghel at sa Diyos. Ang Diyos o anghel o diaboliko ay simpleng isang katalinuhan na namamalagi sa iba't ibang mga antas.

Sila ay beings o intelihensiya na naninirahan sa isang iba't ibang mga dimensyon. Tayo man ay sumasakop sa iba't ibang mga dimensyon sa parehong oras dahil tayo ay dumadaloy sa espasyo kaya ang sinaunang relihiyon ng tumingin sa mas mataas na mga dimensyon nakita nila kung paano sila naiiba mula sa pisikal na dimension.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento