Sagradong kaalaman sa mas mataas na
relasyon ng nagmamahalang lalaki at babae.
Ang sagradong aklat na ito ay
magpapaliwanag ng may kalaliman sa sikretong karunungan upang maiwasan ang
hiwalayan at panlalamig ng pagmamahalan ng mag-asawa at magkasintahan ayon sa
biblia.
Genesis 2: 1-25
1 Nilikha nga ng Diyos ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay na naroroon. 2 Tinapos niyang likhain ang lahat ng ito sa loob ng anim na araw, at siya'y nagpahinga sa ikapitong araw. 3 Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat. 4 Ganito ang pagkalikha sa langit at sa lupa.Ang Halamanan ng Eden
Nang likhain ng Panginoong Yahweh ang lupa at lahat ng bagay sa langit, 5 wala pang anumang halaman o pananim sa lupa, sapagkat hindi pa nagpapaulan noon ang Panginoong Yahweh, at wala pa ring nagsasaka. 6 Ngunit mayroon nang bukal ng tubig na dumidilig sa kapatagan sa lupa. a7 Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok, hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
8 Gumawa ang Panginoong Yahweh ng isang halamanan sa Eden, sa dakong silangan, at doon dinala ang taong kanyang nilalang. 9 Pinatubo niya roon ang lahat ng uri ng punongkahoy na magagandang pagmasdan at masasarap ang bunga. Sa gitna ng halamanan ay naroon ang punongkahoy na nagbibigay-buhay, at gayundin ang punongkahoy na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
15 Inilagay ng Panginoong Yahweh ang tao sa halamanan ng Eden upang ito'y pagyamanin at pangalagaan. 16 Sinabi niya sa tao, "Makakain mo ang alinmang bungangkahoy sa halamanan, 17 maliban sa bunga ng punongkahoy na nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Huwag na huwag mong kakainin ang bungang iyon, sapagkat sa araw na kainin mo iyon ay mamamatay ka."
18 Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong." 19 Kaya, mula sa lupa ay lumikha ang Panginoong Yahweh ng mga hayop sa parang at mga ibon sa himpapawid, dinala niya ang mga ito sa tao upang ipaubaya rito ang pagbibigay ng pangalan sa mga iyon. Kung ano ang kanyang itinawag, iyon ang naging pangalan ng mga ito. 20 Ang tao nga ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon sa himpapawid at hayop sa parang. Ngunit wala isa man sa mga ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.
21 Kaya't pinatulog ng Panginoong Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at pinaghilom ang laman sa tapat niyon. 22 Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at dinala niya ito sa lalaki. 23 Sinabi ng lalaki,
"Sa wakas, narito ang isang tulad ko,
laman ng aking laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha."
24 Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa.
Genesis 1:
26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos:
"Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating
wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat
ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit." 27
Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang
na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y
pinagpala niya. Sinabi niya, "Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong
mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng
kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng
mga hayop na nasa ibabaw ng lupa. 29 Ibinibigay ko
rin sa inyo ang lahat ng uri ng halamang nagkakabinhi at mga bungangkahoy
bilang pagkain ninyo. 30 Ang lahat ng halamang
luntian ay ibinibigay ko naman sa lahat ng hayop sa ibabaw ng lupa at sa lahat
ng mga ibon." At ito nga ang nangyari. 31
Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan.
Lumipas ang gabi, at sumapit ang umaga---iyon ang ikaanim na araw.
7 Pagkatapos, ginawa ng Panginoong Yahweh ang tao mula sa alabok,
hiningahan niya sa ilong, at nagkaroon ito ng buhay.
Ngunit wala isa man sa mga
ito ang nababagay na makasama at makatulong niya.
21 Kaya't pinatulog ng Panginoong
Yahweh ang tao. Samantalang nahihimbing, kinuha niya ang isang tadyang nito at
pinaghilom ang laman sa tapat niyon. 22 Ang tadyang na iyo'y ginawa niyang isang babae, at
dinala niya ito sa lalaki
Kaya ang lalaki ay
nilikha galing sa alikabok
At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Kritikal itong
maunawaan upang maging maganda ang samahan ng magkasintahan at mag asawa.
Nagkaroon kasi ng
matinding pagbabago sa samahan ng mag asawa ng magkasala ang tao.
Genesis 3: 1-24
Nagkasala ang Tao
1 Ang ahas ang pinakatuso sa lahat ng hayop na nilikha ng Panginoong Yahweh. Isang araw tinanong nito ang babae, "Totoo bang sinabi ng Diyos na huwag kayong kakain ng anumang bungangkahoy sa halamanan?"2 Sumagot ang babae, "Maaari naming kainin ang anumang bunga sa halamanan, 3 huwag lamang ang bunga ng puno na nasa gitna niyon. Sinabi ng Diyos na huwag naming kakainin ni hihipuin man ang bunga nito; kung kami raw ay kakain nito, mamamatay kami."
4 Ngunit sinabi ng ahas, "Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay!" 5 "Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama."
6 Ang punongkahoy ay napakaganda sa paningin ng babae at sa palagay niya'y masarap ang bunga nito. Naisip din niya na kahanga-hanga ang maging marunong, kaya't pumitas siya ng bunga at kumain nito. Binigyan niya ang kanyang asawa, at kumain din ito. 7 Nagkaroon nga sila ng pagkaunawa matapos kumain. Noon nila nalamang sila'y hubad, kaya kumuha sila ng mga dahon ng igos, pinagtahi-tahi nila ang mga ito at ginawang panakip sa katawan.
8 Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno. 9 Ngunit tinawag niya ang lalaki at tinanong, "Saan ka naroon?"
10 "Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hubad," sagot ng lalaki.
11 Nagtanong muli ang Diyos, "Sinong maysabi sa iyong hubad ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?"
12 "Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin," tugon ng lalaki.
13 "Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?" tanong ng Panginoong Yahweh sa babae.
"Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain," sagot naman nito.
Inihayag ng Diyos ang Kaparusahan
16 Sa babae nama'y ito ang sinabi:"Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin."
17 Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:
"Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
18 Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin;
19 sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling
maghihirap ka hanggang sa malibing.
Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,
sa lupang alabok ay babalik ka rin."
20 Eva a ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan. 21 Ang mag-asawa'y iginawa niya ng mga damit na yari sa balat ng hayop.
Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Ang lalaki ay nilikha galing sa
alikabok
At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
At ang babae ay nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Magsa-larawan tayo ng isang
lalaki na lumaki sa manila at isang babaeng lumaki sa
isang probinsiya. Isang araw nag-bakasyon ang lalaki sa
probinsiya, at doon niya nakilala at natuklasan ang isang babaeng probinsiyana.
Isang sulyap niya lang sa babaeng probinsiyana napukaw agad ang kanilang
damdamin na hindi pa kailanman nila nararamdaman. Sila ay nahulog sa pag-ibig at
mabilis na nagpakasal at tumira muna sa lupain ng babae.
Tinatanggap
ng probinsiyana ang taga manila ng may
bukas na pagmamahal. Alam nila na
mangyayari ito sa kanila at darating ito sa kanilang buhay bilang nakatakda.
Ang kanilang puso ay binuksan ng malawak para sa isang pag-ibig, isang pakiramdam na kailanman ay
hindi pa nila naramdaman. Ang pag-ibig sa pagitan ng taga manila at ng probinsiyana ay
kabigha-bighani.
Sila ay
nag-uumapaw sa kaligayahan sa pagiging magkasama, at sa pag-gawa ng mga bagay-bagay na magkasama. Kahit na nagmula sa iba't ibang mga pagkakaiba, sila ay masaya sa
kanilang mga pagkakaiba. Sila
ay gumugol ng maraming buwan upang makilala at matuto sa bawat
isa, sa pag-tuklas at pagpapahalaga
sa kanila-kanilang iba't-ibang
mga pangangailangan, mga kagustuhan, at mga disenyo ng kani-kanilang pag-uugali.
Ilang taon silang magkasama sa pag-ibig at
pagkakasundo.
Pagkatapos ay
nagpasya na silang kumuha at tumira sa
sarili nilang bahay. Sa simula, ang lahat ng
bagay ay kahanga-hanga at maganda. Ngunit ang
mga epekto ng kapaligiran at katotohanan ay unti
unti ng nagpapakilala sa kanila.
Isang umaga
nagising sila ng may isang katangi-tangi
uri ng amnesya isang
uri ng amnesya! Parehong ang taga
manila at taga probinsiya ay
nakalimot na sila ay mula sa
magkaibang mga lugar at maging ang pagkaka-likha
bilang lalaki at babae ay magkaiba ang pinag-kunan. Ang
lalaki ay nilikha galing sa alikabok, at ang babae ay nilikha galing sa tadyang
ng lalaki.
Isang
umaga lahat ng natutunan nila tungkol sa kanilang mga pagkakaiba
ay nabura sa
kanilang memorya. At simula ng
araw na iyon ang lalaki at babae ay laging may salungatan at laging mayroong
hindi pinagkakasunduan.
Ang ating pagkilala sa ating
kaibahan ng wala sa kamalayan, na tayo
ay dapat na may kaibahan sa pagkakalikha, ang mga lalaki at mga babae ay laging may pagtatalo sa bawat isa.
Karaniwan tayong nakikipagtalo at
nabibigo sa ating kasalungat na kasarian dahil nakalimutan natin
ang mahalagang katotohanan
ito. Inaasahan natin na ang
ating opposite sex ay dapat maging tulad ng ating sarili. Nais nating
na gustuhin nila kung ano ang gusto
natin at maramdaman nila ang ang nararamdaman natin.
Nagkakamali
tayong ipagpalagay na kung ang ating
asawa o kasintahan ay umiibig sa atin, sila ay dapat na mag-react at
kumilos tulad ng paraan na ginagawa
natin pag-tayo ay nagmamahal sa isang tao. Ang pagtingin na ito ang naglalagay sa atin sa pagka-dismaya at
kabiguan ng paulit-ulit at pumipigil sa atin upang makipag-usap
nang may buong pagmamahal tungkol sa ating
mga pagkakaiba.
Ang mga lalakihan ay
nagkakamali kapag inaasahan nila na ang mga
kababaihan ay nag-iisip, nakikipag-usap at nag rereact tulad sa gawi ng
kalalakihan; at ang mga kababaihan ay nagkakamali
kapag inasahan nila na ang mga
kalalakihan ay nag-iisip, nakikipag-usap, at tumutugon sa gawi ng
kababaihan. Nakalimutan natin na ang mga kalalakihan at kababaihan
ay dapat na maging
magkaiba.
Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:"Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga; dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa, sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
18 Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
halaman sa gubat ang iyong kakainin;
19 sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling maghihirap ka hanggang sa malibing.
Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,
sa lupang alabok ay babalik ka rin."
16 Sa babae nama'y ito ang sinabi:
"Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin, at sa panganganak sakit ay titiisin; ang asawang lalaki'y iyong nanasain, pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin."
Bilang resulta,
ang ating relasyon ay puno ng mga hindi kinakailangang
mga alitan at salungatan.
Kung malinaw na
kikilalanin at gagalangin
ang mga pagkakaiba magiging kapansin-pansin ang magiging
kabawasan sa kalituhan kapag nagsasama
ang magkasing-irog. . Kapag kinilala mo na
ang lalaki ay nilikha galing sa alikabok At ang babae ay
nilikha galing sa tadyang ng lalaki.
Ang mahulog sa pag-ibig ay laging
kahali-halina. Makakaramdam ng eternal at kawalang hangganan, na parang ang pag-ibig
ay magtatagal magpakailanman.
Walang muwang tayong naniniwala na
kahit papaano tayo ay hindi saklaw sa mga naging problema ng ating mga magulang,
na malaya tayo mula sa mga problema, na ang pag-ibig ay hindi mamamatay,
panatag na ito ay sadyang naka-takda at tayo ay naka-ukol upang mabuhay sa kaligayahan
magpa-kailanman.
Ngunit
habang nawawala ang madyik at
ang araw-araw na problema sa buhay
ay higit na nangingibabaw, lumilitaw
na ang lalaki ay patuloy
na umaasa sa mga babae na mag-isip at mag react tulad ng isang lalaki, at
ang babae naman ay umaasa na ang lalaki ay dapat makaramdam at mag-ugali tulad ng isang babae.
Ngunit kung walang
isang malinaw na kamalayan sa ating mga pagkakaiba, hindi tayo magbibigay ng panahon upang maunawaan
at respetuhin ang
bawat isa. Nagiging
demanding, mapaghinanakit, judgmental, at hindi na
tayo mapagparaya. Sa patuloy na
pinakamahusay at mapagmahal na intensyon ang pag-ibig ay patuloy na namamatay. At sa ano mang situwasyon ang mga problema
ay patuloy na lumalago. Ang mga sama ng loob at
hinanakit ay patuloy na nabubuo.
Ang
komunikasyon ay lalong nasisira. Ang kawalan ng tiwala ay tumataas.
Ang rejeksyon at pagsusupil ang nagiging resulta. Pagtanggi
at pagsugpo ang naging resulta. Ang magik
ng pag-ibig ay
nawala na ng tuluyan.
Tinatanong natin ang
ating mga sarili: Paano ito nangyayari? Bakit ito nangyayari? Bakit nangyayari ito sa atin? Upang masagot ang mga katanungang ito ang ating mga dakilang mga kaisipan ay nakapag-buo ng mga makikinang
at kumplikadong pilosopiko
at sikolohikal na mga modelo. Ngunit bumalik
pa rin sa lumang pattern. Ang
pag-ibig ay namatay. Ito ay nangyayari kahit kaninuman. .
Araw-
araw milyon-milyong mga indibidwal ang naghahanap para sa isang partner
upang makaranas ng isang espesyal na pakiramdam ng pagmamahal. Bawat
taon, milyon-milyong mga mag-asawa
ang nagsama para sa pag-ibig at pagkatapos ay masakit na maghihiwalay dahil nawala na ang pakiramdam ng pagmamahal.
Para sa mga taong nagagawang suportahan ang
pag-ibig ng may sapat na katagalan upang makakuha ng pagpapakasal, 50 porsiyento lamang
ang nananatiling mag-asawa.
Mula sa
mga taong nanatiling magkasama, posibleng isa
pang 50 porsyento ang hindi
masaya. Nanatili silang magkasama
kahit wala na ang katapatan at obligasyon o mula sa takot
na magsimula uli sa umpisa.
Napakakaunting mga
tao, sa katunayan, ang nakakagawang palaguin ang pag-ibig.
Ngunit, ito ay nangyayari. Kapag ang mga kalalakihan at kababaihan
ay magagawang igalang at tanggapin ang kanilang mga pagkakaiba ang pag-ibig
ay magkakaroon ng pagkakataon mamukadkad.
Sa pamamagitan ng
pag-unawa ng mga nakatagong mga pagkakaiba ng lalaki
at babae matagumpay tayong makakapagbigay at makakatanggap ng pag-ibig na nasa ating mga puso. Sa pamamagitan ng pagpapatunay at pagtanggap sa ating mga
pagkakaiba, makakalikha tayo ng mga
solusyon na maaaring matuklasan
kung saan maaari nating magpagtagumpayan ang pagkuha ng kung ano ang ninanais
natin.
At,
ang mas mahalaga, maaari nating malaman kung paano ang pinakamahusay na
pag-ibig at sumuporta
sa mga taong mahalaga sa atin.
Ang Pag-ibig ay mahiwaga,
at maaari itong magtagal, kung tandaan natin ang ating mga pagkakaiba.
Ang madalas
i-reklamo ng mga kababaihan ay ang tungkol sa hindi pakikinig ng mga kalalakihan..
Alinman sa ganap na pagbabalewala
ng isang lalaki
kapag kinakausap siya ng babae, o nakikinig siya para sa ilang mga salita,
sinusuri kung ano ang nakaka-istorbo sa babae, at pagkatapos ay
buong pagmamalaking magsasabing ako na ang bahala at mag-aalok
ng kanyang solusyon upang gumanda ang pakiramdam ng babae.
Ang lalaki ay
nalilito kapag hindi
pinasasalamatan ang kanyang kilos bilang isang uri ng pag-ibig. Kahit gaano karaming beses sinasabi ng babae sa
kanya hindi siya nakikinig,
hindi niya nakukuha
ito at pinapanatili ang ginagawa sa parehong bagay. Ang totoong kailangan ng babae ay pakikiramay, ngunit ang akala ng lalaki naghahanap ng solusyon ang babae. Ang pinaka-madalas na ipinahayag na reklamo ng kalalakihan ay
tungkol sa mga kababaihan na palaging sinusubukang baguhin sila.
Kapag
nagmamahal ang isang babae, ang palagay niya
responsable niya ang pag asisti sa pagtulong sa paglago ng lalaki at sinusubukang makatulong sa kanya upang mapabuti ang paraan
ng kanyang mga ginagawa. Siya ay bumubuo ng isang kaisipan
upang maayos ang bahay, at ang
lalaki ang pangunahing natutuunan
ng babae na dapat maisaayos.
Kahit
tumututol ang lalaki sa tulong ng babae,
ang babae ay nagpapatuloy- naghihintay ng anumang pagkakataon upang makatulong sa kanya o sabihin sa
kanya kung ano ang dapat gawin. Iniisip ng babae na inaalagaan niya ang
lalaki, habang ang pakiramdam ng lalaki ay
kino-kontrol siya. Sa halip, ang nais ng
lalaki ay tanggapin siya kung ano siya. . Ang dalawang problema ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung bakit ang lalaki ay nag-aalok ng mga solusyon at kung bakit ang babae
ay naghahanap upang sila ay mapabuti.
Bumalik muna tayo sa nakaraan,
sa panahon ng ating unang mga ninuno. Kung saan maoobserbahan
ang buhay noong nasa makalumang panahon. At maaaring tayo makakuha ng ilang mga pananaw at kaalaman sa sinaunang mga kalalakihan at kababaihan.
Ang mga lalaki ay nagpapahalaga
sa kapangyarihan,
kagalingan, kahusayan, at kakayahan.
Sila ay laging gumagawa ng mga
bagay upang patunayan ang kanilang mga
sarili at bumuo ng kanilang
kapangyarihan at kasanayan.
Ang kahulugan ng kanilang sarili ay naipakikilala sa pamamagitan ng kanilang mga kakayahan upang
makamit ang mga resulta. Nakakaranas sila ng katuparan lalo na sa pamamagitan ng tagumpay at katuparan
sa kanilang ginagawa. Ang lahat ng kanilang ginagawa ay sumasalamin sa kanilang
kahalagahan. Kahit ang kanilang mga sinusuot ay dinisenyo upang
ipakita ang kanilang mga kasanayan at kagalingan.
Tulad ng mga opisyal
ng pulisya, sundalo, negosyante, siyentipiko, taksi driver, technicians,
at chef ang lahat
ay nagsusuot ng mga uniporme upang
maipakita ang kanilang kakayahan
at kapangyarihan. Hindi sila nagbabasa ng mga magazine tulad ng
pagpapaganda ng pag-aayos ng bahay, o ng sarili, o tungkol sa buhay
ng ibang tao. Sila ay mas nag aalala tungkol sa mga
panlabas na aktibidad pangangaso, pangingisda, at karera ng kotse
nila. Sila ay interesado
sa mga balita, taya ng panahon, at sports at hindi
mahalaga sa kanila ang mga romantikong nobela at libro
para matulungan ang kanilang sarili.
Sila ay mas interesado sa mga bagay at gamit kaysa sa mga tao at mga damdamin. Habang ang mga kababaihan ay nagpa-pantasya tungkol sa
romansa at pag-iibigan, ang mga lalaki
ay nagpa-pantasya tungkol sa makapangyarihang mga kotse, mas mabilis na mga computer, mga gadget, sandata, at
bagong mas malakas na teknolohiya.
Ang mga lalaki ay abalang-abala
sa "bagay" na maaaring makatulong sa kanila upang ma-ipahayag
ang kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng paglikha ng mga resulta at pagkamit ng kanilang
mga layunin. .
Ang pagkamit ng
mga layunin at pangarap ay napakahalaga
sa isang lalaki dahil ito ay isang paraan para sa kanya upang patunayan ang kanyang kakayahan at
gumaganda ang kaniyang pakiramdam sa sarili. At para
sa kanya upang maging-maganda
ang kanyang pakiramdam dapat makamit
niya ang mga layuning ito sa pamamagitan ng kanyang sarili. Walang ibang tao ang maaaring makamit ng
mga ito para sa kanya. Ang mga lalaki ay nagmamataas ng sarili kapag nagagawa ang mga bagay sa pamamagitan ng kanilang mga sarili. Ang pagsasarili ay isang simbolo ng
kahusayan, kapangyarihan, at kagalingan.
Ang pag-unawa
sa katangian ito ng kalalakihan ay maaaring makatulong sa mga kababaihan
na maunawaan kung bakit hindi sumusunod ang mga lalaki kapag ini-wawasto o
sinasabihan kung ano ang dapat gawin.
Upang mag-alok sa isang lalaki ng hindi hinihinging mga payo ay nagpapalagay sa kanya na hindi niya
alam ang dapat niyang gawin o hindi magagawa ito
ng kaniyang sarili lang.
Ang mga kalalakihan ay masyadong
maramdamin tungkol dito, dahil ang isyu ng kagalingan
ay napakahalaga sa kanila. Dahil gusto niyang siya ang
umayos ng sarili niyang problema. Ang isang lalaki ay bihirang pag-uusap ang kanilang problema maliban kung nangangailangan siya ekspertong
payo. Mangangatwiran siya na: "Bakit ako hihingi ng tulong sa ibang tao kapag maaari
ko naming ayusin ito ng mag-isa?" Tinatago niya ang
kanyang mga problema sa kanyang sarili maliban lamang kung siya ay nangangailangan ng tulong mula sa iba upang
makahanap ng solusyon. Ang paghingi ng tulong kapag maaari mong ayusin ito ng mag-isa
ay pahiwatig bilang isang tanda ng kahinaan.
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahin