Miyerkules, Marso 19, 2014

Announcement: A You Tube Dtef's Seminar with brod Nest Part 5 ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO is now available.



Announcement: A You Tube Dtef's Seminar with brod Nest Part 5 ANG KAPANGYARIHAN NG PAG-DIDIVINO is now available. Priorities for the link will be given to Dtef members with copies of Sagradong Aklat for proper guidance. Please send your requests and questions to brod nest ist (FB) or brodnest@rocketmail.com.

Dtef's Seminar with brod Nest Part 5 ANG KAPANGYARIHAN
NG PAG-DIDIVINO

Ang daan ng buhay Divino:
            Narito ang pag-aaral tungkol sa mga nakatagong kaalaman at sikretong karunungang itinago sa maraming panahon, maging sa mga ordinaryong sangkatauhan. Matutunan ang makapangyarihang pang-gagamot, ang pinansyal na kaginhawahan, ang matibay na pag-mamahal sa pamilya man at mga kaibigan.
            Matutunan ang paggamit ng “Kapangyarihan ng mas mataas na antas ng sarili, at ang mas mataas na antas ng kamalayan, na mayroon sa bawat nabubuhay na nilalang kung saan binibigyang daan sila upang mamuhay ng perpekto.”
            Sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin at pagsasagawa ng mga disiplinang ito, makakabuo tayo ng isang kapansin pansing walang hanggang kapangyarihan.
            Isang kapangyarihang higit pa sa ating kamalayan at katawan, maging ang kakayahang at kapangyarihan mas mataas upang mapasunod ang ibang tao para sa kanyang ikabubuti. Gamit ang kapangyarihang ito mailalagay natin ang ating sarili at ang ibang tao sa estado kung saan magkakaroon tayo ng perpektong husay, kalusugan, pagkakasunduan, kaligayahan at kapayapaan sa ibang at alagaan ang mga katangiang ito na sa panahon ngayon ay tinatawag nating “tagumpay.”
Ang sagradong kaalaman ay ang mga kahanga-hangang karunungan ng lahat ng mga dakilang relihiyon.
Ang sagradong kaalaman ay unibersal na pagtuturo ng praktikal na agham. Ang layunin ay ang ganap na pagpapalaya mula sa paghihirap at ang kumpletong pag-unlad ng tao.
Ang libreng lektiyur ay magagamit ng lahat ng mga taong nagmamahal sa ating Panginoong Diyos. Ang araling ito ay mula sa ibat’t ibang maraming mga paksa ng sagradong kaalaman at mga lihim na karunungan upang matugunan ang maraming pangangailangan ng sangkatauhan.
Ang ating libreng mga aralin ay nagawang posible sa pamamagitan ng mga kabutihan ng mga miyembryong  bukas ang puso na tulad mo para sa karagdagang impormasyon o upang gumawa ng isang donasyon ng mapalawak pa ang ating mga layunin mag-mensahe sa amin anumang oras sa pamamagitan ng facebook o sa aming web site.
8 Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Tulad ng nasusulat, "Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha; ang kanyang katuwiran ay walang hanggan." 10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Ang magaan na pagtanggap ay isang ekspresyon ng karangalan sa nagbibigay.
Ang pag-gasta at mga serbisyo
Ang Pera ay parang dugo dapat itong dumaloy.

Ang pag-iimbak at pagtatago lang nito ay nagiging dahilan maging matamlay.
Upang lumago dapat itong dumaloy.
kung hindi, ito ay nagigig hadlang at tulad namumuong dugo maaaring maging sanhi ng pinsala.

Ang Pera ay enerhiya ng buhay, na ating pinagpapalit at ginagamit  bilang resulta ng serbisyo na binibigay natin sa sandaigdigan. At upang panatilihin itong dumarating sa atin, kailangan nating panatilihin ang paglaganap nito.
Ang donasyon ay ang pagbibigay ng isang bahagi ng iyong kita ng walang mga kundisyon o inaasahang kapalit kapag magbibigay. Kapag nagbigay
ng walang kapalit humihigop ito at nililikha ng mas kaakit-akit at mas higit pang pagpapala sa kung ano ang iyong ibinigay. Kapag walang mayamang puso ang kayamanan ay nagiging pangit na pulubi.
Ngayon, may taos-puso kahilingan  para sa katapusan ng paghihirap ng lahat ng mga nilalang, magsisimula tayo sa ating pag-aaral, upang ang lahat ng tao'y magiging masaya.
Bumabati kami ng malugod sa mag-aaral na pasukin na natin para sa pagtuklas ng mga sagradong kaalaman kung saan ito ay ang mga praktikal na agham. Na kailangan natin upang lubos na mabuo ang ating sarili bilang isang tao.
Ang sagradong kaalaman ay isang anyo ng kaalaman na lagpas sa ating panlupang personalidad. Ito ay isang anyo ng kaalaman na sumasaklaw sa kabuuan ng ating pag-iisip. At nasa loob  ng ating sarili lahat ng karunungan o ang maliwanag at tiyak na hakbang na kinakailangan para sa kaisipan na iyon upang maging ganap na buo ..
Kaya kapag nag-aral na tayo ng mga sagradong kaalaman ito ay magiging ating interes, ito ay ang ating pananabik. At sa katunayan lahat ng nag-aral ng relihiyon at ispirituwalidad. Ay ganito, dahil mayroon tayong espirituwal na pag-aalaala. Ang mga espirituwal na pag-aalaala ay isang pagnanais para sa pag-asam ng isang pampasigla, iyon ay nasa loob ng ating kamalayan o diwa.
Isang bagay na malalim, malalim na nasa loob ng ating saykiko. Ang espirituwal na pag-aalaala ay ang puwersa na naghahanap upang maging elemento na nagtatanong bilang isang kaluluwa, bilang isang taong may kamalayan, upang maging isang taong may pag-asam na mabuhay, na nahihimok mula sa lalim ng ating mga kamalayan, mula sa isang malalim tungkol sa nananatili nating kamangmangan para mag-isip-isip. Ang layunin ng sagradong tradisyon o ng sagradong kaalaman ay ang pag-aaral upang malaman ang pinagmulan ng nagpapasigla upang katawanin ang pinang-galingan, ng magkaroon ng direktang kaalaman ng pinagmulan at ito  talaga ang ibig sabihin ng sagradong kaalaman sa kanyang tunay na kahulugan ang unang kaalaman ng ating pinangalingang ugat kung saan tayo nanggaling.
Magsimula tayo sa pagsiyasat sa pamamagitan ng pagtingin sa ating mga sarili kung ano tayo ngayon, siyasatin kung saan tayo nanggaling at upang matuto mula sa likas na katangian tungkol sa kung paano tayo gumagana at kung paano tayo maaaring maka-angkop kung saan at paano tayo dapat mabuhay?
Lahat tayo bilang mga tao ay nakakaramdam ng ganitong mga simbuyo upang ipahayag, upang lumitaw, para maging, at ang pangangailangan ng madaliang pagkilos na ito ay partikular na malakas kapag tayo ay nasa kabataan, at nakakaramdam tayo ng paghahanap, nangangailangan at nagpupumilit malaman kung sino tayo?
Sino at ano ang ating magiging pagkatao? Ano ang ating magiging layunin? Ano ang ating magiging tungkulin? Ano ang nasa loob natin na naglalayong ipahayag ang kanyang sarili, kung sino tayo? Ito ang malalim na espirituwal na pag-aalaala ay partikular na malakas sa ating paglaki at sa pagiging kabataan. Ngunit sa kasamaang-palad para sa atin hindi natin makita ang mga sagot sa ating lipunan, sa ating relihiyon, sa ating mga paaralan, mga unibersidad at ang ating mga pamilya madalas sinabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin ngunit napaka bihirang matuklasan ng isang tao kung sino sila.
Itong uri ng kaalaman sa sarili o sagradong kaalaman sa sarili ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng paghahanap sa labas ng mundo matagpuan ito sa pamamagitan ng paghahanap sa kaibuturan ng ating sarili at sa kasamaang-palad ang karamihan sa mga tao na ipinanganak sa mukhang nitong pag-asam na malaman ang kanilang mga sarili ay lumilipas sa kanyang anyo ng may pananabik nananatiling walang kasagutan at natagpuan nila ang kanilang mga sarili at buhay sa, trabaho,careers, pagaasawa at sa mga sitwasyon na hindi kaaya-aya at sa mga kakulangan nila sa kaalamanng sarili o sa sariling ekspresyon na kinakailangan at sila ay namatay nang hindi kailanman natuklasan ang kanilang totoong layunin sa buhay.
Ito ay pareho sa anumang halaman, sa anumang puno na sa kurso ng kanilang pag-iral ay pinakawalan mula sa kanilang sarili ang milyong mga binhi at ang mga binhi ay nakakalat sa bawat kapaligiran upang palaganapin ang kanilang uri ng puno na iyun. Ang karamihan sa mga binhi ang lahat ng kung saan ay may pakiramdam ng pananabik upang maging isang mahusay na punong kahoy ay mawawala. Ito ang parabula na ibinigay ni Hesus sa ebanghelyo.
Mateo 13: 1-58
Ang Talinghaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4: 1-9)(Lucas 8: 4-8)
               1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya:
               "May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito at sinakal ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!"
12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
  16 "Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni narinig."
Ipinaliwanag ang Talinhaga Tungkol sa Manghahasik (Marcos 4:13-20)(Lucas 8:11-15)
               18 "Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan.
               20 "Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap 21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.
               22 "Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon.
               23 "At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu."
Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinhaga. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, 'Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?' 28 Sumagot siya, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Tinanong siya ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga damo?' 29 'Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,' sagot niya. 30 'Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.' "
Talinhaga Tungkol sa Buto ng Mustasa (Marcos 4:30-32)(Lucas 13:18-19)
               31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinhaga ang isinalaysay ni Jesus sa kanila. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi. Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga nito."
Kahulugan ng Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
               36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid." 37 Sumagot si Jesus, "Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!"

 Ang karamihan sa mga binhi ay nawala o natuyo sa pamamagitan ng araw o kinakain ng mga ibon ang karamihan ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ugat. Ang bawat tao ay isang binhi ang kabuuan ng lahi ng sangkatauhan ay isang koleksyon ng mga binhi ang bawat isa sa atin ay isang binhi na naglalayong maging isang puno. Ang puno na nais natin maging ay tinatawag na "Ang Punong kahoy ng buhay". Kung saan ay kinakatawan sa bibliya sa Genesis bilang Punong kahoy ng Buhay.

Genesis 3:

Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
               22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.
               24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.

Ezekiel 47:

11 Ngunit ang mga latian ay mananatiling maalat para may makunan ng asin. 12 Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga sapagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon."

 

Pahayag 22:

1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.

Pahayag 2:

    7 "Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!
               "Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos."
Ang Punong kahoy na ito ay kumakatawan sa mga tao na ginawa sa imahe ng kanyang manlilikha ang Dios Ama. Ang bawat binhi ang bawat tao ay may potensyal na maging isang mahusay na punong kahoy ng Buhay. Ang binhi na tayo kapag isinalin nang direkta ay nangangahulugan na ang embrayo ng isang pukaw na nilalang, isang embrayo ng kaluluwa, ang potensyal na maging kaluluwa.
Ang binhing ito ay ang kalikasan o potensyal ng isang buto, isang pinakaubod, isang mikrobyo, isang maliit na maliit na butil na naglalaman sa loob mismo ng isang koleksyon ng mga hilaw na mga elemento. Ang binhi na ito ay ang ating kamalayan sa sagradong kaalaman tinatawag itong pinakadiwa dahil ito ang esensya ng ating pagkaka-likha, na may kaugnayan sa punong kahoy ng buhay. Ang esensyang ito ay isang maliit na kislap o maliit na butil na may kaugnayan sa malalim na hininga, ang kaluluwa ng tao na kumikislap o maliit na butil ng kahulugan na ang mundo.
Sa ibang salita, ang binhi ng ating kamalayan ay ang pinakadiwa, isang lugar sa mundo kung saan nahuli ang ating pisikal na katawan. Ang ating pisikal na katawan ay ang lupa, ang lupa mula sa kung saan si Adan ay kinuha ngayon ay nahuli ang ating pisikal na katawan at naging sandigan na kung saan nasa loob ang binhi na kung saan ay dapat na lumaki  ang binhi at ang binhi ay ang ating kamalayan at ito ay nangangailangan ng tiyak na mga sangkap ng pagkakasunod-sunod para siya ay lumago.
Kapag tayo ay bumalik sa analohiya ng dakilang puno ang mga espasyo ng milyong-milyong mga binhi sa kapaligiran upang makalikha ng buhay. Makikita natin ang kahanga hanggang pag-ikot ng kapanganakan at kamatayan. Ang puno mismo ay mula sa isang binhi, isang binhing lumalaban upang mabuhay at nakipaglaban upang maging isang dakilang punong kahoy na nagbibigay ng mga binhi upang lumikha ng isang bagong buhay, ngunit ang karamihan sa mga binhi na kanyang nagawa ay walang sapat na lakas upang lumikha ng bagong mga puno dahil sa kakulangan ng pagkakataon para sa mga elemento upang magawa ito, kaya sa pamamagitan ng analohiya makikita natin ang parehong katotohanan sa sangkatauhan.
Ang karamihan sa mga binhi ng kamalayan ay hindi lumalago. Ang karamihan ay nananatiling binhi lamang at namamatay. Sila ay itinanim  sa lupa at sa pisikal na mga katawan at maaaring lumago sa isang tiyak na lawak, maaari rin silang gumawa ng kahit anong bagong buto pero sila ay sirang binhi, binhing hindi maaaring makabuo ng isang puno. Ang katiwalian ng mga binhi ng sangkatauhan ay ang ating sariling karma, ang resulta ng ating mga nakaraang pagkilos.
Ang katiwalian ng mga binhi ng sangkatauhan ay nasa loob ng ating mga kaisipan na gumagawa sa atin upang maging hindi dalisay, magagalitin, mapagmamataas, mainggitin, mapanibugho, mapanlilinlang, mang-mang, mapag-paimbabaw, at mapag-malaki. Itong lahat ay sakit, mga karamdaman na nakaapekto sa ating kaisipan at nagbibigay katiwalian sa ating binhi, ang binhi ng ating kamalayan. Sa kabila ng katiwalian mayroon tayong mga potensyal upang mapagtagumpayan ito, dahil mayroon tayo sa ating kalooban, ng isang puwersa sa ating pagkatao, sa ugat nito ay ang ating sariling pagkatao, ang Diyos ang banal na elemento na nagbubuo ng kislap sa ating kamalayan ang ating sariling panloob na ama at ina upang makabuo ng binhi ng kamalayan sa loob natin.
Ang dahilan kung bakit natin pinag-aaralan ang ganitong uri ng impormasyon, ang dahilan kung paano natin naunawaan ang sagradong kaalaman o nakakaranas ng mga panloob na mundo o upang maunawaan ang malalim na meditasyon o pukawin ang ating mga kamalayan ay dahil ang ating sariling panloob na dibinidad ay nagpapasigla sa ating kamalayan na kung saan ay espirituwal na pag-aalaala na may pag-asam malaman, makaranas sa kanyang sarili ay nagbibigay sa atin ng ating solong paanyaya para sa pag-asa dahil ang puwersa na tumutulak sa atin upang mapayabong ang ating sarili na nagbibigay sa atin ng mga potensyal upang mapagtagumpayan ang mga balakid na umiiral sa ating kapaligiran at umiiral sa ating kaisipan.
Para maayos ang binhi upang mabuo sa kalikasan, kailangan nito ng partikular na elemento at pareho totoo ito sa binhi ng kamalayan, ang binhi ng kamalayan ay nangangailangan ng tamang balanse sa pagkakasunod-sunod para ang kamalayan ay lumago. Maaari nating obserbahan ang sangkatauhan ma-obserbahan ang mundong ito bilang isang butas upang matukoy kung ang mga elemento ay naroroon. Kung titingnan natin ang sangkatauhan bilang isang lahi at nauunawaan natin ang proseso ng kalikasan at nauunawaan natin ang isang bagay sa relihiyon maaari nating makita ng mabilis ang mga bagay na wala sa balanse.

Kung hindi, bakit nagagawa ng mga tao gumawa ng kakila-kilabot na kabangisan laban sa isa't isa.  Bakit nagagawa ng mga tao makagawa ng kasuklam-suklam na krimen laban sa kanilang sariling ina ang mundong ito? Ito ay dahil ang mga binhi ng kamalayan ay naging masama at ngayon ang tao ay hindi magawang lumikha ng kanilang sariling puno, ang punong kahoy ng buhay, upang magising, upang maliwanagan, upang maging sa ibang salita, mga anghel o masters.
Ang binhi o embrayo ng kaluluwa ay hindi tumatanggap ng tamang sustento at sustansiya na kailangan nito para maisayos ang binhi para maging isang mahusay na puno ang ebidensiya ay nasa lahat ng dako. Ito ang dahilan kaya mayroon tayong pagnanasa upang siyasatin ng malaman kung ano ang mga elemento na nawawala? Ano ang mga elemento na kailangan natin?
At lahat tayo ay naghahanap at tumitingin, nag-aaralan, bumabasa at nagsisiyasat na makita ang pinakamahusay na sagot. Ang sagot ay makukuha natin kung alam natin kung paano tayo dapat maghahanap ngunit ang importanteng dahilan para sa atin na maunawaan ay ang mga pinamamahalaang batas ng kalikasan na masyadong napaka istrikto.
Kapag tiningnan natin at pinakikilos ang batas na magpapagana at sumasaklaw sa paglago ng anumang binhi, makikita natin na ang mga batas ay dapat na mapatupad kung hindi ang binhi ay hindi maaaring lumaki. Kung ilalagay natin ang binhi sa lupa ngunit walang araw, at walang tubig na maibibigay sa kanila sila ay mamamatay. Kung itatago mo ang binhi sa isang bato sa loob ng isa pang taon hindi sila tutubo sila ay mamamatay at pareho itong totoo sa ating mga kaluluwa ng ating mga kamalayan.

Ang ating kamalayan ay nangangailangan ng tamang pagkain, ng tamang kapaligiran para ito ay lumago at mabuo. Sa halaman, ang binhi ay kumakawala sa balat nito ang puwersa ng buhay sa loob nito na tumutulak pareho sa paraan ng isang inakay sa pamamagitan ng lakas ay kumakawala sa kanyang shell at nakikipagbaka at nakikipaglaban upang mabuhay, ito ay hindi isang madaling proseso na totoong pareho sa atin sa ating sariling pag-unlad bilang isang binhi na nasa isang pisikal na katawan.
Pinagsama ng ating mga magulang ang kanilang mga binhi sa bahay-bata ng ating ina at doon nagkaroon ng isang kemikal na proseso kung saan ang isang kapanganakan ay inihahanda at ang binhi na iyon ay pinakain at nabago at ng dumating ang sandal, dumating para sa isang  nilalang na lumabas mula sa kanyang protektadong kapaligiran ito ay isang pakikipagbaka, ito ay isang pakikipaglaban, hindi madali ito, masakit ito at kahit pagkatapos , kapag ang nilalang ay lumitaw sa bagong buhay, ito ay lumilitaw na mahina at pagod at natatakot kaya bakit natin iisipin na ang pag-unlad ng kaluluwa ay dapat maiba? Tulad ng isang binhi na galing sa halaman o sa punong kahoy.
Sino tayo para mag-isip na ang pag-unlad ng kaluluwa  ay dapat maging madali na sa katunayan, ito ang karurukan ng lahat ng pag-unlad at sa gayon ay ang pinaka-mahirap na kapanganakan sa lahat, ang pinaka-mahirap na hamon para sa ating mga kamalayan upang aktwal na sumulpot mula sa kanyang binhi, mula sa kanyang shell na nangangailangan ng isang kamangha manghang lakas ng kalooban na basagin ng makawala sa ibabaw ng shell nito, ng makalabas na kung saan ang ating kamalayan ay lilitaw  ito ay hindi malakas, hindi ito biglang isang makapangyarihang Diyos, ito ay maliit, ito ay mahina, sa karanasan kailangan nito ng pagkain mula sa kanyang ina nangangailangan ito ng proteksyon at ganoon din ang ating kaluluwa, lahat ng mga elemento ito ay dapat na maibinigay, dapat itong maibigay sa atin ngunit hindi, hindi sa mundong ito.
Sa halip tayo ay napapalibutan ng ating mga magulang, ng pamilya sa mga tradisyon, sa paaralan at mga samahan na nananatiling may kamangmangan hindi lamang sa pagkakaroon ng binhi ng kalikasan o ng binhi ng kamalayan ngunit tungkol sa agham na kinakailangan upang palaguin at upang mabuo, kaya ang ating binhi ay nabibigong lumaki at tumubo hindi tayo nakahanap ng pagkaing kinakailangan natin, walang madaling kasagutan sa dilemang ito ngunit mayroong paraan para sa mga nagnanais na mapagana ito.
Ang resulta ng mga sagradong kaalaman na nabuo ng kaluluwa ay maaaring magbigay ng sustansiya, ma-protektahan at maka-buo ng embrayo sa ganap na punong kahoy sa sarili niyang resulta ay magpapalabas ng isang anghel.  Ito ang uri ng katalinuhan, ang uri ng nilalang na kung saan ay malayo sa atin ang mga kabatiran ng isang anghel para sa ating mga ideya ng kung ano ang isang anghel o isang maestro.
Ito ang uri ng katalinuhan na ganap na gising ang kamalayan malayo sa mundong kanyang pinagmulan mula sa pisikal na katawan malayo sa embrayo na pinanggalingan, kung saan ito ay ang kamalayan sa parehong paraan tulad ng higanteng magandang puno na hindi kahawig ng binhi na lumikha nito, gayon din naman, ang mga anghel na walang pagkakahawig sa mga binhi ng kamalayan mula sa kung saan ito nagsimula, ngunit may isang kapansin-pansing pagkakaiba sa pag-unlad ng isang anghel at ang pagbuo ng anumang pisikal na puno. Ito ay ang pisikal na katangian ng paglago at pag-unlad ng isang puno. Ito ay nabibilang sa kaharian ng araw, ang kaluluwa.
Kahit na ano ang ating pinaniniwalaan, anuman ang ating ginagawa, kahit na ano ang ating iniisip kung hindi natin gagawin ng may kamalayan hindi tayo maaaring makalikha ng isang anghel at ito ay makakalikha ng mga katanungan, , ano ang ibig sabihin na gawin ang mga bagay ng may kamalayan, ito ay nangangahulugan na kahit na nabibilang tayo sa isang kagalang-galang na relihiyon at ginagawa natin ang lahat ng mga kaugalian at mga karapatan at alam natin ang lahat ng mga batas at mga panuntunan at nagdadamit ng paraang  karapatan dapat at naniniwala tayo sa mga tamang bagay na dapat nating ginagawa kung wala namang konsensiya o kamalayan, nagsasayang lang tayo ng oras.
Maaari tayong maging isang Kristiyano, isang Buddhist, isang Jew, isang Muslim o maaari tayong nabibilang sa anumang relihiyon; anumang tradisyon kahit sopistikado pa ito, gayon pa man, kung binabale wala natin ang pag-gamit ng sarili nating kamalayan, ng ating sariling kalikasan tayo ay nag-aaksaya lamang ng ating oras. Ang mga ito ay hindi maaaring bigyang-diin ng sapat dahil muli kapag bumalik tayo sa ating mga halimbawa ng pagtingin sa kabuuan ng sangkatauhan maaari nating makita na ang lahat ng mga relihiyon at mga tradisyon na umiiral sa maraming siglo, gaano karaming mga banal, mga maestro at mga anghel ang nalikha?
Napaka-kaunti, gaano karaming mga dakilang Mensahero at avatar mga gising sa malalim na pang-unawang nilikha ang lumitaw sa nakaraang libong taon ng relihiyon na mayroon tayo sa mundong ito? Napaka-kaunti, at ito ay dahil sa milyun-milyong mga binhi ng kamalayan na sumunod sa lahat ng mga tradisyon at sa mga patakaran at patnubay ng kanilang relihiyon ang nabigong ma-kuntento ang espesipikong pangangailangan at ang pag-unlad ng kaluluwa at ang unang nagigising ay ang gumagamit ng kamalayan at iyon ang pinaka-pangunahing bagay.
Kung ang relihiyon ay ma-kukuntento nang wala ang mga pangangailangang ito samakatuwid ang lahat ng sangkatauhan ay gising na mga anghel, mga dakilang Maestro, ang mundo ay magiging isang paraiso ngunit sa kasamaang palad ang sangkatauhan ay tulog, ang sangkatauhan ay nagbalewala sa kamalayan at maaaring sumusunod sa lahat ng mga panuntunan sa pisikal at sa pamamagitan ng hitsura ngunit natutulog ang kamalayan.


Mayroon isang panganib sa loob nito at iyon ay ang tinatawag nating ang batas ng sanhi at epekto. Wala sa kalikasan ang tumitigil, walang hindi kumikilos, walang nakaupo lang, walang hindi umuunlad, walang nananatili sa isang perpektong estado ng katahimikan. Lahat ng bagay ay may paggalaw at ang bawat aksyon na ginagawa natin ay nagbibigay ng isang kahihinatnan kapag kumilos tayo nang walang kamalayan gising pero tayo ay kumikilos ng tulog at ang mga puwersa na tagapamahala ng ating kamalayan o ang ating natutulog na kamalayan sa ganoong paraan ay labis sa pag-aalinlanganan tandaan na ang ating kamalayan ay ang ating koneksyon sa banal na nasa kalooban natin kung ang pag-aagusan ay hindi bukas at kung ang ating kamalayan ay tulog, ano  ang gumagana sa atin?
Pagmamataas, takot, panibugho, inggit at ang mga ito ay maaari lamang makapagbigay ng paghihirap. Ito ang dahilan kung bakit ang sangkatauhan ay na nasa ganitong estado, kaya ang sangkatauhan ay natutulog at lumilikha ng sakit sa loob. Mayroong mga taong ginagamit ang kaalaman sa maling paraan. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ng bibliya; at marami sa kanila ay natutulog sa abo ng lupa ay gigisingin para sa buhay na walang hanggan at ang ilan sa kahihiyan ng isang walang hanggang pag-alipusta.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento