Ang
enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pundasyon
para sa disenyo ng
ating mga buhay. Itong mga
enerhiya ng katawan ay ang pangunahing pinangagalingan para sa lahat ng ating mga pagkilos at pati sa
pagkakaroon ng ating buhay. Ang enerhiya ng katawan ay tumatanggap
enerhiyang kosmiko sa panahon ng ating
pagtulog at panahon ng megitasyon
o pagninilay. Ginagamit natin ang enerhiyang ito para sa mga gawain ng ating katawan at isip tulad
ng pagtingin, pagsasalita,
pagdinig, pag-iisip at ang lahat ng mga
pisikal na pagkilos. Lahat ng mga gawaing ito ay lubos na nakabatay sa
papasok na enerhiyang
kosmiko. Ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nakabatay sa ating
pag-iisip at pananaw.
Kapag mayroon
tayong mga pananaw o iniisip, ang
pagdagsa ng enerhiyang
kosmiko ay nababaradohan. Sa
ibang salita, ang ating mga pag-iisip ay
ang hadlang para sa malakas na pag-agos ng enerhiyang
kosmiko. Kapag ang pag-agos
ng enerhiyang kosmiko ay mas mababa,
ang tubo ng enerhiya ay nauubos. Ang pag-kaubos na ito ay nagiging sanhi ng mga
etherikong pagkahiwalay hiwalay ng enerhiya
sa katawan. Itong
etherikong pagkahiwalay hiwalay ay dahan-dahang
humantong sa mga
sakit ng pisikal na
katawan. Sa meditasyon,
makukuha natin ang masaganang enerhiyang kosmiko.
Dumadaloy ito sa lahat ng ating mga tubo ng enerhiya kapag ang enerhiyang
kosmiko ay dumadaloy patungo sa tubo ng enerhiya dahil sa mabigat na daloy nito,
nililinis nito ang lahat ng mga etherikong pagkahiwalay hiwalay. Kapag nalilinis
ang etheriko nating katawan gumagaling tayo sa lahat ng karamdaman.
Kapag nagsimula na ang mabigat na pagdaloy ng enerhiya
sa pamamagitan ng
bahay ng kaluluwa, makakaramdam tayo ng bigat upang magsalita. Huwag
magsalita o bumigkas ng anumang mga
orasyon magpahinga lamang lubos na
pagpapahinga, mapahinga i-krus ang
iyong mga binti,
pagyakaping ang iyong mga daliri,
ibabaw ang enerhiya at magbigay ng higit
pang katatagan. Ang mga mata ay pintuan ng isip kaya dapat itong nakapikit. Ang anumang pagsasalita ay mga gawain ng isip, kaya dapat itong itigil.
Kapag
ang katawan ay nakakapag-relaxs, ang
ating kamalayan ay maglalakbay sa susunod na lugar ng ating isip
at talino. Ang kaisipan ay walang iba kundi isang
bugkus ng mga
iniisip, at maraming kaisipan ang laging dumarating
sa rehiyon ng ulo o sa bigat ng buong katawan.
Kapag ang enerhiya
ay naglilinis ng mga tubo ng enerhiya sa
isang partikular na rehiyon. Maaari tayong
makaramdam ng pangangati o sakit sa isang rehiyon, minsan maaari nating maranasan ang sakit sa iba't-ibang mga
lugar ng ating pisikal
na katawan. Para
sa ganoong sakit hindi natin kailangan
uminom ng kahit anong gamot. Lahat ng sakit na ito ay mawawala sa pamamagitan
ng karagdagang meditasyon. Sa pamamagitan ng paggamit ng higit pa
at mas maraming enerhiyang
kosmiko sa pamamagitan ng meditasyon
mawawala ang lahat ng pisikal at
mental na sakit. Kung tayo’y
magmemeditasyon sa loob ng pyramid
ang estado ng meditasyon ay maaaring
makamit ng tatlong
beses pang mas mabilis kaysa sa normal.
Upang mahanap ang permanenteng liwanag
sa ating buhay ang bawat na panloob na
pag-iisip ay dapat na malinis na
may magandang saloobin
at pag-uugali. Ang mga saloobin at pag-uugaling ito ay hindi
dapat naiimpluwensyahan sa
pamamagitan ng anumang iba pang mga panlabas na mga
kadahilanan. Ang ating isip
at katawan ay
dapat na nasa ilalim ng kontrol lamang kapag ang pananaw natin ay positibo, manabik
nang labis para sa mahusay
na mga bagay at
malaman ang dahilan
ng ating kapanganakan
ang pagka-alam tungkol sa ating sarili at
ang kahulugan kung bakit nandito tayo sa daigdig. Ang araw ay nagbibigay ng liwanag sa lahat ng nilalang
para makagawa ng kabutihan para sa kanilang sarili at para sa mga nilalang
sa kaniyang paligid. At dahil tayo
ay bahagi ng
kalikasan, dapat nating maunawaan ang
bawat isa at ang lahat ng tungkol sa Kalikasan. Ang
liwanag ay isang paraan ng Pag-ibig
kung saan kinakailangan ito ng bawat isa upang
mabuhay ng maligaya hanggang sa ating huling
hininga.
Pag-aralan
naman natin ang tungkol sa pyramid at ang kapangyarihan ng pyramid.
Ang pyramid ay ang
pinaka-matatag na
istraktura na nakatanggap
ng pinakamataas na enerhiyang
kosmiko sa mundong ito. Ang pyramid ay
naka-porma sa isang anggulong 52 degrado
51 minuto at
dahil sa anggulong
ito, na natatanggap nito ang pinakamataas na
energhiyang kosmiko. Ang pyramid ay
maaaring itinayo sa
anumang materyal. Ang materyales
na gagamitin ay walang pagkakaiba sa pagtanggap ng enerhiyang kosmiko. Ang pyramid ay dapat nakahanay sa
perpektong direksyong kardinal - hilaga, timog, silangan
at kanluran. Ang enerhiyang
kosmiko kukuha at maiipon sa 1/3 taas mula sa
base ng pyramid.
Ang lugar na ito ay kilala bilang silid ng hari. Ang enerhiyang kosmiko ay
pinaka-mataas at pinaka-malakas sa silid ng hari. At kumakalat
ito sa buong pyramid.
Ang paglalagay ng
kristal sa tuktok ng pyramid, ay nagpapalakas at namamahagi ng enerhiyang
kosmiko sa buong pyramid. Ang walang iniisip na estado ay tatlong beses mas mabilis mararating ng isang tao kung ginagawa niya ang
meditasyon sa loob ng pyramid. Ang
pyramid ay maaaring gamitin para sa komunikasyon na
may mas mataas na frequencies. Ang Meditasyon sa pyramid ay nakakatulong sa pagpapagaling at
para sa lahat ng mga
karanasan sa meditasyon.
Ang
meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili.
Dahil dito dapat nating malampasan
ang ating katawan at kaisipan. Sa pamamagitan ng kumportableng
pustura. Ang ating
katawan ay lubos
na nakakapag-relaks at ito
ay nakakatulong para makalakbay tayo sa kamalayan ng ating
katawan. Sa pamamagitan
ng pag-obserbahan
sa ating normal
na paghinga ating malalampasan ang ating katawan at kaisipan doon na dadaloy ang
enerhiyang kosmiko. Ang enerhiyang
kosmiko ay nag-aalis at naglilinis ng
lahat ng mga
sakit sa ating katawan. At dahil
doon tayo ay magiging malusog nang
walang anumang gamot.
Kapag mas maraming enerhiyang kosmiko ang nakukuha lahat ng mga
tensiyon at pagkapagod
ng isip ay nababawasan. Habang
laging nagsasagawa ng meditasyon, ang isip
ay nagiging kalmado at nagkakaroon ng mas
maraming espasyo. Ito ay humahantong sa mas mataas na kapangyarihan ng memorya.
Ang patuloy ng pagsasagawa ng meditasyon ay humahantong sa mas mataas na mga kakayahan sa
pang-unawa at ito ay humahantong sa magandang personal na
relasyon. Pinahuhusay ng meditasyon ang
kaligayahan ng buhay ng pamilya. Ang kaisipan ay magiging
panatag. Ang meditasyon ay tumutulong sa atin upang maging malusog at maligaya.
Ang meditasyon ay makakatulong sa atin na makakuha ng mas maraming mga sagot sa lahat ng
ating mga katanungan.
Upang makamit ito
ang pagsasagawa ng meditasyon ay dapat
maisagawa ng araw-araw. Ang
meditasyon ay maaaring gawin sa alin mang lugar. Ang meditasyon ay maaaring gawin
sa anumang oras, kahit na sa panahon ng isang paglalakbay. Sa pagsasagawa ng meditasyon, dapat itong
gawin sa tagal ng
oras na katumbas
sa iyung edad.
Halimbawa,
ang isang 30 taon
gulang na tao
ay dapat gumawa ng
meditasyon ng hindi bababa sa sa 30 minuto sa isang sesyon.
Hindi mo kinakailangang iwan ang pamilya mo para makapag meditasyon sapagkat
dapat din nilang gawin ito na magkakasama kayo. Ang mga
bata ay magandang matutong mag meditasyon. Maaari silang magsimula ng meditasyon sa edad na 5. Para sa
meditasyon hindi mo kinakailangang maghanap ng pisikal na guru / master. Ang Guru ang master ay
nasa iyong loob. Ang iyung hininga ay
ang iyung guru. Ang iyong hininga ay ang iyong maestro. Ito
ay para sa lahat.
BAHAGI 2
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
Nauunawaan natin na tayo ay isang
mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon
na dumating sa
atin at ang lahat ng ating
mga problema na ating nalalagpasan
ay dahil sa mas mataas na pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at
ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan.
Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang
pinaka-layunin ng ating sarili. Ang mas mataas na kaalaman ay
nakukuha lamang sa
pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral.
Ang ikatlong mata ay isang napakalakas na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng
mas mataas na prikwensiya ng mga
realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan
ng kaluluwa ay kilala
bilang "ikatlong mata".
Sa pamamagitan ng pagsasanay
at pagsasagawa pa ng higit pang
meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang
dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay
isang napaka-gandang karanasan sa
panahon ng meditasyon sa oras ng
aktibasyon ng ikatlong mata makakaramdam tayo ng sensasyon ng
pangangati o o sensasyon ng panlalamig sa rehiyon ng noo.
Unti-unti tayong makakakita ng iba't
ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid.
Makakarinig tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng
paglalakad. Nararamdaman natin na parang naglalakbay tayo sa
isang madilim na lagusan. Kapag ang ating katawang
eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa pamamagitan ng mas
madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain.
Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang mas maraming bagay ng mas
malinaw pa sa pisikal na mga pangitain.
Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi
makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Orasyon
upang makatanggap ng malalim na meditasyon:
Nakakaramdaman tayo
ng maraming mga bagay na hindi natin maaaring
ipahayag sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga
panloob na boses, tunog o tunog ng mga instrumento
mula sa iba pang mga prikwensiya.
Nakikita natin ang
mga Masters kahit wala ang
kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin
ang mga Masters
sa isang pisikal na kaanyuang ayon sa ating pagkakaalam. Pagkatapos
ng mas maraming meditasyon,
unti-unti nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag
na ilaw", kahit
na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag
na ilaw alam nating ito ang
pagkakakilanlan ng ating mga masters.
Maririnig natin ang mga mensahe mula sa mga
Masters. Nararamdaman natin ang pagpunta
natin sa isang lagusan at sa wakas ay sumasama
na tayo sa liwanag.
Ang Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
(Lucas 11:34-36)
22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin,
maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong
paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag
mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
Ang Ilaw ng Katawan
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
(Mateo 5:15)(Mateo 6:22-23)
33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa
ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang
matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong
katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.
Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng
kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo
ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging
nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."
Sa pamamagitan
ng karanasan sa third eye o ikatlong mata alam natin
na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan
para sa lahat ng
ating mga problema sa pamamagitan ng mga mensahe
mula sa Masters, o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng pakiramdam. Sa
pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating
pang-unawa ay magbabago.
Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga
pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal
na kalagayan. Ngayon, atin naming alamin
ang iba pang kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
Hebreo 2: 1-4
Ang Dakilang Kaligtasan
1 Kaya nga, dapat nating panghawakang mabuti ang mga katotohanang narinig natin
upang hindi tayo maligaw. 2 Ang mensaheng ipinahayag ng mga anghel ay
napatunayang totoo, at sinumang lumabag o hindi sumunod dito ay tumanggap ng
kaukulang parusa. 3 Gayundin naman, paano tayo makakaiwas sa parusa kung hindi
natin pahahalagahan ang napakadakilang kaligtasang ito? Ang Panginoon ang unang
nagpahayag ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa
atin na ito'y totoo. 4 Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda
at ng iba't ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na
ipinamahagi niya ayon sa kanyang sariling kalooban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento