Biyernes, Hulyo 18, 2014

Ngayon ang layunin ng mga modernong sagradong kaalaman ay simpleng gisingin ang kamalayan.



Ngayon ang layunin ng mga modernong sagradong kaalaman ay simpleng gisingin ang kamalayan. At sa pamamagitan ng pag-gising ng kamalayan.

Pinag-uusapan natin ang tungkol sa pagkilala sa ating sarili, sa ating tunay na pagkatao, ang buong konsepto ng pagpapalaya, ng pagbabakante ng ating sarili mula sa lahat ng materyal na nasa paligid natin at sa halip paunlarin ang espirituwal na aspeto ng pagbuo sa binhi, ang banal na kislap sa loob natin.

Lahat tayo ay nagtataglay ng mga potensyal na maging isang bagay na dakila, ng mas malaki bilang isang indibidwal bilang karaniwang tao.

Ngayon ano ang kahulugan ng buhay tayo ay kinuha mula sa isang lugar at tayo ay itinanim. Tayo ay katulad ng isang binhi na itinanim sa lupa ang kailangan nating gawin ay matutunang alagaan ang binhi kailangang matuto tayo kung paano ito diligan ng tubig.

Kung paano papakainin ito, kung paano bibigyan ito ng liwanag upang ang binhi ay maaaring lumago at magbagong anyo sa kanyang sarili na kinakailangan upang maging tao lahat tayo ay may dala nitong kislap ng isang bagay sa loob natin ngunit ito ay tulad ng hindi kilalang potensyal sa pamamagitan ng pag-aaral ng sagradong kaalaman, sa pag-aaral ng meditasyon, sa pag-aaral sa ating sikolohiya at mga bagay na ginagawa natin patungo sa pag-gising sa ating kamalayan.

Nagtatrabaho tayo patungo sa paglinang ng banal na kislap, ang esensiya, ang banal na dinadala sa loob natin ang pagkilala sa sarili ng kung sino tayo talaga ay ang pagtuklas ng ating hindi nagagamit na mga potensyal na nilalagay natin para sa modernong sagradong kaalaman ay itinatag sa kung ano ang tinatawag nating apat na haligi ng kaalaman at ang pag-aaral ng sagradong kaalaman ay ang pagtingin sa apat na haligi at upang maunawaan ang mga apat na iba't ibang mga elemento

Ang unang haligi na tinitingnan natin ay ang unang poste, ang pilosopiya kung may pag uusapan tayo sa kahit anong bagay tungkol sa espirituwal na landas sa isang punto susuriin natin ang pilosopiya.

Ang pilisopiya ay simpleng paghahanap para sa kaalaman ang kalikasan at ang kahulugan ng ating pag-iral. Kaya ang pag-aaral ng sagradong kaalaman ay pagpapalawig, sa iba't ibang mga punto na tayo ay magiging isang pilosopo.

 Pinag-uusapan natin ang ilan sa kanilang mga konsepto, pina-aaralan natin ang ilan sa mga nagawa ng ilan sa mga dakilang philosophers at susubukan na hanapin ang kalikasan at ang kahulugan ng ating pag-iral at.

Ang malaki pang haligi ay ang agham para lakarin ang landas ng sagradong kaalaman ay ang maging isang esoterikong siyentipiko papag-aralan natin ang astronomiyaang iba’t ibang planeta at pagkaka-ayos nito na nakaka apekto sa ating pagkatao at kapalaran.

Pag-aaralan natin ang vibrations at ang batas ng kalikasan.

Pag-aaralan natin ang iba't ibang aspeto ng medisina pag-uusapan natin ang kuwantum na pisika isa pang dimensyon. Pag-uusapan natin ang alkimya, ang tungkol sa Jewish kaballah, ang mga palatandaan at mga numero kaya ang maglakad ayon sa landas ng sagradong kaalamn ay hindi lamang maging philosophers kundi maging esoterikong siyentipiko.

Ang walang dudang lalakaran natin sa landas na ito ay pag-aaralan natin ang relihiyon uubos tayo ng maraming oras sa pag-aaral sa relihiyon ng mundo at ang kani-kanilang mga aklat, pag-aaralan natin ang mga kwento pabula (fables) ng mga nursery rhymes ang parabola (parables) lahat na mga bagay-bagay na ipinasa mula sa kabuuan ng libu-libong taon upang mahanap ang mga karaniwang sinulid na makita natin sa sagradong kaalaman.

Upang bigyang-kahulugan kung ano ang ibig sabihin nito  sa ating mga buhay ngayon at ang ika-apat na haligi ay ang poste ng sining sa pag-aaral ng sagradong kaalaman kailangan nating pag-aralan ang sining dahil doon natin makikita ang lahat ng uri simbolismo At nakatagong katotohanan sa iba't-ibang likhang sining ay isa pang paraan na ang sagradong kaalaman ay nagpapahayag ng kaniyang sarili halimbawa pag-aralan namin ang visual na sining ng mga taong katulanila da Vinci, Michelangelo tulad ng pagpipinta ng the last supper lahat ng iba pang sikat na Painting namay iba’t ibang uri ng simbolismo ng sagradong kaalaman sa loob nito.

Marami sa mga dakilang artist tulad nila Da Vinci sila ay maestro sila ay mga tao na may gising na kamalayan nabuo nila ang espirituwal na aspeto na nasa loob ng kanilang sarili kaya nagkaroon sila ng kakayahang isalin ang sagradong kaalaman sa iba't-ibang mga ekpresyon.  

Isa sa mga kadahilanan kung bakit ang kanilang mga paintings na nagawa ay nakabibighani isa sa mga dahilan ay dahil mayroong mga misteryong nakapaligid sa larawan ay dahil mayroong maraming ekpresyon nagpapahayag ng sarili nito sa pamamagitan ng lahat na nasa atin.

At sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga dakilang mga gawa ay malalaman natin ang mga sagradong kaalaman.
Maaari nating malaman ang tungkol sa mga bagay, sa ating sariling sikolohiya mula sa dakilang mga gawa ng sining
ngunit hindi lang natin pinag-uusapan ang tungkol sa sining, pinag-uusapan din natin ang tungkol sa mga paintings at iskultura, pinag-uusapan din ang arkitektura mga bagay tulad ng mga pyramids, mga bagay tulad ng Stonehenge, Easter Island lahat ng mga ito na itinayo para sa isang layunin at naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa mga sagradong kaalaman.

Ito ay isa lamang ekspresyon ng iba't ibang mga katotohanan ang mga taong ito ay hindi lamang gumawa ng mga higanteng istraktura na tatagal ng libu-libong taon dahil sila ay naiinip lamang mayroong itong lahat ng uri ng impormasyon.  

Naglalaman ng pagkakaayos ng mga bagay na ito at kung paano ang mga bato ay inilagay sa isang lugar at kung ano ang mga bagay na ito at kung bakit mayroon silang mga mata kung bakit sila nakaharap sa dagat, ano ang mga nakatagong kahulugan ng lahat ng mga estatwa.

Nakaharap ang larawan sa tubig mayroong lahat ng uri ng simbolismo sa likod ng mga simbolismo at ang pag-aaral ng mga sinaunang arkitektura ay may lahat ng uri ng katotohanan na maaari nating katasin na may katuturan sa ating buhay dito at ngayon.

Hindi lamang ang visual na sining hindi lamang arkitektura ganoon din ang mga
dramatic arts Tulad ni Parsifal at Mozart sila ay mga maestrong gising ang kamalayan gising ang kanilang banal na kislap sa loob nila.
Nilinang at binuo sa isang dakilang lawak iyan ang dahilan kung bakit nila nagawang magsulat tulad ng magandang musika na hindi maaaring magaya hanggang ngayon.

Lahat ng ito ay tungkol sa pag-gising ng kamalayan at ang pag-tuklas ng mga tone-toneladang simbolismo. Ito ay may-katuturan sa ating buhay dito, ngayon dahil iyon ang ninilayon upang maging mga gising na maestro na naglagay ng lahat ng mga bagay-bagay na iyun doon at iyun ay sinadya. Mag-aaral ng musika tumingin sa iba't-ibang mga aspeto ng classical na musika.

Halimbawa si Beethoven siya ay isa pang Gising na maestro ang musika na kanyang sinulat ay nagmula sa ibang lugar ito ay nagmula sa isang mas mataas na dimensyons nagawa niyang dalhin ang kanyang antas sa isang expression ng ibang bagay.

Ito ay mga espisipikongmusikal na ginawa at inilaan upang gamitin ang tunog upang maglabas ng ibang estado ng vibrations.

At ang iba't ibang estado ng vibrations ay sinadya upang magdala ng iba't ibang mga pagbabago sa ating kamalayan makinig sa musikang ito sa pagtatangkang matulungan ang mga tao upang maitaas sa ibang antas ng espiritwalidad.

Kaya kung tinitingnan natin ang pilosopiya at tinitingnan natin ang agham kahit na ang sining at siyempre ang relihiyon. Kapag tayo ay nag-aaral ng sagradong kaalaman dapat na malawak ang ating kaalaman. Ang sagradong kaalaman ay hindi isang relihiyon ang sagradong kaalaman ay hindi nangangailangang abandunahin mo ang anumang relihiyon o espirituwal na paniniwala mayroon ka ngayon.

Ito ay kabaligtaran ng sagradong kaalaman na yumayakap at gumagalang sa lahat ng pananampalataya tulad ng lahat ng ilog na pumunta sa mga karagatan ang lahat ng iba't ibang mga porma ng relihiyon ay ekspresyon ng iba't ibang mga espirituwal o daan ng relihiyon sila ay isang ekpresyon ng sagradong kaalaman mula sa iba't ibang mga porma mula sa iba't ibang kultura sa iba’t ibang lokasyon ang sagradong kaalaman ay yumayakap sa lahat ng pananampalataya kumikilala na tayong lahat ay nag-ugat mula sa parehong pinagmulan, ang mga ito ay mga expresyon ng parehong prinsipyo.

kaya hindi habang ikaw ay nag-aaral ng sagradong kaalaman ay hindi ka na maaaring pumunta sa simbahan o hindi ka na Kristiyano hindi ka maaaring magkaroon ng kaugnayan tulad nito, na hindi ka maaaring magkaroon ng iyong pananampalataya ang sagradong kaalaman ay hindi isang relihiyon.

Hindi ang kung ano ang iyong paniniwala o sinasampalatayanan ito ay isang expresyon ng parehong pinagmulan hindi mo kailangang iwanan ang iyong mga paniniwala o relihiyon at ang sagradong kaalaman ay magpapalakas kung ano man ang iyong pananampalataya at paniniwala sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanyang pinagmulan.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng sagradong kaalaman magsisimulang makilala natin na ang lahat ng relihiyon ay isang pagpapahayag ng parehong mga prinsipyo sa huli maiisip mo na sa libo-libong taon ng pag-aaway sa mundong ito ang lahat ng hindi mabilang ng napatay bilang resulta ng pagkakaiba sa relihiyon ngunit sa katapusan alam mo na ang lahat ng ito ay pareho-pareho para mag-away ay walang katuturan kung ikaw man ay isang Muslim o isang Kristiyano.

Kung ikaw ay ipinanganak sa spain mas malaki ang tsansa na ang relihiyon mo ay katolisismo.

Kung ikaw naman ay ipinanganak sa mainland China maaaring ang relihiyon mo ay Confucianism, Taoism o Buddhism.

Kung ikaw naman ay ipinanganak sa Saudi Arabia ang relihiyon mo ay islam.

Maaari mong piliing magpalit ng relihiyon na iyong kinagisnan ngunit hindi mo mapipili ang eksaktong oras ng iyong kapanganakan at kung saan ka ipapanganak.

Ito ang sabi ng Diyos: Tinutukoy ko ang eksaktong oras ng iyong kapanganakan at kung saan ka ipapanganak.

Gawa 17: 1-


24 Siya ang gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto, siya ang Panginoon ng langit at ng lupa. Hindi siya nananahan sa mga templong ginawa ng tao. 25 Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao; sa halip, siya ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan. 26 Mula sa isang tao'y nilikha niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda niya sa simula't simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan. 26At ginawa niya sa isa ang bawa't bansa ng mga tao upang magsipanahan sa balat ng buong lupa, na itinakda ang kanilang talagang ayos ng mga kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang tahanan; 27 Ginawa niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; 28 sapagkat,
'Hawak niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.'
Tulad ng sinabi ng ilan sa inyong mga makata,
'Tayo nga'y mga anak niya.'

               29 Sapagkat tayo'y mga anak ng Diyos, huwag nating akalaing siya ay tulad lamang ng mga larawang ginto, pilak, o bato na pawang likha ng isip at kamay ng tao. 30 Sa mga nagdaang panahon ay hindi pinansin ng Diyos ang di pagkakilala sa kanya ng mga tao, ngunit ngayon ay iniuutos niya sa lahat ng tao sa bawat lugar na magsisi't talikuran ang kanilang masamang pamumuhay. 31 Sapagkat itinakda na niya ang araw ng paghuhukom sa sanlibutan, at ito'y buong katarungan niyang gagawin sa pamamagitan ng isang tao na kanyang hinirang. Pinatunayan niya ito sa lahat nang ang taong iyon ay kanyang muling binuhay."
Ito ang sabi ng Diyos: Tinutukoy ko ang eksaktong oras ng iyong kapanganakan
at kung saan ka titira.
Acts 17:26
26 From one man he made every nation of  men, that they should inhabit the whole earth; and he determined the times set for them and the exact places where they should live. (NIV Bible)
Gawa 17:26 26 Mula sa isang tao ginawa niya ang bawat bansa ng mga tao, na dapat silang manirahan sa buong daigdig; at natukoy niya ang eksaktong oras para sa mga ito at ang eksaktong lugar kung saan dapat sila nakatira.


Pinag-iisipan mo ba minsan ang buhay mo kung ikaw ay ipinanganak sa ibang bansa, marahil sa ibang magulang, o sa ibang oras ng kasaysayan? Marami sa atin ang nag-papatansiya tungkol dito at siguro ay nadarama natin ang mga bagay na maaaring naging mas mahusay para sa atin kung tayo ay nakatira sa ibang mayamang bansa na may mayamang magulang.

Sa parehas na analohiya paano kung ipinanganak tayo sa panahon ng pagpatay ni Hitler sa mga jews at tayo ay isang matibay na jews. Makakaligtas kaya tayo o ipinanganak tayo sa panahon ng giyera at kahirapan ng isang bansa.

Malinaw na naipapakita ito sa banal na kasulatan na ang Diyos ang tutukoy ng eksaktong oras ng ating kapanganakan, kung sino ang ating magiging magulang, at kung saan tayo ipapanganak at maninirahan. Hindi siya gumagawa ng mga pagkakamali, Siya ang maestrong tagaplano. Nakita na niya ang ating buhay at inilagay tayo sa ating pamilya.

Habang nauunawaan natin na para sa ilang mga tao nakakaramdam sila na sila ay nadaya para sa mas maginhawang buhay, ang katotohanan tayo ay ipinanganak sa tamang oras at tamang lugar ayon sa plano ng Diyos. Ang kanyang pag-ibig ang susupil sa mga teribleng mga pangyayari sa ating buhay, at ang Kanyang biyaya ay maaaring ibalik ang lahat ng mga nasayang na taon na nawala sa ating buhay..

Sa halip na makaramdam na tayo ay dinaya mula sa mas mabuting buhay na dapat mayroon tayo, magsimulang magpasalamat sa Diyos para sa kanyang mabuting hangarin sa ating buhay na kung saan tayo ngayon nakatira. Inilagay niya tayo sa isang pamilya kung saan andito tayo, at pinili niya ang eksaktong oras ng ating kapanganakan at kung saan tayo ngayon nakatira. Ang kanyang plano para sa bawat isa sa atin ay ang lahat ng bagay ay nagtutulungan para sa ating kabutihan na ayon sa Kanyang magandang layunin dahil mahal natin siya.

                            Panalangin Ama, tulungan mo po akong mapagtanto na pinili mo aking naging magulang, ang panahon ng aking kapanganakan at kung saan ako maninirahan. Ako ay nagpapasalamat na wala kang ginawang pagkakamali. Tulungan mo po akong mapagtanto na ang iyong pag-ibig ang kayang masakop ang anumang sitwasyon o pangyayari kung saan ko mahahanap ang aking sarili sa at nais mong na maging maganda ang lahat ng mga bagay ng nagtutulungan ng sama-samang para sa aking magandang ayon dahil sa iyong mabuting hangarin! Sa pangalan ng iyong minamahal Anak na si Jesus, ito po ang panalangin ko, Amen.

Deuteronomio 30:

    15 "Binibigyan ko kayo ngayon ng pagpipilian: buhay o kamatayan; kasaganaan o kahirapan; 16 kapag sinunod ninyo ang mga utos na ibinibigay ko sa inyo ngayon mula kay Yahweh na inyong Diyos, a at kung mahal ninyo siya at ginagawa ang kanyang kagustuhan, pagpapalain niya kayo sa lupaing ibibigay niya sa inyo. Bibigyan niya kayo ng mahabang buhay at gagawing isang malaking bansa. 17 Ngunit kapag tumalikod kayo at ayaw nang makinig sa kanya, sa halip ay naglingkod sa ibang mga diyos, 18 ngayon pa'y sinasabi ko sa inyong malilipol kayo. Hindi kayo magtatagal sa lupaing sasakupin ninyo sa ibayo ng Jordan. 19 Saksi ko ang langit at ang lupa na ngayo'y inilahad ko sa inyo ang buhay o kamatayan, at ang pagpapala o sumpa. Kaya, piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mabuhay nang matagal. 20 Ibigin ninyo si Yahweh, sundin siya at manatiling tapat sa kanya upang kayo at ang inyong salinlahi ay mabuhay nang matagal sa lupaing ipinangako niya sa ninuno ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob."


Ecclesiastico 15:

14 Sa pasimula pa, nang lalangin niya ang tao, ginawa na niya itong malaya na pumili ng kanyang nais.
15 Kung gusto mo, masusunod mo ang utos ng Panginoon,
ikaw ang magpapasya kung magiging tapat ka sa kanya o hindi.

16 Naglagay siya sa harapan mo ng tubig at ng apoy,
kunin mo ang iyong magustuhan.

17 Makakapili ka ng alinman sa dalawa: buhay o kamatayan,
ang iyong mapili ang siya mong patutunguhan.

18 Dakila ang Karunungan at kapangyarihan ng Panginoon;
nakikita niya ang lahat ng bagay.

19 Nalalaman niya ang lahat ng ginagawa ng bawat tao,
at kinakalinga niya ang mga may takot sa kanya.

20 Kailanma'y wala siyang inutusang magpakasama,
o pinahintulutang magkasala.

1 Corinto 2:

Ang Karunungan ng Diyos
               6 Sa mga matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong ito na ang kapangyarihan ay lilipas. 7 Subalit ang ipinapahayag namin ay ang lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan. 8 Walang isa man sa mga tagapamahala sa daigdig na ito ang nakaunawa sa karunungang iyon, sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian. 9 Subalit tulad ng nasusulat,
"Hindi pa nakikita ng mata, o naririnig ng tainga,
ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya."

               10 Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na layunin ng Diyos. 11 Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. 12 Ang tinanggap natin ay hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan natin ang mga kaloob niya sa atin.
               13 Kaya nga, kami ay nangangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Ang ipinapaliwanag namin ay mga katotohanang espirituwal para sa mga pinapanahanan ng Espiritu. 14 Sapagkat ang taong di pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. 15 Sinisiyasat ng taong pinapanahanan ng Espiritu ang lahat ng bagay, ngunit walang sinumang makakasiyasat sa kanya.
16 "Sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang makapagpapayo sa kanya?"

               Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.

Jeremias 29:

11 Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa. 12 Kung maganap na ito, kayo'y tatawag, lalapit, at dadalangin sa akin, at diringgin ko naman kayo. 13 Kapag hinanap ninyo ako, ako'y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin. 14 Oo, ako'y matatagpuan ninyo, sabi ni Yahweh,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento