Happy new year!
Isaias 43:18 Ito ang sabi niya:
"Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa,
ang mga nangyari noong unang panahon.
19 Masdan mo, ako ay gagawa ng isang bagong bagay;
ito'y nagaganap na, hindi mo pa ba makita?
Gagawa ako ng isang daanan sa gitna ng disyerto,
at magkakaroon ng ilog sa lugar na ito.
2 Corinto 5: 17 Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao,
isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa
halip, ito'y napalitan na ng bago.
Roma 13: 11 Gawin ninyo ito,
dahil alam ninyong panahon na upang gumising kayo. Ang pagliligtas sa
atin ay higit nang malapit ngayon kaysa noong tayo'y unang sumampalataya
sa Panginoon. 12 Namamaalam na ang gabi at malapit nang lumiwanag.
Layuan na natin ang lahat ng masasamang gawain at italaga natin ang
sarili sa paggawa ng mabuti. 13 Mamuhay tayo sa liwanag at huwag gugulin
ang panahon sa magulong pagsasaya at paglalasing, kalaswaan at
kahalayan, sa alitan at inggitan. 14 Ang Panginoong Jesu-Cristo ang
paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag ninyong sundin ang mga hilig ng
laman.
Hebreo 10:Lumapit Tayo sa Diyos
19
Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong
Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin
ang isang bago at buhay na daang naglalagos hanggang sa kabila ng
tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang
Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya't
lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na
pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat
nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang
ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang
mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan. 24 Sikapin
din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at
sa paggawa ng mabuti. 25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating
mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang
loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw
ng Panginoon.
Awit 18:16 Mula sa kalangitan, itong Panginoon,
sa malalim na tubig, ako'y iniahon.
17 Iniligtas ako sa kapangyarihan
ng mga kaaway na di ko kayang labanan;
18 Sinalakay nila ako noong ako'y naguguluhan,
ngunit si Yahweh ang sa aki'y nagsanggalang.
19 Nang nasa panganib, ako'y kanyang tinulungan,
ako'y iniligtas sapagkat kanyang kinalulugdan!
20 Pinagpapala ako ni Yahweh pagkat ako'y matuwid,
binabasbasan niya ako dahil kamay ko'y malinis.
21 Mga utos ni Yahweh ay aking sinunod,
hindi ko tinalikuran ang aking Diyos.
22 Lahat ng utos niya ay aking tinupad,
mga batas niya ay hindi ko nilabag.
23 Nalalaman niyang ako'y walang kasalanan,
paggawa ng masama ay aking iniwasan.
24 Kaya naman ako'y ginagantimpalaan niya,
sapagkat alam niyang ako'y totoong walang sala.
25 Tapat ka, O Diyos, sa mga tapat sa iyo,
at napakabuti mo sa mabubuting tao.
26 Ikaw ay mabait sa taong matuwid,
ngunit sa masama, ikaw ay malupit.
27 Ang mapagpakumbaba ay inililigtas mo,
ngunit iyong ibinabagsak ang mga palalo.
28 Ikaw, O Yahweh, ang nagbibigay sa akin ng ilaw;
inaalis mo, O Diyos, ang aking kadiliman.
29 Pinapalakas mo ako laban sa kaaway,
upang tanggulan nito ay aking maagaw.
30 Ang Diyos na ito ay sakdal ang gawa,
at maaasahan ang kanyang salita!
Siya ay kalasag ng mga umaasa,
at ng naghahanap ng kanyang kalinga.
31 Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay;
tanging Diyos lamang ang batong tanggulan.
32 Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas,
sa daraanan ko'y siyang nag-iingat.
33 Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang,
inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.
34 Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma,
upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana.
35 Iniingatan mo ako at inililigtas;
sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag,
sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag.
36 Inalalayan mo sa bawat paghakbang,
ang mga paa ko'y ni hindi nadulas.
37 Mga kaaway ko'y aking hinahabol,
di ako tumitigil hanggang di sila nalilipol.
38 Di sila makabangon kapag ako'y sumalakay;
sa paanan ko'y bagsak sila at talunan.
39 Pinapalakas mo ako para sa labanan,
at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway.
40 Mga kaaway ko'y pinapaatras mo,
mga napopoot sa akin ay pinupuksa ko.
41 Humihingi sila ng saklolo ngunit walang tumutulong,
tumatawag rin kay Yahweh ngunit hindi siya tumutugon.
42 Dinurog ko sila, hanggang sa matulad
sa pinong alikabok na ipinapadpad;
aking itinapon,
niyapak-yapakan kagaya ng putik sa mga lansangan.
43 Sa mapanghimagsik na bayan ako'y iniligtas mo,
sa maraming bansa'y ginawa mo akong pangulo.
Ang aking nasasakupan ngayo'y marami na,
kahit na nga sila ay hindi ko kilala.
44 Sa bawat utos ko, sila'y sumusunod,
maging mga dayuhan, sa aki'y yumuyukod.
45 Nawawalan sila ng lakas ng loob,
nanginginig papalabas sa kanilang muog.
46 Buhay si Yahweh, Diyos ko't Tagapagligtas,
matibay kong muog, purihin ng lahat!
Ang kanyang kadakilaa'y ating ipahayag!
47 Pinagtatagumpay niya ako sa mga kaaway,
mga bansa'y ipinapailalim niya sa aking paanan;
48 at inililigtas niya ako sa aking mga kalaban.
Laban sa mararahas, ako'y pinagtatagumpay,
sa aking kaaway, ika'y aking kalasag at patnubay.
49 Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin,
ang karangalan mo'y aking aawitin,
ang iyong pangalan, aking sasambahin.
50 Dakilang tagumpay ibinibigay ng Diyos sa kanyang hari;
tapat na pag-ibig ipinadarama niya sa kanyang pinili,
kay David at sa lahat ng kanyang salinlahi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento