Martes, Disyembre 2, 2014

PAGKAKAISA NG ISIP, KATAWAN AT ESPIRITU



PAGKAKAISA NG ISIP, KATAWAN AT ESPIRITU

'Kapag ang mga ibon ay lumipad nang masyadong mataas, nawawala sa tono ang kanilang kanta'
1 Tesalonica 5:

23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.
     Sa sandaling tayo’y maging nasa sentro, ang ating isip at katawan ay nagkakaroon ng pagkakatugmaan. Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng isip at katawan ay nagbibigay-daan sa atin upang maging mas mahusay handa sa pagkilos at makakasiguro na magiging epektibo.

     'Huwag mag-isip at makiramdam', 'Upang makiramdam, kailangan mong pagkatiwalaan ang iyong sarili, para maging panatag sa iyong sarili, na maging ikaw ang bagay na iyong ginagawa. Idinagdag pa niya, 'Ang masyadong pag-iisip ay nagiging sanhi upang maging mabagal ang ating pagkilos, at nag-aalangan.'

     Madalas ko nasasaksihan ang mga kamangha-manghang paghusay sa ating mga mag-aaral kapag tinuturuan sila ni Master Charles na pakiramdaman ang paggalaw kaysa ang isipin ito. Tinuruan niya ang kanyang mga mag-aaral na hayaang awtomatikong gumalaw ang  kanilang mga katawan, nang walang anumang personal na interbensyon, upang ang kanilang mga paggalaw ay maaaring maging dalisay, natural at kaisa ng kanilang mga espiritu.

1 Tesalonica 5:

Pangwakas na Tagubilin at Pagbati
               12 Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. 13 Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa.
               14 Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Pagtiyagaan ninyo silang lahat. 15 Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
               16 Magalak kayong lagi, 17 palagi kayong manalangin, 18 at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
               19 Huwag na ninyong hadlangan ang Espiritu Santo. 20 Huwag na ninyong bale-walain ang anumang pahayag mula sa Diyos. 21 Suriin ninyo ang lahat ng bagay at gawin ang mabuti. 22 Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
               23 Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo. 24 Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ang mga bagay na ito.
               25 Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.
               26 Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang kapatid kay Cristo. a 27 Ipinapakiusap namin sa inyo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid.
               28 Sumainyo nawa ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

          Ang
isa ng mga pangunahing teknik ay patigilin ang kanyang mag-aaral na nagpupumilit sumubok, dahil ito ay pumipigil sa kung ano ang gusto nilang maisagawa. Itinuturo niya sa kanyang mga mag-aaral na itigil ang pagpigil at sumuko sa mga pwersa sa kanilang paligid. Sa pamamagitan ng 'Pagsunod Sa Daloy', ginagamit nila ang daloy ng enerhiya na kasalukuyang mayroon, ang pakikisama rito gaya ng agos ng ilog sa nakatakda niyang patunguhan. 'Sumabay sa daloy', sabi niya, 'at bumaluktot kasabay ng hangin.' Ito ang isipan at katawan sa perpektong  pagkakaisa.
       Gaya ng kasabihan 'Ang punong kahoy na hindi nababaluktot ay madaling nasisira’, at ang salawikaing mula sa Intsik, 'Ang batang kawayan ay alam kung paano bumaluktot kasabay ng hangin’

     Nagtuturo ito sa atin upang magkaroon ng kariktan, lalo na kapag nahihirapan. Ang ilang mga tunay na maestro ng martial arts ay mas higit na nagiging relaks at kalmado, at nagkaroon ng higit na linaw ng kaisipan at katumpakan, habang ang sitwasyon ay mas nagiging mahirap.

     Upang ang isip at katawan ay gumagana ng may pagkakaisa kinakailangan ang aplikasyon ng dalawang pangunahing aral ng pilosopiya ng Dtef: Huwag talunin at huwag labanan. Sila ay nagbabahagi ng parehong prinsipyo. Ang pilosopiya ng Dtef ay nagtuturo ng kalamangan sa karunungang 'Hindi-mapanakop'. Tulad ng pagpigil o paglaban, ang pananakop ay nag-aaksaya ng mahalagang enerhiya at humahantong sa kaabawasan ng pagiging produktibo at kahusayan. Nagiging sanhi ito ng pagbabara ng enerhiya na humantong sa mental, pisikal at emosyonal na tensyon.

     Ang pagiging hindi-mapanakop ay tulad ng isang football player na sumisipa ng bola patungo sa poste upang makapuntos, sa kabila ng kitang-kitang kahirapan. Kapag sisipain ang bola, siya ay humahalo sa direksyon at lakas ng hangin, at sa kahalumigmigan ng hangin. Nang may katangi-tanging tiyempo, ang kanyang enerhiya ay inilalabas at nakadirekta upang makiisa sa bola. Kapag may pagkakatugma at balanse, ang tumpak na lakas ng enerhiya ay dala ng bola upang gabayan ito.

     Ang manlalaro ay magtagumpay sapagkat siya ay nagiging kaisa ng mga puwersa sa paligid niya. Ang anumang pagtatangka ng manlalaro na lupigin ang mga nakapalibot na enerhiya ay maaring nagresulta sa kabiguan at
pagkasayang ng mga enerhiya.

       Ang hindi pagtutol ay hindi katulad ng pagiging walang kibo. Ito ay ang pagkakaroon ng isang aktibong interes na tahimik at hindi sobrang pasanin, habang nagkakamit ng makakatugmang mga resulta para sa iyong sarili at sa iba. Ang daan ng pagiging hindi-mapanakop at hindi pagtutol ay lubos na makapangyarihan. Ang kapangyarihang ito ay maaari lamang mahawakan ng mga taong nakaranas na. Kapag ang isip at katawan ay may pagkakaisa, ang ating mga pagkilos ay magiging sobrang pino na nagmumukha itong simple. Ang simplisidad na ito ay ang sangkap na nagbibigay-daan sa atin upang makagawa ng mas higit sa kaunting pagod.
     Sa Martial Arts, madalas akong makita ng  mga nag-eensayo na may kaunting karanasan na sinusubukan masyadong sirain ang mga roof tiles at ang resulta nito ay ang masaktan ang kanilang mga kamay. Ang iba naman ay tila nakarelaks lang ang kampay ng kanilang braso kasabay ng lakas ng
kanilang buong katawan, at madali nilang nasisira ang tiles. Ito ay katulad ng kapag tayo ay nag-aaral ng sobra  at nagiging pagod at matamlay. Ang lunas ay ang alisin ang lahat ng tensyon at hayaang ang sandali. Hayaan itong mangyari sa kanyang kadalisayan. Hayaan ito.

Ang pagiging isa ay ang pagkakaroon ng iyong mental, pisikal at emosyonal na sentrong magkalapit na magkakonekta sa isa't isa. Sa ganitong estado, sa panahon ng sparing o sa kasanayan sa pagtatanggol sa sarili, ang isang sanay na Martial Artist ay kadalasang masasabi kung ano ang maaring mangyari bago pa ito aktwal na mangyari.

     Ang pagtitiwala na ito sa sarili ay maaaring isabuhay o papangyarihin. Nagpapalakas ito ng kapangyarihan na malaman ang maaring mangyari kinabukasan. Hindi ito magiging posible kung nagkaroon ng kawalan ng balanse sa mga sentro, sapagkat ang kawalan ng balanse ng isa ay makakaapekto sa isa. kung kaya’t ang pagiging sentro, at pagkakaroon ng isip at katawang may kumpletong pagkakaisa, ay mahalaga para sa pagkakaroon ng balanse at pagkakatugma.
     Ang matalik na pakikipag-ugnayang ito sa ating pinakamalalim na kaibuturan ay isang pagkakabuo, ang pakikipagkaisa sa ating mas mataas na antas ng sarili ay gumagawa sa atin upang maging bukas dito. Nagbibigay ito sa atin ng kapangyarihan upang kilalanin, at pagkatapos ay
ipagkaisa ang ating sarili sa, espirituwal na katotohanan. Isinulat ni Assagioli na ang panloob na pakikipag-ugnayang ito ay ang 'paghawak' sa Sarili, na may kapangyarihan na pagkasunduin, pasiglahin at muling kargahan tayo ng enerhiya.
     Ang balanse ay mahalaga. May mga sakit o estado ng karamdaman na maaaring maglagay sa atin sa kawalan ng balanse, ngunit maari itong itama. Sa isang pustura na tinatawag na 'ang isang tagak ay nakakatayo sa isang binti', kung saan ang estudyante ay kelangang bumalanse habang sila ay nakatayo sa pamamagitan ng iisang paa, napag-alaman naming na ang mga mag-aaral na balisa, emosyonal at naapektohan ng kanilang gawain sa isang buong araw, ay nahihirapang gampanan ang ganitong tindig.
Habang pinapayagan nila na ang kanilang pagkabalisa ay makagambala sa kanilang pagsasanay, mas madali silang maguluhan at ang kanilang tindig ay lalong sumasama. Ang iba na may katulad na pagkabalisa, ngunit nagagawang kontrolin ang kanilang mga sarili at tumutuon sa pagbabalanse ng kanilang katawan, natatapos nila ang sesyon ng pagsasanay ng masaya at walang emosyonal na tensyon.

     Ang isa pang teknik na itinuro upang matulungan tayong makatakas mula sa mga problema at stress ng pang-araw-araw na buhay ay ang pagiging single-minded (dedikado), o 'one-pointed'. Ang one-pointedness exercise ay nagsasangkot ng lubos na pagkatuon sa iisang bagay, tulad ng isang partikular na ehersisyo sa paghinga, simbolo, o isang mental visualization technique, upang ilabas ang tensyon at pagkabalisa. ito nagbibigay ng mga sandaling kailangan ng katahimikan at kapayapaan upang muling ituon at pagkaisahin ang isip, katawan at espiritu.
Bilang ang mga puwersa ng sandaigdigan ay mayroong direkta at malalim na pagkilos sa atin, ang pakikipag-isa sa pwersang ito ay nag papadali sa pagkakaisa ng ating mga isip, katawan at emosyon, na ginagawang mas posible para sa atin upang kumonekta sa ang mga enerhiya ng ating kapaligiran. Sa Hinduismo, ang mga tagasunod ay madalas nakakaranas ng darshan - isang espirituwal na pakiramdam na naranasan kapag nasa presensya ng banal o respetadong tao. Ang pakiramdam na ito ay iniulat din ng mga tagasunod ng iba pang mga relihiyon. Sa pagkakaroon ng pagkakatugma sa karma ng kanyang guro, ang mag-aaral ay nagkaroon ng kakayahang kumonekta sa 'espiritu' sa sining ng kanyang pinagsasanayan. Sa tamang oras, siya ay nagkaroon ng kakayahang maging halos  'psychic' sa pagkakaroon ng pakiramdam ng isang direktang koneksyon sa kanyang mga guro. Ito ay ang panahon kung saan ang pinakamagandang benepisyo ay makukuha mula sa guro.
Ang mga Intsik ay naniniwala na ang lahat ng bagay ay isang uri ng enerhiya, kahit na bago pa man sila nilikha. Samakatuwid, ang pag-gawa kasama ng enerhiya bago ang paglikha, bago ang pisikal na realidad ay maganap, ay kanais-nais at pinagkakaisa ka sa mga 'bagay'. Ang mga bagay na ito ay maaaring isang mahalagang gawaing sa iyong hinaharap, maging sa personal, pamilya o proyektong pang negosyo. Sa pamamagitan ng pag-gamit ng oras sa paggawa kasama ng enerhiya nito bago pa man ito ay nilikha, magbibigay ka ng kapanganakan sa isang bagay sa pinakamataas nitong anyo, na magsisiguro ng isang maayos na landas patungo sa tagumpay kapag dumating na ang tamang oras para sa iyo, para gumawa kasama nito. Tulad ng tagapulot ng basahan, ang pagbubuklod sa sarili sa isang bagay ay nagaganap sa pamamagitan ng pagbubuo sa iyong isip at pagdidisenyo sa espiritu ng isang 'bagay', sa pamamagitan ng pag-iisip, pagpaplano, pakikiramdam sa mga enerhiya nito, pagpapaaliwalas ng mga bumabara, pang-araw-araw na pagpapatotoo o kusang pagmungkahi, pagsasalarawan sa iyong isipan at paghihintay para sa tamang sandali upang magpatuloy.
Ang Dtef ay nagtuturo sa atin upang tanggapin ang simplisidad. Sa pagkakaisa ng isip at katawan, ang pagpapahayag ng ating tunay na katangian ay nagagawa sa pinakasimpleng paraan, pinakapurong paraan, dahil kapag ang mga bagay ay nasa kanilang pinakasimpleng anyo, nagtataglay ang mga ito ang pinaka-makapangyarihang at pinaka-purong diwa. Ito ay maaaring nakakahanga at nakakapukaw, tulad ng tila imposibleng gawain na pinagmumukang madali ng isang propesyonal. Ang mga Dtef masters ay tinatawag itong pagkakaisa ng isip at 'ekspedisyon sa katawan', o 'biglaang paggising '.
Ang espiritu ng pagkakaisa ay kinakatawan ng isang pagkakatugma na nagiging tore ng ​​lakas, at habang natatanggap natin ang mga benepisyo ng pagkakaisa na ito, ang ating bagong nahanap na lakas ay mapapanatili ito. Sa gayon, kapag ang ating isip at katawan ay nasa kanilang natural na pagkakaisa, dadalin tayo nito sa isang estado ng kaliwanagan at pokus, sa isang katawan na walang tensyon at puno ng sensitibidad, pakiramdam, at sigla. Pagkatapos ay maaari tayong makinig sa ating katawan at alagaan ang pakiramdam ng kabutihang loob, kapayapaan at PAG-IBIG.

          Ang kumpletong pagkakaisa ay naroon sa panahong ginagamit ang intensyonal na pagpopokus. Kapag ganap na nakatuon o nakapokus, ang pagkakaisa ng isip, katawan at damdamin ay mararanasan. Kapag ang katawan ay ganap na relaks at sensitibo, pinapayagan natin ang ating mga enerhiyang malayang dumaloy. Sa bahaging ang ating pokus ay nasa  'cool down phase', habang ang ating
pisikal at mental na kapasidad ay dahan-dahang bumalik sa kasalukuyang sandali, maganda ang ating magiging pakiramdam, masaya,  at presko. Sa puntong iyon tayo ay mapayapa at kaisa ng sansinukob, at ang panloob na kapangyarihang nakamit mula sa isang isip at katawang nagkaisa ay kusang darating.

TINGNAN ITO PAMAMAGITAN NG IYONG THIRD EYE
'Isinasara Ko Ang Aking Mga Mata Upang Makakita '

Ang huling hakbang sa FOCUS pormula ng “intentional focus” ay makita ang mga ito sa pamamagitan ng iyong third eye. Ito ay nagtataglay ng mahusay na pagsasalarawan sa isipan gamit ang positibo, matitingkad na imahe ng sitwasyon, bagay, aktibidad o layuning pinili upang sadyaing 'makita'. Ang iyong ikatlong mata ay nasa isang lugar na matatagpuan sa  gitna ng iyong noo, sa gitna at sa itaas lamang ang iyong mga kilay. Ang teknik na ito sumasaklaw sa kabuuang kombinasyon ng pagkakadugtong-dugtong ng enerhiya ng ating isip-katawan-espiritu ng at gamitin ito.

          Ayon sa tradisyonal na Acupuncture ng mga intsik, ang ikatlong mata ay maaring maimpluwensyahan ng puntong eksaktong matatagpuan sa pagitan ng mga kilay, na tinatawag na 'Yin Tang', ibig sabihin Selyong Bulwagan. Ang selyo ay tumutukoy sa paglalagay ng isang pulang marka sa pagitan ng mga kilay upang kumatawan sa karunungan at kaliwanagan, at 'Hall' ay tumutukoy sa panloob na bungo ng ating ulo, na naglalaman ng ating isipan. Ito ay ang
pang itaas na Dan Tian' at nakakaintindi sa iba pang dimensyon. Ang Yin Tang ay ginagamit sa paggamot sa hindi magkakaugnay na emosyon, upang palakasin ang konsentrasyon, upang mabawasan ang stress at hikayatin ang malalim na pagrerelaks ng isip at katawan. Ang Yin Tang ay ang upuan ng kamalayan. Kinakalma nito ang isip, at tumutulong upang ipokus ito at isentro. Pinagkakasundo rin nito ang emosyon at pinagtutugma ang espiritu.
Tinatawag ding mata ng isipan, ang ikatlong mata ay isang malakas na sentro ng enerhiya.
Naaayon sa ikaanim na chakra sa sa sistema ng mga Indiano (gulong ng enerhiya), ito rin ay pinangalanang “brow center”. Ito ay sinabing nakakaimpluwensya sa pituitary gland, o tinatawag na “master gland” na syang nakakaimpluwensya sa iba pangendocrine gland” mga glandula na aktibidad ng metabolismo sa ating katawan. Halos lahat ng mga gawain ng katawan ay kinokontrol at pinamamahalaan sa mga bahagi ng mga glandulang ito. Ito ay naiimpluwensyahan ng araw at buwan at
na nauugnay sa mga damdaming may lubos na kagalakan at kinahuhumalingan. Maiuugnay ito sa tunog ng salitang “AH”, ang deklarasyong ginagawa natin kapag sa wakas ay naabot natin ang isang malalim na pananaw o makahanap ng solusyon sa isang palaisipang problema. Ang pilosopiya ng silangan ay nagtuturo na ito ay ang pinagmulan ng mental telepathy, kakayahang makapagsabi ng mga bagay bago pa man ito mangyari, kakayahang makarinig ng mga tunog na hindi naririnig ng iba, malakas na pakiramdam sa mga bagay na hindi nakikita at iba't ibang paranormal
na kapangyarihan.
     Anuman ang piliin mo upang matagumpay na makamit, dapat mo munang makita ito na matagumpay na nangyari sa mata ng iyong isipan.
     Kapag ginamit nang maayos, ang isang positibong pagsasalarawan sa kaisipan ay  makabuluhang magpapataas ng iyong kahusayan at pagganap. Ito rin ay matagumpay na ginagamit upang mapahusay pa ang memorya. Sa katunayan, ang pinabuting mga resulta ay nakukuha sa paraang ito sa anumang piliin mong gawin, anumang lakad ng iyong buhay. Maaari itong gamitin ng mga mag-aaral bilang isang paraan upang kabisaduhin ang mga impormasyon, sa mga negosyante upang makamit ang kanilang mga layunin, sa mga atleta upang pahusayin pa ang ang kanilang pagganap, sa lahat na humihiling na magtagumpay. Ito ay isang napakalakas na teknik na sumasaklaw sa lahat ng iba pang mga hakbang ng pormula ng pagpopokus. Gamitin ito ng  may talino at ito ay magiging kaibigan mo magpakailanman; gamitin ito sa mali at ito ay makakapinsala.

     Ang pananaliksik ay ipinapakita na ang pagsasalarawan sa isipan ng-positibo o negatibo ay mayroong direktang physiological epekto sa katawan. Sa tibok ng puso, presyon ng dugo, temperatura ng katawan at marami pang ibang parte ng katawan ang nababago ang paggana
sa panahon ng pagsasalarawan sa ating isipan. Pisikal at emosyonal na tugon ang nakita habang isinasagawa ang aktibidad ng paggamit ng imahinasyon. Patunayan ito sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagsubok sa sumusunod na pagsasanay.

Ang pagsasanay na tinatawag na “maliwanag na bituin”
·        tumayo ng magkahiwalay ang mga paa kapantay ng iyong balikat.
·        Itaas ang parehong braso ng tuwid pasulong sa iyong harapan sa antas ng iyong mga balikat.
·        Panatiliing magkapantay ang iyong braso, pumaling sa iyong kaliwa (o kanan) sa layong iyong makakaya, tumuro gamit ang iyong kaliwang hintuturo. Kapag nasa posisyon na, tukuyin ang isang lugar na maaari mong ituro, tulad ng isang larawan sa pader o isang piraso ng kasangkapan sa kuwarto. Tandaan ang eksaktong posisyon ng kinalalagyan nito.
·         Ngayon bumalik sa iyong panimulang posisyon at ilagay ang iyong mga braso sa iyong tagiliran.
·         Isara ang iyong mga mata, isentro ang iyong sarili at kalmahin ang iyong isip sa pamamagitan ng ilang paghinga ng malalim. habang sarado pa ang iyong mga mata, gamitin ang mata ng iyong isipan upang 'makita' ang iyong sarili na lumilingon sa lugar na iyong tinandaan, lumagpas ng kaunti dito.
·         Sa iyong isip, maglagay ng isang maliwanag na bituin sa isang bagong lugar, sa iyong paboritong kulay.
·         Ngayon tignan ang iyong sarili na malayang nakakaikot at madaling nahahawakan ang bituin
·         Isalarawan mo ang iyong sarili minsan pa na pumipihit upang maabot ang maliwanag na bituin.
·         Ngayon buksan ang iyong mga mata, itaas ang iyong mga braso sa iyong harapan kapantay ng antas ng iyong balikat. bumaling sa iyong kaliwa at dumiretso papunta sa  maliwanag na bituin.

     Ano ang iyong resulta? Marahil ikaw ay umikot ng sobra sa iyong inaasahan. Sinisiguro ko na ikaw ay mamamangha kung gaano kalakas talaga ang positibong pagsasalarawan sa isipan. Hindi alam ng isip ang pagkakaiba sa pagitan ng 'tunay' o 'imahinasyon'.  Kumikilos ito base sa impormasyong pinili mong ibigay o ipasok dito. Sapagkat may mga pisikal at emosyonal na mga tugon sa panahong tayo ay nagsasalarawan sa ating isipan, ito ay posibleng magdala nang ninanais na uri ng pag-uugali, tulad ng bagong kakagawian at kasanayan, pati na rin ang bagong damdamin at pagkakamit. Ang teknik na ito ay tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyong isip at katawan ng pagkakataon na makaranas ng maagang tagumpay. Mahusay na naipakita na kapag nakagawa ka na ng isang bagay na naging matagumpay nang isang beses, mas malamang na makamit mo muli ang parehong tagumpay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento