Linggo, Pebrero 7, 2016

Ang pagsusulat ng iyong mga panaginip ay isang tunay na mahalagang teknik na magbibigay-daan sa iyo upang makuha ang kahulugan ng iyong mga panaginip.

Ang pagsusulat ng iyong mga panaginip ay isang tunay na mahalagang teknik na magbibigay-daan sa iyo upang makuha ang kahulugan ng iyong mga panaginip. Kapag nagsimula kang mag interpret sa kung ano ang maaaring kahulugan ng mga bagay-bagay sa iyong panaginip, kung gagawa ka ng isang maliit na mga tala sa iyong dream diary ng iyong panaginip. Halimbawa kung nanaginip ka na makakapasa ka sa interbyu sa isang papasukang trabaho o napanaginipan mong hindi ka makakapasa pagkatapos kapag ang sitwasyon ay naganap na maaari mong balikan at suriin ang iyong mga tala sa iyong dream diary upang makita kung ikaw ay tama o mali sa iyong isinulat sa iyong dream diary.

Pareho ito kapag nagsimula kang managinip tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Kung ikaw ay nagsusulat ng mga tala sa panahong iyun sa iyong dream diary at pagkatapos ay nangyari ang kaganapan maaari mong balikan at tingnan kung ano ang iyong isinulat tungkol sa mga ito at tingnan kung gaano ka kaesksakto.

Kailangan mong isulat ang iyong mga panaginip sapagkat ito ay tutulong sa iyo upang matandaan ang mga ito.
Makakatulong sa iyo kapag nagbibigay ka ng atensyon sa estado ng iyong mga panaginip at matututunan mo kung paano ihiwalay ito mula sa gising na estado at ito ay magbibigay-daan sa iyo upang simulan ang iyong mga pag-iinterpret sa sariling mong mga panaginip sa pagpapanatiling nakasubaybay ng kung ano ang aktwal na nangyayari sa iyong kamalayan.

Iba pang bagay na dapat bigyang-pansin sa ating mga panaginip, kapag ito ay paulit-ulit na mga panaginip na tila umuulit nang paulit-ulit, ito ay maaaring maging isang tunay na mahalagang mensahe mula sa iyong mas mataas na sarili na hindi mo nakukuha. Ang iyong mas mataas na sarili ay nagbibigay sa iyo ng parehong mensahe ng paulit ulit hanggang sa makuha mo kung ano ang sinusubukang sabihin sa iyo sa pamamagitan ng panaginip.

Halimbawa nito ay ang mga panaginip na nagaganap sa ibang panahon o panaginip na nangyari sa hindi pamilyar na lugar o may sangkot na pakikipag-ugnayan sa mga hindi pamilyar na mga tao ng maraming beses, ang mga ito ay simpleng mga bahagi ng mga alaala mula sa nakaraang buhay.

Lahat tayo ay dati ng nanaginip na kasama ang ating best friend o kaya boyfriend o girlfriend sa panaginip. Kilala natin sila, alam natin sila pero ang mukha, ang katawan ay hindi angkop. Pagkagising mo sa umaga ito ay tulad ng, alam ko, ito ang aking kaibigan ngunit hindi ito ang kaniyang hitsura medyo kakaiba at mahiwaga bakit kaya sa tingin ko siya ang aking kaibigan.

Maaaring siya ay iyong kaibigan sa nakaraang buhay o maaaring siya ang iyong girlfriend o boyfriend sa iyong nakalipas na buhay. Mayroon lang silang ibang pisikal na katawan dahil nagkakaroon tayo ng iba't ibang mga pisikal na katawan sa bawat panahon na tayo’y bumabalik sa mundo.

Juan 1: 19 Ang mga pinuno ng mga Judio sa Jerusalem ay nagsugo ng ilang paring Judio at Levita upang itanong kay Juan kung sino nga ba siya. 20              Hindi nagkaila si Juan; sa halip ay maliwanag niyang sinabi, Hindi ako ang Cristo.

               21"Sino ka kung gayon?" tanong nila. "Ikaw ba si Elias?"   "Hindi ako si Elias", tugon niya. "Ikaw ba ang Propeta?" Sumagot siya, "Hindi rin".

               22"Sino ka kung gayon? Sabihin mo kung sino ka upang may masabi naman kami sa mga nagsugo sa amin. Ano ang masasabi mo tungkol sa iyong sarili?" tanong nilang muli.

               23Sumagot si Juan sa pamamagitan ng pangungusap mula sa aklat ni Propeta Isaias,"Ako ang tinig ng isang taong sumisigaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daraanan ng Panginoon."

               24 Ang mga nagtanong ay sugo ng mga Pariseo. 25 Muli nilang tinanong si Juan, "Bakit ka nagbabautismo, gayong hindi naman pala ikaw ang Cristo, o si Elias, o ang Propeta?"

               26 Sumagot si Juan, "Ako'y nagbabautismo sa tubig, ngunit nasa inyong kalagitnaan ang isang hindi ninyo nakikilala. 27 Darating siyang kasunod ko subalit hindi man lamang ako karapat-dapat na magkalag ng sintas ng kanyang sandalyas."

Mateo 17:Ang Pagbabagong-anyo ni Jesus
  1Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok. 2Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit. 3Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4Sinabi ni Pedro kay Jesus, "Panginoon, mabuti't naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." 5 Habang nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!" 6Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa. 7                Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. "Tumayo kayo, huwag kayong matakot!" sabi niya. 8            Nang tumingin sila, si Jesus na lamang ang kanilang nakita.

               9Habang sila'y bumababa sa bundok, iniutos sa kanila ni Jesus, "Huwag ninyong sasabihin kaninuman ang inyong nasaksihan hangga't hindi muling nabubuhay ang Anak ng Tao." 10 Tinanong siya ng mga alagad, "Bakit po sinasabi ng mga tagapagturo ng Kautusan na dapat munang dumating si Elias?" 11           Sumagot siya, "Paparito nga si Elias upang ihanda ang lahat ng bagay. 12At sinasabi ko sa inyo, pumarito na si Elias ngunit hindi siya kinilala ng mga tao, at ginawa nila kay Elias ang gusto nila. Kaya't tulad ng ginawa sa kanya, pahihirapan din nila ang Anak ng Tao." 13                Naunawaan ng mga alagad na si Juan na Tagapagbautismo ang tinutukoy niya.

 Marcos 10:  29  Sumagot si Jesus, "Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, 30           ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan. 31    Ngunit maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna."

Job 1: 20Tumayo si Job, pinunit ang kanyang damit at nag-ahit ng ulo. Pagkatapos, nagpatirapa siya at sumamba sa Diyos. 21           Ang sabi niya, "Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, hubad din akong babalik sa lupa. Si Yahweh ang nagbigay, si Yahweh rin ang babawi. Purihin si Yahweh!"
Job 19:25Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.

26Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.

27Siya'y aking mamamasdan, at mukha ang makikita; siya'y makikilala nitong aking mga mata. Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.

Ecclesiastico 1:Papuri sa Karunungan
1Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan, at iyon ay taglay niya magpakailanman.

2Sino ang makakabilang ng buhangin sa dagat, o ng patak ng ulan, o ng mga araw, o sa panahong walang pasimula at walang katapusan?

3 Sino ang makakasukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa? Sino ang makakaarok sa karagatan at sino ang makakasaliksik sa Karunungan?

4-5Bago pa likhain ang alinmang nilalang, nalikha na ang Karunungan, at ang tunay na pagkaunawa, bago pa nagsimula ang mga panahon.

6-7Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan, at sinong nakakaalam ng kanyang pamamaraan?
8Iisa lamang ang talagang marunong;
dapat tayong gumalang na may paghanga sa harap ng kanyang luklukan.

9Ang Panginoon ang lumikha ng Karunungan, kinilala niya ang kahalagahan nito at ibinuhos niya ito sa lahat ng kanyang nilalang.

10 Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao, ngunit higit na masagana ang kaloob niya sa mga umiibig sa kanya. c

11 Kung may paggalang ka sa Panginoon,
magkakamit ka ng karangalan at kasiyahan,
mapuputungan ka ng tuwa at kagalakan.

12Ang magparangal sa Panginoon ay nagdudulot ng kaligayahan at tuwa,
nagkakaloob ng buhay na mahaba at maligaya.

13Ang may paggalang sa Panginoon ay sasagana sa bandang huli; pagpapalain siya sa oras ng kamatayan.

14 Ang paggalang sa Panginoon ay simula ng tunay na Karunungan; sa sinapupunan pa ng ina'y kasama na siya ng mga tapat.

15Nanirahan siya e sa gitna ng mga tao mula pa noong una at magtitiwala sa kanya ang mga susunod na salinlahi.

16Ang may paggalang sa Panginoon
ay siyang nagkakamit ng pinakamataas na Karunungan; mag-uumapaw sa kanila ang kanyang masaganang bunga,

17pinasasagana niya sa mabubuting bagay ang kanilang tahanan,
pinupuno niya ng masaganang ani ang kanilang f mga kamalig.

18Ang paggalang sa Panginoon ay magandang bulaklak ng Karunungan,
na nagdudulot ng kapayapaan at kalusugan.
19Namamahagi siya ng kaalaman at ganap na pagkaunawa; ang nagpapahalaga sa kanya ay kanyang pinaparangalan at pinagiging tanyag.
20-21Ang paggalang sa Panginoon ay siyang ugat ng Karunungan, at ang mga sanga naman nito ay mahabang buhay.

 1 Corinto 1: 25  Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay kalakasang higit pa sa kalakasan ng tao. 26Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan noong kayo'y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang matatawag na marunong, makapangyarihan at maharlika sa paningin ng tao. 27Subalit pinili ng Diyos ang mga naturingang hangal sa sanlibutan upang hiyain ang marurunong, at pinili niya ang mga naturingang mahihina upang hiyain ang malalakas. 28Pinili niya ang mga pangkaraniwang tao, mga hampas lupa, at mga mahihina sa sanlibutang ito upang ipawalang saysay ang mga kinikilala ng sanlibutan. 29Kaya't walang sinumang makakapagmalaki sa harap ng Diyos. 30Sa kanya nagmula ang buhay na taglay ninyo dahil sa pakikipag-isa ninyo kay Cristo Jesus na siyang ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan din niya, tayo'y itinuring na matuwid, ginawang banal at iniligtas ng Diyos. 31Kaya nga, tulad ng nasusulat, "Ang sinumang nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon."

 Isaias 65: Bagong Langit at Lupa
17Ang sabi ni Yahweh:
"Ako ay lilikha ng isang bagong lupa at bagong langit; ang mga bakas ng nakaraan ay ganap ng malilimutan.

18 Kaya naman kayo'y dapat na magalak sa aking ginawa,
ang Jerusalem na aking nilikha ay mapupuno ng saya,
at magiging masaya ang kanyang mamamayan.

19 Ako mismo'y magagalak
dahil sa Jerusalem at sa kanyang mamamayan. Doo'y wala nang pagtangis o panaghoy man.

20Ang mga sanggol ay hindi na mamamatay, lahat ng titira roon ay mabubuhay nang matagal.
Ituturing pa rin na isang kabataan ang taong sandaang taon na, at ang hindi umabot sa gulang na ito ay ituturing na isinumpa.

21Magtatayo sila ng mga tahanang kanilang titirhan, magtatanim sila ng ubas at sila rin ang aani.
22Hindi tulad noong una, sa bahay na ginawa'y iba ang tumira.
Sa tanim na halama'y iba ang nakinabang.
Tulad ng punongkahoy hahaba ang buhay ng aking mga hirang, lubos nilang papakinabangan ang kanilang pinagpaguran.

23Anumang gawaing paghirapan nila'y tiyak na magbubunga, at hindi magdaranas ng mga sakuna ang mga anak nila; pagpapalain ko ang lahi nila, at maging ang mga susunod pa.

24 Ang dalangin nila kahit hindi pa tapos ay aking diringgin, at ibibigay ko ang kanilang hinihiling.

25 Dito'y magsasalong parang magkapatid, ang asong-gubat at tupa, ang leon ay kakain ng damo tulad ng baka. At ang ahas naman na ang pagkain ay alabok kahit tapakan mo'y hindi ka mangangamba.
Magiging panatag at wala nang masama sa banal na bundok. Sa Bundok ng Zion ay walang makakapinsala o anumang masama."

Kaya ang iyong panaginip na nangyari sa ibang panahon tulad ng sa medyebal na panahon na iyong naaalala, ay ang iyong mga karanasan mula sa ganoong panahon.

Ang magkaroon ng panaginip sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan. Iba naman iyong mapanaginipan mo ang lugar ng iyong eskuwelahan, at napaginipan mo ang iyong bahay na kung saan ka nakatira, ang iyong bayan na kung saan ka lumaki. Ngunit minsan natatandaan mong nanaginip ka at wala kang ideya kung nasaan ka, kung anong lugar iyon, isang kakaibang lugar. Isang lugar na hindi mo pa napupuntahan siguro ay isang karanasan sa iyong nakaraang buhay natatandaan mo ang isang lokasyon na kung saan ka dating madalas, marahil maraming nakaraan at nakalipas mong mga buhay.

Pamamaraan para magkaroon ng maningning na panaginip.
  Maraming mga kinagawian ang maaari nating mabuo sa araw-araw na laging nauulit-ulit kaya habang tayo ay natutulog ito ang nagiging sanhi upang tayo ay maging may kamalayan na tayo ay nananaginip lamang.

Isa sa mga pinaka-mahalagang maliit na makakapagbukas o makakapagtrigger na maaari nating gawin upang malaman ang malalim na mensahe ng isang panaginip ay ang pag-aaral ng kung ano ang iyong naisulat sa iyong dream diary. Isa sa mga bagay na mangyayari ay iyong mabubuo ang isang bagay na tinatawag na elementong magsisimula. Ito ay isang talagang kawili-wiling bagay na mangyayari kapag inumpisahan mong isulat ang iyong mga panaginip at patuloy mong sinusubaybayan ang mga ito at  pagkatapos ng ilang sandali mapapansin mo ang isang bagay.

Mapapansin mo na ang bawat panaginip ay mayroon isang bagay na magkakapareho, mayroong isang mensahe sa panaginip na iyon na laging naroon. Ito ay isang bagay na iyong matuklasan.

Kapag iyong binabasa ang iyong dream diary isang bagay na ating hinahanap ay ang mga paulit-ulit na elemento. May ilang mga tao na nakakaalam kung ano ang mensahe ng kanilang panaginip.

Halimbawa, sa mahabang panahon madalas kong napapanaginipan simula pa ng ako’y isang maliit na bata na lumaki sa pangangalaga ng aking lola na mayroong malaki at kakaiba na nakakatakot na bahay sa aming probinsiya at isa sa mga bagay na nangyayari ay palaging kong napapanaginipan ang bahay ng aking lola kahit na ano pa ang aking ginagawa ang bahay na iyon ay nakakagawa ng paraan upang makasingit sa aking mga panaginip.

Iyon ang bagay sa aking buhay na lagi kong napapanaginipan, lagi kong napapanaginipan ang bahay na iyun at wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin noon hanggang sa mag-aral ako ng mga sagradong kaalaman at sagradong kapangyarihan tulad ng astral projeksyon. At napagtanto ko na ang bahay na iyon ay
nagiging isang elementong magsisimula tuwing lumilitaw ang bahay na iyun, ito ay isang nagti-trigger na nagsasabi sa akin na ako ay nasa astral, ako ay nananaginip, iyan ay para sa akin upang makagawa ng mga koneksyon sa karanasang ito. Sa sandaling mapindot ang suwits sa iyong kaisipan makikita mo ang elementong magsisimula at mauunawaan mo na ikaw ay nananaginip ngayon kaya ito ay nagiging isang trigger para sa maningning na estado ng panaginip at hindi mo ito mahahanap hanggang hindi mo sinisimulan ang pagsulat sa iyong dream diary.

Marahil isang bagay tulad ng tubig, lahat tayo ay nananaginip ng may tubig mayroong ilog o sapa, umuulan laging may tubig at mapapansin mo na parang ito ay hangal na bagay ngunit kapag sinimulan mo ang pagsusulat ng iyong mga panaginip at kapag nakikita mo ito sa nakalipas na pahina na andoon iyun ng maka-ilang beses  hindi mo ito mapaniwalaan na palagi mo palang napapanaginipan ang bagay na iyun ng ilang beses at hindi mo ito dating napapansin.

Ang elementong magsisimula ay nagiging isang malakas na kasangkapan para sa pag-trigger ng manininginip na estado ng panaginip ang iyong katawan mismo ang magsasabi na wala ka sa iyong katawan ang iyong mas mataas na sarili ang magsasabi sa iyo na ikaw ay nasa isang panaginip kailangan mong makita at makagawa ng koneksyon kapag nakita mo ito o ang kaganapang ito ay nangyayari.

  O ikaw ay nasa lokasyong ito
nangangahulugan na ikaw ay nananaginip at kapag nagawa mo na ang koneksyon, ito ay isang bagay na nagti-trigger ng isang maningning na estado ng panaginip.

Bilang karagdagan sa pag-aanalyse sa ating mga panaginip may iba pang mga pisikal na mga kinagawian na maaari nating ginagawa kapag tayo’y gising sa araw na nauulit ng kusa sa gabi na nagiging sanhi upang magkaroon ng kamalayan na tayo ay nananaginip ito ay nakakapag-triger na maaari nating silipin at samantalahin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng batas sa mga pisikal na dimensyon kumpara sa batas ng astral na dimensyon.

Kaya ang mga ito ay palataandaan o mga teknik na ating gagamitin upang subukang makita kung anong dimensyon tayo naroroon. Inuulit natin ang mga ito sa araw habang tayo ay gising ng may ideya ng pag-iistraktura sa ating mga panaginip dahil ito ay nagiging puwersa na ating kinasasanayang kaugalian. Na ang isinasalarawan natin sa araw ay mauulit mismo sa ating pagtulog sa gabi at iyun ay nangyayari sa ating mga panaginip.

Halimbawa may pisikal tayong kinagawian, ang paghila ng iyong pisikal na daliri, ito ay laman at buto, at ito ay hindi humahaba o nawawala, o sinusubukan mong tumalon at lumutang. Gawin mo ang mga ito habang gising sa buong araw.

Ang iyong astral na katawan ay binubuo naman ng iba't ibang mga bagay, kapag ginawa mo ito sa astral ang iyong daliri ay humahaba na parang goma, ang iyong mga kamay ay kakaiba at parang goma sa astral na dimensyon dahil ito ay hindi isang pisikal na katawan, ito ay higit pa sa isang katawan ng liwanag o enerhiya bilang kumpara sa pisikal na bagay.

Kaya sa araw habang ikaw ay gising, ito ay iyong ginawa ngunit walang nangyayari pero sa gabi habang ikaw ay natutulog at ito ay iyong ginawa, ang iyong daliri ay kakaiba at ikaw ay nagugulat kung ano ang nangyayari? Ito ang nagpapahiwatig sa iyo na ikaw ay nasa ibang dimensyon, ang palatandaang nagsasabi sa iyo na ikaw ay nasa astral na dimensyon.

Kaya ang kailangan mong gawin ay gamitin ang mga teknik na ito sa araw habang ikaw ay gising at sinusubukang tandaang hilahin lamang ang iyong mga daliri at tingnan kung ano ang mangyayari. Kung madalas mong hinihila ang iyong mga daliri at tinitingnan kung ano ang nangyayari matutunan mong paghiwalayin ang pisikal at astral na dimensyon.  Gawin mo ito nang madalas sa araw habang ikaw ay gising.

At ito ay uulitin mo sa gabi at maaari mong matagpuan ang iyong sarili na nananaginip at ang gagawin mo lamang ay hilahin ang iyong daliri at iyon ay makakapag-trigger upang malaman mo na ikaw ay nasa astral, na ikaw ay nasa ibang dimensyon. Kakaibang bagay ang nangyayari at biglang nakakaramdam ka na ito ay hindi natural at may bagay na hindi tama.

Kung bigla kang napapunta sa grupo ng iyong dating mga kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita. May magandang bagay pang-nangyayari nanalo ka sa lotto. O may mga bagay bagay na masamang nangyayari o ano pa mang hindi kapanipaniwala, basta’t hilahin mo ang iyong daliri upang makita mo kung nasaan ka. Ito ay isang paraan upang malaman mo kung anong dimensyon ka naroroon.

Ang astral na dimensyon at ang pisikal na dimensyon ay halos magkamukha. Madalas hindi natin alam kung nasaan tayo.  Maiisip mo na ang iyong mga panaginip kahit hindi kapanipaniwala ay parang totoong totoo kapag narororoon ka.

Ito ay isang natural na paglipat mula sa pisikal na dimension papunta sa astral na dimension dahil nakakapunta ka roon gabi gabi, tuwing ikaw ay natutulog. Na sosorpresa lang ang mga tao kaya lubos na nakakalimutan ang buong transisyon.

Hindi natin nalaman na tayo’y nasa astral na dimensyon. Kaya lahat ng mga tips ay ating hinahanap, mga ibat ibang paraan na maaari nating magamit upang ipakita sa atin kung tayo ay wala sa ating pisikal na katawan.

Isa pang dapat nating subukan ay ang pagtalon at ang paglutang. Tumalon at tingnan kung ikaw ay bumabalik pababa sapagkat kung ikaw ay nasa pisikal na dimensyon at ikaw ay tumalon, ikaw ay babalik pababa ngunit kung ikaw ay nasa astral na dimesnyon at ikaw ay tumalon, ikaw ay patuloy na tataas at lulutang hindi ka babalik pababa.

Narito ang isang pang-kuwento para sa iyo. Mayroong isang lalaking natutulog sa kanyang kama, isang gabi nagising siya dahil may kumakatok sa pintuan ng kanyang apartment, sino kaya iyun? Ika niya, alas tres pa lang ng umaga, sino kaya itong nang-iistorbo sa akin? Kaya siya ay bumangon sa kama at lumabas ng kuwarto para buksan ang pintuan ng apartment. Ngunit walang tao, nag-isip siya siguro mga batang hamog na makukulit ang kumatok sa aking pintuan na gumising sa akin, kaya isinara niya at bumalik sa kaniyang bahay, nagpunta sa kanyang kwarto nang siya’y napa-hinto at nagulat dahil may taong nakahiga sa kanyang kama.

Siya ay nag-alala, baka may taong sumalisi sa akin ng buksan ko ang pinto? Walang paraang makakapasok ang isang tao ng hindi daraan sa akin, kaya dahan dahan siyang lumapit sa taong nakahiga sa kanyang kama para makita kung sino ito, ng malapit-lapit na siya kaniyang nakita ang kaniyang sariling katawan na nakahiga sa kama.
Hindi man lang niya napagtanto na siya ay nag projek sa kanyang sariling pinto, sa pasilyo ng kanyang sariling apartment.

Isa pang kuwento ng isang indibidwal, sila ay nasa isang party at nagkakasiyahan dahil lahat ng kanyang mga kaibigan ay nandoon.

Bakit kaya lahat ng tao na kilala ko mag-mula pa ng aking pakabata ay nasa isang kuwarto sa iisang pagkakataon, ito ay talagang kakaiba kaya siya ay nag-paalam sa party na ito na tila totoong totoo at nagpunta siya ng banyo at sinubukang tumalon at siya’s nagsimulang lumutang sa hangin at kanyang napagtanto na, ako pala ay nasa astral na dimensyon sa buong panahon ng party at hindi ko ito alam.

Ako mismo ng minsang magising ng isang gabi at kukuha ng isang basong tubig. Ako ay nakahiga sa kama nag-iisip pa ako kung babangon o ituloy ang pagtulog. Kailangan ko ng lakas dahil inaantok pa ako, pero nagdesisyon akong bumangon at kumuha ng maiinom. At bumaba ako ng hagdan ng aking bahay na eksaktong mukhang aking bahay, naglakad papunta ng kusina,

Nang bubuksan ko na ang pintuan ng ref parang may kakaiba, ng tiningnan ko ang aking mga kamay sinubukan kong hilahin ang aking daliri napagtanto kong ako ay wala sa aking pisikal na katawan.

Ako'y nag-projek sa aking kama at lumakad ang aking astral na katawan sa aking astral na hagdan, sa aking astral na kusina ngunit ito ay kamukha ng aking bahay pero ang mahalagang bagay ay kailangan nating gumawa ng paraan upang malaman natin kung nasaan tayo. Kung tayo ba ay nasa astral na dimension o nasa pisikal na dimension.

Maaari pa tayong gumawa ng iba pang paraan upang malaman natin kung nasaan na tayo. Ang iba ay may maliit na notebook na nasa kanilang bulsa, puno ito ng mga tinatandaang orasyon tulad ng Susing spiritual at ito ay madalas na binabasa sa pisikal na notebook kaya kapag ito ay binuksan at binasa sa astral ng dimensyon naiiba ang kaniyang mga letra at tunog.

Isa pang teknik: magkaroon ng orasan o  relos na laging tinitingnan kapag tayo ay gising sa araw, upang tingnan kung anong oras na at dahil ito ay magiging ugali magagawa mo rin ito sa gabi. At dahil walang oras sa astral na dimensyon, malalaman mo kung nasaan ka na.

Kapag mali ang ating orasan o kakaiba, isa itong teknik na nagsasabi sa atin na tayo’y nasa astral na dimensyon.  

Tumitig sa orasan at tumingin palayo sa ibang lugar naman saka bumalik upang ma tsek ang orasan, ang astral na orasan ay kakaiba, konstruksiyon lang ng iyong kaisipan ang iyong nakikitang oras dahil
walang oras sa astral na dimensyon.

Mayroon pang isang talagang kawili-wiling teknik at ito ay epektibo rin, ito ay tinatawag na teknik ng pagkakilala. Ang ideya sa likod ng teknik ng pagkakilala

ay sa araw, madalas gawin tuwing isang minuto o dalawa na pisikal na magtanong kung nasaan ka? Ano ang iyong ginagawa? Magtanong kung nasa astral na dimensyon o nasa pisikal na dimensyon ka?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento