Ang buhay ay alinman sa isang walang takot na pakikipagsapalaran o takot makipagsapalaran. . Ang bawat maling pagtatangka na iniwaksi ay isang hakbang pasulong. Sa loob ng ating pagkatao nanahan ang mga nakahimlay na kapangyarihan, mga kapangyarihan na magpapamangha sa atin na hindi kailanman natin pinangarap ang pagkakaroon. Mapapalakas pa ito sa pamamagitan ng mga panalangin, ritwals at orasyon.
Mga Lakas at pwersa na magpapabago ng lubusan sa ating buhay kung ito ay ginising at ilagay sa aksyon.
Iibahagi natin ang banal na mga estratehiya at mga diskarte na positibong huhugis sa ating mga buhay kaya dapat natin mai-tuon na makagawa ng isang bagay na pinakamahusay para sa ating mga buhay.
Iibahagi natin ang banal na mga estratehiya at mga diskarte na positibong huhugis sa ating mga buhay kaya dapat natin mai-tuon na makagawa ng isang bagay na pinakamahusay para sa ating mga buhay.
Pangarap na kapalaran
Ang taong matatag ay naniniwala sa tadhana, ang taong salawahan ay naniniwala sa baka sakali. Lahat tayo ay may pangarap ... lahat tayo ay naniniwala na sa kailaliman ng ating kaluluwa ay mayroong isang espesyal na regalo, na maaaring makatulong upang makagawa ng pagkakaiba, na maaari nating mahawakan ang ibang tao sa isang espesyal na paraan, at maaari nating magawang magandang lugar ang mundo.
Minsan sa ating buhay, lahat tayo ay nagkaroon ng isang pangitain para sa kalidad ng buhay na gusto natin at karapat-dapat. Ngunit, para sa marami sa atin, ang mga pangarap ay nababalutan ng kabiguan at Kinabihasnang gawain sa araw-araw ng ating buhay na hindi na kailangang gumawa ng pagsisikap upang matapos ang mga ito. At dahil sa karamihan, ang pangarap ay napaparam at kasama niya ang kalooban sa paghubog ng ating kapalaran.
Marami ang nanawalan ng pakiramdam ng kasiguruhan na lumilikha ng kalamangan sa pagkapanalo. Ang ating mga layunin sa buhay ay maibalik ang pangarap at matupad ang mga ito, upang makakuha ang bawat isa sa atin na tandaan at gamitin ang walang limitasyong kapangyarihan na namamalaging natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Lahat ng ating mga nakalipas na kabiguan at pagkabagsak ay ang aktwal na paglalatag ng mga pundasyon para sa pang-unawa na nalikha natin ang bagong antas ng pamumuhay.
Alam natin na lampas sa anino ng pagdududa, mayroon tayong mga banal na impormasyon, mga diskarte, pilosopiya, at mga kasanayan na maaaring tumulong sa atin upang mabigyan ng kapangyarihan ang ating sarili para magawa ang mga pagbabago na ating ninanais.
Gumawa na tayo ng mga desisyon upang baguhin ang ating mga buhay magpakailanman. Dapat nating baguhin ang bawat maling aspeto ng ating buhay. Hindi na tayo kailanman dapat manatili sa mas mababang kalagayan kaysa sa maaari nating maabot. Dapat nating matutunan at mapakinabangan ang prinsipyo na tinatawag na kapangyarihan ng konsentrasyon at mga makapangyarihang orasyon.
Karamihan sa mga tao ay walang mga ideya sa higanteng kapasidad nila na maaaring atasan agad. Kapag ating itinuon ang lahat ng ating mga mapagkukunan sa pagdadalubhasa sa isang solong katalinuhan ng ating buhay gamit ang banal na kaalaman sa aklat na ito.
Ang kontroladong pokus ay katulad ng isang sinag ng laser na maaaring humiwa sa anumang bagay na mukhang pumipigil sa atin. Kapag tayo ay nakatuon sa pagpapabuti ng anumang bagay, nabubuo natin ang natatanging mga pagkakaiba sa kung paano gumawa ng bagay na mas mahusay.
Ang isang dahilan kaya kakaunti sa atin ang kumakamit ng kung ano ang talaga nating pinapangarap ay dahil hindi kailanman puro at direkta ang ating pagtuon; hindi natin naitutuong mabuti ang ating kapangyarihan.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.
Karamihan sa mga tao ay nagkakawkaw ng kanilang daan sa buhay, hindi kailanman magpasyang maging experto sa isang particular na bagay.
Sa katunayan, karamihan sa mga taong nabibigo sa buhay ay inuuna ang mga bagay na hindi dapat unahin. Isa sa pangunahing aral sa ating buhay ay ang pag-aaral upang maunawaan kung bakit natin ginagawa ang ating ginagawa. Ano ang humuhugis sa pag-uugali ng isang tao?
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.
Ang mga sagot sa tanong na ito ang magbibigay ng mga kritikal na susi sa paghubog ng ating sariling kapalaran.
Ang ating buong buhay ay patuloy na tumutungo sa isang, napupuwersang pokus: Ano ang lumilikha ng pagkakaiba sa kalidad ng buhay ng isang tao? Paanong madalas na mangyaring ang isang taong mula sa dukhang simula at sirang karanasan ay nakakaraos at gumiginhawa. At kahit ganoon ang pinangalingan ay nakakalikha ng buhay na ating hinahangaan at pumupukaw sa ating pagkatao.
Sa kabaligtaran, bakit marami sa mga ipinanganak sa pribelihiyong lugar, may kayamanan para mag-tagumpay sa kanilang mga kamay ay nagiging matataba, masakitin, bigo at madalas gumon sa kalayawan tulad ng alak at droga?
Ano ang ginagawa ng ilang tao upang ang buhay nila ay maging halimbawa at iba ay maging babala? Ano ang lihim upang makalikha ng magiliw, masaya, at nagpapasalamat na buhay sa marami, habang para sa iba ay iwasan ang maaaring mangyari?"

"Paano natin maisagawa ang agarang kontrol sa ating buhay? Ano ang maaaring gawin ngayon na maaaring makagawa ng isang pagkakaiba-na maaaring makatulong sa atin at sa iba para mai-hugis ang ating kapalaran? Paano natin palalawakin, matutunan, mapalago, at mai-bahagi ang mga kaalaman na sa ibang tao sa isang makabuluhan at kasiya-siya paraan? "
Kailangan nating bumuo ng isang paniniwala. Tayong lahat ay dapat mag-ambag ng isang bagay na natatangi,
ang bawat isa sa atin ay may malalim at nakatagong espesyal na regalo. Lahat tayo ay may higanteng natutulog sa loob ng ating pagkatao.
Ang bawat isa sa atin ay may talento, isang regalo, ang ating sariling likas na talino na naghihintay na ma-tapik. Maaaring isang talento para sa sining o musika. Maaaring isang espesyal na paraang may kaugnayan sa mahal mo sa buhay. Maaaring isang likas na kakayahan para sa pagbebenta
o pagtuklas ng bagong produkto o pakikipag-ugnayan sa iyong negosyo o sa iyong karera.

Ang ating Diyos ay hindi lumikha ng paborito, lahat tayo ay nilikhang walang katulad, ngunit may katumbas na mga oportunidad para makaranas ng buhay na sagana.
Ang pinakamahalagang paraan para magpalipas ng ating buhay ay mamuhunan sa isang bagay na nagtatagal. Kailangan nating mag-ambag ng ilang mga paraan at karunungan na magtatagal makalipas ang mahabang panahon.
Mayroon tayong hindi kapani-paniwalang pribilehiyo ng pagbabahagi ng ating lihim na kaalaman, mga ideya at mga damdamin sa mas maraming tao hangga't makakaya natin. Ngayon ay mayroon tayong mga natatangi at mabuting kapalaran ng pagbabahagi ng pinakamahusay na kaalaman galing sa sagradong aklat na ito.
Sa pamamagitan ng lahat ng ito, tayo ay magpatuloy upang makilala ang indibidwal na kapangyarihan na kailangang baguhin ang halos anumang bagay at lahat ng bagay sa ating mga buhay. Matutunan natin na may mapagkukunan tayo ng ating kailangan upang matupad ang ating mga pangarap na nasa loob ng ating pagkatao, at wala na ang paghihintay para sa mga araw ng pagpapasya upang gisingin at kunin ang nararapat para sa atin.
Isinulat ang sagradong aklat na ito para sa isang kadahilanan: upang maging instrumento ng pag-gising na hahamon sa mga taong nagpasiyang mamuhay ng masagana at maayos , lalong gumagamit sa kapangyarihang ibinigay sa kanila ng Dios. May mga ideya at mga diskarte sa sagradong aklat na ito na tutulong sa iyo upang makabuo ng espesipiko, nasusukat, at-pangmatagalang pagbabago sa iyong sarili at sa iba.
Ang iyong pagnanais na palawakin ang iyong kaalaman at kapangyarihan ay nagdala sa iyo upang basahin ang sagradong aklat na ito. Ito ang hindi nakikitang kamay na gumagabay sa iyo. Anuman ang kasalukuyang kalagayan mo sa buhay gusto mo pang mapaunlad at mapalawak ito.
Hindi mahalaga kung gaano ka ka-asenso o kahusay, sa loob ng iyong pagkatao nakahimlay ang isang paniniwala na mapapalawak mo pa ang iyong karanasan sa buhay at magiging mas mataas pa ito higit sa kasalukuyang kalagayan.
Ikaw ay naka-destino para sa iyong sariling natatanging anyo ng kadakilaan, ito man ay bilang isang katangi-tanging propesyonal, guro, negoyaste, ina o ama. Ang pinaka-mahalaga, hindi ka lamang naniniwala rito, ngunit ikaw ay nagsagawa ng pagkilos. Nagbabasa ka ng sagradong aklat na ito upang mapaganda pa ang iyong buhay. At iyun din ang aming idinadalangin.

Ito ay isang higanteng libro na maaari mong gamitin upang makabuo ng higanteng mga resulta sa iyong buhay. Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pakinabang sa pagbabasa ng bawat kabanata sa aklat na ito, matitiyak na ang iyong kakayahan ay maitataas sa malawak na potensyal .
Ecclesiastico 11:
1 Naitataas ng maralita ang kanyang noo kung siya'y marunong, at ibibilang siya sa hanay ng mga dakila.
11 May taong trabaho nang trabaho at lagi nang humahangos, patuloy ang kayod ngunit lalo lamang naghihikahos.
12 Mayroon namang bahagya nang makagulapay, babagal-bagal, mahina, walang kaya, at sadsad sa hirap,
ngunit nang lingapin siya ng Panginoon,
naging matiwasay ang kanyang buhay.
13 Nakabangon siya at nag-ani ng tagumpay, at namangha ang lahat sa nangyari sa kanya.

Paano ba makalilikha ng nagtatagal na pagbabago
Para maging tunay na mahalaga ang isang pagbabago, dapat itong maging pang-matagalang at hindi pabago-bago.
Santiago 1:
6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong 8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.
Kailangan nating hanapin kung ano ang itinuturing nating matatag na prinsipyo na may pangmatagalang pagbabago.
Nais naming ibahagi ang tatlong baitang ng prinsipyo ng pagbabago na maaari nating gamitin upang agad na mabago ang ating buhay. Habang ang mga prinsipyong ito ay simple, ang mga ito ay lubos na makapangyarihan kapag inilapat ng may kahusayan. Kasama na ang panalangin at tamang mga orasyon.
Ito ang mga eksakto at parehas na pagbabago na dapat gawin ng isang indibidwal upang makalikha ng personal na pagbabago, na dapat gawin ng isang kumpanya upang mapalaki at mapalakas ang kaniyang potensyal, na dapat gawin ng isang bansa upang mai-ukit niya ang magandang kalagayan sa sandaigdigan.
Sa katunayan, bilang isang komunidad sa mundo, Ito ang mga pagbabago na dapat gawin ng lahat upang mapanatili ang kalidad ng pamumuhay sa buong mundo.
Efeso 4:
Ang Bagong Buhay kay Cristo
17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos. 19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25 Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kung magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. 30 At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sa halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

Unang hakbang
Itaas ang iyong Pamantayan
Itaas ang iyong Pamantayan
Tuwing sumasaiyo ang pagnanais makagawa ng pagbabago, ang unang bagay na dapat mong gawin ay taasan ang iyong mga pamantayan.
Ang pinaka-mahalagang bagay ay baguhin kung ano ang ating hinihiling para ating sarili. Dapat nating isulat ang lahat ng mga bagay na hindi na katanggap-tanggap sa ating buhay, lahat ng mga bagay na hindi na kayang tiisin, at lahat ng mga bagay na ating hinahangad at pinapangarap.
Roma 12:
Pamumuhay Cristiano
1 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba a ninyo sa Diyos. 2 Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
3 Dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin, sinasabi ko sa bawat isa sa inyo, huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang higit sa nararapat. Sa halip, pakaisipin ninyong mabuti ang tunay ninyong katayuan ayon sa sukat ng pananampalatayang ipinagkaloob ng Diyos sa bawat isa sa inyo.
Orasyon upang mabago ang pag-iisip ng naaayon sa kalooban ng Dios:

Isipin mo ang malaking epektong kahihinatnan ng itakdang pagkilos ng mga kalalakihan at kababaihan na nagtaas ng kanilang mga pamantayan at kumilos ng naaayon, sa pagpapasyang hindi na nila kayang tiisin ang mga mabababang kalagayan.
Kailangan nating ilagay ang maniningning at mga makapangyarihang baitang upang mapataas ang ating mga pamantayan. Ang parehong kapangyarihan na mayroon sa bawat isa, kung mayroon tayong lakas ng loob angkinin ito. Ang pagbabago sa isang organisasyon, sa isang kumpanya, sa isang bansa o sa buong mundo ay nagsisimula sa simpleng hakbang ng pagbabago sa ating sarili.
1 Corinto 9:
23 Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Magandang Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. 24 Alam ninyong ang mga kalahok sa paligsahan ay tumatakbong lahat, ngunit iisa lamang ang nagkakamit ng gantimpala! Kaya't pagbutihin ninyo ang pagtakbo upang kamtan ninyo ang gantimpala. 25 Lahat ng manlalarong nagsasanay ay may disiplina sa lahat ng bagay upang magkamit ng isang gantimpalang panandalian lamang. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay panghabang panahon. 26 Hindi ako tumatakbo nang walang patutunguhan at hindi ako sumusuntok sa hangin. 27 Subalit sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahan pagkatapos kong mangaral sa iba.
Ikalawang hakbang
Baguhin ang iyong nalilimitahang Paniniwala
Baguhin ang iyong nalilimitahang Paniniwala
Kung tinaasan mo ang iyong mga pamantayan ngunit hindi mo naman pinaniniwalaan na maaari mong matugunan ang mga ito, nakalikha ka ng pagpapahamak sa iyong sarili. Dahil hindi mo na ito susubukan; mawawalan ka ng tunay na pakiramdam na magbibigay-daan sa iyo upang katukin ang pinakamalalim na kapasidad sa loob ng iyong pagkatao.
Ang ating paniniwala ay tulad ng hindi tinatanong na kapangyarihan, na nagsasabi sa atin kung paano matutupad, ito ba ay possible at ano ang impossible, ano ang maaari nating magawa o hindi magagawa. Sila ang huhugis ng bawat pagkilos, ng bawat pag-iisip, at ng bawat pakiramdam na natin mararanasan. At ang resulta ay ang pagbabago ng ating mga pinaniniwalaang sistema na siyang pinaka-gitna sa pagsasagawa ng totoo at pangmatagalang pagbabago sa ating buhay.
Filipos 4:
13 Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.
Kailangan nating bumuo ng isang pakiramdam ng kasiguruhan na kaya natin at matugunan ang mga bagong pamantayan bago natin talagang gawin. Kung hindi mo kukunin ang kontrol sa sistema ng iyong paniniwala, maaari mong taasan ang iyong mga pamantayan ng hangga't gusto mo, ngunit nawawalan ka ng paniniwala na itaguyod ang mga ito.
Ang pagkakapareho ng ating paniniwala ay magbibigay sa atin ng daan sa lihim na mapagkukunan at magpapagana sa atin upang matugunan ang mga hamon na sana ay nalilihis sa isang hindi nakatuong atensyon. Pinalakas na paniniwala-ang pakiramdam ng kasiguruhan -ay ang lakas na nasa likod ng mahusay na tagumpay sa kabuuan ng kasaysayan.
IKATLONG HAKBANG
Baguhin ang iyong Diskarte
Upang mapanatili ang ating mga pangako, kailangan natin ang pinakamahusay na diskarte para sa pagkamit ng mga resulta. Isa sa ating dapat maging kaibuturang paniniwala ay ang magtakda ng isang mas mataas na pamantayan, tapos ay makakakuha tayo ng ating sariling paniniwala, saka tayo tiyak na makakaalam ng diskarte. Simple tayong makakahanap ng paraan.
Ipinapakita ng sagradong aklat na ito kung paano matatapos ang trabaho at ang pinakamahusay na diskarte sa halos anumang kaso ay maghanap ng modelo o idolo, isang taong nakakakuha ng mga resultang gusto natin, pagkatapos matuto sa kanilang mga kaalaman. Alamin kung ano ang kanilang ginagawa, kung ano ang kanilang mga paniniwala, at kung paano sila mag-isip.
Hindi lamang magagawa natin itong mas epektibo, makakatipid rin tayo ng oras dahil hindi na kailangang muling hanapin pa ang tamang kaalaman at paniniwala. Maaari nating pinuhin ang mga ito, ayusin ang hugis, at marahil makagawa pa ng mas mahusay.
Ang aklat na ito ay magbibigay sa atin ng impormasyon at puwersa upang magtuon sa tatlong prinsipyo at magpaka-dalubhasa sa pagbabago ng may kalidad: ito ay makatulong sa atin na mataasan ang ating mga pamantayan sa pamamagitan ng pagtuklas kung ano ang kanilang kasalukuyang mga napagtatanto at kung ano ang ninanais natin; ito ay makakatulong sa atin na baguhin ang mga pangunahing paniniwala na pinapanatili natin na nakakapigil mula sa kung saan natin gustong makarating at pagbutihin ang mga iyon na maghatid sa atin; at ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang serye ng mga estratehiya para sa higit pang elegante, mabilis, at mahusay na paggawa ng mga resulta na gusto natin.
Sa buhay, maraming mga tao ang nakaka- alam kung ano ang dapat nilang gawin, ngunit kakaunti sa mga tao ang aktwal na gumagawa kung ano ang alam nila. Ang kaalaman ay hindi sapat! Kailangang magsagawa ng pagkilos.
Gumugugol ng ilang taon ang tao para tumutok sa isang partikular na kadalubhasaan, at patuloy na gumagawa ng susi ng pagkakakilanlan tungkol sa kung paano makakabuo ng mga resulta nang mas mabilis. Sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga diskarte na ibabahagi natin sa sagradong aklat na ito, mabilis at kapansin-pansing ang pagbabago namagaganap sa atin.
Minsan, hindi na mga bagong bagay para sa atin ang mga nababasa rito, ngunit napapaalaala sa atin ang kung anong alam na natin, at pagkatapos ay mapipilitan na tayong gawin ang mga natutunan.
Ituturo rito ang pagkakakilanlan ng kapangyarihan sa kung paano lumikha ng pangmatagalang pagpapabuti sa kalidad ng ating buhay. Sama-sama, tayong tumutok sa pagwawagi sa limang mga bahagi ng ating buhay na nakaaapekto sa karamihan sa atin. Ang mga ito ay:
1. Emosyonal na kadalubhasahan
Maging dalubhasa lang sa araling ito ay magdadala na sa atin sa karamihan ng mga paraan patungo sa kasanayan sa iba pang kapangyarihan. Mag-isip tayo. Bakit gusto nating mangayayat? Ito ba ay sa dahilang gusto nating mabawasan ang taba sa ating katawan? O ito ay dahil sa gusto natin at sa tingin natin sa ating sarili ay naaalis natin ang sobrang timbang, na nagbibigay sa atin ng mas maraming enerhiya at sigla, na lumilikha sa atin upang maging mas kaakit-akit sa iba, at nagpapalakas ng ating pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili.
Halos lahat ng ating ginagawa ay upang baguhin ang daan ng ating damdamin- gayunman karamihan sa atin ay may kakaunti o walang pagsasanay sa kung paano ito gawin nang mabilis at mabisa. kahanga-hanga kung gaano kadalas natin ginagamit ang ating katalinuhan upang gumana sa ating mga sarili sa hindi matalinong emosyonal na estado,nalilimutan ang tungkol sa maraming mga katutubong talento na tinataglay ng bawat isa sa atin.

Marami sa atin ang inaasa ang sarili at nalalagay sa awa ng mga panlabas na kaganapan na kung saan wala na tayong kontrol, nabibigong manguna sa ating mga emosyon- kung saan mayroon tayong mga kontrol at umaasa sa halip sa panandalian at maikling mga pag-aayos.
Sa aklat na ito, matutuklasan natin kung bakit ginagawa ang kung anong ating ginagawa, at ang gumagatilyo sa mga emosyon na nararanasan nating madalas. Mabibigyan tayo ng mga nakaplanong hakbang upang makita natin kung paano makilala kung aling mga emosyon ang magbibigay ng mga kapangyarihan, at kung paano gamitin ang parehong mga uri sa ating pinakamahusay na kabutihan upang ang ating mga damdamin ay hindi maging isang hadlang, sa halip ay maging isang makapangyarihang kasangkapan na tutulong sa atin makamit ang ating pinakamataas na potensyal.
2. pisikal na kadalubhasahan
Mahalaga bang magkaroon tayo ng lahat ng bagay na ating pinangarap, ngunit wala sa atin ang pisikal na kalusugan upang magawang tamasahin ang mga ito? Lagi ba tayong nagigising tuwing umaga na may masiglang pakiramdam, makapangyarihan, at nakahandang humarap sa bagong araw?
O nagigising tayong may pakiramdam ng panghihina at nagagalit mag-umpisa uli ng panibagong araw.
Makakaapekto ba ang ating kasalukuyang paraan ng pamumuhay upang maging kasama tayo sa isang estatistiko? Isa sa bawat apat na Filipino ang nanamatay sa atake sa puso. Hinuhukay natin ang ating libingan sa tulong ng ating mga ngipin habang pinupuno natin ang ating katawan ng matataas at matatabang pagkain, mga walang sustansiyang pagkain, nilalason natin ang ating sistema ng sigarilyo, alak, at droga, at sa walang kibong pagkakaupo lagi sa harap ng ating mga TV.

Ang ikalawang aralin ng kadalubhasahan ay makakatulong sa atin na kontrolin ang ating pisikal na kalusugan upang hindi lamang tayo magandang tingnan, pero maganda ang pakiramdam at alam natin na tayo ang may kontrol ng ating buhay, sa isang katawan na nagniningning sa sigla at nagbibigay-daan sa atin upang makamit ang ating inaasahang resulta.
3. Dalubhasa sa relasyon
Bukod sa pagpapaka-dalubhasa sa ating sariling damdamin at pisikal na kalusugan, importante rin pag-aaralang maging dalubhasa sa ating mga relasyon-sa iniibig, sa pamilya, sa negosyo, at sa lipunan.
Pagkatapos ng lahat, sino ang gustong matuto, lumago, maging matagumpay at masayang nag-iisa? Ang ikatlong aralin ng kadalubhasahan sa aklat na ito ay magbubunyag ng mga lihim upang paganahin at makalikha ng may kalidad na mga relasyon-una sa ating sarili, pagkatapos ay sa iba. Mag-umpisa tayo sa pagtuklas kung ano ang ating pinaka-mataas na pinahahalagahan, ano ang ating mga inaasahan, ang mga panuntunan sa paglalaro sa laro ng buhay, at kung paano ito nauugnay sa iba pang mga manlalaro.
Pagkatapos nating makamit ang tagumpay sa mahalagang mga kasanayan ito, matututo tayong kumonekta sa mga tao sa pinakamalalim na antas at maga-gantimpalaan tayo ng mga bagay na ating ninanais: isang pakiramdam ng pagkakaroon ng kontribusyon, ng pag-alam na nagawa natin ang isang kakaibang tulong sa buhay ng ibang tao.
Ang pinakamalaking kayamanan ay ang relasyon sapagkat ito ay bubukas ng mga pinto sa bawat yaman na kailangan natin.
Ang pagwawagi sa araling ito ay magbibigay sa atin ng walang limitasyon, lumalaki at walang humpay na pag-aambag.

4. Pinansial na kadalubhasahan
Matapos makarating sa edad na 65, karamihan sa mga Pilipino ay alinman sa naghihirap -o patay na! Iyon ay para bagang nakikita ng karamihan sa ginintuang edad ng pagreretiro.
Ngunit kung wala tayong paniniwala na karapat-dapat sa atin ang kaginhawahan sa pananalapi, nakasandal sa matatag na mga plano, paano natin magagawang magkatotoo ang pinapangarap nating realidad?
Ngunit kung wala tayong paniniwala na karapat-dapat sa atin ang kaginhawahan sa pananalapi, nakasandal sa matatag na mga plano, paano natin magagawang magkatotoo ang pinapangarap nating realidad?
Ang ika-apat na aralin ng kadalubhasahan sa aklat na ito ay nagtuturo sa atin kung paano pumunta lagpas sa ating mga layunin at hindi upang manatili sa mahirap na kalagayan. Dahil mayroon tayong mabuting kapalaran na nakahanda para sa ating kinabukasan, lahat tayo ay may mga kakayahan upang isakatuparan ang ating mga pangarap.
2 Corinto 9:
10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon, lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin namin sa kanila.
Ngunit karamihan sa atin ay nakakaranas ng kagipitan sa pananalapi,
at nagpapantasiya tayo na ang pagkakaroon ng mas maraming pera ay makakabawas sa ating mga presyur. Ito ay isang kulturang may maling akala –sinasabi rin na ang taong mas maraming pera, mas maraming presyur ang ating mararamdaman.

Ang susi ay hindi lamang ang pagtugis ng kayamanan, ngunit ang pagbabago ng ating mga paniniwala at saloobin tungkol dito para makita ito bilang isang paraan para sa kontribusyon, hindi ang lahat at maging-lahat para sa kaligayahan.
Upang mapanday ang isang tadhana ng pinansyal na kasaganaan, kakailanganin munang malaman kung paano babaguhin ang nagiging sanhi ng kakulangan sa ating buhay, at pagkatapos ay kung paano mararanasan ang kaalinsumod na batayan ang mga karakter, paniniwala, at damdamin na mahalaga sa pagdanas ng kayamanan at paghawak dito at pagpapalawak ng mga ito.
Pagkatapos ay kakailanganin tukuyin ang ating mga layunin at ihugis ang ating mga pangarap ng may matang patungo sa pagkamit ng pinakamataas na posibleng antas ng kagalingan, na magpupuno sa atin ng kapayapaan ng kaisipan at magpapalaya sa atin na tumingin pasulong ng may sigla sa lahat ng mga posibilidad na inaalok ng buhay.
5. Kadalubhasahan sa pag-gamit ng oras
Para makagawa ng isang masterpis kinakailangan ang pag-gugol ng maraming oras. Dapat nating matutunang gamitin ng tama ang ating oras, matutong mamanipula ito upang maging kakampi natin kesa sa maging kalaban.

Ang ikalimang aralin sa sagradong aklat na ito ay magtuturo sa atin, una, kung paanong ang maikling termino ng pagsusuri ay maaaring humantong sa pang-matagalang kalungkutan. Matututunan natin kung paano gumawa ng isang tunay na desisyon at kung paano pamahalaan ang ating mga pagnanais para sa madaliang pagbibigay ng kasiyahan at sa gayon, matanggap ang ating mga ideya, ang ating mga likha-pati na ang ating sariling mga potensyal - upang maabot ang ating buong tagumpay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento