Ikaw rin ay maaaring kumilos lagpas sa mga
sugat ng iyong kahapon. Tigilan mo na ang pag-daing mo tungkol sa limitadong
edukasyon maraming nagtagumpay kahit salat sa pinag-aralan.
Huwag ka nang laging dumadaing na ang pamilya mo ay dukha.
Maraming yumaman na dating dukha. Tama na ang paulit-ulit na istorya tungkol sa
mga hindi sumuporta sa iyo, ikaw lang ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Tama
na ang pagtuturo ng iyong mga daliri sa ekonomiya o sa gobyerno, marami ang
hindi umasa rito na matagumpay na ngayon.
Tapusin mo na ang pagkuwenta ng iyong mga
hapdi at kabiguan. Lahat tayo ay may limitasyon. Mag-concentrate ka saiyong
bukas tulad ng ginawa ni Jesus. Huwag mo ng masyadong tingnan ang iyong pinang-galingang
problemadong situwasyon, umpisahan mo ng tingnan ang iyong pupuntahan. Ginawa
ito ni Jesus.
Tinalo
ni Jesus ang anumang katanungan o kapintasan sa kanyang nakaraan.
Philippians
3:13, 14, 16
Of
course, my friends, I really do not think that I have already won it, the one
thing I do, however, is to forget what is behind me and do my best to reach
what is ahead. So I run straight toward the goal in order to win the prize,
which is God’s call through Christ Jesus to the life above. However, that may
be, let us go forward according to the same rules we have followed until now.
Filipos
3: 13, 14, 16
Mga
Kapatid, hindi ko ipinalalagay na natupad ko na ang mga bagay na ito. Ang
ginagawa ko ngayo’y nililimot ang nakaraan at sinisikap na makamtan ang nasa
hinaharap. Nagpapatuloy nga ako tungo sa hangganan upang kamtan ang gantimpala
ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus ang buhay na
hahantong sa langit. Ang kailangan lamang ay ipagpatuloy natin ang ating mga
natutuhan.
Ang
iyong nakaraan ay lumipas na.
Nagkakaroon
ka ban g pag-aalinlangan? Natural lang iyan. Ilan sa mga dahilan ng iyong
pag-aalinlangan ay ang limitadong edukasyon, pagkawala ng mahal mo sa buhay
noong ikaw ay bata paq lamang, may magulang ng mahilig maglasing o magsugal, o
nakokonsensiya ka sa malaking pagkakamaling nagawa mo noong panahon ng iyong
kabataan.
Anuman ang dahilan, napaka-importanteng
matandaan mong lumipas na ang iyong nakaraan. Huwag mong itayo ang iyong
kinabukasan sa paligid ng iyong nakaraan.
Si
Jesus ay isinilang sa isang teribleng situwasyon. Pinagbubuntis siya ng kanyang
inang si Maria bago pa man siya ikasal kay Jose na kanyang kasintahan. Sinasabi
ng Biblia na hindi pa niya naranasang magkaroon ng relasyong sexual.
Matthew
1:20 …..For it is by the Holy Spirit that she has conceived.
Mateo
1:20 …. Sapagkat siya’y naglihi sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.
Dalawang tao lamang sa mundo ang totoong
nakakaalam na si Maria ay birhen. Ang Diyos Ama at si Maria.
Hindi mapapasubalian na daang tao ang
kumutya at nanglait kay Jose dahil sa pagpapakasal niya kay Maria.
Lumaki si Jesus sa ganitong situwasyon.
Lumakad siya sa maraming pag-aalipusta at pagkutya. Pero lumabas siya palabas
sa balon ng maraming pagtatanong. Hindi niya pinansin ang mga kasinungalingan
ibinabato sa kaniyang pamilya. Alam niya ang katotohanan. Alam niya kung sino
siya at kung ano siya. Wala ng halaga kung hindi siya paniwalaan ng ibang tao.
Pinili niyang gumawa ng sarili niyang
kapalaran. Ang opinion ng iba ay binale-wala niya.
Hindi lumilingon si Jesus sa kanyang
nakaraan. Hindi niya ikinukwento ang kanyang naging situwasyon kaninuman. Wala
ni isang kasulatan sa buong Biblia na binabanggit pa niya ang kanyang
pinanggalingang situwasyon o maging ang kanyang naging limitasyon.
Ikaw rin ay maaaring kumilos lagpas sa mga
sugat ng iyong kahapon. Tigilan mo na ang pag-daing mo tungkol sa limitadong
edukasyon maraming nagtagumpay kahit salat sa pinag-aralan.
Huwag ka nang laging dumadaing na ang pamilya mo ay dukha.
Maraming yumaman na dating dukha. Tama na ang paulit-ulit na istorya tungkol sa
mga hindi sumuporta sa iyo, ikaw lang ang gagawa ng sarili mong kapalaran. Tama
na ang pagtuturo ng iyong mga daliri sa ekonomiya o sa gobyerno, marami ang
hindi umasa rito na matagumpay na ngayon.
Tapusin mo na ang pagkuwenta ng iyong mga
hapdi at kabiguan. Lahat tayo ay may limitasyon. Mag-concentrate ka saiyong
bukas tulad ng ginawa ni Jesus. Huwag mo ng masyadong tingnan ang iyong pinang-galingang
problemadong situwasyon, umpisahan mo ng tingnan ang iyong pupuntahan. Ginawa
ito ni Jesus.
Panalangin:
Mraming salamat, Amang Dios, inihandog mo
ang iyong Anak na pinako sa krus upang mapatawad ako sa nakaraan kong
kasalanan. Tinubos ako ni Kristo ng sarili nyang dugo. Hindi mo tiningnan ang
aking nakaraan upang mabago ko ang aking kinabukasan. Alam ko na pag-umasa ako
sa iyo at mag-koncentrate sa aking bukas ang tagumpay ay iyong ipagkakaloob. Sa
pangalan po ni Jesus, Amen.
Oracion;
Upang mabago ang kapalaran tungo sa
magandang kinabukasan.
Ika-labing
walong Sikreto ni Kristo.
Hindi sinayang ni Jesus ang kanyang oras
para lamang sagutin ng sagutin ang mga kritiko.
Proverbs
14:7 Stay away from foolish people; they have nothing to teach you.
Kawikaan
14:7 Iwasan mong makisama sa mga taong
mangmang,
Ang mga kritiko ay mga taga panood lamang
hindi sila ang mga naglalaro.
Ang mga kritikong tao ay mga taong may
sama ng loob o mga sawing tao sapagkat nabigo silang marating ang kanilang mga
pangarap.Sinasabi ngang ang mga mapamintas ay isang mumog ng kamatayan ng isang
taong hindi nagtatagumpay.
Wala ni isa mang monumento ang itinayo sa
taong mapamintas. Sila ang mga taong nabigo, malayo ang isip, may dinadalang
sama ng loob. Itinatayo nila ang kanilang buhay para manira ng ibang tao.
Lumayo kayo sa kanila.
Ng si Jesus ay pinag tatawanan at kinukutya
habang inihahanda ang pagpako sa kanya. Siya’y nakatahimik lamang.
Matthew 26:63
But Jesus kept quiet
Mateo 26:63 Datapuwa't hindi umimik si Jesus.
Hindi
naramdaman ni Jesus Na obligasyon niyang sagutin ang kanyang mga kritiko. Hindi
niya sinasayang ang kanyang oras sa mga taong halata niyang gusto lang siyang
siluin at pabagsakin. Sumasagot siya at nakikipaglaban para sa mga nagugutom,
sa mga nauuhaw at sa mga may hinahanap
Wala
kang utang kahit ano sa mga kritiko.
Proverbs
23:9 Don't try to talk sense to a fool;
he can't appreciate it.
Kawikaan
23:9 Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng mga mangmang, hindi niya mauunawaan
kahit gaano kaganda ang sabihin mo.
Ang
pamimintas at paninirang-puri ay nakamamatay.
Ang
pagiging matuwid ay nakadaragdag ng buhay.
Ang
pamimintas ay pagtututuk sa bawat mali mo.
Ang
pagiging matuwid at pagpupuri ay pagtututuk sa kakayahan mo.
Hindi
pinagpapansin ni Jesus at hindi pinag-aksayahan ng oras ang kanyang mga kritiko
para sagutin at makipagtalo lamang.
Panalangin:
Panginoong
Dios, alam ko pong ang oras na sasayangin ko sa pagsagot sa aking mga kritiko
ay pag-aaksaya lamang ng oras. Humihiling po ako sa inyo na bigyan ako ng lakas
at paglalim ng pang-unawa para umangat mula sa akin mga kritiko at magubos na
langng oras sa mga taong minamahal ko at mga nagmamalasakit sa akin. Sa ngalan
ni Jesus, Amen.
Oracion.
Para maiwasan ang paninirang-puri ng mga kritiko.
Ika-labing
siyam na Sikreto ni Kristo.
Alam
ni Jesus na may tamang oras at may maling oras sa paglapit at pakikipag-usap sa
tao.
Ephesians
5:15 So be careful how you live. Don't
live like ignorant people, but like wise people.
Ephesians
5:16 Make good use of every opportunity
you have, because these are evil days.
Ephesians
5:17 Don't be fools, then, but try to
find out what the Lord wants you to do.
Efeso
5:15-17
Kaya’t
ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at
di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin
ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga
hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
May
oras sa lahat ng mga bagay.
May
tamang oras sa pakikipag-usap sa tao.
Halimbawa gusto mong humingi ng umento sa
iyong amo. Gusto mong ipaalam sa iyong amo na mahalaga ka sa kumpanya. Subali’t
nakagawa ka ng pagkakamali kaya gumastos ang kumpanya ng malaking pera, hindi
iyan ang tamang oras para makipag-usap sa iyong amo at humingi ng dagdag
suweldo. Pero kung nakararanas ang kumpanya ng napakagandang kita dahil sa mga
ibigay mong suhesyon sa iyong amo yan ang magandang pagkakataaon at panahon
para pag-usapan ninyo Ang pagdaragdag ng iyong suweldo.
Nauunawaan ni Jesus Ang halaga ng Timing.
Nag-ubos siya ng Tatlongpung taon sa pag-hahanda ng kanyang ministeryo bago
niya nilabas ang una niyang miraculo. Nang sinabi ng kanyang Nanay na wala ng
alak sa kasalan ang sinagot ni Jesus ay,
John
2:4 You must not tell me what to do,”Jesus replied “My time has not yet come.”
Juan
2:4 Sinabi ni Jesus, Huwag ninyo akong pangunahan, Ginang! Hindi pa ito ang panahon ko.
Muli, ng nasa pam-publiko na siyang
ministeriyo at nangangailangan na siyang ipakilala ay iginalang na ni Jesus ang
pananampalataya ng kanyang Ina kaya ginawa na niyang alak ang tubig.
Merong
oras para humingi ng kapatawaran. Merong oras para tumahimik lamang. Merong
oras para maglabas ng inaalok sa tao. At may oras din para mag-hintay lamang.
Ang bawat tao ay nasa iba’t-ibang panahon
ng kanilang buhay. Ang pakiramdam natin ay nagbabago. Ang iba’t-ibang pangyayari ay nakaka-apecto sa mga desisyon. Kailangang
sensitvo ka rin sa mgabagay na ito.
Bihira sa asawang lalaki namaintindihan agad
ang moods o pakiramdam maging ang pangangailangan ng kanyang asawa at nasasagot
niya agad ang kanyang pangangailangan.
Matalinong kabataan ang nakakaalam agad at
nauunawaan ang tamang panahon o timing sa pagsasabi ng mga problema sa kanyang
mga magulang .
Naiiintindihan ni Jesus ang timing o ang
tamang panahon para pag-usapan angisang bagay. Ng ma-aktuhan at mahuli ang
isang babae sa pangangalunya. Ang
reaksyon niya ay kakaiba.
John
8:11 Jesus said I do not condemn you either. Go, but do not sin again.
Juan
8:11 Sinabi ni Jesus hindi rin kita parurusahan. Humayo ka, at huwag nang
magkasala.
Hindi niya ipinag-walang bahala ang
kasalanan ng babae. Hindi niya ipinag-walang bahala ang mga akusasyon ng mga
lalaking gustong mang-bitag sa babae. Alam ni Jesus may tamang oras para
pag-usapan iyon. Hindi niya pinatawad ang babae sa kanyang kasalanan. Hindi
niya isiniwalat ang pangangalunyang nagawa ng babae. Hindi nagtagal sa nakaraan
si Jesus, pero itinuro ang dapat gawin para bukas. May oras para dun.
Ecclesiastes
3:1
Everything that happens in this world happens at the time God chooses.
Ecclesiastes 3:11
He has set the right time for everything.
Mangangaral 3:1,11
Ang lahat na pangyayari, sa daigdig ay nagaganap sa
panahong itinakda ng Diyos. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa kapanahunan.
Ang pagtatagumpay ay naka-depend rin sa
timing. Huwag mong kalimutan iyan.
Pagka-nagbebenta ka sa iyong mga customer o nakaupo at nakikipag-usap ka sa iyong amo, dapat kang maging sensitivo.
Makiramdam ka. Manuod. Pakinggan ang takbo ng pag-uusap at kung ano ang
nangyayari.
Ganyan ang ginawa ni Jesus.
Panalangin:
Amang Dios, sinalita mo na sa bawat bagay
ay may kaniya-kaniyang panahon.
Ipinapanalangin
ko na sana ay bigyan mo ako ng katalinuhan na malaman ang tamang timing sa
lahat ng bagay na aking ginagawa.
Nakikiusap akong pag-palain mo akong maunawaan na kung paanong pumasok
ako sa isang situwasyon ay malalaman ko ang tamang desisyon kung paanong
lalabas doon. Sa Pangalan ni Jesus,
Amen.
Oracion
para maging tama ang oras ng pagpapala sa isang bagay na gagawin.
Ika-dalawangpung Sikreto ni Kristo.
Tinuturuan
ni Jesus ang kayang mga taga-pagturo.
Proverbs
9:9
Anything
you say to the wise will make them wiser. Whatever you tell the righteous will
add to their knowledge.
Kawikaan
9:9
Matalino’y
turuan mo,t lalo siyang tatalino, Ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong
nito.
Lagi
mong maaalala ang anumang bagay na iyong itinuro.
Importanteng
meron kang tinuturuan ng iyong mga natutunan. Ituro mo lahat ng iyong mga
nalalaman lalong-lalo na sa mga malalapit sa iyo, mga taong kinakailangan ng mga pinagagawa mo tulad
ng mga empleyado mo, mga anak at iba pa.
Ang mga matatagumpay na negosyo ay may mga
empleyadong alam ang kanilang gagawin, naturuan, malakas ang loob gawin ang mga
dapat tapusin. Kinakailangan ng oras
para magturo, kinakailangan ng lakas at maging ng pagtitiyaga.
Ang bawat kanta’y nagangailangan ng
mang-aawit. Ang bawat tagumpay ay dumaan sa motivasyon. Ang bawat istudyante ay
nagangailangan ng magaling na guro.
Si Jesus ay napakagaling na guro.. Nagturo
siya ng libo-libo. Umupo siya sa kanyang doseng disipulo at ibinigay ang
iba’t-ibang informasyon na kinakailangan nila. Ininfluensiyan niya ito,
binigyan ng motivasyon at inspirasyon.
Tinuruan niya silang manalangin.
Matthew
26:36 Then Jesus went with his disciples
to a place called Gethsemane, and he said to them, "Sit here while I go
over there and pray."
Matthew26:37 He took with him Peter and the two sons of
Zebedee. Grief and anguish came over him,
Matthew26:38 and he said to them, "The sorrow in my
heart is so great that it almost crushes me. Stay here and keep watch with
me."
Mathew
26:39 He went a little farther on, threw
himself face downward on the ground, and prayed, "My Father, if it is
possible, take this cup of suffering from me! Yet not what I want, but what you
want."
Matthew
26:40 Then he returned to the three
disciples and found them asleep; and he said to Peter, "How is it that you
three were not able to keep watch with me for even one hour?
Matthew
26:41 Keep watch and pray that you will
not fall into temptation. The spirit is willing, but the flesh is weak."
Matthew
26:42 Once more Jesus went away and
prayed, "My Father, if this cup of suffering cannot be taken away unless I
drink it, your will be done."
Matthew
26:43 He returned once more and found
the disciples asleep; they could not keep their eyes open.
Matthew
26:44 Again Jesus left them, went away,
and prayed the third time, saying the same words.
Matthew
26:45 Then he returned to the disciples
and said, "Are you still sleeping and resting? Look! The hour has come for
the Son of Man to be handed over to the power of sinners.
Matthew
26:46 Get up, let us go. Look, here is
the man who is betraying me!"
Mateo
26:36 Nang magkagayo'y dumating si Jesus
na kasama sila sa isang dako na tinatawag na Getsemani, at sinabi sa kaniyang
mga alagad, Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y pumaparoon doon at
manalangin.
Mateo
26:37 At kaniyang isinama si Pedro at
ang dalawang anak ni Zebedeo, at nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong
totoo.
Mateo
26:38 Nang magkagayo'y sinabi niya sa
kanila, Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan: mangatira
kayo rito, at makipagpuyat sa akin.
Mateo
26:39 At lumakad siya sa dako pa roon,
at siya'y nagpatirapa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung baga maaari,
ay lumampas sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi
ang ayon sa ibig mo.
Mateo
26:40 At lumapit siya sa mga alagad, at
sila'y kaniyang naratnang nangatutulog, at sinabi kay Pedro, Ano, hindi kayo
maaaring mangakipagpuyat sa akin ng isang oras?
Mateo 26:41 Kayo'y
mangagpuyat at magsipanalangin, upang
huwag kayong magsipasok sa tukso: ang espiritu sa katotohanan ay may ibig,
datapuwa't mahina ang laman.
Mateo
26:42 Muli siyang umalis na bilang
ikalawa, at nanalangin, na nagsasabi, Ama ko, kung di mangyayaring makalampas
ito, kundi ko inumin, mangyari nawa ang iyong kalooban.
Mateo
26:43 At siya'y nagbalik na muli at
naratnan silang nangatutulog, sapagka't nangabibigatan ang kanilang mga mata.
Mateo 26:44 At
muli niya silang iniwan, at umalis, at nanalangin bilang ikatlo, na sinabing
muli ang gayon ding mga salita.
Mateo
26:45 Nang magkagayo'y lumapit siya sa
mga alagad, at sinabi sa kanila, Mangatulog na kayo, at mangagpahinga: narito,
malapit na ang oras, at ang Anak ng tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga
makasalanan.
Mateo
26:46 Magsitindig kayo, hayo na tayo:
narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin.
Itinuro
ni Jesus sa kanyang mga alagad ang
tungkol sa langit.
John
14:2 There are many rooms in my Father's
house, and I am going to prepare a place for you. I would not tell you this if
it were not so.
John
14:3 And after I go and prepare a place
for you, I will come back and take you to myself, so that you will be where I
am.
John
14:4 You know the way that leads to the
place where I am going."
Juan
14:2
Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko
sana sa inyo; sapagka't ako'y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong
kalalagyan.
Juan
14:3 At kung ako'y pumaroon at kayo'y
maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo'y tatanggapin ko sa
aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.
Juan
14:4 At kung saan ako paroroon, ay
nalalaman ninyo ang daan.
Itinuro ni Jesus ang tungkol
sa impiyerno.
Luke
16:19 "There was once a rich man
who dressed in the most expensive clothes and lived in great luxury every day.
Luke
16:20 There was also a poor man named
Lazarus, covered with sores, who used to be brought to the rich man's door,
Luke16:21 hoping to eat the bits of food that fell from
the rich man's table. Even the dogs would come and lick his sores.
Luke
16:22 The poor man died and was carried
by the angels to sit beside Abraham at the feast in heaven. The rich man died
and was buried,
Luke
16:23 and in Hades, where he was in
great pain, he looked up and saw Abraham, far away, with Lazarus at his side.
Luke
16:24 So he called out, 'Father Abraham!
Take pity on me, and send Lazarus to dip his finger in some water and cool off
my tongue, because I am in great pain in this fire!'
Luke
16:25 But Abraham said, 'Remember, my
son, that in your lifetime you were given all the good things, while Lazarus
got all the bad things. But now he is enjoying himself here, while you are in
pain.
Luke
16:26 Besides all that, there is a deep
pit lying between us, so that those who want to cross over from here to you
cannot do so, nor can anyone cross over to us from where you are.'
Luke
16:27 The rich man said, 'Then I beg
you, father Abraham, send Lazarus to my father's house,
Luke
16:28 where I have five brothers. Let
him go and warn them so that they, at least, will not come to this place of
pain.'
Luke
16:29 Abraham said, 'Your brothers have
Moses and the prophets to warn them; your brothers should listen to what they
say.'
Luke
16:30 The rich man answered, 'That is
not enough, father Abraham! But if someone were to rise from death and go to
them, then they would turn from their sins.'
Luke16:31 But Abraham said, 'If they will not listen to
Moses and the prophets, they will not be convinced even if someone were to rise
from death.' "
Lukas
16:19 Mayroon ngang isang taong mayaman,
at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain
ng sagana:
Lukas
16:20 At isang pulubi na ang pangala'y
Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,
Lukas
16:21 At naghahangad na mapakain ng mga
mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso
at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
Lukas
16:22 At nangyari, na namatay ang pulubi
at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang
mayaman, at inilibing.
Lukas
16:23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa
ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si
Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
Lukas
16:24 At siya'y sumigaw at sinabi, Amang
Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig
ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap
ako sa alab na ito.
Lukas
16:25
Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap
ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan
ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa
kahirapan.
Lukas
16:26 At bukod sa lahat ng ito, ay may
isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga
magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang
makatawid mula diyan hanggang sa amin.
Lukas
16:27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko
nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;
Lukas
16:28 Sapagka't ako'y may limang kapatid
na lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa
dakong ito ng pagdurusa.
Lukas
16:29 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa
kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.
Lukas
16:30 At sinabi niya, Hindi amang
Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila,
sila'y mangagsisisi.
Lukas
16:31 At sinabi niya sa kaniya, Kung di
nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila,
kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.
Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga tao sa iba’t-ibang usapin
pati na ang tungkol sa kanyang gampanin, ang kanyang mga relasyon pati na ang
kanyang pagbibigay at pagsasakripisyo.
Nagturo siya sa mga templo.
Luke
13:10 One Sabbath Jesus was teaching in
a synagogue.
Lukas
13:10
At siya'y nagtuturo sa mga sinagoga nang araw ng sabbath.
Nagturo rin si Jesus sa ibat’-ibang nayon.
Mark
6:6 He was greatly surprised, because
the people did not have faith. Then Jesus went to the villages around there,
teaching the people.
Mar 6:6 At nanggigilalas
siya sa kanilang di pananampalataya. At siya'y lumibot na nagtuturo sa mga
nayong nasa paligidligid.
Ito ang importanteng puntos. Walang pinanganak na taong napakatalino
agad at napakaraming alam. Ikaw na nagiging ikaw dahil sa iyong mga binabasa at
natututuhan. Ikaw ang naglalagay sa pag-iisip mo ng mga bagay na gusto mong
malaman. Nangangailangan ito ng oras, energia at kaalaman.
Hindi malalaman lahat ng iyong empleyado ang iyong nalalaman. Hindi nila
makikita ang iyong nakikita. Hindi nila mararamdaman ang iyong nararamdaman.
Dapat turuan mo sila. Mag-ubos ka ng oras para malaman nila ang iyong
mga pangarap, ambisyon, ang katangian ng mga produkto at ang gantimpalang
ibibigay mo sa kanila pag-narating ang pinapangarap mo.
Kinakailangan mo ng magagaling na tao sa paligid mo. Kinakailangan mo ng
mga inspiradong tao sa paligid mo. Kinakailangan mo ng mga taong maraming alam.
At maaaring ikaw ang pagmumulan ng mga informasyon na kinakailangan nila upang
sila ay ganahan.
Tinuruan ni Jesus ang kanyang mga tao. Lagi
niyang binibigyang gana at buhay sila.
Nanguna si Jesus sa pagpapakita kung ano ang dapat manyari sa
kinabukasan at kung anong commitment ang kinakailangan upang marating ito.
Maglaan ng panahon upang turuan at gumaling ang ibang tao. Ginawa ito ni
Jesus.
Panalangin:
Panginoon Diyos, tulad ni Jesus na tinuruan
ang kanyang mga disipulo, pinili ko ring turuan ang mga taong nagtatrabaho sa
akin at mga taong malapit sa akin. Salamat po sa pagbubukas mo sa akin ng mga
epectivong pagtuturo sa mga nakapaligid sa akin. Alam kong kung walang papalit
sa akin o tagapagmana ng aking kaalaman ay wala ring pagtatagumpay. Sa pangalan
po ni Jesus, Amen.
Oracion: Para maging efektivo at maintindihan
ang mga itinuturo.
Ika-dalawangpu’t
isang Sikreto ni Kristo.
Ayaw
ni Jesus mawalan ng gana sa kanyang mga pangarap dahil lang sa mga paninira ng
iba.
Proverbs
12:6 The words of the wicked are
murderous, but the words of the righteous rescue those who are threatened.
Kawikaan
12:6
Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng
bibig ng matuwid.
Kahit sino ay nahuhusgahan ng mali.
Kapag ang isang ministro o pastor ng isang relihiyon ay nag-sasalita
tungkol sa pag-bibigay, nalagay siya sa alanganin sapagkat na aakusahan siyang
ganid. Kapag ipinapanalangin niya at ginagamot ang isang may sakit tinatawag pa
siyang manloloko at peke.
Maging ang sarili mong pamilya nahuhusgahan ng mali ang iyong kilos at
motivo. Maging ang taong sumusunod sa iyong mga inuutos ay nahuhusgahan kang
mali ang iyong kinikilos.
Ang
iyong amo ay maaaring mali ang pagbasa sa iyo. Ang mga customer mo ay
nag-aalinlangan sa iyong sinceridad.
Huwag kang manghina o mawalan ng gana dahil diyan. Maglaan ka ng oras
para kausapin ang position mo sa mga taong totoong may sinceridad sa iyo at sa
paniniwala mo. Huwag mong ubusin ang iyong oras at energia sa mga taong
naglilikha lamang ng pagtatalo-talo at pagka-kampi kampi.
Si
Jesus ay madalas na nahuhusgahan ng mali. Inakusahan siya ng mga Pariseo na sinasaniban ng
masamang espiritu.
Matthew
12:24 When the Pharisees heard this,
they replied, "He drives out demons only because their ruler Beelzebul
gives him power to do so."
Mateo
12:24
Datapuwa't nang marinig ito ng mga Fariseo, ay kanilang sinabi, Ang
taong ito'y hindi nagpapalabas ng mga demonio, kundi sa pamamagitan ni
Beelzebub na prinsipe ng mga demonio.
Ito ang ilan samga suhessyon. Kapag nakiki-pag-usap sa iba
dapat maging kumpleto at eksakto.
Maging prangka at magpaka-toto sa lahat ng
sinasabi. Huwag mag-iiwan ng hindi pagkakaintindihan o kulang-kulang ang
pagpapaliwanag.
Dapat laging andoon ang iyong sarili. Kapag nakikipag-usap sa sa ibang
tao dapat buong-buo ang iyong atensyon sa inyong pinag-uusapan. Isarado mo ang
iyong sarili sa ibang usapin. Pagka-buong-buo ang atensyon mo sa iyong sinasabi
at naririnig, wala kang pagsisisihan sa inyong usapan. Dito maiiwasan ang maling
paghusga sa iyo dahil malinaw ang lahat ng iyong mga sinasabi.
Bawat hindi ordinaryong matagumpay na tao ay nahuhusgahan ng mali.
Pinagtawanan ang kotse noong araw at tinawag itong karetelang walang kabayo.
Ang iba’y umismid ng inemvento ang telepono.
Ang
pagtatagumpay mo ay nasa likuran ng katakot-takot na pag-aalipusta at maling
akusasyon.
Alam ni Jesus ito.
Panalangin:
Panginoong Diyos, salamat po sa
pagliligtas mo po sa akin sa mga pagkakataong ako’y inaakusahan ng mga paratang
na hindi totoo. Payapa po akong gagaya sa pamumuhay ni Jesus na hindi
pinapansin ang mga nag-aakusa sa akin.
Maaabot ko ang kabila ng mga pagsubok- ang pagtatagumpay. Sa ngalan po
ni Jesus, amen.
Oracion: Para maabot at marating ang mga
pangarap patungo sa pagtatagumpay kahit na maraming pagsubok.
Ika-dalawangpu’t
dalawang Sikreto ni Kristo.
Hindi pinayagan ni Jesus magalit siya at magtanim ng sama ng loob sa
ibang hindi tapat sa kanya at sa mga nagtaksil sa kanya.
1Peter
3:8 To conclude: you must all have the
same attitude and the same feelings; love one another, and be kind and humble
with one another.
1Peter
3:9 Do not pay back evil with evil or
cursing with cursing; instead, pay back with a blessing, because a blessing is
what God promised to give you when he called you.
1Pedro
3:8 Katapustapusan, kayong lahat ay
mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga
mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
1Pedro
3:9
Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang
pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang
kayo'y mangagmana ng pagpapala.
Ang paghihiganti ay mas nakakasira kaysa sa
pagtataksil.
Ang
pagtataksil ay galing sa labas. Ngunit ang paghihiganti ay galing sa loob ng
iyong pagkatao. Ang pait ng paghihiganti ay nagagawa mo lamang sa iyong sarili
dahil umiinit ang iyong ulo.
Libo-libo ang nakakasalba sa mga pagtataksil. Pero kakaunti ang
nakakasalba sa agos ng matinding paghihiganti.
Hebrews
12:15 Guard against turning back from
the grace of God. Let no one become like a bitter plant that grows up and
causes many troubles with its poison.
Hebreo
12:15
Na pakaingatan na baka ang sinoma'y di makaabot sa biyaya ng Dios; baka
kayo'y bagabagin ng anomang ugat ng kapaitan na sumisibol, at dahil dito'y
mahawa ang marami;
Ang
pagtataksil ay producto ng pusong hindi marunong tumanaw ng utang na loob. Ang
pag-hihiganti ay anak ng pagka-inggit at pagseselos.
Halos lahat ng tao ay nakaranas ng pangit na situwasyong ito sa kanilang
buhay. Taksil na minamahal. Mga empleyadong sinisiraan ka sa likod. Isang among
nagtanggal sa iyo sa trabaho kahit walang anumang paliwanag. Ang mga bagay na
ito ay totoong masakit. Malalim na sakit.
Habang kumakain ng hapunan si Jesus
Mark
14:18 While they were at the table
eating, Jesus said, "I tell you that one of you will betray me---one who
is eating with me."
Marcos 14:18 At samantalang sila'y nangakaupo na at
nagsisikain, ay sinabi ni Jesus, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang isa sa
inyo na kasalo kong kumakain, ay ipagkakanulo ako.
Ng
Makita ni Jesus na ang magtataksil sa kanya ay si Judas. Nakita niya rin ang
kahalagahan mas mataasa pa sa sakit at sugat sa pagtataksil- ang kaligtasan ng
sangkatauhan.
Basahin ang Marcos 14:43-50 at makikita mo
ang isang nakakapagdamdaming karanasan na naganap sa buhay ni Jesus. Nagtaksil
si Judas sa pamamagitan ng halik.
Mark
14:43 Jesus was still speaking when
Judas, one of the twelve disciples, arrived. With him was a crowd armed with
swords and clubs and sent by the chief priests, the teachers of the Law, and
the elders.
Mar 14:44 The traitor had given the crowd a signal:
"The man I kiss is the one you want. Arrest him and take him away under
guard."
Mar
14:45 As soon as Judas arrived, he went
up to Jesus and said, "Teacher!" and kissed him.
Mar
14:46 So they arrested Jesus and held
him tight.
Mar
14:47 But one of those standing there
drew his sword and struck at the High Priest's slave, cutting off his ear.
Mar
14:48 Then Jesus spoke up and said to
them, "Did you have to come with swords and clubs to capture me, as though
I were an outlaw?
Mar
14:49 Day after day I was with you
teaching in the Temple, and you did not arrest me. But the Scriptures must come
true."
Mar 14:50 Then all the disciples left him and ran away.
Mar
14:43 At pagdaka, samantalang
nagsasalita pa siya, ay dumating si Judas, na isa sa labingdalawa, at kasama
niya ang isang karamihang may mga tabak at mga panghampas, na mula sa mga
pangulong saserdote at sa mga eskriba at sa matatanda.
Mar
14:44 Ang nagkanulo nga sa kaniya ay
nagbigay sa kanila ng isang hudyat, na sinasabi, Ang aking hagkan, ay yaon nga;
hulihin ninyo siya, at dalhin ninyo siyang maingat.
Mar
14:45 At nang dumating siya, pagdaka'y
lumapit siya sa kaniya, at nagsabi, Rabi; at siya'y hinagkan.
Mar
14:46 At siya'y sinunggaban nila, at
siya'y kanilang dinakip.
Mar
14:47 Datapuwa't isa sa nangaroon ay
nagbunot ng kaniyang tabak, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at
tinigpas ang kaniyang tainga.
Mar
14:48 At sumagot si Jesus at sinabi sa
kanila, Kayo baga'y nagsilabas, na parang laban sa isang tulisan, na may mga
tabak at mga panghampas upang dakpin ako?
Mar
14:49
Araw-araw ay kasama ninyo ako sa templo, na nagtuturo at hindi ninyo ako
hinuli: nguni't nangyari ito upang matupad ang mga kasulatan.
Mar
14:50 At iniwan siya ng lahat, at
nagsitakas.
Hindi nagtanim ng galit o sama ng loob si
Jesus. Ni hindi nya pinarusahan si Jesus. Nagpakamatay si Judas. Hindi pinutol
ni Jesus ang koneksyon niya kay Pedro kahit ipinagkaila niya si Jesus umiyak
siya’y humingi ng awa at kapatawaran at siya’ nakabalik naging dakilang
taga-pagturo ng aral ng Dios.
Ephesians
4:31 Get rid of all bitterness, passion,
and anger. No more shouting or insults, no more hateful feelings of any sort.
Ephesians
4:32 Instead, be kind and tender-hearted
to one another, and forgive one another, as God has forgiven you through
Christ.
Eph
4:31 Ang lahat ng kapaitan, at
kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa
inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:
Eph
4:32
At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na
mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios
kay Cristo.
Alisin mo sa iyong salita ang pagkagalit sa
bawat pakikipag-usap.
Huwag mong ipaalala sa iba ang masama mong
karanasan, maliban lamang kung meron kang itinuturo sa kanila upang lagpasan
ang anumang masakit na karanasan.
Nakita ni Jesus ang kasunod na kabanata higit sa pagtataksil sa kanya.
Away niyang magtanim ng galit at paghihiganti.
Panalangin:
Salamat po Panginoong Diyos, inaalis mo lahat ng galit sa aking puso.
Magbabantay ako laban sa pagtatanim ng galit sa susunod na mga araw. Tatandaan
ko na ang bawat pagtataksil o paghuhusga sa akin ng mali ay titingnan ko lang
na hapdi at palilipasin. Maging ang kanilang pagtataksil ay harang lang sa daan
patungo sa aking pagtatagumpay. Sa ngalan po ni Jesus,amen.
Oracion: Upang huwag maging mainitin ang ulo
at maalis ang anumang galit.
Ika-dalawangpu’t
tatlong Sikreto ni Kristo.
Nakipag-kaibigan
si Jesus sa lahat ng klase ng tao.
Proverbs
18:15
Intelligent people are always eager and ready to learn.
Kawikaan
18:15
Ang puso ng mabait ay nagtatamo ng kaalaman; at ang pakinig ng pantas ay
humahanap ng kaalaman.
Ang kadakilaan at
karunungan ay nasa paligid lamang.
Ang bawat tao ay may iba’t-ibang
kontribusyon. Kailangan mo ang iba’t-ibang kaalaman sa iyong buhay. May taong
nangangailangan ng iyong nalalaman.Meron ka ring pangangailangan na sa ibang
tao mo makukuha. Ang kabuuan ng iyong pagkatao ay ang iyong naging karanasan.
Iba’t iba ang mga
personalidad. Bawat tao na nasa iyong paligid ay binubuo ng katawang puno ng
kaalaman. Nasa iyo kung ihuhulog mo ang iyong timba sa balon o mag-iigib.
Proverbs
11:14 A nation will fall if it has no
guidance. Many advisers mean security.
Kawikaan
11:14
Kung saan walang pantas na pamamahala, ang bayan ay nababagsak: nguni't
sa karamihan ng mga tagapayo ay may kagalingan.
Tingnan mo ang
mga taong nasa paligid ni Jesus. Maniningil ng buwis. May manggagamot,
mangingisda. Isang babae sinasaniban ng pitong demonyo.
Ang iba’y
mahirap. Ang iba’y mayaman. Ang iba’y napakasigla at ang iba’y napakalambot.
Ang iba’y biglang umiinit ang ulo tulad ni Pedro ang iba’y malalim mag-isip
tulad ni James.
Matutong makinig sa ibang tao. Bawat isa ay
nakakakita saiba’t-ibang pananaw. Nakakaramdam sila sa ibang puso. Nakaririnig
sila sa ibang tainga. Alam ng ibang tao ang ibang bagay na dapat mong malaman.
At hindi mo malalaman ang kinakailangan mong malaman kung hindi ka magbibigay
ng oras para mapakinggan ito. Isang pirasong impormasyon ang maaaring
makapagpabago sa iyong kabiguan at magawa itong tagumpay. Ang mga dakilang
desisyon ay produkto ng mga dakilang kaisipan.
Si Jesus ay naki-pagkaibigan.
Panalangin:
Alam ko po Panginoon na nilikha mo ang
iba’t-ibang tao na may iba’t-ibang
Katangian. Bigyan
mo po ako ng katalinuhan na malaman kung saan ko dapat gamitin ang aking oras
para ako’y magtagumpay. Sa ngalan po ni Jesus, na siya kong kalakasan, Amen.
Oracion: Upang
madaling magkaroon ng mga kaibigan at kakilala.
Ika-dalawangpu’t
apat na Sikreto ni Kristo.
Iniwasan
ni Jesus ang lahat ng klaseng tukso.
2Peter
2:9 And so the Lord knows how to rescue
godly people from their trials and how to keep the wicked under punishment for
the Day of Judgment,
2Pedro
2:9
Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso at maglaan ng
mga di matuwid sa ilalim ng kaparusahan hanggang sa araw ng paghuhukom;
Lahat ng tao ay natutukso.
Ang tukso ay likha ng diyaboliko. Isa yung
oportunidad para pumili ng sandaling kaligayahan keysa sa permanenteng
pakinabang.
Mararanasan mo ang ibat’t-ibang panahon sa iyong buhay. Noong kabataan
mo pang-panahon maaaring nakakaramdam ka ng mga pagnanasa ng laman na maaaring
magtulak sa iyo sa imoralidad. Sa mundo ng pagnenegosyo, may mga pagkakataon na
nagsisinungaling ka upang kumita ng malaki, dayain ang pagbabayad ng buwis o
magtago ng perang hindi sa iyo. Nagiging epidemya ang pagtataksil. Ang mga
naglalakihang billboard ay nag-iimbita ng pag-inom ng alak. Ang bawal na gamot
ay naglipana sa bawat kanto. Ang shabu ay nagiging daan upang takasan ang mga
problema ng buhay.
Si Satanas ay maestro artistiko.
Si
Jesus man ay nakaranas din ng katakot-takot na panunukso mula sa mga Demonyo.
Nangyari ito ng hindi siya kumakain sa loob ng apat na pung araw at apat napung
gabi. Simple lang ang kanyang
depensa. Ang nakasulat sa Salita Ng Diyos.
Mat 4:1 Then the Spirit
led Jesus into the desert to be tempted by the Devil.
Mat
4:2 After spending forty days and nights
without food, Jesus was hungry.
Mat
4:3 Then the Devil came to him and said,
"If you are God's Son, order these stones to turn into bread."
Mat
4:4 But Jesus answered, "The
scripture says, 'Human beings cannot live on bread alone, but need every word
that God speaks.' "
Mat
4:5 Then the Devil took Jesus to
Jerusalem, the Holy City, set him on the highest point of the Temple,
Mat
4:6 and said to him, "If you are
God's Son, throw yourself down, for the scripture says, 'God will give orders
to his angels about you; they will hold you up with their hands, so that not
even your feet will be hurt on the stones.' "
Mat
4:7 Jesus answered, "But the
scripture also says, 'Do not put the Lord your God to the test.' "
Mat
4:8 Then the Devil took Jesus to a very
high mountain and showed him all the kingdoms of the world in all their
greatness.
Mat
4:9 "All this I will give
you," the Devil said, "if you kneel down and worship me."
Mat
4:10 Then Jesus answered, "Go away,
Satan! The scripture says, 'Worship the Lord your God and serve only him!'
"
Mat 4:11 Then the Devil left Jesus; and angels came
and helped him.
Mat
4:1 Nang magkagayo'y inihatid ng
Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo.
Mat
4:2 At nang siya'y makapagayunong apat
na pung araw at apat na pung gabi, sa wakas ay nagutom siya.
Mat
4:3 At ang manunukso ay dumating at
nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong
ito ay maging mga tinapay.
Mat
4:4 Datapuwa't siya'y sumagot, at
sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't
salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Mat
4:5 Nang magkagayo'y dinala siya ng
diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo,
Mat
4:6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang
Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa
kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay,
Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
Mat
4:7 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat
din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.
Mat
4:8 Muling dinala siya ng diablo sa
isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa kaniya ang lahat ng mga
kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila;
Mat
4:9 At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng
mga bagay na ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at
sasambahin mo ako.
Mat
4:10
Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas:
sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang
iyong paglilingkuran.
Mat
4:11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng
diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran.
Ang sementeryo
ay puno ng mga taong nabigo sa pagtanggi kay Satanas. Ang mga bilangguan ay
punong-puno ng mga taong mahina para tumayo at tanggihan si Satanas. Mga pangarap
ay nasisira araw-araw dahil sa mga temtasyon ni Satanas.
Alisin mo ang
barko ng iyong buhay palayo kay Satanas. Tanungin mo si Samson, “Isang gabi ng
kaligayahan ay hindi sulit sa habang buhay na kadiliman.”
Lumaban ka.
Lumaban si Jesus.
Panalangin
Amang Diyos.
Alam ko po na pag-ako’y tinutukso ni Satanas, kinakailangang tumayo ako sa
pamamagitan ng iyong mga Baqnal na Salita. Sa pamamagitan ng iyong lakas
malalabanan ko ang mga Diaboliko at hindi na maisasakripisyo ang aking kinabukasan.
Sa ngalan po ni Jesus, may paniniwala akong magagawa ko kung alin lang ang tama
na naaayon sa iyong kalooban. Amen.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento