Sagradong Aklat 51
Ang pag-gising sa binhi ng dakilang pagkatao
sa pamamagitan ng sagradong kaalaman.
Welcome
sa isa na namang presentasyon ng Dtef tungkol sa sagradong kaalaman isang
pampublikong serbisyo sa tradisyon ng malalim na karunungan at sikretong
kamalayan.
Ang
sagradong kaalaman ay ang mga kahanga-hangang karunungan ng lahat ng mga
dakilang relihiyon.
Ang
sagradong kaalaman ay unibersal na pagtuturo ng praktikal na agham. Ang layunin ay ang ganap
na pagpapalaya mula sa paghihirap at ang kumpletong pag-unlad ng tao.
Ang
libreng lektiyur ay
magagamit ng lahat ng mga taong
nagmamahal sa ating Panginoong Diyos. Ang araling
ito ay mula sa ibat’t ibang maraming mga
paksa ng sagradong kaalaman at mga
lihim na karunungan upang matugunan
ang maraming pangangailangan
ng sangkatauhan.
Ang
ating libreng mga aralin ay nagawang posible sa pamamagitan ng mga kabutihan
ng mga miyembryong bukas ang puso na tulad
mo para sa karagdagang impormasyon o upang gumawa ng isang
donasyon ng mapalawak
pa ang ating mga layunin mag-mensahe sa amin anumang oras sa
pamamagitan ng facebook o sa
aming web site.
8
Magagawa ng Diyos na pasaganain kayo sa lahat ng bagay, at higit pa sa inyong
pangangailangan, upang may magamit kayo sa pagkakawanggawa. 9 Tulad ng
nasusulat,
"Siya'y nagbibigay nang libre sa mga dukha;
ang kanyang katuwiran ay walang hanggan."
10 Ang Diyos na nagbibigay ng binhing itatanim at
tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay sa inyo ng binhi, at magpapalago
nito upang magbunga nang sagana ang inyong kabutihang-loob. 11 Pasasaganain
niya kayo sa lahat ng bagay upang mas marami ang inyong matulungan. Sa gayon,
lalong darami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa inyong tulong na dadalhin
namin sa kanila. 12 Ang pagtulong ninyong ito sa mga kapatid ay hindi lamang
makakatugon sa kanilang pangangailangan, kundi magiging dahilan pa ng walang
hanggang pagpapasalamat nila sa Diyos. 13 Ang bukas-palad ninyong pagbibigay sa
kanila at sa lahat ang siyang magpapatunay na matapat ninyong sinusunod ang
Magandang Balita ni Cristo. Dahil diyan, magpupuri sila sa Diyos. 14 Kaya't
buong pagmamahal nila kayong ipapanalangin, dahil sa dakilang kaloob ng Diyos
sa inyo. 15 Salamat sa Diyos dahil sa kanyang kaloob na walang kapantay!
Ang magaan na
pagtanggap ay isang ekspresyon ng karangalan sa nagbibigay.
Ang pag-gasta at mga serbisyo
Ang Pera ay parang dugo dapat itong dumaloy.
Ang pag-iimbak at pagtatago lang nito ay nagiging dahilan maging matamlay.
Upang lumago dapat itong dumaloy.
kung hindi, ito ay nagigig hadlang at tulad namumuong dugo maaaring maging sanhi ng pinsala.
Ang Pera ay enerhiya ng buhay, na ating pinagpapalit at ginagamit bilang resulta ng serbisyo na binibigay natin sa sandaigdigan. At upang panatilihin itong dumarating sa atin, kailangan nating panatilihin ang paglaganap nito.
Ang pag-gasta at mga serbisyo
Ang Pera ay parang dugo dapat itong dumaloy.
Ang pag-iimbak at pagtatago lang nito ay nagiging dahilan maging matamlay.
Upang lumago dapat itong dumaloy.
kung hindi, ito ay nagigig hadlang at tulad namumuong dugo maaaring maging sanhi ng pinsala.
Ang Pera ay enerhiya ng buhay, na ating pinagpapalit at ginagamit bilang resulta ng serbisyo na binibigay natin sa sandaigdigan. At upang panatilihin itong dumarating sa atin, kailangan nating panatilihin ang paglaganap nito.
Ang donasyon ay ang
pagbibigay ng isang bahagi ng iyong kita ng walang mga kundisyon o inaasahang
kapalit kapag magbibigay. Kapag nagbigay
ng walang kapalit humihigop ito at nililikha ng mas kaakit-akit at mas higit pang pagpapala sa kung ano ang iyong ibinigay. Kapag walang mayamang puso ang kayamanan ay nagiging pangit na pulubi.
ng walang kapalit humihigop ito at nililikha ng mas kaakit-akit at mas higit pang pagpapala sa kung ano ang iyong ibinigay. Kapag walang mayamang puso ang kayamanan ay nagiging pangit na pulubi.
Ngayon,
may taos-puso kahilingan
para sa katapusan ng paghihirap ng lahat ng mga nilalang, magsisimula tayo sa ating pag-aaral, upang ang lahat ng tao'y magiging
masaya.
Bumabati
kami ng malugod sa mag-aaral na pasukin na natin para sa
pagtuklas ng mga
sagradong kaalaman kung saan ito ay ang mga praktikal na agham. Na kailangan natin
upang lubos na mabuo ang ating sarili bilang isang tao.
Ang
sagradong kaalaman ay isang anyo ng kaalaman na lagpas sa ating panlupang
personalidad. Ito ay isang anyo ng
kaalaman na sumasaklaw sa kabuuan ng ating
pag-iisip. At nasa
loob ng ating sarili
lahat ng karunungan o ang maliwanag at
tiyak na hakbang na kinakailangan
para sa kaisipan na
iyon upang maging ganap na
buo ..
Kaya
kapag nag-aral na tayo ng mga sagradong kaalaman ito
ay magiging ating interes, ito ay
ang ating pananabik. At sa katunayan lahat ng
nag-aral ng relihiyon at ispirituwalidad. Ay
ganito, dahil mayroon tayong espirituwal na pag-aalaala. Ang mga espirituwal
na pag-aalaala ay isang pagnanais para sa pag-asam
ng isang pampasigla, iyon ay nasa loob ng ating kamalayan o diwa.
Isang
bagay na malalim, malalim na nasa loob ng ating saykiko. Ang espirituwal
na pag-aalaala ay ang puwersa na naghahanap upang maging elemento na nagtatanong
bilang isang kaluluwa, bilang isang taong may kamalayan, upang maging isang taong may pag-asam na mabuhay,
na nahihimok mula
sa lalim ng ating mga kamalayan, mula sa isang malalim tungkol sa nananatili
nating kamangmangan para
mag-isip-isip. Ang layunin ng sagradong tradisyon
o ng sagradong
kaalaman ay ang pag-aaral upang
malaman ang pinagmulan ng nagpapasigla upang katawanin
ang pinang-galingan, ng magkaroon ng direktang kaalaman ng pinagmulan at
ito talaga ang ibig sabihin ng sagradong kaalaman sa
kanyang tunay na kahulugan ang
unang kaalaman ng ating pinangalingang ugat kung saan tayo
nanggaling.
Magsimula
tayo sa pagsiyasat sa pamamagitan
ng pagtingin sa ating mga sarili
kung ano tayo ngayon, siyasatin kung saan tayo nanggaling at upang matuto mula sa likas na katangian tungkol sa kung paano
tayo gumagana at kung
paano tayo maaaring maka-angkop kung
saan at paano tayo dapat mabuhay?
Lahat
tayo bilang mga tao
ay nakakaramdam ng ganitong mga simbuyo
upang ipahayag, upang
lumitaw, para maging, at ang pangangailangan
ng madaliang pagkilos na ito ay
partikular na malakas kapag tayo
ay nasa kabataan, at nakakaramdam tayo
ng paghahanap, nangangailangan at
nagpupumilit malaman kung sino
tayo?
Sino
at ano ang ating magiging pagkatao? Ano
ang ating magiging layunin?
Ano ang ating magiging tungkulin? Ano ang nasa
loob natin na naglalayong ipahayag
ang kanyang sarili, kung sino tayo?
Ito ang malalim na espirituwal na pag-aalaala ay partikular na malakas sa ating paglaki at sa
pagiging kabataan. Ngunit sa kasamaang-palad para sa atin hindi natin makita ang mga sagot sa ating lipunan, sa ating
relihiyon, sa ating mga paaralan,
mga unibersidad at ang ating mga pamilya madalas sinabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin ngunit napaka bihirang matuklasan ng isang tao kung sino sila.
Itong
uri ng kaalaman sa
sarili o sagradong kaalaman sa sarili ay hindi maaaring makuha sa pamamagitan ng paghahanap sa labas ng mundo matagpuan
ito sa pamamagitan ng paghahanap sa
kaibuturan ng ating sarili
at sa kasamaang-palad ang karamihan sa mga tao
na ipinanganak sa mukhang nitong pag-asam na malaman ang kanilang mga sarili ay lumilipas sa kanyang anyo ng may pananabik
nananatiling walang kasagutan at natagpuan
nila ang kanilang mga sarili at buhay sa, trabaho,careers, pagaasawa at sa mga sitwasyon na hindi kaaya-aya at
sa mga kakulangan nila sa kaalamanng sarili
o sa sariling ekspresyon na kinakailangan at
sila ay namatay nang
hindi kailanman natuklasan
ang kanilang totoong layunin sa buhay.
Ito
ay pareho sa anumang
halaman, sa anumang
puno na sa
kurso ng kanilang pag-iral ay pinakawalan mula
sa kanilang sarili ang milyong mga
binhi at ang mga
binhi ay nakakalat
sa bawat kapaligiran
upang palaganapin ang kanilang uri ng puno
na iyun. Ang karamihan sa mga
binhi ang lahat ng
kung saan ay may pakiramdam ng pananabik upang
maging isang mahusay na punong
kahoy ay mawawala. Ito ang
parabula na ibinigay ni Hesus sa ebanghelyo.
Mateo
13: 1-58
Ang
Talinghaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4: 1-9)(Lucas 8: 4-8)
(Marcos 4: 1-9)(Lucas 8: 4-8)
1 Noon ding araw na iyon, si Jesus ay lumabas ng bahay at naupo sa tabi ng
lawa. 2 Dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanya, sumakay siya sa isang bangka
at doon naupo. Tumayo naman sa dalampasigan ang mga tao 3 at sila'y tinuruan
niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya:
"May isang magsasakang lumabas upang maghasik. 4 Sa kanyang paghahasik ay
may mga binhing nalaglag sa tabi ng daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang
mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa mabatong lupa. Dahil manipis lang
ang lupa roon, sumibol agad ang mga binhi, 6 ngunit natuyo agad ang mga ito
nang mabilad sa matinding init ng araw, palibhasa'y mababaw ang ugat. 7 May mga
binhi namang nalaglag sa may matitinik na halaman. Lumago ang mga halamang ito
at sinakal ang mga binhing tumubo doon. 8 Ngunit ang mga binhing nahasik sa
matabang lupa ay namunga; may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may
tigtatatlumpu. 9 Makinig ang may pandinig!"
12 Sapagkat ang mayroon ay bibigyan
pa, at mananagana; ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin
pa. 13 Nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng
talinhaga sapagkat tumitingin sila ngunit hindi nakakakita, at nakikinig ngunit
hindi naman nakakarinig ni nakakaunawa man.
16
"Subalit mapalad kayo sapagkat nakakakita ang inyong mga mata at nakakarinig
ang inyong mga tainga! 17 Tandaan ninyo: maraming
propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at
marinig ang inyong napapakinggan subalit hindi nila ito nakita ni
narinig."
Ipinaliwanag ang Talinhaga Tungkol sa Manghahasik
(Marcos 4:13-20)(Lucas
8:11-15)
18 "Pakinggan ninyo ang kahulugan ng talinhaga
tungkol sa manghahasik. 19 Kapag ang isang tao ay
dumirinig ng mensahe tungkol sa paghahari ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon
inuunawa, siya ay katulad ng binhing nalaglag sa daan. Dumarating ang Masama at
agad inaalis sa kanyang isip ang mensaheng kanyang napakinggan. 20 "Ang katulad naman ng binhing nalaglag sa mabatong lupa ay ang taong dumirinig ng mensahe. Kaagad at masaya niya itong tinanggap 21 ngunit hindi tumimo ang mensahe sa kanyang puso. Sandali lamang itong nanatili, at pagdating ng mga kapighatian at pagsubok dahil sa mensahe, agad siyang tumatalikod sa kanyang pananampalataya.
22 "Ang binhi namang nahulog sa may damuhang matinik na halaman ay naglalarawan ng mga taong dumirinig ng mensahe ngunit dahil sa pagkabalisa sa maraming mga bagay at pagkahumaling sa kayamanan, ang mensahe ay nawalan ng puwang sa kanilang puso at ito ay hindi nagkaroon ng bunga sa taong iyon.
23 "At ang katulad naman ng binhing napahasik sa matabang lupa ay ang mga taong dumirinig at umuunawang mabuti sa mensahe, kaya't ito ay namumunga nang sagana, may tigsasandaan, may tig-aanimnapu, at may tigtatatlumpu."
Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
24 Nagsalaysay muli si Jesus sa kanila ng isa pang talinhaga. Sinabi niya, "Ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. 25 Isang gabi, habang natutulog ang mga tao, dumating ang kanyang kaaway, naghasik ng mapanirang damo sa triguhan at saka umalis. 26 Nang tumubo at magbunga ang trigo, lumitaw din ang mapanirang damo. 27 Kaya't pumunta ang mga utusan sa may-ari ng bukid at nagtanong, 'Hindi po ba mabuting binhi lamang ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may damo ngayon?' 28 Sumagot siya, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Tinanong siya ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga damo?' 29 'Huwag, baka mabunot pati ang mga trigo,' sagot niya. 30 'Hayaan na lamang ninyong lumago kapwa ang damo at ang trigo hanggang sa anihan. Pag-aani'y sasabihin ko sa mga tagapag-ani, ipunin muna ninyo ang mga damo at inyong pagbigkis-bigkisin at saka sunugin. Pagkatapos, ipunin naman ninyo ang trigo sa aking kamalig.' "
Talinhaga Tungkol sa Buto ng Mustasa
(Marcos 4:30-32)(Lucas
13:18-19)
31 Sa pagpapatuloy, isa pang talinhaga ang
isinalaysay ni Jesus sa kanila. "Ang kaharian ng langit ay katulad ng
isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang bukid. 32 Ang buto ng mustasa ang pinakamaliit sa lahat ng binhi.
Ngunit pagtubo nito, ito'y nagiging mas malaki kaysa alin mang halaman at
nagiging punongkahoy, kaya't nakakapagpugad ang mga ibon sa mga sanga
nito." Kahulugan ng Talinhaga Tungkol sa mga Damo sa Triguhan
36 Pagkatapos, iniwan ni Jesus ang mga tao at pumasok siya sa bahay. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Ipaliwanag nga po ninyo sa amin ang talinhaga tungkol sa mapanirang damong tumubo sa bukid." 37 Sumagot si Jesus, "Ang naghahasik ng mabubuting binhi ay ang Anak ng Tao, 38 ang bukid ay ang daigdig, ang mabuting binhi ay ang mga taong kabilang sa kaharian at ang mapanirang damo naman ay ang mga kabilang sa Masama. 39 Ang kaaway na naghasik ng damo ay walang iba kundi ang diyablo. Ang panahon ng pag-aani ay ang katapusan ng daigdig at ang mga tagapag-ani naman ay ang mga anghel. 40 Kung paanong ang mga damo ay tinitipon at sinusunog, ganoon din ang mangyayari sa katapusan ng daigdig. 41 Ipag-uutos ng Anak ng Tao sa kanyang mga anghel na tipunin nila mula sa kanyang kaharian ang lahat ng nagiging sanhi ng pagkakasala at ang lahat ng gumagawa ng masama. 42 Ihahagis nila ang mga ito sa lumalagablab na pugon at doon ay mananangis sila at magngangalit ang kanilang mga ngipin. 43 Ngunit ang mga gumagawa ng matuwid ay magliliwanag na parang araw sa kaharian ng kanilang Ama. Makinig ang may pandinig!"
Ang
karamihan sa mga binhi ay nawala o natuyo sa pamamagitan ng
araw o kinakain ng mga ibon ang
karamihan ay hindi nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ugat. Ang bawat
tao ay isang binhi
ang kabuuan ng lahi ng sangkatauhan ay
isang koleksyon ng mga binhi
ang bawat isa sa atin
ay isang binhi na
naglalayong maging isang puno. Ang
puno na nais
natin maging ay
tinatawag na "Ang Punong kahoy ng buhay". Kung saan ay kinakatawan sa bibliya
sa Genesis bilang
Punong kahoy ng Buhay.
Genesis 3:
Pinalayas sa Hardin si Adan at si Eva
22 Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Yahweh, "Katulad na natin ngayon ang tao, sapagkat alam na niya ang mabuti at masama. Baka pumitas siya at kumain ng bungangkahoy na nagbibigay-buhay at hindi na siya mamatay." 23 Kaya, pinalayas niya sa halamanan ng Eden ang tao upang magbungkal ng lupang kanyang pinagmulan.24 Pinalayas nga siya ng Diyos. At sa dakong silangan ng halamanan ng Eden ay naglagay ang Diyos ng bantay na kerubin. Naglagay rin siya ng espadang nagniningas na umiikot sa lahat ng panig upang hindi malapitan ninuman ang punongkahoy ng buhay.
Ezekiel 47:
11 Ngunit ang mga latian ay mananatiling maalat para may makunan ng asin. 12 Sa magkabilang pampang ng ilog ay tutubo ang sari-saring punongkahoy na makakain ang bunga. Hindi malalanta ang mga dahon nito ni mawawalan ng bunga sapagkat ang didilig dito ay ang tubig na umaagos mula sa templo; ito ay patuloy na mamumunga sa buong taon. Ang bunga nito ay pagkain, at gamot naman ang mga dahon."Pahayag 22:
1 Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog ng tubig na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito na sinlinaw ng kristal ay bumubukal mula sa trono ng Diyos at ng Kordero, 2 at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.Pahayag 2:
7 "Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!"Ibibigay ko sa magtatagumpay ang karapatang kumain ng bunga ng punongkahoy na nagbibigay-buhay na nasa paraiso ng Diyos."
Ang
Punong kahoy na ito ay kumakatawan sa mga tao
na ginawa sa
imahe ng kanyang manlilikha ang
Dios Ama. Ang bawat binhi ang bawat tao ay may potensyal na
maging isang mahusay na punong
kahoy ng Buhay. Ang binhi na tayo
kapag isinalin nang
direkta ay nangangahulugan na ang embrayo ng isang
pukaw na nilalang, isang embrayo ng kaluluwa,
ang potensyal na
maging kaluluwa.
Ang
binhing ito ay ang kalikasan o potensyal ng isang buto,
isang pinakaubod, isang mikrobyo, isang maliit na maliit na butil na naglalaman sa loob mismo ng isang
koleksyon ng mga hilaw na mga
elemento. Ang binhi na ito ay ang ating kamalayan
sa sagradong kaalaman tinatawag itong pinakadiwa dahil ito ang esensya ng ating pagkaka-likha, na may kaugnayan sa punong
kahoy ng buhay. Ang esensyang ito
ay isang maliit na kislap o maliit na butil na
may kaugnayan sa malalim na
hininga, ang kaluluwa ng tao na kumikislap
o maliit na butil ng kahulugan na ang
mundo.
Sa
ibang salita, ang binhi
ng ating kamalayan ay ang pinakadiwa, isang
lugar sa mundo
kung saan nahuli ang
ating pisikal na katawan. Ang ating
pisikal na katawan ay ang lupa, ang lupa mula sa
kung saan si Adan ay kinuha ngayon
ay nahuli ang ating pisikal na katawan at naging sandigan na kung saan nasa loob ang binhi
na kung saan ay dapat na lumaki ang binhi at ang binhi
ay ang ating kamalayan at ito ay nangangailangan ng tiyak na mga sangkap ng pagkakasunod-sunod para siya ay lumago.
Kapag
tayo ay bumalik sa analohiya ng dakilang puno ang mga espasyo ng
milyong-milyong mga binhi sa kapaligiran upang makalikha ng buhay. Makikita
natin ang kahanga hanggang pag-ikot
ng kapanganakan at kamatayan. Ang puno mismo
ay mula sa isang binhi, isang binhing lumalaban
upang mabuhay at
nakipaglaban upang maging isang dakilang punong kahoy na
nagbibigay ng mga binhi upang lumikha ng isang bagong
buhay, ngunit ang karamihan sa mga binhi na kanyang
nagawa ay walang sapat na lakas upang lumikha ng bagong
mga puno dahil sa kakulangan ng pagkakataon para sa mga elemento upang
magawa ito, kaya
sa pamamagitan ng analohiya makikita natin ang parehong katotohanan sa sangkatauhan.
Ang
karamihan sa mga binhi ng kamalayan ay hindi lumalago.
Ang karamihan ay nananatiling binhi
lamang at namamatay. Sila ay itinanim sa lupa at sa pisikal na mga katawan at
maaaring lumago sa isang tiyak na lawak, maaari
rin silang gumawa ng kahit anong
bagong buto pero sila ay sirang binhi, binhing
hindi maaaring makabuo ng isang puno. Ang katiwalian
ng mga binhi
ng sangkatauhan ay
ang ating sariling karma, ang resulta ng ating mga nakaraang pagkilos.
Ang
katiwalian ng mga
binhi ng sangkatauhan
ay nasa loob ng ating
mga kaisipan na gumagawa sa atin upang maging hindi
dalisay, magagalitin, mapagmamataas, mainggitin, mapanibugho, mapanlilinlang, mang-mang, mapag-paimbabaw, at mapag-malaki. Itong lahat ay sakit, mga karamdaman na nakaapekto
sa ating kaisipan at nagbibigay katiwalian sa ating binhi, ang binhi ng ating kamalayan. Sa
kabila ng katiwalian mayroon tayong mga potensyal upang mapagtagumpayan ito, dahil mayroon tayo
sa ating kalooban, ng isang puwersa
sa ating pagkatao, sa ugat nito ay ang ating sariling
pagkatao, ang Diyos ang banal na elemento na nagbubuo
ng kislap sa ating kamalayan ang ating sariling panloob na ama at
ina upang makabuo ng binhi ng kamalayan
sa loob natin.
Ang
dahilan kung bakit natin pinag-aaralan ang ganitong uri ng impormasyon, ang dahilan kung paano natin
naunawaan ang sagradong kaalaman o
nakakaranas ng mga panloob na mundo o
upang maunawaan ang malalim na
meditasyon o pukawin ang ating
mga kamalayan ay dahil ang
ating sariling panloob na dibinidad ay nagpapasigla
sa ating kamalayan na kung saan
ay espirituwal na pag-aalaala
na may pag-asam
malaman, makaranas sa kanyang sarili ay nagbibigay sa atin ng ating solong paanyaya
para sa pag-asa dahil ang puwersa na tumutulak sa atin upang
mapayabong ang ating sarili na
nagbibigay sa atin ng mga potensyal
upang mapagtagumpayan ang mga
balakid na umiiral
sa ating kapaligiran at umiiral sa ating
kaisipan.
Para
maayos ang binhi upang mabuo sa
kalikasan, kailangan nito ng partikular na elemento at
pareho totoo ito sa
binhi ng kamalayan, ang binhi
ng kamalayan ay
nangangailangan ng tamang balanse
sa pagkakasunod-sunod para ang kamalayan ay lumago. Maaari nating
obserbahan ang sangkatauhan ma-obserbahan
ang mundong ito bilang isang butas upang matukoy kung
ang mga elemento ay naroroon. Kung titingnan natin ang sangkatauhan bilang
isang lahi at nauunawaan natin ang proseso ng kalikasan at nauunawaan
natin ang isang bagay sa relihiyon
maaari nating makita ng mabilis ang mga bagay na wala sa balanse.
Kung hindi, bakit nagagawa ng mga tao gumawa ng kakila-kilabot na kabangisan laban sa isa't isa. Bakit nagagawa ng mga tao makagawa ng kasuklam-suklam na krimen laban sa kanilang sariling ina ang mundong ito? Ito ay dahil ang mga binhi ng kamalayan ay naging masama at ngayon ang tao ay hindi magawang lumikha ng kanilang sariling puno, ang punong kahoy ng buhay, upang magising, upang maliwanagan, upang maging sa ibang salita, mga anghel o masters.
Kung hindi, bakit nagagawa ng mga tao gumawa ng kakila-kilabot na kabangisan laban sa isa't isa. Bakit nagagawa ng mga tao makagawa ng kasuklam-suklam na krimen laban sa kanilang sariling ina ang mundong ito? Ito ay dahil ang mga binhi ng kamalayan ay naging masama at ngayon ang tao ay hindi magawang lumikha ng kanilang sariling puno, ang punong kahoy ng buhay, upang magising, upang maliwanagan, upang maging sa ibang salita, mga anghel o masters.
Ang
binhi o embrayo
ng kaluluwa ay hindi tumatanggap ng tamang sustento at sustansiya na kailangan nito para maisayos ang binhi
para maging isang mahusay na puno ang ebidensiya ay
nasa lahat ng dako. Ito ang dahilan kaya mayroon tayong pagnanasa
upang siyasatin ng
malaman kung ano ang mga elemento
na nawawala? Ano
ang mga elemento na kailangan natin?
At
lahat tayo ay naghahanap at tumitingin, nag-aaralan,
bumabasa at nagsisiyasat
na makita ang pinakamahusay na sagot.
Ang sagot ay makukuha
natin kung alam natin kung paano tayo dapat maghahanap ngunit ang importanteng
dahilan para sa atin na maunawaan
ay ang mga pinamamahalaang batas ng
kalikasan na masyadong napaka istrikto.
Kapag tiningnan natin at pinakikilos
ang batas na magpapagana at sumasaklaw sa paglago ng anumang binhi, makikita
natin na ang mga batas ay dapat na mapatupad kung hindi ang binhi ay hindi
maaaring lumaki. Kung ilalagay natin ang binhi sa lupa ngunit walang araw, at
walang tubig na maibibigay sa kanila sila ay mamamatay. Kung itatago mo ang
binhi sa isang bato sa loob ng isa pang taon hindi sila tutubo sila ay mamamatay
at pareho itong totoo sa ating mga kaluluwa ng ating mga kamalayan.
Ang
ating kamalayan ay
nangangailangan ng tamang pagkain,
ng tamang kapaligiran para ito ay lumago at mabuo. Sa
halaman, ang binhi ay kumakawala sa balat nito ang puwersa ng buhay
sa loob nito na tumutulak pareho sa paraan ng isang inakay sa pamamagitan ng lakas ay kumakawala sa
kanyang shell at nakikipagbaka at nakikipaglaban
upang mabuhay, ito ay hindi isang madaling
proseso na totoong pareho
sa atin sa ating sariling pag-unlad
bilang isang binhi na nasa isang pisikal na katawan.
itutuloy