Ang
meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili.
Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin
ang ating sarili. Saka
natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang
ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan
natin at unawain kung ano ang kaalaman ? Ang
meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang
iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na
enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay
ating nakakamit sa bawat aspeto n gating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas
na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan
natin na hindi
lamang tayo nabubuo ng katawan at
kaisipan.
Nauunawaan
natin na tayo ay
isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon
na dumating sa
atin at ang lahat ng ating
mga problema na ating
nalalagpasan ay dahil sa mas mataas ba pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at
ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan. Ang
pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang
pinaka-layunin ng ating sarili. Ang mas mataas na kaalaman ay nakukuha
lamang sa pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad
ng Third Eye
at katawang astral. Ang
ikatlong
mata ay isang napakalakas
na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala
bilang "ikatlong mata".
Sa
pamamagitan ng pagsasanay
at pagsasagawa pa ng higit pang
meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang
dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang
napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon
sa oras ng aktibasyon
ng ikatlong mata makakaramdam
tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng
panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti
tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig
tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman
natin na parang naglalakbay
tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang
ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa
pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging
perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang
mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal
na mga pangitain.
Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi
makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Ang enerhiya ng katawan ay
ang pangunahing pundasyon para sa disenyo ng ating
mga buhay. Itong mga enerhiya ng katawan ay
ang pangunahing pinangagalingan para sa
lahat ng ating
mga pagkilos at pati sa pagkakaroon ng ating
buhay. Ang enerhiya ng katawan ay tumatanggap enerhiyang
kosmiko sa panahon ng ating pagtulog
at panahon ng megitasyon o pagninilay.
Ginagamit natin ang enerhiyang
ito para sa mga
gawain ng ating
katawan at isip tulad
ng pagtingin, pagsasalita,
pagdinig, pag-iisip at ang lahat ng mga
pisikal na pagkilos. Lahat ng mga gawaing ito ay lubos
na nakabatay sa papasok na enerhiyang
kosmiko. Ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nakabatay sa
ating pag-iisip at pananaw.
.
Kapag mayroon
tayong mga pananaw o iniisip, ang
pagdagsa ng enerhiyang
kosmiko ay nababaradohan. Sa
ibang salita, ang ating mga pag-iisip ay
ang hadlang para sa malakas na pag-agos ng enerhiyang
kosmiko. Kapag ang pag-agos
ng enerhiyang kosmiko ay mas mababa,
ang tubo ng enerhiya ay nauubos. Ang Pag-kaubos na ito ay nagiging sanhi ng mga
etherikong pagkahiwalay hiwalay ng enerhiya
sa katawan. Itong etherikong
pagkahiwalay hiwalay ay
dahan-dahang humantong sa mga sakit ng pisikal na katawan.
Sa meditasyon,
makukuha natin ang masaganang enerhiyang kosmiko.
Dumadaloy
ito
sa lahat ng
ating mga tubo
ng enerhiya kapag
ang enerhiyang kosmiko ay dumadaloy
patungo sa tubo ng enerhiya dahil sa mabigat na daloy nito, nililinis nito ang lahat ng mga etherikong
pagkahiwalay hiwalay. Kapag nalilinis ang
etheriko nating katawan gumagaling tayo sa lahat ng karamdaman.
Nakakaramdaman
tayo ng maraming mga bagay na hindi
natin maaaring ipahayag
sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na
boses, tunog o
tunog ng mga
instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin ang
mga Masters sa
isang pisikal na kaanyuang ayon
sa ating pagkakaalam. Pagkatapos ng
mas maraming meditasyon, unti-unti
nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag
na ilaw", kahit
na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag
na ilaw alam nating ito ang
pagkakakilanlan ng ating mga masters.
Maririnig
natin ang
mga mensahe mula
sa mga Masters. Nararamdaman
natin ang pagpunta natin sa isang
lagusan at sa
wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.
Ang
Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
(Lucas 11:34-36)
22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin,
maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong
paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag
mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa
ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang
matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong
katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.
Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng
kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo
ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging
nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."
Sa
pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata alam
natin na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga problema
sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters,
o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng pakiramdam. Sa
pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating
pang-unawa ay magbabago.
Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga
pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal
na kalagayan. Ngayon, atin naming
alamin ang iba pang kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento