Linggo, Oktubre 6, 2013

Sagradong aklat ng akasha, ang koneksyong divino. “Ang isang taong tumitingin sa labas ay nananaginip, at ang isang taong tumitingin sa loob ay gising”.



 Sagradong aklat ng akasha, ang koneksyong divino.
“Ang isang taong tumitingin sa labas ay nananaginip, at ang isang taong tumitingin sa loob ay gising”.
Kung binabasa mo ngayon ang nilalaman ng sagradong aklat na ito. Ikaw ay isang tao sa iyong pamilya, Sa iyong lugar ng trabaho, sa lupon ng iyong mga kaibigan. Ikaw ay isang taong na laging pinag- iisipang medyo kakaiba ang pag-iisip at pagkilos. Hindi isang taong masama pero kakaiba. Ito ay dahil iba kang tumingin sa mga bagay-bagay. Malalim ang iyong pananaw. Alam mo ang lihim na kaalaman na nasa mga sagradong aklat.
Meron kang ibang paraan sa pagtingin sa mga situwasyon at sa mundo. Kaya minsan tayo’y pinagtatawanan. Pero alam natin na sa ating pamilya, sa ating mga katrabaho, sa ating mga kaibigan, kapag ang buhay nila ay nagkakaroon ng mga mabibigat na problema. Kapag ang kanilang perpektong pagsasama ay biglang nasira. At kapag ang kanilang karera o trabaho ay nawala, at kapag sila ay nagkasakit sa iyo sila tumatakbo upang humingi ng payo at tulong.
Ito ay dahil may tapang ka upang tingnan ang mundo sa ibang paraan. Meron kang lakas para mabuhay sa ibang paraan. At ito ay napaka-importante sa kaligtasan ng buhay.
Galugarin nating mabuti ang mga sikretong kaalaman at malalim na katalinuhan. May salita at wika na naririnig ng kalawakan na nasa patlang. May nakatagong kasukalan na humahawak sa ating lahat. Merong bukirin ng kapangyarihan na dapat nating gamitin.
Hindi lahat ng nakikita ay dapat paniwalaan at ang lahat ng iniisip ay magiging posibilidad dahil may hindi nakikitang napakalakas na pwersa sa sandaigdigan na hindi kayang ipaliwanag ng agham at ng katalinuhan ng tao.
Tuklasin ang iyong personal na alamat. Ito ang mga pangarap mong nais makamit.Iyan ang mahalaga mong obligasyon. Alamin ang iyong sariling misteryosong pwersa at misyon sa mundo. Halukayin ang magandang ideyang makaka-pagpabago sa takbo ng iyong buhay. Ihanda ang iyung espiritu at kagustuhan.
Dahil mayroong isang dakilang katotohanan sa mundong ito maging sino ka man o kahit ano man ang gawain mo kapag gusto mo talaga ang isang bagay  ito ay dahil sa pagnanais mo  na nagmula sa nag-iisang  uniberso at ito ay ang iyong misyon sa lupa.
Ang kaluluwa ng mundo ay nabibigyan ng sustansiya sa pamamagitan ng kaligayahan ng tao at sa pamamagitan din ng kanilang kalungkutan, inggit at paninibugho.
Upang mapagtanto ang sariling personal na alamat ay ang tunay na obligasyon ng isang tao.  
Lahat ng mga bagay ay iisa. at kapag gusto mo ang isang bagay
lahat ng uniberso ay magtutulong-tulong sa pagtulong sa iyo upang makamit ito.
Ang buhay, ang kalayaan at ang pagtugis sa kaligayahan. Nabubuhay tayo upang sikaping makuha ang kaligayahan na nasa labas na parang isang kalakal. Tayo ay naging alipin sa ating sariling kagustuhan at sa labis na pananabik.

Ang Kaligayahan ay hindi isang bagay na maaaring sugurin o bilhin tulad ng isang murang terno. Ito ay ilusyon, ang walang katapusang pag-lalaro ng mga anyo. O ang walang katapusang pagpapaulit-ulit ng pagtitiis na napapanatili dahil sa labis na pagmimithi ng kasiyahan at pag-ayaw sa kalungkutan at sa sama ng kalooban.

Ito ang tunatawag na "prinsipyo ng kasiyahan." Lahat ng ating ginagawa ay isang pagsisikap upang lumikha ng kaligayahan, upang makuha ng isang bagay na gusto natin, o upang itulak palayo ng isang bagay na ay hindi kanais-nais at hindi natin gusto.

Tayo ay libreng mag-isip, at iyon ay ang puso ng problema. Ito ay ang pag-iisip tungkol sa kung ano ang ating gusto na nawalan na ng kontrol.

Ang mahirap na kalagayan ng modernong lipunan ay ang paghahangad nating maunawaan ang mundo, hindi sa tuntunin ng arkayko sa panloob na kamalayan, ngunit sa pamamagitan ng pagbibilang at baguhin kung ano ang mahiwatigan natin sa panlabas na mundo sa pamamagitan ng paggamit ng agham na paraan at pag-iisip.

Ang pag-iisip ay humantong sa higit pang mga pag-iisip at higit pang mga tanong. Hinahanap natin na matuklasan  ang pinakaloob na pwersa na lumikha ng mundo at gabayan ito sa kanyang daraanan.

Ngunit ina-akala natin na ang pinaka-esensiya ay nasa labas ng ating sarili, hindi bilang isang buhay na bagay, na tunay sa ating sariling kalikasan. Kaya nasasabing “Ang isang taong tumitingin sa labas ay nananaginip, at ang isang taong tumitingin sa loob ay gising”.
Hindi mali sa pagnanais na maging gising, upang maging masaya. Ang mali ay ang hanapin ang kaligayahan sa labas kahit maaari lamang itong matatagpuan sa loob.

Sa mga oras ng katahimikang  panloob ng pagmuni-muni sa ating mga puso ay maaaring masabi sa atin na mayroong pang higit sa buhay kaysa sa ating kasalukuyan realidad, na tayo ay nakatira sa mundo ng gutom na ispiritu.

Ito ay ang pagkawala ng ating koneksyon sa ating panloob na mundo na nakalikha ng pagkawala ng timbang sa ating planeta.
Ang sinaunang mensahe na "Kilalanin mo ang iyong sarili” " ay napalitan ng pagnanais na maranasan ang mga panlabas na porma ng mundo.

Ang pagsagot sa tanong na "sino ako?" ay hindi lamang isang bagay na naglalarawan ng kung ano ang nasa iyong pangalan.
Hindi ikaw ang nilalaman ng iyong kamalayan.

Ikaw ay hindi lamang isang koleksyon ng mga kaisipan o mga ideya dahil sa likod ng mga kaisipan ay ang isa sa saksi ng kaisipan.

Ang mensaheng”KIlalanin mo ang iyong sarili” ", ay isang hindi masasagot na bugtong.
Sa paglaon, ang kaisipan ay mapapagod sa pagsubok hanapin ang kasagutan.
Ang katotohanan ng kung sino ka ay hindi nangangailangan ng kasagutan dahil ang lahat ng mga katanungan ay nilikha sa pamamagitan ng mga maka-sariling kaisipan.
Hindi ikaw ang iyong kaisipan.
Ang katotohanan ay namamalagi hindi sa higit pang mga sagot, ngunit sa mas kakaunting mga katanungan.  

Sinabi nga ng isang Dtef Master na,
"Hindi ako naniniwala na ang tao ay naghahanap para sa kahulugan ng buhay, sila ay naghahanap ng mga karanasan ng pagiging buhay."

Itutuloy………

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento