Biyernes, Pebrero 28, 2014

Kung ang kayamanan ay nangangahulugan ng kaligayahan, ang mayaman ay dapat na nagsasayaw sa mga lansangan; kung ang kapangyarihan ay nagsisiguro ng seguridad, dapat ang mga pinuno ay lumakad sa mga lansangan ng walang bantay; kung ang kagandahan at katanyagan ay magdadala ng perpektong relasyon, dapat ang mga kilalang tao ay hindi naghihiwalay.



Kung ang kayamanan ay nangangahulugan ng  kaligayahan, ang mayaman ay dapat na nagsasayaw sa mga lansangan; kung ang kapangyarihan ay nagsisiguro ng seguridad, dapat ang mga  pinuno ay lumakad sa mga lansangan ng walang bantay; kung ang kagandahan at  katanyagan ay magdadala ng perpektong relasyon, dapat ang mga  kilalang tao ay hindi naghihiwalay. Ang katotohanan ay, walang mas mahusay na paraan upang maging masaya sa buhay na ito kung hindi mabuhay ng simple, maglakad ng may buong kababaang-loob at pag-ibig taos pusong sumailalim sa kalooban ng anino Diyos.
Upang maranasan ng ating sarili
ang isang dalisay na kakayahan, ito ang espiritu. Tayo ay isang hindi na kundisyong espiritu na nabitag at naikulong sa kundisyon itinuro ng kapaligiran, edukasyon at impluwensiya.
May antas ng kalayaan upang galugarin ang mundo na higit pa sa gising, sa nangangarap at sa natutulog. At sa wakas ay kalayaan upang makatakas sa mga hangganan ng kalawakan at oras.

Ang katotohanan na ikaw o ako ay hindi maaaring isiksik ng kabuuan sa isang katawan. Para sa maikling panahon ng isang panghabang buhay na kalayaan upang makatakas sa mga hangganan ng kalawakan at oras, dahil tayo ay wala sa espasyo at oras.

Narinig natin ang kasabihang
Ikaw ay nasa mundong ito ngunit hindi nito. Ano ang ibig sabihin nito? May ay isang bahagi sa atin na lumalahok sa espasyo at oras pero meron ding bahagi na malaya tulad ng hangin na lampas lampasan.

Malaya tulad ng alabok sa alikabok.
Malaya tulad ng hangin sa himpapawid
sa pag-ibig sa buhay ang aking kaluluwa ay nakatira at nakaupo sa kaniyang sariling hugis.  

Mabuhay ng katulad ng isang pulubi
sa bawat araw sa ibang bahay tumitira
bawat gabi sa ilalim ng mga bituin
tayo ay pulubi sa mundong ibabaw
nandito para sa isang maikling panahon upang magbigay sa bawat isa ng kagalakan.

Ngunit ang kalayaan sa ganoong kahulugan ay maaari lamang maranasan
kapag sinimulan natin makilala
na ang tunay na tayo ay nasa mundo
ngunit hindi nito.

At mayroong mga tao sa nakalipas na lumakad na ganitong paraan ng pantas sila ay naging banal, pilosopo, manunulat, propeta at manghuhula na lumakad sa ganitong paraan noong nakalipas na panahon.

Sa ngayon maraming ng pantas ang nagigising sa lipunan.  Mayroong ilang mga napaka-ordinaryong tao mga hindi sikat na mga pantas na  maaaring  nakatayo lang sa isang tindahan na nasa harapan mo o nakasakay sa lumilipad na eroplano na dumaan sa itaas mo o naglalakad sa kalye. Ito ang nangyayari sa ating panahon sa nakamamanghang bilis.

Ang pinagsama-samang kamalayan ay umuusbong sa tinatawag na isang kritikal na masa kapag dumarami ang nagiging pantas at ang lahat ng mga pantas ay nagkaroon ng parehong diwa.

Sinasabi nga na nasa kaloob looban natin ang isang malalim na intelihensiya at ang katalinuhang ito ay ang tunay na pinaka-mataas na henyo.

Ito ang sumasalamin sa karunungan ng uniberso at kapag nakita natin ang intelihensiyang ito ang buhay natin ay magiging mahika at mapaghimala.   Ito ang daan ng pantas, ito ay isang paglalakbay at isang destinasyon sa parehong oras.

Nagsimula ito sa isang simpleng tanong na kung saan ang sangkatauhan ay nagta- tanong simula pa noong libu-libong taon ng nakakaraan ang tanong ay sino ako?
Sino ako? At kapag itinanong na natin ang tanong na ito sa ating mga sarili ang unang bagay na ating nasasagupa ay pagkalito at kaguluhan, iyon ay mabuti.

May isang pantas na nagsabi na dapat may kalituhan sa loob mo upang bigyan ng kapanganakan ang isang bituing sumayaw.
Ang kalituhan, ang kaguluhan at kawalan ng katiyakan ay mga sangkap ng resipe para sa paglitaw ng kalinawan, intuwisyon, kaayusan, kaalaman at karunungan.

Isang ispiritwal na mangagamot ang nagsabi na: panatilihin ang mga kasamahan at humanap ng mga kasama na naghahanap ng katotohanan at lumayo sa mga taong natagpuan na ito.

Kaya tayo ay nasa isang paghahanap magka-kasama tayo sa paglalakbay hahanapin natin ang katotohanan makikita natin ito sa abot ng ating kakayanan at simulan ang pag-galugad sa kaharian ng ating sariling kamalayan.

At ito ay bagay na hindi madaling gawin ang tawag dito ng mga maestro ng Dtef ay lugar ng pantas sa talim ng labaha. Dahil maaari itong maging mapanlinlang sa simulang ma- enkwentro natin ang loob ng ating pagkatao magsisimula tayong mailto at magkaroon ng pag-aalinlangan.

Noong may nagtanong sa isang dtef master ng: Sino ka? Ang sinagot nya ay kapag sinubukan mo akong lagyan ng etiketa at ikulong sa etiketa gugutumin mo ang iyong sarili.  

Gugutumin mo ang iyung sarili kapag ikinulong ka sa isang kahon ng isang salita at ang kahon na iyun ang iyong magiging kabaong dahil hindi ko alam kung sino ako ako ay isang panaginip ng pagkalito at pag-aalinlangan. Ang pangalan ko ay napulot lamang ng aking magulang sa himpapawid ng impluensiya ng mga bansang sumakop sa aking mga ninuno.

At sinabi niya ang isang bagay na talagang maganda: Ako ang iyong sariling tinig na umaalingawngaw sa mga pader ng ​​Diyos ng Diyos na walang katapusan na walang hanggan ang iyong sariling tinig.

Ito ang isa pang paraan ng pagsasabi na ang uniberso ay isang tugon sa mga tagamasid kaya kapag pumupunta tayo sa loob ng ating sarili nakikita natin na ito ay kalipunan ng iba’t ibang koleksyon ng iba't ibang mga enerhiya na gumuguhit na apoy ng buhay sa saligan ng ating mga kaluluwa.

Tumingin sa iyung kalooban Mayroong makasalanan at may santo doon Mayroong banal at ng ubod ng sama sa parehong oras. Mayroong sagrado at mayroong bastos mayroong madilim na gabi ang kaluluwa doon mayroong liwanag ng biyaya ang kaluluwa. Mayroong kasakiman pero mayroon din mapagbigay.

May nagkakasabay na magkakasamang buhay ng lahat ng mga mag-kasalungat na katauhan  at habang sinisimulan natin pumunta sa masikip na daanan ito sa madilim na pasilyo ang  multo ay mapupuno sa kisame ng ating kaisipan.

Pagkatapos  lumampas sa lahat ng ito ay isang mundo ng dalisay na espiritu ng purong kagalakan ng walang katapusang kakayahang umangkop Sa walang hanggang posibilidad . Andito na, natuklasan na ang mga lihim ng pantas ang nakakaalam ng lahat ng bagay tungkol sa lahat ng bagay kapag ito ay kailangan ng makilala.
Dito na makikita ang ebolusyon ng ating sariling kamalayan sa pamamagitan ng pagbabago sa dami ng ating sariling atensyon kaya habang naglalakad tayo sa daang ito ng pantas.

Pupunta tayo sa iba’t ibang hakbang na matatagpuan natin habang dumadaan sa sikretong daanan ng ating sariling kaisipan upang mahanap ang mundo ng purong kaalaman, purong pagka-malikhain at dalisay na karunungan.

 At habang tinitingnan natin ang iba't ibang mga aspeto ng ating sarili matutuklasan natin na ito ang mga katangian ng ating kamalayan.

Maaari silang magbuksan sa kahabaan ng daraanan sa loob ng ating kamalayan na parang may sinusunod na paraan.

Sila ay magkakasamang nabubuhay nang sabay-sabay sa parehong oras tulad ng iba’t ibang mga tapyas ng isang brilyante na lumiwanag at kumikislap ng magkakaiba depende kung saan nagmumula ang liwanag. Ito ang mga katangian ng atensyon ng sarili sa kanyang sarili habang tinutuklas niya ang kaniyang sarili.

Iyan ang paglalakbay na ating isasagawa
Habang pumapasok tayo sa daang ito, habang papunta sa landas na ito na kung saan madalas na tinatawag na,
Ang landas na walang landas dahil walang malinaw na palatandaan ang kalsada kung hindi ang lahat ng ating karanasan.

Sa pamamagitan ng pangmatagalan pilosopiya may mga dakilang espirituwal na mga tradisyon ng mga salita na nagbigay ng lahat ng mga mahusay na relihiyon sa daigdig.

At walang isang bansa o walang isang kultura at walang isang relihiyon para magkaroon ng tanging karapatan sa katotohanan na ang katotohanan ay kanilang natuklasan. Ang pantas ay hindi maaaring mamonopolisa ng iisa.



Tulad ng agham na isang pamamaraan para tuklasin ang katotohanan sa pamamagitan ng layunin ay nangangahulugan na ang pansariling karanasan ng mga yugto ang nagiging katotohanan..

Ang ating literal na pamamaraan para tuklasin ang katotohanan
sa kaharian ng kamalayan at samakatuwid ito ay pare-pareho pang-agham.

Kung gusto nating matutong maging isang pisisista ang dapat mong gawin ay magsanay sa pisika kung gusto nating matuto sa daan ng pantas dapat
nating galugarin ang ating sariling kamalayan at iyon bilang pang-agham bilang alinman sa mga pang-agham na pamamaraan.

Ang mga taong nang galing na sa landas bago tayo  ay nagsasabi sa atin na may
marahil pitong yugto na kung saan ang ating kamalayan ay  nagbabago sa edad na ito ng inosentihan kung saan ay ang unang yugto ang pangalawa ay tinatawag na  kapanganakan ng pagkamaka-sarili
ang ikatlong ay ang kapanganakan ng pagtatagumpay ang pang-apat ay ang kapanganakan ng mga pagbibigay
ikalima ay ang kapanganakan ng paghahanap ang anim ay ang kapanganakan ng propeta at ang ikapitong ay ang kapanganakan ng espiritu.

Pag-aralan natin ng isa isa ang mga ito sa isang sequensyial na paraan at matingnan sa parehong panahon kung paanong ang mga iba't ibang
mga bahagi ng pagiging buhay sa loob ng ating pagkatao ng sunod sunod.

Lahat ng mga ito ay umiiral sa loob natin nang sabay-sabay.
Kaya ang kapanganakan sa kainosentihan ay ang unang yugto suriin ang  isang bagong ipinanganak na sanggol at makakatagpo tayo ng kadalisayan. Ang isang bagong panganak na sanggol ay puno ng kainosentihan at ng pagtanggap sa sarili at ng tiwala at pag-ibig ito ang sagisag ng purong kamalayan.

Kung gusto nating makita ang mga katangian ng mga pagiging inosensente sa ating sarili alalahanin natin ang mga panahong naranasan natin ito.
Ang inosente ay alerto. Tulad ng isang sanggol. Ito ay puno ng pag-usisa, pagtataka at pagkamangha.

Para sa isang buhay ang pakiramdam ng pagkamangha ay andoon. At doon ay may pakiramdam ng seguridad na gusto natin dito sa mundo at pagkatapos ay nakapagsasalita ng walang kaalaman
Na lagpas sa kaingayan ng oras ay namamalagi ang kapayapaan ng walang tiyak na oras mayroong -pagtanggap, May tiwala, May pag-ibig tayo at lahat tayo ay nakaranas noon Hindi lamang bilang mga sanggol bilang mga bata ngunit sa katunayan kahit na bilang matanda nakakatulong tingnan ang isang sanggol upang ma-ipaalala sa atin.
Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata
  13 May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14 Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15 Tandaan ninyo: ang sinumang hindi kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos." 16 Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.

Iyong pagiging inosente kailanman ay hindi namamatay. Gusto nating makipag-ugnay sa pinagmulan ng paglikha. Tumingin tayo sa isang sanggol dahil ito ay nagmumula sa sinapupunan ng paglikha at tayo ay agad mababago sa isang nilikha ng pag-ibig isang simpleng pagharap sa isang sanggol ay gigising ng pagiging inosente sa ating pagkatao.

Sa kabuuan ng sagradong aklat na ito Mayroong mala-tulang karunungan ng mga taong lumakad sa daan ng pantas dahil maraming masasabi ang mga tula na hindi maaaring maipaliwanag sa pamamagitan ng simpleng pangungusap may kasabihang ngang ang tula ay isang pagsalakay sa hindi maipaliwanag na pangungusap.

Pag aralan na natin ang proseso. Ang pagharap sa isang inosente, saan ako nanggaling? Saan mo ako nakuha? Tanong ng sanggol sa kanyang ina.  Sumagot ang kanyang ina habang naluluha at ngumingiti habang inilalapit ang sanggol sa kanyang dibdib nakatago ka sa aking puso bilang kagustuhan aking sinta ikaw ay nasa mga manika sa aking mga pambatang laruan at kapag ako’y naglalaro gumagawa ako ng imahe mo sa aking baraha tuwing umaga. Ginagawa kita at hindi kita ginagawa. Ikaw ay kinang na nasa altar ng Diyos at sa aking panalangin ipinapanalangin din kita sa aking pag-asa at sa aking pag-mamahal sa buhay. Sa buhay ng aking ina ay nabuhay ka sa kandungan ng hindi namamatay na espiritu na nagangasiwa sa aming tahanan.

Ikaw ay inalagaan ng ilang panahon at noong ako’y nagdadalaga ang aking puso ay nagbubukas ng talulot at ikaw ay umaaligid isang samyong nag aabang.
Ang iyong malambot na kahinaan ay namulaklak sa aking batang biyas tulad ng isang kislap sa kalangitan bago pa man ang pagsikat ng araw.

Langit muna aking sinta kakambal mong ipinanganak ang liwanag ng umaga at lumutang kang pababa sa agos ng mundo ng buhay at sa wakas na istranded ka sa aking puso habang pinag-mamasdan ko ang iyong mukha ang misteryo ay pumuspos sa akin.

Ikaw na pag-aari ng lahat ay naging akin at sa takot na mawala ka hinawakan kita ng mahigpit sa aking dibdib anong mahika ang humuli sa kayamanan ng mundo.
Sa malambot na brasong ito bigla natin mararanasan ang isang bagay na banal at dalisay na magdadala sa atin sa mundo ng pagka-inosente at maaari nating maranasan iyan anumang oras sa ating sarili.

Mateo 18: 1

Sino ang Pinakadakila?

               1 Nang mga sandaling iyon, lumapit kay Jesus ang mga alagad at nagtanong, "Sino po ang pinakadakila sa kaharian ng langit?" 2 Tumawag si Jesus ng isang bata, pinatayo sa harap nila 3 at sinabi, "Tandaan ninyo: kapag hindi kayo nagbago at naging katulad ng mga bata, hinding-hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa na gaya ng batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. 5 Ang sinumang tumatanggap sa isang batang katulad nito alang-alang sa akin, ako ang kanyang tinatanggap."
Matatagpuan natin ang inosenteng iyan sa sinapupunan ng paglikha ngunit ang pagiging inosente ay bababa at magbibigay daan sa pangalawang yugto sa daan ng pantas at iyon ay ang kapanganakan ng pagkamaka-sarili kahit na ang pagiging inosente ay nandoon ito ay nawawala dahil natatabunan ng pagkamaka-sarili.

Ito ay ang kapanganakan ng dalawahan ang kapanganakan ng pagkamaka-sarili at ang paghihiwalay ng sarili mula sa pagkatao.
Ang pagkamaka-sarili ay nagiging panloob na punto ng reperensiya at kapag nangyari iyon ito ay nagbibigay ng pagtaas sa takot sa pagkakadikit sa isang pangangailangan para sa pag-apruba sa isang pangangailangan upang angkinin ng sarili, mga alalahanin, para sa awa sa sarili, sa pansariling pagpapahalaga,  paghihiwalay, pagkabalisa  ang mga ito ay mga katangian ng  kapanganakan ng pagkamaka-sarili.

At ito ang oras na pinanganganak kung kailan ang sarili ay isinakripisyo para sa pansariling-imahe kapag ang sarili ay sinakripisyo para sa sariling-imahe ang Oras ay nakaka-inip dahil ang oras ay walang halaga kung hindi ang  pagpapatuloy ng memorya na kung saan ang ginagamit ay pansarili bilang isang panloob na punto ng reperensiya.

kaya sa estado ng pagkamaka-sarili mayroon tayong takot at pagkabalisa at kapag tiningnan natin ang ating sarili makikita natin na sabay-sabay na naroroon ang pagiging inosente ngunit doon din natin makikilala kung magbibigay ka ng atensyon sa katotohanan na ito ay hindi ang tunay nating sarili.

Ang imahe sa sarili ay hindi ang sarili.
Ang imahe sa sarili ay ang mga sosyal na maskara na ating inilagay pansamantala na nakikita pag nag meditasyon.

Dumating na ang oras na magsimula na nating malaman na ang pagkamaka-sarili ay walang iba kung hindi isang bilangguan.
Isang kinakailangan entablado dahil ito ay nagbibigay sa atin ng sariling katangian.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento