SAGRADONG AKLAT 27
DTEF Program on Meditation, Cosmic Energy,
Energy Body, Third Eye and Astral Travel
SPIRITUAL REALITY POWER
OF THE THIRD EYE AND MEDITATION
Ang ispirituwal na katotohanan
ng DTEF ay magdadala sa iyo sa isang natatanging paglalakbay. Isang paglalakbay na
magbabago ng iyong
buhay, isang paglalakbay na magpapayaman at
magpupuno sa iyo ng hindi pangkaraniwang kaalaman, kapayapaan
at kaligayan, ang dtef ispirituwal na katotohanan
ay isang programa
sa pagninilay at
malalim na karanasan sa pagninilay.
Habang isinasagawa mo ang programang ito ay lubos
kang magkakaroon ng, saksihan lamang
ito, magpadaloy at sumakay ka
lang rito. at huwag subukang pag-aralan ito
sa pamamagitan ng sobrang pag-iisip, lubusang
magpalutang dito. Kung may anumang gumugulo sa pag-iisip ay alisin mo itom huminga ng malalim
at basta bumalik sa programa. Ito ay para lamang sa iyo. Sa buong
paglikha ng sangkatauhan tayo ay namin lamang ng isang
maliit na maliit na batik o tuldok
lamang, ang bawat isa sa atin
ay naghahanap ng mabuting
kalusugan, kapayapaan, kaalaman,
kasaganaan, masarap na pagsasamahan at
higit sa lahat ng isang masaya at
napakaligaya buhay sa lahat ng ibinigay na
oras at sitwasyon. Sinusubukan ng bawat
tao makamit itong
estado o kalagayang ito. Ngunit, maaari
ba ito talagang makamit? Oo,
ito ay maaaring
nakamit.
Ang
lahat ng ito ay posible lamang sa pamamagitan
ng pag-unawa
sa enerhiyang kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay umiiral sa lahat ng dako
sa kosmos. Ito
ang nagbibigkis sa pagitan
ng mga kalawakan, ng mga planeta,
ng mga tao at lahat ng molecules.
Ito ay ang puwang
sa pagitan ng bawat isa at ng
lahat. Ito ang bigkis na nagtatali sa buong kosmos
sa kanyang pag-ikot ikot.
Ang
enerhiyang kosmico ay may pwersang buhay. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod ng ating mga buhay
at upang palawakin
ang ating kamalayan.
Ang enerhiyang kosmico ay naka- base
sa lahat ng ating
mga pagkilos at tungkulin.
Natatanggap natin ang ilang enerhiyang kosmico sa malalim na pagtulog at sa malalim
na katahimikan.
Gumagamit
tayo ng enerhiyang ito para sa ating
araw-araw na gawain ng ating pag-iisip Tulad
ng nakikita, pagsasalita, pagdinig, iniisip at
ang lahat ng
mga pagkilos ng
ating mga katawan. Itong limitadong enerhiya na
nakakamit sa pamamagitan ng pagtulog
ay hindi sapat
para sa mga
aktibidad na ito. Iyon ang dahilan kung bakit sa tingin natin tayo ay pagod, nauupos
at nasisikipan. Ito ay humahantong sa mental
at pisikal na pagkapagod
at sa lahat
ng mga uri
ng sakit. Ang
tanging paraan upang mapagtagumpayan
ito ay ang pag kuha pa ng higit pang mas maraming enegiyang kosmico. Ang enerhiyang kosmico ay mahalaga upang mapanatili ang pagkakasunod-sunod ng pagkaka-ayos ng ating buhay upang
mabuhay ng malusog
at magkaroon ng masayang buhay. Upang lubos
na makasali sa
lahat ng mga sitwasyon na ating
kinalalagyan, upang makakuha ng kaalaman
at sa wakas para
sa pagpapalawak ng ating kamalayan at kaalaman. Ang masaganang enerhiyang kosmico ay nakukuha lamang sa pamamagitan ng pagninilay o meditasyon.
Ang pagtulog is isang walang malay na pagninilay o meditasyon.
Ang pagninilay o meditasyon ay may malay-tao na pagtulog. Sa pagtulog tayo ay nakakakuha ng limitadong enerhiya.
Sa pagninilay tayo
ay nakakakuha ng masaganang
enerhiya; Ang enerhiyang
ito ay nagpapahusay sa kapangyarihan ng ating
isip, katawan, at
talino. Ito ang bumubukas sa pintuan para sa ating ikaanim na pandama at
lampas pa sa kaya nating abutin.Dahil sa pinataas at
pinalakas na enerhiya na nakukuha sa
pamamagitan ng meditasyon tayo ay magiging
relaks, malusog at masiyahin. Ito ay
tumutulong din upang maabot ang mas malawak at
mas mataas sa pisikal na lupain.
Ang meditasyon ay
isang paglalakbay ng ating kamalayan patungo
sa ating sarili. Sa meditasyon lagi tayong naglalakbay mula sa
katawang lupa patungo sa isip o diwa, pag-iisip patungo sa malalim na
katalinuhan, mula sa katalinuhan papunta sa ating sarili at lampas pa sa kaya
nating maabot.payungo Upang
magawa
ng meditasyon, una,
dapat nating ihinto ang lahat ng ginagawa ng ating katawan
at isip iyun ang
paggalaw, pagtingin, pagsasalita at pag-iisip.
Ngayon,
pag-aralan naman natin kung paano gawin
ang meditasyon. Sa meditasyon
ang unang
bagay na mahalaga ay ang ayos ng buong katawan o
ng pagkaka-upo.Maaari kang umupo sa anumang pustura. Ang iyung pustura ay dapat kumportable. Umupo ng kumportable, i-krus ang iyong mga binti, pagyakaping
magkasalungatan ang iyong mga daliri, ngayon, ipikit ang iyong mga mata,
itigil ang pag-iisip palutangin lamang ang kaisipan. Tuwing may
mga maiisip, maaari tayong makakuha ng maraming
mga katanungan. Kilala o hindi kilalang katanungang umiibabaw sa ating isip
at sa ating talino dapat nating
observahan ang ating pag-hinga. Ang obserbasyon at pagmamasid
ay likas na
katangian ng ating sarili. Kaya, dapat
nating obserbahan ang ating pag-hinga. Huwag nating gawin ang sinasadyang
paghinga, huwag lumanghap
o huminga nang palabas na sinasadya. Hayaan na ang
paglanghap o pagbuga
na mangyari ng kusa. Obserbahan ang normal o natural na
paghinga. Ito ay
ang pangunahing susi o sikreto, ito ang tamang paraan.
Huwag pumunta sa
likod ng mga pag-iisip, huwag
kumapit sa anumang mga katanungan o
mga saloobin hayaan ang mga saloobin ang bumalik sa pag-hinga, obserbahan ang normal na paghinga.
PAGKASUSPINDE
Sumama palipad sa iyung paghinga. Pagkatapos, ang kakapalan ng mga iniisip ay unti unting mababawasan at magiging manipis at maikli. Sa Panghuli, ang hininga ay magiging maliliit at titigil tulad ng patak na nasa pagitan ng iyung ng mga kilay. Sa ganitong estado, ang isang nag memeditasyon ay walang hininga at walang mga naiisip. Siya ay lubos na walang maiisip. Ang estado na ito ay tinatawag na estado ng walang-pag-iisip. Ito ang estado ng meditasyon . Sa ganitong estado nasa ilalim tayo sa paliguan ng energiya ng kosmiko.
Sumama palipad sa iyung paghinga. Pagkatapos, ang kakapalan ng mga iniisip ay unti unting mababawasan at magiging manipis at maikli. Sa Panghuli, ang hininga ay magiging maliliit at titigil tulad ng patak na nasa pagitan ng iyung ng mga kilay. Sa ganitong estado, ang isang nag memeditasyon ay walang hininga at walang mga naiisip. Siya ay lubos na walang maiisip. Ang estado na ito ay tinatawag na estado ng walang-pag-iisip. Ito ang estado ng meditasyon . Sa ganitong estado nasa ilalim tayo sa paliguan ng energiya ng kosmiko.
Habang
nagsasagawa pa ng maraming meditasyon mas maraming enerhiyang kosmiko ang
matatanggap. Itong
enerhiyang kosmiko ay dadaloy sa enerhiya ng katawan. Ito
ay tinatawag na katawang
etheriko. Ang enerhiya ng katawan ay nabubuo ng
may mahigit sa 72,000
mga tubo ng enerhiya na tumatakbo ang lahat
sa buong bahagi ng katawan. Lahat ng mga tubo ng enerhiya ay
pumapasok simula sa tuktok
ng rehiyon ng
ulo. Ang rehiyon na ito ay tinatawag na tirahang bahay ng kaluluwa ng
tao. Itong mga tubo ng enerhiya ay kumakalat sa
buong katawan na katulad ng mga usbong o mga ugat ng isang halaman.
Ang enerhiya ng katawan ay
ang pangunahing pundasyon para sa disenyo ng ating
mga buhay. Itong mga enerhiya ng katawan ay
ang pangunahing pinangagalingan para sa
lahat ng ating
mga pagkilos at pati sa pagkakaroon n gating
buhay. Ang enerhiya ng katawan ay tumatanggap enerhiyang
kosmiko sa panahon ng ating pagtulog
at panahon ng megitasyon o pagninilay.
Ginagamit natin ang enerhiyang
ito para sa mga
gawain ng ating
katawan at isip tulad
ng pagtingin, pagsasalita,
pagdinig, pag-iisip at ang lahat ng mga
pisikal na pagkilos. Lahat ng mga gawaing ito ay lubos
na nakabatay sa papasok na enerhiyang
kosmiko. Ang pagdagsa ng enerhiyang kosmiko ay nakabatay sa
ating pag-iisip at pananaw.
.
Kapag mayroon
tayong mga pananaw o iniisip, ang
pagdagsa ng enerhiyang
kosmiko ay nababaradohan. Sa
ibang salita, ang ating mga pag-iisip ay
ang hadlang para sa malakas na pag-agos ng enerhiyang
kosmiko. Kapag ang pag-agos
ng enerhiyang kosmiko ay mas mababa,
ang tubo ng enerhiya ay nauubos. Ang Pag-kaubos na ito ay nagiging sanhi ng mga
etherikong pagkahiwalay hiwalay ng enerhiya
sa katawan. Itong etherikong
pagkahiwalay hiwalay ay
dahan-dahang humantong sa mga sakit ng pisikal na katawan.
Sa meditasyon,
makukuha natin ang masaganang enerhiyang kosmiko.
Dumadaloy
ito
sa lahat ng
ating mga tubo
ng enerhiya kapag
ang enerhiyang kosmiko ay dumadaloy
patungo sa tubo ng enerhiya dahil sa mabigat na daloy nito, nililinis nito ang lahat ng mga etherikong
pagkahiwalay hiwalay. Kapag nalilinis ang
etheriko nating katawan gumagaling tayo sa lahat ng karamdaman.
Kapag
nagsimula na ang mabigat na pagdaloy ng enerhiya
sa pamamagitan ng
bahay ng kaluluwa, makakaramdam tayo ng bigat upang magsalita. Huwag
magsalita o bumigkas ng anumang mga
orasyon magpahinga lamang lubos na
pagpapahinga, mapahinga i-krus ang
iyong mga binti,
pagyakaping ang iyong mga daliri, ibabaw ang enerhiya at magbigay
ng higit pang katatagan.
Ang mga mata ay
pintuan ng isip
kaya dapat itong nakapikit. Ang anumang pagsasalita ay mga gawain ng isip,
kaya dapat itong itigil.
Kapag ang katawan ay nakakapag-relaxs, an gating
kamalayan ay maglalakbay sa susunod na lugar ng ating isip
at talino. Ang kaisipan ay walang iba kundi isang
bugkus ng mga
iniisip, at maraming kaisipan ang
laging dumarating sa rehiyon ng ulo o sa bigat ng buong katawan.
Kapag ang enerhiya
ay naglilinis ng mga tubo ng enerhiya sa
isang partikular na rehiyon. Maaari tayong
makaramdam ng pangangati o sakit sa isang rehiyon, minsan maaari nating maranasan ang sakit sa iba't-ibang mga
lugar ng ating pisikal
na katawan. Para
sa ganoong sakit hindi natin kailangan
uminom ng kahit anong gamot. Lahat ng sakit na ito ay mawawala sa pamamagitan
ng karagdagang meditasyon.. Sa pamamagitan ng paggamit
ng higit pa at
mas maraming enerhiyang kosmiko sa
pamamagitan ng meditasyon mawawala ang lahat ng pisikal at mental na sakit. Kung tayo’y
magmemeditasyon sa loob ng pyramid
ang estado ng meditasyon ay maaaring makamit ng tatlong
beses pang mas mabilis kaysa sa normal.
Upang
mahanap
ang permanenteng liwanag
sa ating buhay ang bawat na panloob na
ay dapat na malinis na may magandang
saloobin at pag-uugali.
Ang mga saloobin at pag-uugaling ito ay hindi
dapat naiimpluwensyahan sa
pamamagitan ng anumang iba pang mga panlabas na mga
kadahilanan. Ang ating isip
at katawan ay
dapat na nasa ilalim ng kontrol lamang kapag ang pananaw natin ay positive, manabik
nang labis para sa mahusay
na mga bagay at
malaman ang dahilan
ng ating kapanganakan
ang pagka-alam tungkol sa ating sarili at
ang kahulugan kung bakit nandito tayo sa daigdig.
Ang
araw ay
nagbibigay ng liwanag sa lahat ng nilalang para makagawa ng
kabutihan para sa kanilang sarili at para
sa mga nilalang sa kaniyang paligid. At
dahil tayo kami ay bahagi ng kalikasan,
dapat nating maunawaan ang bawat isa at
ang lahat ng tungkol sa Kalikasan. Ang liwanag ay
isang paraan ng
Pag-ibig kung saan kinakailangan ito ng bawat isa upang mabuhay
ng maligaya hanggang sa ating huling hininga.
Pag-aralan
naman natin ang tungkol sa pyramid at ang kapangyarihan ng pyramid.
Ang pyramid ay ang
pinaka-matatag na
istraktura na nakatanggap
ng pinakamataas na enerhiyang
kosmiko sa mundong ito. Ang pyramid ay
naka-porma sa isang anggulong 52 degrado
51 minuto at
dahil sa anggulong
ito, na natatanggap nito ang pinakamataas na
energhiyang kosmiko. Ang
pyramid ay maaaring
itinayo sa anumang materyal. Ang materyales na gagamitin ay
walang pagkakaiba sa pagtanggap ng enerhiyang kosmiko. Ang pyramid ay dapat nakahanay sa
perpektong direksyong kardinal - hilaga, timog, silangan
at kanluran. Ang enerhiyang
kosmiko kukuha at maiipon sa 1/3 taas mula sa base ng pyramid. Ang lugar na ito ay kilala bilang silid ng hari. Ang
enerhiyang kosmiko ay pinaka-mataas at pinaka-malakas sa silid ng hari. At
kumakalat ito sa buong pyramid.
Ang
paglalagay ng kristal
sa tuktok ng
pyramid, ay nagpapalakas at namamahagi ng enerhiyang kosmiko sa buong pyramid. Ang
walang iniisip na estado ay tatlong
beses mas mabilis mararating ng
isang tao kung ginagawa niya ang meditasyon sa loob ng pyramid. Ang pyramid ay maaaring gamitin para sa komunikasyon na
may mas mataas na frequencies. Ang Meditasyon sa pyramid ay nakakatulong sa pagpapagaling at
para sa lahat ng mga
karanasan sa meditasyon.
Ang
meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili.
Dahil dito dapat nating malampasan
ang ating katawan at kaisipan. Sa pamamagitan
ng kumportableng pustura.
Ang ating katawan
ay lubos na nakakapag-relaks at ito ay nakakatulong para
makalakbay tayo sa kamalayan ng ating katawan.
Sa pamamagitan ng
pag-obserbahan sa
ating normal na paghinga
ating malalampasan ang ating katawan at kaisipan
doon na dadaloy ang enerhiyang kosmiko. Ang enerhiyang kosmiko ay
nag-aalis at naglilinis ng lahat
ng mga sakit sa
ating katawan. At dahil doon tayo ay magiging malusog nang walang anumang gamot.
Kapag
mas
maraming enerhiyang kosmiko ang nakukuha
lahat ng mga tensiyon at pagkapagod ng isip
ay nababawasan. Habang laging nagsasagawa ng meditasyon, ang
isip ay nagiging kalmado
at nagkakaroon ng mas maraming espasyo. Ito ay humahantong sa mas
mataas na kapangyarihan ng memorya. Ang patuloy ng pagsasagawa ng
meditasyon ay humahantong sa mas mataas na mga kakayahan sa pang-unawa
at ito ay humahantong sa magandang personal na relasyon. Pinahuhusay
ng meditasyon ang kaligayahan ng buhay ng pamilya.
Ang kaisipan ay magiging panatag. Ang meditasyon ay tumutulong sa atin upang
maging malusog at maligaya. Ang
meditasyon ay makakatulong sa atin na makakuha ng mas maraming mga sagot sa lahat ng
ating mga katanungan.
Upang makamit ito
ang pagsasagawa ng meditasyon ay dapat
magisagawa ng araw-araw. Ang
meditasyon ay maaaring gawin sa alin mang lugar. Ang meditasyon ay maaaring gawin
sa anumang oras, kahit na sa panahon ng isang paglalakbay. Sa pagsasagawa ng meditasyon, dapat
itong gawin sa tagal ng oras na katumbas sa iyung
edad.
Halimbawa,
ang isang 30 taon
gulang na tao
ay dapat gumawa ng
meditasyon ng hindi bababa sa sa 30 minuto sa isang sesyon.
Hindi mo kinakailangang iwan ang pamilya mo para makapag meditasyon sapagkat
dapat din nilang gawin ito na magkakasama kayo. Ang mga
bata ay magadang matutong mag meditasyon. Maaari silang magsimula ng meditasyon sa edad na 5. Para sa
meditasyon hindi mo kinakailangang maghanap ng pisikal na guru / master. Ang Guru ang master ay
nasa iyong loob. Ang iyung hininga ay
ang iyung guru. Ang iyong hininga ay ang iyong maestro. Ito
ay para sa lahat.
BAHAGI 2
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman ? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
Ang meditasyon ay isang paglalakbay patungo sa sarili. Para magawa ang meditasyon dapat tayong lumampas sa ating katawan at kaisipan. Kapag nalagpasan natin ang ating katawan at kaisipan maaabot natin ang ating sarili. Saka natin matatangap ang masaganang enerhiyang kosmiko. Kapag mas marami ang ginagawang meditasyon ang ating kaalamang sa sarili ay mas lumalawak. Ngayon, subukan natin at unawain kung ano ang kaalaman ? Ang meditasyon ay magdadala sa iyo sa daigdig ng mas mataas na kaalaman. Ang Kaalaman ay walang iba kung hindi ang karanasan. Ang Karanasan ay walang iba kung hindi ang kinasasangkutan at nararanasan ng iyong sarili. Sa pamamagitan ng madalas na pagsasanay at pagsasagawa ng meditasyon tumatanggap tayo ng mas mataas na enerhiya.Kapag tayo ay merong mas mataas na enerhiya ang mas mataas na paglahok ay ating nakakamit sa bawat aspeto ng ating buhay na humahantong sa mas mataas na kaalaman. Sa pamamagitan ng kaalaman makakakuha tayo ng mas mataas na-pang-unawa at karunungan. Sa ganitong pag-unawa mauunawaan natin na hindi lamang tayo nabubuo ng katawan at kaisipan.
Nauunawaan
natin na tayo ay
isang mahimalang nilalang. Nauunawaan natin na ang lahat ng mga sitwasyon
na dumating sa
atin at ang lahat ng ating
mga problema na ating
nalalagpasan ay dahil sa mas mataas ba pang-unawa. Ang mas mataas na enerhiya at
ang mas mataas na kaalaman ay nagpapalawak ng ating kamalayan.
Ang pagpapalawak ng ating kamalayan ay ang
pinaka-layunin ng ating sarili. Ang mas mataas na kaalaman ay
nakukuha lamang sa
pamamagitan ng mas mataas na mga pandama tulad ng Third Eye at katawang astral.
Ang
ikatlong
mata ay isang napakalakas
na kasangkapan ng kaluluwa upang makakita, makadama at makarinig ng mas mataas na prikwensiya ng mga realidad at katotohanan. Ang tatlong kasangkapan ng kaluluwa ay kilala
bilang "ikatlong mata".
Sa
pamamagitan ng pagsasanay
at pagsasagawa pa ng higit pang
meditasyon mas maraming enerhiya ang dumadaloy kapag mas maraming enerhiya ang
dumadaloy nagiging aktibo ang ikatlong mata. Ito ay isang
napaka-gandang karanasan sa panahon ng meditasyon
sa oras ng aktibasyon
ng ikatlong mata makakaramdam
tayo ng sensasyon ng pangangati o o sensasyon ng
panlalamig sa rehiyon ng noo. Unti-unti
tayong makakakita ng iba't ibang mga kulay na umiikot sa ating paligid. Makakarinig
tayo ng tumutunog na mga bulong, maririnig natin ang tunog ng paglalakad. Nararamdaman
natin na parang naglalakbay
tayo sa isang madilim na lagusan. Kapag ang
ating katawang eteriko ay nakakatanggap ng sapat na energhiyang kosmiko sa
pamamagitan ng mas madalas na meditasyon ang third eye natin ay nagiging
perpekto. Rito ay makikita natin ng mas malinaw ang mga pangitain. Kapag perpekto na ang thirdeye makikita natin ang
mas maraming bagay ng mas malinaw pa sa pisikal
na mga pangitain.
Makikita natin ang realidad ng ibang tao, makikita natin ang mga bagay na hindi
makikita sa mundo ng limang pakiramdam.
Nakakaramdaman
tayo ng maraming mga bagay na hindi
natin maaaring ipahayag
sa mga salita. Nakakarinig tayo ng mga panloob na
boses, tunog o
tunog ng mga
instrumento mula sa iba pang mga prikwensiya. Nakikita natin ang mga Masters kahit wala ang kanilang pisikal na katawan. Nakikita natin ang
mga Masters sa
isang pisikal na kaanyuang ayon
sa ating pagkakaalam. Pagkatapos ng
mas maraming meditasyon, unti-unti
nating makikita ang mga masters na tulad ng "Maliwanag
na ilaw", kahit
na sa pamamagitan ng nakikita nating maliwanag
na ilaw alam nating ito ang
pagkakakilanlan ng ating mga masters.
Maririnig
natin ang
mga mensahe mula
sa mga Masters. Nararamdaman
natin ang pagpunta natin sa isang
lagusan at sa
wakas ay sumasama na tayo sa liwanag.
Ang
Ilaw ng Katawan
(Lucas 11:34-36)
(Lucas 11:34-36)
22 "Ang mata ang ilaw ng katawan. Kung malinaw ang iyong paningin,
maliliwanagan ang iyong buong katawan. 23 Ngunit kung malabo ang iyong
paningin, mapupuno ng kadiliman ang iyong buong katawan. At kung ang liwanag
mo'y madilim, ikaw nga ay tunay na nasa kadiliman."
33 "Walang nagsisindi ng ilaw upang itago lamang iyon, o kaya'y ilagay sa
ilalim ng malaking takalan. b Inilalagay ang ilaw sa talagang patungan upang
matanglawan ang mga pumapasok sa bahay. 34 Ang iyong mata ang ilawan ng iyong
katawan. Kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan.
Ngunit kung malabo ang iyong mata, ang buo mong katawan ay mapupuno ng
kadiliman. 35 Kaya't mag-ingat ka, baka ang liwanag na inaakala mong nasa iyo
ay kadiliman pala. 36 Kung nasa liwanag ang buo mong katawan at walang bahaging
nasa dilim, magliliwanag itong parang isang ilawan na tumatanglaw sa iyo."
Sa
pamamagitan ng karanasan sa third eye o ikatlong mata alam
natin na maaari tayong makakuha ng mga kasagutan para sa lahat ng ating mga problema
sa pamamagitan ng mga mensahe mula sa Masters,
o sa pamamagitan ng pagtingin sa iba pang prikwensiya ng realidad ng katotohanan o pamamagitan ng pakiramdam. Sa
pamamagitan nito, ang ating mga pagkilos ay magbabago. Ang ating mga paniniwala ay magbabago, ang ating
pang-unawa ay magbabago.
Pagkatapos ng ating karanasan tungkol sa ikatlong mata makikita natin ang mga
pagbabago sa ating pagkaunawa ng mga pisikal
na kalagayan. Ngayon, atin naming
alamin ang iba pang kasangkapan ng ating sarili iyan ang katawang astral.
1
Corinto 2: 1-16
Ang
Ipinangangaral ni Pablo
1 Mga kapatid, nang ako'y pumunta riyan, ipinahayag ko sa inyo ang hiwaga a ng
Diyos hindi sa pamamagitan ng kahusayan ng pananalita o ng malawak na
karunungan. 2 Sapagkat noong ako'y nariyan, ipinasya kong walang sinumang
kilalanin maliban kay Jesu-Cristo na ipinako sa krus. 3 Noong ako'y nariyan,
ako'y nanghihina at nanginginig sa takot. 4 Sa aking pananalita at pangangaral
ay hindi ko sinubukang hikayatin kayo sa pamamagitan ng mahuhusay na talumpati
at karunungan ng tao. Subalit nangaral ako sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
Espiritu. 5 upang ang inyong pananampalataya ay masandig sa kapangyarihan ng
Diyos at hindi sa karunungan ng tao.
Ang
Karunungan ng Diyos
6 Sa mga matatag na sa buhay espirituwal ay nangangaral kami ng salita ng
karunungan, hindi karunungan ng mundong ito, o ng mga tagapamahala sa mundong
ito na ang kapangyarihan ay lilipas. 7 Subalit ang ipinapahayag namin ay ang
lihim na karunungan ng Diyos na hindi nahayag noong una, na itinalaga na niya
para sa ating ikaluluwalhati bago pa likhain ang sanlibutan. 8 Walang isa man
sa mga tagapamahala sa daigdig na ito ang nakaunawa sa karunungang iyon,
sapagkat kung naunawaan nila iyon, hindi sana nila ipinako sa krus ang
Panginoon ng kaluwalhatian. 9 Subalit tulad ng nasusulat,
"Hindi pa nakikita ng mata, o
naririnig ng tainga,
ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya."
ni hindi pa sumasagi sa isip ng tao
ang mga inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kanya."
10 Ngunit ito'y inihayag na ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu.
Sinasalikisik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na
layunin ng Diyos. 11 Sapagkat walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban
sa kanyang sariling espiritu. Gayundin naman, walang nakakaalam sa mga iniisip
ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. 12 Ang tinanggap natin ay hindi ang
espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu na mula sa Diyos upang maunawaan
natin ang mga kaloob niya sa atin.
13 Kaya nga, kami ay nangangaral hindi sa pamamagitan ng karunungan ng tao
kundi sa pamamagitan ng Espiritu. Ang ipinapaliwanag namin ay mga katotohanang
espirituwal para sa mga pinapanahanan ng Espiritu. 14 Sapagkat ang taong di
pinapanahanan ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng
Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat
ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. 15
Sinisiyasat ng taong pinapanahanan ng Espiritu ang lahat ng bagay, ngunit
walang sinumang makakasiyasat sa kanya.
16 "Sino ang nakakaalam ng
pag-iisip ng Panginoon?
Sino ang makapagpapayo sa kanya?"
Sino ang makapagpapayo sa kanya?"
Ngunit nasa atin ang pag-iisip ni Cristo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento