Sagradong Aklat 12
Spiritual Healing Massage mula sa mga Health Angels at
Engkanto De Dios.
Gawing bahagi ng ating buhay ang
kapangyarihan at artistikong kaparaanan upang makagamot, makapagapagaling sa
pamamagitan ng spiritual healing massage na may kasamang malalim na kaalaman,
katalinuhan, pang-unawa at kasanayan.
Isa 61:1 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa
akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting
balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na
puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa
nangabibilanggo;
Isa 61:2 Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng
Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong
lahat na nagsisitangis;
Isa 61:3 Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion,
upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng
kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng
kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na
pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.
Isa 61:4 At sila'y magtatayo ng mga dating sira,
sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang
bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.
Isa 61:5 At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at
mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging
inyong mga mangaararo at mangungubasan.
Isa 61:6 Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng
Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: kayo'y
magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri
kayo.
Isa 61:7 Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo
kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa
kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong
kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.
Isa 61:8 Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng
kahatulan, aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking
ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y
makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.
Isa 61:9 At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng
mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita
sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng
Panginoon.
Isa 61:10 Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang
aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya ako ng mga
damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng
kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang
babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.
Isa 61:11 Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol
ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim
sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa
harap ng lahat na bansa.
Oracion para tumalino at
maintindihang mabuti ang tinuturo ng aklat na ito:
“Habang paparating
ang bagong milenyo, ang kahalagahan natin bilang tao ay matutukoy lamang sa
pamamagitan ng kakayahan nating maramdaman at maranasan ang kagandahan ng buhay
sa kabila ng pagharap natin sa mundong nawawalan na ng sarili niyang karakter o
pagkatao.
Ang “Spiritual
Healing Massage” ay lagpas na sa inaasahan; pagdating sa pagsasagawa ng masahe
na nakakatulong upang linisin at pagandahin hindi lamang ang sistema ng ating
pisikal na katawan, kundi maging ang ating spiritual na katangian; maging ikaw
man ang gagawa ng masahe o ikaw ang gagawan ng masahe.
Ang maingat na
pagbabasa at tamang pag-intindi rito ay magtuturo sa inyo kung paano
pagsasama-samahin ang iba’t ibang paraan ng pagmamasahe na may kasamang
sagradong orasyon at ang kamangha-mangha nitong benepisyo sa ating katawan sa araw-araw
nating pamumuhay.
“Ang masahe ay
isang magaling na gamot, at sa tulong ng “Spiritual Healing Massage”, lahat
tayo ay magkakaroon ng kamay na nakakapagpagaling, kung hindi man ay alam
nating kung saan natin ito mahahanap at makatulong makagamot bilang misyon ng
kabutihan sa ating kapwa tao.
Oracion para maging tama ang oras ng pagpapala sa isang
bagay na gagawin.
----------------------------------------------
Mat 10:8 Heal the sick, bring the dead back to life,
heal those who suffer from dreaded skin diseases, and drive out demons. You
have received without paying, so give without being paid.
Ang “Spiritual Healing Massage” ay isang
praktikal na patnubay sa kahit na sino man na may kagustuhang palawakin ang
kakayahan nila magsagawa ng masahe, mula sa pagiging
baguhan hanggang sa pagiging propesyonal.
Ito na ang tamang panahon upang maunawaan
ng tao ang magandang benepisyo ng masahe. Ang aklat na ito ay nagpapakita ng
praktikal na paraan upang ang lahat ay matulungang mabawasan ang kanilang
stress o alalahanin at pahabain pa ang kanilang buhay sa pamamagitan ng isang
simple at eleganteng masaheng nakakapagpagaling na sinasamahang ng pambuhay na
orasyon maging ng mga pampalakas at pag rejuvenate na dasal.
Orasyon para
ma-rejuvenate ang spiritual massage therapist ng lumakas ang aura at maka gamot
bago magbigay ng healing massage.
Ang masahe, kung maisasagawa ito ng tama, ay makakatulong upang palayain
at pag-aanin ang pakiramdam ng ating katawang laman, muling buhayin at
palakasin ang ating espirito at kaluluwa.
Ang mabuting paraan ng pagmamasahe ay ang tanging lunas sa
anumang nagbibigay karamdaman o nagpapasakit sa iyo.
1Ki 13:6 At ang hari ay sumagot, at nagsabi sa lalake
ng Dios, Isamo mo ngayon ang biyaya ng Panginoon mong Dios, at idalangin mo
ako, upang ang aking kamay ay gumaling. At idinalangin ng lalake ng Dios sa
Panginoon, at ang kamay ng hari ay gumaling uli, at naging gaya ng dati.
Oracion:
Para maging efektivo at maintindihan ang mga itinuturo.
Marahil, ang pinakamagandang dulot ng
masahe ay ang katotohanang ito ay nagbibigay kaluguran at ginhawa sa lahat at
maging sa sinumang mayaman sa mundo. Ang sagradong aklat na ito ay magpapakita
ng dose-dosenang kaalaman upang tulungan ka na makamit ang kapayapaan ng
kalooban at magkaroon ng bagong antas ng pagkatao.
"Ang mga doktor ng hinaharap ay hindi na
masyadong magbibigay ng gamot bilang reseta sa pag-galing ng kanyang pasyente,
kung hindi magtuturo na kung paanong maaalagaan ang kanyang katawan, tamang
pagkain, mga dahilan at kung paano maiwasan ang anumang karamdaman”
Para sa mga taong nakatuklas na nito, ang
masahe ay isa sa pinakamahusay na bagay sa ating planeta. Ito ay mainam na
paraan upang gumanda ang pakiramdam, hitsura, at ito rin ay nakakatulong upang
tratuhin ng mas maayos ang ibang tao maging ang ating sarili.
Ito ay isang daang porsiyentong mabuti
para sa iyo nang hindi gumagamit ng kahit anung artipisyal na sangkap at ito ay
madaling gawin. Sa katunayan, ang isa sa pinakamagandang bagay sa masahe ay
hindi ka mangangailangan ng mamahaling kagamitan upang maisagawa o makapagbigay
nito. Ang tanging kailangan mo lamang upang makapagsimula ay ang katawan ng
tao.
Ang paghaplos at pagmamasahe sa ibang tao
na may intensyon na makapagbigay ng ginhawa sa kanilang pakiramdam at mapabuti
ang kalidad ng kanilang pamumuhay ay isa sa kapaki-pakinabang na paraan upang
gamitin ang oras ng iyong buhay dito sa lupa bilang isang tao. Ang masahe ay
higit pa sa isang trabaho; ito ay isang tungkulin, kabutihan o misyon.
2Ki 20:1 Nang mga araw na yaon ay may sakit na
ikamamatay si Ezechias. At si Isaias na propeta na anak ni Amos ay naparoon sa
kaniya, at nagsabi sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, Ayusin mo ang iyong
bahay; sapagka't ikaw ay mamamatay, at hindi mabubuhay.
2Ki 20:2 Nang magkagayo'y kaniyang ipinihit ang
kaniyang mukha sa panig ng bahay, at nanalangin sa Panginoon, na nagsasabi,
2Ki 20:3 Idinadalangin ko sa iyo, Oh Panginoon, na
iyong alalahanin, kung paanong ako'y lumakad sa harap mo sa katotohanan, at may
dalisay na puso at gumawa ng mabuti sa iyong paningin. At si Ezechias ay umiyak
na mainam.
2Ki 20:4 At nangyari, bago si Isaias ay lumabas sa
pinakaloob ng bayan, na ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na
nagsasabi,
2Ki 20:5 Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na
pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong
magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha:
narito, aking pagagalingin ka: sa ikatlong araw ay sasampa ka sa bahay ng
Panginoon.
Oracion:
Para maabot at marating ang mga pangarap patungo sa pagtatagumpay kahit na
maraming pagsubok.
Upang makapagbigay ng magandang masahe, ibulong mo ang mga
nakakapag pagaling na orasyon, nangangailangan ng pagsisikap at spiritual na enerhiya.
Mas maisasagawa ito ng mabuti kung ang iyong pag-iisip ay handa para hindi
maging sanhi ng sobrang kapaguran. Dapat malakas ang sariling shield at
protection o edeus para hindi ma higup ng minamasahe ang iyung energiya. Kaya
palakasin muna ang aura sa pamamagitan ng shield prayer at usalin ang pater na pambuhay
ng life force ng katawan mo.
Oracion para sa Kagalingan sa
anumang karamdaman
MASAHE PARA SA MAS MAGANDANG KALUSUGAN AT
KASIYAHAN
Ang masahe ay hindi lamang simpleng
paghaplos, ito ay makakatulong upang mas pagandahin pa ang iyong buhay
-Ito ay may mas malalim pang dahilan upang
isama sa ating buhay, mga dahilang may mas malalim na implikasyon para sa mas
maayos na kalusugan, ng pagkatao at mas mahabang buhay.
Oracion para sa Instantaneous
Healing for Pain
Oracion para sa
Stronger Lazer
Instantaneous Healing for Pain
Mga Pangunahing
Benepisyo ng Masahe
Paano
nakakatulong ang masahe sa mga tao upang baguhin ang kanilang buhay at
pagalingin ang kanilang sarili.
ü
Nagpapaganda
ito ng daloy ng dugo sa ating buong katawan
ü
Pinalalakas
ang energy force ng ating katawan
ü
Ginagamot
nito ang mga nasirang tissues
ü
Pinapalusog
nito ang ating kutis
ü
Ito
ay nakakapagbigay ng mapayapang pakiramdam
ü
Nakakapagpabawas
ito ng mga alalahaning pangemosyonal
ü
Pinapaganda
hindi lang ang loob kundi pati ang panlabas na hitsura ng katawan.
Oracion para sa Fast tract
Charging ng mamasahihen
Dahil pahaba ng pahaba ang oras ng tao sa
kaniyang trabaho na pupwersa ang ating
katawan ng hindi natin namamalayan. Ang paulit-ulit na ginagawang pagkilos ay
nakapag bibigay na ng strain maging ng pinsala sa ating katawan.
Maging sa pananaliksik ay napatunayan na ang masahe ay may malawak na hanay ng mga benepisyo at ang mga manggagawa na madalas mamasahe ay mas magandang mag trabaho, alerto at bawas ang stress kaysa sa mga trabahador na hindi na mamasahe.
Ito pa ang mga benepisyo ng masahe:
1. Nakaka alis ng stress
2. Nagpapabuti ng konsentrasyon at lumilinaw ang pag iisip
3. Nag papaginhawa ng tensyon sa mga muscles at sa paninigas nito
4. Pinatataas ang flexibility ng mga joint at ang lawak ng pag galaw nito
5. Tumutulong maiwasan ang paulit-ulit na pinsala sa katawan
6. Nagpapabuti ng sirkulasyon ng dugo at lymph
7. Nag papump ng oxygen at mga nutriets sa ating mga tissues at mga vital organs
8. Pinagbubuti ang kalagayan ng pinakamalaking organ ng katawan - ang balat
9. Pinalalakas ang immune system
10. Tumutulong mabawasan ang mga tensyon kaugnay ng mga sakit ng ulo maging sa epecto ng panlalabo ng mata
Oracion para sumigla at maayos
ang variations ng mga Charges ng minamasahe.
Siyempre ang isa sa mga pangunahing benepisyo ng masahe ay
ang simpleng katotohanan na makakaramdam ka ng matinding ginhawa, lalo na kapag
ito ay ginawa ng isang sanay ng taga masahe na nakakaalam ang tamang aplikasyon
tamang lakas para gumihawa ang pagod na katawang lupa.
Tumutulong
itong bawasan ang tensyon at pananakit ng ating mga muscles habang nalilinis
ang ating kaisipan mula sa iba’t-ibang alalahanin.
Isa sa
mga direktang epekto ng masahe ay ang mabawasan ang tensyon na nararamdaman
natin kapag nagkakaroon ng pagbubuhol buhol o pananakit ang ating mga muscles.
Ito ay makakamit sa pamamagitan ng ilang paraan:
Ang paglalapat ng presyon sa katawan ay nagbibigay kamalayan
sa atin na ang isang bahagi ng katawan ay may tensyon at dahil dito ang taong
minamasahe ay matutulungang mailabas ang tension na ito.
Sa pamamagitan ng paghagod sa isang bahagi ng katawan, lumilikha
ito ng init na nagpapalambot sa matitigas nating tissues.
Sa pamamagitan ng paghaplos at pagmamasahe kasabay ng pag
usal ng mga orasyon sa ilang bahagi ng katawan, ang ating mga nerves ay
lumalambot at natutulungang mabawasan ang paninigas ng mga ito.
Oracion
Pang-hilum sa mga sugat
spiritual pang-tunaw din sa mga bukol
Ang
masahe rin ay tumutulong upang dumaloy ang dugo sa mga parte ng katawan na
nagkukulang sa sapat na daloy ng dugo, at dahil dito mas maraming oxygen at
nutrients ang nakakapasok sa loob ng ating tissues.
"Karamihan sa mga gamot na
nabibili over-the-counter at halos lahat ng gamot na inireseta ay itinatago
lamang ang sintomas ng sakit upang ito ay hindi na maramdaman. Binabago nito
ang natural na pag-laban ng mga organs tulad ng sistema ng sirkulasyon. Madalas
ang mga gamot na ito ay hindi nakakagamot kung bakit nagkaroon ng karamdaman,
ngunit nakakalikha pa ng mga bagong sakit na tinatawag na side effects. "
Orasyon para mabawasan ang side
effects ng mga synthetic drugs at mabuhay ang life force nito para makagaling
ng mga sakit.
Tumutulong rin ang masahe upang dumaloy ang dugo na sagana sa
sapat na nutrients sa mga parte ng katawan na nagpapagaling mula sa isang
karamdaman, at dahil ito ay nakakaalis ng toxins o lason sa dugo, ito ay
tumutulong para mas madaling gumaling mula sa karamdaman.
May ilang uri ng masahe na nagpapabanat at nagpapalambot sa
mga parte ng katawan na may mga nasirang tissues. Tumutulong ito upang mas
mabilis na bumalik ang natural na kakayahan ng tissue na bumalik sa normal
niyang hitsura at lakas.
Oracion para magamot
ang mga nasirang tissues:
Mas makikita sa ating kutis ang magandang epekto ng masahe.
Ito ay nagpapakinis, nagpapabuhay at mas pinapagana ng maayos ang ating kutis
sa pamamagitang ng pag-aalis ng patay ng cells. Sa pamamagitan nito, mas
nasisipsip o naabsorb ng kutis ang moisture, nutrients, vitamins at ilan pang mahahalagang
elementong kinakailangan ng ating kutis; lalo na kung isinagawa ang masahe sa
tulong ng creams, oils at lotion.
Pambuhay na dasal sa mga creams, oils, lotions at iba pa.
Dahil dito, ang masahe ay tumutulong upang makahinga ang
ating kutis gaya ng ating baga. Para maging malusog ang ating kutis,
kinakailangan nitong makahinga ng papaloob at papalabas at ang pagmamasahe ang
pangunahing makakatulong upang mangyari ito.
Ang pagsasagawa ng masahe sa pamamagitan nang pag-aalay ng
tuloy-tuloy, bukal sa loob at may kasamang pag-aalaga na haplos ay
pinakamagandang paraan upang makapagbigay ng pangunahing kailangan ng tao noon
pa man; ang magaang na pakiramdam pang-emosyonal.
Ang paulit-ulit na pagsasagawa ng breathing at concentration
exercises, ay nakakabawas ng malaki sa level ng ating stress. Ang masahe ay
para na rin nagbigay ng isang bakasyon sa loob ng iyong katawan kung saan
makakaramdam ka ng maaliwalas at magaang na pakiramdam.
Nagpapaganda
ng panlabas na hitsura
Ang
kombinasyon ng iba’t ibang masahe ay nag-iiwan ng mas magandang hitsura mula sa
dati nilang hitsura. Sa ganitong paraan, ang masahe ay nakakapagpaganda kahit
pa sa taong may hindi kaaya-ayang hitsura.
Sa
kahit sino na hindi gaanong kaaya-aya ang panlabas na hitsura, maari pa rin
maging kaakit-akit lalo na kung sila ay:
ü Walang alalahanin
ü Malusog
ü May mamula-mulang kutis dahil sa magandang sirkulasyon
ü Mabilis na pagaling mula sa anumang pananakit na
nararamdaman sa katawan
ü May makinis na kutis
ü May tiwala sa sarili
ü May payapang kaisipan
Sino
ang makakatiis sa isang taong tulad nito?
Sino ang maaaring pigilan ang isang tao tulad ng nito?
Rehabilitative massage
Ang ganitong uri ng masahe ay tumutulong sa katawan upang
ayusin ang kaniyang sarili. Maraming tao ang nakatuklas na ito ang pangunahing
solusyon upang matulungan ang katawan na gumaling nang mas mabilis at makabalik
sa normal na nitong gawain matapos ang ilang posibleng injuries at operasyon.
Esthetic
massage
Lahat
naman tayo ay nagnanais na magmukhang kaakit-akit sa abot ng ating makakaya at
ang masahe ay nakakatulong dito. Ang masahe ay nagpapalambot ng ating kutis at
nagbibigay ito ng malusog na hitsura ng ating balat. Nakakatulong rin ito upang
mabawasan ang ilang iregularidad gaya ng sobrang taba na naipon sa ilalalim ng
ating balat.
May mga
taong isinasama ang masahe na parte na ng kanilang pamumuhay upang magpaganda, mapabata ang kanilang hitsura.
Ang pag-unawa sa lakas na nagmumula sa sistema ng katawan,
ang pag-tutok kung paano balansehen at mas palakasin ang ating hindi nakikitang
enerhiya sa loob natin ay mga teknik na isinasagawa na noon pang unang panahon
gaya ng acupressure .
Masahe upang magkaroon ng mas mataas na kamalayan
Karamihan sa atin ay naninirahan sa ating katawan na wala man
lang masyadong malalim na pag-iisip ukol dito. Tayo ay umuupo, naglalakad,
humihiga bilang piloto ng ating katawan at tayo ay umaasa lamang sa mga luma
nating nakagawian ng tayo’y mga bata pa. Kung minsan, tayo ay negatibong
naapektohan ng pinsala o injury sa ating katawan na nagpipigil sa atin na gawin
ang mga dati nating kayang gawin. Pakiramdam natin, tayo ay nakulong na sa mga
pinsalang ito at hindi na tayo makakaalis pa.
Ang masahe ay nakakatulong upang magkaroon tayo ng mas mataas
na kamalayan kung paano makakawala sa tensyon na dulot ng ganitong sitwasyon at
tinutulungan tayo na maibalik ang ating tiwala sa sarili at ilabas ang
negatibong pananaw sa itsura ng ating katawan.
Kahit na sinasabi ng medisina na
ang iyong sakit ay wala ng kagalingan o lunas.
At pinapayong ang opsiyon mo
lang para mabuhay ay ang umasa sa mga gamot na nakakalikha ng iba’t-ibang side
effects, merong pag-asa para mabaligtad ang kondisyong ito sa pamamagitan ng
spiritual healing massage.
Spiritually oriented massage
Ang anumang uri ng masahe ay maaring maging isang espirituwal
na karanasan depende sa kung paanu mo damahin ang masahe. Ang tanging kailangan
mo lamang ay ang dalawang tao na nakapokus sa iyong
kamalayan, paghinga at may simpatiya sa iyong pakiramdam.
Ang masahe ay maaring gamitin sa sumusunod na paraan:
- ito ay maaring makatulong sa meditasyon, ang mabuting masahe ay nagbibigay ng isang tahimik na kaisipan at tumutulong upang maalala ang mga mahahalagang bagay sa iyong buhay.
- ito rin ginagamit ng mga ministro, madre at ibang pang miyembro ng simbahan o relihiyon upang makapagpagaling.
- ang mga practitioners gaya ng taoist at buddhist ay pinag-aaralan ang iba’t ibang sining ng pagmamasahe at isinasagawa ito sa kanilang mga templo.
Masahe para sa emosyonal na paglago
Ang pagpapamasahe ng may halong pag-aalaga, at intensyong
makapagpagaling ay nagbibigay ng isang mataas na antas ng maturidad sa isang
tao.
Maraming uri ng masahe ang nilikha upang magbigay daan sa mga
isyu na pangkaisipan at bigyan ito ng kaliwanagan. Ito ay subok na, lalo na sa
mga taong may pinagdaanang matinding traumang pang-emosyonal tulad ng
pang-aabuso at negatibong pagtingin sa pisikal na kaanyuan dahil sa kapansanan.
Ang mabuting
pagmamasahe ay isinasagawa kasabay ng paghaplos at paggamit ng makapangyarihang
halamang gamot at mga orasyon. Ang pagkakaiba ng karaniwang paghaplos lamang at
paghaplos na may intensyong magpagaling, minsan ay gaya ng pagkakaiba ng buhay
at kamatayan. Ang tamang paghaplos ay napatunayan nang
nakakapagpapagaling.
Bagaman ang masahe sa kabuuan ay nakakapagbigay kasiyahan,
ito rin ay paraan upang matulungan ang mga tao na magkaroon ng mahusay na
pakiramdam sa iba’t ibang antas.
Ang masahe ay hindi lamang binuo upang ibalik ang pagalaw at
mawala ang pananakit ng katawan. Ito rin ay naging paraan na upang itaas ang
antas ng kamalayan at minsan daan na rin ito upang maabot ang iyong espiritu.
Oracion upang tumaas ang antas ng kamalayan:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento